1. Q1 WEEK 5 DAY 1
Kabutihang dulot ng pag-
aalaga ng hayop na may
dalawang paa at pakpak o
isda.
2. Panuto: Isulat ang letrang T kung tama ang isinasaad
ng pahayag at M kung mali.
sulat ang sagot sa kuwaderno.
_________ 1. Nangangailangan ng malaking
puhunan ang pag-aalaga ng hayop.
_________ 2. Napapakinabangan ito ng pamilya.
_________ 3. Ang pag-aalaga ng hayop ay perwísyo
lamang.
3. _____________4. Napagkukunan ng pagkain
ang pag-aalaga ng hayop.
_________ 5. Pandagdag sa panggastos
at badyet ng pamilya
_________ 6. Nakapagbibigay saya sa
tao ang pag -aalaga ng hayop.
_________ 7. Ang pag-aalaga ng manok
at pato sa bakuran ay nakatutulong sa
pamilya
4. _________8. Ang Inahin at
Tandang ay isang uri ng pato.
_________ 9. Ang isdang
Tilapia at Bangus ay mainam
alagaan.
_________ 10. Puwedeng
gawing palamuti sa bahay
ang balahibo ng manok
5. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.
Pagkatapos ay, piliin ang tamang sagot sa loob ng
kahon at isulat ito sa kuwaderno
1. Ang pesteng ito ay sobrang mapaminsala sa mga
punongkahoy.
Mahalagang panatilihing malinis ang buong
kapaligiran upang wala nang maaaring
pagpugaran ng mga ito.
6. 2. Ang pesteng ito ay madalas na naninirahan sa mga
tuyong dahon at iba pang mga sirang bagay. Puwedeng
puksain ang insektong ito gamit ang Methyl Parathion.
Upang maiwasanang pagdami ng mga ganitong uri ng
insekto, panatilihing malinis ang buong kapaligiran at
siguraduhing walang mga nakatambak na basura.
3. Ang pesteng ito ay naninirahan sa mga dahon at
nagiging dahilan ng
pagkasira at pagkabulok nito. Maaaring puksain ang mga
ito sa pamamagitan ng dinurog na sili, sibuyas at luya.
7. 4. Mabilis itong dumami sa pamamagitan ng
pangingitlog sa mga malalagong damuhan.
Pinupuksa ang mga ito sa pamamagitan ng
(NIA) Natural Insect Attractant na gawa sa
pinaghalong suka/tuba at asukal/molasses.
8. 5. Mabilis itong umaatake sa mga halamang
gulay at binubutas ang mga dahon nito.
Mabilis itong mapuksa gamit ang NIA o
Natural Insect Attractants. Mainam din na
magtanim ng mga insect repellants sa
paligid ng mga kamang taniman tulad ng
tanglad o lemon grass.
9. Tunay na malaki ang pakinabang
sa pag-aalaga ng mga hayop dahil
ito ay makapagbibigay ng
karagdagang kita sa pamilya at
maaaring mapagkunan ng mga
masusustansiyang pagkain tulad
ng karne at itlog
10. Maraming kabutihan ang
maidudulot nito tulad ng
pagkakaroon nang maayos na
kalusugan, pananggal sa pagod at
ng lubos na kasiyahan dahil sa
karagdagang kita sa pangkabuhayan
11. Mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa
at pakpak o isda
1. Napagkukunan ito ng pagkain tulad ng karne at itlog.
2. Nakapagpapaunlad sa kabuhayan ng mag-anak dahil nagbibigay
ng dagdag na kita .
3. Nagdudulot ng kasiyahan sa pamilya at nagsisilbing libangan ng
mag anak.
4. Natutugunan ang problema ng bansa sa kasalatan ng pagkain at
kawalan ng hanapbuhay ng tao.
5. Magandang kasanayan sa bata dahil nagkakaroon siya ng tiwala sa
sarili at nagiging responsable at maalalahanin .
6. Nakatutulong sa mga gastusin ng pamilya.
7. Ang dumi ng mga hayop ay mabisang pampataba ng halaman.
12.
13.
14. Alin sa mga nakalarawan ang nais
mong alagaan kung bibigyan ka ng
pagkakataon?
Bakit ito ang napili mo?
Mahalaga ba ang pag-aalaga sa mga
hayop na ito?
