2. ABSTRAK
Ang artikulong ito ay tungkol sa mga kabataang nahumaling
sa social media. Tinatalakay dito ang naging mensahe ng isang
Pinoy Indie Film na "Unfriend" sa ilalim ng direksyon ni
J o s e l i t o A r t a l e j o s . I t i n a m p o k i t o s a 6 4 t h B e r l i n a l e n
International Film Festival sa Germany. Sa isang oanayam sa
isang dalagita na nahumaling sa social media, ibinahagi niya ang
kanyang pagkalulong dito na halos sa pagkain at pagtulog ay
gumagamit pa rin siya dito. Isinalaysay niya rin ang naging
negatibong epekto nito sa kanya. May "ranting", "cyberbullying",
at panglalait ang ginagawa ng mga kabataan. Ayon naman sa isang
sociologist na si Prof. Gerald Abersos, ang paggamit ng social
media ay nagbubunga ng pagka-adik, depresyon at kamatayan dahil
ito na ang naging basehan sa pagtingin sa sarili. Ang akala ng
mga tao na kapag gumagamit ng social media lumalaki ang kanilang
mundo pero ang totoo ay lalong lumiliit ang kanilang mundo dahil
sa pagkawala ng kanilang privacy.
3. BIONOTE
Si ROLANDO A. BERNALES ay nagtapos ng BSE-Filipino sa Linggwistikang
Filipino sa Philippine Normal University bilang isang cum laude at graduate
certificate (katumbas ng Master of Arts in Teaching). Nakapagtapos din siya ng
E.d. D. Sa Educational Management sa University of Makati.Sa loob ng limang
taon siya'y naging puno ng Departamento ng Filipinoat isang taon bilang puno ng
Departamento ng Lenggwahe at Literatura sa University of Makati. Sa kasalukuyan,
siya ay Professor II at isa ring Executive Director ng Center for Innovative
Education and Science. Siya ay awtor , ko-awtor. editor at/o consultant ng
hindi kukulangin sa 70 mga aklat sa wika , pagbasa at panitikan sa antas
preschool, elementarya, sekundarya, at tersyarya at isang akademik konsultant
ng Mutya Publishing House , Inc. Kilala rin siya bilang isang malikhaing
manunulat ng tula, kwento,at sanaysay. Pinarangalan bilang isa sa Ten
Outstanding Students of the Philippines noong 1989, Award for Exemplary
Performance as a Public Servant (2000) mula sa Pamahalaang Lungsod ng Makati at
natamo rin niya amg Palanca Award. Siya ay panghabambuhay na kasapi sa
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturng Filipino at miyembro ng
KAGURO, SANGFIL at APNIEVE.
4. TALUMPATI
Talumpati: Bakit May Kahirapan?
Sa labimpitong pamumuhay ko dito sa mundo, napapansin ko ang ating
lipunannay puno ng sakit at problema. Ano ba ang mga ito? Korupsyon?
Bentahan ng droga? Paglibo ng populasyon? Pero wala ba kauong napapansin sa
mga problemang ito? Ang mga problemang uto ay nagdudulot ng kahirapan.
Ang KAHIRAPAN ayon kay Nicole Leynes, ay sitwasyon na hinaharap ng
ating bayan kung saan maraming naaapektuhan lalo na ang mga kabataan. Ang
kahirapan ay isang kalagayan kung saan nararanasan ang kakulangan ng
pangunahing pangangailangan araw-araw. Sino ba ang dapat sisihin? Walang
iba kundi TAYONG mga TAO mismo, sapagkat tayo ang gumagawa ng ating
kapalaran.
Ngayon, aking ibabahagi sa inyo ang mga karaniwang dahilan kung
bakit nararanasan ng ating mga kababayan ang kahirapan.
5. Una, masamang bisyo. Ang masamang bisyo ang pangunahing
ugat ng matinding kahirapan at kasamaan sa mundo. Ang
paggamit ng droga, alak at sigarilyo ay nakakasira ng ating
isipan, kalusugan, pamilya, kabuhayan at iba pa. Ito rin ay
magdudulot ng pagkawala ng pagkakataon at oportunidad na
umasenso sa buhay dahil sa oagwawaldas ng pera sa bisyo na
humantong dinsa iba't ibang krimen.
Pangalawa,labis na pangugutang. Hindi naman masama ang
mangutang pero dapat mong siguraduhin kung kailangan mo bang
mangutang o kaya mo bang bayaran ang iyong utang. Hindi pwede
na palagi nalang natin iasa ang ating kapalaran kay Batman.
Dito kasi nagsisimula na mabaon sa pagkakautang ang isang tao.
Pangatlo, katamaran. Tinatamad tayong tumayo sa sarili
nating mga paa upang maghanap ng solusyon sa problemang ito.
Nawaala ang pagiging matiyaga ng mga tao kung paano nila
iaangat angbuhay nila sa kahirapan. Paano natin maiaangat
ang ating buhay kung tinatamad tayo? Hindi lahat ng opisyal
ay may magandang mithiin na magiging ikaapat na dahilan kung
bakit tayo naghihirap.
6. Pang-apat, korupsyon. Ang talamak na pagnanakaw sa kaban ng
bayan ay nagdudulot ng kahirapan. Bakit? Sa halip na mapunta sa mga
proyekto na tutulomg maibsan ang kahirapan, ibinubulsa ito ng mga
tiwaling opisyal ng gobyerno para sa sariling interes. Kya mas
lalong naghihirap ang mga mahihirap at mas yumayaman ang mga
mayayaman.
At ang panghuli, ang paglobo ng populasyon sa bansa. Dahil
posibleng lumubo ng 2 milyon ang populsyon kada taon ayon sa
Commission on Population kaya dapat tayong may kaalaman sa
pagplaplano ng pamilya dahil sabi nga ni POPCOM NCR Director Dr.
Lydio, “ There is a direct relationship between poverty and the
number of children in the family. The more the number the number of
children in the family , the more they would be prone to become
poor.”
Ang mga nasabing dahilan ay ilan lamang sa mga kaisipan na
maari kong ibahagi sa inyo. Sa inyong narinig, may tanong ako,
kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating buhay?
