4. BALIK-TANAW
• Para sa iyo ano ang TAGALOG, PILIPINO, at FILIPINO
TAGALOG
Katutubong wikang
pinagbabatayan ng
pambansang wika ng
Pilipinas (1935)
PILIPINO
Unang tawag sa
pambansang wika ng
Pilipinas (1959)
FILIPINO
Kasalukuyang tawag sa
pambansang wika ng
Pilipinas, Lingua Franca ng
mga Pilipino, at isa sa mga
opisyal na wika sa Pilipinas
kasama ng Ingles (1987)
5. GAOD-KAISIPAN
• Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika
Espanyol
opisyal na wika at wikang panturo sa loob ng mahabang
panahon ng pananakop ng mga Espanya
Ingles at Espanyol
dalawang wikang ginamit ng mga bagong mananakop sa
mga kautusan at proklamasyon nang sakupin ng mga
Amerikano ang Pilipinas.
Ingles
wikang ipinalit sa wikang Espanyol.
6. WIKANG INGLES
Dumami ang natutong magbasa at magsulat ng wikang ito dahil
naging tanging wikang panturo ito batay sa rekomendisyon ng
Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899.
Boras-Vega (2010)
- lahat ng kautusan, proklamasyon, at mga batas ay nasa
wikang Ingles noong 1935.
7. WIKANG TAGALOG
• Ginamit ng mga Katipunero sa pakikibaka para sa kalayaan sa
simula pa lamang sa mga opisyal na kasulatan.
• Biak-na-Bato (1897) itinadhanang Tagalog ang opisyal na
wika.
• Malolos (Enero 21, 1899) itinadhanang pansamantalang
gamitin ang Espanyol bilang opisyal na wika bagama’t noon pa
ay nakita na ng mga bumuo ng konstitusyong ito ang maaaring
maging papel ng Ingles sa bansa.
8. • Pangulong Franklin D. Roosevelt
pinagtibay niya ang Batas Tydings-McDuffie ng Estados
Unidos na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang
Pilipinas matapos ang sampung taong pag iral ng Pamahalaang
Komonwelt.
• Pambansang Asemblea (Pebrero 8, 1935)
pinagtibay nito ang Konstitusyon ng Pilipinas na niratipika
ng sambayanan noong Mayo 14, 1935.
9. Seksyon 3, Artikulo XIII:
• ‘’Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
pangkalahatang pambansang wika na batay sa isa sa mga
umiiralna katutubong wika. Hanggat walang ibang tinatadhana
ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting mga
wikang opisyal.
10. • WENCESLAO Q. VINZONS (Camarines Norte)
Siya ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa
wikang pambansa.
• ORIHINAL NA RESOLUSYON
Ayon dito ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pag papaunlad at pag papatibay ng isang Wikang
Pambansa batay sa umiiral na katutubong wika.
• STYLE COMMITTEE
Ito ang nagbibigay ng huling pasiya sa borador ng
konstitusyon.
• Seksyon 3, Artikulo XIV (1935)
Naging probisyon nito ang pagbabago ng nasabing
komite ang resolusyon.
11. MANUEL L. QUEZON
• Isa sa mga unang isinagawa ng administrasyong ito ay ang pag
lulunsad ng Komonwelt.
• Ipinahiwatig din nito ang kanyang plano na magtatag ng Surian
ng Wikang Pambansa.
• ANG BATAS KOMONWELT BLG.184
Pinagtibay ito ng Kongreso na nagtatag sa unang Surian
ng Wikang Pambansa noong Nobyemre 13, 1936.
12. • Alinsunod sa naturang batas, ang mga kapangyarihan at
tungkulin ng Surian ay ang mga sumusunod:
1. Gumawa ng pag aaral sa mga pangkalahatang wika sa
Pilipinas;
2. Magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na
Wikang Pambasa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika; at
3. Bigyang halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa
balangkas, mekanismo, at panitikang tinatanggap.
• Seksiyon 1, Batas Komonwelt 185
Alinsunod sa batas na ito, hinirang ng Pangulo ang mga
kagawad ng Surian noong Enero 12, 1937.
