1. FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan
Modyul 3:
MAHAHALAGANG TAUHAN NG
NOBELANG NOLI ME TANGERE
3. JUAN CRISOSTOMO IBARRA y MAGSALIN
-nag-iisang anak ni Don Rafael Ibarra
-Matalino at maginoong Binatang natutong
umibig kanyang kababatang si Maria Clara.
-Sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na
maituturing na may maunlad at
makabagong kaisipan.
4. MARIA CLARA DELOS SANTOS
- Maganda, relihiyosa, masunurin, matapat,
mapagpakasakit ngunit may matatag na
kalooban.
- Kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang
lumaki sa kumbento
- Kasintahan ni Crisostomo Ibarra na may
lihim na pagkatao
5. SISA
-Mapagmahal na ina ngunit nagkaroon ng
asawang pabaya at malupit hindi lamang sa
kanya maging sa kanyang dalawang anak.
-Naging martir sa asawa
-Sumisimbolo sa mga inang kayang magtiis
para sa kapakanan ng kanyang mga anak.
6. DON RAFAEL IBARRA
-Isa sa pinakamayaman sa San Diego na ama
ni Crisostomo Ibarra
-Kinainggitan ng labis ni Padre Damaso
-Kinakatawan niya ang taong naghahangad
ng katarungan para sa kapwa.
-Namatay sa loob ng bilangguan
7. DON SANTIAGO DE LOS SANTOS
-Kilala sa tawag na Kapitan Tiyago
-Isang mangangalakal na taga Binondo
-Asawa ni Pia Alba
-Nakagisnang ama ni Maria Clara ngunit isa
ting taong mapagpanggap at laging
masunurin sa nakatataas sa kanya.
-Sakim at walang pinapanginoon kundi salapi
8. PIA ALBA
- ina ni Maria Clara na namatay pagkatapos na siya
ay isilang.
TIYA ISABEL
-Pinsan ni Kapitan Tiyago na tumulong upang
mapalaki si Maria Clara
9. PADRE VARDOLAGAS DAMASO
- Kurang Pransiskano na naglingkod nang matagal bilang pari
sa San Diego.
- Halimbawa ng isang taong madaling mauto at marupok ang
kalooban
- Itinuturing na kaibigan ni Don Rafael Ibarra subalit nang
namatay ay kanyang ipinalipat sa libingan ng mga Intsik
PADRE BERNARDO SALVI
-ang paring pumalit kay Padre Damaso bilang kura ng San Diego.
- Nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
10. DON ANASTACIO
- Kung tawagin ay Pilosopo Tasyo sapagkat
marami siyang alam subalit baliw ang
tingin ng karamihan sa kanya dahil sa di-
karaniwan niyang paniniwala.
11. BASILIO AT CRISPIN
-Mga anak ni Sisa
-Kapwa sacristan at tagatugtog ng kampana
sa simbahan ng San Diego.
-Si Basilio ang mas matanda
-Si Crispin ay napagbintangang nagnakaw ng
dalawang onsa sa simbahan
-Sinasagisag nila ang mga walang malay at
inosente sa lipunan
12. ALPERES
-Puno ng mga guwardiya sibil na matalik na
kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.
DONA VICTORINA DE ESPADANA
-Babaeng itinatakwil ang pagiging Pilipina
-nagpapanggap siyang isang mestisang
Espanyol kaya naman napakakapal ng
kolorete sa mukha
13. DON TIBURCIO DE ESPADANA
- Sa kanyang paghahanap ng magandang kapalaran sa
Pilipinas, kanyang natagpuan si Dona Victorina
hanggang sa mapangasawa
- Maituturing na sagisag ng taong walang paninindigan
at prinsipyo
DONA CONSOLACION
- Dati siyang labandera na may malaswang bibig at pag-
uugali.
- Napangasawa niya ang alperes
14. ALFONSO LINARES
- Malayong pamangkin ni Don Tiburcio
- Ang napili ni Padre Damaso na ipakasal kay Maria
- Clara na sinang-ayunan naman ni Dona Victorina
SALOME
- Kababata at lihim na umiibig kay Elias
PEDRO
- Sugarol at malupit na asawa ni Sisa, ang kanyang
kalupitan ay ginagawa rin sa kanilang mga anak.
