SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 12
Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang
kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.
Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina.
Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig
at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre.
Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang
tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
Ito rin ay isang mahabang kathang pampanitikan na
naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang
mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing
sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa
dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang
makasining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga
pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling
ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-
wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -
binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at
pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan
Uri ng nobela
1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan
2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o
pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa
pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng
mga mambabasa
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at
pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng
mga mambabasa
5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang
mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito
ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin,
kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na
nakakapagpabago ng ating buhay o sistema
Elemento ng nobela
1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan - nagpapagalawat nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
sa nobela
4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-
akda
5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan - istilo ng manunulat
8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na
kahulugan sa tao, bagay at pangyayari
Layunin
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento -
ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong
masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula,
isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang
isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling
Kuwento."
Ang alamat ay iba sa nito at sa kasysayan bagamat may
mga elemento ang dalawa. ang nito ay di-totoo . ang
kasaysayan ay totoo, samantalang ang alamat may mga
bahaging totoo at meron din naman na hindi totoo ang
kwento ay kadalasang kwento tungkol sa mga diyosa na
maganap sa di-totoong lugar at di-totoong panahon, ni
research ni Junel Bari.
Kayarian
Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring
magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kwento ng isang
pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang
tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may
isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon
sa isip ng mambabasa. ito ay napaka pnaget
Mga Elemento
 Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng
mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
 Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
 Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
 Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao,
tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban
sa kapaligiran o kalikasan.
 Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing
tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
 Kakalasan- Tulay sa wakas.
 Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng
kwento.
 Tagpuan- nakasaad ang lugar na
pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente,
gayundin ang panahon kung kailan naganap ang
kuwento.
 Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling
kwento.
 kaisipan- mensahe ng kwento.
 Banghay- pangyayari sa kwento.
Mga uri
May siyam na uri ng maikling kuwento:
 Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga
pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang
pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
 Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin
ang kapaligiran at mga pananamit ng mga
tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay
ng mga tao sa nasabing pook.
 Sa kwentong bayan nilalahad ang mga
kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng
buong bayan.
 Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang
mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
 Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga
pangyayaring kasindak-sindak.
 Sa kwento ng madulang pangyayari
binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o
nakapagbago sa tauhan.
 Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga
mambabasa ang damdamin ng isang tao sa
harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang
uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat
may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
 Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa
balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.
 Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa
mambabasa ang kwento ng katatawanan.
Tema
Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng
isang maikling kuwento. Ang tema ang pangkalahatang
kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling
kwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang
maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring
maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga
naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-
akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang
katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong
daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng
pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang
tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa
mambabasa.
Mga Bahagi
Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling
kuwento:
Simula
At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng
problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at
kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot
sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging
kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa
kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang
pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban. :P
Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang
kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting
pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang
bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng
kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging
winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling
nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng
may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para
bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung
ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng
kuwento.
1. TAUHAN
Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May
pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga
pangyayari at mga pantulong na tauhan.
Uri: BILOG: nagbabago ang katauhan
LAPAD: Hindi nagbabago ang katauhan
PROTOGONISTA:mabait/ pangunahing tauhan
ANTAGONISTA: masama
2. TAGPUAN/PANAHON
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang
lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan
nagaganap ang mga pangyayari.
3. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa
pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga
tauhan
4. SULIRANIN O TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan
at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring
Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa
Tao/lipunan.
5. KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito
nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa
pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o
magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
6. KAKALASAN
Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad
sa kasukdulan.
7. WAKAS
Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian
ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng
pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag
may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman
nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.
Mga Elemento ng Tula
1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinhaga
6. Anyo
7. Tono/Indayog
8. Persona
Sukat
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na
bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa
paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
Mga uri ng sukat
1. Wawaluhin –
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
2. Lalabindalawahin –
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. Lalabing-animin –
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
4. Lalabingwaluhin –
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na
malabay
Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may
dalawa o maraming linya (taludtod).
2 linya - couplet
3 linya - tercet
4 linya - quatrain
5 linya – quintet
6 linya - sestet
7 linya - septet
8 linya - octave
Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na
ginagamit sa mga tula.
Tugma
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda
sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang
huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa
pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin
nitong himig o indayog.
Mga Uri ng Tugma
1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng
pagtutugma ng tunog na kung
saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-
pareho ang patinig sa loob ng
isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
Halimbawa:
a a a
a a i
a i a
a i i
2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma
ng tunog na kung saan
ang salita ay nagtatapos sa katinig.
a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g,
p, s, t
Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r,
w, y
Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita
upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw
ang damdamin at kawilihan.
Talinghaga
Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at
tayutay.
○ Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad,
pagtatao ang ilang paraan
upang ilantad ang talinghaga sa tula
Anyo
Porma ng tula.
Tono/Indayog
Diwa ng tula.
Persona
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong
panauhan
Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat
taludtod na bumubuo sa isang saknong.
Saknong - Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng
isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod.
Tugma - Sinasabing may tugma ang isang tula kapag
ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkasing-tunog.
Kariktan - Kailangang magtaglay ang isang tula ng
maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa
gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
Talinhaga- Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa
tinatagong kahuluganng tula.
Tayutay
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginamiy upang
bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya
ng pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o di
karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang
bigyang diin ang kaniyang saloobin.
1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga
salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-,
magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag
naSimile sa Ingles.
Halimbawa:
Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-
aawit.
2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing
ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag
ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan,
gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito
ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Halimbawa:
Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
3. Personipikasyon o Pagsasatao - Ginagamit ito upang
bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao -
talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa
pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos
tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
'PERSONIFICATION' sa Ingles.
Halimbawa:
Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o
pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin
yaring isip, nang sa layon di malihis.
6. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang
pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao,
bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang
katangian, kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng
mga salitang kung ano ang tunog ay siyang
kahulugan.ONOMATOPOEIA sa Ingles
Halimbawa:
Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan,
halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke - isang bagay,
konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang
binabanggit.
Halimbawa:
Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng
pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga
katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa:
Patay tayo dun.
APAT NA URI NG TULA
1.Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry)
± tulad ng isang soneto o ng isangoda, na ipinapahayag
ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng
tulangliriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang
mga salita sa isang kanta.Ang Tulangliriko na uri ng mga
tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na
naglalarawan sakarakter at aksyon. Ang makata ay
direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyangsariling
damdamin, iniisip, at persepsyon.
Uri ng Tulang Liriko
Awit
± Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo
ng tig-aapat na taludtodang bawat saknong, na ang bawat
taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at
angtradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang
karaniwang awiting atingnaririnig.Karaniwan itong may
malungkot na paksa - sad love songs kumbaga.
Soneto
± Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa
damdamin at kaisipan, maymalinaw na kabatiran sa likas
na pagkatao.
Oda
± Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat
bilang papuri o dedikado saisang tao o isang bagay na
kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang
inspirasyon para sa oda.
Elehiya
± Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa
kamatayan.
Dalit
± isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na
nakasulat para salayunin ng papuri, pagsamba o
panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o
saisang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may
kahalong pilosopiya sa buhay.
Halimbawa ng Tulang Liriko:
Sa Dalampasigan ni Teodoro A. Agoncillo
I.
O mumunting alon!
Buhat sa magalas na batong tuntungan,
Namamalas kitang tumatakbo-takbo’t sumasayaw-sayaw
Bago ka humalik sa dalampasigan.
Sa sinasayaw-sayaw, sa tinakbu-takbo ikaw ay
kundimang
Namadmad sa labi ng isang kariktan!
Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking paanan,
Titik kang masigla ng luma ng talindaw.
O mumunting alon! Buhat sa magalas na aking tapakan,
Ikaw ay piraso’t nagkadurog-durog na sultanang buwan!
II
Buhat sa malayo,
Ikaw’y dambuhalang busilak ng bagwis,
Na kung ibuka mo’y parang niwawalat ang pinto ng langit,
Sa pananambulat ng iyong tilamsik
Ay nasaksihan ko ang pagkadurog-durog ng mga daigdig!
Habang sa malayo ikaw ay mabagsik,
Maamung-maamo, mayuming-mayumi ikaw kung lumapit!
Sa buhanging tuyo’t may kislap na init,
Marahang-mabining idinarampi mo ang wagas na halik!
III
Lumapit-lumayo
Ay pinapawi mo ang kayraming bakas
Na sa buhangina’y limbag na balita ng gabing lumipas,
Aywan kung ang mga magkatabing yapak
Ay pinawi mo rin sa bisa ng iyong pagliyag
Kung magkagayon man, nais kong isulat
Na “ibig ko na ring ako’y maging isang dagat na malawak;
Ako, sa ganito, ay magkakapalad
Maging kahalikan ng tuyong buhangin sa tabi ng dagat!
Sa ganya’y lagi nang mayroong kabulungan at kayakap-
yakap!”
IV
At ang mga bulong
Sa aki’y di ingay kundi mga awit
Ng pag-aanasan at pagsusumpaan ng lupa at tubig!
At sa paanan ko kung aking mamasid
Ang paghahabulan ng along animo’y kumakabang dibdib
Ng isang dalagang bago pang ninibig
Nais kong mawala, matunaw at muling iluwal ng langit,
Nang di ko madama yaring tinitiis!
Sa aki’y di ingay ang naririnig ko- kundi mga tinig
Niring kaluluwang di man lumuluha’y may piping hinagpis!
2. Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry)
± isang tula na may balangkas. Ang tula aymaaaring maikli
o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa
maaaring magingsimple o kumplikadong pangyayari.Ito ay
karaniwang hindi madrama, nagkukuwentongtula gaya ng
mga epiko, ballad, idylls at lays.
Uri ng Tulang Pasalaysay
a.Epiko
± ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa
isang seryosong paksa nanaglalaman ng mga detalye ng
kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang
saisang kultura o bansa.
b. Awit at kurido
± ay isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may
walongsukat. ang tulang kurido ay kadalasang mga alamat
o kuwento na galing sa mga bansa saEuropa tulad ng
Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay
pasalaysay. Angtanyag na kurido ay ang Ibong Adarna.
c. Karaniwang Tulang Pasalaysay
± Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari
saaraw-araw na buhay.
Halimbwa ng Tulang Pasalaysay:
Ang Pagbabalik
Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,
Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!
Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas
Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag...
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;
Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,
At ang buwan nama’y ibig nang magningning:
Maka orasyon na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayang lupain:
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.
Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok,
Pinatuloy ako ng magandang loob;
Kumain ng konti, natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila ayaw nang tumibok;
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!”
Nang kinabukasang magawak ang dilim,
Araw’y namimintanang mata’y nagniningning;
Sinimulan ko na ang dapat kong gawin:
Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim;
Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.
At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat,
Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak...
O, marahil ngayon, siya’y magagalak!
At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
Ang aming tahana’y masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao...
“Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko,
“Nalalaman nila na darating ako.”
At ako’y tumuloy... pinto ng mabuksan,
Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”
3. Tulang Patnigan (Joustic Poetry)
± Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at
balagtasan.
a.Balagtasan
± Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang
pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Itoy sa
karangalan ni Francisco ³Balagtas´ Baltazar.
b. Karagatan
± Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na
kabilang satinatawag na
libangang itinatanghal´ na ang taglay na pamagat ay
nanggaling sa isangalamat ng singsing ng isang dalaga na
nahulog sa dagat.
c. Duplo
± Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa
pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang
pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain atmga
kasabihan.
4. Tulang Pantanghalan o Padula
± karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay
patulangibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng
ritmo o melodiya ng isangawitin.Naglalarawan ito ng mga
tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, odili
kayay naiiba sa nagaganap sa pang-araw-arawna buhay.
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginamiy upang
bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya
ng pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o di
karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang
bigyang diin ang kaniyang saloobin.
1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga
salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-,
magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na
Simile sa Ingles.
Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na
mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing
nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga
sardines sa piitan.
