2. Ang pangunahing
layunin sa pagsisimula ng
Ikatlong Republika ng
Pilipinas ay ang maibangon
at maisaayos ang bansa
mula sa mga pinsalang
dulot ng nagdaang
digmaan.
4. Si Manuel Roxas ang nakaupong
pangulo nang kilalanin ng Estados Unidos
ang kalayaan ng Pilipinas. Siya ang huling
pangulo ng pamahalaang Komonwelt
(Mayo 28, 1946-Hulyo 4, 1946) at ang
unang pangulo ng Ikatlong Republika ng
Pilipinas ( Hulyo 4, 1946-Abril 15, 1948)
5. Sinikap ni Roxas na makamit ang
mga layunin ng kaniyang
administrasyon. Una, ang mapataas
ang produksiyon at maibangon ang
bansa mula sa pagkasira nito sa
nakaraang digmaan.
6. Ikalawa, ang patuloy na
pagsuporta at pakikiisa sa adhikain ng
Amerika para sa isang mapayapang
daigdig.
7. Pagbangon Mula sa Digmaan
• Isinaayos ni Pangulong Roxas ang
organisasyon ng pamahalaan at
nagpanukala ng malawakang programa na
kailangang isabatas.
• Naitatag ang Rehabilitation Finance
Corporation na may puhunang P300 000
000. Tungkuling nitong magbigay ng tuloy
o magpautang sa mga nawasak ang
tahanan.
8. • Pinaunlad niya ang pagsasaka sa
pamamagitan ng paggamit ng makinarya
at mga siyentipikong pamamaraan.
• Sinimulan niya patakarang panlabas ng
bansa. Itinatag nioya ang Department of
Foreign Affairs.
9. Pagsuporta sa Adhikain ng
Amerika
• Ang paglagda ni Pangulong Roxas sa mga
kasunduang militar ay ginawa nang naaayon
sa layunin ng kaniyang administrasyon. Ito ay
patuloy na pagsuporta at pakikiisa sa
Estados Unidos sa adhikain nito na
mapanatili ang kapayapaan sa daigdig.
10. Pagtatapos ng Panunungkulan
• Marami sa kanyang programa at
patakaran ay nakatulong upang maging
maayos ang buhay ng ordinaryong
mamamayan.
• Ayon sa kanya “Ang bansa ay tumatahak
na sa landas patungo sa kasaganaan”.
11. • Sa hindi inaasahang pangyayari , hindi
natapos ni Roxas ang kanyang termino.
Inatake siya sa puso noong gabi Abril 15,
1948, matapos niyang magbigay ng talumpati
sa 13th Air Force ng Estados Unidos sa
Clarck Field, Pampanga.
• Ang kanyang panunungkulan ay tumagal
lamang ng isang taon, 10 buwan, at 18 araw.