Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
1. Matutunan ang mga Barayti ng Wika.
2. Malilinang ang kakayahan sa pag alam ng mga
barayti ng wika.
3. Magagamit ang natutunan sa paglinang
konseptong pangwika.
4. Nabibigyang halaga ang pagkakaroon ng barayti
ng wika.
Gawain 1: Ano ang sasabihin mo?
Lunes ng umaga, tulad ng dati,
maraming tao kang
makakasalubong at
makakausap. Paano mo sila
kakausapin o babatiin?
1. Sa kaibigan mong coño o sosyal.
2. Sa isa sa mga guro mo.
3. Sa kaibigan mong “beki” o bakla.
4. Sa kaibigan mong jejejemon.
5. Sa lolo mong kagagaling lang sa
probinsiya ninyo.
Barayti ng Wika
RYJIE D. MUÑEZ
Teacher I
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino-Baitang 11 (SHS)
1. DAYALEK
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng
particular na pangkat ng mga tao mula sa
isang particular na lugar o lalawigan, rehiyon,
o bayan.
Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang
wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit na
iiba ang punto o tono.
Halimbawa:
TAGALOG CEBUANO WARAY KAPAMPANGAN HILIGAYNON
ngiti pahiyom hiyum timan yuhom
umaga sa buntag aga abok aga
tanghali udto adaw ugtunaldo udto
Mabango Hamot nga mahumot mabanglu maamyan
TAGALOG SA RIZAL TAGALOG SA IBANG PARTE NG BATAAN
Palitaw Diladila
Biik Kulig
Hikaw Panahinga
2. IDYOLEK
Nagmula ang salitang idyolek sa mga salitang
Greek na ‘idio’ na ang ibig sabihin ay “pansarili
o kakaiba,” at ‘lect’ ang ibig sabihin ay
“pagkakaiba ng wika.” Ayon sa mga
linggiwistiko, wala raw kasing dalawang tao ang
may eksaktong paraan ng pananalita, maging
sa mga pangkat ng salitang ginagmit nito.
3. SOSYOLEK
Ito naman ang barayti ng wika na nakabatay sa katayuan o
antas panlipunan o dimensioyng soyal ng mga taong
gumagamit ng wika.
Kapansin pansin ang mga tao ay napapangkat-pangkat batay
sa ilang katangian tulad ng :
o Kalagayang Panlipunan
o Paniniwala
o Kasarian
o Edad at iba pa.
May pagkakaiba ang barayti:
Nakapag-aral vs. Hindi nakapag-aral
Matatanda vs. Kabataan
Maykaya vs. Mahihirap
Babae vs. lalaki o di kaya’y sa bakla
Wika ng Preso
Wika ng Tindera sa Palengke
Wika ng mga Beki o Gay Linggo
ito’y isang halimbawa ng grupong nais mapanatili
ang kanilang pagkakakilalan
Halimbawa:
• Churchill (Para sa Sosyal)
• Indiana Jones (Nang-indyan o di sumipot)
• Bigalou (Malaki)
• Givenchy (Pahingi)
• Juli Andrews (Nahuli)
Coñotic o Conyospeak
Isa itong baryant ng Taglish, may mga
salitang Ingles na inihahalo sa Filipino
kaya masasabi nating may code
switching na nangyayari.
10 CONYO-MANDMENTS
1. Thou shall make gamit “make+pandiwa”.
ex. “Let’s make pasok na to our class!”
“Wait lang! I’m making kain pa!”
“Come on na, we can’t make hintay anymore! It’s in Andrew pa, you know?”
2. Thou shall make kalat “noh”, “diba” and “eh” in your pangungusap.
ex. “I don’t like to make lakad in the baha nga, no? Eh diba it’s like, so eew, diba?”
“What ba: stop nga being maarte noh?”
“Eh as if you want naman also, diba?”
3. When making describe a whatever, always say “It’s SO pang-uri!”
ex. “It’s so malaki, you know, and so mainit!”
“I know right? So sarap nga, eh!”
“You’re making me inggit naman.. I’ll make bili nga my own burger.”
4. When you are lalaki, make parang punctuation “dude”, ‘tsong” or “pare”
ex. “Dude, Physics is so hirap, pare.”
“I know, tsong, I got bagsak nga in quiz one, eh”
5. Thou shall know you know? I know right!
ex. “My bag is so bigat today, you know”
“I know, right! We have to make dala pa kasi the jumbo
Physics book eh!”
