4. Introduksyon :
Ang Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa? ay isang nobela na isinulat
ng batikang babaeng manunulat na si Lualhati Bautista.Hinggil ito
sa ginaganapang papel ng babae, katulad ng may-akdang si L.
Bautista, sa lipunan ng mga Pilipino na dating pinaiinog lamang ng
mga kalalakihan.
Sa mga nakalipas na panahon, sunud-sunuran lamang ang mga
kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki at iba pang
mga kalalakihan. Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na
gumagawa lamang ng mga gawaing pambahay, tagapag-alaga ng
mga bata, at tagapangalaga ng mga pangangailangan ng kanilang
mga esposo. Wala silang kinalaman, at hindi nararapat na
makialam – ayon sa nakalipas na kaugalian – hinggil sa mga paksa
at usaping panghanap-buhay at larangan ng politika. Subalit
nagbago ang gawi at anyo ng katauhan ng mga kababaihan sa
lipunang kanilang ginagalawan, sapagkat nagbabago rin ang
lipunan. Nabuksan ang mga pintuan ng tanggapan para sa mga
babaeng manggagawa, nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para
mapakinggan ang kanilang mga daing hinggil sa kanilang mga
karapatan, na buhay ang kanilang isipan, na may tinig sila sa loob
at labas man ng tahanan.
5. Sino nga ba si
lualhati bautista?
Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Filipinong manunulat.
Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento,
pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula.
Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2,
1945. Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School, noong 1958 ,at sa
Torres High School noong 1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the
Philippines, ngunit nag-drop out bago man niya matapos ang kanyang unang
taon.
Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka
Ginawa? na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses:
noong 1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award
para sa dalawa sa kanyang mga maikling kwento: Tatlong Kuwento ng Buhay
ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo
Ako ng Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang
script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-Best
Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards, at Star
Awards.
6. mga pangunahing
tauhan...
Lea – ang bida at bayani sa nobela
Maya – anak na babae ni Lea
Ojie – anak na lalaki ni Lea
Ding – lalaking kinakasama ni Lea, ama ni
Maya
Raffy – unang asawa ni Lea, ama ni Ojie
Johnny – kaopisina at matalik na kaibigan ni
Lea
7. Buod
panimulang bahagi
Nagsimula daw ang buhay ko nung nagkita ang punla ng aking itay at ang itlog
mula sa obaryo ni nanay....
Ang saya siguro ng pakiramdam ng dalawang magulang ko. Imagine, naging
katuwang sila ng Diyos upang makapag luwal ng panibagong buhay? Palagay ko sila
ay labis na nagmamahalan...
Bakit kaya paglipas ng dalawang buwan, naramdaman ko sumasama ang paligid
ko?
Hindi ko man marinig, nararamdaman ko ang panangis ni inay. Nasaan kaya si
tatay sa mga sandaling ito? Hindi ba dapat magkatuwang sila sa panahon ng
lumbay ni nanay? Subalit, may maliit na boses na pilit sumasagi sa munting isip
ko, hindi kaya si tatay ang dahilan ng panangis ni nanay? Nasaan si lolo at si
lola ko? Bakit hindi ko yata nararamdaman ang tuwa ni tito at tita ko? Hindi ba
dapat may kaakibat na saya ang pagdating ko sa mundong ito?
Lumipas pa ang isang buwan ng pighati, naranasan ng aking murang puso kung
paano masaktan mula sa kamay mismo ng aking magulang. Minumura nya ako sa
kanyang isipan, ramdam na ramdam ko ang kanyang suklam. Ano nga ba ang aking
sala? Masama pala ang maghangad na masilayan ko ang sikat ng araw, ang mayakap
ng aking inay sa kanyang kandungan, ang mangarap na pagpalain ng kanyang dibdib
ng buhay?
8. Alam ng Diyos, sinubukan kong lumaban upang mabuhay. Nilabanan ko ang
sakit sa katawan na dulot ng likido at gamot na ininom ng aking nanay. Sa bawat latay
na dulot ng damo na bigay Aling Tinay, ni minsan magdamdam ay hindi pumasok sa
aking isipan .
Ngunit, may hangganan din pala ang aking kakayahan. Wala akong magawa ng
isang araw nilasog lasog nila ang mura kong katawan. Pinilit nilang iwalay ang sarili
ko sa bahay bata kong sinisilungan. Linya ng buhay, nalagot na ng tuluyan....
