SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 31
Ang Pagbasa ng
mga Tekstong
Akademiko
Kung ikaw ay magbabasa ng isang teksto, ano ang prosesong
susundin mo upang maunawaan ang iyong babasahin? Lagyan
ng bilang ang patlang ayon sa nais na pagkasunod-sunod.
 Pagbuo ng hinuha
 Pagtatalakayan
 Pagtukoy ng mga salitang hindi pamilyar
 Pag-uugnay ng binasa sa karanasan
 Pagbasa sa teksto
 Pagtatala ng mga posibleng katanungan tungkol sa babasahing teksto
 Pag-uusap sa pamagat ng teksto
PAGBASANG MAY PAG-UNAWA
Proseso ng pag-aayos, pagkuha at pag-unawa ng anumang uri
at anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga
salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang
maunawaan. Ang mga sagisag na ito ang nagsilsilbing
instrumento upang mabigyang kahulugan ang mga kaisipang
gusting ipahayag.
Maituturing na 90% ng ating kaalaman ay mula sa ating
binasa.
Maaari nating libutin ang buong daigdig sa pamamagitan
lamang ng pagbabasa.
PAGBASANG MAY PAG-UNAWA
Matatarok natin ang lalim ng kaalaman at
nahahawan ang landas ng karunungan sa
iba’t ibang larangan – sining, agham,
teknolohiya, kasaysayan, pulitika, lipunan,
atbp.
Namumulat tayo sa katotohanan at
nagkakaroon ng pagkakataong makisalamuha
para sa ating ibayong kapakinabangan.
Mga Kasanayan sa Pagbasa:
 Pag-uuri ng mga ideya/detalye ng akda
 Pagtukoy sa layunin ng teksto
 Pagsusuri ng mga teknik o paraan at pananaw ng awtor
 Pagkilatis sa katotohanan o opinion
 Pagsusuri kung balido o hindiang ideya o pananaw
 Paghinuha
 Paghula‘
 Paggawa ng paglalahat o kongklusyon
 Pagbibigay-interpretasyon sa mapa, grap, at talahanayan
 Pagmamarka o highligthing
Pag-uuri ng mga Ideya o detalye ng Akda
 Kailangan tiyakin ng mambabasa ang kanyang layunin.
 Maaari na niyang mauri ang pangunahing ideya at mga
pantulong na ideya na sumusuporta sa pangunahing ideya.
 Sa pagkuha ng pangunahin at tiyak na detalye, malaki ang
maitutulong ng kaalaman sa kayarian ng mga talata at sa
pagtatalata mismo.
 Ano nga ba ang talata?
 Ito ay binubuo ng paksang pangungusap na siyang pangunahing
detalye sa talata. Ang mga pangungusap naman sa talata ay
nagpapaliwanag sa detalye ng paksang pangungusap.
Uri ng mga talata:
 Panimulang Talata:
 Ito ang talatang nasa unahan ng isang komposiyon.
 Talatang Ganap:
 Nakikita ito sa gitnang bahagi ng akda o komposisyon. Ang tungkulin nito sa
talakayin ang pangunahing paksa. Sinasabi rito kung ano ang paliwanag, ang
isasalaysay,ang inilalarawan o bibigyang katwiran.
 Talata ng paglilipat-diwa:
 Ang tungkulin naman nito ay pag-ugnayin ang mga diwa ng talatang ganap.
Maaaring sumasalungat ang talatang ito sa sinundang talata ganap o maaari
namang karagdagang paliwanag ito ng sinundang talata. Layunin din nitong pag-
ugnayin ang mga talatang ganap sa pagtatalakay sa pangunahing paksa ng isang
komposisyon.
 Talatang Pabuod:
 Ito ang talatang pangwakas ng komposisyon. Karaniwang inuulit na lamang ang
mahahalagang kaisipang tinalakay sa katawan o talatang ganap.
Pagtukoy sa Layunin ng Teksto
 Ang isang matalinong mambabasa ay madaling makatuklas o
makakakuha ng mga layunin ng awtor sa pagsulat ng teksto o
komposisyon o seleksyon.
 Maaaring ang layunin ng manunulat ay manghikayat,
manlibang, magpaliwanag, magsiwalat ng katotohanan,
magbigay ng opinion, manuligsa, atbp. May mga layunin din
na mangaral o magbigay ng mga halimbawa ng kagandahang-
asal at mayroon namang maglalarawan ng tunay na mga
nangyayari sa lipunan.
 Ang layunin ay nakadepende sa interes ng awtor.
Pagsusuri ng mga Teknik o Paraan at Pananaw ng
Awtor
 Bawat awtor o manunulat ay may kanyang sariling estilo o tatak sa
pagsusulat. Ang ikinaiiba ng isang awtor sa kapwa niya awtor ay kung
paano niya isinusulat o ipinapahayag ang isinusulat.
