SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 12
ANG PIN AG MULAN N G TA O

Ang ebolusyon ng tao o ebolusyong pantao ang proseso ng ebolusyon na tumungo sa paglitaw ng species na homo
sapiens (tao). Ang proseso ng ebolusyon ng tao ay nagsimula pa sa huling pinakakaraniwang ninuno ng lahat ng
buhay ngunit ang paksa ng ebolusyong pang-tao ay karaniwang sumasaklaw lamang sa kasaysayang pangebolusyon ng mga primado sa partikular na ang paglitaw ng homo sapiens bilang isang species ng genus na Homo.
Ang ebolusyon ng tao ay sinusuportahan ng maraming mga disiplinang pang-agham kabilang
ang henetika, antropolohiya, primatolohiya,arkeolohiya, at embryolohiya.
Ang ebolusyon ng tao ay inilalarawan ng isang bilang ng mga pagbabagong morpolohikal, pang pag-unlad,
pisiolohikal at pang-pag-aasal na nangyari mula sa pakikipaghiwalay ng tao sa karaniwang ninuno ng mga tao
at chimpanzee. Ang pinakamahalagang mga pagbabagong ito sa tao angbipedalismo, pagsasalita, lumaking sukat
ng utak, humabang ontoheniya, lumiit na dimorpismong seksuwal. Ang mga pagbabagong ito ay resulta ng
mga mutasyon sa kromosoma o DNA na napili sa ninuno ng tao sa paglipas ng panahon. Ito ang pareho ngunit hindi
ang tanging mekanismo na nagpalitaw sa mga iba ibang species na makikita sa mundo ngayon.

Teoryang Atheistic Materialism
Ang atheistic materialism o teoryang atheistic ang isang teorya ng pinagmulan ng tao na kung saan sinasabi ni
Carolus Linaeus nung 1760 na maaring may isang pinagmulan ang mga buhay na organismo. Naisip niya ito
habang
pinag
papangkatiya
ang
mga
organismo.
Sinusugan ito ni Comte De Georges Buffon at ipinanukala niya na ang pagkaka iba ng pagkakaibaiba ng mga
organismo
ay
dahil
sa
kanilang
kapaligiran
na
kanilang
pananahanan.
Inilimbag naman ni Jean Baptiste Lamarck ang unang teorya, subalit hindi sapat ang ibinigay nitong impormasyon
hanggang sa nagpalabas ng impomasyon sina Charles Darwin at A.R. Wallace noong 1858 at dito pinag-ibayo ni
Darwin ang pagpaliwanag sa kanyang aklat na Origin Of Species noong 1859.

Ebolusyong Theistic
Isang paliwanag ang ebolusyong theistic tungkol sa pinagmulang ng tao na nakabatay rin sa teoryang ipinanukala ni
Darwin at ang kanyang mga kasama. Naniniwala ang mga nagpanukala nito na nagmula rin ang tao sa isang selula
na sa pagdaan ng panahon , ay nagiging komplikadong organismo dahil sa mutasyon. Ang hindi maipaliwanag ni
Darwin ay ang pinagmulang ng nag-iisang selula, paano nagkaroon nito at paano nabuo.
Sa mga taong tumatanggap sa teorya ng ebolusyon at naniniwalang tanggap na rin ito ng lahat ng tao, nagkaroon sila
ng pag-aagam-agam dahil sa kanilang relihiyon. Ipinaliliwanag ng nakararaming mga relihiyon na ang tao, hayop at
lahat ng bagay ay gawa ng Diyos. Kung gayon, paano nila mapag-iisa ang dalawang teorya, and Atheistic
Materialism at Espesyal na Paglalang? Kasagutan sa problemang ito ang Teoryang Theistic. Ipinanunukala ng mga
naniniwala rito na nilalang ng Diyos ang unang selula sa daigdig at mula sa proseso ng ebolusyon, sumulpot ang
unang tao.

Teoryang Panrelihiyon (Creationist theory)
Naniniwala ang nakararaming relihiyon sa daigdig na nilalang ng Diyos ang tao. Isang halimbawa ang paniniwala
ng mga Kristyano. Ayon sa Bibliya, unang nilalang ng Diyos si Adan at binigyan ng kapangyarihang mamuno sa
lahat ng mga bagay, halamn at hayop. Subalit ng makita ng Diyos na malungkot si Adan, pinatulog siya at saka
kinuha ang isa niyang tadyang. Mula rito, hinugis ang babae at pinangalanang Eba. Silang dalawa ang nagging
unang mga magulang na pinanggalingan ng lahat ng lahi.
O sa madaling salita, ang teoryang ito ay ang paniniwala na ang daigdig o ang mundo ay nilikha ng Diyos. Ito ay
biblikal na paniniwala o nakuha sa biblia at mas kapanipaniwala sa mga tao dahil maraming patunay to gaya ng
biblia.

Ang mga Unang Tao at ang kanilang Distribusyon sa Daigdig
Ang mga primado ay humiwalay mula sa ibang mga mamalya noong mga 85 milyong taong nakakalipas. Ang
pinakamaagang mga fossil ng mga primado ay mula 55 milyong taong nakakalipas. Ang mga maagang primado ay
lumitaw sa Eurasya. Ang angkan ng primado na pinaglitawan ng mga ape na Aprikano at mga tao kabilang
ang Dryopithecus ay lumipat patimog mula sa Europa o Kanluraning Asya tungo sa Aprika. Ang mga populasyong
tropikal ng mga primadong natuklasan sa mga fossil bed ng panahong Eocene at Oligocene sa
depresyong Faiyum ng timog kanlurang Ehipto ay nagsanga sa iba't ibang kasalukuyang nabubuhay na species
na lemur ng Madagascar,
mga loris ng
Timog
Silangang
Asya,
mga galago ng
Aprika,
at
mga anthropoid: platyrrhine (mga Bagong Daigdig na unggoy), at mga catarrhine na kinabibilangan ng mga Lumang
Daigdig na unggoy at mga dakilang bakulaw(great apes) na kinabibilangan ng mga tao. Noong mga 40 milyong
taong nakakalipas, ang impraorden na Simiiformes ay nagsanga tungo sa mga pangkat na Platyrrhini (mga Bagong
Daigdig na unggoy) at Catarrhini (mgahominoid at mga Lumang Daigdig na unggoy). Ang mga hominoid(bakulaw)
ay humiwalay mula sa mga Lumang Daigdig na unggoy sa pagitan ng 29 milyon at 34.5 milyong taong
nakakalipas. Ang Hylobatidae(mga gibbon) ay humiwalay mula saHominidae(mga dakilang bakulaw) noong mga
15-20 milyong taong nakakalipas. Ang Ponginae(mga orangutan) ay humiwalay mula sa Hominidae noong mga 1215 milyong taong nakakalipas. Ang mga ninuno ng mga orangutan o mga malapit na nauugnay rito ay maaaring
kinakatawan ng mga fossil gaya ng Sivapithecus at Ramapithecus na natuklasan sa mga burol na Siwalik ng
Pakistan. Ang mga gorilya ay humiwalay sa linya na tumutungo sa Pan(chimpanzee at bonobo) at tao noong mga 10
milyong taong nakakalipas. Ang species na malapit sa huling karaniwang ninuno ng mga gorilya, mga chimpanzee,
mga bonobo at mga tao ay maaaring kinakatawan ng mga fossil na Nakalipithecus na natagpuan sa Kenya
at Ouranopithecus na natagpuan sa Gresya. Ang linyangPan(chimpanzee at bonobo) ay humiwalay sa linya na
tumutungo sa tao noong mga 6 hanggang 7 milyong taong nakakalipas. Pagkatapos nito,
ang chimpanzee at bonobo ay naghiwalay noong kaunti sa 1 milyong taong nakakalipas. Ang DNA ng tao ay 99.4%
katulad sa DNA ng mga chimpanzee samantalang ang DNA ng tao ay 96% katulad sa DNA ng gorilla. Ang ilang
pag-aaral ay nagpapakita na ang mga chimpanzeeat bonobo ay mas malapit na nauugnay sa mga tao kesa sa
mga gorilla. Dahil sa labis na pagkakatulad ng mga chimpanzee at bonobo sa tao, iminungkahi ng ilang mga
siyentipiko na muling uriin ang mga chimpanzee at bonobo sa genus na Homo: Homo paniscus at Homo troglodytes.
Ang alternatibong mungkahi ay dapat muling uriin ang tao bilang Pan sapiens bagaman ito ay lalabag a prinsipyo
ng prioridad dahil ang Homo ay unang pinangalanan bago ang Pan. Ang pinakamaagang hominin
na bipedal ang Sahelanthropus o Orrorin na posibleng ang pinagsasaluhang karaniwang ninuno ng parehong tao at
chimpanzee. Ang Ardipithecus ang kalaunang unang buong bipedal na hominin na posibleng nagebolb tungo sa
henus na Australopithecus. Ang australopithecus ay nag-ebolb naman tungo sa henus na Homo. Ang pinakamaagang
kasapi ng Homo ang homo habilis na nagebolb noong mga 2.3 milyong taong nakakalipas mula sa Australopithecus.
Ang homo hablis ang unang species na gumamit ng mga kasangkapang bato. Sa sumunod na mga milyong taon, ang
proseso ng ensepalisasyon ay nagsimula sa paglitaw ng Homo ergaster/Homo erectus. Ang homo erectus at homo
ergaster ang unang mga hominina na lumisan sa Aprika. Ang mga ito ay kumalat sa Aprika, Asya at Europa sa
pagitan ng 1.3 hanggang 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang mga ito ang pinaniniwalaang ang mga species na
unang gumamit ng apoy at mga komplikadong kasangkapan. Ang homo ergaster ay pinaniniwalaang nag-ebolb
sa Homo heidelbergensis at ang Homo heidelbergensis ay nagsanga naman sa mga neanderthal sa Europa at
mga Homo sapiens sa Aprika. Ayon sa teoriyang kamakailang pinagmulang Aprikano ng tao, ang mga homo
sapiens ay nagebolb sa Aprika mula sa Homo heidelbergensis noong mga 200,000 taong nakakaraan at lumisan sa
kontinenteng Aprika noong 50,000 hanggang 100,000 taong nakakalipas. Ang mga ito ang pumalit sa mga lokal na
populasyon ng homo erectus at Homo neanderthalensis. Ang paglipat tungo sa pag-aasal na moderno ay nangyari
pagkatapos nito. Ang tumaas na sopistikasyon ng paggawa ng kasangkapan at pag-aasal ay mula 80,000 taong
nakakalipas. Ang buong modernong pag-aasal na kinabibilangan ng sining, musika, paghihiyas sa sarili, kalakal,
mga libingang ritwal at iba pa ay ebidente noong 30,000 taong nakakalipas. Ang pinakamatandang mga halimbawa
ng mga prehistorikong sining gaya ng mga pigurinang Venus at pagpipinta sa kweba sa kwebang Chauvet ay
pinetsahan sa panahong ito.

Antas ng Tao
1.