15. TENYENTE GUEVARRA
-Matapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra
-Tenyente ng guardia civil na nagkuwento kay
Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang
ama.
NOL JUAN
-Namamahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng
paaralan ni Crisostomo Ibarra
16. LUCAS
- Taong madilaw na gumagawa ng kalong magbababa
sa batong buhay upang mapatay si Ibarra
BRUNO AT TARSILO ALASIGAN
- Magkapatid na ang ama ay namatay sa pamamalo ng
mga guwardiya sibil
KAPITAN PABLO
- Pinuno ng mga tulisan na napamahal nang labis kay
Elias
- Itinuturing na ama ni Elias
17. ELIAS
-Isang piloto/bangkero at magsasakang
tumulong kay Crisostomo Ibarra
-Isang tunay na maginoo, hindi
mapaghiganti, ang iniisip ay ang kapakanan
ng nakararami at may pambihirang tibay ng
loob
-Nagligtas kay Ibarra sa tiyak na kamatayan
mula sa mapanganib na buwaya
18. PANG-URI
- Bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripsiyon o turing sa
ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, kilos, oras, at iba pa.
- Ginagamit ito upang mas bigyang linaw ang isang
pangngalan.
ANYO NG PANG-URI:
Payak – binubuo ng mga salitang ugat lamang
hal. Hinog, sabog, ganda
Maylapi – mga salitang ugat na kinakabitan ng mga
panlaping ka-, ma-, ma-in, ma-hin, -hin, mala-, kasing-,
kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-
19. Inuulit - binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit
ng buong salita o bahagi ng salita.
Halimbawa: pulang-pula, putting-puti, araw-
araw gabi-gabi
Tambalan – binubuo ng dalawang salitang
pinagtatambal.
Halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, balat-
sibuyas, kapit-tuko, bahag-
buntot.
20. SANAYIN NATIN:
Pumili ng tatlong tauhan sa Noli Me Tangere
na itinuturing mong pinakamahalagang
tauhan na nakapukaw sa iyong pagka Pilipino.
Sa pamamagitan ng pyramid, ihanay sila ayon
sa kanilang kahalagahan at ipaliwanag. ( 5
puntos bawat numero)
22. PAGTATAYA:
Ibigay ang katangian ng bawat tauhan na
nasa ibaba at suriin ang kanilang mga
kalakasan at kahinaan. Gamitin ang tsart
sa ibaba. Gawing gabay ang ibinigay na
halimbawa na nasa unang bilang. ( 5)
limang puntos bawat numero.
23. PANGALAN NG TAUHAN KALAKASAN KAHINAAN
Halimbawa
1. SISA
Mapagmahal na ina
Siya’y nagpapaka martir sa
kanyang asawa kahit siya’y
pinagmamalupitan nito
2. MARIA CLARA
3. JUAN CRISOSTOMO
IBARRA y MAGSALIN
4. DON RAFAEL
5. PADRE DAMASO
24. GAWAIN
Punan ang mga patlang sa monologo ni Sisa. Piliin ang mga
sagot sa kahon.
MONOLOGO NI SISA
Ako si Sisa, isang 1. _________________
maybahay. Palagi akong minamaltrato ng aking asawa
ngunit wala akong magawa dahil mahal ko siya. Hindi
ko siya kayang iwanan at 2. _____________ din ako sa
kanya. Pero nandiyan naman ang mga anak ko, sina
3.___________ at 4. ________. Mababait sila at
mapagmahal. Bilang isang ina, maipagmamalaki ko sila!
Pedro simpleng natatakot Crispin Basilio Ibarra sakim
25. Pagkatapos kong maihain ang
hapunan, dumating ang aking asawang si
5. _____________. Kinain niya ang mga
ipinagluto ko at wala na naman akong
magawa para pigilan siya. Kaawa-awa
naman ang mga anghel ko. Anong
gagawin ko? Walang madadatnang
pagkain ang aking mga anak.