ACTING KO, HULAAN MO…
Ang sitwasyong pahuhulaan ng magkabilang
pangkat ay inihanda ng guro.Nakasulat ito sa
metacards
(Ang mga salitang ito ay mga damdaming
mararamdaman sa paksang aralin)
Gawain
Gamit ang Graphic Organizer, isa-
isahin ang mga kalupitang ipinakita ng
mga Hapones sa mga sundalong
Pilipino at Amerikano.
Isulat sa nakahandang strips ang
kasagutan at idikit sa Graphic
Organizer.
Gawin ito sa loob ng 5 minuto.
Pag-uulat ng bawat pangkat
Isa-isahin ang mga kalupitang naranasan
ng mga sundalong Amerikano at Pilipino
sa panahon ng Death March.
Ilahad ito sa malikhaing paraan,gaya ng
pag-awit,pagtula,pasalaysay na
natutuwa,natatakot o nagagalit.
Dec. 7,1941
Pagsalakay sa Pearl Harbor sa
Hawaii
Dec. 8,1941
Pagwasak sa Clark Field sa
Pampanga
Dec. 9,1941
Pagsalakay sa Maynila
Pangyayari sa nakaraan
April 9, 1942
Fall of BATAAN
Dec. 10,1941
Pagdating ng Hapones sa
Aparri,Cagayan at Ilocos Sur
Dec. 26, 1941
Pagdeklara ni Mc Arthur sa
Maynila bilang isang Open City
DEATH MARCH
RUTA
100 kilometrong paglalakad
Mariveles, Bataan hanggang San
Fernando, Pampanga
San Fernando papuntang Kampo O’
Donnel sa Capas, Tarlac
Mahahalagang Pangyayari
Abril 9,1942 nang pasimulan ng mga
Hapones ang nakagigitlang DEATH
MARCH.
-Si Tenyente-Heneral JONATHAN M.
WAINRIGHT ang namuno sa hukbo ng
Pilipinas ngunit sumuko rin matapos ang
madugong pakikihamok sa mga
Hapones.
-Ang pagsuko ng 76,000 kawal na Pilipino at Amerikano
sa BATAAN at CORREGIDOR ay isang hindi
malilimutang pangyayari sa kasysayan ng bansa.
-Tinawag na DEATH MARCH ang paglalakad nila ng
100 kilometro na naging dahilan ng pagkamatay ng
marami sa kanila.
-Ito ang naging matibay na dahilan ng parusang
kamatayan kay HEN. MASAHARU HOMMA pagkatapos
ng digmaan.
Inilipat ang mga sumukong
sundalo sa Kampo O’Donnel
sa Capas, Tarlac
Ang mga 30,000 sundalong bihag,
kasama na ang mahihina,maysakit at
sugatan ay pinalakad mula Bataan
hanggang Tarlac
May 5,000 ang namatay sa
sakit o sugat o kaya’y pinatay
sa saksak ng bayoneta
habang lumalakad nang
walang pahinga, pagkain at
inumin.
Marami sa kanila ang tumakas.
Ang mga nahuling tumakas ay
pinagbabaril.
Isinakay sa tren ang mga sundalong
umabot hanggang San Fernando at
dinala sa Camp O’ Donnel sa
Capas,Tarlac.
Ang mga nakatakas ay namundok at
naging gerilya upang ipagpatuloy ang
kanilang pakikipaglaban sa mga
Hapones.
Magpalitan ng kuro-kuro
Sa mga naganap na pangyayari
noong panahon ng pananakop ng
Hapones, ano ang naging hakbang
ng mga Pilipino upang makamit ang
kalayaan na tinatamasa natin sa
kasalukuyan?
Ano ang nararamdaman mo tungkol
dito?
Ipahayag ang iyong
saloobin
Kung ang iyong ama ay isa sa
mga sundalong Pilipino na
kasama sa Death
March,nararapat ba siyang
ituring na isang bayani?
Sumulat ng reaksyon ukol sa
mga pangyayari sa panahon
ng kalunos –lunos na Death
March.
PAGTATAYA
Takdang Aralin
Magsaliksik ukol sa mga
Sistema ng Pamahalaan ng
mga Hapones
Gabay na aklat
- Lahing Kayumanggi 5 p.264-266
- Kasaysayang Pilipino 5 p.182-189
-Pilipinas Bansang Pinagpala 5 p.169-176