5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi
napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing
ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag
ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan,
gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito
ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Halimbawa:
1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking
pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
3. Personipikasyon o Pagsasatao - Ginagamit ito upang
bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao -
talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa
pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos
tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
'PERSONIFICATION' sa Ingles.
Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o
pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking
kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng
kapighatian.
4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.
5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit,
Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihis.
6. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang
pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao,
bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang
katangian, kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
1. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
2. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.
3. BUmabaha ng dugo sa lansangan.
4. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman.
7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng
mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
ONOMATOPOEIA sa Ingles
Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan,
halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.
9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke - isang bagay,
konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang
binabanggit.
Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa
Inang Bayan.
3. Walang bibig ang umasa kay Romeo.
4. Hingin mo ang kaniyang kamay.
10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng
pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga
katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa:
1. Patay tayo dun.
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang
paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan,
mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag
ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang
katha, pasalita man o pasulat.
Ilang Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad (simile) - isang payak at lantad na
paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita't
pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki'y,
kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp.
Hal. Para ng halamang lumaki sa tubig,
Dahon ay nalalanta munting di madilig
-Francisco Baltazar, Florante at Laura
2. Paghahalintulad (Analohiya) - isang uring tambalan
ng pagtutulad. Ipinahahayag ng paghahalintulad ang
pagkamagkatulad ng isang kaugnayan sa ibang
kaugnayan.
Hal. Ang tingin ng bubuyog sa bulaklak ay katulad ng
damdamin ng binata sa dalaga.
3. Pagwawangis (Metapora) - isang tuwirang
paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad
ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa
pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag,
katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.
Hal. Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga
dalita ng buhay.
4. Pagtatao (Personipikasyon) - tinatawag din itong
pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na
ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin
lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay.
Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o
pangngalan.
Hal. Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino.
5. Pamamalabis (Eksaherasyon) - isang pagpapahayag
na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa
hangaring magbigay-diin sa katotohanang
pinagmamalabisan.
Hal. Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka.
6. Pagpapalit-tawag (Metonymy) - isang
pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga
bagay na magkakaugnay.
Hal. Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na
sanggol.
7. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) - pagbanggit sa
bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang
katapat ng bahagi.
Hal. Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak.
8. Panawagan (Apostrophe) - ginagawa rito ang
pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang
nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang taong
parang naroon at kaharap gayong wala naman.
Hal. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa
masamang elemento.
9. Tanong Retorikal - hindi ito naghihintay ng kasagutan
at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Hal. May magulang bang nagtakwil sa kanyang anak?
10. Pag-uyam - mga pananalitang nangungutya sa tao o
bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin
sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa
tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.
Hal. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo
naman ng bahay.
11. Talinghaga (Allegory) - isa itong salaysay ng mga
kinathang pangyayari na ang hangarin ay magbigay-
kahulugan sa nga mahahalagang katunayan. Ang
talinghaga ay "salaysay" at kauri nito ang tinatawag na
parabula (na ang karamihan ay galling kay Kristo). Isa
ittong kinathang salaysay na may mga pangyayaring
maaaring nangyari sa katutubong buhay ng tao, ngunit
kinatha upang maglarawan ng isang aral hinggil sa
kalinisan ng pamumuhay at mabuting pakikipagkapwa.
Hal. "Ang Mabuting Samaritano"
"Ang Alibughang Anak"
TAYUTAY - ang tayutay ay salita o isang pahayag na
ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o
damdamin.Sinasadya ng pagpapahayag upang bigyan
diin ang kanyang saloobin...",
MGA URI NG TAYUTAY
1. SIMILI o Pagtutulad - Di tiyak na paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay.Ginagamitan ito ng mga
salitang:tulad,paris ng,kawangis ng,sing-,sim-,magkasing-
at iba pa.
=halimbawa=
1.sasakyang parang ipu-ipo sa bilis
2.babaeng parang pagong sa bagal
3.lalakeng tila hari kung mag-utos
4.batang mukhang higante sa laki
5.aleng parang reyna kung mag-kumpas
2. METAPORA o pagwawangis - tiyak na
paghahambing hindi na ginagamitan ng
pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahabing na
nakalapat sa mga pangalan,gawain,tawag o katangian ng
bagay na inihahambing.
=halimbawa=
1.ipu-ipong sasakyan
2.babaeng pagong
3.batang higante
4.perlas na ngipin
5.ting-ting n balerina
6.palasyong bahay
7.kutis porselana
8.paraisong lugar
3. PERSONIPIKASYON o pagtatao - Ginagamit i2
upang bigyang-buhay,pagtaglayin ng mga katangiang
pantaong-tilino,gawi,kilos ang mga bagay na walang
buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad
ng kilos tulad ng pandiwa at pangngalang-diwa.
=halimbawa=
1.tik-tak ng orasan ay nag hahabulan
2.masayang umihip ang hanging amihan
3.hayu't nagagalit ang araw sa silanga
4.ang nagtatampong aso,tingnan mo't malungkot
5.batong nagkalat sa mga lansangan ay mgasasaktan
kung tinatapakan
Mga Uri ng Tayutay
 Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing
ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito
ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng,
tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.
Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
 Metapora o Pagwawangis - tiyak na
paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng
pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing
na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o
katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay
tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
 Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito
upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga
katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga
bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga
pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng
pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
'PERSONIFICATION' sa Ingles.
 Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o
pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
 Pag-uulit
 ** Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay
pare-pareho.
o Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa
unahan ng isang pahayag o ng isang
sugnay.
o Anadiplosis - Paggamit ng salita sa
unahan at sa hulihan ng pahayag o
sugnay.
o Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang
salita sa hulihan ng sunud-sunod na
taludtod.
o Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-
uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.
o Katapora - Paggamit ng isang salita na
kadalasang panghalip na tumutukoy sa
isang salita o parirala na binanggit sa
hulihan.
 Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay
lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o
kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari,
kaisipan, damdamin at iba pang katangian,
kalagayan o katayuan.
 Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit
ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang
kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.
 Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig
ang nais iparating sa huli. Madalas itong
nakakasakit ng damdamin.
 Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay,
konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang
binabanggit.
 Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan
na pinasasabagay ang mga katangiang pantao,
na ginagamit ang pang-uri.
 Balintuna - isang uri ng ironya na hindi
ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.
 Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita
o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa
pinakamababa patungo sa pinakamataas na
antas.
 Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang
"hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-
pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari,
isang kabaligtaran ng ibig sabihin.
 KAHULUGAN NG PANITIKAN :
• Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay,
pamumuhay, lipunan, pamahalaan, relihiyon at
mga karanasang nakukulayan ng iba’t ibang uri
