LAS_filipino2_q4_LAS34_Nagagamit ang tamang pandiwang pangnagdaan na naaayon sa ginamit na pangngalan o panghalip_v1.docx
Filipino II
Ikaapat na Markahan – Gawaing Pagkatuto 34
Nagagamit ang tamang pandiwang pangnagdaan na
naaayon sa ginamit na pangngalan o panghalip.
Inilimbag ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Pampanga
Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes, City of San Fernando, Pampanga
Telephone No: (045) 435-2728
E-mail Address: pampanga@deped.gov.ph
Karapatang Sipi 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Bumubuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pagkatuto
Manunulat: Merry Anntonette S. Venasquez, San Juan Baño ES
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit: Merry Anntonette S. Venasquez, San Juan Baño ES
Tagalapat:
Tagapamahala: Schools Division Superintendent: Edgard C. Domingo PhD, CESO V
Asst. School Division Superintendent: Melissa S. Sanchez EdD, CESE
Asst. School Division Superintendent: Shirley B. Zipagan EdD, CESE
CID Chief: Celia R. Lacanlale PhD
SGOD Chief: Arceli S. Lopez PhD
EPS-I, English: June D. Cunanan
EPS-I, LRMDS: Ruby M. Jimenez PhD
2
FILIPINO 2
Pangalan: _____________________ Baitang/Seksyon: ______
Petsa:________________________ Iskor: ________________
GAWAING PAGKATUTO
Nagagamit ang tamang pandiwang pangnagdaan na naaayon sa
ginamit na pangngalan o panghalip.
I. Panimula/ Susing Konsepto
Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kiloso galaw, proseso o
pangyayari, karanasan o damdamin. Ito ay binubuo ng salitang ugat at
panlapi.
Sa gawaing pagkatutong ito, magagamit natin ang mga tamang
pandiwang pangnagdaan na naayon sa ginamit na pangngalan o
panghalip.
Aspekto ng Pandiwang Pangnagdaan / Naganap / Perpektibo - ang
salitang kilos ay nangyari na, tapos ng gawin o naisagawa na. Ito ay
maaaring ginagamitan ng panlaping um, na, nag at nang.
Formula: nag + salitang-ugat = pandiwang pangnagdaan
Halimbawa:
1. lakad - nag + lakad = naglakad
2. laba - nag + laba = naglaba
3. alis - um + alis = umalis
4. ligo - na + ligo = naligo
5. limos - nang + limos = nanglimos
II. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nagagamit ang tamang pandiwang pangnagdaan na naaayon sa
ginamit na pangngalan o panghalip. F2WG-IIj-6
III. Pamaraan
Gawain 1
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang kilos na naaayon sa larawan.
Pumili sa loob ng kahon.
1. Kami ay __________________ sa Boracay noong
nakaraang lingo.
2. Sina kuya at papa ay _______________ ng bola kahapon
sa plaza.
3. ______________ ako ng pawikan sa may tabing-dagat
kanina.
4. _________________ ng isda si tatay sa ilog kahapon.
5. ________________ ng malakas ang aming aso kagabi.
tumahol namingwit
naglaro nakakita pumunta
Gawain 2
Panuto: Isulat ang pandiwang pangnagdaan ng bawat salita.
1. 4.
2. 5.
3.
Gawain 3
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at bilugan ang mga pandiwang
pangnagdaan.
1. Nagsipilyo ng ngipin si Maria kanina.
2. Si nanay ay namalengke sa bayan noong linggo.
3. Nakagat ng aso ang isang bata kahapon.
4. Masayang umawit si Iska sa kaarawan ni Mila noong Lunes.
5. Kami ay lumangoy sa batis noong araw ng Sabado.
Gawain 4
Panuto: Basahin ang tula na makikita sa ibaba. Salungguhitan ang
lahat ng pandiwa na nasa aspektong pangnagdaan.
Bundok ng Arayat
ni: Merry Anntonette S. Venasquez
sayaw =
simba =
kain =
luto =
basa =
Sina Maria, Victoria at Jenina
magkakaibigan ang tatlo, matagal na.
Noong nakaraang Linggo,
nagpasya na magkikita ang mga ito.
Si Maria ay nagdala ng miryenda,
habang si Victoria ay inumin naman ang dala.
Si Jenina na mahilig sa gala,
ang bahala sa lugar na pupuntahan nila.
Narating nila ang bundok Arayat,
sa tulong ng isang kaibigan kanila itong naakyat.
Sila ay namangha sa angkin nitong ganda,
iba’t ibang hayop at halaman dito ay nakita.
Lumangoy sa batis na may kalaliman,
mga prutas ay sinungkit nang walang kapaguran.
Kumain ng pagkasasarap-sarap,
Preskong hangin ay nalanghap.
IV. Pangwakas
1. Anong bahagi ng Gawaing Pagkatuto sa Filipino 2 ka nahirapan sa
pagsagot? Bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
2. Anong bahagi ng Gawaing Pagkatuto sa Filipino 2 ka nadalian sa
pagsagot? Bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
V. Mga Sanggunian
Pandiwang Pangnagdaan o Aspektong Perpektibo by jehanne
eco (prezi.com)
Pandiwan Pangnagdaan PDF | PDF (scribd.com)
Aspekto ng Pandiwa at Mga Halimbawa — The Filipino
Homeschooler
VI. Susi sa Pagwawasto
Inihanda ni:
Merry Anntonette S. Venasquez
San Juan Baño Elementary School
Gawain 1
1. pumunta
2. naglaro
3. nakakita
4. namingwit
5. tumahol
Gawain 2
1. sumayaw
2. nagsimba
3. kumain
4. nagluto
5. nagbasa
Gawain 3
1. nagsipilyo
2. namalengke
3. nakagat
4. umawit
5. lumangoy
Gawain 4
1. nagpasya 6. nakita
2. nagdala 7. lumangoy
3. narating 8. sinungkit
4. naakyat 9. kumain
5. namangha 10. nalanghap