SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 34
Good afternoon
Grade-9 Students!
O Jesus,
through the Immaculate heart of Mary,
I offer you my prayer, works, joys, and sufferings of this day
For all the intentions of Your sacred heart in union with the Holy Sacrifice of the mass
throughout the world and the reparation for my sins,
for the intentions of all my associates and in particular, for the intensions of the Holy
father for this month.
Amen
Lesson 1
Demand
Ang demand ay ang dami ng produkto na kayang
bilhin ng konsyumer sa isang tiyak na panahon at
tiyak na presyo nito.
Masusukat ang demand ayon sa kakayahan at
kahandaan ng tao sa pagbili ng mga produkto at
serbisyo sa anumang panahon.
Ito ay maaaring sa isang taon, isang buwan, isang
linggo, o maaaring sa araw-araw.
Ang karaniwang sukatan ng demand ay batay sa
quantity demanded at presyo.
Ito ay puwedeng gamitan ng iba’t ibang instrumento
sa pag-aaral katulad ng tsart, proseso ng daloy,
pigura, talahanayan, at iba pa.
Batas ng Demand
Ayon sa batas ng demand (law of demand), kapag
ang presyo ng produkto at serbisyo ay bumababa,
tumataas ang quantity demanded.
Samantala, kapag tumataas naman ang presyo ng
produkto at serbisyo, ang quantity demanded ay
bumababa, habang ang ibang salik ay walang
pagbabago (ceteris paribus).
Demand Function
Ito ay ginagamit sa larangan ng matematika upang
maipakita ang relasyon ng dalawang variables—ang
presyo at ang dami ng produkto at serbisyo.
Sa pag-aaral ng demand, ang itinuturing na
independent variable ay ang presyo at ang
dependent variable ay ang bilang ng produkto na
nais bilhin ng konsyumer.
Demand Schedule at Demand Curve
Makikita sa talahanayan ang presyo ng bawat
tinapay at dami na maaaring bilhin ng konsyumer
kada linggo.
Ang demand schedule ay isang talahanayan na
ipinakikita ang listahan ng mga posibleng presyo
katumbas ang quantity demanded.
Sa talahanayan sa itaas, ipinakita na sa presyong
2.50 piso, ang dami na maaaring bumili ng tinapay
ay 90,000.
Kung mapapansin, habang tumataas ang presyo, ang
quantity demanded ay bumababa.
Habang tumataas ang presyo ay maaaring maghanap
ng alternatibong produkto ang konsyumer katumbas
ng tinapay.
Samantala, kung ang presyo naman ay bumababa,
tumataas ang quantity demanded ng mamimili.
Ang demand curve ay ang paglalarawan
ng demand schedule sa paggamit ng
talangguhit.
Ang presyo ay nasa patayong aksis o
y-axis at ang quantity demanded naman
ay nasa pahalang na aksis o x-axis.
Sa punto A, B, C, D, E, at F ng bawat
presyo ng tinapay ay may katumbas na
quantity demanded.
Ito ay nakagagawa ng isang curve na
tinatawag na demand curve.
Ang slope ng demand curve ay
inilalarawan ang batas ng demand.
Salik na Nakaaapekto sa Demand
Ang pagkonsumo ng tao, relasyon ng presyo at dami ng
produkto at serbisyo ay may epekto sa paggalaw ng
kurba ng demand dahil sa pagbabago ng mga salik.
1. Inaasahang pangyayari
Tuwing sumasapit ang Araw ng mga Puso, inaasahan na
ang presyo ng mga bulaklak ay tumataas.
Kung kaya’t ang mamimili ay bumibili ng mas maaga
habang hindi pa masyadong mataas ang presyo ng mga
ito.
2. Populasyon
Ang dami ng tao ay isang kadahilanan kung bakit dapat
magkaroon ng maraming produkto at serbisyo sa
pamilihan.
Likas sa mga Pilipino na kumakain ng bigas.
Habang tumataas ang bilang ng tao, karapat-dapat na
dumami rin ang bigas na inaani.
Dahil dito, ang Pilipinas ay umaangkat ng bigas sa iba’t
ibang bansa upang matugunan ang pangangailan ng
sambahayan.
3. Kita
Kung ang kita ng isang sambahayan ay sapat lamang sa
kanilang gastusin, ang mga pangunahing
pangangailangan lamang ang may karapatang mauna sa
pagkonsumo.
Ngunit kung ang kita ay tumaas dahil sa promosyon sa
trabaho o pag-angat ng negosyo, maaaring tumaas o
madagdagan ang pagkonsumo nito sa normal goods.
Kung sakaling lumiit ang kita nito dahil sa paghina ng
