1. Sinasabing masarap ang bawal. Kung alin ang bawal ang siyang nagugustuhan nating Gawin. ‘At iniutos ng
Panginoong Diyos sa lalaki, na sinabi. Sa lahat ng punungkahoy, halamanan ay makakakain ka na may
kalayaan: Datapwa’t sa kahoy na pagkakilala nang mabuti at masama ay huwag kang kakain, sapagkat sa
araw na ikaw ay kumain niyan ay walang pagsalang mamamatay ka.’
Genesis 3: 16-17
PAGSUSURI SA KWENTONG
SA BAGONG PARAISO
ni
EFREN REYES ABUEG
May-akda
Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at
krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kaunaunahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng
Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993);
MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G.
Abadilla (1973).
Humakot ng parangal si Abueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for
Literature (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN, unang gantimpala
(1957); Pang-alaalang Gawad Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free Press (1969); Gawad
Pambansang Alagad ni Balagtas (1992) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas
(UMPIL); Timpalak Liwayway sa Nobela (1964, 1965, at 1967).
Sumulat at nag-edit ng maraming mga sangguniang aklat si Abueg at ginagamit
hanggang sa kasaluyukan sa kapwa pribado at publikong paaralan, mula sa elementarya,
sekundarya hanggang sa kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa
mga teksbuk na sinulat ng ibang awtor.
Samantala, aktibo rin siyang nakilahok sa mga kilusan hinggil sa pagtuturo ng wika at
panitikan sa Manuel L. Quezon University(1965–1972), Philippine College of Commerce(1971–
1972), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (1974–1977), Ateneo de Manila University (1977–
1978), at De La Salle University (1979–2006). Naging pangulo siya ng Kapisanan ng mga
Propesor sa Pilipino (KAPPIL) noong 1986–1988; Linangan ng Literatura ng Pilipinas; at
nahalal na direktor ng Philippine Folklore Society.
2. Pagsusuri
Ang ating susuriin ay ang kwentong “SA BAGONG PARAISO” na isinulat ni Efren
Reyes Abueg sa teoryang siko-analitiko.
Ang akdang ito ay nagpapatungkol sa magkababata na sina Ariel at Cleofe. Noong bata
pa sila ay malaya silang gawin ang lahat ng gusto nila samantala ng sila'y lumaki ay hindi na sila
malaya gawin ang gusto nila at madalas na silang pinagbabawalan. Ang maikling kuwentong ito
ay tungkol sa isang babae at lalaki na magkaibigan simula pagkabata. Ang tinuturing nilang
paraiso ay ang malawak na damuhan at ang dalampasigan. Nang sila'y tumanda ay higpit na
pinagbibilin ng kanilang mga magulang na huwag muna silang magkikita kung gustong
makatapos ng kolehiyo. Ngunit sinuway nila ito. Pumunta sila sa isang lugar na tinuturing nilang
"bagong paraiso" kung saan walang hahadlang sa kanila. Nagtago ang dalawa dahil hindi sila
pinapayagang magkita. Sa huli ay nalaman ng babae na siya'y nagdadalantao.
Ang kanilang naging paraiso sa kanilang pagkabata ay isang malawak na loobang
kinatitirikan ng dalawang tabla't yero na sa di kalayua'y matatagpuan ang dalampasigan, at ang
mga punong naging bahagi ng kanilang pagkabata, at itinuturing nilang PARAISO.