Nakakatulong ba ito sa kabuhayan ng
mag-anak?
15. Tukuyin isa-isa ang mga
hayop na may dalawang
paa at pakpak na
maaaring alagaan at
mapagkakakitaan
16. Mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng
hayop na may dalawang paa at pakpak o
isda
1. Napagkukunan ito ng pagkain tulad ng
karne at itlog.
2. Nakapagpapaunlad sa kabuhayan ng
mag-anak dahil nagbibigay ng dagdag na
kita
3. Nagdudulot ng kasiyahan sa pamilya at
nagsisilbing libangan ng mag-anak.
17. 4. Natutugunan ang problema ng
bansa sa kasalatan ng pagkain at
kawalan ng hanapbuhay ng tao.
5. Magandang kasanayan sa bata
dahil nagkakaroon siya ng tiwala
sa sarili at nagiging responsable
at maalalahanin .
18. 6. Nakatutulong sa mga
gastusin ng pamilya.
7. Ang dumi ng mga
hayop ay mabisang
pampataba ng halaman.
19. Unawain ang mga sumusunod na tanong at
isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pag-aalaga ng isda ay nakatutulong
sa ating katawan sapagkat ___________.
A. nagkakaroon ng bitamina ang ating
katawan.
B. ito ay sapat na panlaban sa lahat ng sakit.
C. nagbibigay ito ng protina sa atin.
D. may sakit na dala ang pagkain ng isda.
20. 2. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng
pakakaroon ng tirahan ng ating alagang
hayop maliban sa isa.
A. maging ligtas sa init, ulan at malakas na
hangin
B. hindi magkasakit
C. hindi magsiksikan
D. madaling katayin
21. 3. Kapaki-pakinabang ang pag-
aalaga ng itik at bibe
sapagkat__________.
A. nagbibigay ng karne at itlog.
B. nakasasama sa kalusugan
C. nakalilikha ng ingay sa
komunidad.
D. nakadadagdag sa gastusin ng pa
22. 4. Si Jayward ay may alagang manok sa
likod bahay nila, ano ang
kabutihang dulot nito sa kanyang pamilya?
A. nakapagbibigay ng pagkain at dagdag
kita pa sa pamilya
B. nakapagdulot ng kalat sa bakuran
C. nakalilikha ng ingay sa komunidad
D. nakakapagpalaki ng gastusin sa bahay
23. 5. Ang pag-aalaga ng isda ay mahalaga
dahil _________.
A. nagdudulot ito ng polusyon sa anyong
tubig.
B. napapaunlad nito ang utang ng
mangingisda.
C. nagbibigay ito ng problema sa pamilya.
D. natutugunan ang pangangailangan ng
pamilya sa pagkain.
24. PANUTO: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Iguhit
ang masayang mukha ☺ kung nagsasaad ng kabutihang
dulot sa pag-aalaga ng isda, at malungkot na mukha
kung hindi.
____1. Nagiging panustos na pagkain ng mag-
anak.
____2. Hatid ay kakulangan ng kita.
____3. Nagsisilbing mabuting libangan.
____4. Nakakasira ng kapaligiran.
____5. Nagdudulot ng higit na sariwang isda sa
pamilya at kapwa.
25. Gumuhit ng mga hayop
na may dalawang paa at
pakpak o isda na maaaring
alagaan
atmapagkakakitaan
26. WEEK 5 DAY 2
Pagtukoy sa mga Katangian ng mga Hayop
na Maaaring Alagaan tulad ng Manok
27. Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod
1.Alin sa mga sumusunod ang hayop na
maaaring alagaan sa bahay?
a.ahas c. buwaya
b.manok d. lion
1.Ano ano ang naibibigay ng manok bilang
alaga?
a. itlog, karne c. itlog, balahibo
b. sisiw, tinik d. karne, balahibo
28. Panuto: Isulat ang T kung Tama ang isinasaad na pahayag at M
kung Mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Ang maingat na pagpaplano ay kailangang gawin kung mag-
aalaga ng hayop upang lubos at tiyak na mapakinabangan.
2. Sa paggawa ng plano, mahalagang pag-ukulan ng pansin ang
hayop na aalagaan at uri, maging lugar, klima, at pakinabang
na dulot nito.