Kaya ako, bilang isang kabataan, ako’y magsusumikap para
makapagtapos ng pag-aaral para sa magandang kinabukasan. Pero dapat
hindi lang ako, dapat tayong lahat para sa kaunlaran ng bansa, kaya
ano pa ang hinihintay natin? KILOS NA!!
7. POSISYONG PAPEL
DIBORSYO: ISASABATAS NA BA SA PILIPINAS?
Ang kasal ay isang sagradong sakramento na kung saan ang
dalawang tsong nagmamahalan ay pinag-iisa sa harapan ng altar.
Ang kanilang relasyon ay ginawang opisyal at normal sa
pamamagitan ng basbas ng Panginoon. Walang sino man ang
makakapaghiwalay sa kanilang dalawa. Masarap ang maikasal sa
taong mahal mo sabi nga nila. Pero hindi sa lahat ng panahon
ikaw ang mamahalin ng taong pinakasalan mo. Sa pagdating ng
ilang taon pagkatapos ng kasal, may mababago, personalidad ng
bwat isa, ang pakikitungo at pagmamahalan. Minsan umaabot pa
nga sa sakitan hindi lang verbal maging pisikal din ang mas
malala ay naddamay ang mga anak sa away. Ngunit sagrado pa
rin bang maituturing anf pamilyang winasak na ng sakuna?
Inalisan ng respeto sa isa’t isa
8. Isa sa rason na hindi ssumasang-ayon ang ibang Pilipino sa
diborsyo ay ang pagkakaroon ng annulment sa bansa. Ang “annulment” ay
ang pagkilala sa isang kasal na hindi “valid” mula pa sa simula. Ito ay
dahil sa tinatawag na hadlang na umiral bago pa ikasal kaya masasabing
walang tunay na nagyaring kasal. Ang “ divorce” ay isang legal na
pagwawalang bisa ng isang “valid” na kasal. Mayroon nito sa civil
marriage sa ibang bansa pero sa ating bansa, walang diborsyo sa kasal
sa simbahan at huwes. May binibigay ang diborsyo na wala sa “annulment”
kaya sumasang-ayon ako na ipatupad ang diborsyo sa bansa sa tatlong
kadahilanan.
Una, ang pagtataksil at pananakit sa asawa ay isang dahilan kung
bakit kailangan ang diborsyo sa Pilipinas. Ang pagtataksil at pananakit
sa asawa ay isang napakalaking kasalanan. Bakit ka [a nagpakasal kung
sasaktan at pagtataksilan mo lang pala ang iyong asawa. Bakit ka pa
nagpakasal kung maghahanap ka lang pala ng ibang babae o lalaki na
makakatugon sa iyong pangangailangan bilang isang lalaki at babae. Ayon
sa Bibliya na pwedeng makipagdiborsyo at makapag-asawang muli ang isa
tangi lamang kapag nagkaroon ng seksuwal na ugnayan sa iba nag aswa
niya (Mateo 19:9). kaya kapag natuklasan mong nagtaksil sa iyo ang
asawa mo, may karapatan kang tapusin ang inyong pagsasama. Hindi dapat
makialam ang iba sa inyong pagpapasiya. Hindi rin layunin ngartikulong
ito na sabihin kung ano ang dapat mong gawin. Ikaw mismo ang
maapektuhan; kaya ikaw ang dapat magpasiya (Galacia 6:5).
9. Pangalawa, marami ng mga tao ang sumasang-ayon sa diborsyo. Ayon
sa isang pananaliksik ng SWS na isinagawa noong Marso 25-28 at
Disyembre 8-16, 2017, 53% sa mga Pilipino ang sumasang-ayon na ipatupad
ang diborsyo sa bansa. Ipinapakita rin ng pananaliksik na 32% lang sa
mga Pilipino ang hindi sumasang-ayon.
Pangatlo,may binibigay ang diborsyo na wala sa “annulment” o ang
pagpapawalang bisa ng kasal ay napakahirap patunayan at mahal din ito
kaysa sa diborsyo. Para sa praktikal na kadahilanan, makikita mo kung
bakit kinakailangan ang diborsyo
Kung ipapatupad man ang diborsyo sa bansa, maaapektuhan ang mga
bata. Tama! Maaapektuhan ang mga bata. Alam ko na ang hindi buong
pamilya ay may malaking epekto sa mga bata pero nasa mga magulang na
kung paano nila ipapaintindi sa mga bata ang kanilang sitwasyon. Sa
palagay mmo ba na ang pagpilit ng dalawang tao na kinamumuhian ang
isa’t isa na manatiling magkasama ay makakabuti rin sa mga bata? Sa
palagay mo rin ba na mabibigyan ang mga bata ng normal na buhay kung
mananatili sila sa iisang bubong na puno ng hiyawan, sigawan, at may
mga bagay-bagay na nagsisiliparan? Mayroon namang mga bata na diborsyo
ang mga magulang na naging mabuti ang pamumuhay sapagkat ang parehong
magulang ay natiyak na sila ay minamahal at pinangangalagaan sa kabila
ng kanilang nabigo na kasal. Kaya dapat ipaintindi ng magulang sa mga
bata na ang mundo ay hindi perpekto.
10. Nasa sa inyo na kung sasang-ayon kayo o
hindi. May napakasimple lang na lohika ayon sa
mga tagapagtaguyod: kung hindi mo nais ang
diborsyo; huwag kang kumuha ng isa, ngunit huwag
pilitin ang iba na sumang-ayon sa iyo. Kung
gusto nila ito, hayaan mo sila.
Katulad ng RH Law, ang diborsyo ay may
mahaba pang pagdadaanan dahil hanggang ngayon,
marami pa ring Pilipino ang bulag sa katotohanan
na hindi lahat ng pag-aasawa ay magtatagal
(Rappler, 2017).
11. SINTESIS
SINTESIS: INFLATION SA PILPINAS
PAMAGAT: Inflation
ANYO: Explanatory
URI: Background Synthesis
LAYUNIN: Ang layunin ng sintesis na ito ay mapatunayan na ang inflation
ay masamang epekto sa Pilipinas.