ng damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-
asa, pagkamuhi, takot at pangamba.
MGA IBA’T IBANG KATUTURAN NG PANITIKAN
:
• Ang panitikan ay ang nasusulat na tala ng
pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.
• Ang panitikan ay pag-aaral ng kariktan at
kahulugan ng buhay at pamumuhay na
nagmumulat sa bayan upang paglirip-liripin ng
balana ang maraming palaisipan dumarating sa
buhay ng bawat nilalang.
• Ang panitikan ay talaan ng buhay.
• Bungang – isp na isinatitik.
• Ito ay yaong nagpapahayg ng kaisipan,
damdamin, panaginip at karanasan nng
sangkatauhang nasusulat sa maganda,
makahulugan at masining na mga pahayag.
• Ito ay kabuuuan ng mga kaisipan, karanasan ng
isang bansa, paniniwala, pamahiin at pangarap
ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling
salita, sa isang maganda at makasining na
paraan.
• Kathang pampanitikang nag-iiwan ng bisa sa
isip at puso ng mambabasa
IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN SA BUHAY NG
TAO :
Ang panitikan ay may dalang
mahahalagang impluwensiya sa buhay, kaisipan
at ugali ng tao at ito’y may dalawang kalagayan ;
1. Ito’y nagpapaliwanag sa kahulugan ng
kalinangan at kabihasnan ng lahing
pinanggalingan ng panitikan.
2. Dahil sa panitikan, ang mga tao sa
sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga
damdamin at kaisipan, nagkakaunawaan at
nagkakatulungan.
Maraming ang mga akdang pampanitikan
nagdadala ng malaking impluwensiya sa
daigdig.Ang ilan sa mga ito’y ang mga
sumusunod :
1. Banal na Kasulatan – nagiging batayan ng
pananampalatayang Kristiyano
2. Koran – (Arabia) Bibliya ng mga Muslim
3. Iliad at Odyssey – ni Homer – (Gresya) –siyang
kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya
4. Maha-Bharatas - (Indiya)- kasaysayan ng
pananampalataya
5. Divina Comedia - ni Dante – (Italya) –
nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya
at pag-uugali ng mga Italyano
Iba't ibang kahulugan ng Panitikan:
Ang panitikan ay nagmula sa salitang "titik", ibig sabihin
ay letra. "Panitik" o pantitik na ang ibig sabihin ay
ginagamit sa pagbuo ng mga titik na magkakaroon ng
buhay bilang mga salitang magiging bahagi ng sistemang
makabubuo sa iba't ibang anyo ng akda na maglalaman
ng kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng
mga tao. (see http://sarisaringngiti.weebly.com/ for free
Filipino reference)
(ang kasaysayan ng panitikan ay nahahalintulad sa kasay
sayan ng isang bagay lahi o bansa)
Ang panitikan ay nagpapahayag ng kaisipan, damdamin,
karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.
Talaan ng buhay.
Nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng isang
bansa na nasusulat na makahulugan, maganda at
masining na paglalahad. Masasalamin ito ayon sa ideya,
damdamin at isipan ng tao tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, galit, pagka-awa, paghihiganti at iba pa.
Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan,
pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang
kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-
ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,
paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
Ang panitikang Filipino ay isang uri ng panitikan na
gumagamit ng wikang Filipino at inoobserbahan ang mga
tamang pagbaybay, paganism as mga panache,paggamit
ng tamang uri ng mga salita o masabi ang
paramagnetism o ang reasonably..
Sapagkat dito natin naipapahayag ng ating mga
kaisipan,saloobin,mga ideya,kahusayan,talento,diwa at
maibahagi ang ating mga kaalaman.
Ang panitikang Filipino ay isang uri ng panitikan na
gumagamit ng wikang Filipino at inoobserbahan ang mga
tamang pagbaybay,paggamit sa mga pananda,paggamit
ng tamang uri ng mga salita upang maipakita o masabi
ang nararamdaman o ang reaksyon..
May dalawang pangunahing anyo ang panitikan:
1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na
pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap.
Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o
pagpapahayag.
2. patula o panulaan (Ingles: poetry) - pagbubuo ng
pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na
pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at
nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga
pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga
taludtod sa isang saknong.
------------------------------
* Mga akdang tuluyan
o Alamat
o Anekdota
o Nobela
o Pabula
o Parabula
o Maikling kwento
o Dula
o Sanaysay
o Talambuhay
o Talumpati
o Balita
o kwentong bayan
* Mga akdang patula
o Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang
mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang
kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
+ Awit at Korido
+ Epiko
+ Balad
+ Sawikain
+ Salawikain
+ Bugtong
+ Kantahin
+ Tanaga
Another Answer:
Anyo at Uri ng Panitikan
1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na
pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap.
Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o
pagpapahayag.
a. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento
tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga
pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at
mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang
alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.
b. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay
sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay
ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may
dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin
ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga
ginagawa ng mga tao.
c. Nobela o kathambuhay- isang mahabang kuwentong
piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon
itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong
ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at
naging bahagi ng mga pangunahing literary genre.
Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang
tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
d. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung
saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga,
pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging
kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang
mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong
nagbibigay-aral
e. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa
anyong patula o prosa na malimit nangangaral o
nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na
tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan
na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.
f. maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay
isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong
masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula,
isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang
isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
g. Dula - isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang
yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal
ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
h. sanaysay - isang maiksing komposisyon na kailimitang
naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
i. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng
kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay
na tala, pangyayari o impormasyon.
j. Talumpati - isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang
tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa
entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng
komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang
paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
k. Kuwentong-bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga
likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri
ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak
na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito
ang alamat at mga mito
l. Balita
-SOURCE: http://www.pinoyhenyo.com/Uri_ng_Panitikan-
20081010224915497.html
Another Answer:
ang uri ng panitikan ay..........
Tuluyan - ang mga akdang nasusulat sa normal na daloy
ng mga pangungusap
Pabula - kwento tungkol sa mga hayop na nagsasalita
Parabula - Mga kwentong hinango sa bibliya
Nobela - akdang binubuo ng mga kabanata
Patula - ang mga akdang nasusulat na may himig at aliw
Dula - akdang pangtanghalan
Fiksyon - ang mga akdang likhang-isip
Pasalaysay - tulang nagkukuwento
Sanaysay- - isang uri ng akdang naglalahad.
Liriko - tulang inaawit
Alamat - kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay
Di-fiksyon - akda hango sa tunay na pangyayari
Maikling-kuwento - ito'y binubuo ng 2,500 - 5,000 salita
1. Bibliya
2. Koran
3. Iliad at Odyssey
4. Mahabharata
5. Canterbury Tales
6. Uncle Tom's Cabin
7. Devine Comedia
8. El Cid Compeador
9. Awit ni Rolando
10. Aklat ng mga Patay
11. Aklat ng Mga Araw
12. Isang Libo't Isang Gabi
13. Ang Kasayahan at Ang Kalungkutan
Nakapangyayari sa Panitikan Ang Klima - Malaki ang
nagagawa ng init o lamig , bagyo o unos, baha at ulan sa
isipan at damdamin ng tao. Ang Hanapbuhay o Tungkulin
ng mga Tao - Ang mga salita at pahayag sa panitikan ay
kaugnayan ng hanapbuhay ng mga mamamayan. Ang
Pook o Kinatitirhan - Ang hiyograpiya ay malaki ang
nagagawang implwensiya sa isipan at damdamin ng tao.
Kung ang pook na kinatitirhan ng tao ay may
magagandang tanawin , mabundok, madagat, sagana sa
kabukirin at mga halaman , ang mga ito ay siyang
magiging laman ng panitikan ng mga taong doo'y
naninirahan. Lipunan at Politika - Ang sistema ng
pamahalaan, ang idelohiya at ugaling panlipunan gayon
din ang kultura ng mga tao ay nasasalamin sa panitikan
ng bansa. Edukasyon at Pananampalataya - Ang saklaw
at laman ng panitikan ay naayon sa edukasyon at
pananampalataya ng mga mamamayan. Kung busog an
gang isipan , dala ng malawak na edukasyon natutuhan,
ang mga ito'y mababakas sa panitikan ng lahi. Gayon din
naman ang pananampalataya , itoy laging pinapaksa ng
mga kilalang manunulat. Mga layunin sa Pag-aaral ng
Panitikang Pilipino Upang matanto ang kalinangang
Pilipino, ang henyo ng ating lahi at ang mga minanang
yaman ng kaisipan. Upang alaming tayo'y may marangal
na tradisyon katulad sa ibang lahi. Upang matalos ang
mga kapintasan at kakulangan ng ating panitikan at
mapag-aralang ito'y maituwid. Upang makilala ang ating
mga kahusayan sa panitikan at ang mga itoy lalong
mapaningning at mapayaman. Sapagkat tayo'y mga
Pilipino , kailangan tayo'y magmalasakit at tumangkilik sa
sariling atin

