2. Ang komposisyon ay isang uri ng
sulatin na mainam na isinasaayos.
Sa mga paaralan, maaari itong
tumutukoy sa isang maikling
sanaysay.
3. Sa pagsulat ng komposisyon,
kailangang maging maingat sa
pagbuo ng ideya at sa pagsusunod-
sunod ng mga detalye nito.
4. Bawat komposisyon ay may simula,
gitna, at wakas. Ang mga simpleng
komposisyon ay maaaring maglaan
ng isang talata para sa bawat bahagi.
5. Ang Aking Pamilya
Lahat tayo ay may pamilya. Sila ang ating
kasama sa buhay at nagmamahal sa atin.
Ako bilang isang bata mahalaga sa akin
ang aking pamilya. Ako ay nagpapasalamat sa
aking mga magulang na araw-araw akong
inaalagaan at sa aking mga kapatid na
tumutulong sa akin sa lahat ng gawain.
6. Kaya naman bilang sukli sa kanilang mga
ginagawang kabutihan ako ay makikinig sa
kanilang mga payo at ako ay magiging mabuting
bata.