THESIS STATEMENT: Nagdudulot ng kahirapan sa mga Pilipino ang inflation
rate .
Ang inflation o implasyon ay ang pagmahal ng mga bilihin o ang
pagkabawas ng kakayahan ng inyong pera na bilhin ang dati nitong kayang
bilhin sa parehong halaga. Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA),
ang mabilis na pagtaas ng consumer price ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng
food at non-alcoholic bevarages at tabacco na nagrehistro ng 6.1% growth.
Narehistro rin ang mabilis na pagtaas ng alcoholic beverages at tabacco,
pabahay, tubig, elektrisidad, gas, furnishing, household equipment,
transportasyon at edukasyon.
12. Maraming naging epekto ang inflation sa bansa. Isa na rito
ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa. Ayon kay Romero (2018), malabo
ng mangyari ang pagtaya ng World Bank na 6.7% Growth Domestic
Product (GDP) kung mananatili sa 4% hanggang 5% ang inflation rate.
Sinang-ayunan naman ito ng World Bank. Ayon sa World Bank,
ibinababa nila ang economic outlook ng Pilipinas para sa 2019. Mula
6.7 %, ibinaba ang projected growth sa 6.5 % na lamang.
Ayon sa ABS-CBN News , itinituro ng ilan na ang Tax Reform
For Acceleration and Inclusion ( TRAIN) Law ay ang pangunahing
dahilan ng bumibilis na inflation. Kaya nais pag-aralan ni VP Leni
muli ang TRAIN Law. Ayon sa kanya, noong una sinabi na 0.4 % lang
daw ang epekto ng TRAIN Law sa inflation, pero mukhang ngayon hindi
na ito totoo. Ramdam na ng mga kababayan ang kahirapan nagsitaasan
na ang presyo ng halos lahat na mga bilihin lalo na ang bigas.
Dahil dito, kailangan pag-aralan muli ang batas kabilang na ang
safety net na makakatugon sa epekto nito. Sa kabilang banda may
maganda na namang naidudulot ang TRAIN Law inflation sa Pilipinas.
Ayon sa Phil Star, ang pagpapatupad ng TRAIN Law na nagdudulot ng
inflation ay isa sa proyekto na tumulong na maisakatuparan ang
“Build, Build,Build” program ng pamahalaan na magiging susi sa mas
matatag na ekonomiya ng bansa.
14. SINTESIS
SINTESIS: INFLATION SA PILPINAS
PAMAGAT: Inflation
ANYO: Argumentation
URI: Thesis-Driven Synthesis
LAYUNIN: Ang layunin ng sintesis na ito ay ipakita ang masamang naidulot ng
inflation.
THESIS STATEMENT: Ang masamang naidudulot ng inflation sa Pilipinas.
Ang inflation ay ang pagtaas na paggalaw ng presyo, pagbaba sa halaga ng
salapi at may mga negatibong epekto sa tao. Ito’y tumutukoy sa pagtaas ng
pangkahalatang presyo ng mga produkto na napakaloob sa basket of goods (Economic
Glossary). Isang halimbawa ng masamang naidudulot ng inflation ay ang isang
pananaliksik ni Mav Gonzales ng GMA News.Ayon sa kanya na ang pinakahuling tala ng
inflation rate, pumalo ito sa 5.7%- pinakamataas sa loob ng limang taon. Pero hindi
lang ito isang numero para sa pangkaraniwang pamilyang Pilipino kundi indikasyon din
ng mas mahigpit na pagsikip ng sinturon at ang pagpiga ng manipis na budget dahil
sa kaakibat nitong pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
15. Kung ayon sa Economic Glossary na ang inflation o
implasyon ay ang pagbaba ng halaga ng piso ay nagdudulot ng
pagtaas ng mga bilihin. Maiuugnay natin ito sa isang
pananaliksik na nasa Coursehero.com , na sa tuwing bumababa
ang halaga ng piso, tumataas ang dolyar: sa tuwing bumababa o
bumabagsak ang ekonomiya ng Pilipinas ngunit kabaliktaran
naman sa Estados Unidos. Ayon sa talaan ng PDEX, ukol sa mga
nakaraang buwan, sa paglakas ng piso- ibig sabihin ay
bumababa ang halaga nito kontra dolyar ay bunsod na nagiging
hudyat sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa na nakakaapekto sa
perpormans ng piso sa pagdaloy nito sa merkado.
Ang inflation ay may masamang naidudulot sa bansa, ayon
sa pag-aaral nina Mav Gonzales ng GMA News at ang
mananaliksik sa Coursehero.com. Ayon naman sa pag-aaral ni
Udang (2013) may mabuting naidudulot ang inflation. Ayon sa
kanya, kung itinuturing ng mga Pilipino na ang dahilan ay
implasyon ay ang pagtaas ng demand ang mga negosyante ay
mahihikayat na pataasin at pagbutihin ang produksyon bunga ng
pagkakataon ng mataas na presyo ng mga produkto. Ang mataas
na presyo ay isang insentibo sa mga negosyante.
17. LAKBAY SANAYSAY
ISANG PAGLALAKBAY SA MAHIWAGANG LUGAR
Marami sa atin ang gustong-gusto ang paglalakbay. Ako ay isang estudyanteng nais
makapaglakbay sa buong mundo. Isa sa mga rason kung bakit ko gustong maglakbay ay upang
maranasan ko ang buhay, tradisyon at kultura ng mga tao sa isang lugar. Sa bawat paglalakbay
mararanasan natin ang mga bagay-bagay na bago sa atin. Mararanasan natin ang mga karanasang
masasaya at malulungkot.
