1. “Pagkilala kay Angelo”
Si Daniel Angelo Jabagat Luarca, taong isang libo’t
siyam na raan siyamnapu’t anim, ika siyam ng Agosto nang
siya ay ipinanganak sa lungsod ng Tacurong. Siya ay ang
nag-iisang anak anak nina Ginoong Ronesto Febrero Luarca
na ang kanyang hanap-buhay ay ang paggiging empleyado sa
La Frutera Incorporated na matatagpuan sa Paglas, Buluan
habang ang hanap-buhay ng kanyang ina na si Ginang
Nenelita Jabagat Luarca ay ang pagging guro ng paaralang
Pedregosa-Acosta Elementary School o PAES na matatagpuan
sa Purok Liwayway sa lungsod ng Tacurong. Si Daniel ay
nag-aaral sa Tacurong Pilot Elemtary School o TPES na
matatgpuan sa lungsod ng Tacurong nang siya ay
Elementarya pa lamang, na nag karoon siya na iba’t ibang
mga kaibigan, kalaro, at kakilala. Mahiyain siya sa mga
kanyang guro, magsalita sa harap ng tao, at sumali sa mga
patimpalak, pumupunta rin sila ng mga kaibigan niya sa mga
iba’t ibang lugar na kanilang naisin upang mag-laro o
mamasyal at dito rin siya madalas magka sakit sa
elementarya. Sa kasalukuyan, siya ay nag-aaral sa Kolehiyo
ng Notre Dame ng Tacurong bilang isang Sekondaryang
Studyante. Nag karoon rin siya ng mga panibagong mga
kaibigan at mas lalo pang lumawak ang kanyang kaisipan at
kaalaman. Madami-dami na rin ang kanilang napuntahang
mga lugar bilang mag pamilya.
2. Karamihan sa mga kaibigan niya na nag mula sa
kanilang paaralan ay nakatira sa mga malalayong lugar
tulad ng President Quirino, Lambayong, Koronadal City at
iba pa. Kung minsan namamasyal rin sila sa iba’t ibang lugar
isa na rito ay sa gubat na mararanasan mo dito ang
adventure ikanga. Aakyat sa mga puno, tatawid sa mga sapa,
ilog at maliligo kung nabasa, tumatawid sa mga matataas na
tulay na kung iyong titigan sa ilalim ay iyong
mararamdaman ang nakakatindig balahibo hanggang
makapunta sila sa kanilang pupuntahan at pagdating na
pagdating nila doon, sila ay namimitas ng mga prutas tulad
ng saging, santol, rambutan, bayabas, at lukban, mga gulay,
at kung ano mang mga makita nila doon. Pagkatapos nilang
mamitas/kumuha ng mga prutas, gulay, at iba pang kanilang
napitas, kanila itong lulutuin ang mga ito maliban sa mga
prutas na hindi pwedeng lutuin at kung hindi naman nila
itong maubos ito ay kanilang ibebenta upang meron silang
pang merienda sa mga daraang araw. Pagdating ng pasko
naman ay gumagawa sila ng kanilang sariling paskong
pagtitipon na kung saan ay namamasko sila tuwing gabi ng
disyemre upang sila ay makapaghanda. Maganda naman rin
ang kanilang paghahanda sa kanilang paskong pagtitipon
dahil sila ay nagbibigayan ng komentaryo o mga saloobin sa
isa’t isa, nagbibigaya ng regalo bilang magkakaibigan at
bilang magkaramay sa mga saloobin o hinanakit sa isang tao.
Nagkataon rin na sila ay nagka-away at ang kanilang grupo
bilang magkaibigan ay nagkawatak, di nagtagal sila rin ay
nagka-ayos.
3. May mga mithiin rin naman si Daniel isa sa mga
mithiin niya ay ang maging isang inhinyerong geodetic at
bago niya itong makamit, gusto niya na makapagtapos sa
pag-aaral bilang sekondarya at makapag-aral sa pribadong
paaralan ng kolehiyo at mag-aral ng mabuti nang
makapagtapos sa kolehiyo at maging asensadong inhinyero at
makapag-aral ulit sa kolehiyo na ang kukunin niyang kurso
ay pagnenegosyo kung maari, upang habang wala pang
kumukuha sa kanya bilang inhinyerong geodetic siya ay
magiging asensadong negosyante upang meron din siyang
maitutulong at maiiwang negosyo sa kanyang mga magulang
at makapagtayo ng magagarang bahay sa iba’t ibang lugar
upang meron din siyang matutuluyan kung sa malayo siya
pumunta. Kabilang sa kanyang mga mithiin ay ang maging
mabuti, maunawain, masunurin, at mapagmahal sa kanyang
mga magulang gayun din sa kanyang mga kaibigan at mga
taong makikilala pa lamang nang siya ay makapamuhay ng
maayos, mapalayo sa mga kaaway nang siya ay makaikot sa
buong mundo ng ligtas at magkaroon ng masunurin,mabubuti
at mapagmahal na mga anak at asawa.