SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 79
Downloaden Sie, um offline zu lesen
A LUTA CONTINUA!:
Ang Pakikibaka Para sa
Filipino sa Kolehiyo At
Iba Pang Kaugnay na Isyu
David Michael San Juan
Associate Professor, De La Salle University-Manila
Convenor, Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
(TANGGOL WIKA)
Public Information Officer, Alliance of Concerned Teachers-Private Schools (ACT Private)
PAMBANSANG SEMINAR 2015
27-29 Abril 2015
Maynila
Panimula: Kontrobersyang Pangwika
Noon
• Kabanata 7 sa “El Filibusterismo”
Puno’t Dulo ng Gulo…
• CHED Memo. Order/CMO No. 20, Series of
2014
• Pagbura sa Filipino sa kurikulum ng kolehiyo
Puno’t Dulo ng Gulo…
• Binura rin ang mga asignaturang
Panitikan/Literatura at Philippine Government &
Constitution sa bagong General Education
Curriculum (GEC)
• Pinahina ang mga asignaturang mahalaga sa
pagpapatibay ng pambansang identidad, at
pambansang kaunlaran
• Ipinatupad ang K to 12 kahit na hindi ito
nakaayon sa pangangailangan ng bansa at ng mga
mamamayan ng Pilipinas
Globalisasyon: Kadena ng
Dependensiya
Kronolohiya ng Pakikibaka
• 21 Hunyo 2014 – Sa pangunguna ng Departamento Filipino ng
DLSU-Manila, isinagawa ang Konsultatibong Forum-Asembliya sa
Sitwasyon ng Filipino sa Kolehiyo. Humigit-kumulang 400 guro,
mag-aaral, propesyunal, at tagapagtaguyod ng wikang Filipino ang
dumalo sa nasabing forum-asembliya. Si Pambansang Alagad ng
Sining Dr. Bienvenido Lumbera ang nagbigay ng inspirasyonal na
pahayag sa nasabing aktibidad. Sa pagtitipon ding iyon ay binuo ng
humigit-kumulang 70 kolehiyo, unibersidad, samahang pangwika at
pangkultura, at paaralan, ang TANGGOL WIKA o Alyansa ng Mga
Tagapagtanggol ng Wikang Filipino, ang kauna-unahang malapad na
alyansang naninindigan na: panatilihin ang pagtuturo ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo; rebyuhin ang CMO No. 20, Series
of 2013; gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang
asignatura; at isulong ang makabayang edukasyon.
Kronolohiya ng Pakikibaka
• 22 Hunyo 2014 – press release ng CHED hinggil sa
pagiging mandatory na medium of instruction ng
Filipino
• 04 Hulyo 2014 – konsultasyon ng CHED sa Metro
Manila
• 31 Hulyo 2014 – deadline ng pagpapasa ng
posisyong papel sa isyu
• 27 Nobyembre 2014 – pangalawang press release
ng CHED hinggil sa isyu (walang pinagbago sa
pahayag noong 22 Hunyo 2014)
Nasaan na Tayo Ngayon?
• Malakas na ang Tanggol Wika: mahigit 150 affiliate na
institusyon, unibersidad, samahang pangkultura,
samahang pangwika atbp.
• Mahigit 7,500 likes ng Tanggol Wika Facebook page
• Daan-daan libong pirma sa manipesto ng Tanggol Wika
• Halos lahat ng nasa akademya ay pro-Filipino
• NAKAPAGSAMPA na ng petisyon sa Korte Suprema
• MAY TRO NA sa CMO No. 20, Series of 2013
• May pakikipagdiyalogo sa Suspend K to 12 Alliance
Nasaan na Tayo Ngayon?
• Laman ng pambansang diskurso ang isyung
pangwika
• Popular ang mga panawagan ng Tanggol Wika
• May posisyong papel na pro-Filipino ang
maraming paaralan at prominenteng
indibidwal
TRO sa CMO No. 20, Series of 2013
Epekto ng TRO
• Pinapahinto ang pagbura sa Filipino at Panitikan
sa kolehiyo
• May 10 araw para sumagot ang CHED at
Malakanyang
• Hindi maaaring magplano ang mga unibersidad
nang hindi isinasama ang Filipino at Panitikan sa
kurikulum
• Epektibo ang TRO hanggang sa maglabas ng
bagong pasya ang Korte Suprema
• TULOY ANG LABAN DAHIL WALA PANG FINAL
DECISION
Anong Dapat Nating Gawin?
• Tuluy-tuloy na magsagawa ng forum,
asembliya, at mga kilos-protesta para lalong
lumawak ang suporta ng taumbayan sa ating
mga panawagan
• Makipag-ugnayan sa mga Departamento ng
Literatura, Departamento ng Agham Politika,
Departamento ng Agham Panlipunan at iba
pang katulad o katumbas na departamento
upang lalong mapalawak ang ating hanay
Anong Dapat Nating Gawin?
• Ipamalita sa ating mga kakilalang guro ang
tungkol sa adbokasiya at mga tagumpay ng
Tanggol Wika
• Suriin natin ang buong programang K to 12, at
palalimin at palawakin ang ating pagsusuri hinggil
dito sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga
kaugnay na usapin tulad ng neoliberalismo, Labor
Export Policy, globalisasyon, kolonyal na
edukasyon, at imperyalismo.
Anong Dapat Nating Gawin?
• Makipagdiyalogo sa mga administrasyon ng
paaralan at sa mga lingkod-bayan upang
itaguyod ang ating mga adbokasiya at
hikayatin sila na suportahan din ito.
• Ilike at ipalike ang Facebook page ng Tanggol
Wika para sa mabilis na diseminasyon at
koordinasyon ng ating mga kalatas at
kampanya:
www.facebook.com/TANGGOLWIKA
Anong Dapat Nating Gawin?
• Basahin, talakayin, at palaganapin ang
petisyon ng Tanggol Wika sa Korte Suprema
• Madodownload sa:
dlsu.academia.edu/lastrepublic
• IGoogle: “Tanggol Wika versus Noynoy-CHED”
Buod ng Petisyon sa Korte Suprema
• Ang CMO No. 20, Series of 2013 ay lumalabag
sa 5 probisyon sa Konstitusyon at 3 Batas
Republika
Mga Nilalabag ng CMO No. 20
• Probisyong pangwika ng Artikulo XIV, Seksyon 6
ng Konstitusyong 1987.
• Probisyong pang-edukasyon tungkol sa
preserbasyon ng yamang pangkultura ng bansa
na nasa Artikulo XIV, Seksyon 14, 15, at 18 ng
Konstitusyong 1987.
• Probisyong pang-edukasyon tungkol sa pagiging
bahagi ng mandatoring pag-aaral ng Konstitusyon
sa lahat ng lebel ng edukasyon na nasa Artikulo
XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987.
Mga Nilalabag ng CMO No. 20
• Probisyong pang-edukasyon na nagbibigay-diin sa
kahalagahan ng nasyonalismo sa kurikulum at
pagpapaunlad ng bansa, at pagbubuo ng
sistemang pang-edukasyon na nakabatay sa
pangangailangan ng mga mamamayan, na nasa
Artikulo II, Seksyon 17; at Artikulo XIV, Seksyon 2
at 3 ng Konstitusyong 1987
• Probisyong pampaggawa (labor provisions) na
nasa Artikulo II, Seksyon 18; at Artikulo XIII,
Seksyon 3 na nasa Konstitusyong 1987.
Mga Nilalabag ng CMO No. 20
• Probisyon ng “Commission on the Filipino
Language Act” (“An Act Creating the
Commission on the Filipino Language,
Prescribing Its Powers, Duties and Functions,
and For Other Purposes”) o Batas Republika
7104
Mga Nilalabag ng CMO No. 20
• Probisyon sa “Education Act of 1982” o Batas
Pambansa Bilang 232.
• Probisyon sa Batas Republika 7356 o “An Act
Creating the National Commission for Culture
and the Arts, Establishing National
Endowment Fund for Culture and the Arts,
and For Other Purposes.”
Probisyong Pangwika
ARTIKULO XIV, SEKSYON 6.
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ayFilipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin atpagyamanin pa salig sa
umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapatna maaaring
ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mgahakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusangitaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ngopisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sasistemang pang-edukasyon.
ARTIKULO XIV, SEKSYON 7.
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon atpagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyalsa
mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon…
Probisyong Pangwika
• Ang CMO No. 20 ay malinaw na lumalabag sa
Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987,
sapagkat hindi ito naglalaan ng espasyo para
sa asignatura o disiplinang Filipino na
kailangan upang maging epektibong wikang
panturo at wika ng opisyal na komunikasyon
ang wikang pambansa gaya ng itinatadhana sa
Konstitusyon.
Probisyon Hinggil sa Preserbasyon ng
Yamang Pangkultura
ARTIKULO XIV, SEKSYON 14.
Dapat itaguyod ng Estado ang pangangalaga, pagpapayaman at
dinamikong ebolusyonng isang pambansang kulturang Pilipino salig
sa simulaingpagkakaisa sa pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya,
artistiko atintelektwal na pagpapahayag.
ARTIKULO XIV, SEKSYON 15.
Dapat tangkilikin ng Estado ang mga sining at panitikan.
Dapat pangalagaan, itaguyod, at ipalaganap ng Estado ang pamanang
historikal at kultural at ang mgalikha at mga kayamanang batis
artistiko ng bansa.
ARTIKULO XIV, SEKSYON 18. (2)
Dapat pasiglahin at tangkilikin ng Estado ang mga pananaliksik at
mga pag-aaral tungkol samga sining at kultura.
Literatura: Binura Rin sa Kolehiyo
• Bukod sa Filipino ay binura rin ng CMO No. 20
ang asignaturang Panitikan/Literatura sa
bagong kurikulum ng kolehiyo, kumpara sa
tatlo hanggang anim na yunit sa lumang
kurikulumalinsunod sa CMO No. 04, Series of
1997
Kultura at Panitikan
• Malinaw na bahagi ng kultura
ang Panitikan/Literature, gaya ng binabanggit sa
UNESCO Universal Declaration on Cultural
Diversityna pinagtibay noong Nobyembre 2,
2001:
“[C]ulture should be regarded as the set of
distinctivespiritual, material, intellectual and
emotional features ofsociety or a social group, and
that it encompasses, in addition to art and
literature, lifestyles, ways of living together, value
systems, traditions and beliefs.”
Kultura at Panitikan
• Ang kahalagahan ng Panitikan/Literatura bilang
bahagi ngkultura ng Pilipinas ay pinatutunayan ng
pagkakaroon ng Subcommission on the Arts sa
ilalim ng National Commission onCulture and the
Arts (NCCA) na sumasaklaw sa “literary arts” o
“mga sining na pampanitikan,” gaya ng
ipinapahayag sa Seksyon 15 ng Batas Republika
7356 o “An Act Creating the National Commission
for Culture and the Arts, Establishing National
Endowment Fund for Culture and the Arts, and
For Other Purposes.”
Pagtuturo ng Panitikan:
Tungkulin ng Gobyerno
• Samakatwid, ang preserbasyon at pagtuturo
ng Panitikan/Literatura sa lahat ng antas ng
edukasyon ay tungkulin ng Estado, alinsunod
na rin sa mga mandato ng Konstitusyon na
nauna nang tinalakay.
Probisyong Pang-edukasyon
• ARTIKULO XIV, SEKSYON 3. (1)
Dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-aaral ng
Konstitusyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon.
• Bukod sa Filipino ay binura rin ng CMO No. 20
angasignaturang Philippine Government & Constitution sa
bagong kurikulum ng kolehiyo, kumpara sa tatlong yunit sa
lumang kurikulum alinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997
• Samakatuwid, malinaw na labag sa Artikulo XIV, Seksyon 3
ng Konstitusyon ang CMO No. 20.
Probisyong Pang-edukasyon
ARTIKULO II, SEKSYON 17.
Dapat mag-ukol ng prayoriti ang Estado sa
edukasyon, syensya at teknolohiya, mga sining,
kultura at isports upang mapabulas ang
pagkamakabayan at nasyonalismo, mapabilis
ang kaunlarang panlipunan, at maitaguyod ang
ganap na paglaya at pag-unlad ng tao
Probisyong Pang-edukasyon
ARTIKULO XIV, SEKSYON 2 (1).
Ang Estado ay dapat magtatag, magpanatili, at
magtustos ng isang kumpleto, sapat at pinag-isang
sistema ng edukasyong naaangkop sa mga
pangangailangan ng sambayanan at lipunan.
ARTIKULO XIV, SEKSYON 3 (2)
Dapat nilang ikintal ang pagkamakabayan at
nasyonalismo.
Makabayang Edukasyon sa Kurikulum
• Malinaw na ang mga asignaturang binura ng
CMO No. 20 sabagong kurikulum ng kolehiyo
— Filipino, Panitikan/Literatura, at Philippine
Government & Constitution — ay mga
asignaturangmahalaga sa pagtataguyod ng
nasyonalismo at pambansangkaunlaran, at
edukasyong nakabatay sa pangangailangan ng
mgamamamayan.
Probisyong Pampaggawa
ARTIKULO II, SEKSYON 18.
Naninindigan ang Estado na ang paggawaay
isang pangunahing pwersang pangkabuhayan
nglipunan. Dapat nitong pangalagaan ang mga
karapatan ngmga manggagawa at itaguyod ang
kanilang kagalingan.
Probisyong Pampaggawa
ARTIKULO XIII, SEKSYON 3.
Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa
paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at di
organisado, at dapat itaguyod ang puspusang
employment at pantay na mga pagkakataon sa
employment para sa lahat…Dapat na may karapatan sila
sa katatagan sa trabaho, sa makataong mga kalagayan sa
trabaho, at sa sahod na sapat ikabuhay.
Dapat din silang lumahok sa mga proseso ng
pagbabalangkas ng patakaran at desisyon na may
kinalaman sa kanilang mga karapatan at benepisyo ayon
sa maaaring itadhana ng batas.
• Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang plano at nakalatag nang
mga mekanismo ang gobyerno upang bigyan ng sapat na
proteksyon ang mga mawawalan ng trabaho. Katunayan, dinidinig
pa lang ng House Committee on Higher and Technical Education
ang House Bill 5493, “Establishing the Tertiary Education Transition
Fund to develop and sustain tertiary education institutions during
the transition period of the Enhanced Basic Education Act of 2013,
and appropriating funds therefor” kaugnay sa pagbibigay ng
financial assistance sa mga mawawalan ng trabaho sa kolehiyo.
• Hindi kinonsulta ng CHED ang nakararaming mgaDepartamento ng
Filipino sa pagbuo ng CMO No. 20 at bagoipatupad ito. Hindi rin ito
nagbuo ng komprehensibong plano para samga propesor na
mawawalan ng trabaho.
Kawalan ng Proteksyon sa Mga Manggagawa sa
Ilalim ng CMO No. 20 at K to 12
Paglabag sa RA 7104
• Nilalabag din ng CMO No. 20 ang mga probisyon ng Batas
Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language
Act.”
• Ayon sa nasabing batas, ang Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) o Commission on the Filipino Language ang
ahensyang may kapangyarihan sa pagbubuo ng patakaran,
plano, at programang pangwika ng bansa: “Sec. 14. Powers,
Functions and Duties of the Commission. The Commission,
pursuant to the pertinent provisions of the Constitution,