May isang tanong lang ako bago ki ipagpatuloy ang aking sanaysay, naniniwala ba kayo sa
himala? Kung oo, may isang lugar na tinguriang milagroso sa Sibonga, Cebu, ito ang Simala
Shrine. Ang lugar na ito ay para sa mga taong naniniwala sa himala. Ang Simala Shrine ay
tanyag sa aking ganda nito at ito rin ay dinadayo ng mga taong may kahilingan.ISANG PAGLALAKBAY
SA MAHIWAGANG LUGAR
Marami sa atin ang gustong-gusto ang paglalakbay. Ako ay isang estudyanteng nais
makapaglakbay sa buong mundo. Isa sa mga rason kung bakit ko gustong maglakbay ay upang
maranasan ko ang buhay, tradisyon at kultura ng mga tao sa isang lugar. Sa bawat paglalakbay
mararanasan natin ang mga bagay-bagay na bago sa atin. Mararanasan natin ang mga karanasang
masasaya at malulungkot.
May isang tanong lang ako bago ki ipagpatuloy ang aking sanaysay, naniniwala ba kayo sa
himala? Kung oo, may isang lugar na tinguriang milagroso sa Sibonga, Cebu, ito ang Simala
Shrine. Ang lugar na ito ay para sa mga taong naniniwala sa himala. Ang Simala Shrine ay
tanyag sa aking ganda nito at ito rin ay dinadayo ng mga taong may kahilingan.
18. Ang Simala Shrine na nasa Sibonga, Cebu aymalayo sa lugar na
tinitirahan ko. Kailangan ko pang sumakay ng barko upang mapuntahan
ang lugar. Nang ako ay nakarating sa isla ng Cebu, may mga bus na
naghihintay para ako’y makasakay. Ang akala ko ay malapit lang ang
Simala Shrine pero napakalayo pala nito na kailangan ko pang
bumiyahe ng apat na oras. Noong ako’y nakarating sa lugar,
nakaramdam ako ng pagkamangha at kapayapaan sa aking sarili. Tama
nga ang mga impormasyon na aking nabasa tungkol sa lugar. Ang
lugar ay puno ng magagandang arkitektura at tanawin. Sa pagtapak ko
sa mismong harapan ng Simala Shrine ay tila napakagandang palasyo
ang bumungad sa akin. Pakiramdam ko namamasyal ako sa isang palsyo
sa Europe. Napaka-elegante ng pagkagawa ng mga disenyo ng mga
estraktura ng simbahan kaya ito tinaguriang malaparaisong lugar.
Sa aking paglalakad sa loob, nakita ko ang mga liham ,larawan,at
m g a k a g a m i t a n n g m g a t a o n g g u m a l i n g d a h i l s a k a n i l a n g
pananampalataya. Sa pinakadulo ng simbahan, nakita ko ang
milagrosong birhen na nasa loob ng salamin na dinadasalan ng mga
deboto. Sa labas naman ng simbahan, nakita ko ang mga tore na may
mala-higanteng santo sa loob. Sikat din ang lugar sa mga kandila na
may “color coding.” Ang bawat kulay ay may ibig sabihin. Dinarayo
ito ng mga deboto sapagkat marami na ang nakasaksi ng himala rito.
19. Isa rin sa napansin ko sa lugar na ito ay, hindi lang ang simbahan ang pinagpala kundi
pati ns rin ang mga tao. Ang tao ay magiliw at magalang na nakikipaghalubilo sa mga turista.
Nadama ko talaga ang kanilang mainit na pagtanggap sa mga tao. Ang isa pa sa napansin ko na kung
maraming tao ang dadayo sa lugar ay mas sasagana ang kanilang pamumuhay. Ang mga drayber ng
motorsiklo ay nagpapakita ng mayroon silang tiwala sa kanilang mga pasahero. Hindi muna nila ako
pinagbayad ng pamasahe at inalok niya ako na siya na lang daw ang maghahatid sa aking pauwi at
binigyan niya ako ng cellphone number para matawagan ko siya kung uuwi na ako. Pati na rin ang
mga taong nagbebenta ng sarong na dapat suotin kung nagsuot ka ng ipinagbabawal na kasuotan ay
hindi rin ako pinagbayad muna tska na raw kung tapos na ako at lalabas na ako sa simbahan.
Makikita mo talaga ang tiwala nila sa mga tao kahit hindi nila ito kilala. Nakapagtanong ako sa
isang tindera kung paaano kung hindi babayaran ng mga tao ang renta, ang naging tugon niya ay,
“ Sa anong kadahilanan ang kanilang pagpunta rito kung gagawin lang nila sa aming humahanap ng
ikabubuhay para sa pamilya.”
May natutuhan ako sa aking paglalakbay doon. Nakilala ko nang lubusan ang
aking aking sarili na isa sa pinakamagandang obra maestra ng Diyos. Natutuhan ko rin
na kalimutan ang mga hinanakit na aking dinadaramdam at napalitan ito ng kasiyahan.
Dapat tayong makuntento kung anong mayroon tayo ngayon at pasalamatan ang Diyos sa
buhay na ibinigay niya sa atin dahil maraming tao ang nag-aagaw buhay ngayon.
Kung isa kayo sa mga taong gustong maranasan ang kapayapaan at kagandahan ng
isang lugar, ang Simala Shrine ay para sa inyo. Kaya ano pa ang hinihintay niyo?
Maglakbay na!
“ Faith is taking the first step even you don’t see the whole staircase.” -Luther
King Jr.
20. REPLEKSIBONG SANAYSAY
Kasawian sa Pagiging Hindi Matalino
Tanong:
1.Bakit hindi ako katulad ng iba ns matalino?
2.Kailangan ko bang maging matalino katulad nila para matanggap sa grupo?
3.Kailangan ko bang magdoble “kayod” para maging matalino kagaya nila?
4.Dapat ba akong maging matalino para mapansin ng mga guro?
5.Ang pagiging matalino ba ang basehan para maging masaya ang aking mga magulang?
6.Ang pagiging matalino ba ang basehan para masabing magkaroon ng magandang kinabukasan?
7.Bakit mas nakikita ng mga tao ang pagiging “bobo” ko sa paaralan kaysa sa aking mga paghihirap?
8.Ang pagiging matalino ba ang basehan para lang magkaroon ng kaibigan?
9.Kailangan ko bang maging matalino para makapasa sa kolehiyo?
