2. Aralin: Pagpapamalas ng Pagkamalikhain at
Pagmamalasakit sa Kapaligiran
Ngayon naman ay pag-aaralan
mo kung paano magmamalasakit sa
kapaligiran sa pamamagitan ng
pagre-recycle ng mga lumang
gamit.
5. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Lagyan mo ng smiley (😊) kung ang
gawain ay nagpapakita ng mga paraan upang magamit muli ang mga bagay
na patapon ngunit maaari pang pakinabangan at sad face (☹) kung hindi.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
______ 1. “Mommy, bakit hindi po natin gawing bulaklak itong mga
lumang papel.”
______ 2. “Tatay, lagyan po kaya natin ng mga tanim itong lumang
gulong po ng sasakyan?”
______ 3. “Bakit ayaw niyo pa po itapon yang mga plastic bottle? Kalat
lang po ang mga iyan.”
______ 4. “Ayoko ko ng mga lumang gamit dito sa bahay. Please, itapon
n’yo na po.”
______ 5. “Magandang gawin nating lalagyan ng mga lapis at krayola ang
mga latang ito.”
6. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Lagyan mo ng tsek (/) kung ang larawan ay nagpapakita ng mga
paraan upang magamit ang mga bagay na patapon ngunit maaari pang pakinabangan. Lagyan mo
naman ng ekis (X) kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
10. 1. Pangnagdaan - kung naisagawa na o natapos na
ang kilos o aksiyon.
Halimbawa:
Nagbasa si Eugene ng tula.
Naglakad si Jane nang mas mabilis.
2. Pangkasalukuyan – kung ngayon ginagawa o
nangyayari pa lamang ang isinasaad na kilos o
aksiyon. Halimbawa:
Nagbabasa si Eugene ng tula.
Naglalakad si Jane nang mas mabilis.
11. 3. Panghinaharap – kung gagawin o mangyayari pa
lamang ang kilos o aksiyon.
Halimbawa:
Magbabasa si Eugene ng tula.
Maglalakad si Jane nang mas mabilis.
12. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin ang angkop na pandiwa
sa pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
_____1. Kanina, (A. nagising, B. nagigising, C. gigising) ako dahil
sa ingay ng aso.
_____2. Kasalukuyan niyang (A. binuksan, B. binubuksan,
C. bubuksan) ang pinto ng kanilang kuwarto.
_____3. Kaarawan ko bukas kaya (A. nagluto, B. nagluluto,
C. magluluto) si Lola ng masarap na pansit.
_____4. (A. Basahin, B. Babasahin) mo ang mga panuto.
_____5. (A. Tinulungan, B. Tinutulungan) ni Analiza kahapon ang
matanda sa pagtawid sa kalye.
13. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Punan ng salitang kilos ang
patlang upang mabuo ang panuto. Isulat ang letra ng sagot sa
iyong sagutang papel.
1. _____ ng isang puno. (A. Kulayan; B. Gumuhit)
2. _____ ang bilang na 1, 2, at 3. (A. Isulat;B. Kulayan)
3. _____ ng tatlong ulit ang kanang paa. (A. Ipadyak; B. Itago)
4. _____ nang malakas ang tula. (A. Awitin; B. Basahin)
5. _____ ang palad o kamay. (A. Ibuka; B. Ipikit)
17. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat ang salitang “tama” kung ang
sumusunod na pahayag ay tama, at “mali” naman kung ito ay mali. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
_____ 1. Tuwing Brigada Eskwela, abala si Tonyo sa pakikipaglaro sa
kaniyang mga kaibigan.
_____ 2. Si Jesse naman ay masayang tumutulong sa kaniyang mga guro sa
paglilinis ng kanilang paaralan tuwing Brigada Eskwela.
_____ 3. Pumupunta si John sa paaralan tuwing Brigada Eskwela at
nakikipaglaro sa kaniyang mga kamag-aral.
_____ 4. Si Berto naman ay masigasig na nagbubunot ng damo sa paligid
ng kanilang paaralan tuwing Brigada Eskwela.
_____ 5. Mahilig namang magpulot ng natuyong dahon si Pedro sa paligid
ng kanilang paaralan tuwing Brigada Eskwela.
18. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Kopyahin at piliin sa kahon ang angkop na
salita na tutugma sa mga patlang. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Bago magsimula ang _______________, ang mga
________________ ay inaasahan na _______________ sa taunang
____________________. Ito ay sinasagawa upang mapanatili ang
___________________ ng paaralan.
19. Tandaan:
Ang Brigada Eskwela ay isa lamang sa mga
aktibidad upang mapangalagaan ang paaralan. Ang
mga mag-aaral ay inaasahang maging aktibo sa
pagtulong at paglahok sa mga aktibidad tulad nito
upang maipakita ang pagpapahalaga sa ating
paaralan.
21. Aralin: Pagkilala at Paglikha ng mga Pattern sa
Pag-compose at Pag-decompose ng Bilang Gamit
ang Pagdaragdag
Ngayon naman, ipagpatuloy mo ang pagkilala at paglikha ng
mga pattern sa pamamagitan ng pag-compose at pag-decompose
ng mga bilang gamit ang iyong natutunan sa pagdaragdag.
22.
23. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Suriing mabuti ang mga pattern na nasa
Kolum B. Tukuyin ang hindi kabilang sa equivalent expression ng bilang na
ibinigay na nasa Kolum A. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
25. Aralin: Paglalarawan at Pagtukoy ng Kasarian ng
mga Pangngalan
Pangalan
Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar o pangyayari.
