3. 1. Panag-uring pandiwa
Karaniwan sa panaguri ng pangungusap ay
pandiwa. Ito ang nangyayari sapagka’t ang
pandiwa ay siyang nagpapahayag ng kilos at
Gawain ng isang simuno.
4. Halimbawa :
1. Si Alex ay nagtanim ng sitaw, talong at kamatis.
2. Siya ay bumili ng pataba.
3. Siya ay nagbabasa ng mga aklat tungkol sa paghahalaman.
4. Aani siya ng maraming gulay sa taong ito.
5. 2. Panag-uring Pang uri
Bukod sa pandiwa, ang pang-uri ay malimit
ding gamitin sa panaguri. Ang pang-uri sa
gayong gamit ay nagsasaad, hindi ng kilos
ng simuno, kundi ng uri nito.
6. Halimbawa :
1.Ang mga talulot ng sampagita ay puti.
2.Ang bulaklak na ito ay mabango.
3.Ang palawit ng kuwintas ay mabilog.
7. 3. Panag-uring Pangngalan
Bukod sa pandiwa at pang – uri, ang
pangngalan at ay ginagamit din sa
panag-uri. Ang pangngalang ginamit sa
panag-uri ay nagpapakilala kung sino o
ano ang simuno.
8. Halimbawa :
1.Si Lydia ay anak ng isang manggagamot.
2.Ang matalik niyang kaibigan ay si Myrna.
3.Siya ay dentista sa aming paaralan.