13. MGA KAGAWADNG UNANG SURIANNG
WIKANG PAMBANSA:
Jaime de Veyra (Bisaya, Samar-Leyte) PANGULO
Santiago A. Fonacier (Ilocano) KAGAWAD
FilemonSotto (Cebuano) KAGAWAD
Casimiro Perfecto (Bicolano) KAGAWAD
Felix S. Rodriguez (Bisaya, Panay) KAGAWAD
Hadji Butu (Mindano) KAGAWAD
Cecilio Lopez (TAGALOG) KAGAWAD
14. Resolusyong Tagalog/Wikang
Tagalog
Ang resolusyong ito ay inilabas ng Surian pagkaraan ng halos
sampung buwan upang gawing batayan ng pambansang wika.
Ipinahayag din ng Surian na ang wikang tagalog ang halos
tumugon sa hinihinge ng Batas Komonwelt Blg. 184 noong
Nobyembre 7, 1937.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
ito ang ang nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng
Pambansang Wika ng Pilipinas. Ito ay nagkaroon ng bisa
pagkaraan ng dalawang taon matapos na maihanda at
maipalimbag ang gramatika at diksyunaryo ng Wikang
Pambansa sa Pagitan ng 1938 hanggang 1940.
15. HUNYO 18, 1938
Sa araw na ito may naganap na pagbabago sa Batas
Komonwelt Blg. 184.
Sinusugan/iwinasto ng Batas Komonwelt Blg. 333 ang Batas
Komonwelt Blg. 184.
Batas Komonwelt Blg. 333
Sa Batas na ito, ang Surian ay ipinaiilaim sa sa tuwirang
pamamahala at pangangasiwa ng Pangulo ng Pilipinas.
BATAS BLG. 184
Sa lumang batas na ito, ang Kalihim ng Edukasyon ang
magpapatibay ng pasiya sa mga suliraning pang wika.
16. KAUTUSANGTAGAPAGPAGANPBLG.263
(ABRIL1, 1940)
1. Pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at isang
aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang
Pambansa; at
2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa
mga Paaralamg Publiko at Pribado sa buong kapuluan.
17.
18. A.
__ 1. Ito ang nagtadhana na Tagalog
ang Opisyal na Wika.
__ 2. Sa Batas na ito, ang Surian ay
ipinaiilaim sa sa tuwirang
pamamahala at pangangasiwa ng
Pangulo ng Pilipinas.
__ 3. Ito ang lumang batas na ang
Kalihim ng Edukasyon ang
magpapatibay ng pasiya sa mga
suliraning pang wika.
__ 4. Siya ang isa sa mga unang
isinagawa ng administrasyong ito ay
ang pag lulunsad ng Komonwelt.
__ 5. Ito ang opisyal na wika at
wikang panturo sa mahabang
panahon ng pananakop ng Espanya.
B.
A. Manuel L. Quezon
R. Biak-na-Bato
S. Batas Blg. 184
L. Espanyol
O. Batas Komonwelt Blg.
333
21. “PURISTA”
Tawag sa isang grupo ng hapon na lumunsad sa dalampasigan
ng Pilipinas noong 1942
Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang
Wikang Pambansa.
22. Prof. Leopoldo Yabes
Ayon sa kanya, ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na
baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalong ang
ang Pambansang Wika.
Tagalong ang itinaguyod ng mga Hapon na burahin sa Pilipino
ang anumang kaisiping Pang-Amerikano at mawala ang
impluwensya ng mga ito.
NIPONGGO AT TAGALOG
Dalawang opisyal na wika sa panahon ng pananakop ng mga
Hapon sa Pilipinas.
23. TAGALOG
Dahil dito maraming manunulat na Wikang Ingles ang
gumamit nito
Dahil dito ginamitan ng Tagalog ang mga tula, nobela, maikling
kwento at iba pa.
Dahil din dito nagbuo ng isang komisyon na naghanda ng
Saligang Batas na nagtadhana dito bilang isang Pambansang
Wika.
24. Artikulo IX, Seksyon2(Kons. 1948)
“ Ang Pamahalaan ay mag sasagawa ng mga hakbang
tungo sa pag papaunlad at pag papalaganap ng Tagalog
bilang pambansang wika.”