Ang mga pagbabago na nangyayari sa kanila ay nagdulot sa kanila ng kalituhan.. Ang
dating matinis na boses ni Ariel ay naging malagon, naging malaki na rin ang kaniyang mga
bisig, at isang araw, sa likod ng kanilang klasrum, ay natuklasan niya ang isang posibilidad na
maari ring mangyari sa kaniya. Nalaman niyang ang bawat batang lalaki na katulad niya ay
dumadaan sa isang prosesong tinatawag na "PAGPAPATULI". Si naman ay Cleofe, ay
nagkakaroon ng hubog ang kaniyang katawan, nagiging emosyonal, at minsan ay natutop siya ng
kaniyang ina na naglalaba ng isang pirasong damit sa kanilang silong, ito ay ang pinaglabhan
niya dulot ng kaniyang buwanang-dalaw. Ito ay mga pagbabago na nangyari sa mga
pangunahing tauhan ng kuwento. Naibulalas rin ng mga nakatatanda na labis na nagdulot ng
pagkalito sa kanila na balang araw ay baka sila ang magkatuluyan. Ito ay nagdulot ng kalituhan
sa kanila, lalo na't noon ay hindi nila mawari ang mga pagbabago sa kanilang katawan at hindi
nila malaman ang dahilan kung bakit sila pinagbabawalan na magkita ng kanilang mga
magulang.
Ang pinakamalaking pagsubok na kanilang nakaharap sa kanilang pagkabata ay ang hindi
nila pagkaunawa sa mga pagbabago sa kanila at ang pagbabawal sa kanilang pagkikita. Minsan
pa nga'y binansagan silang "KAPIT-TUKO!" ng kanilang mga kababata dahil sqa kanilang
pagiging malapit sa isa’t-isa. Isa rin sa mga pagsubok na kanilang nkaharap ay ang hindi
lubusang pagpapaliwanag sa kanila kung bakit hindi sila maaring magkita sa dalampasigan o
kaya'y sa lilim ng puno. Maraming kalituhan ang nanaig sa mga isipan ng dalawa.
Masasabi ko na may pagkakamali ang mga magulang ng dalawa sa kwento ito ay ang
pagtutol sa kanilang magkita gayong hindi nila lubusang naipapaliwanag kung bakit ganoon na
lamgng ang kanilang pagtutol. Ngunit ang dalawa ay maraming mga kamalian na nagawa at
3. akala nila ay nagtagumpay sila sa pagkagupo ng dingding na ipinagitan sa kanila sa
pamamagitan ng pagsuway sa mga utos ng kanilang mga magulang ngunit iyon pala ay naging
daan lamang sa mas maraming pagsubok na nag-aabang sa kanila.
Ano ang pader na nakapagitan sa kanila? Ang pader na tinutukoy ang kanilang mga
magulang mismo. Naging pader man ang kanilang mga magulang sa kanilang dalawa ay tama
ang mga magulang na sila'y pigilan sa kanilang pagtatagpo. Alam nila ang mas makabubuti sa
kanila at wala namang hinangad na hindi maganda ang mga magulang para sa kanilang dalawa.
Pansinin ang mga kataga sa huling bahagi ng kwento, “Akala nila'y naging malaya na
sila sa sa sandaling iyon, ngunit kabaligtaran iyon ng dapat nilang asahan... Ang babae ay
nagdamdam, nais niyang iluwa ang bagay na nasa sa kaniyang tiyan na itinutulak patungo sa
kaniyang lalamunan, sya ay tumingala ,at pagkaraa'y sumuka siya, at ang bagay na iyon ay
inanid ng agos na likha ng ulan,” nais lamang ipahiwatig ng mga katagang ito na si Cleofe ay
nagdalang-tao sa kwento na nagging bunga ng hindi nila apgsunod sa kanilang mga magulang.
Napapanahon ang aral ng kuwentong ito lalo na't marami sa kabataan ngayon ang
naliligaw ng landas. Hindi nila sinusunod ang utos ng kanilang mga magulang kung kaya't sa
huli'y sinisisi nila ang kanilang mga sarili. Ang aral na ito ay talagang tumatak sa aking isipan sa
pagbabasa ng akdang ito ni Abueg. Nais ni Abueg na imulat ang mga kabataan sa modernong
panahon na dapat tayong maging maingat at sundin ang mga magulang at manatili sa lilim ng
kanilang mga payo.
SINURI NI:
RODEL P. MORENO JR.
BSED III-A