10.Ano-ano ang dapat ko gawin para mas maging matalino?
21. Sagot:
1. Hindi ako matalino kagaya ng iba dahil ito na ang ibinigay ng Diyos sa akin at ito
lsng ang makakaya ko.
2. Siguro oo, pwede namang hindi. Nasa kanila na ang desisyon kung matatangap ba nila
ang katulad ko.
3. Kailangan kong magdoble “kayod” sa pag-aaral para maging matalino pero hindi para sa
kanila kundi para sa akin.
4.Hindi ko kailangan maging matalino para lang mapansin ng mga guro. Lahat ng estudyante
ay pinapansin dahil ito ang kanilang tuntunin bilang isang guro.
5.Sa tingin ko, hindi. Sinabi na sa akin ng aking mga magulang na okay lang na hindi ako
matalino basta makapagtapos lang ako ng pag-aaral.
6.Sa tingin ko, hindi. Hindi lang talino ang kailangan para gumanda ang aking
kinabukasan. Kailangan ko rin ng diskarte at determinasyon.
7.Siguro hindi nila nakikita kung paano ako nagsikap para makamit ang kanilang inaasahan
sa akin. Marahil ay gagawin ko nalang itong hamon para mas magpursige para sa sarili at
hindi na sa ibang tao.
8.Sa panahon ngayon, siguro oo. Dapat akong maging matalino para magkaroon ng kaibigan.
9.Sa tingin ko, hindi. Hindi lang naman ang talino ang kinakailangan, dapat ko ring ng
magrebyu o magbalik-aral para makapasa sa kolehiyo.
10.Ang kailangan kong gawin ay magtiwala sa sarili at mag-aral ng mabuti. Hindi ko
kailangan ikumpara ang aking sarili sa iba dahil alam kong may kaya akong gawin na hindi
nila kaya.
22. Kasawian sa Pagiging Hindi Matalino
Katalinuhan, masasabi natin na sa panahon ngayon ito na ang naging
basehan ng mga tao. Basehan para matanggap ka sa lipunan, basehan para
magkaroon ng mga kaibiga, mapansin ng guro, makapagpapasaya sa mga magulang mo,
at basehan para magkaroon ng mmagandang kinabukasan. Ngunit paano nalang kung
wala ka nito? Nangangahulugan bang hindi ka na magkakaroon ng magandang buhay?
Sa mga taong nagdaan, namulat na ako sa katotohanang dapat ang isang tao
ay matalino para matanggap ng lipunan. Nag-aaral pa lang ako sa elementarya,
sinabihan na ako ng isang tao na kakilala ng aming pamilya na dapat daw akong
makatanggap ng maraming parangal dahil kung hindi, ako lang ang nag-iisang
miyembro ng pamilyang Enolpe na “bobo” at walang makakamit sa buhay. Isa pa ra
rito, ikinukumpara ako sa aking pinsan na masasabi kong isang matalino ng mag-
aaral. Kailangan kong maging isang matalinong mag-aaral katulad niya. Nang
dahil dito, mas nakaramdam ako ng “pressure” sa aking pag-aaral. Kung ano man
ang makamit niyang parangal dapat makamit ko rin ‘yon. Bilang isang tao,
nakakaramdam ako ng pagkalungkot at sakit sa aking parte dahil hindi namn kami
pareho diba? Oo nga’t magpinsan kami pero hindi ibig sabihin na kung ano siya
ganoon na rin ako para lang matanggap.
23. Paano ba magkaroon ng kaibigan? May mga kinakailangan bang kwalipikasyon
para magkaroon ng mga kaibigan? Kailangan bang ika’y maganda at matalino para
matanggap at masali lang sa grupo? Naranasan kong mawalan ng mga kaibigan
noong tumutong na ako ng sekundarya. Nawalan ako ng ibang kaibigan sa rason na
sa ibang paaralan sila nag-aaral. Okay lang iyon sa akin may rason naman sila,
ngunit ang masakit ay nagsimulang mawala ang mga natitirang kaibigan ko noong
hindi ako nabigyan ng parangal noong Grade 8 na naging dahilan sa pagpapabaya
ko sa aking pag-aaral. Sa halip na tulungan nila akong tumayo muli bilang
kaibigan nila, sila pa mismo ang nagbigay sa akin ng matinding poot at sakit.
Ang mas malala ay naging kaibigan nila ang pinsan kong matalino. Palaging nila
itong pinupuri sa mga gawaing nagawa niya. kaya naitanong ko sa aking sarili
na kailanagan bang maging matalino para magkaroon ng mga kaibigan dahil sa
tuwing may mga gawain, ipinaparamdam nila sa akin na maswerte sila kung
magiging ka grupo nila ang aking pinsan.
Dumaan ang maraming taon, ganoon pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing
may mga pangkatang gawain. Ginwa ko naman ang lahat, nagsumikap, nag-aaral
nang mabuti, ginawa ang mga bagay na napapahalagahan nila na hindi nila
malilimutan. Ngunit bakit ganoon pa rin ang resulta? Mas nakikita nila ang
“bobong” mag-aaral na ito. Mas napapansin nila ang mga kamalian ko, hindi nila
nakikita ang mga naging paghihirap ko para lang lang mapansin at masabi man
lang nila na kahit minsan naging maswerte sila dahil naging ka-grupo nila ako
kahit hindi ako matalino basta’t mya kakayahan akong mamuno sa grupo.
24. Sa naging karanasan ko, masasabi ko na ang
pagiging matalino ang basehan para lang matanggap ka
sa lipunan, basehan para magkaroon ng mga kaibigan
at basehan para mapansin ang mga naging paghihirap
mo ngunit nagbago ito dahil napagtanto ko na wala sa
mg ito ang dahilan at hindi ang talino ang basehan.
Napagtagpi-tagpi ko ang sitwasyon at napagtanto ko
na ako lang pala ang naging problema simula pa lang.
Ako lang ang may negatibong pag-iisip. Kaya dapat
maging positibo lang at kung para sayo matalino ka,
paniwalaan mo dahil walang sinuman ang maniniwala
sayo kung ikaw mismo ay nawalan na ng tiwala sa
sarili.