3. Sa maliit at makipot na bakuran dapat alagaan ang manok.
4. Dapat isaalang- alang ang klase ng pagkain na ibibigay sa
alagang manok.
5. Ang produktong galing sa manok ay puwedeng ibenta at
ikonsumo ng pamilya
29. ANG AKING MAAMONG MANOK
(Isinulat ni: Sunshine Joy C. Manglib)
Ako’y may alagang maamong manok
Mabait, mataba at maliksi ang alaga kong manok
Aking inalagaan, pinakain, pinainom at tiniyak
ang lugar para mabuhay.
Nang hindi naglaon, di lang siya nag-iisa
Pagkat nangitlog ito ng isang dosena
At di kalauna’y naging magagandang sisiw
Sila ay nagbibigay aliw sa tuwing bigyan ng pagkain.
Kapag ako’y malungkot, ito’y nauudlot
Saya at tuwa ang kanilang dulot
Dating isang manok ngayo’y naging labing tatlo
Tanging saya ang kanilang naidulot
30. Sagutin ang mga tanong:
1.Ano ang pamagat ng tula?
2.Anong hayop ang inaalagaan sa tula?
3.Ano ang katangian nito?
4.Ano ang dulot ng pag-aalaga ng manok na
nabanggit sa tula?
5.Bakit naging masaya ang may akda ng tula?
32. Manok
Madaling mag-alaga ng manok kahit sa
maliit na lugar. Maaring mais at palay
lamang ang pagkain ng mga ito. Kung
maluwag ang bakuran, naghahanap din ito
ng mga uod sa lupa o sa damuhan. May piling
mga manok na kailangan ang wastong
paraan ng pag-aalaga upang maparami at
makapagbigay ng karne at sariwang mga
itlog.
33. Halimbawa ng mga uri ng manok
na maaring alagaan ay Lancaster,
New Hampshire, White Leghorn
at Plymouth
34. Uri ng Manok na Maaaring Aalagaan:
Matatagpuan sa poultry farms ang dalawang
uri ng manok.
1. Layer - Inaalagaan ang manok na ito para sa
mga itlog nito. Upang regular na mangitlog
ang layer, kinakailangan malayo ang mga ito
sa ingay. Ang malakas na ingay ay
nakakaapekto sa kanilang pangigitlog
35. 2. Broiler - inaalagaan ang manok na ito
para sa taglay nitong karne. Ito ang mga
uri ng manok na niluluto sa mga fast
food restaurant, palaman ng sandwhich,
o ginagawang nuggets o chicken balls.
Inaalagaan sa ating bansa ang lahing
banyaga tulad ng Lancaster, New
Hampshire, Bantres, WhiteLeghorn, at
Plymouth. Tinatawag din itong fryer o
manok na piniprito.
36. A. Uri ng manok na mainam sa
pangingitlog
1. Minorca - Nangingitlog ng 200
pirasong itlog sa isang taon at may
katamtamang laki ng itlog. Kulay itim
ito at galing sa Espanya.
2. Mikawa – Ito ay kulay puti at
Nangingitlog ng 200 pirasong itlog sa
isang Taon
37. B. Mainam na alagaang manok para sa
karne.
1. Arbon Acre – nakapagbibigay ng
masustansiyang karne at itlog.
2. Cobb – puti ang balahibo at kulay
dilaw ang balat.
3. Hubbard – mainam alagaan dahil sa
masustansiyang karne nito.
4. White Leghorn - kulay puti at may
malalaking paa
38. C. Uri ng manok na mainam sa
pangingitlog at sa kanilang karne.
1. Plymouth Rock – ito ay manok na
galing sa Amerika at nakapagbibigay
ng masustansiyang karne at itlog.
2. Rhode Island Red – maganda ang
klase ng itlog at ito ang madalas na
inaalagaan ng mga magsasaka.
39. Bakit kaya may mga tao na
gustong mag-alaga ng hayop?
Ano ano ang naidudulot nito sa
kabuhayan ng pamilya?
Ano ano ang ibat-ibang uri ng
manok na mainam alagaan?
40. Ano ang dapat isaalang-
alang sa pagpili o
pagtukoy ng hayop na
maaaring alagaan tulad ng
manok?
41. Kung kayo ay mag-
aalaga ng manok anong
uri ng manok ang inyong
aalagaan? Bakit iyon ang
napili ninyo?
42. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin
ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay hayop na inaalagaan na kung saan nagbibigay din
ng itlog . Ito ay may mabibilog na katawan, maikling leeg at
paa na walang balahibo hanggang tuhod.
A. Broiler B. Itik C.White Leghorn
D. Pugo
2. Ito ay uri ng manok na inaalagaan upang patabain at
mapagkunan ng karne.
A. White Leghorn B. Pugo C. Broiler
D. Itik
43. 3. Ito ay nangingtlog sa loob ng 28 araw
kumpara sa ibang uri nito
A. Itik B.Broiler
C. Wjite Leghorn D .Pugo
4. Ilang araw nanngingitlog ang itik?
A. 27 araw B. 28araw
C. 33 araw D. 40 araw
44. 5. Ang manok ay inaalagaan dahil sa
_________.
A. Nagbibigay ng sariwang gatas at karne
B. Nagbibigay ng sariwang karne at iltlog
C. Nagbibigay ng sariwang itlog at kanin
D. Nagbibigay ng sariwang karne at isda
45. Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat
patlang upang mabuo ang pangungusap.Gawin
ito sa iyong kwaderno.
1. Ang ____________________ ay
magandang pagkakitaan dahil sa maraming
mga produkto na makukuha rito tulad ng
balut, penoy, at ang pulang itlog at ang
pagpapatuhan naman ay makakakuha ng itlog
at karne.
46. 2. Ang _____________________ ay isang
isdang madaling alagaan at masarap
kainin dahil ito ay nagtataglay ng sustansiya
na kailangan ng ating katawan gaya ng
protina.
3. Inaalagaan ang manok na
____________________ para sa taglay nitong
karne at ito ang mga uri ng manok na niluluto
sa mga fast food restaurant, palaman ng
sandwhich, o ginagawang nuggets o chicken
balls.
47. 4. Ang _____________________ ay mainam
alagaan at paramihin para sa kanyang itlog at
karne dahil mayaman ito sa protina na mainam sa
pagpapalaki ng katawan at mga kalamnan.
5. Inaalagaan ang manok na
________________________ para sa regular na
pangingitlog nito ngunit kailangan malayo ang mga
ito sa malakas na ingay na nakakaapekto sa
kanilang pangigitlog.
48. Alamin sa mga kakilala o
kaibigan na may ari ng
manukan kung ano ang
kanilang isinaalang-alang sa
pagtatayo ng negosyong
nabanggit.
49. WEEK 5 DAY 3
Pagtukoy sa mga Katangian
ng mga Hayop na Maaaring
Alagaan tulad ng Itik at Pato
50. Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod
1.Alin sa mga sumusunod ang dapat
isaalang-alang sa pagpili ng hayop na
maaring alagaan?
a.Katangian ng hayop na aalagaan.
b.Kasarian ng hayop na aalagaan.
c.Kulay ng hayop na aalagaan.
d.Bigat ng hayop na aalagaan.
51. 2.Ano ang kabutuhang naidudulot ng pag-
aalaga ng itik at pato?
a.Nagiging libangan ang pag-aalaga nito.
b.Nakadaragdag ng kita ng pamilya.
c.Napagkukunan ng pagkain para sa
pamilya.
d.Lahat ng nabanggit
52. Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaaad ng
pangungusapat M kung mali. Gawin ito sainyong
kwaderno.
1. Ang maingat na pagpaplano ay kailangang gawin
kung mag-aalaga ng hayop upang lubos at tiyak
na mapapakinabangan.
2. Sa pagagawa ng plano, mahalgang pag-ukulan
ng pansin ang hayop na aalgaan at uri, maging
lugar, at klima at pakinabang na dulot nito.
53. 3. Sa maliit at makipot na bakuran dapat
alagaan ang manok.
4. Dapat isaalang-alang ang pagkain na
ibibigay sa alagang manok.
5. Ang produktong galing sa manok ay
puedeng inbenta at ikonsumo ng pamilya.
54.
55. Itik at Pato
Isang magandang pagkakakitaan ang
pag-aalaga ng itik at pato sa likod ng
bakuran ng tahanan dahil sa malaki ang
nagagawang tulong nito sa pamilya. Ang
pag-iitikan ay magandang pagkakitaan dahil
sa maraming mga produkto na makukuha
rito tulad ng balut, penoy, at ang pulang itlog
at ang pagpapatuhan naman ay
makakakuha ng itlog at karne.