Ahhh, mas masarap nga yata mamahinga na lang ng tuluyan. At least sa bahay ni
bathala, mayroon akong kalalagyan..... Sa kabila ng lahat....... Mahal ko kayo
aking nanay at tatay............ sa kabilang buhay ako ay maghihintay.....
Umiinog ang katha sa pambungad na pagtatapos ng kaniyang anak babaeng si
Maya mula sa kindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula,
maayos ang takbo ng buhay ni Lea – ang buhay niya na may kaugnayan sa kaniyang
mga anak, sa mga kaibigan niyang mga lalaki, at sa kaniyang pakikipagtulungan sa
isang samahan na pangkarapatang-pantao. Subalit lumalaki na ang mga anak niya – at
nakikita niya ang mga pagbabago sa mga ito. Naroon na ang mga hakbang sa
pagbabago ng mga pag-uugali ng mga ito: si Maya sa pagiging paslit na may
kuryosidad, samantlang si Ojie sa pagtawid nito patungo sa pagiging isang ganap na
lalaki.
9. bagay sa buhay ng isang tao.
Dumating ang tagpuan kung kailan nagbalik ang dating asawa ni Lea upang
kunin at dalhin sana si Ojie sa Estados Unidos. Naroon ang takot niyang baka kapwa
kuhanin ng kani-kanilang ama ang kanyang dalawang anak. Kailangan niya ring
gumugol ng panahon para sa trabaho at sa samahang tinutulungan niya.
Sa bandang huli, nagpasya ang mga anak niyang piliin siya – isang
pagpapasyang hindi niya iginiit sa mga ito. Isa ring pagtatapos ng mga mag-
aaral ang laman ng huling kabanata, kung saan panauhing pandangal si Lea.
Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa ay kung paano umiiral ang buhay, at
kung paano sadyang kay bilis ng panahon, na kasingbilis ng paglaki,
pagbabago, at pagunlad ng mga tao. Nag-iwan siya ng mensahe na hindi
wakas ang pagtatapos mula sa paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng
mga darating pang mga bagay sa buhay ng isang tao.
10. reaksyon
Sa mga nakalipas na panahon, sunud-sunuran lamang ang mga
kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki at iba pang mga
kalalakihan.
Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na gumagawa
lamang ng mga gawaing pambahay, tagapag-alaga ng mga bata, at
tagapangalaga ng mga pangangailangan ng kanilang mga esposo. Wala silang
kinalaman, at hindi nararapat na makialam - ayon sa nakalipas na kaugalian -
hinggil sa mga paksa at usaping panghanap-buhay at larangan ng politika.
Subalit nagbago ang gawi at anyo ng katauhan ng mga kababaihan
sa lipunang kanilang ginagalawan, sapagkat nagbabago rin ang lipunan.
Nabuksan ang mga pintuan ng tanggapan para sa mga babaeng manggagawa,
nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing
hinggil sa kanilang mga karapatan, na buhay ang kanilang isipan, na may tinig
sila sa loob at labas man ng tahanan.
11. Kinapulutang arAL
Ang bata ay hindi mananatiling bata kaya hanggang
mas maaga,ang bata ay mamulat sa katotohanan ng buhay.
Ano ang ituturo niya ngayon sa kanyang mga anak sa
anyang paglaki ? pagkakimi,pagkibo pag may
asabihin at paglaban pagkailangan.Hindi lahat ng
panahon ay panahon ng mga takot at pagtitimpi.
Lahat ng dapat niyang matutuhan ngayon pa lang, ay
paintindi na nang sila ay lumaki na masunurin,may takot
a Diyos at alam ang tamang panahon ng pagpapasiya.
12. Talasalitaan
1.kaakibat- kakampi o karamay
2.kuryosidad-kausasian,uhaw sa
impormasyon.
3.palatuntunan-pagdiriwang na ayon sa
kaugalian.
4.panauhing pandangal-sentro ng
aktraksyon.
5.lasog-lamog,nagkadurog-durog.
13. Pagsusulit
1. Ano ang kaugnayan ni Lucia kay Ojie
at Johnny?Sinu-sino ang anak ni Lucia?
2. Saan galing si Ojie? Ano ang pakay nya
kay Lucia?
3. Sa inyong palagay, bakit mas piniling
sumama ng mga bata kay
Lucia?Ipaliwanag.
4. Ano ang nakapulutang aral mo sa
nobelang Bata,Bata…Pa’no Ka Ginawa?