Hominid-ay mga kasapi ng biyolohikal na pamilyang Hominidae (ang dakilang mgabakulaw), na
kinabibilangan ng mga Tao, mga tsimpansi, mga gorilya, at
mga oranggutan. Mas karaniwan ang katawagang "dakilang
bakulaw" kesa sa pantawag na taksonomiko at may mga
pagkakaiba sa paggamit. Bahagyang tila Hindi kasama rito ang
mga Tao ("mga Tao at iba pang dakilang mga bakulaw") o
isinasama ang mga ito ("mga Tao at mga Hindi-taong dakilang
mga bakulaw"). Sa paggamit ng katawagang homo sapiens,
Hindi nangangahulugang tinatanggal ang Tao mula sa iba pang
mga kasapi ng mag-anak na biyolohikal, kaya't nilalarawan sa
lathalaing ito ang mga Tao bilang dakilang mga bakulaw.
Ang Batang Taung o Sanggol na Taung ang fossil na bungo ng isang batang indibidwal
na Australopithecus africanus. Ito ay tinatayang may edad na 2.5
milyong taong gulang. Ito ay natuklasan noong 1924 ng mga
nagtitibag para sa Northern Lime Company sa Taung, South
Africa. Ito ay inilarawan ni Raymond Dart bilang isang bagong
species sa journal na Nature noong 1925 at binigyang pangalan
na Australopithecus
africanus("katimugang bakulaw ng
[1]
Aprika"). Ito ang unang panahon na ang Australopithecus ay
ibinigay sa anumang hominid. Ang foramen magnum nito ay
matatagpuan sa ilalim ng bungo na nagpapakitang ito ay naglalakad
ng nakatindig. Inangkin ni Dart na ang bungo nito ay isangpagitang species sa pagitan ng mga
bakulaw at mga tao ngunit ito ay hindi tinanggap ng pamayanang siyentipiko sa panahong ito
dahil sa paniniwalang ang isang malaking kapasidad ng bungo ay dapat mauna sa bipedal na
lokomosyon. Pagkatapos lamang ng 20 taon na ito ay tinanggap bilang isang bagong henus at ito
ay tunay na kasapi ng Homininae.
Ang Paranthropus (mula sa Griyego παρα, Para "sa
tabi ng"; άνθρωπος, ánthropos "tao"), ay isang extinct na genus
ng hominin.
Ito
ay
kilala
rin
bilangmatipunong
mga australopithecine. Sila ay mga bipedal na hominin na
malamang nagebolb mula sa mga balingkinitang mga
australopithecine na hominid na Australopithecus noong mga 2.7
milyong taong nakakalipas.
Si Lucy ay ang pangalang ibinigay sa
isang posilisadong hominidyo ng species na Australopithecus
afarensis.
Binigyan
rin
ito
ng
pangalawang
pangalang Amhariko na dinqineš o "Dinkenesh" na may ibig sabihing
"maganda ka"[3]. Naging isang pangkaraniwang pangalan ang Lucy ng AL 2881, ang 40% buong kalansay ng Australopithecus afarensis natuklasan
noong Nobyembre 24, 1974 ng International Afar Research Expedition o IARE
(salin: Pandaigdigang
Ekspedisyong
Pampananaliksik
ng
Afar;
direktor: Maurice Taieb, kasamang mga direktor: Donald Johanson at Yves
Coppens) sa Lambak ng Awash ng Depresyong Afar ng Etiyopya. Tinatayang
namuhay si Lucy noong 3.2 milyong mga taon na ang nakakaraan.
Ang kalansay nito ay nagpapakita ng ebidensiya ng isang maliit na kapasidad
ng bungo katulad sa mga bakulaw(na hindi tao) at naglalakad ng nakatindig
na bipedal na sumusuporta sa pinagtatalunang pananaw na ang bipedalismo ay
nauna sa paglaki ng sukat ng utak sa ebolusyon ng tao.

Limang Uri ng Hominid batay sa laki ng panga, bagang at utak
Ang Australopithecus
anamensis (o Praeanthropus
anamensis) ay isang tangkay na species ng tao na nabuhay noong mga 4
milyong taong nakakalipas. Ang halos 100 spesimen nito ang natagpuan
[1][2]
[3]
sa Kenya
at Ethiopia na kumakatawan sa mga 20 indibidwal.
Ang Australopithecus africanus ay isang extinct na
maagang hominid na nabuhay sa pagitan ng ~3.03 at 2.04 milyong taong
nakakalipas
sa
hulingPlioseno at
maagang Pleistoseno. Ito ay balingkitan
tulad ng mas matanda ritong Australopithecus
afarensis. Ito ay pinaniwalaang isang direktang ninuno ng mga
modernong tao. Sa kabila ng katamtamang mas tulad sa taong mga
katangian sa bungo nito na nakikita halimbawa sa mga specimen na
Mrs. Ples at STS 71, ang ibang mga katangiang mas primitibo nito ay
kinabibilangan ng tulad sa bakulaw(na hindi tao) na mga kurbadong
daliri para sa pag-akyat sa mga puno. Dahil sa ibang mga mas
primitibong katangiang makikita sa Au. africanus, ang ilang mga
mananaliksik ay naniniwala na sa halip na ito ay direktang ninuno ng mga modernong hominin
ay nag-ebolb ito tungo sa Paranthropus. Ang isang matipunong Paranthropus na nakikitang inapo
ng Au. africanus ang Paranthropus robustus.
Tulad ng Au. afarensis, ang Au. africanus ay katulad nito sa maraming mga katangian na
isang bipedal na hominid na nag-aangkin ng mga brasong katamtamang mas malaki kesa sa mga
hita nito(na isang katangiang pisikal na makikita rin sa mga chimpanzee). Sa kabila ng mga
pagkakatulad saAu. afarensis, ang mga labing fossil nito ay nagpapakitang ang A. africanus ay
mas higit na katulad ng mga modernong tao kesa sa Au. afarensis. Ito ay nag-aangkin ng isang
mas tulad sa taong cranium na pumapayag sa isang mas malaking utak at mas humanoid na mga
katangiang pangmukha. Ang Au. africaus ay natagpuan lamang sa mga apat na lugar sa
katimugang
Aprika
—
Taung
(1924), Sterkfontein (1935), Makapansgat (1948)
atGladysvale (1992)
Ang Australopithecus afarensis ay isang ekstinkt
na hominid na nabuhay sa pagitan ng 3.9 at 2.9 milyong mga taon
ang nakalilipas
Ang Paranthropus
boisei o Australopithecus
boisei ay isang maagang hominin na inilalarawan bilang
ang pinakamalaking species ng Paranthropus o mga
matipunang australopithecine. Ito ay nabuhay sa
Silanganing Aprika noong panahong Pleistoseno mula mga 2.3 hanggang 1.2 milyong
taong nakakalipas.
2. Homo Habilis- (may kahulugang "taong marunong
gumawa ng kung anuanong mga bagay) ay
isang extinct na
species
ng
genus
na Homo, na namuhay
noong
bandang
1.4
hanggang 2.3 milyong mga taon na ang nakalilipas sa simula ng
panahong Pleistoseno.
Ang Homo
habilis (o
maaaringH.
rudolfensis) ang pinakamaagang nakikilalang species ng genus
na Homo. Sa anyo at morpolohiya nito, ang H. habilis ay ang pinaka
malayo ang pagkakatulad sa modernong tao sa lahat ng species ng genus na Homo (maaaring maliban sa H.
rudolfensis). Ang H. habilis ay maiksi ang taas at may hindi pantay na mahahabang mga bisig kung
ihahambing sa mga modernong tao. Subalit hindi gaanong nakaungos ang mukha nito kung ihahambing sa
mga australopithecine na pinaniniwalaang mga ninuno nito. Ito ay may kapasidad na pangbungo na
bahagyang mas kakaunti kaysa kalahati ng sukat ng makabagong mga tao. Sa kabila ng morpolohiya ng
katawan na parang sa bakulaw, ang mga nalalabi ng H. habilis ay madalas na nasasamahan ng mga
primitibong mga kagamitang yari sa bato (halimbawa na ang nasa Olduvai Gorge, Tanzania at Lawa ng
Turkana, Kenya natagpuan noong 1960 na tinatawag na Taong Olduvai). Ang Homo habilis ay sabay na
nabuhay sa ibang mga primadong tulad ng Homo na bipedal gaya ng Paranthropus boisei na ang ilan ay
nabuhay sa loob ng maraming mga libong taon. Gayunpaman, dahil sa posibleng maagang paggamit ng
mga kasangkapan at isang kaunting espesyalisadong diyeta ng H. habilis, ito ay nag-ebolb sa buong linya
ng bagong species samantalang ang ibang species gaya ng Paranthropus boisei at mga matipunong kamaganak nito ay naglaho na sa fossil record. Pinakamatandang bungo ng Homo Habilis ang ER 1470 na
nahukay noong 1972. Natuklasan ito sa lawa ng Turkana ni Richard P. Leakey.
Ang Homo habilis ay pinaniniwalaang ang ninuno ng mas may magandang hubog ng katawan at mas
sopistikadong Homo ergaster na nagpalitaw sa species na kamukha ng tao na Homo erectus. Noong 2007,
may bagong mga pagkakatuklas na nagmumungkahing maaaring ang parehong H. habilis at H. erectus ay
sabay na umiral at maaaring ito ay magkahiwalay na angkan mula sa isang karaniwang ninuno sa halip na
nagmula ang H. erectus mula sa H. habilis. Ito maaaring nagpapakita na ang anumang mga kaugnayang
pang ninuno ng H. habilis sa H. erectus ay isang kladohenetiko sa halip naanahenetiko na
nangangahulugang kahit ang isang hiwalay na subgrupong populasyon ng H. habilis ay naging karaniwang
ninuno ng natitirang henus, ang ibang mga subgrupo ay nanatili bilang hindi nagbagong H. habilis
hanggang sa kanilang mas kalaunang ekstinksiyon.
3.

Homo Erectus- (mula sa Latin: nangangahulugang "taong nakatindig") ay isang species ng genus
na Homo. Unang nilarawan ito ng anatomistangOlandes na si Eugene Dubois noong mga 1890
bilang Pithecanthropus erectus, batay sa takip o putong ng bungo at sa
tila makabagong-panahong itsura ng buto ng hitang natuklasan sa
baybayin ng Ilog Solo sa Trinil, Java. Ngunit salamat sa unang
paglalarawan ng Kanadyanong anatomistang si Davidson Black's
noong 1921 sa isang mababang molar, na tinaguriang Sinanthropus
pekinensis, sapagkat naganap sa Zhoukoudian sa Tsina ang halos lahat
ng mga maaga at ispektakular na mga pagtuklas ng taksong ito.
Ibinigay ng Alemang anatomistang si Franz Weidenreich ang
karamihan sa mga detalyadong paglalarawan sa materyal na ito sa ilang mga monograpong inilathala sa
diyaryong Palaeontologica Sinica (Serye D) Natagpuan ang mga labing fossil sa Java noong mga 1890 at
sa Tsina noong 1921.
Noong kaagahan ng ika-20 daantaon, nakaraang pinaniniwalaan na namuhay ang mga unang modernong
tao sa Asya. Ngunit noong mga 1950 at mga 1970, maraming mga natagpuang fossil mula
sa Kenya ng Silangang Aprika na nagpakitang nagmula ang mga pinakamatandang modernong tao mula
doon. Pinaniniwalaan na ngayong ninuno ng mga Homo erectus ang mga mas sinaunang mga taong katulad
ng Australopithecus na nag-ebolb sa henus na Homo. Ang species ng Homo na Homo habilis ay
pinaniwalaan na ninuno ng Homo Ergaster na nagpalitaw naman sa Homo erectus. Gayunpaman, may mga
bagong tuklas noong 2007 na nagpapahiwatig na namuhay sa magkaparehong panahon ang Homo habilis at
ang Homo erectus at maaaring nagmula sa nagiisang ninuno. Gayunpaman, ito ay maaaring nagpapakita na
ang anumang mga kaugnayang pang ninuno ng H. habilis sa H. erectus ay isang kladohenetiko sa halip
na anahenetiko na nangangahulugang kahit ang isang hiwalay na subgrupong populasyon ng H. habilis ay
naging karaniwang ninuno ng natitirang genus, ang ibang mga subgrupo ay nanatili bilang hindi nagbagong
H. habilis hanggang sa kanilang mas kalaunangekstinksiyon.
Ang Homo erectus ang nananatiling ang pinakamatagal na nabuhay na species ng Homo na nabuhay sa
higit sa isang milyong taon. Ang Homo sapiens(modernong tao) ay umiiral pa lamang sa loob ng 200,000
taon.