25. Batas Komonwelt Blg. 570
Ito ay ganap nang naipatupad matapos ang digmaan na
nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika noong
Hunyo 4, 1946.
Dahil dito sinimulan na ring ituro ang Wikang Pambansa sa
mga paaralan.
Ilang taon ding hindi napagtuonan ng panahon ng
pagpapalaganap sa Wikang Pambansa hanggang sa mailuklok
bilang pangulo ng bansa si RAMON MAGSAYSAY.
26. PangulongRamonMagsaysay
Nilagdaan niya ang Proklamasyon Blg. 12 noong Marso 6,
1954 para sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon. Alinsunod ito sa
pagbibigay-puri sa kaarawan ni Francisco Balagtas bilang
makata ng lahi.
27. Proklamasyon Blg. 186
Sinusugan nito ang paglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng
wika sa Agosto 13 hanggang 19 taon-taon bilang pag gunita sa
kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon bilang “Ama ng
Wikang Pambansa.”
29. Pangulong Ferdinand Marcos
Nilagdaan niya ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 noong
Oktobre 24 1967 na nag uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo
at tanggapan ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa
Pilipino.
Rafael Salas (Kalihim Tagapagpaganap)
Inilabas niya ang Memorandum Sikular Blg. 96 noong
Marso 27, 1968 na nag-aatas na lahat ng letterhead ng
mga tanggapan, kagawaran, at sangay ng pamahalaan ay
dapat na nakasulat sa Pilipino at may katumbas na Ingles
sa ilalim nito.
30. REBOLUSYON BLG. 70
Sa bisa nito ang Pilipino ang naging Wikang Panturo sa antas ng
Elementarya noong 1970.
Resolusyon Blg. 73-7(Pambansang
Lupon ng Edukasyon)
Sa bisa nito isinama ang Ingles at Pilipino (Pilipino pa ang tawag noon)
sa kurikulum mula elementary hanggang kolehiyo, publiko man o
pribado.
Ang resolusyong ito ang nagbunsod sa Patakarang Edukasyong
Bilingguwal sa bansa na nagpapagamit Pilipino at Ingles bilang midyum
ng pagtuturo sa mga tiyak na aralin at bilang hiwalay naq asignatura sa
kurikulum mula elementarya hanggang kolehiyo.
EDUKASYONG BILINGGUWAL
Ito ay sinimulang ipatupad noong 1974 sa bansa.
31. Kautusang Pangministri
(Kagawaran ng Edukasyon)
Iniatas nito ang pagkakaroon ng anim na yunit ng Filipino sa
lahat ng kurso sa kolehiyo, maliban sa kursong pang-
edukasyon na dapat kumuha naman ng 12 yunit noong 1978.
PANGKAGAWARAN BLG. 22 (1987)
Sinasabi dito na gagamitin ang Filipino sa pagtukoy sa Wikang
Pambansa ng Pilipinas noong Marso 12, 1987.
Kasunod nito ang pagpapatibay ng Konstitusyon ng 1987 na
nagsasaad na ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.
32.
33. Tama o Mali
Panuto: Isulang ang R kung tama at kung mali naman ay guhitan ang
maling salita at isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang. (2
puntos kada isang numero)
1. Maraming manunulat na wikang Ingles ang gumamit ng Tagalog sa
kanilang Tula, nobela, maikling kwento, at iba pa.
2. Bulista ang tawag sa isang grupo ng mananakop sa panahon ng
pananakop ng mga Hapon.
3. Ang Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang alinsunod sa pagbibigay-
puri sa kaarawan ni Francisco Balatgas.
4. Nilagdan ni Ferdinand Tonnies ang Kautusang Tagapagganap Blg.
96.
5. Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang pangasiwaang Hapon ang nag-
utos na baguhin ang probisyon ng Konstitusyon at gawing Tagalog
ang Pambansang Wika.
34. SUSI SA PAGSAGOT:
1) R
2) Bulista - Purista
3) Balatgas – Balagtas
4) Tonnies – Marcos
5) R
36. Bakit Tagalog ang napiling batayan ng
Pambansang Wika?
