2. Upang maging mabisa, ang
komunikasyon, kailangan din itong
isaayos. Si Dell Hymes ay nagbigay ng
ilang mungkahi kung paano dapat
isaayos ang paggamit ng wika. Ayon
kay Hymes, kailangang isaalang-alang
ang konsiderasyon upang matiyak na
magiging mabisa ang komunikasyon.
Ginamit niya ang akronim na
S.P.E.A.K.I.N.G. na tinalakay sa mga
sumusunod na talata.
3. 1. Setting. (saan nag-uusap?)
Sa pakikipagkomunikasyon, ang pook o lugar saan
naganap ang usapan ay dapat isaalang-alang. Ang
paraan ng pagpapahayag ng mga salitang ginagamit,
ang tono at tunog ng pagsasalita ay nag-iiba ayon sa
lokasyon na pinangyarihan ng salitaan. Hindi
maaaring ang pakikipag-usap sa kaibigan sa gitna ng
lansangan ay maging katulad ng pakikipag-usap sa
kanya sa loob ng simbahan. Ang lugar ay may
malaking impluwensya sa komunikasyon. Kung hindi
ito isasaalang-alang, maaari kang mapagkamalang
bastos o walang pinag-aralan. Subukan mong
magsisigaw sa loob ng inyong klase. Ano kaya ang
kahihinatnan mo?
4. 2. Participants. (sino ang kausap,
nag-uusap?)
Dito isinaalang-alang ang tao o mga taong kasangkot sa
komunikasyon. Ang pag-uugali, katauhan, damdamin,
maging ang estado sa buhay, katungkulan, hanapbuhay,
gulang kasarian, paniniwala at pilosopiya sa buhay ay
nakakaimpluwensya sa daloy at paraan ng pagpapahayag
ng nagsasalita at ng kanyang kausap. Halimbawa, maaari
mong sabihing “Pare, pahiram nga ng bolpen mo” sa iyong
kaibigan, ngunit hindi mo maaaring sabihin iyon sa iyong
ama. Subukan mo kayang sabihin iyon sa kanya, ano
kaya ang magiging reaksyon niya? Bakit? Paano ba ang
angkop na pahayag kung ang gayong diwa ay sasabihin
mo sa kanya?
5. 3. End. (ano ang layunin ng
usapan?)
Sa komponent na ito ang interaksyon ay ayon sa layuning
nais matamo sa pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o
pagbibigay ng impormasyon, pag-uutos, pakikiusap,
pagpapahiwatig, pagpapakahulugan, pagmumungkahi,
pagbabahagi ng damdamin, pangangarap o paglikha. Ano
kaya ang layunin ng isang taong mangungutang?
Makahiram ng salapi sa taong uutangan niya, hindi ba?
Makakamit ba niya ang kanyang layunin kung ang sasabihin
niya'y Hoy! Pautang nga ng isanlibo! Samantala, kung siya
nama'y manghoholdap, makakamit ba niya ang kanyang
layunin kung sa malumanay na pananalita'y sasabihin
niyang Para mo nang awa, akin na 'yang pera mo? Hindi
ang sagot sa dalawang huling tanong. Kung gayon, sa
paggamit ng wika, kailangan munang isaalang-alang ang
layunin sa pakikipag-usap.
6. 4. Acts Sequence. (paano ang takbo
ng pag-uusap?)
Ito ang tumutukoy sa pagkakaugnay ng usapang
nagaganap sa uri ng pangyayari. Halimbawa, sa
pagtitipan (date) inaasahang masuyo at malambing ang
himig ng usapan at takbo ng pananalita ng
magkasintahan ngunit, kapag may mga bagay silang
pinagtatalunan maaaring magbago ang ayos ng usapan.
Ito ay maaaring magresulta sa di pagkikibuan o away.
7. 5. Keys. (pormal ba o impormal ang
usapan?)