Mga Subspecies ng Homo Erectus
Ang Taong Java(Homo erectus erectus) ay isang subspecies ng Homo erectus na ang mga fossil
ay natagpuan sa Java, Indonesia ng siyentipikong Olandes na si Eugène
Dubois noong 1891. Ito ang isa sa mga unang alam na specimen
ng Homo erectus. Tinawag itong Pithecanthropus erectus ni Dubois,
nang matuklasan niya ito mula sa pulo ng Trinil sa Java, Indonesya.
Ito ay pinaniniwalaang umiral sa pagitan ng 1 milyong taon at
700,000 taong nakakalipas. Ito ay nakaraang iminungkahi ng mga
ilang mga siyentipiko na isang potensiyal na anyo sa pagitan ng mga
modernong tao at karaniwang ninuno na pinagsaluhan ng tao sa ibang
mga dakilang bakulaw. Ang kasalukuyang kasunduan ng mga siyentipiko ay ang mga direktang
ninuno ng mga modernong tao ay mga populasyong Aprikano ng Homo erectus na posibleng
ang Homo ergaster sa halip na na mga populasyong Asyano gaya ng Taong Java at Taong Peking.
Ang Taong Yuanmou (pinapayak na Intsik: 元 谋 人 ; tradisyunal na Intsik: 元 謀 人 ; pinyin:
Yuánmóu Rén), Homo erectus yuanmouensis, ay isang subspecies ng Homo erectus na ang
dalawang incisor ay natagpuan sa Bayang Danawu sa kondadong Yuanmou (pinapayak na
Intsik: 元 谋 县 ; tradisyunal na Intsik: 元 謀 縣 ; pinyin: Yuánmóu Xiàn) sa timog kanlurang
probinsiya ng Yunnan, Tsina. Kalaunang, ang mga batong artipakto at mga piraso ng buto ng
hayop ay nagpapakita ng mga tanda ng paggawa dito gayundin ang mga abo sa mga apuyan ay
nahukay sa lugar. Ang mga fossil nito ay nakatanghal saNational Museum of China, Beijing.
Ang Taong Lantian (pinapayak na Intsik: 蓝田人; tradisyunal
na Intsik: 藍 田 人 ; pinyin: Lántián rén) na dating kilala
bilang Sinanthropus lantianensis at kasalukuyang tinatawag
na Homo erectus lantianensis ay isang subspecies ng Homo
erectus. Ang pagkakatuklas nito noong 1963 ay unang
inilarawan ni J. K. Woo ng sumunod na taon. Ang mga labi ng
Taong Lantian na tinawag na Lantian Ren(蓝田人 sa Tsino) ay
natagpuan sa Lantian County (蓝田县; pinyin: Lántián Xiàn)sa
timog kanluraning probinsiyang Shaanxi ng Tsina na tinatayang
50 km timog kanluran ng siyudad ng Xi'an. Sa sandaling pagkatapos matuklasan ang buto ng
panga ng unang Taong Lantian sa Chenjiawo (陈家窝) sa Lantian County, ang isang bungo na
may mga buto ng ilong, kanang maxilla at tatlong mga ngipin ng isa pang specimen ng Taong
Lantian ay natagpuan sa Gongwangling (公王岭) na isa pang lugar sa Lantian County.
Ang Taong Nanjing (Homo erectus nankinensis) ay isang subspecies ng Homo erectus na
natagpuan sa Tsin. Ang bungo ng isang lalake at babaeng taong Nanjing ay natuklasan noong 1993
sa kwebang Tangshan malapit sa Nanjing na may edad na mga 580,000 hanggang 620,000 taong
gulang.[1] Ang bungo ay nasa Nanjing Museum at pinag-aaralan ng mga siyentipikong nasa
larangang ito.
Ang Taong Peking (Tsinong payak: 北 京 猿
人; Tsinong tradisyunal: 北京猿人; pinyin: Běijīng Yuánrén),
na kilala rin bilang Sinanthropus pekinensis oPithecanthropus
pekinensis[1] ngunit pangkasalukuyang tinatawag na Homo
erectus pekinensis, ay isang halimbawa ng Homo erectus.
Isang pangkat ng mga ispesimeng fossil ang natagpuan noong
1923
hanggang
1927
habang
naghuhukay
sa Zhoukoudian (Chou K'ou-tien) malapit sa Beijing (na kilala
bilang Peking noon), Tsina. Mas kamakailan lamang, pinetsahan
ang mga natuklasan mula mga 500,000 mga taon na ang nakalilipas. [2], bagaman may isang
bagong pag-aaral na nagmumungkahing maaaring umaabot sila sa 680,000 hanggang 780,000 mga
taong gulang na.[3] May isang bilang din ng mga fossil ng modernong mga tao ang natuklasan sa
Pang-itaas na Yungib sa kaparehong pook noong 1933.
Ang Taong Solo (Homo erectus soloensis) na dating inuri bilang Homo sapiens soloensis ay
itinuturing ngayong isang subspecies ng Homo erectus. Ang mga specimen nito ay nakuha sa mga
lugar sa kahabaan ng Bengawan Solo River sa Indonesia sa kapuluang Java. Ang mga labi nito ay
karaniwang tinatawag na Ngandong na ipinangalan sa bayang kung saan ito unang natuklasan.
Ang kultura ay hindi karaniwang maunlad.
Ang Taong Tautavel (Homo erectus tautavelensis) ay iminungkahing subspecies ng Homo
erectus. Ito ay may edad na 450,000 taong gulang at natuklasan sa
kwebang Arago sa Tautavel, Pransiya. Ang mga paghuhukay nito ay nagsimula noong 1964 na
may unang kilalang pagkakatuklas noong 1969.
Ang Meganthropus ang mga pragmento ng bungo na natuklasan sa lugar na Sangiran malapit
sa Surakarta sa sentral na Java, Indonesia. Ang orihinal na pangalang siyentipiko nito
ay Meganthropus palaeojavanicus at bagaman itinuturing ngayong
hindi balido, ang pangalan ng genus ay nagpatuloy bilang impormal
na pangalan nito. Ang karamihan ng mga paleoantropolgo ay
tumuturing rito bilang nauugnay sa Homo erectus ngunit hindi pa
mapagkasunduan kung gaano kalapit ditto.
4.

Homo Sapiens- Ang tao (Homo sapiens) ay isang primado ng
pamilyang Hominidae, at ang tanging nabubuhay na espesye ng henus
na Homo.[3][4][5] Ang mga tao ay nagmula sa Aprika kung saan ang
mga ito ay umabot sa pagiging moderno sa anatomiya nito mga
200,000 taon ang nakalilipas at nagsimulang magpakita ng buong
pagiging moderno sa pag-aasal mga 50,000 taon ang
nakalilipas.[6] Ang lipi ng tao ay nag-na diberhente mula sa huling
karaniwang ninuno kasama ng pinaka-malapit na nabubuhay nitong
kamag-anak na chimpanzee mga limang milyong taon ang nakalilipas
na nag-ebolb saAustralopithecines at kalaunan ay sa henus Homo.[7] Ang
unang espesyeng Homo na lumisan sa Aprika ang Homo erectus na uring Aprikano na kasama ng Homo
heidelbergensis ay itinuturing na agarang ninuno ng mga modernong tao. [8][9] Nagpatuloy na sakupin o
ikolonisa ng mga Homo sapiens ang mga kontinente na dumating sa Eurasya noong 125,000 hanggang
60,000 taon ang nakalilipas,[10][11] sa Australia noong mga 40,000 taon ang nakalilipas, sa Amerika mga
15,000 taon ang nakalilipas at sa mga malalayong isla gaya ng Hawaii, Easter Island, Madagascar, atNew
Zealand sa pagitan ng mga taong 300 CE at 1280 CE. [12][13] Noong mga 12,000 taon ang nakalilipas, ang
mga tao ay nagsimulang magsanay ng sedentaryong agrikultura na domestikasyon ng
mga halaman at hayop na pumayag para sa paglago ng kabihasnan. Ang tao ay kalaunang nagtatag ng iba't
ibang mga anyo ng pamahalaan, relihiyon at kultura sa buong mundo na nagpaisa ng mga tao sa loob ng
isang rehiyon at tumungo sa pagpapaunlad ng mga estado at imperyo. Ang mabilis na pag-unlad ng
pagkaunang pang-agham at medikal noong ika-19 at ika-20 siglo ay tumungo sa pagpapaunlad ng mga
pinapatakbo ng gatong(fuel) na mga teknolohiya at napabuting kalusugan na nagsanhi sa populasyon ng tao
na tumaas ng eksponensiyal. Sa pagkalat sa bawat kontinente maliban sa Antarctica, ang mga tao ay
isang kosmopolitanng espesye at sa 2012, ang populasyon ng daigdig ay tinatayang mga 7
bilyon.[14][15] Ang mga tao ay inilalarawan sa pagkakaroon ng malaking utak na relatibo sa sukat ng
katawan nito na may isang partikular na mahusay na neokorteks, preprontal na korteks at lobong
temporal na gumagawa sa mga ito na may kakayahan sa pangangatwirang abstrakto, wika,instrospeksiyon,
paglutas ng problema at kultura sa pamamagitan ng pagkatutong panlipunan. Ang kakayahang pang-isip na
ito na sinamahan ng pag-aangkop sa lokomosyong bipedal na nagpapalaya sa mga kanya sa
pagmamanipula ng mga bagay ay pumayag sa mga to na gumawa ng mas higit na paggamit ng
kasangkapan kesa sa anumang mga ibang nabubuhay na espesye ng daigdig. Ang mga tao ang mga tanging
nabubuhay na espesye ng hayop na alam na makagagawa ng apoy at pagluluto gayundin ang tanging mga
espesyeng makapagdadamit sa kanilang at lumikha at gumamit ng maraming ibang mga teknolohiya at mga
sining. Ang pag-aaral ng mga tao ang disiplinang pang-agham na antropolohiya. Ang mga tao ay walang
katulad na labis na may kasanayan sa paggamit ng mga sistema ng komunikasyong simboliko gaya ng wika
para sa paghahayag ng sarli, ang pagpapalit ng mga ideya at organisasyon. Ang mga tao ay lumilikha ng
mga komplikadong mga istrakturang panlipunan na binubuo ng maraming mga nakikipagtulungan at
nakikipagtunggaling mga pangkat mula sa pamilya at ugnayang kamag-anak hanggang sa mga estado. Ang
mga interaksiyong panlipunan sa pagitan ng mga tao ay naglatag ng isang sukdulang maluwag na uri ng
mga halaga, mga asal panlipunan, at mga ritwal na ang magkakasamang ang bumubuo ng basehan ng
lipunang pantao. Ang mga tao ay kilala sa pagnananis ng mga ito na maunawaan at maimpluwensiyahan
ang kapaligiran nito na naghahangad na ipaliwag at imanipula ang phenomena sa pamamagitan
ng agham, pilosopiya, mitolohiya at relihiyon.