6. Make gawa the plural of pangngalans like in English or
Spanish.
ex. “I have so many tigyawats, oh!”
7. Like, when you can make kaya, always use like. Like, I know
right?
ex. “Like, it’s so init naman!”
“Yah! The aircon, it’s, like sira!”
8. Make yourself feel so galing by translating the last word of your
sentence, you know, your pangungusap?
ex. “Kakainis naman in the LRT! How plenty tao, you know,
people?”
“It’s so tight nga there, eh, you know, masikip?”
9.Make gamit of plenty abbreviations, you know, daglat?”
ex. “Like, OMG! It’s like traffic sa LRT”
“I know right? It’s so kaka!”
“Kaka?”
“Kakaasar!”
10. Make gamit the pinakamaarte voice and pronunciation you have
para full effect!
ex. “I’m, like, making aral at the Arrhneo!”
“Me naman, I’m from Lazzahl!”
4. ETNOLEK
-Ito ay barayti ng wika mula sa mga
etnolongguwistikong grupo. Ang
saliamng etnolek ay nagmula sa
pinagsamang etniko at Dialek .Taglay
nito ang mga salitang nagiging bahagi
na ng pagkakalilanlan ng isang pangkat-
etniko.
27
Halimbawa:
1.) Tohan – tawag sa Diyos (Maranao)
2.) Tekaw – nabigla o nagulat (Maranao)
3.) Solutan – Sultan (Maranao)
4.) Tepad – baba ka ng sasakyan (Maranao)
5.) Munsala – tawag sa sayaw (Ifugao)
6.) Mohana – Salamat (Ifugao)
7.) Marikit – maganda (Ifugao)
8.) Oha – isa (Ifugao)
9.) Kadal Herayo – Sayaw ng kasal (Kalinga, Apayao)
10.) Kadaw la Sambad – Diyos ng mga araw (T’boli
5. REGISTER
-ito ang barayti ng wika kung saan
naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri
ng ng wikang ginagamit niya sa
sitwasyon at sa kausap.
Pormal
Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na
tono ng pananalita kung ang kausap niya
ay isang taong may mas mataas na
katungkulan o kapangyarihan,
nakatatanda, o hindi niya masyadong
kakilala.
Di-Pormal
Na paraan ng pagsasalita ay nagagamit
naman kapag ang kausap ay mga
kaibigan , malalapit na kapamilya,mga
kaklase o mga kasing-edad at matatagal
nang kakilala.
Halimbawa:
• Hindi ako makakasama, wala akong
datung. (Di-Pormal)
• Hindi ako makakasama dahil wala
akong pera (Pormal).
Jargon
Ang jargon ay lupon ng mga salita na
karaniwang naririnig lamang sa isang
eksklusibong grupo. Ito ay mga salitang
teknikal na hindi madaling maunawaan ng
mga nkararami, depende na lamang kung siya
ay pamilyar o bahagi sa larangan ng grupo..
6. PIDGEN AT CREOLE
Pidgin ang tawag sa umusbong na bagong wika o
tinatawag sa Ingles na “nobody’s native
language” o katutubong wika na di pag- aari
ninuman.
Nangyari kapag may dalawang taong nakikipag-
usap subalit pareho silang may magkaibang
unang wika kaya’t ‘di magkaintindihan dahil hindi
nila alam ang wika ng isa’t- isa.
Creole naman ang tawag sa wikang
nagmula sa isang pidgin at naging unang
wika ng mga batang isinilang sa komunidad
kapag ito’y nabuo hanggang sa magkaroon
ng pattern o mga tuntuning sinusunod ng
karamihan.
Halimbawa nito ang Chavacano ng Zamboanga:
Donde tu hay anda?
Kastila: ¿A dónde vas?
(‘Saan ka pupunta?’)
Ya mirá yo con José.
Kastila: Yo vi a José.
(‘Nakita ko si José.’)
Ya empezá ele buscá que buscá entero lugar con el sal.
Kastila: El/Ella empezó a buscar la sal en todas partes.
(‘Nagsimula siyang maghanap sa lahat ng dako para sa asin.’)
PAGPAPALAWIG
1. Ano-anong salik ang pinagmulan ng pagkakaiba o ng mga
barayti ng wika?
2. Paano mo mailarawan ang iyong idyolek? Paano naiiba
ang paraan mo ng pagsasalita sa iba pang taong nagsasalita
rin ng wikang ginagamit mo?
3. Bilang isang Pilipino, paano mo mabibigyang halaga ang
pagkakaroon ng barayti ng wika