2. Gawain 1: Larawan Suriin!
1.Ano ang
ipinahihiwatig ng
larawan?
2.Ano ang basehan ng
inyong naging
obserbasyon?
3.Sa inyong palagay,
ano ang maaaring
maging dahilan ng
ganitong sitwasyon?
3.
4. Ang Implasyon
Ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at
serbisyo sa iba’t ibang panahon ay
pangkaraniwang nagaganap. Subalit, kung ang
pagbabago ay dulot ng pangkalahatang pagtaas ng
presyo, pagbaba sa halaga ng salapi at may
negatibong epekto sa tao, ang kalagayang ito ay
bunga ng implasyon.
The Economics Glossary: Ang implasyon ay
tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo
ng mga piling produkto na nakapaloob sa basket
of goods.
5. Ang Implasyon
“Economics” nina Parkin at Blade (2010): Ang
implasyon ay pataas na paggalaw ng presyo at
ang deplasyon ay ang pagbaba ng halaga ng
presyo.
Kaya sa tuwing may pagtaas sa pangkalahatang
presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya, ang
kondisyon ng implasyon ay nagaganap. Dahil dito,
naaapektuhan ang dami ng produkto na maaaring
mabili ng mamimili.
6. Ang Implasyon
Kahit sa kasalukuyang panahon, ang implasyon ay
isang suliraning hindi mapigilan. Ang mga
pangunahing produkto tulad ng bigas, asukal,
manok, karne, isda, at iba pa ay hindi nakaliligtas
sa pagtaas ng presyo o implasyon.
7. Hyperinflation
Ang hyperinflation ay ang patuloy na pagtaas ng
presyo bawat oras, araw at linggo.
Naganap ito sa Germany noong dekada 1920.
Maging sa Pilipinas ay nararanasan ang ganitong
sitwasyon sa panahon ng pananakop ng Japan
kung kalian ang salapi ay nawalan ng halaga. Dahil
sa napakataas na presyo ng bilihin at pagbagsak sa
halaga ng pera, kakaunti na lamang ang kayang
mabili ng salapi noong panahon ng digmaan.
8. Pagsukat ng Pagtaas ng Presyo
Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon
ang Consumer Price Index (CPI) upang mapag-
aralan ang pagbabago sa presyo ng mga produkto.
Ang pamahalaan ay nagtatalaga ng mga piling
produktong nakapaloob sa basket of goods.
Ang mga nasasabing produkto ay kumakatawan sa
mga pangunahing pangangailangan at
pinagkakagastusan ng mamamayan. Tinitignan ang
halaga ng mga produktong ito upang masukat ang
bilis at laki ng pagbabago sa presyo.
9. Pagsukat ng Pagtaas ng Presyo
Mula sa market basket, ang price index ay
nabubuo na siyang kumakatawan sa
kabuuan at average na pagbabago ng mga
presyo sa lahat ng bilihin.
Ang price index ay depende sa uri ng
bilihin na gustong suriin.
11. 1. GNP Implicit Price Index o GNP
Deflator
Ito ang average price index na ginagamit
para mapababa ang halaga ng kasalakuyang
GNP at masukat ang totoong GNP. Ito ang
sumusukay sa pangkalahatang antas ng
presyo ng mga produkto at serbisyong
nagawa ng ekonomiya sa loob ng isang
taon.
12. 2. Wholesale or Producer Price Index
(PPI)
Index ng mga presyong binabayaran ng
mga tindahang nagtitingi para sa mga
produktong muli nilang ibebenta sa
mga mamimili.
13. 3. Consumer Price Index (CPI)
Sinusukat ang pagbabago sa presyo ng mga
produkto at serbisyong ginagamit ng mga
konsyumer. Batayan sa pagkompyut ng CPI ang
presyo at dami ng produktong kadalasang
kinokonsumo ng bawat pamilya na nasa loob ng
tinatawag na market basket. Ang market basket
ay ginagamit din upang masukat ang antas ng
pamumuhay ng mga konsyumer.
16. Gawain 4: Ikaw naman ang Magkompyut
Taon
Total
Weighted
Price
CPI
Antas ng
Implasyon
Purchasing
Power
2008 1300 - -
2009 1500
2010 1660
2011 1985
2012 2000
2013 2300
1. Mula sa talahanayan, ano ang may pinakamataas na CPI?
2. Anong taon ang may pinakamalaking bahagdan ng pagtaas sa pangkalahatang
presyo ng mga pangunahing produkto na kabilang sa basket of goods?
3. Ano ang kahalagahan sa iyo, bilang miyembro ng pamilya ninyo, na matukoy
ang tunay na halaga ng piso? Ipaliwanag.
4. Paano mo mailalarawan ang karaniwang reaksyon ng iyong mga magulang sa
tuwing may pagtaas ng presyo sa mga bilihin? Pangatwiranan.