negosyo o trabaho, maaaring tumaas ang pagkonsumo
nito sa inferior goods.
4. Yaman
Ang dami ng yaman katulad ng bahay, lupa, stocks,
bank account, sasakyan, pautang, at iba pa ay
maaaring makaapekto sa demand.
Kung lumalaki at dumarami ang yaman ng tao,
lumalaki rin ang pagkonsumo nito sa mga produkto
at serbisyo.
5. Panlasa at kagustuhan
Iba’t iba ang panlasa at kagustuhan ng bawat tao.
Kung ang demand sa bisikleta ay dumarami, ang
bahay-kalakal ay dapat lumikha ng maraming
klaseng bisikleta ayon sa kakayahan, panlasa, at
kagustuhan ng mamimili.
6. Presyo
May mga sitwasyon na ang kagustuhan ng tao sa
isang produkto o serbisyo ay hindi na niya kayang
mabili dahil sa pagtaas ng presyo.
Ang mamimili ay maaaring mag-isip ng ibang
alternatibong produkto o serbisyo kapalit sa
naunang kagustuhan na may halos katumbas na
gamit nito.
Ito ay tinatawag na pagpili ng substitute.
Pagbabago ng Demand Curve
Ang pagbabago sa demand ay maaaring magdulot ng
pagbaba o pagtaas ng kurba nito.
Ang demand curve ay maaaring lumipat at tumaas
patungo sa kanan o bumaba patungo sa kaliwa.
Halimbawa, kung ang ibang salik ay nagbago katulad
ng karagdagan sa kita ng konsyumer o pagtaas ng
sahod, maaaring tumaas ang pagbili nito ng tinapay
dahil sa karagdagan na kita nito.
Ang paglipat pakanan ng demand curve ay dahil sa
pagtaas ng demand sa tinapay.
May mga panahon na maaaring bumaba o lumipat
pakaliwa ang demand curve kung ang ibang salik ay
magbabago.
Isang halimbawa ng pagbabagong ito ay ang pagtaas
ng substitute na produkto o kaya ay ang
pagkakaroon ng pagbabago sa panlasa at kagustuhan
ng konsyumer at iba pang dahilan na maaaring
ikababa ng dami ng pagbili ng konsyumer.
Elastisidad ng Demand
Ang elastisidad ng demand ay ang porsiyento ng
pagbabago sa dami ng quantity demanded ayon sa
pagbabago ng presyo.
Sa pag-aaral ng elastisidad, malalaman mo kung
paano tumutugon ang konsyumer mula sa pagbabago
ng presyo.
Kung titingnang muli ang halimbawa sa presyo ng
tinapay na 4.00 piso ay mayroong quantity demanded
na 50.
Samantala, kung ang presyo ay bumaba sa 3.50 piso
kada tinapay, ito ay maaaring magkaroon ng quantity
demanded na 60.
Paano masusukat ang relasyon ng pagbabago ng
dalawang variables–ang presyo at ang quanity
demanded?
Ito ay kayang kalkulahin gamit ang midpoint method.
Ang elastisidad ng demand ay depende kung ano ang
kurbada ng demand.
May tatlong uri ang elastisidad para masuri ang
demand.
1. Ed < 1 ay inelastik.
Ibig sabihin, ang quantity demanded ay hindi
madaling tumugon sa pagbago ng presyo.
Sa ganitong sitwasyon, maaaring maapektuhan ang
kita ng bahay-kalakal kung patuloy nitong ibababa
ang presyo.
Ito ay perpektong inelastik kung walang pagbabago
sa quantity demanded habang may pagbabago sa
presyo.
2. Ed > 1 ay elastik.
Ang pagbabago sa presyo ay maaaring magkaroon ng
baligtad na pagbabago sa kita.
Ang bahay-kalakal ay maaaring bumaba ang kita
habang itinataas nito ang presyo ng produkto o
serbisyo.
3. Ed = 1 ay yunit elastik.
Ang pagbabago sa presyo ay kapareho rin sa
pagbabago ng quantity demanded na walang epekto
sa kita ng bahay-kalakal.
Kung ang elastisidad ng punto C at D sa demand
curve ay mataas sa 1, ito ay elastik.
Ito ay gumagamit ng absolute value sa proseso ng
pagtutuos ng elastisidad.
Please answer all your
activities in Lesson 1.
Gawain 1
Sumulat ng repleksiyon tungkol sa paksa sa ibaba.
Paksa: Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng demand
sa pang-araw-araw na pamumuhay?
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
May God the Father bless us
May God the Son heal us
May God the Holy Spirit enlighten us
And give us eyes to see with,
Ears to hear with,
Hands to do the work of God with,
Feet to walk with and mouth to preach the word of salvation with
And may the angel of peace watch over us
And lead us at last by the Lord’s gift of the kingdom. Amen.