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
rosemelyn
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
faithdenys
 
Limang elemento ng nobela
Limang elemento ng nobelaLimang elemento ng nobela
Limang elemento ng nobela
Lovely Centizas
 

Was ist angesagt? (20)

Epiko
EpikoEpiko
Epiko
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
Maikling kuwento Handout
Maikling kuwento HandoutMaikling kuwento Handout
Maikling kuwento Handout
 
Filipino 9 Sanaysay
Filipino 9 SanaysayFilipino 9 Sanaysay
Filipino 9 Sanaysay
 
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysayAngkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
 
Epiko at Pangngalan
Epiko at PangngalanEpiko at Pangngalan
Epiko at Pangngalan
 
Mitolohiya ng Kenya
Mitolohiya ng KenyaMitolohiya ng Kenya
Mitolohiya ng Kenya
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
 
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
 
Gamit ng modal
Gamit ng modalGamit ng modal
Gamit ng modal
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
 
Tanka at haiku
Tanka at haikuTanka at haiku
Tanka at haiku
 
SIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre DameSIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre Dame
 
Elemento ng sanaysay
Elemento ng sanaysayElemento ng sanaysay
Elemento ng sanaysay
 
Filipino 9 Tula
Filipino 9 TulaFilipino 9 Tula
Filipino 9 Tula
 
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
 
Limang elemento ng nobela
Limang elemento ng nobelaLimang elemento ng nobela
Limang elemento ng nobela
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
 
Dula
DulaDula
Dula
 

Ähnlich wie Ang nobela

Week 3. 3rd Qtr. Day 4. URI NG MAIKLING KWENTO.pptx
Week 3. 3rd Qtr. Day 4. URI NG MAIKLING KWENTO.pptxWeek 3. 3rd Qtr. Day 4. URI NG MAIKLING KWENTO.pptx
Week 3. 3rd Qtr. Day 4. URI NG MAIKLING KWENTO.pptx
bryandomingo8
 

Ähnlich wie Ang nobela (20)

Ang
AngAng
Ang
 
M.k. hand out
M.k. hand outM.k. hand out
M.k. hand out
 
grade 9 filipino.pptx
grade 9 filipino.pptxgrade 9 filipino.pptx
grade 9 filipino.pptx
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13
 
Maikling kuwento
Maikling kuwentoMaikling kuwento
Maikling kuwento
 
Maikling kuwento
Maikling kuwentoMaikling kuwento
Maikling kuwento
 
Me
MeMe
Me
 
Elemento ng Maikling Kwento.pdf
Elemento ng Maikling Kwento.pdfElemento ng Maikling Kwento.pdf
Elemento ng Maikling Kwento.pdf
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
 
Powerpointrowena
PowerpointrowenaPowerpointrowena
Powerpointrowena
 
maikling kwento.pptx
maikling kwento.pptxmaikling kwento.pptx
maikling kwento.pptx
 
Filipino 10
Filipino 10Filipino 10
Filipino 10
 
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptxGROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
 
vdocuments.net_maikling-kwento.ppt
vdocuments.net_maikling-kwento.pptvdocuments.net_maikling-kwento.ppt
vdocuments.net_maikling-kwento.ppt
 
maikling kuwento.pptx
maikling kuwento.pptxmaikling kuwento.pptx
maikling kuwento.pptx
 
Week 3. 3rd Qtr. Day 4. URI NG MAIKLING KWENTO.pptx
Week 3. 3rd Qtr. Day 4. URI NG MAIKLING KWENTO.pptxWeek 3. 3rd Qtr. Day 4. URI NG MAIKLING KWENTO.pptx
Week 3. 3rd Qtr. Day 4. URI NG MAIKLING KWENTO.pptx
 
Maikling kwento
Maikling kwentoMaikling kwento
Maikling kwento
 
Ano ang maikling kwento
Ano ang maikling kwentoAno ang maikling kwento
Ano ang maikling kwento
 

Kürzlich hochgeladen

paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
FairyLouMejia1
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
RICXIE1
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
dandemetrio26
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
RonalynGatelaCajudo
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
rocinegallegocbam
 

Kürzlich hochgeladen (20)

Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 

Ang nobela

  • 1. Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. Ito rin ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili- wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela - binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan Uri ng nobela 1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan 2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na 3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa 4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa 5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao 6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan 7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema Elemento ng nobela 1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan 2. tauhan - nagpapagalawat nagbibigay buhay sa nobela 3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela 4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may- akda 5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela 6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari 7. pamamaraan - istilo ng manunulat 8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela 9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari Layunin Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento." Ang alamat ay iba sa nito at sa kasysayan bagamat may mga elemento ang dalawa. ang nito ay di-totoo . ang kasaysayan ay totoo, samantalang ang alamat may mga bahaging totoo at meron din naman na hindi totoo ang kwento ay kadalasang kwento tungkol sa mga diyosa na maganap sa di-totoong lugar at di-totoong panahon, ni research ni Junel Bari. Kayarian Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa. ito ay napaka pnaget Mga Elemento  Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.  Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.  Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.  Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.  Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.  Kakalasan- Tulay sa wakas.  Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.  Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.  Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kwento.  kaisipan- mensahe ng kwento.  Banghay- pangyayari sa kwento.
  • 2. Mga uri May siyam na uri ng maikling kuwento:  Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.  Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.  Sa kwentong bayan nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.  Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.  Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.  Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.  Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.  Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.  Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan. Tema Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may- akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa. Mga Bahagi Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento: Simula At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. Gitna Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. :P Wakas Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento. 1. TAUHAN Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan. Uri: BILOG: nagbabago ang katauhan LAPAD: Hindi nagbabago ang katauhan PROTOGONISTA:mabait/ pangunahing tauhan ANTAGONISTA: masama 2. TAGPUAN/PANAHON Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari. 3. SAGLIT NA KASIGLAHAN Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan 4. SULIRANIN O TUNGGALIAN Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan. 5. KASUKDULAN Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin. 6. KAKALASAN
  • 3. Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan. 7. WAKAS Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan. Mga Elemento ng Tula 1. Sukat 2. Saknong 3. Tugma 4. Kariktan 5. Talinhaga 6. Anyo 7. Tono/Indayog 8. Persona Sukat Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa. Halimbawa: isda – is da – ito ay may dalawang pantig is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig Mga uri ng sukat 1. Wawaluhin – Halimbawa: Isda ko sa Mariveles Nasa loob ang kaliskis 2. Lalabindalawahin – Halimbawa: Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad Sa bait at muni, sa hatol ay salat 3. Lalabing-animin – Halimbawa: Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid 4. Lalabingwaluhin – Halimbawa: Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay Saknong Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod). 2 linya - couplet 3 linya - tercet 4 linya - quatrain 5 linya – quintet 6 linya - sestet 7 linya - septet 8 linya - octave Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula. Tugma Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog. Mga Uri ng Tugma 1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig. Halimbawa: Mahirap sumaya Ang taong may sala Kapagka ang tao sa saya’y nagawi Minsa’y nalilimot ang wastong ugali Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare- pareho ang patinig sa loob ng isang saknong o dalawang magkasunod o salitan. Halimbawa: a a a a a i a i a a i i 2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig. a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t Halimbawa: Malungkot balikan ang taong lumipas Nang siya sa sinta ay kinapos-palad b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y Halimbawa: Sapupo ang noo ng kaliwang kamay Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
  • 4. Kariktan Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan. Talinghaga Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay. ○ Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula Anyo Porma ng tula. Tono/Indayog Diwa ng tula. Persona Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Saknong - Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod. Tugma - Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing-tunog. Kariktan - Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan. Talinhaga- Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahuluganng tula. Tayutay Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginamiy upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang diin ang kaniyang saloobin. 1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag naSimile sa Ingles. Halimbawa: Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang- aawit. 2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles. Halimbawa: Siya'y langit na di kayang abutin nino man. 3. Personipikasyon o Pagsasatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles. Halimbawa: Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin. 4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Halimbawa: Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihis. 6. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Halimbawa: Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo. 7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.ONOMATOPOEIA sa Ingles Halimbawa: Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
  • 5. 9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit. Halimbawa: Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil. 10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri. Halimbawa: Patay tayo dun. APAT NA URI NG TULA 1.Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) ± tulad ng isang soneto o ng isangoda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulangliriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang Tulangliriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sakarakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyangsariling damdamin, iniisip, at persepsyon. Uri ng Tulang Liriko Awit ± Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtodang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at angtradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting atingnaririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga. Soneto ± Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, maymalinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. Oda ± Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado saisang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda. Elehiya ± Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan. Dalit ± isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para salayunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o saisang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay. Halimbawa ng Tulang Liriko: Sa Dalampasigan ni Teodoro A. Agoncillo I. O mumunting alon! Buhat sa magalas na batong tuntungan, Namamalas kitang tumatakbo-takbo’t sumasayaw-sayaw Bago ka humalik sa dalampasigan. Sa sinasayaw-sayaw, sa tinakbu-takbo ikaw ay kundimang Namadmad sa labi ng isang kariktan! Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking paanan, Titik kang masigla ng luma ng talindaw. O mumunting alon! Buhat sa magalas na aking tapakan, Ikaw ay piraso’t nagkadurog-durog na sultanang buwan! II Buhat sa malayo, Ikaw’y dambuhalang busilak ng bagwis, Na kung ibuka mo’y parang niwawalat ang pinto ng langit, Sa pananambulat ng iyong tilamsik Ay nasaksihan ko ang pagkadurog-durog ng mga daigdig! Habang sa malayo ikaw ay mabagsik, Maamung-maamo, mayuming-mayumi ikaw kung lumapit! Sa buhanging tuyo’t may kislap na init, Marahang-mabining idinarampi mo ang wagas na halik! III Lumapit-lumayo Ay pinapawi mo ang kayraming bakas Na sa buhangina’y limbag na balita ng gabing lumipas, Aywan kung ang mga magkatabing yapak Ay pinawi mo rin sa bisa ng iyong pagliyag Kung magkagayon man, nais kong isulat Na “ibig ko na ring ako’y maging isang dagat na malawak; Ako, sa ganito, ay magkakapalad Maging kahalikan ng tuyong buhangin sa tabi ng dagat! Sa ganya’y lagi nang mayroong kabulungan at kayakap- yakap!” IV At ang mga bulong Sa aki’y di ingay kundi mga awit Ng pag-aanasan at pagsusumpaan ng lupa at tubig! At sa paanan ko kung aking mamasid Ang paghahabulan ng along animo’y kumakabang dibdib Ng isang dalagang bago pang ninibig Nais kong mawala, matunaw at muling iluwal ng langit, Nang di ko madama yaring tinitiis!