56. Malaki ang pakinabang sa mga
bakuran kung mag-alaga ng itik at
pato. Karaniwang inaalagaan ang
mga itik at pato sa mga lugar na
malapit sa tubig kung saan may
mga suso at tulya para sila ay
maipastol at makatipid sa pagkain.
57.
58.
59.
60.
61.
62.
63.
64.
65.
66.
67. Pagiging responsable.
Ang pag-aalaga ng hayop ay
nangangailangan ng tamang pag-
aalaga upang ito ay dumami at ating
mapagkakitaan. Dapat natin itong
pahalagahan at pagyamanin sapagkat
makatutulong ito sa pamumuhay ng
ating pamilya.
68. Ano ang dapat alamin sa
pagpili o pagtukoy ng hayop
na maaaring alagaan tulad ng
itik at pato?
Ano ano ang kabutihang dulot
ng pag-aalaga ng itik at pato?
69. Kung ikaw ay bibigyan ng
pagkakataon na mag-alaga ng itik o
pato, paano mo mapapaunlad ang
negosyong ito?
70. Ipasagot sa mga bata.
1. Ito ay mga produktong naibibigay ng itik.
a. penoy, balot, pulang itlog c. gatas, asukal,
keso
b. balahibo, gamut d. wala sa
nabanggit
2. Ito ang lahi ng itik na dapat alagaan para sa
karne.
a. Pateros duck c. Peking duck
b. Muscovy duck d. Indian runner
71. 3. Ang lugar na pagtatayuan ng pag-aalaga ng itik ay
malapit sa ______.
a. kanal c. palayan
b. sapa d. dagat
4. Ito ay uri ng pagkain ng mga itik maliban sa isa.
Alin ito?
a. tulya at kabibe c. laying mash
b. damo d. giniling na isda
72. 5. Ang mga itik na babae ay
inihihiwalay sa mga itik na lalaki.
Ang pangungusap na ito ay
_________.
a. tama c. siguro ay tama
b. mali d. minsan ay tama
73. Ipasagot sa mga mag-aaral.
1. Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang sa
pagpili ng hayop na maaring alagaan?
a. Katangian ng hayop na aalagaan.
b. Kasarian ng hayop na aalagaan.
c. Kulay ng hayop na aalagaan.
d. Bigat ng hayop na aalagaan.
2. Ano ang kabutuhang naidudulot ng pag-aalaga ng itik at
pato?
a. Nagiging libangan ang pag-aalaga nito.
b. Nakadaragdag ng kita ng pamilya.
c. Napagkukunan ng pagkain para sa pamilya.
d. Lahat ng nabanggit.
74. Magdikit ng larawan ng itik
o pato sa notebook at isulat
ang mga produktong
nakukuha rito.
75. WEEK 5 DAY 4
Pagtukoy sa mga Katangian ng
mga Hayop na Maaaring Alagaan
tulad ng Pugo
76. Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod
1. Alin sa mga sumusunod ang maaaring alagaan at
paramihin sa ating tirahan?
a. ahas, palaka, gagambac. manok, itik, pugo
b. isda, alimango, alimas d. tigre, buwaya, leon
2. Bakit kailangang piliin ang paparamihing aalagaang
hayop?
a. Upang may katulong sa paglilinang ng bukid.
b. Upang may magawa sa bahay.
c. Upang madai ang pagyaman.
d. Upang maging kapakipakinabang ang gawain.
77. Pagbasa ng maikling usapan.
Sa Bakuran ni Mang Ben
Nag-uusap si Mang Ben at ang kanyang kababatang si Mang Rudy.
Mang Rudy: Nahihirapan na ako sa pagpapaaral sa dalawa kong kolehiyo. Hindi
na sasapat ang aming kita ng aking asawa.
Mang Ben: Pare, bakit hindi mo subukang mag-alaga ng pugo katulad ko?
Mang Rudy: Oo nga. Magkano ba ang naging puhunan mo noong una?
Mang Ben: Noong una, 10 pugo lang ang alaga ng aking mga anak. Natuwa
silang mag-alaga nito at naging libangan na nila. Hindi
lumaon ay dumami at nanganak ang kanilang mga alaga.