Weitere ähnliche Inhalte

Ähnlich wie leadership

Aralin Panlipunan 8 - Ang demand ng mga mamimili
Aralin Panlipunan 8 - Ang demand ng mga mamimiliAralin Panlipunan 8 - Ang demand ng mga mamimili
Aralin Panlipunan 8 - Ang demand ng mga mamimili
Charles Banaag
 
Price Elasticity of Demand-Group 2-Social Studies Majors-PSU Bayambang Campus
Price Elasticity of Demand-Group 2-Social Studies Majors-PSU Bayambang CampusPrice Elasticity of Demand-Group 2-Social Studies Majors-PSU Bayambang Campus
Price Elasticity of Demand-Group 2-Social Studies Majors-PSU Bayambang Campus
Joyce Bacud
 

Ähnlich wie leadership (20)

AP9-Q2-W1-2-Modyul-1.pptx
AP9-Q2-W1-2-Modyul-1.pptxAP9-Q2-W1-2-Modyul-1.pptx
AP9-Q2-W1-2-Modyul-1.pptx
 
Aralin 8 ang demand at ang mamimili
Aralin 8 ang demand at ang mamimiliAralin 8 ang demand at ang mamimili
Aralin 8 ang demand at ang mamimili
 
Presentation aralin
Presentation aralinPresentation aralin
Presentation aralin
 
Aralin 1 - Demand
Aralin 1 - DemandAralin 1 - Demand
Aralin 1 - Demand
 
Konsepto ng demand
Konsepto ng demandKonsepto ng demand
Konsepto ng demand
 
carl presentation.pptx
carl presentation.pptxcarl presentation.pptx
carl presentation.pptx
 
DEMAND.pptx
DEMAND.pptxDEMAND.pptx
DEMAND.pptx
 
Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10.
Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10. Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10.
Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10.
 
Aralin 11 AP 10
Aralin 11 AP 10Aralin 11 AP 10
Aralin 11 AP 10
 
Ekonomiks tg part 4 (2)
Ekonomiks tg part 4 (2)Ekonomiks tg part 4 (2)
Ekonomiks tg part 4 (2)
 
Ekonomiks Teaching Guide Part 4
Ekonomiks Teaching Guide Part 4Ekonomiks Teaching Guide Part 4
Ekonomiks Teaching Guide Part 4
 
Konsepto ng Demand.pptx
Konsepto ng Demand.pptxKonsepto ng Demand.pptx
Konsepto ng Demand.pptx
 
Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
Mga Salik na Nakaaapekto sa DemandMga Salik na Nakaaapekto sa Demand
Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
 
Demand_PT9_2.pptx
Demand_PT9_2.pptxDemand_PT9_2.pptx
Demand_PT9_2.pptx
 
AP9Q2W1-2_KONSEPTO_NG_DEMAND_(1).pptx
AP9Q2W1-2_KONSEPTO_NG_DEMAND_(1).pptxAP9Q2W1-2_KONSEPTO_NG_DEMAND_(1).pptx
AP9Q2W1-2_KONSEPTO_NG_DEMAND_(1).pptx
 
