1. ANG AKING TALAMBUHAY
akda ni: olegario d. toledana
Ako si Olegario Diaz Toledana, labing siyam na taong gulang, nag-aaral sa
unibersidad sa Tinambac na “Partido State University“ ang pangalan. Ako ay anak
nina Ginoong Graciano Agustin Tolenada at Ginang Gloria Diaz Tolenada. Kung
mapapansin ninyo na may pagkakaiba ang aking apilyedo sa mga magulang ko, dahil
yan sa maling pagkaka patala ng nag pa anak sa nanay ko. Pinagawan sana nang
aking tatay ng affidavit subalit di naman pala nakarating sa NSO kung kaya
hanggang ngayun ay Toledana ang ginagamit ko.
Ako nga pala ay isang binabaing lumaki sa Brgy. Magtang. Lumaking malusog,
masipag at mapagmahal na anak. Mula ng ako ay tumungtong ng unang baitang
hangang ikalimang baitang sa mababang paaralan,hindi ako naaalis sa listahan ng
magagaling sa klase subalit ng ako ay tumungtung ng ika-anim na baitang ay hindi
ako pinalad na makasali sapagkat mahuhusay rin ang aking mga nakatunggali pero
kahit ganon masaya parin ako sapagkat nakapagtapus ako at nakuha ko naman ang
aking Diploma.
Nang ako ay tumungtong ng High School maraming nagbago sa buhay ko hindi na ako
masyadong nag-aaral sa bahay namin , biglang gumuho ang mundo ko, maraming
nagsabi na dahil lang ito sa mga problemang tinatamasa ng aming pamilya , marami
ring nag sabi na dahil ito sa pang-iibang bayan ng dalawa kong kapatid na
lalaki, lahat ng gawain ng mga ito sa bahay namin ay naipasa sa akin lalo pa
noong manganak ang panganay naming kaptid at ang aming butihing Ina.
Pero lahat nang “yun ay malayong-malayo sa dahilan ko, sapagkat ang dahilan ng
kawalan kong Interes sa pag-aaral ay mula ng aking makilala si Jesus Emmanuel
Amaro Jr. III. Si Amaro ay isang matipunong lalaki na nakilala ko sa unang
baitang ko sa mataas na paaralan. Nang malaman ito ng karamihan, marami ang
nagulat at nag sabing “bakit ka nag kaganyan?anu ang nangyari sayo?““. Kahit ako
ay hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito ,simula noon halos lahat ng
tao sa paligid ko ay tinutukso ako pero para sa akin hindi ako nasasaktan sa mga
sinasabi ng ibang tao , masmasakit kasi sa akin kapag tinutukso ng mga kaklasi
namin si Amaro na may sayad sa pag-iisip. Napansin ko rin naman iyon at “yon rin
ang nagtulak sa akin upang muling bumangon, sa pagkat napansin kong hindi
masyadong interisado si Amaro sa pag-aaral. Pero sabi ko kung mag-aaral ako at
kapag naka pasa ako ibigsabihin hindi ko na makakasama pa ang iniirog ko kahit
kailan, kaya naman ang lahat ng nalalaman ko sa paksa ay pinapaalam ko sa kanya,
nang sa gan“on lagi kaming mag kasama, pasa ako pasa rin ang mahal ko.
Ngunit ng ako ay mag iika-dalawang baitang na sa mataas na paaralan ay may hindi
inaasahang pangyayari ang naganap sa buhay ko. Nagkasakit ang aking lolo sa
balat, o skin disease kung tawagin, kaya kinailangan itong idala sa Ospital.
Mahal na mahal ko ang lolo ko,kaya hindi ako pumayag na hindi sumama, sapagkat
mula pa nang ako“y bata pa lamang ay ito na ang lagi kong kasakasama sa
pamamasyal. Nanatili kami sa BICOL MEDICAL CENTER o BMC sa NAGA ng mahigit
dalawang buwan.
Habang ako ay nasa ospital, iniisip ko lagi-lagi,araw-araw kahit sa oras ng
pagtulog ko kung pumasok ba si Amaro, anu na kayang ginagawa niya?, na susondan
kaya niya ang mga aralin?. At dahil d“yan hinangad ko noon na sana hindi siya
pumasok ,sana bumagsak siya para umulit s“ya ng 2nd year.
Lumabas kami noon sa buwan nang Agosto,ngunit hindi parin tumigil ang pahirap ng
tadhana sa buhay ko, lumala uli ang sakit ng lolo ko at hindi tumagal namatay
rin ito. Pagkatapos ng pagluksa si Amaro parin ang nasa isip ko. Dumating pa ang
panahon na ako naman ang nagkasakit. Nagka dingue ako,blood infection, at olser
sa bitoka. Akala ko noon wakas na ng buhay ko, hindi ko na makikita pa ang
pinakamamahal ko.