Mang Rudy: Baka naman sobrang laki ng magagastos ko sa pagpapatayo ng
kanilang tirahan at pagkain?
Mang Ben: Hindi naman maselan ang magiging tirahan. Marami ka pa
magagawa sa pag-aalaga ng pugo. Mapagkakakitaan mo
ang itlog at karne nito.
Mang Rudy: Sige, pare. Susubukan ko nga ang pag-aalaga niyang pugo.
78. 1. Sino sino ang tauhan sa binasa?
2. Ano ang naging problema ni Mag
Rudy?
3. Ano ang naging suhestiyon ni Mang
Ben?
4. Kung kayo si Mang Rudy, susubukan
nyo rin kayang mag-alaga ng pugo?
79. Pugo
Tulad ng ibang hayop, ang karne at itlog
ng pugo ay maaring kainin. Isa itong uri ng
ibon na may mabibilog na katawan, maiikling
leeg at paa na walang
balahibo hanggang tuhod at matulin kung
tumakbo sa lupa. Maikli angmga pakpak nito
kaya hindi gaanong nakalilipad nang mataas.
80. Ang karne ng pugo ay mainam na
panustos sa pangangailangan natin
sa protina. Ang mga itlog naman nito
ay nagtataglay ng maraming
sustansya. Ang dumi at balahibo nito
ay mahusay na mapagkukunan ng
pataba o organikong abono.
81. Wastong Paraan ng Pag-aalaga ng Pugo
1. Magsimula sa pagawa ng maayos na
kulungan para sa mga aalagang mga
pugo.
2. Maaaring bumili ng mga babaeng
pugo na siyang magsisilbing breeder o
mangingitlog na gagamitin sa
pagparami ng mga pugo.
82. 3. Ang pugo ay maaring pakainin ng mga patuka sa
manok, isang kilo para sa limampung mangingitlog na
pugo. Maaring samahan ng dinurog na shell ang
pagkain nila upang mas tumibay at kuminis ang mga
magiging itlog nila.
4. Ang 1/2 na pulgadang chicken wire para sa kulungan
ay dapat na hiwain upang magkasya ang lagayan ng
pagkain ng mga pugo upang maiwasan na mag-agawan
sila sa pagkain. Dagdagan pa ito ng ½ pulgada pa upang
maiwasan ang pagdudumi ng mga pugo sa pagkain
83.
84.
85.
86. Gawain 1
Sa tulong ng flower
diagram, itala ang iba’t-ibang
lahi ng pugo.
Iba’t-ibang
Lahi ng Pugo
87.
88.
89. Paano nakatutulong sa pag-
unlad ng pamilya ang
pagpaparami ng alagang
hayop tulad ng pag-aalaga
ng pugo?
90. Ano ang dapat isaalang-alang sa
pagpili o pagtukoy ng hayop na
maaaring alagaan tulad ng pugo?
Ano ano ang kabutihang naidudulot
ng pag-alaga ng hayop tulad ng
pugo?
91. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang lahi ng pugo na matatagpuan
sa gubat at parang.
a. Tuxedo c. Negro
b. Silver d. Katutubo
2. Ang kulungan ng pugo ay yari sa
kahoy, plywood at ____________.
a. cyclone wire c. chicken wire
b. kawayan d. kawayan
92. 3. Ipinakakain sa inahing nangingitlog upang makuha ang
protina na kailangan ng pugo.
a. Laying mash c. Egg mash
b. Starter mash d. Fish meal
4. Ito ay pandagdag na sangkap na binubuo ng giniling na
mais at isda.
a. Egg mash c. Fish fillet
b. Fish meal d. Egg yolk
5. Ito ang inilalagay sa itlugan ng mga pugo.
a. buhangin c. bato
b. damo d. basket
93. 1. Mahalaga bang malaman ang
katangian ng hayop na aalagaan? Bakit?
2. Ano ano ang mga katangian ng pugo
na aalagaan?
3. Ano ano ang naibibigay na
kapakinabangan ng pag-aalaga ng pugo?
95. Q1 WEEK 5 DAY 5
Pagtukoy sa mga Katangian ng
mga Hayop na Maaaring Alagaan
tulad ng Tilapia
96. 1. Anong mga isda ang alam ninyo?
