2. Ugnayan ng wika at tao
• UGNAYAN NG WIKA AT TAO
Ayon kay Rankin, pitumpung porsyento (70%) ng gising na oras ng tao ay
inuukol niya sa pakikipagtalastasan. Samakatwid, wika ang ginagamit ng tao sa
maghapon niyang pakikipag-interaksyon sa kanyang kapwa.
Saan nga ba nagsimula ang wika? Ayon sa genesis 11:1-9, noon ay iisa
lamang ang wikang ginagait ng tao. Subalit noong nagtayo ng lungsodang mga tao
na halos abot sa langit ay lubos na nabahala ang Diyos dahil gusto nilang
langpasan ang Diyos. Pinag-iba-iba ng Diyos ang kanilang wika upang hindi sila
magkaintindihan at upang hindi matuloy ang kanilang balak. Ang pahayag na ito ay
pinaniniwalaan ng mga relihiyoso subalit ayon sa mga pilosopo at dalubwika, ang
wika ay dinevelop lamang ng tao para makabuo ng iba’t-ibang kaalaman.
Magkasalungat man ang pinaniniwalaan ng mga relihiyoso at klasikong
griyego, huwag natin kalimutan na Diyos ang lumikha at nagbigay sa atin ng talino
upang makatuklas ng mga bagay na maaari nating magamit sa araw-araw.
3. • Ugnayan ng wika at kultura
Sinasabing nasasalamn ang kultura ng isang lahi sa wikang siasalita ng lahing iyon. Ang kultura ang nagdidikta ng
mga leksikong magiging bahagi ng wika ng isang lahi.
Sinabi ni Gleason sa kanyang komprehensivong definisyon, ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang
tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Samakatwid, hindi pweding paghiwalayin ang wika at kultura dahil habang tinutuklas ng tao ang kanyang wika ay
tinutuklas din niya kung saans kultura siya nabibilang.
Ugnayan ng wika at lipunan
Bawat lipunan ay may kani-kaniyang wiak. Halimbawa nito ay ang Filipino, Ingles, Prances at iba pa. Sa pilipinas ay
may walong maituturing na pangunahing wika: Tagalog, Ilokano, Pangasinan, Pampanggo, Waray, Hiligaynon, Cebuano at
Bikol.
Dayalek ang tawag sa wika na nagkakaroon ng pagkkaiba-iba o varayti sa loob ng wika. Halimbawa na lamang ng
mga varayti ng Tagalog. Meron tayong Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-Bulacan at iba pa.
Ang Idyolek naman ay masasabing isang finger prints ng isang tao dahil tanging kanya lamang. Dito makikita ang
istilo ng isang individwal sa pagsasalita.
Tinatawag na Sosyolek ang wikang nakabatay sa pagkakaiba ng katayuan o istatus ng isang ginagamit ng wika sa
lipunang ginagalawan.
Kabilang naman sa mga Islang words ang haleer, yuck, praning, japorms, windang at iba pa. hindi ito lubos na
maintindihan ng mga may edad na kapag ito ay binibigkas ng mga kabataan.