2. PAGLABAG SA ARTIKULO 1
Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan or ari-arian ang sino mang
tao nang hindi kaparaan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao
ng pantay na pangangalaga ng bansa.
3. PAGLABAG SA
ARTIKULO 2
Ang karapatan ng mga taong bayan na magkaroon ng
kapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mga
bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at
pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at
hindi dapat maglagda ng warrant sa paghalughog o warrant
sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na
personal na pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat
ang may habla at ang mga testigong maihaharap nya sa ilalim
ng panunumpa or patotoo, at tiyakang tinutukoy ang lugar na
hahalughugin , at mga taong darakpin o mga bagay na
sasamsamin.
4. PAGLABAG SA
ARTIKULO 3
Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon
korespondensya maliban sa legal na utos ng hukuman, o
kapag hinihingi ang naiibang kaligtasan o kaayusan ng bayan
ayon aa itinakda ng batas.
5. PAGLABAG SA ARTIKULO 4
Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa
pananalita, pagpapahayag, o sa karapatan ng mga taong-bayan
mapayabang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang
ilahad ang kanilang mga karaingan.