shall have the following powers, functions and duties: (a)
formulate policies, plans and programs to ensure the
further development, enrichment, propagation and
preservation of Filipino and other Philippine language.”
Paglabag sa Education Act of 1982
• Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Education Act of 1982 o
Batas Pambansa Bilang 232: Part II. Section 3. Promote the
social and economic status of all school personnel, uphold
their rights, define their obligations, and improve their
living and working conditions and career prospects.
Part III. CHAPTER 1. Sec. 23. Objective of Tertiary Education.
The objectives of tertiary education are: 1.To provide a
general education program that will promote national
identity, cultural consciousness, moral integrity and spiritual
vigor; 2. To train the nation's manpower in the skills required
for national development; 3.To develop the professions that
will provide leadership for the nation.
Paglabag sa RA 7356
• Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Seksyon 5, 6,
at 7 ng Batas Republika 7356 o “An Act
Creating the National Commission forCulture
and the Arts, Establishing National
Endowment Fund for Culture and the Arts,
and For Other Purposes”
Paglabag sa RA 7356
• SECTION 5. Culture by the People. The Filipino national culture shall be evolved
and developed by the people themselves in a climate of freedom and
responsibility. National cultural policies and programs shall be formulated which
shall be b) democratic, encouraging and supporting the participation of the vast
masses of our people in its programs and projects d) liberative, having concern for
the decolonization and emancipation of the Filipino psyche in order to ensure the
full flowering of Filipino culture.
• SECTION 6. Culture for the People. The creation of artistic and cultural products
shall be promoted and disseminated to the greatest number of our people.
• The level of consciousness of our people about our own cultural values in order to
strengthen our culture and to instill nationhood an cultural unity, shall be raised
formally through the educational system and informally through extra-scholastic
means, including the use of traditional as well as modern media of
communication.
• SECTION 7. Preservation of the Filipino Heritage. It is the duty of every citizen to
preserve and conserve the Filipino historical and cultural heritage and resources.
The retrieval and conservation of artifacts of Filipino culture and history shall be
vigorously pursued.
MGA AKTIBIDAD NG
TANGGOL WIKA
Central Mindanao University – Agosto 27, 2014
Central Mindanao University – Agosto 27, 2014
National Teachers’ College – Agosto 28, 2014
National Teachers’ College – Agosto 28, 2014
Trinity University of Asia – Aug. 29, 2014
Pamantasang Lungsod ng Marikina – Aug. 29, 2014
National Teachers’ College – Aug. 1, 2014
National Teachers’ College – Aug. 1, 2014
National Teachers’ College – Aug. 1, 2014
Mindanao State University – Iligan Institute of
Technology – Aug.1, 2014
Far Eastern University – Aug. 2, 2014
CHED Office – July 31, 2014
CHED Office – July 31, 2014
CHED – July 11, 2014
CHED – July 11, 2014
Congress – July 30, 2014
Central Luzon State University – July 31, 2014
Mendiola – July 25, 2014
San Beda College-Manila – July 22, 2014
CHED – July 11, 2014
Philippine Normal University – July 9, 2014
Philippine Normal University – July 9, 2014
CHED – July 4, 2014
Polytechnic University of the Philippines – June
26, 2014
De La Salle University - June 21, 2014
De La Salle University - June 21, 2014
• University of Baguio – Aug. 23, 2014
• University of the East, Caloocan – Aug. 28, 2014
• University of Santo Tomas – Aug. 6, 2014
• Lyceum of the Philippines – July 18, 2014
• Xavier University – Aug. 1, 2014
• University of the East, Manila – Aug. 19, 2014
• Central Luzon State University – Aug. 11, 2014
• Isabela State University – Set. 2014
• Bulacan State University – Set. 2014
• University of the East, Manila – Enero 2015
Korte Suprema: April 15, 2015
Wika at Pambansang Kaunlaran
• “Madalas Itanong sa Wikang Pambansa” nina Virgilio
Almario at Marne Kilates
• “The Filipino National Language: Discourse on Power” ni
Teresita Gimenez Maceda
• “The Miseducation of the Filipino” ni Renato Constantino
• “Sneaking into the Philippines, Along the Rivers of Babylon:
An Intervention into the Language Question” ni Epifanio
San Juan
• “Writing the Nation/Pag-akda ng Bansa” ni Bienvenido
Lumbera
• “Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal Education in
the Philippines” nina Bienvenido Lumbera et al. (eds.)
Wika at Pambansang Kaunlaran
• “The Dialectics of National Liberation” ni N.
Brown
Independensya at
Nasyonalismo
(Neo)kolonyalismo
Wika at Pambansang Kaunlaran
Wika Panitikan Kultura
Wika at Pambansang Kaunlaran
• Malawi: gumagaya sa Pilipinas sa pag-Iingles
• Ang Malawi ay labor exporter (na) rin
• Tinututulan ng maraming taga-Malawi ang
bagong patakarang pangwikang maka-Ingles
Wika at Pambansang Kaunlaran
• Ayon kay Beaton Galafa, lider-estudyante sa
University of Malawi: “We don’t see any
advantage of the policy because speaking
fluent English doesn’t translate into one being
educated. Education’s primary preoccupation
to us is to help learners master actual
concepts…”
Wika at Pambansang Kaunlaran
• Galafa: “no country has developed while using
a foreign language as a main means of
classroom instruction…Almost all developed
countries like France uses French; Portugal
uses Portuguese; Spain uses Spanish;
Germany uses German…Now look at us and
see who is poor. It’s a sort of mental slavery,
mental colonialism.”
Wika at Pambansang Kaunlaran
• Bahasa: Brunei, Indonesia, Malaysia
• Mandarin: People’s Republic of China
• Nihonggo: Japan
• Hangungmal: South Korea
• Siamese: Thailand
• Mongol khel: Mongolia
Wika at Pambansang Kaunlaran
Wika at Pambansang Kaunlaran
• Samora Moisés Machel: “The struggle continues!
The struggle continues! The struggle continues!
Against what? Against what must the struggle
continue? Against tribalism! Against ignorance!
Against illiteracy! Against exploitation! Against
superstition! Against misery! Against famine!
Against lack of clothing! A luta continua so that
someday we will all be equal! Colonialism is a
crime against humanity. There is no humane
colonialism. There is no democratic colonialism.
There is no non-exploitative colonialism.”
Pangwakas
dlsu.academia.edu/lastrepublic
www.facebook.com/TANGGOLWIKA
www.facebook.com/SUSPENDKTO12
www.facebook.com/PSLLF
0927-2421-630
A LUTA CONTINUA!
TULOY ANG LABAN!