26. T a y o n g m g a t a o a y a n g
nagdedesisyon kung paano tatakbo ang
ating buhay dahil tayo mismo ang
gumagawa at gumuguhit ng ating
sariling kapalaran.
27. Walang sinuman ang nabubuhay
para sa sarili lamang. Kailangan natin
ng gabay mula sa ating pamilya at
mga kaibigan dahil kung isa man sa
atin ang madapa, may taong tutulong
para tayo'y makatayo.
28. Ang buhay ay parang isang
gulong. Hindi palaging nasa itaas at
hindi rin palaging nasa ibaba. May
mga bagay kasi na ipinararanas
lang para matuto tayo sa sarili
nating kamalian at desisyon sa
buhay.
29. Habang hinaharap natin ang mga
samu't saring problema, may mga tao
pa ring dumadating at handang mag-
abot ng kamay at mag-alay ng oras
para sa atin dahil ang taong nag-iisa
ay naliligaw sa kalikutan ng mundo.
30. M a y p a g k a k a t a o n g
kinakailangan din nating
mapag-isa at tumayo sa sarili
nating mga paa.
31. A n g k a l i g a y a h a n a t
kalungkutan ay parte ng ating
b u h a y . H i n d i n a t i n
mararamdaman ang ganap na
kaligayahan, kung di tayo
m a k a k a r a m d a m n g
kalungkutan.
32.
33. Sa buhay, marami man
tayong napagdaanan, may iisa
pa rin tayong patutunguhan.
34. ADYENDA
PETSA: Ika-9 ng Setyembre 2019 ORAS: 8:40 ng umaga
LUGAR: Zamboanguita Science High School
RE: Paghahanda para sa Science and Math
Month Celebration
PARA SA: Mga Guro sa Siyensa at Matematika
Opisyales mula sa Club ng Siyensa at Matematika
Mga Classroom President ng Bawat Klase
MULA KAY: Allyssa Jay Enolpe
Pangulo ng Siyensa at Matematika Club
35. AGENDA:
MGA PAKSA TAONG TATALAKAY ORAS/MINUTO
1.Pagbasa ng Nakaraang Sekretarya 5 minuto
Minutes of the Meeting
2.Pagbabahagi ng mga Arnold Rabor Jr. 30 minuto
Gagawin sa Magaganap na Guro sa Siyensya
Kulminasyon (Siyensya)
2.1Mga Patimpalak
a.Physics Olympics
b.Science Quiz Bowl
c.Scientist Look-Alike
d.Science Jingle
e.SIP Competition
36. 2.2 Iskedyul ng mga Patimpalak
2.3 Mga Mekaniks at Krayterya
ng mga Patimpalak
3.Pagbabahagi ng mga Kaye Elnas 30 minuto
Gagawin sa Magaganap na Guro ng Matematika
Kulminasyon (Matematika)
3.1Mga Patimpalak
a.Tower of Hanoi
b.DAMATH
c.Math Jingle
d.Sudoku
e.Modulo Art Competition
f.Math Sayaw
g.Mathematician Look-Alike
37. 3.2Iskedyul ng mga Patimpalak
3.3Mga Mekaniks at Krayterya
ng mga Patimpalak
4.Mga Gagawin sa Mismong Araw Knight Velasquez
ng Kulminasyon Bise ng SSG
4.1Pagbigay ng Parangal
5.Pagtatalaga ng mga Komite Lysander Callahan 20 minuto
5.1Food Committee Bise ng Club ng Siyensa at Matematika
5.2Decoration Committee
5.3Contest Committee
5.4Award Committee
SUSUNOD NA PAGPUPULONG: Ika-18 ng Setyembre 2019
ORAS: 8:40 ng umaga
38. Katitikan ng Ikalawang Pulong ng Science and MathClub ng Paaralang
Zamboanguita Science High School
Ika- 9 ng Setyembre 2019
8:40 ng umaga
Sa Silid-Aralan ng grade 12- Generoso
Dumalo
Coordinator ng Departamento ng matematika at Siensa
Opisyales ng Mathematics at Science Club
Opisyales ng Supreme Student Government (SSG)
Presidente ng Bawat Klase
Di Dumalo
Julia Barretto ( Guro ng Siyensa)
Gerald Anderson ( Guro ng Siyensa)
39. Panukalang Adyenda
1.Paghahanda para sa Selebrasyon ng Buwan ng Matematika at Siyensa
I.Pagsisismula ng Pulong
Ang pagpupulong ay itinayo ni Bb. Robeth Yap Banua, ang Presidente ng
Math at Science Club sa ganap na 8:40 ng umaga, ito’y sinimulan sa isang
panalangin na pinangunahan ni Bb. Fredelin Parallon. Sinundan ito ng
pagpapahayag sa paksa na pag-uusapan, ang Paghahanda sa Selebrasyon ng
Math and Science Month kasunod ang roll-call na isinagawa ni Bb. Robeth
Yap Banua.
II.Pagbasa sa Nakaraang Pulong
Bago sinimulang pag-usapan ang panukalang adyenda, binasa muna ni
Bb. Kathryn Bernardo, ang Sekretarya ng Math and Science Club sa
nakaraang pagpupulong noong Agosto 20, 2019. Ibinahagi niya ang mga bagay
na napag-usapan tungkol sa paghahanda para sa sa selebrasyon ng Buwan ng
Wika.
III.Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda
-Ang pagpupulong ay sinimulan sa pamamagitan ng pagbukas ng paksa tungkol
sa mangyayaring selebrasyon cn ng Math and Science Month na pinangunahan
ng Presidente ng Math and Science Club na si Bb. Robeth Yap Banua.
