3. • Isinasaad sa Artikulo XIV Konstitusyong 1987 ang legal
na batayan ng konsepto ng Filipino bilang wikang
pambansa, at ang magkarugtong na gampanin nito
bilang wika ng opisyal na komunikasyon, at bilang
wikang panturo sa Pilipinas.
4. • Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nalilinang ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng
Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga
tadhana ng batas at sangayon sa nararapat na maaaring
ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pangedukasyon.
5. • *Primus inter pares o nangunguna sa lahat
ng magkakapantay ang wikang Filipino
bilang wikang pambansa sa kontekstong
multilinggwal at multikultural ng Pilipinas.
6. • Ang paggamit ng mga wikang dayuhan, lalo na ng Ingles,
ay nagbunsod ng mabagal na pagunlad hindi lamang ng
mga wika sa Pilipinas kundi maging ng mabagal na
pagunlad ng pambansang kultura o identidad.
• Ang Ingles ay naging hadlang na naghihiwalay sa mga
edukadong Pilipino at sa masang Pilipino.
• Ang mga wika sa Pilipinas ay mula sa iisang pamilya ng
wika kaya't posibleng makabuo ng isang wikang pambansa
mula sa mga wikang ito.
• Ang wikang pambansa ay kahingian sa pagkikintal ng
nasyonalismo, pagbubuo ng pambansang pagkakaisa at
pagbubundos ng pambansang paglaya, at pagtataguyod ng
demokrasya at ng partisipasyon ng aambayanan sa
proseso ng pagbubuo ng at pagpapaunlad sa bansa
8. • Ang inklusyon ng Filipino at Panitikan sa kurikulum ng
kolehiyo ay patakaran tumutupad sa mga nasabing
probisyong pangwika ng Konstitusyong 1987 hinggil sa
pagiging pangunahing wikang panturo ng wikang
pambansa na kayang kayang ipatupad nang hakbang
hakbang.
10. • Araling Pilipinas, Araling Pilipino, Araling Filipino,
Filipinolohiya, Philippine Studies. Iba iba man ang
katawagan, ang ubod ng mga terminolohiyang ito'y
tumutukoy sa Filipino bilang larangan, bilang isang
disiplina a sa eswnsya ay interdisiplinaryo o nagtataglay
ng mahigpit na paguugnay at intersaksyon ng dalawa o
higit pang disiplina upang makamit ang higit na
paglilinaw at pagunawa hinggil sa isang partikular na
usapin(Guillermo, 2014)
12. • Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba
• Magbuo ng pambansang arkibo
• Magdevelop ng katiwa-tiwalang translation software na
libreng magagamit para sa mga mass translation
projects.
• Bigyang prayoridad ang Filipinasyon ng lalong mataas na
edukasyon at ng mga programang gradwado
• Atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng
Departamemto ng Filipino o Araling Pilipinas