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Q1 lesson 3 ang mga unang tao sa pilipinas
Q1 lesson 3 ang mga unang tao sa pilipinasQ1 lesson 3 ang mga unang tao sa pilipinas
Q1 lesson 3 ang mga unang tao sa pilipinas
Rivera Arnel
 

Was ist angesagt? (20)

Panahong pre kolonyal
Panahong pre kolonyalPanahong pre kolonyal
Panahong pre kolonyal
 
Panahon ng propaganda
Panahon ng propagandaPanahon ng propaganda
Panahon ng propaganda
 
Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
 
ANG DIPTONGGO NG WIKANG FILIPINO
ANG DIPTONGGO NG WIKANG FILIPINOANG DIPTONGGO NG WIKANG FILIPINO
ANG DIPTONGGO NG WIKANG FILIPINO
 
Ortograpiyang pilipino
Ortograpiyang pilipinoOrtograpiyang pilipino
Ortograpiyang pilipino
 
Barayti ng Wika
Barayti ng WikaBarayti ng Wika
Barayti ng Wika
 
Q1 lesson 3 ang mga unang tao sa pilipinas
Q1 lesson 3 ang mga unang tao sa pilipinasQ1 lesson 3 ang mga unang tao sa pilipinas
Q1 lesson 3 ang mga unang tao sa pilipinas
 
WIKANG KAPAMPANGAN AT BIKOLANO-DELUNAS.pdf
WIKANG KAPAMPANGAN AT BIKOLANO-DELUNAS.pdfWIKANG KAPAMPANGAN AT BIKOLANO-DELUNAS.pdf
WIKANG KAPAMPANGAN AT BIKOLANO-DELUNAS.pdf
 
397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptx
397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptx397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptx
397582676-Fildis-Filipino-Sa-Ibat-Ibang-Disiplina.pptx
 
PAGSASALIN.ppt
PAGSASALIN.pptPAGSASALIN.ppt
PAGSASALIN.ppt
 
Pagsasalin sa Sikolohiya
Pagsasalin sa SikolohiyaPagsasalin sa Sikolohiya
Pagsasalin sa Sikolohiya
 
Punto ng artikulasyon
Punto ng artikulasyonPunto ng artikulasyon
Punto ng artikulasyon
 
Panitikan sa panahon ng hapon
Panitikan sa panahon ng haponPanitikan sa panahon ng hapon
Panitikan sa panahon ng hapon
 
Noli Me Tangere, isang pagsusuri
Noli Me Tangere, isang pagsusuriNoli Me Tangere, isang pagsusuri
Noli Me Tangere, isang pagsusuri
 
Morpoloji
MorpolojiMorpoloji
Morpoloji
 
LEKSIKOGRAPIYA.pdf
LEKSIKOGRAPIYA.pdfLEKSIKOGRAPIYA.pdf
LEKSIKOGRAPIYA.pdf
 
Panitikan sa panahon ng propaganda
Panitikan sa panahon ng propagandaPanitikan sa panahon ng propaganda
Panitikan sa panahon ng propaganda
 
