2. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay
inaasahang:
• Nasasabi ang kahulugan/kahalagahan ng tunog
• Nakikila ang mga bagay na pinagmulan ng tunog
• Nakagagawa ng tunog gamit ang mga bahagi ng
katawan Music
Quarter 3_Wk1_D_1
3. Kumusta ang inyong academic
break?
Ano-ano ang inyong ginawa?
Ano ang ating huling pinag-aralan
bago tayo mag periodical tests?
Music
Quarter 3_Wk1_D_1
4. Mga bata, nakarinig na ba kayo
ng tunog?
Ano-anong mga tunog na ang
inyong narinig?
Music
Quarter 3_Wk1_D_1
5. Tignan ang mga larawan sa ibaba. Alin dito
ang may tunog? Alin naman ang wala?
Music
Quarter 3_Wk1_D_1
6. Maari kang gumawa ng tunog gamit ang
iba’t-ibang parte ng katawan tulad ng
kamay, balikat, paa, balat at bibig.
Music
Quarter 3_Wk1_D_1
7. Isagawa ang mga sumusunod na kilos
upang makagawa ng sarili mong tunog.
1.Pumalakpak ng tatlong beses
2.Tapikin ang iyong hita.
3.Bigkasin ang iyong pangalan.
4.Umawit ng “Happy Birthday”
5.Pumadyak ng dalawang beses. Music
Quarter 3_Wk1_D_1
8. Critical Thinking Skills/ Decision Making
Pinabantayan sa iyo saglit ng iyong nanay
ang bunso mong kapatid at nagsampay siya ng
damit. Sumang-ayon ka naman ngunit itinuloy
mo lang ang iyong paglalaro ng cellphone.
Maya-maya pa ay may narinig kang malakas na
kalabog kasunod ng isang malakas na pag- iyak.
Ano kaya ang ang nangyari? Ano ang gagawin
mo? Music
Quarter 3_Wk1_D_1
9. Mahalagang matutuhan ang tunog dahil ito ang
bumubuo sa ating naririnig.
Ginagamit natin ang tunog upang makipag-usap
at magpahayag ng ating damdamin sa salita
man o sa kilos.
Kung walang tunog ay wala ring musika.
Music
Quarter 3_Wk1_D_1
10. Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng
makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.
Ang tunog ay isa sa mga biyaya ng Diyos sa mga tao. Biniyayaan nya tayo ng
dalawang _______________ upang makadinig ng iba’t-ibang __________
tulad ng mga salita at magagandang _______.
Kaya ingatan mo ang iyong tainga pati na rin ang iyong buong _________.
Sikaping gumawa lamang ng tunog na kaaya-ayang ___________.
Music
Quarter 3_Wk1_D_1
pakinggan tunog katawan
tainga musika
11. Takdang Aralin:
Gumuhit/gumupit ng limang bagay
sa iyong paligid na lumilikha ng
tunog. Gawin ito sa iyong
kwaderno.
Music
Quarter 3_Wk1_D_1