3. NILALAMAN :
Ayon sa diksyunaryo ni Leo James English
(2007) ang kahulugan ng diskurso ay may kinalaman
sa pagsasalita at pagtatalumpati. Marapat lamang
na sabihin na ang diskurso ay isang pagbibigay ng
pagtalakay sa iba’t ibang paksa, pasulat mam o
pasalita.
4. Dahil sa diskurso maraming nalalaman
ang tao mula sa mga taong
nagsisipagsulat ng kani-kanilang mga
akda at gayundin sa mga taong
nakikipagpalitan-tugon sa pamamagitan ng
pagsasalita sa kanilang mga kausap.
Samakatwid ang diskurso ay isang gawain
ng tao para maipabatid ang mga kaalaman
sa paraang mauunawaan pasalita man o
5. Mula naman sa aklat nina Carpio,
Perla et.al (2016) na ang diskurso ay
“wikang ginagamit sa mga salita,
pangungusap o pahayag kaugnay ng
lipunang ginagalawan ng tao na ang
tuon ay ang kanyang pang-araw-araw
na pakikipagtalastasan “
6. Binibigyan diin sa kahulugang ito na
ang diskurso ay hindi mga salitang
ginagamit sa pagpapahayag bagkus ito
ang kahulugang ipinaaabot ng tao sa
kanyang kapwa layon ang makapamuhay
nang matiwasay at mapayapa. Ang bawat
isa ay may sariling pagpapakahulugan sa
mga naririninig at nababasa, kung kaya’t
mahalaga na igalang at unawaain ang
7. Kahalagahan ng Diskurso:
Sa aklat ni Dolores Tanawan et.al. (2019)
mayroong kahalagahan ang Diskurso
1.Sa pamamagitan ng diskurso naipaparating ang mga
mensahe ng isang tao sa kaniyang kapuwa upang siya
ay lubusang maunawaan.
2.Ito ay nagsisilbing hudyat sa pagtugon na nakabatay sa
lipunang kinabibilangan
8. Mahalagang malaman na ang diskurso
ay fanksyunal sapagkat sa pamamagitan nito
ay nagkakaroon ng ugnayan sa
pamamagitan ng tagapagsalita , tagapakinig,
manunulat at mambabasa. Sa pamamagitan
ng diskurso lubusang nagiging matagumpay
ang pag-unawa kung ito’y maipaparating ng
malinaw, maayos ang mensahe ng isang tao
9. Layunin ng Diskurso
1.Makalikha ng imahe sa isipan ng mambabasa upang maging
sila ay maranasan din ang nararanasan ng manunulat
2. Pagbibigay ng malinaw na imahe ng isang tao, bagay, pook,
damdamin o teorya upang makalikha ng isang impresyon o
kakintalan
3. Makahikayat ng tao sa isyu o panig
4. Makapagbigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag
sa isang isyu o panig upang makahikayat ng mambabasa o
tagapakinig
12. Ano ang Diskurso?
Ang pakikipag talastasan, pakikipag usap
o anumang paraan ng pagpapahayag ng
ideya sa isang paksa.
Ito ay berbal na komunikasyon
tulad ng kumbersasyon
13. Dalawang anyo ng Diskurso
1.) Pasulat na Diskurso
2.) Diskursong pasalita
14. Pasulat na Diskurso
Nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa
kanyang kakayahang pangwika upang matiyak
na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang
isinulat ang kanyang mensahe.
Halimbawa:
Artikulo, Babasahin, at Pahayagan
15. Diskursong pasalita
Mahalaga ang kakayahang pangwika sa
pakikipag-usap ngunit minsan ay naaapektohan
ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang
kalagayang sosyal habang nagaganap ang
diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang
kakayahang komunikatibo.
Halimbawa:
Talumpati. Pagsasalaysay at Debate.
17. Uri ng Diskurso
1) Paglalarawan
2) Pagsasalaysay
3) Paglalahad
4) Pangangatwiran
18. 1.Paglalarawan - ang diskursong ito ay
naglalarawan ng mga detalye tungkol sa isang
tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari, at
maging sa damdaming nararamdaman ng isang
tao at hayop.
2.Pagsasalaysay – ang pagsasalaysay ay isang
diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan
maging sa nakaraan o kasalukuyang
pangyayari.
19. 3. Paglalahad – ito ang diskursong nagpapaliwanag kung
saan nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya,
kaisipan at impormasyon na sakop ng kaniyang
kaalaman na inihahag sa isang maayos at malinaw na
pamamaraan.
4. Pangangatwiran—ang pangangatwiran ay isang
diskurso na dapat ay makahikayat ng mambabasa o
tagapakinig tungkol sa ipinaglalabang isyu o kahit na
anong argumento. Kailangan ang mapalawak na
kaalaman.
22. 1. Interpersonal – usapang magkaibigan o
malapit ang kasangkot sa isa’t isa
2. Panggrupo – ang mga kasapi ay may
ugnayan dahil bahagi sila ng isang pangkat
tulad ng isang klase
3. Pang-organisasyon – ang mga kasapi ay
bahagi ng isang organisasyon o samahan
tulad ng isang kumpanya, sa pagitan ng
pamunuan at ng mga empleyado
23. 4. Pangmasa – sa harap ng malaking
grupo ng tao tulad ng
pangangampanya
5. Interkultural – ang mga kasapi ay
nabibilang sa magkakaibang kultural
na pangkat pangkasarian – ang mga
kasapi ay nabibilang sa isang
partikular na kasarian tulad ng
usapang lalake
24. Kahalagahan ng Diskurso at Pagdidiskurso
Ang diskurso ay fanksyunal sapagkat sa
pamamagitan nito ay nagkakaroon ng ugnayan sa
pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig, at ng
manunulat at mambabasa.