Nakakita ka na ba ng isang taong nakakamiseta at naka-
shorts sa isang debut party? O di kaya'y ng isang taong
naka-gown o barong Tagalog habang naglalaro ng
basketball o volleyball? Parang ganito rin ang magiging
hitsura mo kung hindi mo isaalang-alang ang pormalidad
ng isang okasyon sa iyong pakikipag-usap. Kung gayon,
kung pormal ang isang okasyon, paano ka makikipag-
usap sa ibang tao? Anong salita ang iyong gagamitin?
Kung makikipag-usap ka sa iyong pamilyar na kaibigan,
gayon di ba ang paraan ng iyong pagsasalita at ang mga
salitang iyong gagamitin?
8. 6. Instrumentalities. (ano ang
midyum ng usapan, pasalita ba o
pasulat?)
Sa madaling salita, kailangang ikonsider din ang gamit o
daluyan ng komunikasyon. Daluyang sensori ba o
daluyang institusyunal? Bakit kailangang isaalang-alang
ito? Pakaisipin mo. Maaari mo bang ikwento sa iyong
kaibigan ang nobelang iyong nabasa sa pamamagitan ng
text? Maipapaamoy mo ba sa kanya ang halimuyak ng
bulaklak sa pamamagitan ng telepono? Susulat ka pa ba
sa bumbero kung nasusununog na ang bahay mo? Kung
hindi mo kayang magsinungaling nang harapan,
magdadahilan ka ba pa sa iyong kasintahan sa kanyang
harapan? Kung mahusay kang gumawa ng sulat o ng
tula, paano ka manliligaw kaya? Ang midyum ang
humuhubog at naglilimita sa isang mensahe. Kung
mabisang maisasaalang-alang ito, kung gayon, magiging
kontrolado natin ang hugis at lawak o limitasyon ng
mensahe sa komunikasyon.
9. 7. Norms. (ano ang paksa ng
usapan?)
Mahalagang maisaalang-alang din ng isang tao ang
paksa ng usapan. Halimbawa, maaaring hindi mo na
igigiit ang iyong katwiran kung batid mong limitado
lamang ang nalalaman mo sa paksa ng isang pagtatalo.
Makakabuti ring itikom na lamang ang bibig kung sa
gitna ng isang talakayan ay wala ka namang nalalaman
sa paksang tinatalakay. May mga paksa ring eksklusibo.
Halimbawa, may mga paksang pambabae, kung
paanong may panlalaki rin. Makabubuti, kung gayon, sa
mga lalaki ang umiwas sa mga talakayang may paksang
eksklusibo sa mga babae kung paanong makabubuti sa
mga babae ang umiwas sa pakikilahok sa mga
talakayang may paksang eksklusibong panlalaki.
10. 8. Genre. (ano ang uri ng
pagpapahayag? Pagsasalaysay,
paglalarawan, paglalahad o
pangangatwiran?)
Sa komponent na ito, isinaalang-alang ang layunin ng
participants. Kung ang nais niya ay ang magkwento ng isang
pangyayari o mga pangyayari, pasalaysay ang pagpapahayag.
Kung ang nilalayon naman niya ay magpakitang anyo, katangian,
hugis, at kulay ng isang bagay, tao, pook, pangyayari at
damdamin, paglalarawan ang paraan. Paglalahad naman ang
paraan ng pagpapahayag kung ang nais nito ay magpapaliwanag
at magbigay ng impormasyon, samantalang kung ang layunin niya
ay ang manghikayat, magpatunay at pagbulaanan ang opinyon,
katwiran at paninindigan ng iba, pangangatwiran ang paraan ng
pagpapahayag.
11. Ang layon sa pagtuturo-pagkatuto ng wika ay ang
pagtatamo ng pangkalahatang kahusayan sa paggamit
ng wika upang makapagpahayag nang mabisa at
maiugnay ang sarili sa kanyang paligid. Dapat malinang
ang kasanayang umunawa sa mga salik na personal at
salik-sosyal at kahusayang magpaunawa sa mensaheng
nilalayong ipahatid sa paraang angkop, tumpak, at
katanggap-tanggap sa lipunan at pamayanan..