DEMAND.pptx
DEMAND.pptxDEMAND.pptx
DEMAND.pptx
 
Aralin-1 Demand at Mamimili
Aralin-1 Demand at MamimiliAralin-1 Demand at Mamimili
Aralin-1 Demand at Mamimili
 
Aralin Panlipunan 8 - Ang demand ng mga mamimili
Aralin Panlipunan 8 - Ang demand ng mga mamimiliAralin Panlipunan 8 - Ang demand ng mga mamimili
Aralin Panlipunan 8 - Ang demand ng mga mamimili
 
Price Elasticity of Demand-Group 2-Social Studies Majors-PSU Bayambang Campus
Price Elasticity of Demand-Group 2-Social Studies Majors-PSU Bayambang CampusPrice Elasticity of Demand-Group 2-Social Studies Majors-PSU Bayambang Campus
Price Elasticity of Demand-Group 2-Social Studies Majors-PSU Bayambang Campus
 
Ekonomics 10 Yunit 2
Ekonomics 10 Yunit 2Ekonomics 10 Yunit 2
Ekonomics 10 Yunit 2
 

Mehr von RaymartGallo4 (16)

drop-off.docx
drop-off.docxdrop-off.docx
drop-off.docx
 
history.docx
history.docxhistory.docx
history.docx
 
Poem Reci
Poem ReciPoem Reci
Poem Reci
 
BUWAN-NG-WIKA
BUWAN-NG-WIKABUWAN-NG-WIKA
BUWAN-NG-WIKA
 
lead.pptx
lead.pptxlead.pptx
lead.pptx
 
lead.pptx
lead.pptxlead.pptx
lead.pptx
 
power.docx
power.docxpower.docx
power.docx
 
leadership
leadershipleadership
leadership
 
travel and lifestyle
travel and lifestyletravel and lifestyle
travel and lifestyle
 
Politics
PoliticsPolitics
Politics
 
Politics
PoliticsPolitics
Politics
 
Politics
PoliticsPolitics
Politics
 
psychology
psychologypsychology
psychology
 
Jan Daniel Mendez-Grade 9-St.-Vincent Ferrer-Poem-writing.docx
Jan Daniel Mendez-Grade 9-St.-Vincent Ferrer-Poem-writing.docxJan Daniel Mendez-Grade 9-St.-Vincent Ferrer-Poem-writing.docx
Jan Daniel Mendez-Grade 9-St.-Vincent Ferrer-Poem-writing.docx
 