  • 6. Sa aki’y di ingay ang naririnig ko- kundi mga tinig Niring kaluluwang di man lumuluha’y may piping hinagpis! 2. Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry) ± isang tula na may balangkas. Ang tula aymaaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring magingsimple o kumplikadong pangyayari.Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentongtula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays. Uri ng Tulang Pasalaysay a.Epiko ± ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa nanaglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang saisang kultura o bansa. b. Awit at kurido ± ay isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walongsukat. ang tulang kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa saEuropa tulad ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Angtanyag na kurido ay ang Ibong Adarna. c. Karaniwang Tulang Pasalaysay ± Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari saaraw-araw na buhay. Halimbwa ng Tulang Pasalaysay: Ang Pagbabalik Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan, Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan; Isang panyong puti ang ikinakaway, Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan: Sa gayong kalungkot na paghihiwalay, Mamatay ako, siya’y nalulumbay! Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!” Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!” Nakangiti akong luha’y nalaglag... At ako’y umalis, tinunton ang landas, Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak; Lubog na ang araw, kalat na ang dilim, At ang buwan nama’y ibig nang magningning: Maka orasyon na noong aking datnin, Ang pinagsadya kong malayang lupain: Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim, Ang nagsisalubong sa aking pagdating. Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok, Pinatuloy ako ng magandang loob; Kumain ng konti, natulog sa lungkot, Ang puso kong tila ayaw nang tumibok; Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot, Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!” Nang kinabukasang magawak ang dilim, Araw’y namimintanang mata’y nagniningning; Sinimulan ko na ang dapat kong gawin: Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim; Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin, Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin. At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat, Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas; Bulaklak na damo sa gilid ng landas, Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag; Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak... O, marahil ngayon, siya’y magagalak! At ako’y lumakad, halos lakad takbo, Sa may dakong ami’y meron pang musiko, Ang aming tahana’y masayang totoo At nagkakagulo ang maraming tao... “Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko, “Nalalaman nila na darating ako.” At ako’y tumuloy... pinto ng mabuksan, Mata’y napapikit sa aking namasdan; Apat na kandila ang nangagbabantay; Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay; Mukha nakangiti at nang aking hagkan; Para pang sinabi “Irog ko, paalam!” 3. Tulang Patnigan (Joustic Poetry) ± Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan. a.Balagtasan ± Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Itoy sa karangalan ni Francisco ³Balagtas´ Baltazar. b. Karagatan ± Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang satinatawag na libangang itinatanghal´ na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isangalamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat. c. Duplo
  • 7. ± Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain atmga kasabihan. 4. Tulang Pantanghalan o Padula ± karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulangibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isangawitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, odili kayay naiiba sa nagaganap sa pang-araw-arawna buhay. Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginamiy upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang diin ang kaniyang saloobin. 1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles. Halimbawa: 1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit. 2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad. 3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning. 4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan. 5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan. 6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan. 2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles. Halimbawa: 1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man. 2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi. 3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. 4. Ikaw na bulaklak niring dilidili. 5. Ahas siya sa grupong iyan. 3. Personipikasyon o Pagsasatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles. Halimbawa: 1. Hinalikan ako ng malamig na hangin. 2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin. 3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap. 4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin. 5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap. 4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Halimbawa: 1. O tukso! Layuan mo ako! 2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian. 3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian. 4. Ulan, ulan kami'y lubayan na. 5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihis. 6. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Halimbawa: 1. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo. 2. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan. 3. BUmabaha ng dugo sa lansangan. 4. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman. 7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles
  • 8. Halimbawa: 1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan. 2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat. 3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap. 9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit. Halimbawa: 1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil. 2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan. 3. Walang bibig ang umasa kay Romeo. 4. Hingin mo ang kaniyang kamay. 10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri. Halimbawa: 1. Patay tayo dun. Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat. Ilang Uri ng Tayutay 1. Pagtutulad (simile) - isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita't pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki'y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp. Hal. Para ng halamang lumaki sa tubig, Dahon ay nalalanta munting di madilig -Francisco Baltazar, Florante at Laura 2. Paghahalintulad (Analohiya) - isang uring tambalan ng pagtutulad. Ipinahahayag ng paghahalintulad ang pagkamagkatulad ng isang kaugnayan sa ibang kaugnayan. Hal. Ang tingin ng bubuyog sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng binata sa dalaga. 3. Pagwawangis (Metapora) - isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing. Hal. Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay. 4. Pagtatao (Personipikasyon) - tinatawag din itong pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan. Hal. Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino. 5. Pamamalabis (Eksaherasyon) - isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan. Hal. Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka. 6. Pagpapalit-tawag (Metonymy) - isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay. Hal. Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol. 7. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) - pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi. Hal. Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak. 8. Panawagan (Apostrophe) - ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman. Hal. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento. 9. Tanong Retorikal - hindi ito naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan. Hal. May magulang bang nagtakwil sa kanyang anak? 10. Pag-uyam - mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam. Hal. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay. 11. Talinghaga (Allegory) - isa itong salaysay ng mga kinathang pangyayari na ang hangarin ay magbigay- kahulugan sa nga mahahalagang katunayan. Ang talinghaga ay "salaysay" at kauri nito ang tinatawag na parabula (na ang karamihan ay galling kay Kristo). Isa ittong kinathang salaysay na may mga pangyayaring maaaring nangyari sa katutubong buhay ng tao, ngunit kinatha upang maglarawan ng isang aral hinggil sa kalinisan ng pamumuhay at mabuting pakikipagkapwa. Hal. "Ang Mabuting Samaritano" "Ang Alibughang Anak"