Ang Filipino Bilang Wikang Pambansa
Ang Filipino Bilang Wikang PambansaAng Filipino Bilang Wikang Pambansa
Ang Filipino Bilang Wikang Pambansa
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Barayti ng Wika
Barayti ng WikaBarayti ng Wika
Barayti ng Wika
 

Ähnlich wie Tanggol wika presentation_-_filipino_sa

KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptxKONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
VinLadin
 
Filipino bilang wika at larangan
Filipino bilang wika at laranganFilipino bilang wika at larangan
Filipino bilang wika at larangan
MechellMina
 
Pagsasaling wika, ph d filipino ramcee moreno tolentino mag aaral
Pagsasaling wika, ph d filipino ramcee moreno tolentino mag aaralPagsasaling wika, ph d filipino ramcee moreno tolentino mag aaral
Pagsasaling wika, ph d filipino ramcee moreno tolentino mag aaral
RamceeTolentino1
 

Ähnlich wie Tanggol wika presentation_-_filipino_sa (20)

Aralin 1.2_ FLIN01G.pptx
Aralin 1.2_ FLIN01G.pptxAralin 1.2_ FLIN01G.pptx
Aralin 1.2_ FLIN01G.pptx
 
INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA.pptx
INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA.pptxINTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA.pptx
INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA.pptx
 
ARALIN 1.pptx
ARALIN 1.pptxARALIN 1.pptx
ARALIN 1.pptx
 
GE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
GE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSAGE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
GE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
 
397582656-FILDIS-FILIPINO-SA-IBAT-IBANG-DISIPLINA-1-pptx.pptx
397582656-FILDIS-FILIPINO-SA-IBAT-IBANG-DISIPLINA-1-pptx.pptx397582656-FILDIS-FILIPINO-SA-IBAT-IBANG-DISIPLINA-1-pptx.pptx
397582656-FILDIS-FILIPINO-SA-IBAT-IBANG-DISIPLINA-1-pptx.pptx
 
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptxANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
 
ARALIN 2 FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA.pdf
ARALIN 2 FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA.pdfARALIN 2 FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA.pdf
ARALIN 2 FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA.pdf
 
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptxKONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
 
Tungkadun ta
Tungkadun taTungkadun ta
Tungkadun ta
 
Posissyong papel or position paper pptx0
Posissyong papel or position paper pptx0Posissyong papel or position paper pptx0
Posissyong papel or position paper pptx0
 
KOM.pptx
KOM.pptxKOM.pptx
KOM.pptx
 
Yunit I PPT.pptx
Yunit I PPT.pptxYunit I PPT.pptx
Yunit I PPT.pptx
 
chapters in FILDIS_compilation BUOD /summary
chapters in FILDIS_compilation BUOD /summarychapters in FILDIS_compilation BUOD /summary
chapters in FILDIS_compilation BUOD /summary
 
PAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON.pdf
PAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON.pdfPAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON.pdf
PAGPAPLANONG PANGWIKA AT INTELEKTUWALISASYON.pdf
 
Filipino bilang wika at larangan
Filipino bilang wika at laranganFilipino bilang wika at larangan
Filipino bilang wika at larangan
 
pananaw sikolohikal
pananaw sikolohikalpananaw sikolohikal
pananaw sikolohikal
 
Pagsasaling wika, ph d filipino ramcee moreno tolentino mag aaral
Pagsasaling wika, ph d filipino ramcee moreno tolentino mag aaralPagsasaling wika, ph d filipino ramcee moreno tolentino mag aaral
Pagsasaling wika, ph d filipino ramcee moreno tolentino mag aaral
 
ARALIN 3 at 4-KKF.pptx
ARALIN 3 at 4-KKF.pptxARALIN 3 at 4-KKF.pptx
ARALIN 3 at 4-KKF.pptx
 
Baylingwalismo
BaylingwalismoBaylingwalismo
Baylingwalismo
 
Kalagayan o sitwasyon ng wikang filipino sa mga Kabataan sa Kaslukuyang Panahon
Kalagayan o sitwasyon ng wikang filipino sa mga Kabataan sa Kaslukuyang PanahonKalagayan o sitwasyon ng wikang filipino sa mga Kabataan sa Kaslukuyang Panahon
Kalagayan o sitwasyon ng wikang filipino sa mga Kabataan sa Kaslukuyang Panahon
 

Kürzlich hochgeladen

Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
niquomacarampat2
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
RosemarieGaring
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
RonalynGatelaCajudo
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
diannesofocado8
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your course
FatimaCayusa2
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 

Kürzlich hochgeladen (20)

ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxSummary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your course
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 