LIBRARY .docx
LIBRARY .docxLIBRARY .docx
LIBRARY .docx
 
BOOK FACE SCORE-SHEET.docx
BOOK FACE SCORE-SHEET.docxBOOK FACE SCORE-SHEET.docx
BOOK FACE SCORE-SHEET.docx
 

leadership

  • 2. O Jesus, through the Immaculate heart of Mary, I offer you my prayer, works, joys, and sufferings of this day For all the intentions of Your sacred heart in union with the Holy Sacrifice of the mass throughout the world and the reparation for my sins, for the intentions of all my associates and in particular, for the intensions of the Holy father for this month. Amen
  • 4. Ang demand ay ang dami ng produkto na kayang bilhin ng konsyumer sa isang tiyak na panahon at tiyak na presyo nito. Masusukat ang demand ayon sa kakayahan at kahandaan ng tao sa pagbili ng mga produkto at serbisyo sa anumang panahon. Ito ay maaaring sa isang taon, isang buwan, isang linggo, o maaaring sa araw-araw.
  • 5. Ang karaniwang sukatan ng demand ay batay sa quantity demanded at presyo. Ito ay puwedeng gamitan ng iba’t ibang instrumento sa pag-aaral katulad ng tsart, proseso ng daloy, pigura, talahanayan, at iba pa.
  • 6. Batas ng Demand Ayon sa batas ng demand (law of demand), kapag ang presyo ng produkto at serbisyo ay bumababa, tumataas ang quantity demanded. Samantala, kapag tumataas naman ang presyo ng produkto at serbisyo, ang quantity demanded ay bumababa, habang ang ibang salik ay walang pagbabago (ceteris paribus).
  • 7. Demand Function Ito ay ginagamit sa larangan ng matematika upang maipakita ang relasyon ng dalawang variables—ang presyo at ang dami ng produkto at serbisyo. Sa pag-aaral ng demand, ang itinuturing na independent variable ay ang presyo at ang dependent variable ay ang bilang ng produkto na nais bilhin ng konsyumer.
  • 8. Demand Schedule at Demand Curve Makikita sa talahanayan ang presyo ng bawat tinapay at dami na maaaring bilhin ng konsyumer kada linggo.
  • 9. Ang demand schedule ay isang talahanayan na ipinakikita ang listahan ng mga posibleng presyo katumbas ang quantity demanded. Sa talahanayan sa itaas, ipinakita na sa presyong 2.50 piso, ang dami na maaaring bumili ng tinapay ay 90,000. Kung mapapansin, habang tumataas ang presyo, ang quantity demanded ay bumababa.
  • 10. Habang tumataas ang presyo ay maaaring maghanap ng alternatibong produkto ang konsyumer katumbas ng tinapay. Samantala, kung ang presyo naman ay bumababa, tumataas ang quantity demanded ng mamimili.
  • 11.
  • 12. Ang demand curve ay ang paglalarawan ng demand schedule sa paggamit ng talangguhit. Ang presyo ay nasa patayong aksis o y-axis at ang quantity demanded naman ay nasa pahalang na aksis o x-axis.
  • 13. Sa punto A, B, C, D, E, at F ng bawat presyo ng tinapay ay may katumbas na quantity demanded. Ito ay nakagagawa ng isang curve na tinatawag na demand curve. Ang slope ng demand curve ay inilalarawan ang batas ng demand.
  • 14. Salik na Nakaaapekto sa Demand Ang pagkonsumo ng tao, relasyon ng presyo at dami ng produkto at serbisyo ay may epekto sa paggalaw ng kurba ng demand dahil sa pagbabago ng mga salik. 1. Inaasahang pangyayari Tuwing sumasapit ang Araw ng mga Puso, inaasahan na ang presyo ng mga bulaklak ay tumataas. Kung kaya’t ang mamimili ay bumibili ng mas maaga habang hindi pa masyadong mataas ang presyo ng mga ito.
  • 15. 2. Populasyon Ang dami ng tao ay isang kadahilanan kung bakit dapat magkaroon ng maraming produkto at serbisyo sa pamilihan. Likas sa mga Pilipino na kumakain ng bigas. Habang tumataas ang bilang ng tao, karapat-dapat na dumami rin ang bigas na inaani. Dahil dito, ang Pilipinas ay umaangkat ng bigas sa iba’t ibang bansa upang matugunan ang pangangailan ng sambahayan.
  • 16. 3. Kita Kung ang kita ng isang sambahayan ay sapat lamang sa kanilang gastusin, ang mga pangunahing pangangailangan lamang ang may karapatang mauna sa pagkonsumo. Ngunit kung ang kita ay tumaas dahil sa promosyon sa trabaho o pag-angat ng negosyo, maaaring tumaas o madagdagan ang pagkonsumo nito sa normal goods. Kung sakaling lumiit ang kita nito dahil sa paghina ng negosyo o trabaho, maaaring tumaas ang pagkonsumo nito sa inferior goods.