Lumipas ang mga buwan,dumating muli ang araw ng pasukan, hindi ko ito
pinalagpas. Agad akong nagpalista. Sa pagpasok ko, aking nakasama ang tatlo kong
2. dating kamag-aral. Ngunit kahit pa nakasama ko sila, hindi parin nabuo ang
kasiyahan sa buhay ko, dahil sa paglipas ng isang buwan ay hindi ko nasilayan
ang mukha ng aking sinisinta. Ngunit isang araw, araw ng eleksyon ng SSG member
sa paaralang Gregorio Ocampo Bercasio Memorial High School, nakikinig kami ng
meeting de avanse ng mga kandidato, nang bigla akong kabigin ng kamag-aral kong
si Eden at pilit akong pinapatingin sa isang lalaking naka puti na kausap ng isa
naming guro. Bigla akong natulala at halos lumundag sa tuwa ang puso ko nang
masilayan ang lalaki at malamang ang pinapantasyahan ko ay muling nag balik.
Biglang napuno uli ng kasiyahan ang buhay ko, lalo pa nang aking malamang kamag-
aral ko ito. Mas lalo pa akong kinikig nang kausapin ako nito at sinabihan akong
namis daw niya ako. Ngunit nang panahon na iyon ay nagsimula na namang kumontra
sa akin ang tadhana. Natukso si Amaro sa dalagang nag ngangalang Rizza Danabar
na kamag-aral pa namin at kaibigan ko rin. Nagsama ang dalawa ng limang buwan,
inaamin ko na nasaktan ako pero ako ay nagparaya, dahil alam ko naman na hindi
ako kailan man mamahalin ni Amaro.
Hinayaan kong magsama ang dalawa, hindi nagtagal nag hiwalay rin sila. Lumipas
ang mga araw, dumating ang araw ng pagtatapos. Umalis si Amaro, pumunta ng
Cavite. Wala akong magawa sa bahay kung kaya ay nag hanap ako ng
mapaglilibangang trabaho sa Sentro ng Tinambac at doon ko nakilala si Bb. Charie
Din, isang binabae na may katungkulan sa Munisipyo. Kinuha niya ako bilang
katulong niya sa Cultural office, nag enjoy ako doon pero kahit ganun ay hindi
ko parin nakakalimutan si Amaro. Lagi ko itong tiniteks at tinatawagan.
Habang nasa trabaho ako nakilala ko ang ilang kalalakihan. Muntik na akong tukso
sa isa sa mga kalalakihan, ngunit nasa isip ko parin si Amaro. Isang gabi
kinausap ako ni Bb. Din at sinabihan akong s’ya na ang mag papa-aral sa akin sa
Don Servillano Platon National High School. Ngunit hindi ako pumayag dahil
iniisip ko na kapag pumayag ako ay hindi ko na makikita pa si Amaro kahit
kailan.
Matapos ang limang buwan umuwi ako sa Brgy. Magtang dahil malapit na naman ang
pasukan, eksayted na akong pumasok uli at muling makita ang aking Prince
Charming. At hindi ako nagkamali sa aking desisyon, ngunit hindi sana kami
magiging magkaklase ni Amaro dahil magkahiwalay kami ng klase, buti na lang
lumipat ito kung saan ako naroon at sa panahong iyon ay nasa ikatlong baitang na
kami sa mataas na paaralan. At masayang nagsasama at nag-aaral.
Ang akala ko malaya ko nang makakasama ang mahal ko, pero hindi pala. Nakasama
namin muli si Rizza, nalaman ko din na mahal parin ito ng mahal ko, at balak
nitong magkabalikan sila ni Rizza. Masakit man sa loob ko, pero nag desisyon
akong palayain na ang sarili ko mula sa kadilimang tinatamasa, sa mundo ng pag-
ibig. Naisip kong magbago, pero kahit ganun hindi parin mawala saakin ang
pagiging benabae, lalo na kapag nakikita ko si Amaro, sinabi ko pa noon na mula
sa araw ng aking pagbabago ay ituturing ko na lamang matalik na kaibigan sina
Amaro at Rizza.
Nang ako ay nasa ikaapat na baitang na sa mataas na paraalan, naging maayos ang
aking pag-aaral, kinalimotan ko ang pagpapantasya o pagmamahal kay Amaro. Lagi
na ulit akong nakakasali sa listahan ng mahuhusay sa klase, nakaka sali narin
ako sa mga activity sa paaralan, subalit di parin nawawala ang mga suliranin ko
sa pag-ibig. Nakaklase ko ulit sina Amaro, at Rizza; ang tadhana nga naman. Pero
sabi ko sawa na ako sa pagmumukha n’ya. At nakilala ko ang dalawang lalaking
gwapo, matipuno, mapurma, maapel, kaso nga lang ay basaguliro. Kung kaya
bumagsak parin ako kay Amaro.
Makalipas ang ilang buwan ay dumating ang araw ng aming J/S prom sa mismong araw
ng mga puso. Subalit nawasak nanaman ang puso ko ng makita ko ang dating
hinahangaan kong lalaki ng ako ay nasa mababang paaralan pa lamang. Nag papansin
ako sa kanya subalit denedma niya ako ’how sad diba’. At mula sa gabing yun ay
ipinangako ko sa sarili ko,sa mga kaibigan ko at sa lahat nang nasa paligid ko
ng mga sandaling pauwi na ako sa bahay na isasara ko nang tuluyan ang aking
damdamin at di na ako magmamahal muli.
3. Kaya naman hanggang ngayon ay wala akung kasintahan at tatanda akong walang
kasintahan dahil sawa na akung masaktan. Kung meroon man kayung narinig mula sa
akin na ako’y may sinisinta yan ay kathang isip ko lang at kung meroon man yan
ay laro- laro lamang.