Tanggol wika presentation_-_filipino_sa

  • 1. A LUTA CONTINUA!: Ang Pakikibaka Para sa Filipino sa Kolehiyo At Iba Pang Kaugnay na Isyu David Michael San Juan Associate Professor, De La Salle University-Manila Convenor, Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA) Public Information Officer, Alliance of Concerned Teachers-Private Schools (ACT Private) PAMBANSANG SEMINAR 2015 27-29 Abril 2015 Maynila
  • 2. Panimula: Kontrobersyang Pangwika Noon • Kabanata 7 sa “El Filibusterismo”
  • 3. Puno’t Dulo ng Gulo… • CHED Memo. Order/CMO No. 20, Series of 2014 • Pagbura sa Filipino sa kurikulum ng kolehiyo
  • 4. Puno’t Dulo ng Gulo… • Binura rin ang mga asignaturang Panitikan/Literatura at Philippine Government & Constitution sa bagong General Education Curriculum (GEC) • Pinahina ang mga asignaturang mahalaga sa pagpapatibay ng pambansang identidad, at pambansang kaunlaran • Ipinatupad ang K to 12 kahit na hindi ito nakaayon sa pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayan ng Pilipinas
  • 5.
  • 7. Kronolohiya ng Pakikibaka • 21 Hunyo 2014 – Sa pangunguna ng Departamento Filipino ng DLSU-Manila, isinagawa ang Konsultatibong Forum-Asembliya sa Sitwasyon ng Filipino sa Kolehiyo. Humigit-kumulang 400 guro, mag-aaral, propesyunal, at tagapagtaguyod ng wikang Filipino ang dumalo sa nasabing forum-asembliya. Si Pambansang Alagad ng Sining Dr. Bienvenido Lumbera ang nagbigay ng inspirasyonal na pahayag sa nasabing aktibidad. Sa pagtitipon ding iyon ay binuo ng humigit-kumulang 70 kolehiyo, unibersidad, samahang pangwika at pangkultura, at paaralan, ang TANGGOL WIKA o Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino, ang kauna-unahang malapad na alyansang naninindigan na: panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa kolehiyo; rebyuhin ang CMO No. 20, Series of 2013; gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura; at isulong ang makabayang edukasyon.
  • 8. Kronolohiya ng Pakikibaka • 22 Hunyo 2014 – press release ng CHED hinggil sa pagiging mandatory na medium of instruction ng Filipino • 04 Hulyo 2014 – konsultasyon ng CHED sa Metro Manila • 31 Hulyo 2014 – deadline ng pagpapasa ng posisyong papel sa isyu • 27 Nobyembre 2014 – pangalawang press release ng CHED hinggil sa isyu (walang pinagbago sa pahayag noong 22 Hunyo 2014)
  • 9. Nasaan na Tayo Ngayon? • Malakas na ang Tanggol Wika: mahigit 150 affiliate na institusyon, unibersidad, samahang pangkultura, samahang pangwika atbp. • Mahigit 7,500 likes ng Tanggol Wika Facebook page • Daan-daan libong pirma sa manipesto ng Tanggol Wika • Halos lahat ng nasa akademya ay pro-Filipino • NAKAPAGSAMPA na ng petisyon sa Korte Suprema • MAY TRO NA sa CMO No. 20, Series of 2013 • May pakikipagdiyalogo sa Suspend K to 12 Alliance
  • 10. Nasaan na Tayo Ngayon? • Laman ng pambansang diskurso ang isyung pangwika • Popular ang mga panawagan ng Tanggol Wika • May posisyong papel na pro-Filipino ang maraming paaralan at prominenteng indibidwal
  • 11. TRO sa CMO No. 20, Series of 2013
  • 12. Epekto ng TRO • Pinapahinto ang pagbura sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo • May 10 araw para sumagot ang CHED at Malakanyang • Hindi maaaring magplano ang mga unibersidad nang hindi isinasama ang Filipino at Panitikan sa kurikulum • Epektibo ang TRO hanggang sa maglabas ng bagong pasya ang Korte Suprema • TULOY ANG LABAN DAHIL WALA PANG FINAL DECISION
  • 13. Anong Dapat Nating Gawin? • Tuluy-tuloy na magsagawa ng forum, asembliya, at mga kilos-protesta para lalong lumawak ang suporta ng taumbayan sa ating mga panawagan • Makipag-ugnayan sa mga Departamento ng Literatura, Departamento ng Agham Politika, Departamento ng Agham Panlipunan at iba pang katulad o katumbas na departamento upang lalong mapalawak ang ating hanay
  • 14. Anong Dapat Nating Gawin? • Ipamalita sa ating mga kakilalang guro ang tungkol sa adbokasiya at mga tagumpay ng Tanggol Wika • Suriin natin ang buong programang K to 12, at palalimin at palawakin ang ating pagsusuri hinggil dito sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga kaugnay na usapin tulad ng neoliberalismo, Labor Export Policy, globalisasyon, kolonyal na edukasyon, at imperyalismo.
  • 15. Anong Dapat Nating Gawin? • Makipagdiyalogo sa mga administrasyon ng paaralan at sa mga lingkod-bayan upang itaguyod ang ating mga adbokasiya at hikayatin sila na suportahan din ito. • Ilike at ipalike ang Facebook page ng Tanggol Wika para sa mabilis na diseminasyon at koordinasyon ng ating mga kalatas at kampanya: www.facebook.com/TANGGOLWIKA
  • 16. Anong Dapat Nating Gawin? • Basahin, talakayin, at palaganapin ang petisyon ng Tanggol Wika sa Korte Suprema • Madodownload sa: dlsu.academia.edu/lastrepublic • IGoogle: “Tanggol Wika versus Noynoy-CHED”
  • 17. Buod ng Petisyon sa Korte Suprema • Ang CMO No. 20, Series of 2013 ay lumalabag sa 5 probisyon sa Konstitusyon at 3 Batas Republika
  • 18. Mga Nilalabag ng CMO No. 20 • Probisyong pangwika ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987. • Probisyong pang-edukasyon tungkol sa preserbasyon ng yamang pangkultura ng bansa na nasa Artikulo XIV, Seksyon 14, 15, at 18 ng Konstitusyong 1987. • Probisyong pang-edukasyon tungkol sa pagiging bahagi ng mandatoring pag-aaral ng Konstitusyon sa lahat ng lebel ng edukasyon na nasa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987.
  • 19. Mga Nilalabag ng CMO No. 20 • Probisyong pang-edukasyon na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng nasyonalismo sa kurikulum at pagpapaunlad ng bansa, at pagbubuo ng sistemang pang-edukasyon na nakabatay sa pangangailangan ng mga mamamayan, na nasa Artikulo II, Seksyon 17; at Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3 ng Konstitusyong 1987 • Probisyong pampaggawa (labor provisions) na nasa Artikulo II, Seksyon 18; at Artikulo XIII, Seksyon 3 na nasa Konstitusyong 1987.
  • 20. Mga Nilalabag ng CMO No. 20 • Probisyon ng “Commission on the Filipino Language Act” (“An Act Creating the Commission on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and Functions, and For Other Purposes”) o Batas Republika 7104
  • 21. Mga Nilalabag ng CMO No. 20 • Probisyon sa “Education Act of 1982” o Batas Pambansa Bilang 232. • Probisyon sa Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and For Other Purposes.”