Mga Labing natuklasan na Nagsilbing Katibayan
Ang Homo rhodesiensis (Rhodesian man) ay isang extinct na species na Hominin ng henus
na Homo. Ito ay inilalarawan mula sa fosill na buong Kabwe. Ang
ibang mga maihahambing sa morpolohiyang labi ay natagpuan mula
sa pareho o mas maagang panahon sa katimugang Aprika (Hopefield
oSaldanha), Silangang Aprika (Bodo, Ndutu, Eyasi, Ileret) at
Hilagang Aprika (Salé, Rabat, Dar-es-Soltane, Djbel Irhoud, Sidi
Aberrahaman, Tighenif). Ang mga labing ito ay pinetsahan mula
300,000 at 125,000 taong gulang.
Ang Homo rhodesiensis ay itunuturing ngayon ng karamihan ng mga siyentipiko na isa pang
pangalan para sa Homo heidelbergensis.
Ang mga Neanderthal ay isang hindi na umiiral ngayong espesye o subespesye sa loob ng henus
na Homo at malapit na nauugnay sa mga Homo sapiens(modernong tao). Ang mga ito ay alam
mula sa mga specimen ng fossil na may petsa sa panahong Pleistocene at natagpuan sa Europa at
sa mga bahagi ng kanluaran at sentral na Asya. Ang
terminong
Neanderthal
na
pagpapaikli
ng taong
Neanderthal ay minsang binabaybay na Neandertal na
modernong baybay ng Lambak na Neander sa Alemanya
kung saan ang espesyeng ito ay unang natuklasan. Ang mga
Neanderthal ay alternatibong inuuri bilang isang subespesye
ng Homo sapiens(Homo sapiens neanderthalensis) o bilang
isang
hiwalay
na
espesye
ng Homo (Homo
neanderthalensis). Ang
unang
katangiang
protoNeanderthal ay lumitaw sa Europa mga 600,000–350,000
taon ang nakalilipas. Ang mga katangiang ProtoNeanderthal ay minsang pinapangkat sa isa pang
espesyeng phenetiko na Homo heidelbergensis, o isang
anyong migrante na o Homo rhodesiensis. Ang pinakabatang mga natuklasang Neanderthal ay
kinabibilangan ng Hyena Den (UK) na itinuturing na mas matanda sa 30,000 taon ang nakalilipas
samantalang ang mga Neanderthal naVindija (Croatia) ay muling pinetsahan sa pagitan ng 33,000
at 32,000 taon ang nakalilipas. Walang tiyak na mga specimen na mas bata sa 30,000 taon ang
nakalilipas ay natagpuan. Gayunpaman, ang ebidensiya ng apoy ng mga Neanderthal sa Gibraltar
ay nagpapakitan ang mga ito ay nagpatuloy doon hanggang 24,000 taon ang nakalilipas. Ang CroMagnon o mga labing kalansay ng sinaunang modernong tao na may katangiang Neanderthal ay
natagpuan sa Lagar Velho (Portugal) at pinetsahan ng 24,500 tao ang nakalilipas at
pinakahulugang mga indikasyon ng malawak na paghahalong mga populasyon. Ang ilang mga
pagtitipong kultural ay naiugnay sa mga Neanderthal sa Europa. Ang pinaka una ang kulturang
kasangkapang batong Mousterian na may petsang mga 300,000 ang nakalilipas. Ang Huling mga
artipaktong Mousterian ay natagpuan sa kweba ni Gorham sa timog na humaharap sa baybayin ng
Gibraltar. Ang ibang mga kulturang kasangkapan na nauugnay sa Neanderthal ay kinabibilangan
ng Châtelperronian,Aurignacian, at Gravettian. Ang mga kalaunang pagtitipong kasangkapang ito
ay lumilitaw na unti unting umunlad sa loob ng mga populasyon kesa sa pagiging naipakilala ng
mga bagong populasyon na dumating sa rehiyon.
Ang kapasidad pang-bungo ng Neanderthal ay inakalang kasing laki na sa mga modernong tao at
marahil ay mas malaki na nagpapakitan ang sukat ngutak ng mga ito ay maaaring maihahambing o
mas malaki. Noong 2008, ang isang pangkat ng mga siyentipiko ay lumikha ng isang pag-aaral
gamit ang isang tatlong dimensiyonal na tinulungan ng kompyuter na mga rekonstruksiyon ng mga
sanggol na Neanderthal batay sa mga fossil na natagpuan sa Rusya at Syria. Ang pag-aaral ay
nagpapakitang ang utak ng mga Neanderthal at modernong tao ay may parehong sukat sa
kapanganakan ngunit sa pagtanda, ang utak ng Neanderthal ay mas malaki kesa sa utak ng
modernong tao. Ang mga neanderthal ay higit na mas malakas sa mga modernong tao na may mga
malalakas na mga braso at mga kamay. Ang mga lalakeng Neanderthal ay may taas na 164–168
cm (65–66 in) at ang mga babaeng Neanderthal ay may taas na mga 152–156 cm (60–61 in).
Ang Proyekong Genome ng Neanderthal na inilimbag noong 2010 ay nagmumungkahing ang mga
Neanderthal ay nag-ambag ng DNA sa anatomikong modernong mga tao na malamang ay sa
pamamagitan ng pagtatalik sa pagitan ng mga Neanderthal at pinakaunang mga tao na kumalat
mula sa Aprika. Ito ay pinaniniwalaang nangyari sa pagitan ng 80,000 at 50,000 ang nakalilipas o
sa sandaling pagkatapos na ang mga proto-Eurasyano ay lumisan mula sa Aprika. Ayon sa pagaaral, ang 1–4% ng genome ng populasyon ng mga tao na pumuno sa Eurasya ay inambag ng mga
Neanderthal.
Ang mga neanderthal ay naging extinct noong mga 35,000 taong nakakaraan.
Ang Cro-Magnon (bigkas: /kroʊ ˈmæ nən/, Pranses
ɡ
]) ay isa mga pangunahing mga
uri
ng
arkaiko
o
sinaunang Homo
sapiens ngPaleolitikong Europa (Paleolitikong
Pang-itaas),
na
ginamit
para
sa
mga
ispesimen
o
halimbawa
ng posil o kusilba pinetsahang tinatayang mga 40,000 hanggang
10,000 mga taon na ang nakaraan. Pinangalanan ito mula sa yungib
ng Crô-Magnon na nasa timog-kanlurang Pransya, kung saan
natagpuan ang unang ispesimen.
Bumabagsak ang katawagan o termino sa labas ng pangkaraniwang
kumbensiyon o gawa sa pagpapangalan para sa sinaunang mga tao at
ginagamit sa diwang panglahat para sa pinakamatandang moderno o makabagong taong nasa
Europa, bagaman espesipiko o tiyak (ngunit napakadalas) na para sa isang kabahaging tipo o subtipong kabilang sa mga labi ng kanilang mga kusilba o posil. Sa mas kamakailang mga
makaagham na panitikan, mas ginagamit ang kataguriang "maagang modernong mga tao".
Ang ispesimen ng Taong Cro-Magnon na may pinakamatandang tiyak na petsa ay mula 34,000
hanggang 36,000 mga taon na ang nakararaan.

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Grade 7 ebolusyong kultrural sa asya - metal age
Grade 7   ebolusyong kultrural sa asya - metal ageGrade 7   ebolusyong kultrural sa asya - metal age
Grade 7 ebolusyong kultrural sa asya - metal agekelvin kent giron
 
Ang sinaunang tao noong panahong prehistoriko
Ang sinaunang tao noong panahong prehistorikoAng sinaunang tao noong panahong prehistoriko
Ang sinaunang tao noong panahong prehistorikoJohn Mark Luciano
 
ang pinagmulan ng tao
ang pinagmulan ng taoang pinagmulan ng tao
ang pinagmulan ng taoRhei Sevilla
 
Ambag ng ehipto sa daigdig
Ambag ng ehipto sa daigdigAmbag ng ehipto sa daigdig
Ambag ng ehipto sa daigdigDennis Algenio
 
Sinaunang tao iii-bp
Sinaunang tao iii-bpSinaunang tao iii-bp
Sinaunang tao iii-bpRuel Palcuto
 
Aralin 2: ANG PAGSISIMULA NG KABIHASNAN SA DAIGDIG
Aralin 2: ANG PAGSISIMULA NG KABIHASNAN SA DAIGDIGAralin 2: ANG PAGSISIMULA NG KABIHASNAN SA DAIGDIG
Aralin 2: ANG PAGSISIMULA NG KABIHASNAN SA DAIGDIGSMAP Honesty
 
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng taoMga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng taoRuel Palcuto
 
Panahon ng Mesolitiko
Panahon ng Mesolitiko Panahon ng Mesolitiko
Panahon ng Mesolitiko QUEENIE_
 
Mga Panahong Paleolitiko at Neolitiko
Mga Panahong Paleolitiko at NeolitikoMga Panahong Paleolitiko at Neolitiko
Mga Panahong Paleolitiko at NeolitikoDanz Magdaraog
 
Heograpiyang Pantao
Heograpiyang PantaoHeograpiyang Pantao
Heograpiyang Pantaoedmond84
 
Ang Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Daigdig - Kasaysayan ng Daigdig Grade 8
Ang Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Daigdig - Kasaysayan ng Daigdig Grade 8Ang Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Daigdig - Kasaysayan ng Daigdig Grade 8
Ang Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Daigdig - Kasaysayan ng Daigdig Grade 8titserRex
 
Mga yugto ng pagunlad ng sinaunang tao. (Paleolitiko,Meso,Neo at Metal)
Mga yugto ng pagunlad ng sinaunang tao. (Paleolitiko,Meso,Neo at Metal)Mga yugto ng pagunlad ng sinaunang tao. (Paleolitiko,Meso,Neo at Metal)
Mga yugto ng pagunlad ng sinaunang tao. (Paleolitiko,Meso,Neo at Metal)Mycz Doña
 

Was ist angesagt? (20)

Grade 7 ebolusyong kultrural sa asya - metal age
Grade 7   ebolusyong kultrural sa asya - metal ageGrade 7   ebolusyong kultrural sa asya - metal age
Grade 7 ebolusyong kultrural sa asya - metal age
 
Sinaunang tao sa Daigdig
Sinaunang tao sa DaigdigSinaunang tao sa Daigdig
Sinaunang tao sa Daigdig
 
Ang Ebolusyon ng Tao
Ang Ebolusyon ng TaoAng Ebolusyon ng Tao
Ang Ebolusyon ng Tao
 
Ang Sinaunang Tao
Ang Sinaunang TaoAng Sinaunang Tao
Ang Sinaunang Tao
 
Pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig
Pamumuhay ng mga unang tao sa daigdigPamumuhay ng mga unang tao sa daigdig
Pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig
 
Ang sinaunang tao noong panahong prehistoriko
Ang sinaunang tao noong panahong prehistorikoAng sinaunang tao noong panahong prehistoriko
Ang sinaunang tao noong panahong prehistoriko
 
ang pinagmulan ng tao
ang pinagmulan ng taoang pinagmulan ng tao
ang pinagmulan ng tao
 
Ambag ng ehipto sa daigdig
Ambag ng ehipto sa daigdigAmbag ng ehipto sa daigdig
Ambag ng ehipto sa daigdig
 
Indus
IndusIndus
Indus
 
Sinaunang tao iii-bp
Sinaunang tao iii-bpSinaunang tao iii-bp
Sinaunang tao iii-bp
 
SINAUNANG TAO
SINAUNANG TAOSINAUNANG TAO
SINAUNANG TAO
 
Aralin 2: ANG PAGSISIMULA NG KABIHASNAN SA DAIGDIG
Aralin 2: ANG PAGSISIMULA NG KABIHASNAN SA DAIGDIGAralin 2: ANG PAGSISIMULA NG KABIHASNAN SA DAIGDIG
Aralin 2: ANG PAGSISIMULA NG KABIHASNAN SA DAIGDIG
 
Konsepto ng asya
Konsepto ng asyaKonsepto ng asya
Konsepto ng asya
 
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng taoMga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
 
Deepen heograpiyang pantao
Deepen heograpiyang pantaoDeepen heograpiyang pantao
Deepen heograpiyang pantao
 
Panahon ng Mesolitiko
Panahon ng Mesolitiko Panahon ng Mesolitiko
Panahon ng Mesolitiko
 
Mga Panahong Paleolitiko at Neolitiko
Mga Panahong Paleolitiko at NeolitikoMga Panahong Paleolitiko at Neolitiko
Mga Panahong Paleolitiko at Neolitiko
 
Heograpiyang Pantao
Heograpiyang PantaoHeograpiyang Pantao
Heograpiyang Pantao
 
Ang Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Daigdig - Kasaysayan ng Daigdig Grade 8
Ang Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Daigdig - Kasaysayan ng Daigdig Grade 8Ang Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Daigdig - Kasaysayan ng Daigdig Grade 8
Ang Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Daigdig - Kasaysayan ng Daigdig Grade 8
 
Mga yugto ng pagunlad ng sinaunang tao. (Paleolitiko,Meso,Neo at Metal)
Mga yugto ng pagunlad ng sinaunang tao. (Paleolitiko,Meso,Neo at Metal)Mga yugto ng pagunlad ng sinaunang tao. (Paleolitiko,Meso,Neo at Metal)
Mga yugto ng pagunlad ng sinaunang tao. (Paleolitiko,Meso,Neo at Metal)
 

Andere mochten auch

Pdhpe presentation
Pdhpe presentationPdhpe presentation
Pdhpe presentationkshiu
 
10 10-13-viva-presentation
10 10-13-viva-presentation10 10-13-viva-presentation
10 10-13-viva-presentationKarl Wilkens
 
Lep class presentation-4-v002
Lep class presentation-4-v002Lep class presentation-4-v002
Lep class presentation-4-v002Gonçalo Salgado
 
YouTube Policy Primer
YouTube Policy Primer YouTube Policy Primer
YouTube Policy Primer Simon Ly
 
Rationale for PDHPE
Rationale for PDHPERationale for PDHPE
Rationale for PDHPESara13560472
 
Cisco Packet Tracer 6.0.1 faqs
Cisco Packet Tracer 6.0.1 faqsCisco Packet Tracer 6.0.1 faqs
Cisco Packet Tracer 6.0.1 faqsSon Trinh
 
Students need PDHPE
Students need PDHPEStudents need PDHPE
Students need PDHPEkshiu
 
LEP - Class Presentation 8
LEP - Class Presentation 8LEP - Class Presentation 8
LEP - Class Presentation 8Gonçalo Salgado
 