 May mga awtor na mahilig sa mga paksang nakatatawa, mayroon namang
ang hilig niya ay paksang may kaugnayan sa kahirapan, o kaya’y sa
kababaihan, atbp. May ibang awtor na matipid sa pananalita, kaya madali
mong maunawaan kung ano ang ibig niyang ipahiwatig. Mayroon namang
magastos sa salita, kaya matagal mo halos makuha ang kanyang ibig
ipaalam na mensahe sa bumabasa.
 Mga kilalang manunulat gaya nina: Ponciano B. P. Pineda, Amado V.
Hernandez, Efren Abueg, Lualhati Bautista, Edgardo M. Reyes, Jun Cruz
Reyes, German V. Gervacio, Eros S. Atalia, Bob Ong, at marami pang iba.
Pagkilatis sa Katotohanan o Opinyon
 Batay sa tala ng DepEd, unti-unting nababawasan ang mga out-
of-school youth.
 Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista
na unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa.
 Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa pagkakaibigan ang
pagtitiwala sa isa’t isa.
 Ayon sa siyensya, ang lahat ng buhay ay humihinga.
 Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa
pamayanan.
Pagsusuri kung Balido o Hindi ang Ideya o
Pananaw
 Sa pagsusuri ng teksto kaugnay sa baliditi ng mga ideya nito,
kailangang matukoy muna kung sino ang nagsabi ng ideya at ang
kanyang naging batayan sa pagbanggit ng ideya.
 Ang konsepto ng pagtutol at pagsang-ayon ay maaaring mapagsama
sa isang pangungusap sa pamamagitan ng mga pang-ugnay tulad ng
sumusunod: totoo, tinatanggap ko, tama ka, talaga, tunay (nga)
pero, ngunit, subalit, datapwat, totoo ang sinabi mo, sadyang,
atbp.
Paghihinuha
 Ito ang ginagawa ng bumabasa pagkatapos na mabasa ang isang
akda. May nabuong pag-aakala o palagay ang isang bumabasa
pagkatapos na mabasa niya ang akda.
 Paano masasabi na isang mambabasa ay nauunawaan ang
kanyang binabasa?
 Kung nagkakaroon na siya ng sariling palagay batay sa akdang kanyang
nabasa.
 Halimbawa:
Maaaring maghinuha ang bumabasa hinggil sa kanyang palagay kung
bakit hindi sang-ayon ang sumusulat sa isang isyung kanyang
tinatalakay.
Paghuhula
 May mga kwentong ‘nakabitin’ ang wakas o hinahayaang ang
bumabasa na lamang ang magtapos o magbigay ng wakas nito.
Kung mauunawaan ng bumabasa ang kwento, tiyak na
makapagbibigay siya ng kanyang hula kung paano ito
magwawakas ito.
 May mga talumpati na nagtatapos sa pagtatanong. Dito,
hinahayaang manghula ang bumabasa sa sagot na gustong
iparating sa kanya ng talumpati.
Paggawa ng Paglalahat o Kongklusyon
 Ito ay ang paglalahat o pagbibigay ng kongklusyon sa kabuuang nilalaman
ng akdang binasa. Ito ay maaari ring paglalagom ng mga kaalaman at
impormasyong natutunan o nakuha sa teksto o akdang binasa.
 Tulad ng nabanggit na sa paghula, may mga tekstong sadyang iniiwan na
lamang sa bumabasa ang pagtatapos nito dahil “nakabitin” ang wakas nito.
Maaaring gumawa na lamang ng sariling pagwawakas ang mambabasa na
kasang-ayon o kasalungat sa tunay na katapusan ng kwento.
 Sa isang paglalahad, maaaring magwakas ito sa pamamagitan ng
pagbubuod ng paksang ipinapaliwanag; sa tekstong pasalaysay tulad ng
kuwento, ito ay kalutasan ng problemang kinakaharap ng pangunahing
tauhan; at kung pangangatwiran, ito ay pag-uulit ng pinakamalakas na
katwiran o dahilan.
Pagbibigay-interpretasyon sa mapa, tsart, grap at
talahanayan
 Nakatutulong din sa pag-unawa sa pagbabasa ang kasanayang
bumasa o magbigay-kahulugan sa mga grap, mapa, at
talahanayan kinalalagyan ng kinalabasan ng pag-aaral at
pananaliksik.
Pagmamarka (HIGHLIGHTING)
 Nakatutulong sa pag-alam sa mahahalagang ideya sa
teksto ang pagmamarka habang bumabasa, na
karaniwa’y ginagawa sa pamamagitan ng
pagsalungguhit sa bagay na o impormasyong nais
pahalagahan.
