2. Ang tulang dula o tulang pantanghalan ay
kahit anumang drama na sinulat bilang isang
berso para wikain.
Limang uri ng tulang dula:
• Komedya
• Melodrama
• Trahedya
• Parsa
• Saynete
3. Komedya – ang layunin nito ay gawing
kawili-wili ang panonood sa pamamagitan
ng mga ginagawa ng pangunahing tauhan.
Ang wakas nito ay masaya. Ang kaguluhan
sa bandang simula ay naaayos. Ang
pagkakasundosundo ng mga tauhan ang
nakapagpapasaya sa mga nanonood.
4. isang dulang patalata (karaniwang binubuo ng
octosyllabic o dodecasyllabic na quatrain), na
gumagamit ng nakaugaliang marcha para sa
pagpasok at pag-alis sa entablado, batalla o
labanan na may koreograpiya, at magia o mga
mahihiwagang epekto sa palabas. Ito ay
kadalasang itinatanghal ng dalawa hanggang
tatlong araw upang ipagdiwang ang pyesta ng
patron ng baryo.
Isang halimbawa ng komedya na isinulat ni Juan
Crisostomo Soto (o Crissot), na tinaguriang “Ama
ng Panitikang Kapampangan” ay ang komedyang
Kiki-Riki, isang komedyang nakasulat sa
Kapampangan at may isang yugto.
5. Ginagamit ang tulang ito sa mga dulang
musikal.
Dito, malungkot sa simula ngunit nagiging
masaya ang pagwawakas.
Isang halimbawa nito ang Sarimanok na
isinulat ni Steven Prince “Patrick” C.
Fernandez.
6. Kabaliktaran ng komedya ang trahedya
sapagkat ang dulang ito ay nauuwi sa
pagkatalo o pagkamatay ng bida o
pangunahing tauhan.
Isang halimbawa nito Ang Trahedya sa
Balay ni Kadil na isinulat ni Don Pagusara.
7. Ang parsa ay nakapagpapasiya sa mga
nanonood dahil sa mga dugtong-dugtong
na mga pangyayaring nakatatawa.
8. Dulang tungkol sa lugar kung saan
nagsimula ang kwento ng pangunahing
tauhan at sa pag-uugali ng tao tulad ng
pagiging mabait,masiyahin at
maaalahanin.