Students need PDHPE
Students need PDHPEStudents need PDHPE
Students need PDHPEkshiu
 
Stereotypes and representation
Stereotypes and representationStereotypes and representation
Stereotypes and representationjedbrook
 
информационный сборник
информационный сборникинформационный сборник
информационный сборникgolosmolodeji
 
Redbird presentation
Redbird presentation Redbird presentation
Redbird presentation James Mulvey
 
Atm sharing in mumbai by all banks
Atm sharing in mumbai by all banksAtm sharing in mumbai by all banks
Atm sharing in mumbai by all banksAnup Sharma
 

Andere mochten auch (20)

Pdhpe presentation
Pdhpe presentationPdhpe presentation
Pdhpe presentation
 
10 10-13-viva-presentation
10 10-13-viva-presentation10 10-13-viva-presentation
10 10-13-viva-presentation
 
Powerpoint
PowerpointPowerpoint
Powerpoint
 
Lep class presentation-4-v002
Lep class presentation-4-v002Lep class presentation-4-v002
Lep class presentation-4-v002
 
YouTube Policy Primer
YouTube Policy Primer YouTube Policy Primer
YouTube Policy Primer
 
12th Presentation
12th Presentation12th Presentation
12th Presentation
 
Rationale for PDHPE
Rationale for PDHPERationale for PDHPE
Rationale for PDHPE
 
Jeanda
JeandaJeanda
Jeanda
 
Cisco Packet Tracer 6.0.1 faqs
Cisco Packet Tracer 6.0.1 faqsCisco Packet Tracer 6.0.1 faqs
Cisco Packet Tracer 6.0.1 faqs
 
Rabota s tekstovim dokumentom 9r4 b.elvin
Rabota s tekstovim dokumentom 9r4 b.elvinRabota s tekstovim dokumentom 9r4 b.elvin
Rabota s tekstovim dokumentom 9r4 b.elvin
 
Students need PDHPE
Students need PDHPEStudents need PDHPE
Students need PDHPE
 
LEP - Class Presentation 8
LEP - Class Presentation 8LEP - Class Presentation 8
LEP - Class Presentation 8
 
Students need PDHPE
Students need PDHPEStudents need PDHPE
Students need PDHPE
 
Stereotypes and representation
Stereotypes and representationStereotypes and representation
Stereotypes and representation
 
информационный сборник
информационный сборникинформационный сборник
информационный сборник
 
Práctica 1
Práctica 1Práctica 1
Práctica 1
 
Redbird presentation
Redbird presentation Redbird presentation
Redbird presentation
 
11TH Presentation
11TH Presentation11TH Presentation
11TH Presentation
 
Atm sharing in mumbai by all banks
Atm sharing in mumbai by all banksAtm sharing in mumbai by all banks
Atm sharing in mumbai by all banks
 
4th PRESENTATION
4th PRESENTATION4th PRESENTATION
4th PRESENTATION
 

Ähnlich wie Ang Pinagmulan ng Tao

AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao
AP III - Paglitaw ng mga Unang TaoAP III - Paglitaw ng mga Unang Tao
AP III - Paglitaw ng mga Unang TaoDanz Magdaraog
 
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng taoMga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng taoFrancine Beatrix
 
Ebolusyong ng mga Sinaunang Tao
Ebolusyong ng mga Sinaunang TaoEbolusyong ng mga Sinaunang Tao
Ebolusyong ng mga Sinaunang TaoJanice Cordova
 
Ang pagsisimula ng mga kabihasnan sa daigdig
Ang pagsisimula ng mga kabihasnan sa daigdigAng pagsisimula ng mga kabihasnan sa daigdig
Ang pagsisimula ng mga kabihasnan sa daigdigJhoana Marie Aquino
 
Konsepto ng Kabihasnan at katangian nito
Konsepto ng Kabihasnan at katangian nitoKonsepto ng Kabihasnan at katangian nito
Konsepto ng Kabihasnan at katangian nitoJasonMabaga
 
QUARTER 1 - MODULE 3 AP 8.pptx
QUARTER 1 - MODULE 3 AP 8.pptxQUARTER 1 - MODULE 3 AP 8.pptx
QUARTER 1 - MODULE 3 AP 8.pptxJhazzmGanelo
 
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTERMODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTERPrecious Sison-Cerdoncillo
 
Ebolusyon ng tao
Ebolusyon ng taoEbolusyon ng tao
Ebolusyon ng taoIan Pascual
 
Ang heograpiyang pantao
Ang heograpiyang pantaoAng heograpiyang pantao
Ang heograpiyang pantaoBillyJoeDajac1
 
aralingpanlipunangrade8aralin2sinaunangtao-150818053147-lva1-app6892.pptx
aralingpanlipunangrade8aralin2sinaunangtao-150818053147-lva1-app6892.pptxaralingpanlipunangrade8aralin2sinaunangtao-150818053147-lva1-app6892.pptx
aralingpanlipunangrade8aralin2sinaunangtao-150818053147-lva1-app6892.pptxDonnaTalusan
 
Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko
Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko
Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko Cavite, Gen. Trias. PH
 
sinaunang tao.pptx
sinaunang tao.pptxsinaunang tao.pptx
sinaunang tao.pptxDonnaTalusan
 
Modyul 02 mga unang tao
Modyul 02   mga unang taoModyul 02   mga unang tao
Modyul 02 mga unang taodionesioable
 

Ähnlich wie Ang Pinagmulan ng Tao (20)

Pinagmulan Ng Tao
Pinagmulan Ng Tao Pinagmulan Ng Tao
Pinagmulan Ng Tao
 
AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao
AP III - Paglitaw ng mga Unang TaoAP III - Paglitaw ng mga Unang Tao
AP III - Paglitaw ng mga Unang Tao
 
EBOLUSYON NG TAO
EBOLUSYON NG TAOEBOLUSYON NG TAO
EBOLUSYON NG TAO
 
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng taoMga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
 
Ebolusyong ng mga Sinaunang Tao
Ebolusyong ng mga Sinaunang TaoEbolusyong ng mga Sinaunang Tao
Ebolusyong ng mga Sinaunang Tao
 
Ebolusyon ng Tao
Ebolusyon ng TaoEbolusyon ng Tao
Ebolusyon ng Tao
 
Jenel bentulan
Jenel bentulanJenel bentulan
Jenel bentulan
 
Ang pagsisimula ng mga kabihasnan sa daigdig
Ang pagsisimula ng mga kabihasnan sa daigdigAng pagsisimula ng mga kabihasnan sa daigdig
Ang pagsisimula ng mga kabihasnan sa daigdig
 
Konsepto ng Kabihasnan at katangian nito
Konsepto ng Kabihasnan at katangian nitoKonsepto ng Kabihasnan at katangian nito
Konsepto ng Kabihasnan at katangian nito
 
Unang tao. ap
Unang tao. apUnang tao. ap
Unang tao. ap
 
Paleolithic Age
Paleolithic AgePaleolithic Age
Paleolithic Age
 
QUARTER 1 - MODULE 3 AP 8.pptx
QUARTER 1 - MODULE 3 AP 8.pptxQUARTER 1 - MODULE 3 AP 8.pptx
QUARTER 1 - MODULE 3 AP 8.pptx
 
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTERMODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
 
Ebolusyon ng tao
Ebolusyon ng taoEbolusyon ng tao
Ebolusyon ng tao
 
Ang heograpiyang pantao
Ang heograpiyang pantaoAng heograpiyang pantao
Ang heograpiyang pantao
 
aralingpanlipunangrade8aralin2sinaunangtao-150818053147-lva1-app6892.pptx
aralingpanlipunangrade8aralin2sinaunangtao-150818053147-lva1-app6892.pptxaralingpanlipunangrade8aralin2sinaunangtao-150818053147-lva1-app6892.pptx
aralingpanlipunangrade8aralin2sinaunangtao-150818053147-lva1-app6892.pptx
 
Pinagmulan ng Tao.pptx
Pinagmulan ng Tao.pptxPinagmulan ng Tao.pptx
Pinagmulan ng Tao.pptx
 
Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko
Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko
Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko
 
sinaunang tao.pptx
sinaunang tao.pptxsinaunang tao.pptx
sinaunang tao.pptx
 
Modyul 02 mga unang tao
Modyul 02   mga unang taoModyul 02   mga unang tao
Modyul 02 mga unang tao
 

Kürzlich hochgeladen

paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipinodandemetrio26
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 

Kürzlich hochgeladen (20)

paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 

Ang Pinagmulan ng Tao

  • 1. ANG PIN AG MULAN N G TA O Ang ebolusyon ng tao o ebolusyong pantao ang proseso ng ebolusyon na tumungo sa paglitaw ng species na homo sapiens (tao). Ang proseso ng ebolusyon ng tao ay nagsimula pa sa huling pinakakaraniwang ninuno ng lahat ng buhay ngunit ang paksa ng ebolusyong pang-tao ay karaniwang sumasaklaw lamang sa kasaysayang pangebolusyon ng mga primado sa partikular na ang paglitaw ng homo sapiens bilang isang species ng genus na Homo. Ang ebolusyon ng tao ay sinusuportahan ng maraming mga disiplinang pang-agham kabilang ang henetika, antropolohiya, primatolohiya,arkeolohiya, at embryolohiya. Ang ebolusyon ng tao ay inilalarawan ng isang bilang ng mga pagbabagong morpolohikal, pang pag-unlad, pisiolohikal at pang-pag-aasal na nangyari mula sa pakikipaghiwalay ng tao sa karaniwang ninuno ng mga tao at chimpanzee. Ang pinakamahalagang mga pagbabagong ito sa tao angbipedalismo, pagsasalita, lumaking sukat ng utak, humabang ontoheniya, lumiit na dimorpismong seksuwal. Ang mga pagbabagong ito ay resulta ng mga mutasyon sa kromosoma o DNA na napili sa ninuno ng tao sa paglipas ng panahon. Ito ang pareho ngunit hindi ang tanging mekanismo na nagpalitaw sa mga iba ibang species na makikita sa mundo ngayon. Teoryang Atheistic Materialism Ang atheistic materialism o teoryang atheistic ang isang teorya ng pinagmulan ng tao na kung saan sinasabi ni Carolus Linaeus nung 1760 na maaring may isang pinagmulan ang mga buhay na organismo. Naisip niya ito habang pinag papangkatiya ang mga organismo. Sinusugan ito ni Comte De Georges Buffon at ipinanukala niya na ang pagkaka iba ng pagkakaibaiba ng mga organismo ay dahil sa kanilang kapaligiran na kanilang pananahanan. Inilimbag naman ni Jean Baptiste Lamarck ang unang teorya, subalit hindi sapat ang ibinigay nitong impormasyon hanggang sa nagpalabas ng impomasyon sina Charles Darwin at A.R. Wallace noong 1858 at dito pinag-ibayo ni Darwin ang pagpaliwanag sa kanyang aklat na Origin Of Species noong 1859. Ebolusyong Theistic Isang paliwanag ang ebolusyong theistic tungkol sa pinagmulang ng tao na nakabatay rin sa teoryang ipinanukala ni Darwin at ang kanyang mga kasama. Naniniwala ang mga nagpanukala nito na nagmula rin ang tao sa isang selula na sa pagdaan ng panahon , ay nagiging komplikadong organismo dahil sa mutasyon. Ang hindi maipaliwanag ni Darwin ay ang pinagmulang ng nag-iisang selula, paano nagkaroon nito at paano nabuo. Sa mga taong tumatanggap sa teorya ng ebolusyon at naniniwalang tanggap na rin ito ng lahat ng tao, nagkaroon sila ng pag-aagam-agam dahil sa kanilang relihiyon. Ipinaliliwanag ng nakararaming mga relihiyon na ang tao, hayop at lahat ng bagay ay gawa ng Diyos. Kung gayon, paano nila mapag-iisa ang dalawang teorya, and Atheistic Materialism at Espesyal na Paglalang? Kasagutan sa problemang ito ang Teoryang Theistic. Ipinanunukala ng mga
  • 2. naniniwala rito na nilalang ng Diyos ang unang selula sa daigdig at mula sa proseso ng ebolusyon, sumulpot ang unang tao. Teoryang Panrelihiyon (Creationist theory) Naniniwala ang nakararaming relihiyon sa daigdig na nilalang ng Diyos ang tao. Isang halimbawa ang paniniwala ng mga Kristyano. Ayon sa Bibliya, unang nilalang ng Diyos si Adan at binigyan ng kapangyarihang mamuno sa lahat ng mga bagay, halamn at hayop. Subalit ng makita ng Diyos na malungkot si Adan, pinatulog siya at saka kinuha ang isa niyang tadyang. Mula rito, hinugis ang babae at pinangalanang Eba. Silang dalawa ang nagging unang mga magulang na pinanggalingan ng lahat ng lahi. O sa madaling salita, ang teoryang ito ay ang paniniwala na ang daigdig o ang mundo ay nilikha ng Diyos. Ito ay biblikal na paniniwala o nakuha sa biblia at mas kapanipaniwala sa mga tao dahil maraming patunay to gaya ng biblia. Ang mga Unang Tao at ang kanilang Distribusyon sa Daigdig Ang mga primado ay humiwalay mula sa ibang mga mamalya noong mga 85 milyong taong nakakalipas. Ang pinakamaagang mga fossil ng mga primado ay mula 55 milyong taong nakakalipas. Ang mga maagang primado ay lumitaw sa Eurasya. Ang angkan ng primado na pinaglitawan ng mga ape na Aprikano at mga tao kabilang ang Dryopithecus ay lumipat patimog mula sa Europa o Kanluraning Asya tungo sa Aprika. Ang mga populasyong tropikal ng mga primadong natuklasan sa mga fossil bed ng panahong Eocene at Oligocene sa depresyong Faiyum ng timog kanlurang Ehipto ay nagsanga sa iba't ibang kasalukuyang nabubuhay na species na lemur ng Madagascar, mga loris ng Timog Silangang Asya, mga galago ng Aprika, at mga anthropoid: platyrrhine (mga Bagong Daigdig na unggoy), at mga catarrhine na kinabibilangan ng mga Lumang Daigdig na unggoy at mga dakilang bakulaw(great apes) na kinabibilangan ng mga tao. Noong mga 40 milyong taong nakakalipas, ang impraorden na Simiiformes ay nagsanga tungo sa mga pangkat na Platyrrhini (mga Bagong Daigdig na unggoy) at Catarrhini (mgahominoid at mga Lumang Daigdig na unggoy). Ang mga hominoid(bakulaw) ay humiwalay mula sa mga Lumang Daigdig na unggoy sa pagitan ng 29 milyon at 34.5 milyong taong nakakalipas. Ang Hylobatidae(mga gibbon) ay humiwalay mula saHominidae(mga dakilang bakulaw) noong mga 15-20 milyong taong nakakalipas. Ang Ponginae(mga orangutan) ay humiwalay mula sa Hominidae noong mga 1215 milyong taong nakakalipas. Ang mga ninuno ng mga orangutan o mga malapit na nauugnay rito ay maaaring kinakatawan ng mga fossil gaya ng Sivapithecus at Ramapithecus na natuklasan sa mga burol na Siwalik ng Pakistan. Ang mga gorilya ay humiwalay sa linya na tumutungo sa Pan(chimpanzee at bonobo) at tao noong mga 10 milyong taong nakakalipas. Ang species na malapit sa huling karaniwang ninuno ng mga gorilya, mga chimpanzee, mga bonobo at mga tao ay maaaring kinakatawan ng mga fossil na Nakalipithecus na natagpuan sa Kenya at Ouranopithecus na natagpuan sa Gresya. Ang linyangPan(chimpanzee at bonobo) ay humiwalay sa linya na tumutungo sa tao noong mga 6 hanggang 7 milyong taong nakakalipas. Pagkatapos nito, ang chimpanzee at bonobo ay naghiwalay noong kaunti sa 1 milyong taong nakakalipas. Ang DNA ng tao ay 99.4% katulad sa DNA ng mga chimpanzee samantalang ang DNA ng tao ay 96% katulad sa DNA ng gorilla. Ang ilang pag-aaral ay nagpapakita na ang mga chimpanzeeat bonobo ay mas malapit na nauugnay sa mga tao kesa sa mga gorilla. Dahil sa labis na pagkakatulad ng mga chimpanzee at bonobo sa tao, iminungkahi ng ilang mga siyentipiko na muling uriin ang mga chimpanzee at bonobo sa genus na Homo: Homo paniscus at Homo troglodytes. Ang alternatibong mungkahi ay dapat muling uriin ang tao bilang Pan sapiens bagaman ito ay lalabag a prinsipyo ng prioridad dahil ang Homo ay unang pinangalanan bago ang Pan. Ang pinakamaagang hominin na bipedal ang Sahelanthropus o Orrorin na posibleng ang pinagsasaluhang karaniwang ninuno ng parehong tao at
  • 3. chimpanzee. Ang Ardipithecus ang kalaunang unang buong bipedal na hominin na posibleng nagebolb tungo sa henus na Australopithecus. Ang australopithecus ay nag-ebolb naman tungo sa henus na Homo. Ang pinakamaagang kasapi ng Homo ang homo habilis na nagebolb noong mga 2.3 milyong taong nakakalipas mula sa Australopithecus. Ang homo hablis ang unang species na gumamit ng mga kasangkapang bato. Sa sumunod na mga milyong taon, ang proseso ng ensepalisasyon ay nagsimula sa paglitaw ng Homo ergaster/Homo erectus. Ang homo erectus at homo ergaster ang unang mga hominina na lumisan sa Aprika. Ang mga ito ay kumalat sa Aprika, Asya at Europa sa pagitan ng 1.3 hanggang 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang mga ito ang pinaniniwalaang ang mga species na unang gumamit ng apoy at mga komplikadong kasangkapan. Ang homo ergaster ay pinaniniwalaang nag-ebolb sa Homo heidelbergensis at ang Homo heidelbergensis ay nagsanga naman sa mga neanderthal sa Europa at mga Homo sapiens sa Aprika. Ayon sa teoriyang kamakailang pinagmulang Aprikano ng tao, ang mga homo sapiens ay nagebolb sa Aprika mula sa Homo heidelbergensis noong mga 200,000 taong nakakaraan at lumisan sa kontinenteng Aprika noong 50,000 hanggang 100,000 taong nakakalipas. Ang mga ito ang pumalit sa mga lokal na populasyon ng homo erectus at Homo neanderthalensis. Ang paglipat tungo sa pag-aasal na moderno ay nangyari pagkatapos nito. Ang tumaas na sopistikasyon ng paggawa ng kasangkapan at pag-aasal ay mula 80,000 taong nakakalipas. Ang buong modernong pag-aasal na kinabibilangan ng sining, musika, paghihiyas sa sarili, kalakal, mga libingang ritwal at iba pa ay ebidente noong 30,000 taong nakakalipas. Ang pinakamatandang mga halimbawa ng mga prehistorikong sining gaya ng mga pigurinang Venus at pagpipinta sa kweba sa kwebang Chauvet ay pinetsahan sa panahong ito. Antas ng Tao 1. Hominid-ay mga kasapi ng biyolohikal na pamilyang Hominidae (ang dakilang mgabakulaw), na kinabibilangan ng mga Tao, mga tsimpansi, mga gorilya, at mga oranggutan. Mas karaniwan ang katawagang "dakilang bakulaw" kesa sa pantawag na taksonomiko at may mga pagkakaiba sa paggamit. Bahagyang tila Hindi kasama rito ang mga Tao ("mga Tao at iba pang dakilang mga bakulaw") o isinasama ang mga ito ("mga Tao at mga Hindi-taong dakilang mga bakulaw"). Sa paggamit ng katawagang homo sapiens, Hindi nangangahulugang tinatanggal ang Tao mula sa iba pang mga kasapi ng mag-anak na biyolohikal, kaya't nilalarawan sa lathalaing ito ang mga Tao bilang dakilang mga bakulaw. Ang Batang Taung o Sanggol na Taung ang fossil na bungo ng isang batang indibidwal na Australopithecus africanus. Ito ay tinatayang may edad na 2.5 milyong taong gulang. Ito ay natuklasan noong 1924 ng mga nagtitibag para sa Northern Lime Company sa Taung, South Africa. Ito ay inilarawan ni Raymond Dart bilang isang bagong species sa journal na Nature noong 1925 at binigyang pangalan na Australopithecus africanus("katimugang bakulaw ng [1] Aprika"). Ito ang unang panahon na ang Australopithecus ay ibinigay sa anumang hominid. Ang foramen magnum nito ay matatagpuan sa ilalim ng bungo na nagpapakitang ito ay naglalakad ng nakatindig. Inangkin ni Dart na ang bungo nito ay isangpagitang species sa pagitan ng mga bakulaw at mga tao ngunit ito ay hindi tinanggap ng pamayanang siyentipiko sa panahong ito dahil sa paniniwalang ang isang malaking kapasidad ng bungo ay dapat mauna sa bipedal na