40. -Ang unang pinag-usapan ay ang tungkol sa
magiging listahan ng mga aktibidad at skedyul para sa
O p e n i n g P r o g r a m a t C u l m i n a t i o n P r o g r a m n a
pinangunahan ni G. Daniel padilla, ang Bise-
Presidente ng Math and Science Club.. Napagdesisyunan
ang mga paksa, oras, at lugar kung saan gaganapin ang
mga programa. Gaganapin ang Opening Program sa stage,
ito ay suhestiyon ni Bb. Rosebelle Joy Banua, isang
guro ng Matematika, na sinang-ayunan naman ng
karamihan. Ang Culmination Program naman ay magaganap
sa ika-30 ng Setyembre, 2019 ng ika-8 ng umaga sa
parehong lugar ng Openeing Program na suhestiyon ni
Bb. Fredelin Parallon at Bb. Rica Mae Alcano, mga
guro ng Siyensya, na sinang-ayunan naman ng karamihan.
41. - Sunod na pinag-usapan ay ang pagtatalaga ng Program Committee. Ito ay pinangunahan
ni Bb. Robeth Yap Banua at G. Daniel Padilla. Ang mga sumusunod ay ang mga binoto ng
karamihan na maging miyembro ng Program Committee:
* Opening Program Committee
• Bb. Kaila Enolpe
• Bb. Allyssa Jay Enolpe
• Bb. Fredelin Parallon
• Bb. Andren Credo
• Bb. Aya Cafino
42. - Ang pangatlong pinag-usapan ay ang tungkol sa mga paligsahan na magaganap
sa Kulminasyon sa Matematika na pinangunahan ni Gng. Jayne Gale Verances, isang
Math Coordinator. Naglista ng mga posibleng paligsahan at pagkatapos ay bumoto
ang lahat, kinuha lamang ang top 5 na may pinakamaraming boto. Ang mga sumusunod
ay ang mga paligsahan sa Matematika:
*Math Jingle *Math Sayaw
*Modulo Art *Math Investigation
*Tower of Hanoi
- Ang pang-apat na pinag-usapan ay tungkol naman sa mga paligsahan sa
Kulminasyon sa Siyensya na piinangunahan ni Gng. Marlene Elloren, isang science
Coordinator. Katulad sa Matematika, kumuha lang din ng top 5 na may pinakamaraming
boto na nakuha. Ang mga sumusunod ay ang mga gaganaping paligsahan sa
Agham/Siyensya:
* Science Oral and Written Quiz *Science Sayaw
* Science Investigatory Project *Science Jingle
* Physics Exhibit
43. - Ang panlima ay tungkol sa iskedyul at timeframe ng
bawat paligsahan na pinangunahan ni Bb.Liza Soberano, ang PIO
ng Math and Science Club. Ang mga sumusunod ay sinag-ayunan ng
lahat:
Ika-30 ng Setyembre, 2019
( Kulminasyon)
Ika-9 ng umaga, magaganap ang mga sumusunod:
* Math Investigatory * Tower of Hanoi * Science Oral
and Written Quiz
* Modulo Art * Physics Exhibition * SIP
Ika-1 ng hapon, magsisimula ang mga sumusunod:
* Math Jingle * Science Jingle
* Math Sayaw * Science Sayaw
44. - Ang pang-anim na pinag-usapan ay ang pagpili ng mga hurado sa
bawat paligsahan na pinagunahan ni Bb. Banua. Napagdesisyunan na hindi
kasali ang mga advisers sa Board of Judges. Ang mga sumusunod ay ang mga
napili at sinang-ayunan ng lahat:
* Math Investigation * Math and Science Sayaw at Physics
Exhibition
~Gng. Gallardo ~ G. Partosa
~Gng. Elloren ~ G. Jimmy
~Bb. Sinajon ~G. Charles
*SIP * Math and Science Jingle
~ Gng. Ruth Eltanal ~ G. Partosa
~ Gng. Lucy Abejero ~ Gng. Verances
~ Ggn. Jeanny Abejero ~ Gng. Gallardo
45. - At ang panghuling pinag-usapan ay ang mga gantimpala
na igagawad sa mga mananalo na pinangunahan ni G. Enrique Gil,
ang Treasurer at G. James Reid, ang Auditor. Napag-usapan ang
perang gagamitin para dito, kung magkano at kung saan kukuha.
Ang mga sumusunod ay ang naging desisyon ng lahat:
Medals and Trophies - 5,000 pesos
Certificates - 1,000 pesos
School Supplies - 5,000 pesos
Total 11,000 pesos
- Ang 25% na pera ay kukunin sa SG Funds at ang 75% ay
kukunin sa funds ng mga Club.
- Tatawag ng susunod na pulong ang Presidente ng Math
and Science Club kaugnay sa selebrasyon.
46. IV. Iba pang Pinag-usapan
- Pagtalaga ng kabilang sa Food Committee
V. Iskedyul ng Susunod na Pulong
- Ika-17 ng Setyembre, 2019 ng ika-8:40 ng umaga.
VI. Pagtatapos ng Pulong
- Natapos ang pulong sa ganap na 9:40 ng umaga.
Inihanda ni: Nagpatotoo:
ALLYSSA JAY ENOLPE ROBETH YAP BANUA
Kalihim ng Siyensya at Presidente ng Siyensya at
Matematika Club Matematika
Inaprubahan ni:
MELISSA A. LERO
Punong Guro
47.
48. 1.Ang paaralang Zamboanguita Science High School ay magsasagawa ng pagdiriwang
ng Buwan ng Wikang Pambansa 2019 na gagaganapin ngayong ika-1 ng Agosto
hanggang ika-31 ng agosto 2019, alinsunod sa Memorandum Pangkagawaran Blg. 79, s.
2015. Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang
Bansang Filipino”.
2.Layunin ng pagdiriwang ang sumusunod:
a.Maipakita abg kahalagahan ng wiakang katutubo tungo sa isang bansang
Filipino;
b.Maiangat ang kamalayan ng mga mag-aaral ukol sa halagang
multilinguwismo sa paglikha ng isang bansang Filipino na may
pagkakaunawaan;
c.Maipakita ang kahalagahan sa Buwan ng Wikang Pambansa; at
d.Mahikayat ang mga mag-aaral na makilahok sa mga paligsahan na gagawin.