  • 22. Probisyong Pangwika ARTIKULO XIV, SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ayFilipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin atpagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapatna maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mgahakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusangitaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ngopisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sasistemang pang-edukasyon. ARTIKULO XIV, SEKSYON 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon atpagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyalsa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon…
  • 23. Probisyong Pangwika • Ang CMO No. 20 ay malinaw na lumalabag sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987, sapagkat hindi ito naglalaan ng espasyo para sa asignatura o disiplinang Filipino na kailangan upang maging epektibong wikang panturo at wika ng opisyal na komunikasyon ang wikang pambansa gaya ng itinatadhana sa Konstitusyon.
  • 24. Probisyon Hinggil sa Preserbasyon ng Yamang Pangkultura ARTIKULO XIV, SEKSYON 14. Dapat itaguyod ng Estado ang pangangalaga, pagpapayaman at dinamikong ebolusyonng isang pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaingpagkakaisa sa pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya, artistiko atintelektwal na pagpapahayag. ARTIKULO XIV, SEKSYON 15. Dapat tangkilikin ng Estado ang mga sining at panitikan. Dapat pangalagaan, itaguyod, at ipalaganap ng Estado ang pamanang historikal at kultural at ang mgalikha at mga kayamanang batis artistiko ng bansa. ARTIKULO XIV, SEKSYON 18. (2) Dapat pasiglahin at tangkilikin ng Estado ang mga pananaliksik at mga pag-aaral tungkol samga sining at kultura.
  • 25. Literatura: Binura Rin sa Kolehiyo • Bukod sa Filipino ay binura rin ng CMO No. 20 ang asignaturang Panitikan/Literatura sa bagong kurikulum ng kolehiyo, kumpara sa tatlo hanggang anim na yunit sa lumang kurikulumalinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997
  • 26. Kultura at Panitikan • Malinaw na bahagi ng kultura ang Panitikan/Literature, gaya ng binabanggit sa UNESCO Universal Declaration on Cultural Diversityna pinagtibay noong Nobyembre 2, 2001: “[C]ulture should be regarded as the set of distinctivespiritual, material, intellectual and emotional features ofsociety or a social group, and that it encompasses, in addition to art and literature, lifestyles, ways of living together, value systems, traditions and beliefs.”
  • 27. Kultura at Panitikan • Ang kahalagahan ng Panitikan/Literatura bilang bahagi ngkultura ng Pilipinas ay pinatutunayan ng pagkakaroon ng Subcommission on the Arts sa ilalim ng National Commission onCulture and the Arts (NCCA) na sumasaklaw sa “literary arts” o “mga sining na pampanitikan,” gaya ng ipinapahayag sa Seksyon 15 ng Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and For Other Purposes.”
  • 28. Pagtuturo ng Panitikan: Tungkulin ng Gobyerno • Samakatwid, ang preserbasyon at pagtuturo ng Panitikan/Literatura sa lahat ng antas ng edukasyon ay tungkulin ng Estado, alinsunod na rin sa mga mandato ng Konstitusyon na nauna nang tinalakay.
  • 29. Probisyong Pang-edukasyon • ARTIKULO XIV, SEKSYON 3. (1) Dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-aaral ng Konstitusyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon. • Bukod sa Filipino ay binura rin ng CMO No. 20 angasignaturang Philippine Government & Constitution sa bagong kurikulum ng kolehiyo, kumpara sa tatlong yunit sa lumang kurikulum alinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997 • Samakatuwid, malinaw na labag sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon ang CMO No. 20.
  • 30. Probisyong Pang-edukasyon ARTIKULO II, SEKSYON 17. Dapat mag-ukol ng prayoriti ang Estado sa edukasyon, syensya at teknolohiya, mga sining, kultura at isports upang mapabulas ang pagkamakabayan at nasyonalismo, mapabilis ang kaunlarang panlipunan, at maitaguyod ang ganap na paglaya at pag-unlad ng tao
  • 31. Probisyong Pang-edukasyon ARTIKULO XIV, SEKSYON 2 (1). Ang Estado ay dapat magtatag, magpanatili, at magtustos ng isang kumpleto, sapat at pinag-isang sistema ng edukasyong naaangkop sa mga pangangailangan ng sambayanan at lipunan. ARTIKULO XIV, SEKSYON 3 (2) Dapat nilang ikintal ang pagkamakabayan at nasyonalismo.
  • 32. Makabayang Edukasyon sa Kurikulum • Malinaw na ang mga asignaturang binura ng CMO No. 20 sabagong kurikulum ng kolehiyo — Filipino, Panitikan/Literatura, at Philippine Government & Constitution — ay mga asignaturangmahalaga sa pagtataguyod ng nasyonalismo at pambansangkaunlaran, at edukasyong nakabatay sa pangangailangan ng mgamamamayan.
  • 33. Probisyong Pampaggawa ARTIKULO II, SEKSYON 18. Naninindigan ang Estado na ang paggawaay isang pangunahing pwersang pangkabuhayan nglipunan. Dapat nitong pangalagaan ang mga karapatan ngmga manggagawa at itaguyod ang kanilang kagalingan.
  • 34. Probisyong Pampaggawa ARTIKULO XIII, SEKSYON 3. Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang employment at pantay na mga pagkakataon sa employment para sa lahat…Dapat na may karapatan sila sa katatagan sa trabaho, sa makataong mga kalagayan sa trabaho, at sa sahod na sapat ikabuhay. Dapat din silang lumahok sa mga proseso ng pagbabalangkas ng patakaran at desisyon na may kinalaman sa kanilang mga karapatan at benepisyo ayon sa maaaring itadhana ng batas.
  • 35. • Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang plano at nakalatag nang mga mekanismo ang gobyerno upang bigyan ng sapat na proteksyon ang mga mawawalan ng trabaho. Katunayan, dinidinig pa lang ng House Committee on Higher and Technical Education ang House Bill 5493, “Establishing the Tertiary Education Transition Fund to develop and sustain tertiary education institutions during the transition period of the Enhanced Basic Education Act of 2013, and appropriating funds therefor” kaugnay sa pagbibigay ng financial assistance sa mga mawawalan ng trabaho sa kolehiyo. • Hindi kinonsulta ng CHED ang nakararaming mgaDepartamento ng Filipino sa pagbuo ng CMO No. 20 at bagoipatupad ito. Hindi rin ito nagbuo ng komprehensibong plano para samga propesor na mawawalan ng trabaho. Kawalan ng Proteksyon sa Mga Manggagawa sa Ilalim ng CMO No. 20 at K to 12
  • 36. Paglabag sa RA 7104 • Nilalabag din ng CMO No. 20 ang mga probisyon ng Batas Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act.” • Ayon sa nasabing batas, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) o Commission on the Filipino Language ang ahensyang may kapangyarihan sa pagbubuo ng patakaran, plano, at programang pangwika ng bansa: “Sec. 14. Powers, Functions and Duties of the Commission. The Commission, pursuant to the pertinent provisions of the Constitution, shall have the following powers, functions and duties: (a) formulate policies, plans and programs to ensure the further development, enrichment, propagation and preservation of Filipino and other Philippine language.”
