2. Hindi maiwasan ang magkaroon ng
barayti ng wika dahil sa pakikipag-
ugnayan ng tao sa kapwa tao mula
sa ibang lugar na may naiibang
kaugalian at wika.
Mula sa pag-uugnayang ito ay may
nalilinang na wikang may pagkakaiba
sa orihinal o standard na pinagmulan.
3. Ayon kay Zosky, may tinatawag
na barayti ng wika o
sublanguages na maaaring
iklasipika higit sa isang paraan.
Tulad na lamang ng kanyang
tinatawag na Idyolek, Dayalek,
Sosyolek, Register,Estilo, Moda,
Rehiyon Edukasyon at iba pa.
4. Sa pag-aaral ng barayti ng
wika, mahalagang matutunan
din ang accomodation theory ni
Howard Giles. Sa teoryang ito
pumapaloob ang linguistic
convergence at linguistic
divergence.
5. Na ang tao sa kanyang pagnanais na
makipag-ugnayan sa iba ay maaaring
gumaya o bumagay sa pagsasalita ng
kausap upang bigyang
pakikiisa,pakikilahok,
pakikipagpalagayang-loob; ang
pakikisama o kaya ay pagmamalaki sa
pagiging kabilang sa grupo.
7. Samantala, nadedebelop pa rin ang
barayti ng wika sa tinatawag na
interference phenomenon at
interlanguage.
Ang interference phenomenon ay
tumutukoy sa impluwensya sa
bigkas, leksiyon, morpolohiya
gayundin sa sintaktika sa pagkatuto
sa pangalawang wika.
8. Ang interlanguage ay tumutukoy sa
mental grammar na nabubuo ng
tao pagdating ng panahon sa
proseso ng pagkatuto niya ng
pangalawang wika. Dito, nababago
niya ang mga gamit ng gramar ng
wika sa pamamagitan ng
pagdaragdag, pagbabawas at
pagbabago ng mga alituntunin.
9. Ayon pa kay
Constantino(2002) mula kay
Eastman (1971), nahahati sa
dalawang dimensyon ang
pagkakaiba-iba ng wika: ang
heograpiko (dayalekto) at
sosyo-ekonomiko (Sosyolek)
10. Dayalekto-nagpapaliwanag ng
pagkakaiba ng wika dahil sa iba’t
iba o kalat-kalat na lokasyon ng
mga tagapagsalita ng isang wika.
Sosyolek- nagkakaroon ng ng
pagkakaiba ang wika dahil sa iba-
ibang estado ng tao sa lipunan.
11. Ayon kay Catford, ang barayti ng wika ng wika
ay may dalawang malalaking uri:
permanenteng barayti at pansamantalang
barayti.
Permanenteng barayti-binubuo ng idyolek at
dayalek.
Idyolek- ay ang katangian ng o gamit ng wika
na kaiba o pekulya sa isang indibidwal.
Dayalekto- naman nanganaghulugang
paggamit ng wika batay sa lugar,panahon
kaanyuan sa buhay.
12. 1. DAYALEK – ito ang barayti
ng wikang ginagamit ng
partikular na pangkat ng mga
tao mula sa isang partikular na
lugar ng lalawigan, rehiyon, o
bayan.
13. Tagalog sa Rizal
Tagalog sa
Teresa,Morong,
Cardona at Baras
palitaw diladila
Mongo balatong
Ate kaka
tatay tata
lola Inda,pupu, nanang
14. Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat
ng mga tao ay mayroon pa ring pansariling
paraan ng pagsasalita ang bawat isa.Ito ang
idyolek.
-lumulutang ang katangian at kakanyahang
natatangi ng taong nagsasalita.
“Magandang Gabi,Bayan” Noli De Castro
“Hindi namin kyo tatantanan” Mike Enriquez
“Anak,paki-explain.Labyu!” Donya Ina(Michael
V),
15. - barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o
antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng
mga taong gumagamit ng wika
Ayon kay Rubrico(2009), ang sosyolek ay
isang mahusay na palatandaan ng
istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang
nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng
wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa
kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo
na kanilang kinabibilangan.
