2. Ang puno ay isang pampalagian makahoy na halaman.
Kadalasang binibigyan ito ng kahulugan bilang isang
makahoy na halaman na may maraming sekondaryang
mga sanga na nakasuporta sa isang lupa sa isang
pangunahing tangkay o katawan na may maliwanag na
apikal na pangingibabaw. May pinakamababang taas na
espesipikasyon sa paggulang ang binigay ng ilang mga
may-akda, nag-iiba mula sa 3 m hanggang 6 m, may ilang
mga may-akda ang nagtatakda ng pinakamababang 10 cm
diametro ng katawan (30 cm kabilugan). Tinatawag na
mga palumpong ang mga makahoy ng mga halaman na
hindi umaabot sa mga kahulugang ito na may mga
maraming tangkay at/o maliit ang laki. Ang puno o
punungkahoy ay binubuo ng mga dahon, sanga, at ugat.
May mga puno ring may prutas.