Unang-una, gaya ng nakasaad sa resolusyon ng Surian ng
Wikang Pambansa (SPW), ang Tagalog ang tumutugon sa lahat
ng pangunahing kailangan ng Bata 184.
Ayon sa SPW, ang Tagalog ang wikang pinakamaunlad sa
estruktura, mekanismo, at panitikan, at ito rin ang ginagamit
ng mga nakararaming mamamayan.
37. Francisco “Balagtas” Baltazar
Siya ang isa sa mga nagpayaman ng panulaang Tagalog.
Siya din ang tinaguriang “Ama ng Panulaang Tagalog” dahil
kilala sya sa kanyang isinulat na Florante at Laura bukod sa iba
pa nyang mga isinulat.
38. Francisco Baltazar at ang
kanyang Aklat na “Florante at
Laura”
Francisco “Balagtas” Baltazar
Ang kanyang Aklat na
“Florante at Laura”
39. Batas Komonwelt Blg. 184
Bago pa ito pinagtibay noong Nobyembre 13, 1936, si
Pangulong Quezon ay pinadalhan ni Norberto Romualdez ,
Taga pangangulo ng Komite sa Pambansang Wika ng unang
pambansang asemblea, ng Memorandom Sobre la lengua
Nacional, na nag sasaad na sa lahat ng katutubong wika, ang
Tagalog ang may pinakamaunlad na katangiang panloob:
estractura, mikanesmo, at panitikan, at bukas sa pag
papayaman at pag daragdag ng bokabularyo.
40. BASE SA TAGALOG
Ito ang idineklara pambansang wika.
Pangulong Manuel L. Quezon
Iprinoklama niya ang pag papatibay sa adapsyon ng tagalog
bilang basihan ng pambansang wika ng Pilippinas at idinagdag,
“and hereby declare and proclaim the national language so
based on the tagalog dialect, as the national language of the
Philippines.” (Disyembre 30, 1937)
Sinabi din niya na sa loob ng mahigit tatlong daang taon ng
panankop ng Espanya, Espanyol ang opisyal na wika ngunit
hindi ito kailanman naging wika ng mga mamayan.
Mahigit nang isang henerasyon mula ng manakop ang mga
Amerikano at naging Ingles ang opisyal na wika at wikang
panturo.Ngunit ang Ingles ay hindi naging pangkalahatang
wika ng mga mamamayan.
41. PamelaConstantino(sinipini Vega2010)
Ayon dito, may dalawang konsiderasyon ang nagingt batayan
sa pagpili sa Tagalog: sentimentalismo o paghahanap ng
pambansang identidad; at instrumental o funsiyonal o batay
sa gamit ng wika sa lipunan.
Constantino
Tungkol sa instrumental na dahilan, idinagdag nito ang dalawang
pangunahing isyu: (a) pagbubuo at pagpapadali ng komunikasyon
(internal at external) na tutulong para mas epektibo at pantay na
matamo ang pangangailangan at interes ng populasyon; at (b)
paninigurado na ang iba’t ibang wika ay nagkakaroon ng pantay na
oportunidad na makilahok sa sistema.
42. Pangulong Manuel L. Quezon
Siya ay nagpunyagi na magkaroon ng isang wikang pambansa batay
sa isang katutubong wika.
Binganggit nya sa isang talumpati na mahirap sa isang pangulo ang
maging banyaga sa sariling bayang pinagmulan kaya kailangang
magkaroon ng wikang pambansang magbubuklod sa mga
mamamayan.
44. Ang Tagalog, Pilipino, at Filipino
Tagalog - katutubong wikang pinagbatayan ng
pambansang wika ng Pilipinas (1935)
Pilipino – unang tawag sa pambansang wika ng
Pilipinas (1959)
Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng
Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga
opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)
45. TANDAAN!
Iba ang wikang opisyal sa pambansang wika.
Noong 1987 lamang ginawang Pambansang Wika ang Filipino.
Bago pa man, ang Pambansang Wika ay walang pangalan,
sinabi lamang sa Konstitusyon ng 1935 na ang Pambansang
Wika ay batay sa Tagalog.
Ayon naman sa Konstitusyon ng 1973, sinabi dito na ang
Kongreso ay mag sasagawa ng mga hakbang upang makabuo
ng Pambansang Wika na tatawaging Filipino.