  • 9. TAYUTAY - ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.Sinasadya ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin...", MGA URI NG TAYUTAY 1. SIMILI o Pagtutulad - Di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.Ginagamitan ito ng mga salitang:tulad,paris ng,kawangis ng,sing-,sim-,magkasing- at iba pa. =halimbawa= 1.sasakyang parang ipu-ipo sa bilis 2.babaeng parang pagong sa bagal 3.lalakeng tila hari kung mag-utos 4.batang mukhang higante sa laki 5.aleng parang reyna kung mag-kumpas 2. METAPORA o pagwawangis - tiyak na paghahambing hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahabing na nakalapat sa mga pangalan,gawain,tawag o katangian ng bagay na inihahambing. =halimbawa= 1.ipu-ipong sasakyan 2.babaeng pagong 3.batang higante 4.perlas na ngipin 5.ting-ting n balerina 6.palasyong bahay 7.kutis porselana 8.paraisong lugar 3. PERSONIPIKASYON o pagtatao - Ginagamit i2 upang bigyang-buhay,pagtaglayin ng mga katangiang pantaong-tilino,gawi,kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa at pangngalang-diwa. =halimbawa= 1.tik-tak ng orasan ay nag hahabulan 2.masayang umihip ang hanging amihan 3.hayu't nagagalit ang araw sa silanga 4.ang nagtatampong aso,tingnan mo't malungkot 5.batong nagkalat sa mga lansangan ay mgasasaktan kung tinatapakan Mga Uri ng Tayutay  Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.  Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.  Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.  Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.  Pag-uulit  ** Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho. o Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay. o Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay. o Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod. o Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag- uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag. o Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.  Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.  Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.  Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.  Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.  Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.  Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.  Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.  Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di- pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.  KAHULUGAN NG PANITIKAN : • Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, relihiyon at mga karanasang nakukulayan ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag- asa, pagkamuhi, takot at pangamba. MGA IBA’T IBANG KATUTURAN NG PANITIKAN : • Ang panitikan ay ang nasusulat na tala ng
  • 10. pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao. • Ang panitikan ay pag-aaral ng kariktan at kahulugan ng buhay at pamumuhay na nagmumulat sa bayan upang paglirip-liripin ng balana ang maraming palaisipan dumarating sa buhay ng bawat nilalang. • Ang panitikan ay talaan ng buhay. • Bungang – isp na isinatitik. • Ito ay yaong nagpapahayg ng kaisipan, damdamin, panaginip at karanasan nng sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan at masining na mga pahayag. • Ito ay kabuuuan ng mga kaisipan, karanasan ng isang bansa, paniniwala, pamahiin at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang maganda at makasining na paraan. • Kathang pampanitikang nag-iiwan ng bisa sa isip at puso ng mambabasa IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN SA BUHAY NG TAO : Ang panitikan ay may dalang mahahalagang impluwensiya sa buhay, kaisipan at ugali ng tao at ito’y may dalawang kalagayan ; 1. Ito’y nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng panitikan. 2. Dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga damdamin at kaisipan, nagkakaunawaan at nagkakatulungan. Maraming ang mga akdang pampanitikan nagdadala ng malaking impluwensiya sa daigdig.Ang ilan sa mga ito’y ang mga sumusunod : 1. Banal na Kasulatan – nagiging batayan ng pananampalatayang Kristiyano 2. Koran – (Arabia) Bibliya ng mga Muslim 3. Iliad at Odyssey – ni Homer – (Gresya) –siyang kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya 4. Maha-Bharatas - (Indiya)- kasaysayan ng pananampalataya 5. Divina Comedia - ni Dante – (Italya) – nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano Iba't ibang kahulugan ng Panitikan: Ang panitikan ay nagmula sa salitang "titik", ibig sabihin ay letra. "Panitik" o pantitik na ang ibig sabihin ay ginagamit sa pagbuo ng mga titik na magkakaroon ng buhay bilang mga salitang magiging bahagi ng sistemang makabubuo sa iba't ibang anyo ng akda na maglalaman ng kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. (see http://sarisaringngiti.weebly.com/ for free Filipino reference) (ang kasaysayan ng panitikan ay nahahalintulad sa kasay sayan ng isang bagay lahi o bansa) Ang panitikan ay nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Talaan ng buhay. Nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng isang bansa na nasusulat na makahulugan, maganda at masining na paglalahad. Masasalamin ito ayon sa ideya, damdamin at isipan ng tao tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, galit, pagka-awa, paghihiganti at iba pa. Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag- ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ang panitikang Filipino ay isang uri ng panitikan na gumagamit ng wikang Filipino at inoobserbahan ang mga tamang pagbaybay, paganism as mga panache,paggamit ng tamang uri ng mga salita o masabi ang paramagnetism o ang reasonably.. Sapagkat dito natin naipapahayag ng ating mga kaisipan,saloobin,mga ideya,kahusayan,talento,diwa at maibahagi ang ating mga kaalaman. Ang panitikang Filipino ay isang uri ng panitikan na gumagamit ng wikang Filipino at inoobserbahan ang mga tamang pagbaybay,paggamit sa mga pananda,paggamit ng tamang uri ng mga salita upang maipakita o masabi ang nararamdaman o ang reaksyon.. May dalawang pangunahing anyo ang panitikan: 1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag. 2. patula o panulaan (Ingles: poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong. ------------------------------ * Mga akdang tuluyan o Alamat o Anekdota o Nobela o Pabula o Parabula o Maikling kwento
  • 11. o Dula o Sanaysay o Talambuhay o Talumpati o Balita o kwentong bayan * Mga akdang patula o Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan. + Awit at Korido + Epiko + Balad + Sawikain + Salawikain + Bugtong + Kantahin + Tanaga Another Answer: Anyo at Uri ng Panitikan 1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag. a. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. b. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao. c. Nobela o kathambuhay- isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. d. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral e. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. f. maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. g. Dula - isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. h. sanaysay - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. i. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon. j. Talumpati - isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. k. Kuwentong-bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito l. Balita -SOURCE: http://www.pinoyhenyo.com/Uri_ng_Panitikan- 20081010224915497.html
  • 12. Another Answer: ang uri ng panitikan ay.......... Tuluyan - ang mga akdang nasusulat sa normal na daloy ng mga pangungusap Pabula - kwento tungkol sa mga hayop na nagsasalita Parabula - Mga kwentong hinango sa bibliya Nobela - akdang binubuo ng mga kabanata Patula - ang mga akdang nasusulat na may himig at aliw Dula - akdang pangtanghalan Fiksyon - ang mga akdang likhang-isip Pasalaysay - tulang nagkukuwento Sanaysay- - isang uri ng akdang naglalahad. Liriko - tulang inaawit Alamat - kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay Di-fiksyon - akda hango sa tunay na pangyayari Maikling-kuwento - ito'y binubuo ng 2,500 - 5,000 salita 1. Bibliya 2. Koran 3. Iliad at Odyssey 4. Mahabharata 5. Canterbury Tales 6. Uncle Tom's Cabin 7. Devine Comedia 8. El Cid Compeador 9. Awit ni Rolando 10. Aklat ng mga Patay 11. Aklat ng Mga Araw 12. Isang Libo't Isang Gabi 13. Ang Kasayahan at Ang Kalungkutan Nakapangyayari sa Panitikan Ang Klima - Malaki ang nagagawa ng init o lamig , bagyo o unos, baha at ulan sa isipan at damdamin ng tao. Ang Hanapbuhay o Tungkulin ng mga Tao - Ang mga salita at pahayag sa panitikan ay kaugnayan ng hanapbuhay ng mga mamamayan. Ang Pook o Kinatitirhan - Ang hiyograpiya ay malaki ang nagagawang implwensiya sa isipan at damdamin ng tao. Kung ang pook na kinatitirhan ng tao ay may magagandang tanawin , mabundok, madagat, sagana sa kabukirin at mga halaman , ang mga ito ay siyang magiging laman ng panitikan ng mga taong doo'y naninirahan. Lipunan at Politika - Ang sistema ng pamahalaan, ang idelohiya at ugaling panlipunan gayon din ang kultura ng mga tao ay nasasalamin sa panitikan ng bansa. Edukasyon at Pananampalataya - Ang saklaw at laman ng panitikan ay naayon sa edukasyon at pananampalataya ng mga mamamayan. Kung busog an gang isipan , dala ng malawak na edukasyon natutuhan, ang mga ito'y mababakas sa panitikan ng lahi. Gayon din naman ang pananampalataya , itoy laging pinapaksa ng mga kilalang manunulat. Mga layunin sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino Upang matanto ang kalinangang Pilipino, ang henyo ng ating lahi at ang mga minanang yaman ng kaisipan. Upang alaming tayo'y may marangal na tradisyon katulad sa ibang lahi. Upang matalos ang mga kapintasan at kakulangan ng ating panitikan at mapag-aralang ito'y maituwid. Upang makilala ang ating mga kahusayan sa panitikan at ang mga itoy lalong mapaningning at mapayaman. Sapagkat tayo'y mga Pilipino , kailangan tayo'y magmalasakit at tumangkilik sa sariling atin