Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Pagsulat ng editoryal airmayburverade
1. Maria Ruby De Vera Cas
Pasong Buaya II E/S
Imus City, Cavite
2. EDITORYAL o Pangulong- Tudling
Isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng
isang napapanahong pangyayari upang magbigay-kaalaman,
makapagpaniwala, o makalibang sa mga mambabasa.
3. Isang pitak kung saan ang kuru-kuro, opinyon, at
paninindigan ng manunudling ay inilalabas.
Ito ay tinatawag ding tinig ng pahayagan.
4. • Ang editoryal ay hindi lamang kinakasangkapan upang hatakin
ang mambabasa na pumaling sa isang panig ng pananaw o
paniniwala, bagkus upang kumbinsihin—kung hindi man
tahasang pilitin—ang sinumang awtoridad o pinatutungkulan
na pumanig at gawin kung kinakailangan ang mungkahi ng
isang publikasyon. (Roberto Añonuevo, 2008)
5. • Isang lathalahin sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng
puna ng editor at kauri nito.
• Ang isa sa pinakamagaling na katuturan ng editoryal ay
yaong nagsasabing ang artikulong ito’y isang ambag sa
pakikipagtalo sa isang paksang napapanahon. (Miller)
6. Mga Layunin
1. Magpabatid
2. Magpakahulugan
3. Magbigay-puna
4. Magbigay-puri
5. Magpahalaga sa tanging araw
6. Manlibang
8. 1. Nagpapakahulugan
Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan o
kahulugan ng isang mahalagang pangyayari.
2. Nagpapabatid
Ito’y nagbibigay kaalaman o linaw sa ilang
pangyayaring hindi gaanong maunawaan.
9. 3. Namumuna at nagpapabago. Pumupuna ito sa isang
kalagayan ng isang tao, o ng isang paraan ng pag-iisip sa
layuning makakuha ng mga kapanig sa paniniwala at kung
mangyayari’y makapagbunsod ng pagbabago.
10. 4. Nagpaparangal at nagbibigay-puri. Nagbibigay ito ng
papuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa,
nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang katangi-tanging
Gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na may
nagawang pambihirang kabutihan.
11. 5. Nagpapahalaga sa natatanging araw. Ipinaliliwanag nito
ang kahalagahan ng mga tanging araw o okasyon.
6. Nanlilibang. Hindi ito karaniwang sinusulat. Ang paraang
ginagamit dito ay di-pormal, masaya, kung minsan ay
sentimental, at karaniwang maikli lamang.
13. 1. Ito'y naglalaman ng isang masusing pagbibigay ng kuru-
kuro o pala-palagay sa mahahalaga at napapanahong isyu.
2. Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng
kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay
nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa
patakarang pinaiiral ng patnugutan.
14. 3. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna
o nanunuligsa upang makasira kundi upang
magkaroon ng pagbabago.
4. Impormasyon at kaalaman
5. Kumilos ang kinauukulan
6. Pagmumulat ng mata
16. 1. Magkaroon ng kawili-wiling panimulang maikli
lamang upang akitin ang mambabasa.
2. Buuin ang katawan sa pamamgitan ng paglalahad
ng mga katibayan nang maayos at malinaw.
17. 3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang
patakaran. Sa halip...
- gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan
upang pagtibayin ang simula.
- gumamit ng paghahambing at pag-iiba iba.
- gumamit ng magkatulad na kalagayan.
- banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na
kalagayan.
18. 4. Tapusin nang naangkop.
5. Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang
panimula at ang wakas.
6. Huwag mangaral o magsermon (No preaching).
Ilahad lamang ang katwiran at hayaan ang
mambabasang gumawa ng sariling pagpapasya.
19. 7. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat-
kaisahan (unity), linaw (clarity), pagkakaugnay-ugnay
(coherence), at diin
( emphasis).
20. Pamagat
(Sumulat)
Pamatnubay (Lead)
* ito ang nanghihikayat sa mambabasa
* mas mainam kung 30-40 na salita lamang
Nilalaman
(Panimula, Katawan at Konklusyon)
* Obhektibong eksplanasyon ng isyu
* Opinyon ng “kalaban” o patutungkulan
* Opinyon mo (sa pamamaraang propesyunal)
* Ang iyong alternatibong solusyon
* Isang buo at maikling konklusyon mo
23. 1. PANIMULA bumabanggit sa isyung tatalakayin.
Karaniwang napapanahon o kalagayan sa lipunan
24. 2. KATAWAN nagpapahayag ng opinyon o kuru-kuro ng
pahayagan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag o
paglalahad ng isyu sa paraang madaling unawain at malinaw
para sa mga mambabasa. Dito nagbibigay ng tala, ng
pagpanig o pagsalungat sa isyu o pagbibigay-halimbawa ang
sumulat.
25. 3. WAKAS nagpapahayag ng kaisipang nais ikintal.
Maaari itong maglagom o magbigay diin sa kaisipang
tinatalakay. Dito ipinahahayag ang panghihikayat at
pagpapakilos sa mambabasa tungo sa pagbabago.