Sa pamamagitan ng diskurso nakapaparating ng
mensahe ng isang tao sa kanyang kapwa upang siya ay
lubusang maunawaan.
26. Proseso ng Diskurso
Ito ay ang pagbibigay ng tagahatid o enkowder
ng mensahe sa tagatanggap o dekoder. Maaring
gumamit ng tsanel ang mga tagahatid upang mas lalong
maintindihan ng tagatanggap ang mensahe o ang
impormasyon na nais ipabatid ng tagahatid. Mula roon,
upang magkaroon ng interaksyon, maaring magbigay ng
pidbak o ng ganting mensahe ang mga tagatangap at
maging enkowder o ang pinagmulan ng impormasyon.
27. Mga Elemento at Proseso ng
Diskurso
1.Tagahatid/enkowder
Ang nagpapadala ng mensahe
Bumubuo ng mensahe
Nagpapasya sa layunin
2.Mensahe
Ang ipinapadalang salita
Mensaheng pangnilalaman o panglinggwistika.
Mesaheng berbal o mensaheng di berbal
28. 3.Tagatanggap/ dekoder
Nagbibigay pangkahulugan sa mensaheng natanggap.
Siya ang nag dedekowdang tumatanggap at
nagbibigay Interpretasyon sa mensahe
4. Daluyan/ tsanel
Daluyan ng mensahe, berbal man o di berbal
Ang mga paraang ginagamit sa paghahatid ng mensahe
Dalawang kategorya daluyang sensori o tuwirang
paggamit ng paningin, pandinig, pang amoy, panlasa at
pandama. Daluyang institusyunal pakikipagtalastasan
sa pamamagitan ng sulat, telegrama, mga kagamitang
elektriko
29. 5. Ganting mensahe/ pidbak
Ang sagot ng tumatanggap sa mensahe
Ang kumukontrol sa mga sagabal sa komunikasyon.
Tuwirang tugon, di tuwirang tugon naantalang tugon
Proseso sa pagbabalikan ng mensahe
Ang patuloy na paghahatid ng mensahe sa bawat
panig
30. 6. Mga Hadlang o Sagabal
Ang mga bagay bagay na maaaring
makasagabal sa mabisang komunikasyon.
Matatagpuan sa tagapagpadala ng mensahe, sa
mensahe mismo sa daluyan ng mensaheo di kay
ay sa tatanggagap nito.
31. Semantikong sagabal- matatagpuan sa
salita o pangungusap mismo
Pisikal na sagabal- mga ingay sa paligid,
mga distraksyong biswal, suliraning teknikal
na may kaugnay sa sound system
32. Pisyolohikal na sagabal- mga matatagpuan
sa katawan ng nasgpapadala otagatanggap ng
mensahe tulad ng kapansanan sa paningin,
pandinig, o pagsasalita.
Sikolohikal na sagabal- pagkakaibaiba ng
mga kinalakihang paligid at pagkakaiba-iba ng
nakagawiang kultura na maaaring magbunga ng
misinterpretasyon sa kahulugan ng mga
mensahe.
34. Modelo ng Diskurso
Modelo ng Helikal Spiral ni
Frank Dance
Tuloy tuloy na proseso kung
saan hindi nababalik sa pinagmulan
ang palitan ng komunikasyon.
35. Modelo ni Schramm
Sa modelo niyang ito sabay na nagpapadala at
tumatanggap ng mensahe. Higit na malaki ang nalilikhang
ugnayan ng senyas kung may malaking ugnayan sa
karanasan ang dalawang naguusap.
36. Modelo ni Berlo
Sa modelong ito binibigyang diin ang ugnayan sa
pagitan ng taong nagpapadala ng mensahe. Dapat mataas ang
kasanayan ng nagpapadala at tumatanggap ng mensahe.
42. 1. Kahulugang konseptwal
Ito ang pansariling kahulugan ng isang salita. Bawa’t
salitang ginagamit sa texto ay may ibig sabihin.
Maaaring maging payak o komplikado ang kahulugan
ng salita. Ang konseptwal na kahulugan ng mga salita
sa texto ang isang batayan ng iba pang mga
kahulugan.
2. Kahulugang proposisyunal
Ito ay ang pansariling kahulugan ng isang
Pangungusap. Ang mga pangungusap ay may
Kahulugang taglay kahit na hindi ginagamit sa
Isang kontexto. Nakatayo ito sa kanyang sarili.
43. 3. KAHULUGANG KONTEKSTWAL
Ito ay ang kahulugang taglay ng pangungusap
kung nasa isang kalagayan o konteksto.
Makukuha ang kahulugang kontextual batay sa
ugnayan ng mga pangungusap sa texto. Makukuha
rin ang kahulugan nito ayon sa paraan ng
pagkakagamit ng awtor sa mga pangungusap.