16. Kabilang din sa sosyolek ang “wika ng mga
beki” o tinatawag na gay lingo.
Ito’y isang halimbawa ng grupong nais
mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan
kaya naman binabago nila ang tunog o
kahulugan ng salita.
Nabibilang din sa barayting sosyolek ang
wika ng mga “cońo” na tinatawag din
cońotic o conyospeak isang baryant ng
Taglish.
17. Isa png barayti ng sosyolek para sa
kabataang jologs, ang “jejemon o jejespeak”
Ang jejemon o jejespeak ay nakabatay rin
sa mga wikang Ingles at Filipino subalit
isinusulat nang may halo-halong numero,
mga simbolo, at may magkasamang
malalaki at maliliit na titik kaya’t mahirap
basahin o intindihin lalo na nang hindi
pamilyar sa tinatawag na jejetyping
19. Ito ay barayti ng wika mula sa mga
etnolonggwistikong grupo.
Ang salitang etnolek ay nagmula
sa pinagsamang etniko at dayalek.
Taglay nit ang pagkakakilanlan ng
isang pangkat-etniko.
20. Halimbawa’y ang sumusunod:
* ang vakkul na tumutukoy sa gamit ng mga
Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o sa ulan.
* ang bulanon na ang ibig sabihin ay full moon.
* ang kalipay na ang ibig sabihin ay tuwa o ligaya.
* ang palangga na ang ibig sabihin ay mahal o
minamahal.
21. Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop
ng isang nagsasalita ang uri ng wikang
ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
Hal.
“hindi ako makakasama, akong datung” kapag
kaibigan ang kausap pero nagiging
“Hindi ako makakasama dahil wala po akong
pera” kapag sa guro na sinasabi ang
sitwasyon.
22. Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o
tinatawag sa Ingles na “nobody’s native
language” o katutubong wika na hindi pag-
aari ninuman.
Nangyayari ito kapag may dalawang taong
nagtatangkang mag-usap subalit pareho
silang may magkaibang unang wika kaya’t
di nagkakaintindihan dahil hindi nila alam
ang wika ng isa’t isa.
23. Halimbawa’y ang nangyari nang dumayo ang mga
Espanyol sa Zamboanga at makipag-usap sila sa
mga katutubo.Dahil pareho silang walang
nalalaman sa wika ng bawat isa kaya nagkaroon
sila ng tinatawag na makeshift language.
Wala itong pormal na estruktura kaya’t ang
dalawang nag-uusap ang lumilinang ng sarili
nilang tuntunin pangwika.
Sa kaso ng mga Espanyol at
Zamboanga,nakalikha sila ng wikang may
pinaghalong Espanyol at wikang katutubo. Pidgin
ang tawag sa nabuo nilang wika
24. Kalaunan, ang wikang ito na nagsimula
bilang pidgin ay naging likas na wika o
unang wika na ng batang isinilang sa
komunidad ng pidgin.Nagamit ito sa
mahabang panahon, kaya’t nabuo ito
hanggang s amagkaroon ng pattern o
mga tuntuning sinunod na ng
karamihan.Ito ngayon ang tinatawag na
creole,ang wikang nagmula sa isang
pidgin at naging unang wika sa isang
lugar.
25. Halimbawa, ang sinimulang wika ng
mga Espanyol at wikang katutubo sa
Zamboanga ay pidgin subalit nang
maging unang wika na ito ng batang
isinilang sa lugar, nagkaroon ng sariling
tuntuning panggramatika at tinawag na
Chavacano(kung saan ang wikang
katutubo ay nahaluan na ng
impluwensya at bokubularyo ng wikang
espanyol o Katila) ito ngayon ay naging
creole
26. Punto,Accent at Dayalekto – Ang
punto ay may kaugnayan sa paraan
ng pagbigkas ng isang tao gamit ang
kanyang wika.
Mga Dayalektong Rehiyonal – Ito ay
naglalarawan ng mga identipikasyon
ng mga konsistent ng katangian ng
mga pananalitang matatagpuan sa
isang heograpikong lugar.