Ngunit ang salitang Filipino ay hindi ginamit bilang isang
Pambansang Wika.
46. Ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng
1987, ang wikang Filipino ay:
Ang wikang pambansa ay Pilipinas;
Dapat payabungin at payamin pa salig sa umiiral na mga wika
ng Pilipinas sa iba pang wika at;
Dapat mag sagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang
ibunsod at puspungan itaguyod ang paggamit ng Filipino
bilang;
1. midyum ng opisyal na komunikasyon; at
2. wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon.
47. PANUTO: Isulat ang mga dahilan sa pagpili ng Tagalog
bilang batayan ng wikang pambansa ayon sa ating mga
tinalakay. (10 Puntos)
TAKDANG -
ARALIN
Mga dahilan sa pagpili
sa Tagalog bilang
batayan ng wikang
pambansa
1
2
3
48.
49.
50. Magbilang ng 1 hanggang 3 mula sa likod
Gaganap bilang mga kinatawan na pabor sa
Tagalog bilang batayan ng Pambansang Wika.
Gaganap bilang mga kinatawan na hindi pabor sa
Tagalog bilang batayan ng Pambansang Wika.
Gaganap bilang mamamayang nakikinig at
sumusuri sa mga opinyon ng magkabilang grupo. Sila ang
hahatol kung sinong grupo ang nanalo sa sesyon sa kongreso.
51. Bawat grupo ng kinatawan at pipili ng tagapagsalita na
magbibigay ng buod ng kanilang opinyon.
Pipili rin ang pangatlong grupo ng tagapagsalita ng mga
tagahatol na magdedeklara ng nanalo.
May tigdalawang minuto na nakalaan para sa bawat grupo
upang ipaliwanag ang kanilang opinyon.
Mayroon lamang 5 minuto ang bawat grupo upang maghanda
para sa kanilang presentasyon.
Narito ang Rubrik para sa gagawing presentasyon.
52. R U B R I K
BATAYAN:
OPINYON/KATUWIR
AN
PAGSASALITA
PAGTANONG/PAGSA
GOT SA TANONG
KAHANDAAN
KABUUANG PUNTOS
PUNTOS:
25 PUNTOS
20 PUNTOS
15 PUNTOS
10 PUNTOS
______/70
55. A. INISIP NG ROSAL
PANUTO: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nasa ibaba. Ang
bawat bilang ay may 3 puntos.
1. TAGALOG-
2. PILIPINO-
3. FILIPINO-
4. ESPANYOL-
5. INGLES AT ESPANYOL-
56. B. BINUO NG ROSAL
PANUTO: Buuin ang mga salitang hindi nakaayos.
1. asbro-gvea 0012
2. ikab-an-aotb
3. sololam
4. staba ytdngsi-cmiffedu
5. urssle bula
57. C. PAGSULAT NG
MALIKHAING SANAYSAY
PANUTO: Gumawa ng malikhaing sanaysay tungkot sa Tagalog,
Pilipino, at Filipino. Tatlo hanggang Limang pangungusap o higit
pa.
RUBRIK:
Malikhaing Pag-iisip 5 puntos
Malinis na Pagsulat 3 puntos
Umabot sa hinihinging
pangugusap 2 puntos
KABUUANG PUNTOS 10 puntos
58. SUSI SA PAGSAGOT:
A. INISIP NG ROSAL
1. Tagalog- katutubong wikang pinagbabatayan ng
pambansang wika ng Pilipinas
2. Pilipino – unang tawag sa pambansang wika ng pilipinas
3. Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng
Pilipinas
4. Espanyol – opisyal na wika at wikang panturo sa loob ng
mahabang panahon ng pananakop ng mga Espanya.
5. Ingles at Espanyol – dalawang wikang ginamit ng mga
bagong mananakop sa panahon ng pananakop ng mga
Amerikano.
59. B. BINUO NG ROSAL
1. Boras - Vega 2010
2. Biak na Bato
3. Malolos
4. Batas Tydings-McDuffie
5. Russel Alub
C. Pagsulat ng malikhaing sanaysay
STUDENT MAY VARY (Maaaring magkakaiba ang sagot ng
estudyante)