26.
27. Mga Kasarian ng Pangngalan
1. Panlalaki - Ito ay pangngalang nauukol sa ngalan ng lalaki. Halimbawa:
lolo, nobyo, kuya, ginoo, kusinero, manong, ninong, hari
2. Pambabae - Ito ay pangngalang nauukol sa ngalan ng babae. Halimbawa:
lola, nobya, ate, ginang, kusinera, manang, ninang, reyna
3. Di-Tiyak - Ito ay tumutukoy sa ngalan ng babae o lalaki. Halimbawa:
guro, pinsan, anak, manlalaro, mananahi
4. Walang kasarian -Ito ay tumutukoy sa pangngalang walang buhay.
Halimbawa:
lapis, silya, plato, medalya, tungkod, mesa, baso, plato
28. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita ay
panlalaki, pambabae, di-tiyak, at walang kasarian. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
_______________________ 1. bola
_______________________6. guro
_______________________2. Ninong
_______________________7. kapatid
_______________________3. relo
_______________________8. palaruan
_______________________4. regalo
_______________________9. palengke
_______________________5. ate
_______________________10. Sabon
29. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang babala at bilugan ang nakitang mga pangngalan.
Gawain ito sa iyong sagutang papel.
30. Tandaan:
Natutunan ko na may apat
na kasarian ang ang pangalan. Ito
ay panlalaki, pambabae, di-tiyak
at walang kasarian.
33. Learning Task 1: Match the expressions in Column A with their appropriate responses
in Column B. Write the letters of your answers on your answer sheet.
Column A Column B
_____1. Good morning. A. Yes, please open it.
_____2. May I go out? B. You’re welcome.
_____3. Thank you for helping C. Good morning. me.
_____4. Would you like me to D. Yes, you may. open this for you?
34. Learning Task 2: Identify the polite response to each situation. In your notebook, write the letter of the correct
answer for each item.
__________1. Rex: Good evening, Lyka. Are you okay?
A. Lyka: Good morning, Rex. Yes, I am fine. Thank you.
B. Lyka: Good evening, Rex. Yes, I am fine. Thank you.
__________2. Carmen: I am sorry. I forgot to bring your book.
A. Elsa: It is okay. Just bring it tomorrow.
B. Elsa: Goodbye. See you tomorrow.
__________3. Belle: Anna, thank you for helping me with my assignment.
A. Anna: It is really difficult, Belle.
B. Anna: You are welcome, Belle.
__________4. John: Should I prepare the food for dinner?
A. Carlo: Yes, please. Thank you.
B. Carlo: I cannot help you.
__________5. Susan: Grace, may I tell you something?
A. Grace: Yes, you may. What is it?
B. Grace: I know that already.
36. Aralin: Polusyon sa Hangin sa Tahanan
Kapag ang hangin sa loob ay nahaluan ng usok,
alikabok at iba pang uri ng kemikal na nakasasama sa
ating kalusugan, ito ay nagreresulta sa pagdumi ng
hangin. Ang pagdumi ng hanging panloob ay tinatawag
na indoor air pollution.
37. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Suriin ang mga larawan. Piliin ang letra ng
mga bagay na nagdudulot ng polusyon sa hangin. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
38. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pagtambalin ang mga salita sa hanay A sa
larawan sa Hanay B. Isulat ang sagot sa papel.
41. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang letra ng sagot sa
papel.
________1. Saan karaniwang namumugad ang dumi at alikabok?
A. sulok ng tahanan B, mga nakatagong lalagyan
C. loob ng aparador D. loob ng palikuran
________2. Ano ang maaari nating gamitin sa paglilinis ng kalat at dumi?
A. aklat B. balde C. tubo D. walis
________3. Saan dapat ilagay ang mga basura?
A. aparador B. kuwarto C. basurahan D. mesa
________4.Ano ang iyong bubuksan para makadaloy ang hangin?
A. aircon B. bintana C. electric fan D. pintuan
________5. Alin sa sumusunod ang makakatulong upang maging malinis ang hangin sa loob ng
tahanan?
A. alikabok B. dekorasyon C. halaman D. pintura
43. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Isulat ang MK kung ito ay nagpapakita ng epekto
ng malinis na kapaligirang pantahanan. DK kung hindi. Isulat ang sagot sa papel.
_____1. Nakakapag-aral nang maayos si Tessa dahil maayos ang kaniyang
pagtulog.
_____2. Laging nadadala sa ospital ang kapatid ni Marco dahil sa hika.
_____3. Hindi nagkakasakit si Jose kaya nakakuha siya ng perfect attendance
sa klase.
_____4. Madalas inuubo si Mikaela dahil sa alikabok at dumi sa kanilang bahay.
_____5. Sabi ng doktor, malusog daw ang puso ni Ethan.
44. Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Sa sagutang papel, isulat ang numero
na nagpapakita ng epekto ng malinis na kapaligiran.
1. maluwag na paghinga 4. pagiging matamlay
2. pagkakasakit 5. maayos na pagtulog
3. malayo sa aksidente
Sagot: ______________
46. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Tukuyin ang mga gawaing-bahay na kayang gawin
ng isang batang tulad mo. Isulat sa patlang ang K kapag kaya. HK kung hindi mo
kaya.
_____1. mag-ayos ng pinaghigaan. _____4. magwalis ng sahig
_____2. magkumpuni ng sasakyan. _____5. mamalengke
_____3. magligpit ng mga laruan. _____6. maghugas ng pinggan