  • 17. 4. Yaman Ang dami ng yaman katulad ng bahay, lupa, stocks, bank account, sasakyan, pautang, at iba pa ay maaaring makaapekto sa demand. Kung lumalaki at dumarami ang yaman ng tao, lumalaki rin ang pagkonsumo nito sa mga produkto at serbisyo.
  • 18. 5. Panlasa at kagustuhan Iba’t iba ang panlasa at kagustuhan ng bawat tao. Kung ang demand sa bisikleta ay dumarami, ang bahay-kalakal ay dapat lumikha ng maraming klaseng bisikleta ayon sa kakayahan, panlasa, at kagustuhan ng mamimili.
  • 19. 6. Presyo May mga sitwasyon na ang kagustuhan ng tao sa isang produkto o serbisyo ay hindi na niya kayang mabili dahil sa pagtaas ng presyo. Ang mamimili ay maaaring mag-isip ng ibang alternatibong produkto o serbisyo kapalit sa naunang kagustuhan na may halos katumbas na gamit nito. Ito ay tinatawag na pagpili ng substitute.
  • 20. Pagbabago ng Demand Curve Ang pagbabago sa demand ay maaaring magdulot ng pagbaba o pagtaas ng kurba nito. Ang demand curve ay maaaring lumipat at tumaas patungo sa kanan o bumaba patungo sa kaliwa. Halimbawa, kung ang ibang salik ay nagbago katulad ng karagdagan sa kita ng konsyumer o pagtaas ng sahod, maaaring tumaas ang pagbili nito ng tinapay dahil sa karagdagan na kita nito. Ang paglipat pakanan ng demand curve ay dahil sa pagtaas ng demand sa tinapay.
  • 21.
  • 22. May mga panahon na maaaring bumaba o lumipat pakaliwa ang demand curve kung ang ibang salik ay magbabago. Isang halimbawa ng pagbabagong ito ay ang pagtaas ng substitute na produkto o kaya ay ang pagkakaroon ng pagbabago sa panlasa at kagustuhan ng konsyumer at iba pang dahilan na maaaring ikababa ng dami ng pagbili ng konsyumer.
  • 23.
  • 24. Elastisidad ng Demand Ang elastisidad ng demand ay ang porsiyento ng pagbabago sa dami ng quantity demanded ayon sa pagbabago ng presyo. Sa pag-aaral ng elastisidad, malalaman mo kung paano tumutugon ang konsyumer mula sa pagbabago ng presyo.
  • 25. Kung titingnang muli ang halimbawa sa presyo ng tinapay na 4.00 piso ay mayroong quantity demanded na 50. Samantala, kung ang presyo ay bumaba sa 3.50 piso kada tinapay, ito ay maaaring magkaroon ng quantity demanded na 60. Paano masusukat ang relasyon ng pagbabago ng dalawang variables–ang presyo at ang quanity demanded? Ito ay kayang kalkulahin gamit ang midpoint method.
  • 26. Ang elastisidad ng demand ay depende kung ano ang kurbada ng demand.
  • 27. May tatlong uri ang elastisidad para masuri ang demand. 1. Ed < 1 ay inelastik. Ibig sabihin, ang quantity demanded ay hindi madaling tumugon sa pagbago ng presyo. Sa ganitong sitwasyon, maaaring maapektuhan ang kita ng bahay-kalakal kung patuloy nitong ibababa ang presyo. Ito ay perpektong inelastik kung walang pagbabago sa quantity demanded habang may pagbabago sa presyo.
  • 28.
  • 29. 2. Ed > 1 ay elastik. Ang pagbabago sa presyo ay maaaring magkaroon ng baligtad na pagbabago sa kita. Ang bahay-kalakal ay maaaring bumaba ang kita habang itinataas nito ang presyo ng produkto o serbisyo.
  • 30. 3. Ed = 1 ay yunit elastik. Ang pagbabago sa presyo ay kapareho rin sa pagbabago ng quantity demanded na walang epekto sa kita ng bahay-kalakal. Kung ang elastisidad ng punto C at D sa demand curve ay mataas sa 1, ito ay elastik. Ito ay gumagamit ng absolute value sa proseso ng pagtutuos ng elastisidad.
  • 31. Please answer all your activities in Lesson 1.
  • 32. Gawain 1 Sumulat ng repleksiyon tungkol sa paksa sa ibaba. Paksa: Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng demand sa pang-araw-araw na pamumuhay? _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________
  • 33.
  • 34. May God the Father bless us May God the Son heal us May God the Holy Spirit enlighten us And give us eyes to see with, Ears to hear with, Hands to do the work of God with, Feet to walk with and mouth to preach the word of salvation with And may the angel of peace watch over us And lead us at last by the Lord’s gift of the kingdom. Amen.