  • 4. lokomosyon. Pagkatapos lamang ng 20 taon na ito ay tinanggap bilang isang bagong henus at ito ay tunay na kasapi ng Homininae. Ang Paranthropus (mula sa Griyego παρα, Para "sa tabi ng"; άνθρωπος, ánthropos "tao"), ay isang extinct na genus ng hominin. Ito ay kilala rin bilangmatipunong mga australopithecine. Sila ay mga bipedal na hominin na malamang nagebolb mula sa mga balingkinitang mga australopithecine na hominid na Australopithecus noong mga 2.7 milyong taong nakakalipas. Si Lucy ay ang pangalang ibinigay sa isang posilisadong hominidyo ng species na Australopithecus afarensis. Binigyan rin ito ng pangalawang pangalang Amhariko na dinqineš o "Dinkenesh" na may ibig sabihing "maganda ka"[3]. Naging isang pangkaraniwang pangalan ang Lucy ng AL 2881, ang 40% buong kalansay ng Australopithecus afarensis natuklasan noong Nobyembre 24, 1974 ng International Afar Research Expedition o IARE (salin: Pandaigdigang Ekspedisyong Pampananaliksik ng Afar; direktor: Maurice Taieb, kasamang mga direktor: Donald Johanson at Yves Coppens) sa Lambak ng Awash ng Depresyong Afar ng Etiyopya. Tinatayang namuhay si Lucy noong 3.2 milyong mga taon na ang nakakaraan. Ang kalansay nito ay nagpapakita ng ebidensiya ng isang maliit na kapasidad ng bungo katulad sa mga bakulaw(na hindi tao) at naglalakad ng nakatindig na bipedal na sumusuporta sa pinagtatalunang pananaw na ang bipedalismo ay nauna sa paglaki ng sukat ng utak sa ebolusyon ng tao. Limang Uri ng Hominid batay sa laki ng panga, bagang at utak Ang Australopithecus anamensis (o Praeanthropus anamensis) ay isang tangkay na species ng tao na nabuhay noong mga 4 milyong taong nakakalipas. Ang halos 100 spesimen nito ang natagpuan [1][2] [3] sa Kenya at Ethiopia na kumakatawan sa mga 20 indibidwal. Ang Australopithecus africanus ay isang extinct na maagang hominid na nabuhay sa pagitan ng ~3.03 at 2.04 milyong taong nakakalipas sa hulingPlioseno at maagang Pleistoseno. Ito ay balingkitan tulad ng mas matanda ritong Australopithecus afarensis. Ito ay pinaniwalaang isang direktang ninuno ng mga modernong tao. Sa kabila ng katamtamang mas tulad sa taong mga katangian sa bungo nito na nakikita halimbawa sa mga specimen na Mrs. Ples at STS 71, ang ibang mga katangiang mas primitibo nito ay kinabibilangan ng tulad sa bakulaw(na hindi tao) na mga kurbadong daliri para sa pag-akyat sa mga puno. Dahil sa ibang mga mas primitibong katangiang makikita sa Au. africanus, ang ilang mga
  • 5. mananaliksik ay naniniwala na sa halip na ito ay direktang ninuno ng mga modernong hominin ay nag-ebolb ito tungo sa Paranthropus. Ang isang matipunong Paranthropus na nakikitang inapo ng Au. africanus ang Paranthropus robustus. Tulad ng Au. afarensis, ang Au. africanus ay katulad nito sa maraming mga katangian na isang bipedal na hominid na nag-aangkin ng mga brasong katamtamang mas malaki kesa sa mga hita nito(na isang katangiang pisikal na makikita rin sa mga chimpanzee). Sa kabila ng mga pagkakatulad saAu. afarensis, ang mga labing fossil nito ay nagpapakitang ang A. africanus ay mas higit na katulad ng mga modernong tao kesa sa Au. afarensis. Ito ay nag-aangkin ng isang mas tulad sa taong cranium na pumapayag sa isang mas malaking utak at mas humanoid na mga katangiang pangmukha. Ang Au. africaus ay natagpuan lamang sa mga apat na lugar sa katimugang Aprika — Taung (1924), Sterkfontein (1935), Makapansgat (1948) atGladysvale (1992) Ang Australopithecus afarensis ay isang ekstinkt na hominid na nabuhay sa pagitan ng 3.9 at 2.9 milyong mga taon ang nakalilipas Ang Paranthropus boisei o Australopithecus boisei ay isang maagang hominin na inilalarawan bilang ang pinakamalaking species ng Paranthropus o mga matipunang australopithecine. Ito ay nabuhay sa Silanganing Aprika noong panahong Pleistoseno mula mga 2.3 hanggang 1.2 milyong taong nakakalipas.
  • 6. 2. Homo Habilis- (may kahulugang "taong marunong gumawa ng kung anuanong mga bagay) ay isang extinct na species ng genus na Homo, na namuhay noong bandang 1.4 hanggang 2.3 milyong mga taon na ang nakalilipas sa simula ng panahong Pleistoseno. Ang Homo habilis (o maaaringH. rudolfensis) ang pinakamaagang nakikilalang species ng genus na Homo. Sa anyo at morpolohiya nito, ang H. habilis ay ang pinaka malayo ang pagkakatulad sa modernong tao sa lahat ng species ng genus na Homo (maaaring maliban sa H. rudolfensis). Ang H. habilis ay maiksi ang taas at may hindi pantay na mahahabang mga bisig kung ihahambing sa mga modernong tao. Subalit hindi gaanong nakaungos ang mukha nito kung ihahambing sa mga australopithecine na pinaniniwalaang mga ninuno nito. Ito ay may kapasidad na pangbungo na bahagyang mas kakaunti kaysa kalahati ng sukat ng makabagong mga tao. Sa kabila ng morpolohiya ng katawan na parang sa bakulaw, ang mga nalalabi ng H. habilis ay madalas na nasasamahan ng mga primitibong mga kagamitang yari sa bato (halimbawa na ang nasa Olduvai Gorge, Tanzania at Lawa ng Turkana, Kenya natagpuan noong 1960 na tinatawag na Taong Olduvai). Ang Homo habilis ay sabay na nabuhay sa ibang mga primadong tulad ng Homo na bipedal gaya ng Paranthropus boisei na ang ilan ay nabuhay sa loob ng maraming mga libong taon. Gayunpaman, dahil sa posibleng maagang paggamit ng mga kasangkapan at isang kaunting espesyalisadong diyeta ng H. habilis, ito ay nag-ebolb sa buong linya ng bagong species samantalang ang ibang species gaya ng Paranthropus boisei at mga matipunong kamaganak nito ay naglaho na sa fossil record. Pinakamatandang bungo ng Homo Habilis ang ER 1470 na nahukay noong 1972. Natuklasan ito sa lawa ng Turkana ni Richard P. Leakey. Ang Homo habilis ay pinaniniwalaang ang ninuno ng mas may magandang hubog ng katawan at mas sopistikadong Homo ergaster na nagpalitaw sa species na kamukha ng tao na Homo erectus. Noong 2007, may bagong mga pagkakatuklas na nagmumungkahing maaaring ang parehong H. habilis at H. erectus ay sabay na umiral at maaaring ito ay magkahiwalay na angkan mula sa isang karaniwang ninuno sa halip na nagmula ang H. erectus mula sa H. habilis. Ito maaaring nagpapakita na ang anumang mga kaugnayang pang ninuno ng H. habilis sa H. erectus ay isang kladohenetiko sa halip naanahenetiko na nangangahulugang kahit ang isang hiwalay na subgrupong populasyon ng H. habilis ay naging karaniwang ninuno ng natitirang henus, ang ibang mga subgrupo ay nanatili bilang hindi nagbagong H. habilis hanggang sa kanilang mas kalaunang ekstinksiyon. 3. Homo Erectus- (mula sa Latin: nangangahulugang "taong nakatindig") ay isang species ng genus na Homo. Unang nilarawan ito ng anatomistangOlandes na si Eugene Dubois noong mga 1890 bilang Pithecanthropus erectus, batay sa takip o putong ng bungo at sa tila makabagong-panahong itsura ng buto ng hitang natuklasan sa baybayin ng Ilog Solo sa Trinil, Java. Ngunit salamat sa unang paglalarawan ng Kanadyanong anatomistang si Davidson Black's noong 1921 sa isang mababang molar, na tinaguriang Sinanthropus pekinensis, sapagkat naganap sa Zhoukoudian sa Tsina ang halos lahat ng mga maaga at ispektakular na mga pagtuklas ng taksong ito. Ibinigay ng Alemang anatomistang si Franz Weidenreich ang
  • 7. karamihan sa mga detalyadong paglalarawan sa materyal na ito sa ilang mga monograpong inilathala sa diyaryong Palaeontologica Sinica (Serye D) Natagpuan ang mga labing fossil sa Java noong mga 1890 at sa Tsina noong 1921. Noong kaagahan ng ika-20 daantaon, nakaraang pinaniniwalaan na namuhay ang mga unang modernong tao sa Asya. Ngunit noong mga 1950 at mga 1970, maraming mga natagpuang fossil mula sa Kenya ng Silangang Aprika na nagpakitang nagmula ang mga pinakamatandang modernong tao mula doon. Pinaniniwalaan na ngayong ninuno ng mga Homo erectus ang mga mas sinaunang mga taong katulad ng Australopithecus na nag-ebolb sa henus na Homo. Ang species ng Homo na Homo habilis ay pinaniwalaan na ninuno ng Homo Ergaster na nagpalitaw naman sa Homo erectus. Gayunpaman, may mga bagong tuklas noong 2007 na nagpapahiwatig na namuhay sa magkaparehong panahon ang Homo habilis at ang Homo erectus at maaaring nagmula sa nagiisang ninuno. Gayunpaman, ito ay maaaring nagpapakita na ang anumang mga kaugnayang pang ninuno ng H. habilis sa H. erectus ay isang kladohenetiko sa halip na anahenetiko na nangangahulugang kahit ang isang hiwalay na subgrupong populasyon ng H. habilis ay naging karaniwang ninuno ng natitirang genus, ang ibang mga subgrupo ay nanatili bilang hindi nagbagong H. habilis hanggang sa kanilang mas kalaunangekstinksiyon. Ang Homo erectus ang nananatiling ang pinakamatagal na nabuhay na species ng Homo na nabuhay sa higit sa isang milyong taon. Ang Homo sapiens(modernong tao) ay umiiral pa lamang sa loob ng 200,000 taon. Mga Subspecies ng Homo Erectus Ang Taong Java(Homo erectus erectus) ay isang subspecies ng Homo erectus na ang mga fossil ay natagpuan sa Java, Indonesia ng siyentipikong Olandes na si Eugène Dubois noong 1891. Ito ang isa sa mga unang alam na specimen ng Homo erectus. Tinawag itong Pithecanthropus erectus ni Dubois, nang matuklasan niya ito mula sa pulo ng Trinil sa Java, Indonesya. Ito ay pinaniniwalaang umiral sa pagitan ng 1 milyong taon at 700,000 taong nakakalipas. Ito ay nakaraang iminungkahi ng mga ilang mga siyentipiko na isang potensiyal na anyo sa pagitan ng mga modernong tao at karaniwang ninuno na pinagsaluhan ng tao sa ibang mga dakilang bakulaw. Ang kasalukuyang kasunduan ng mga siyentipiko ay ang mga direktang ninuno ng mga modernong tao ay mga populasyong Aprikano ng Homo erectus na posibleng ang Homo ergaster sa halip na na mga populasyong Asyano gaya ng Taong Java at Taong Peking. Ang Taong Yuanmou (pinapayak na Intsik: 元 谋 人 ; tradisyunal na Intsik: 元 謀 人 ; pinyin: Yuánmóu Rén), Homo erectus yuanmouensis, ay isang subspecies ng Homo erectus na ang dalawang incisor ay natagpuan sa Bayang Danawu sa kondadong Yuanmou (pinapayak na Intsik: 元 谋 县 ; tradisyunal na Intsik: 元 謀 縣 ; pinyin: Yuánmóu Xiàn) sa timog kanlurang probinsiya ng Yunnan, Tsina. Kalaunang, ang mga batong artipakto at mga piraso ng buto ng hayop ay nagpapakita ng mga tanda ng paggawa dito gayundin ang mga abo sa mga apuyan ay nahukay sa lugar. Ang mga fossil nito ay nakatanghal saNational Museum of China, Beijing.
  • 8. Ang Taong Lantian (pinapayak na Intsik: 蓝田人; tradisyunal na Intsik: 藍 田 人 ; pinyin: Lántián rén) na dating kilala bilang Sinanthropus lantianensis at kasalukuyang tinatawag na Homo erectus lantianensis ay isang subspecies ng Homo erectus. Ang pagkakatuklas nito noong 1963 ay unang inilarawan ni J. K. Woo ng sumunod na taon. Ang mga labi ng Taong Lantian na tinawag na Lantian Ren(蓝田人 sa Tsino) ay natagpuan sa Lantian County (蓝田县; pinyin: Lántián Xiàn)sa timog kanluraning probinsiyang Shaanxi ng Tsina na tinatayang 50 km timog kanluran ng siyudad ng Xi'an. Sa sandaling pagkatapos matuklasan ang buto ng panga ng unang Taong Lantian sa Chenjiawo (陈家窝) sa Lantian County, ang isang bungo na may mga buto ng ilong, kanang maxilla at tatlong mga ngipin ng isa pang specimen ng Taong Lantian ay natagpuan sa Gongwangling (公王岭) na isa pang lugar sa Lantian County. Ang Taong Nanjing (Homo erectus nankinensis) ay isang subspecies ng Homo erectus na natagpuan sa Tsin. Ang bungo ng isang lalake at babaeng taong Nanjing ay natuklasan noong 1993 sa kwebang Tangshan malapit sa Nanjing na may edad na mga 580,000 hanggang 620,000 taong gulang.[1] Ang bungo ay nasa Nanjing Museum at pinag-aaralan ng mga siyentipikong nasa larangang ito. Ang Taong Peking (Tsinong payak: 北 京 猿 人; Tsinong tradisyunal: 北京猿人; pinyin: Běijīng Yuánrén), na kilala rin bilang Sinanthropus pekinensis oPithecanthropus pekinensis[1] ngunit pangkasalukuyang tinatawag na Homo erectus pekinensis, ay isang halimbawa ng Homo erectus. Isang pangkat ng mga ispesimeng fossil ang natagpuan noong 1923 hanggang 1927 habang naghuhukay sa Zhoukoudian (Chou K'ou-tien) malapit sa Beijing (na kilala bilang Peking noon), Tsina. Mas kamakailan lamang, pinetsahan ang mga natuklasan mula mga 500,000 mga taon na ang nakalilipas. [2], bagaman may isang bagong pag-aaral na nagmumungkahing maaaring umaabot sila sa 680,000 hanggang 780,000 mga taong gulang na.[3] May isang bilang din ng mga fossil ng modernong mga tao ang natuklasan sa Pang-itaas na Yungib sa kaparehong pook noong 1933. Ang Taong Solo (Homo erectus soloensis) na dating inuri bilang Homo sapiens soloensis ay itinuturing ngayong isang subspecies ng Homo erectus. Ang mga specimen nito ay nakuha sa mga lugar sa kahabaan ng Bengawan Solo River sa Indonesia sa kapuluang Java. Ang mga labi nito ay karaniwang tinatawag na Ngandong na ipinangalan sa bayang kung saan ito unang natuklasan. Ang kultura ay hindi karaniwang maunlad. Ang Taong Tautavel (Homo erectus tautavelensis) ay iminungkahing subspecies ng Homo erectus. Ito ay may edad na 450,000 taong gulang at natuklasan sa