2. Ang mga sumusunod ay kabutihang
naidudulot ng pag-aalaga ng isda maliban sa
isa. Alin ito?
a. Dagdag kita ng pamilya.
b. Dagdag pagkain para sa pamilya.
c. Dagdag gastos para sa pamilya.
d. Dagdag libangan ng pamilya.
97. Ang tilapya ay unang dinala sa
Pilipinas noong 1972, naging mabilis
ang pagsikat nito dahil sa dali nitong
padamihin, mabilis na paglaki, pagiging
masarap, pagiging malakas ang
resistensya sa sakit, at ang pag-angkop
nito sa iba't ibang uri ng klima,
temperatura at alat.
98. Ang pag-aalaga ng isda tulad ng
tilapia, hito at iba pa ay isang
kawili-wiling libangan bukod sa
nakalilibang ito ay nakakatanggal
ng stress. Ang tilapia ay isang uri
ng isda na madaling alagaan at
masarap kainin.
99. Karaniwang pinalalaki ito sa mga
palaisdaan sa likod-bahay. Kung may
anyong tubig tulad ng ilog, sapa at lawa
na malapit sa inyong pamayanan,
maaaring alagaan ang tilapia rito. Kung
labis ang dami ng alagang tilapia maari
itong ipagbili at makatulong sa kita ng
mag-anak.
100. URI NG TILAPYA
Genus Tilapia (Substrate spawners)
Genus Sarotherodon (Paternal/biparental)
Genus Oreochromis (Maternal)
102. Madali ang pagkilala kung ang
tilapya ay babae o lalaki, Ang lalaki
ay may dalawang butas (just in
front of the anal fin) at ang babae
ay may tatlong butas. Kung ang
isda ay 15 gramo na maaari na
itong makita.
103. May mga salik na dapat natin isaalang-
alang sa pag-aalaga ng isda
1. Topograpiya
Patag na lupa ang nararapat sa
palisdaan. Ang hindi patag na ilalalim ay
makakasagabal sa mga gawain tulad ng
paglilinis at pag-aani.
104. 2. Panustos na Tubig
Mahalagang magkaroon ng palagiang
panustos ng malinis na tubig sa buong
taon. Kung kaya’t ang pagtatayo ng
palaisdaan sa ilog o sapa ay karaniwang
ginagawa upang makatiyak na may
sapat na tubig para sa pag-aalaga ng
isdang angkop para dito.
105. 3. Uri ng Lupa
Sa pag-aalaga ng isda, malaki ang maitutulong ng
kalagayan ng lupa. Ang Matabang lupa sa palaisdaan
ay magdudulot ng dagdag na pagkain para sa isda.
Ang lupang may katangian magtagal ang tubig ay
angkop para sa isang palaisdaan. Karaniwan ang
lupang lusak ay nagtataglay ng ganitong katangian,
samantalang ang lupang mabuhangin ay
nangangailangan pa ng karagdagang
pagkain upang hindi umagos ang tubig.
107. Ano ano ang mga
pamamaraan sa pag-aalaga
at pagpapalaki ng tilapia sa
palaisdaan?
108. Kung ikaw ay bibigyan ng
pagkakataon magkaroon ng
palaisdaan, paano mo ito
mapalalago?
109. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Iba ang katangian ng babaeng tilapia sa
lalaking tilapia.
a. Oo. c. Siguro.
b. Hindi. d. Kung minsan.
2. Ano ang dapat isaalang-alang sa pag-aalaga
ng tilapia?
a. alituntunin c. kasarian
b. dami ng itlog d. tagal ng pag-aalaga
110. 3. Kailan ang tamang paglalagay ng semilya ng isda?
a. umaga c. tanghali
b. hapon d. gabi
4. Ano ang dalawang uri ng pag-aalaga ng tilapia?
a. external at internal c. extensive at
intensive
b. extension at intention d. extern at
intern
5. Kailan dapat anihin ang isda tulad ng tilapia?
a. araw araw c. apatang buwan
b. lingguhan d. kung kinakailangan
111. 1. Ano ang dalawang uri ng pag-
aalaga ng tilapia?
a. external at internal
b. extension at intention
c. extensive at intensive
d. extern at intern
112. 2. Ano ang dapat isaalang-alang sa
pag-aalaga ng tilapia?
a. alituntunin
b. dami ng itlog
c. kasarian
d. tagal ng pag-aalaga