  • 37. Paglabag sa Education Act of 1982 • Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Education Act of 1982 o Batas Pambansa Bilang 232: Part II. Section 3. Promote the social and economic status of all school personnel, uphold their rights, define their obligations, and improve their living and working conditions and career prospects. Part III. CHAPTER 1. Sec. 23. Objective of Tertiary Education. The objectives of tertiary education are: 1.To provide a general education program that will promote national identity, cultural consciousness, moral integrity and spiritual vigor; 2. To train the nation's manpower in the skills required for national development; 3.To develop the professions that will provide leadership for the nation.
  • 38. Paglabag sa RA 7356 • Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Seksyon 5, 6, at 7 ng Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission forCulture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and For Other Purposes”
  • 39. Paglabag sa RA 7356 • SECTION 5. Culture by the People. The Filipino national culture shall be evolved and developed by the people themselves in a climate of freedom and responsibility. National cultural policies and programs shall be formulated which shall be b) democratic, encouraging and supporting the participation of the vast masses of our people in its programs and projects d) liberative, having concern for the decolonization and emancipation of the Filipino psyche in order to ensure the full flowering of Filipino culture. • SECTION 6. Culture for the People. The creation of artistic and cultural products shall be promoted and disseminated to the greatest number of our people. • The level of consciousness of our people about our own cultural values in order to strengthen our culture and to instill nationhood an cultural unity, shall be raised formally through the educational system and informally through extra-scholastic means, including the use of traditional as well as modern media of communication. • SECTION 7. Preservation of the Filipino Heritage. It is the duty of every citizen to preserve and conserve the Filipino historical and cultural heritage and resources. The retrieval and conservation of artifacts of Filipino culture and history shall be vigorously pursued.
  • 41. Central Mindanao University – Agosto 27, 2014
  • 42. Central Mindanao University – Agosto 27, 2014
  • 43. National Teachers’ College – Agosto 28, 2014
  • 44. National Teachers’ College – Agosto 28, 2014
  • 45. Trinity University of Asia – Aug. 29, 2014
  • 46. Pamantasang Lungsod ng Marikina – Aug. 29, 2014
  • 47. National Teachers’ College – Aug. 1, 2014
  • 48. National Teachers’ College – Aug. 1, 2014
  • 49. National Teachers’ College – Aug. 1, 2014
  • 50. Mindanao State University – Iligan Institute of Technology – Aug.1, 2014
  • 51. Far Eastern University – Aug. 2, 2014
  • 52. CHED Office – July 31, 2014
  • 53. CHED Office – July 31, 2014
  • 54. CHED – July 11, 2014
  • 55. CHED – July 11, 2014
  • 56. Congress – July 30, 2014
  • 57. Central Luzon State University – July 31, 2014
  • 58. Mendiola – July 25, 2014
  • 59. San Beda College-Manila – July 22, 2014
  • 60. CHED – July 11, 2014
  • 61. Philippine Normal University – July 9, 2014
  • 62. Philippine Normal University – July 9, 2014
  • 63. CHED – July 4, 2014
  • 64. Polytechnic University of the Philippines – June 26, 2014
  • 65. De La Salle University - June 21, 2014
  • 66. De La Salle University - June 21, 2014
  • 67. • University of Baguio – Aug. 23, 2014 • University of the East, Caloocan – Aug. 28, 2014 • University of Santo Tomas – Aug. 6, 2014 • Lyceum of the Philippines – July 18, 2014 • Xavier University – Aug. 1, 2014 • University of the East, Manila – Aug. 19, 2014 • Central Luzon State University – Aug. 11, 2014 • Isabela State University – Set. 2014 • Bulacan State University – Set. 2014 • University of the East, Manila – Enero 2015
  • 69. Wika at Pambansang Kaunlaran • “Madalas Itanong sa Wikang Pambansa” nina Virgilio Almario at Marne Kilates • “The Filipino National Language: Discourse on Power” ni Teresita Gimenez Maceda • “The Miseducation of the Filipino” ni Renato Constantino • “Sneaking into the Philippines, Along the Rivers of Babylon: An Intervention into the Language Question” ni Epifanio San Juan • “Writing the Nation/Pag-akda ng Bansa” ni Bienvenido Lumbera • “Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal Education in the Philippines” nina Bienvenido Lumbera et al. (eds.)
  • 70. Wika at Pambansang Kaunlaran • “The Dialectics of National Liberation” ni N. Brown Independensya at Nasyonalismo (Neo)kolonyalismo
  • 71. Wika at Pambansang Kaunlaran Wika Panitikan Kultura
  • 72. Wika at Pambansang Kaunlaran • Malawi: gumagaya sa Pilipinas sa pag-Iingles • Ang Malawi ay labor exporter (na) rin • Tinututulan ng maraming taga-Malawi ang bagong patakarang pangwikang maka-Ingles
  • 73. Wika at Pambansang Kaunlaran • Ayon kay Beaton Galafa, lider-estudyante sa University of Malawi: “We don’t see any advantage of the policy because speaking fluent English doesn’t translate into one being educated. Education’s primary preoccupation to us is to help learners master actual concepts…”
  • 74. Wika at Pambansang Kaunlaran • Galafa: “no country has developed while using a foreign language as a main means of classroom instruction…Almost all developed countries like France uses French; Portugal uses Portuguese; Spain uses Spanish; Germany uses German…Now look at us and see who is poor. It’s a sort of mental slavery, mental colonialism.”
  • 75. Wika at Pambansang Kaunlaran • Bahasa: Brunei, Indonesia, Malaysia • Mandarin: People’s Republic of China • Nihonggo: Japan • Hangungmal: South Korea • Siamese: Thailand • Mongol khel: Mongolia
  • 76. Wika at Pambansang Kaunlaran
  • 77. Wika at Pambansang Kaunlaran • Samora Moisés Machel: “The struggle continues! The struggle continues! The struggle continues! Against what? Against what must the struggle continue? Against tribalism! Against ignorance! Against illiteracy! Against exploitation! Against superstition! Against misery! Against famine! Against lack of clothing! A luta continua so that someday we will all be equal! Colonialism is a crime against humanity. There is no humane colonialism. There is no democratic colonialism. There is no non-exploitative colonialism.”