  • 9. kwebang Arago sa Tautavel, Pransiya. Ang mga paghuhukay nito ay nagsimula noong 1964 na may unang kilalang pagkakatuklas noong 1969. Ang Meganthropus ang mga pragmento ng bungo na natuklasan sa lugar na Sangiran malapit sa Surakarta sa sentral na Java, Indonesia. Ang orihinal na pangalang siyentipiko nito ay Meganthropus palaeojavanicus at bagaman itinuturing ngayong hindi balido, ang pangalan ng genus ay nagpatuloy bilang impormal na pangalan nito. Ang karamihan ng mga paleoantropolgo ay tumuturing rito bilang nauugnay sa Homo erectus ngunit hindi pa mapagkasunduan kung gaano kalapit ditto. 4. Homo Sapiens- Ang tao (Homo sapiens) ay isang primado ng pamilyang Hominidae, at ang tanging nabubuhay na espesye ng henus na Homo.[3][4][5] Ang mga tao ay nagmula sa Aprika kung saan ang mga ito ay umabot sa pagiging moderno sa anatomiya nito mga 200,000 taon ang nakalilipas at nagsimulang magpakita ng buong pagiging moderno sa pag-aasal mga 50,000 taon ang nakalilipas.[6] Ang lipi ng tao ay nag-na diberhente mula sa huling karaniwang ninuno kasama ng pinaka-malapit na nabubuhay nitong kamag-anak na chimpanzee mga limang milyong taon ang nakalilipas na nag-ebolb saAustralopithecines at kalaunan ay sa henus Homo.[7] Ang unang espesyeng Homo na lumisan sa Aprika ang Homo erectus na uring Aprikano na kasama ng Homo heidelbergensis ay itinuturing na agarang ninuno ng mga modernong tao. [8][9] Nagpatuloy na sakupin o ikolonisa ng mga Homo sapiens ang mga kontinente na dumating sa Eurasya noong 125,000 hanggang 60,000 taon ang nakalilipas,[10][11] sa Australia noong mga 40,000 taon ang nakalilipas, sa Amerika mga 15,000 taon ang nakalilipas at sa mga malalayong isla gaya ng Hawaii, Easter Island, Madagascar, atNew Zealand sa pagitan ng mga taong 300 CE at 1280 CE. [12][13] Noong mga 12,000 taon ang nakalilipas, ang mga tao ay nagsimulang magsanay ng sedentaryong agrikultura na domestikasyon ng mga halaman at hayop na pumayag para sa paglago ng kabihasnan. Ang tao ay kalaunang nagtatag ng iba't ibang mga anyo ng pamahalaan, relihiyon at kultura sa buong mundo na nagpaisa ng mga tao sa loob ng isang rehiyon at tumungo sa pagpapaunlad ng mga estado at imperyo. Ang mabilis na pag-unlad ng pagkaunang pang-agham at medikal noong ika-19 at ika-20 siglo ay tumungo sa pagpapaunlad ng mga pinapatakbo ng gatong(fuel) na mga teknolohiya at napabuting kalusugan na nagsanhi sa populasyon ng tao na tumaas ng eksponensiyal. Sa pagkalat sa bawat kontinente maliban sa Antarctica, ang mga tao ay isang kosmopolitanng espesye at sa 2012, ang populasyon ng daigdig ay tinatayang mga 7 bilyon.[14][15] Ang mga tao ay inilalarawan sa pagkakaroon ng malaking utak na relatibo sa sukat ng katawan nito na may isang partikular na mahusay na neokorteks, preprontal na korteks at lobong temporal na gumagawa sa mga ito na may kakayahan sa pangangatwirang abstrakto, wika,instrospeksiyon, paglutas ng problema at kultura sa pamamagitan ng pagkatutong panlipunan. Ang kakayahang pang-isip na ito na sinamahan ng pag-aangkop sa lokomosyong bipedal na nagpapalaya sa mga kanya sa pagmamanipula ng mga bagay ay pumayag sa mga to na gumawa ng mas higit na paggamit ng kasangkapan kesa sa anumang mga ibang nabubuhay na espesye ng daigdig. Ang mga tao ang mga tanging nabubuhay na espesye ng hayop na alam na makagagawa ng apoy at pagluluto gayundin ang tanging mga espesyeng makapagdadamit sa kanilang at lumikha at gumamit ng maraming ibang mga teknolohiya at mga sining. Ang pag-aaral ng mga tao ang disiplinang pang-agham na antropolohiya. Ang mga tao ay walang katulad na labis na may kasanayan sa paggamit ng mga sistema ng komunikasyong simboliko gaya ng wika
  • 10. para sa paghahayag ng sarli, ang pagpapalit ng mga ideya at organisasyon. Ang mga tao ay lumilikha ng mga komplikadong mga istrakturang panlipunan na binubuo ng maraming mga nakikipagtulungan at nakikipagtunggaling mga pangkat mula sa pamilya at ugnayang kamag-anak hanggang sa mga estado. Ang mga interaksiyong panlipunan sa pagitan ng mga tao ay naglatag ng isang sukdulang maluwag na uri ng mga halaga, mga asal panlipunan, at mga ritwal na ang magkakasamang ang bumubuo ng basehan ng lipunang pantao. Ang mga tao ay kilala sa pagnananis ng mga ito na maunawaan at maimpluwensiyahan ang kapaligiran nito na naghahangad na ipaliwag at imanipula ang phenomena sa pamamagitan ng agham, pilosopiya, mitolohiya at relihiyon. Mga Labing natuklasan na Nagsilbing Katibayan Ang Homo rhodesiensis (Rhodesian man) ay isang extinct na species na Hominin ng henus na Homo. Ito ay inilalarawan mula sa fosill na buong Kabwe. Ang ibang mga maihahambing sa morpolohiyang labi ay natagpuan mula sa pareho o mas maagang panahon sa katimugang Aprika (Hopefield oSaldanha), Silangang Aprika (Bodo, Ndutu, Eyasi, Ileret) at Hilagang Aprika (Salé, Rabat, Dar-es-Soltane, Djbel Irhoud, Sidi Aberrahaman, Tighenif). Ang mga labing ito ay pinetsahan mula 300,000 at 125,000 taong gulang. Ang Homo rhodesiensis ay itunuturing ngayon ng karamihan ng mga siyentipiko na isa pang pangalan para sa Homo heidelbergensis. Ang mga Neanderthal ay isang hindi na umiiral ngayong espesye o subespesye sa loob ng henus na Homo at malapit na nauugnay sa mga Homo sapiens(modernong tao). Ang mga ito ay alam mula sa mga specimen ng fossil na may petsa sa panahong Pleistocene at natagpuan sa Europa at sa mga bahagi ng kanluaran at sentral na Asya. Ang terminong Neanderthal na pagpapaikli ng taong Neanderthal ay minsang binabaybay na Neandertal na modernong baybay ng Lambak na Neander sa Alemanya kung saan ang espesyeng ito ay unang natuklasan. Ang mga Neanderthal ay alternatibong inuuri bilang isang subespesye ng Homo sapiens(Homo sapiens neanderthalensis) o bilang isang hiwalay na espesye ng Homo (Homo neanderthalensis). Ang unang katangiang protoNeanderthal ay lumitaw sa Europa mga 600,000–350,000 taon ang nakalilipas. Ang mga katangiang ProtoNeanderthal ay minsang pinapangkat sa isa pang espesyeng phenetiko na Homo heidelbergensis, o isang anyong migrante na o Homo rhodesiensis. Ang pinakabatang mga natuklasang Neanderthal ay kinabibilangan ng Hyena Den (UK) na itinuturing na mas matanda sa 30,000 taon ang nakalilipas samantalang ang mga Neanderthal naVindija (Croatia) ay muling pinetsahan sa pagitan ng 33,000 at 32,000 taon ang nakalilipas. Walang tiyak na mga specimen na mas bata sa 30,000 taon ang nakalilipas ay natagpuan. Gayunpaman, ang ebidensiya ng apoy ng mga Neanderthal sa Gibraltar ay nagpapakitan ang mga ito ay nagpatuloy doon hanggang 24,000 taon ang nakalilipas. Ang CroMagnon o mga labing kalansay ng sinaunang modernong tao na may katangiang Neanderthal ay
  • 11. natagpuan sa Lagar Velho (Portugal) at pinetsahan ng 24,500 tao ang nakalilipas at pinakahulugang mga indikasyon ng malawak na paghahalong mga populasyon. Ang ilang mga pagtitipong kultural ay naiugnay sa mga Neanderthal sa Europa. Ang pinaka una ang kulturang kasangkapang batong Mousterian na may petsang mga 300,000 ang nakalilipas. Ang Huling mga artipaktong Mousterian ay natagpuan sa kweba ni Gorham sa timog na humaharap sa baybayin ng Gibraltar. Ang ibang mga kulturang kasangkapan na nauugnay sa Neanderthal ay kinabibilangan ng Châtelperronian,Aurignacian, at Gravettian. Ang mga kalaunang pagtitipong kasangkapang ito ay lumilitaw na unti unting umunlad sa loob ng mga populasyon kesa sa pagiging naipakilala ng mga bagong populasyon na dumating sa rehiyon. Ang kapasidad pang-bungo ng Neanderthal ay inakalang kasing laki na sa mga modernong tao at marahil ay mas malaki na nagpapakitan ang sukat ngutak ng mga ito ay maaaring maihahambing o mas malaki. Noong 2008, ang isang pangkat ng mga siyentipiko ay lumikha ng isang pag-aaral gamit ang isang tatlong dimensiyonal na tinulungan ng kompyuter na mga rekonstruksiyon ng mga sanggol na Neanderthal batay sa mga fossil na natagpuan sa Rusya at Syria. Ang pag-aaral ay nagpapakitang ang utak ng mga Neanderthal at modernong tao ay may parehong sukat sa kapanganakan ngunit sa pagtanda, ang utak ng Neanderthal ay mas malaki kesa sa utak ng modernong tao. Ang mga neanderthal ay higit na mas malakas sa mga modernong tao na may mga malalakas na mga braso at mga kamay. Ang mga lalakeng Neanderthal ay may taas na 164–168 cm (65–66 in) at ang mga babaeng Neanderthal ay may taas na mga 152–156 cm (60–61 in). Ang Proyekong Genome ng Neanderthal na inilimbag noong 2010 ay nagmumungkahing ang mga Neanderthal ay nag-ambag ng DNA sa anatomikong modernong mga tao na malamang ay sa pamamagitan ng pagtatalik sa pagitan ng mga Neanderthal at pinakaunang mga tao na kumalat mula sa Aprika. Ito ay pinaniniwalaang nangyari sa pagitan ng 80,000 at 50,000 ang nakalilipas o sa sandaling pagkatapos na ang mga proto-Eurasyano ay lumisan mula sa Aprika. Ayon sa pagaaral, ang 1–4% ng genome ng populasyon ng mga tao na pumuno sa Eurasya ay inambag ng mga Neanderthal. Ang mga neanderthal ay naging extinct noong mga 35,000 taong nakakaraan. Ang Cro-Magnon (bigkas: /kroʊ ˈmæ nən/, Pranses ɡ ]) ay isa mga pangunahing mga uri ng arkaiko o sinaunang Homo sapiens ngPaleolitikong Europa (Paleolitikong Pang-itaas), na ginamit para sa mga ispesimen o halimbawa ng posil o kusilba pinetsahang tinatayang mga 40,000 hanggang 10,000 mga taon na ang nakaraan. Pinangalanan ito mula sa yungib ng Crô-Magnon na nasa timog-kanlurang Pransya, kung saan natagpuan ang unang ispesimen. Bumabagsak ang katawagan o termino sa labas ng pangkaraniwang kumbensiyon o gawa sa pagpapangalan para sa sinaunang mga tao at ginagamit sa diwang panglahat para sa pinakamatandang moderno o makabagong taong nasa Europa, bagaman espesipiko o tiyak (ngunit napakadalas) na para sa isang kabahaging tipo o subtipong kabilang sa mga labi ng kanilang mga kusilba o posil. Sa mas kamakailang mga makaagham na panitikan, mas ginagamit ang kataguriang "maagang modernong mga tao".
  • 12. Ang ispesimen ng Taong Cro-Magnon na may pinakamatandang tiyak na petsa ay mula 34,000 hanggang 36,000 mga taon na ang nakararaan.