Mga Alituntunin:
1. Maging handa sa klase dumalo sa tamang oras, mag sout ng
maayos na kasuotan.
2. Humanap ng tahimik na lugar sa inyong tahanan.
3. Panatilihin na nakasarago ang microphone at nakabukas
naman ang inyong camera.
4. Humingi ng pahintulot sa teacher kung gusto itong magsalita.
5. Maging magalang
Pagpili at
Pagdedesisyon
1.Alin sa mga
Gawain ang nais
mong gawain?
Bakit?
2. Bakit kailangan
pumili ang tao sa
mga gawain na
gusto niyang
gawin?
MGA LAYUNIN:
Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-
aaral.
Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya
at ng lipunan.
Nakakagawa ng matalinong pagpapasya at pagdedesisyon bilang isang mag-aaral.
EKONOMIKS
Ito ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang
kakapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman
Ang salitang ito ay hango sa salitang Griyego na Oikonomia na “nangangasiwa ng sambahayan”
Oikos- Bahay Nomos- Pamamahala
Ekonomiks at Sambahayan
Sambahayan- tulad ng Lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga
desisyon.
Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gaain at nagpapasya kung paano hahatiin
ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan.
Mga Konsepto ng Ekonomiks
1) TRADE-OFF-
Ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
Mga Konsepto ng Ekonomiks
2. OPPORTUNITY COST-
◦ Tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa
bawa paggawa ng desisyon
Mga Konsepto ng Ekonomiks
3. INCENTIVES-
◦ Isang bagay na aalok sa iyo upang magpursiging makamit ang isang bagay.
Mga Konsepto ng Ekonomiks
4. MARGINAL THINKING-
Pagsusuri ng isang indibidwal sa karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na
makukuha mula sa gagawing desisyon.
MGA GAWAIN (ACTIVITIES)
Gumawa ng Pie chart ng inyong baon sa Isang lingo. Sa isang papel ay isusulat niyo ang inyong
pagsusuri kung paano kayo gumastos.
Ikumpara ang pie chart sa iyong kapares.
40
10
30
20
Baon sa isang Lingo
food
savings
Load
Others
PAUNLARIN (ANALYSIS)
1. Magkano ang baon mo sa isang lingo?
2. Ano ang pinakamalaki mong pinaglalaanan ng baon?
3. Masinop ka bang gumastos?
4. Saan nagkakapareho at nagkakaiba ang inyong sagot kumpara sa iyong kamag-aral>
5. Sa iyong palagay na gastos mo ba ng maayos ang iyong baon?
6. Paano mo maipapakita ang paggawa ng matalinong desisyon sa buhay?
PAGHIHINUHA (ABSTRACTION)
Ilalahad ang iba’t-ibang mahalagang konsepto sa Ekonomiks. Sasagutin ng mga mag-aaral ang
mga katanungan na nasa ibaba:
1. Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa iyong pang-arawa-arawa na pamumuhay bilang isang
mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan?
2. Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng maraming sitwasyon at kailangan
mong pumili? Ipaliwanag
3. Paano mo magagamit ang ekonomiks sa iyong buhay?
Magbigay ng isang sitwasyon kung saan magiging
mahalaga ang paggamit ng kaalaman sa ekonomiks?
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Nanggaling ang salitang Ekonomiks mula sa dalawang salitang Griyego na
oikos at nomos. Nangangahulugan ang oikos na bahay samantalang ang
nomos ay:
a) Kusina
b) Pamamahala
c) Pamamahagi
d) Paggastos
2. Sa halip na maglaro sa parke, pinili ni Luke na mag-aral para sa nalalapit na pagsusulit. Alin sa
mga konsepto ng Ekonomiks ang kumakatawan sa paglalaro?
a) Trade Off
b) Marginal Thinking
c) Opportunity Cost
d) Incentives
3. Lahat ng tao, mahirap o mayaman, bata o matanda, ay itinuturing na mamimili sapagkat?
a) Lahat ay may pera
b) Lahat may pangangailangan
c) Lahat ay kumukonsumo ng mga produkto at serbisyo
d) Lahay ay may karapatan at pananagutan sa pamilihan
4. Tumutuloy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handang
ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
a) Trade Off
b) Marginal Thinking
c) Opportunity Cost
d) Incentives
5. Pagsusuri ng isang indibidwal sa karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang
na makukuha mula sa gagawing desisyon.
a) Trade Off
b) Marginal Thinking
c) Opportunity Cost
d) Incentives