3.Ang Opening Program ay gaganapin sa ika-1 ng Agosto, 2019. Hinihikayat ang mga
guro at ang mga estudyante na magsuot ng Pambansang Kasuotan. ANg mga
paligsahan na gaganapin sa Opening Program ay ang mga sumusunod:
• Patimpalak sa Paggawa ng Slogan
• Patimpalak sa Paggawa ng Poster
• Tagisan sa Paggawa ng Tula
49. 4.Ang mga aktibidad na gaganapin ay ang mga sumusunod:
•Agosto 8,2019- Patimpalak sa pagbigkas ng isang katutubong tula ng
lalawigan.( Baitang VII- X)
•Agosto 16, 2019- Pagtatanghal ng mga kwentong-bayan ng lalawigan o
rehiyon sa pamamagitan ng isang madulang kwento.( Baitang VII- X)
• Agosto 19, 2019- Pgbuo ng infographics ng mga katutubong salitang may kaugnayan sa
tema. (SHS)
• Agosto 23,2019- Pagbuo ng tatlong minutong video na mag kaugnayan sa tema. (SHS)
5.Ang kulminasyon ay gaganapin sa ika-29 ng Agosto, 2019, hinihikayat ang lahat ng mga
guro at mga mag-aaaral na magsuot ng Pambansang Kasuotan. Ang mga paligsahan na
gaganapin ay ang mga sumusunod:
• Paligsahan sa Katutubong Sayaw (Baitang VII-IX)
• Madulang Sayaw (Baitang X at SHS)
• Duet Singing Contest ( JHS/SHS)
• Solo Singing Contest ( JHS/SHS)
50. 6.Ang mga nanalo sa bawat patimpalakay bibigyan ng medalya at
sertipiko na kukunin sa pondong lokal ng paaralan.
7.Ang inyong kooperasyon ay lubhang makakatulong sa tagumpay
ng gawaing ito.
8.Malawak at mabilisang desiminasyon ng memorandum ang nais.
Inihanda ni:
ALLYSSA JAY ENOLPE
Tagapag-ugnay sa Filipino
Kinilala/Inaprubahan ni:
MELISSA A. LERO
Teacher-in-Charge
51. Resumé
Dr. Allyssa Jay Enolpe, M.D.
Roosevelt St., Poblacion, Zamboanguita, Negros Oriental
09560616894
ajayenolpe1973@gmail.com
Layunin: Makapagtrabaho sa isang dekalibreng
ospital kung saan mas makakahasa at
maisasabuhay ko ang aking mga kasanayan
bilang isang Licensed Neurologist sa
pagpapalawig at pagsalba ng buhay ng tao.
52. Edukasyong Natamo:
Licensed Neurologist Bachelor of Science in Biology
2019 Silliman University College of Medicine
2014
Doctor of Medicine
University of the Philippines Dilliman
2018
Cum Laude
Gawaing Karanasan:
Natapos ang pagiging intern sa Zapanta Hospital ng isang taong
Nakapagtrabaho kasama anfg mga resident doctors ng Zapanta Hospital
Nakasama sa pagsagawa ng Medical Mission sa iba’t ibang lugar sa bansa
Napagtagumpayan ang thesis at practical examination bilang pinal na pangangailangan para
matapos ang kursong kinuha.
53. Mga Kasanayan:
Marunong makipaghalubilo
Organisado
Marunong maglutas ng problema
May kasanayan sa pamumuno
May kaalaman sa Human Anatomy at Nervous System
Isinasabuhay ang etika ng medisina at Oath ng
Neurologist
Eksperto sa pagmamanipula ng mga laboratoryong
aparato
Marunong makinig ng mga Senior at Resident Doctors
Kalmado kung may emergency
54. Personal na Sanggunian:
Fredelin Parallon, RPh.
Pharmacist
Poblacion, Zamboanguita Negros Oriental
09161447282
parallonfredelin25@gmail.com
Dr. Travis Green, M.D.
Neurologist
Quezon City, Manila
09058521318
travisgreen@gmail.com
56. Pierce Rios, M.D.
Cardiologist
Quezon City, Manila
09158536184
ripeirce73@gmail.com
Train Wolbskin, D.O.
Osteopathist
Quezon City, Manila
09351589629
raintskin_wolf@yahoo,.com
57. Ika-1 ng Oktubre 2019
Dr. ZYRON B. ZAPANTA
Chief Executive Officer
Zapanta Hospital
Furrer St., Quezon City
Mahal na Dr. Zapanta:
Isang Pagbati!
Ako po’y sumusulat sa inyo para mag-apply bilang isang Neurologist sa inyong ospital. Nabasa
ko po ito sa inyong website na naghahanap kayo ng isang mahusay na Neurologist. Nais ko pong
makapagtrabaho s ainyong ospital dahil ito’y nagbibigay ng maraming benipisyo sa aming mga
doctor at ang Zapanta Hospital ay kompleto sa mga pasalidad na mas makakatulong sa aming mga
doctor na maisagawa ng maayos ang aming trabaho.
58. Sa aking malawak na karanasan, ako ay sanay sa physical
evaluations, treatment plans at disease management. Bukod
pa dito, ako ay:
Marunong makipaghalubilo
Organisado
Marunong maglutas ng problema
May kasanayan sa pamumuno
May kaalaman sa Human Anatomy at Nervous System
Isinasabuhay ang etika ng medisina at Oath ng Neurologist
Eksperto sa pagmamanipula ng mga laboratoryong aparato
Marunong makinig ng mga Senior at Resident Doctors
Kalmado kung may emergency
Kalakip ng liham na ito ay ang aking resumé na naglalaman
ng mas detalyadong impormasyon tungkol sa atin.
59. Inaasahan ko pong magkaroon ng pagkakataon na
makapagtrabaho sa inyong ospital. Pwede niyo po
akong kontakin sa numerong 09560616894 o sa aking
email na ajayenolpe1973@gmail.com. Handa po akong
magtungo sa inyong tanggapan para sa isang panayam,
sa oras at petsang nanaisin niyo.
Maraming salamat po! Nawa’y mas lumago pa ang
inyong ospital!
Lubos na gumagalang,
ALLYSSA JAY ENOLPE