2. Noong unang panahon, sama- samang
namumuhay ang ninuno ng mga Pilipino sa
pamayanan. Ang bawat pamayanan ay may pinuno
na tinatawag na rajah, datu, o lakan. Nagpatupad
ang pinuno ng mga tuntunin para sa ikabubuti ng
pamayanan.
4. Ang Pamahalaan
Ang pagkakaroon ng pamahalaan ay mahalaga
para sa isang bansa upang maituring ito na estado.
Para sa lubos na pag-unawa sa konsepto . Mahalaga
na matukoy ang ibig sabihin, mga gawain, at mga
ahensiyang bumubuo dito.
5. Kahuluhan ng Pamahalaan
Ang pamahalaan ay tumutukoy sa pangkat
ng mga tao na namumuno sa isang estado. Isa ito
sa apat na elemento ng estado na nangangalaga
sa kapakanan ng mamamayang nasasakupan
nito.
6. Ang tao o mamamayan ay tumutukoy
sa isang tao o grupo ng tao na bumubuo sa isang
pamayanan. Ang tao ay may karaniwang katangian,
gaya ng nasyonalidad, kulay ng balat, o karaniwan
na mga kultura.
8. • Kung walang pamahalaan, magkakaniya- kaniya ang mga
tao. Magkakagulo ang lahat.
• Mamamayani ang takot at kawalan ng kapanatagan.
• Hindi uunlad ang estado.
• Mawawalan ng pagpapahalaga sa kattotohanan, kalayaan,
katarungan, pagkakapantay- pantay, at pananaig ng batas.
9. Mahalagang magkaroon ng isang pinuno na
mangunguna saa pagpanatili ng kaayusan sa isang lugar.
Dahil dito, mahalaga ang pamahalaan. Hindi lamang
bumubuo at nagpapatupad ng mga tuntunin sa isang estado
ang pamahalaan. Pinangangalaan din ito ang estado mula sa
panghihimasok ng mga dayuhan.
11. • Ang Pilipinas ay isang estadong republikano at demokratiko.
• Ang bansang republikano ay pinamumunuan ng mga taong
ibinoto o pinili ng mamamayan sa pamamagitan ng
eleksiyon.
• Ang demokrasya ay isang Sistema ng pamahalaan na ang
kapangyarihang mamahala ay nasa kamay ng
mamamayan.
12. • Tuwirang demokrasya ang mamamayan ay bumuboto
para sumang- ayon o tumutol sa isang panukalang- batas.
Ito ay sa pamamagitan ng plebisito.
• Plebisito- isa itong uri ng botohan kung saan ang
taumbayan ang nagpapasiya hinggil sa isang particular na
panukalang- batas, kung ito ba ay makabubuti o hindi sa
kapakanan ng bawat isa.
13. • Di- tuwirang demokrasya may mga kinatawan sa
pamamahala ang mamamayan. Pinipili nila ang mga ito sa
pamamagitan ng halalan. Ang mga kinatawan ang
gumagawa ng mga panukalang tuntunin o battas na
ipatutupad sa bansa.
14. • Saligang batas o ang kalipunan ng mga batas sa
pamamahala ng Pilipinas.
• Ito ang pangunahin at kataas- taasang batas o batayang
prinsipyo na nagsisilbing gabay sa pamamahala ng isang
bansa o estado.
16. • Ang pamahalaan ng Pilipinas ay ang pamahalaang
pambansa.
• Ang pangulo o presidente ng Pilipinas ang pinuno ng
estado.
• Siya ang pinakamataas na pinuno na kumakatawan sa
soberaniya ng estado.
17. Tatlong sangay ng pamahalaan:
• Ehekutibo- ay pinamumunuan ng pangulo ng Pilipinas. Ang
sangay na ito ay ang nagpapatupad ng batas. Sinisiguro rin
nito ang pagsunod sa batas ng mamamayan.
18. Lehislatibo- ay binubuo ng Kongreso na may dalawang
kapulungan. Ang mga mambabatas mula sa mataas na * *
kapulungan o Senado at ang mababang kapulungan o
Kapulungan ng mga Kinatawan.
- Ang sangay na ito ang gumagawa o bumubuo ng mga batas.
19. Tagapaghukom o hudikatura- binubuo ng Kataas- taasang Hukuman
o Korte Suprema at ng mga mas mababang hukuman. Pinamumunuan
ang sangay tagapaghukom ng punong mahistrado.
- Ito ang nagpapasiya sa mga usapin, kontrobersiya, o sigalot tungkol
sa batas.
- Ang hudikatura rin ang nagpapataw ng kaukulang parusa sa mga
kaso ng paglabag sa batas.
21. Ang pamahalaang lokal o local government unit (LGU)
ay binubuo ng mga administratibong dibisyon. Ang mga ito ay
ang pamahalaang panlalawigan at ang pamahalaang
pambayan- kung saan naman nakapaloob ang pamamahala
sa mga lungsod o bayan, at sa mga barangay.
22. Ayon sa Batas Republika blg. 7160 o ang Kodigo ng
Pamahalaang Lokal (Lokal Government Code) ng 1991, ang
pamamahala sa mga lalawigan, lungsod, o bayan, at
barangay ay nasa kamay ng pamahalaang lokal.
23. Ang gobernador- ang nangangasiwa sa bawat pamahalaang
panlalawigan.
- Siya ang tagapagpaganap ng batas sa lalawigan.
- Binubuo ito ng lupon ng mga bokal (board member) at ng
bise- gobernador.
- Ang mga bise- gobernador ang namumuno sa Sangguniang
Panlalawigan.
24. Ang alkalde- naman ang siyang pinuno ng lungsod o bayan.
- Ito ay binubuo ng bise- alkalde at ng mga konsehal ng
bawat distrito.
- Ang bise- alkalde ang namumuno sa Sangguniang
Panlungsod o Sangguniang Bayan.
25. Ang punong barangay- ang siyang pinuno ng barangay.
- Ang Sangguniang Barangay ay binubuo ng pitong kagawad at ng
pinuno ng Sangguniang Kabataan (SK).
- Ang punong barangay ang namumuno sa Sangguniang Barangay.
- Ang namamagitan sa mga sigalot sa barangay ay ang Lupong
Tagapamayapa. Ito ay Sistema ng hustisya sa barangay.
26. Ang mga kandidato sa pagiging opisyal ng pamahalaang lokal ay
nararapat na:
1. mamamayan ng Pilipinas;
2. rehistradong botante ng barangay, lungsod o bayan, o lalawigan;
3. residente doon nang hindi bababa sa isang tao; at
4. marunong sumulat at bumasa ng Filipino o ng kahit na anong wika
o diyalekto ng lugar kung saan nais niyang tumakbo bilang opisyal.
27. • Ang kandidato sa posisyon sa pamahalaang lokal ng
lalawigan ay dapat na hindi bababa sa 23 taong gulang.
• ang para sa alkalde ay nararapat na hindi bababa sa 21
taong gulang.
• Ang punong barangay naman ay dapat na may 18 taong
gulang pataas.
28. •Magsisilbi ang mga namumuno sa pamahalaang lokal
sa loob ng tatlong taon. Maaari silang magsilbi nang
hindi lalagpas sa tatlong magkakasunod na termino
ayon sa itinatakda ng batas.