 Ngayon, higit na ginagawa ang pagguhit ng may iba’t
ibang kulay na highlights sa linya o talata sa teksto
na inuukulan ng pahalaga sa binabasa.
 Isulat ang iyong sagot sa ½ c.w:
● Ano ang kayamanang hatid sa tao ang
pagbabasa?
● Bakit ang pagbabasa ay isa sa pinakaimportanteng
kasanayan na dapat taglayin ninuman?
● Paano napauunlad ng pagbabasa ang imahinasyon
ng tao?
Magsaliksik, basahin at unawain: Isulat
sa kuwaderno
 Iskiming
 Iskaning
 Ekstensibo o masaklaw na pagbasa
 Intensibo o masinsinang pagbasa
 Ibaba-pataas o Bottom-up
 Itaas-pababa o Top-down
 Interaktibong Modelo
 Sikolohikal na proseso ng pagbasa
ISKIMMING
 Madaliang pagkalap ang pinakamahalagang
impormasyon o ang pinkabuod/pinakaideya ng
binabasa.
 Pinapasadahan lamang ng mata ang teksto upang
makuha ang mahalagang impormasyong kailangan.
 Tinatawag ding gist reading.
ISKANNING
 Paghahanap sa isang partikular na impormasyong
kinakailangan.
 Ginagamit ang iskaning sa speed reading.
 Malaking tulong ang iskaning sa paghahanap ng
mga tiyak na pangalan, petsa, istatistiks, o
patunay/katotohanan nang hindi na babasahin ang
kabuuang aritkulo.
EKSTENSIBO O MASAKLAW NA PAGBASA
 Ginagamit ang pagbasang ito upang makakuha ng
pangkalahatang pag-unawa sa isang paksa. Kabilang sa
pagbasang ito ang mahahabang teskto para maaliw at
makakuha ng mga impormasyon katulad ng mga libro sa
negosyo –
 Pinapaunlad sa pagbasa ito ang pangkalahatang kaalaman sa
iba’t ibang paksa sa iba’t ibang disiplina.
 Mga babasahin tungkol sa mga bagong kaalamang naisatitik,
mga nobela, talumpati/sanaysay, mga artikulo sa magsasin at
iba pang akademikong sulatin.
INTENSIBO O MASINSINANG PAGBASA
 Higit na mas mahaba ang panahon na inuukol dito
kaysa sa mga 3 nabanggit.
 Pagbasang masusi at dapat intindihing mabuti ang
nilalaman at implikasyon ng bawat bahagi.
 Malaki ang tulong nito sa retensyon ng mga
impormasyong nakalap sa mas mahabang panahon
dahil nagtatagal ang mga impormasyong ito sa
memorya.
Ang pagbabasa ay hindi lamang naisasagawa
sa pamamagitan ng pag-unawa ng mga salita
at kahulugan ng mga ito. Ito ay dumaraan sa
iba't ibang proseso ng pagbibigay ng
kahulugan sa mga salita at nilalaman ng isang
teksto. Isa sa mga prosesong ito ang paggamit
ng iskema.
 Ang pagbasa gamit ang iskema ay ang paggamit
ng kaalaman sa pag-unawa at pagbibigay
kahulugan sa mga bagay na nababasa natin sa
paligid.
 Ano nga ba ang iskema?
Ang iskema, o iskemata sa anyong maramihan, ay ang
kolektibong kaalaman o karanasang nakaimbak sa
ating isipan.
May bahagi ng mga karanasan na tumatatak sa ating
isipan at naiimbak sa ating memorya o long-term
memory.
 Ang mga impormasyong natututuhan o
karanasan ng isang tao ay dumadaan muna sa
proseso bago mapunta sa iskema. Ayon sa
mga dalubhasa sa sikolohiya at wika, bawat
karanasan at impormasyon ay naiipon sa
ating utak bilang mga yunit ng kaalaman.
Ang magkakaugnay na yunit ng kaalaman ay
pinagsasama-sama at bumubuo ng isang
balangkas, bago maging iskema o iskemata.
Bagong
impormasyon
Bagong
impormasyon
Bagong
impormasyon
Bagong
kaalaman
Mga Elemento ng Iskema bilang Pagbasa
 Dating kaalaman o mga bagay na naranasan o
natutuhan ng mambabasa;
 Pag-unawa sa pahayag o ang kakayahan ng mambabasa
na unawain ang kahulugan ng pahayag; at
 Kaalaman sa gramatika at bokabularyo o ang
kaalaman sa kahulugan ng mga salita, estruktura ng
wika, at paraan ng pagsasaayos ng mga ito.
Tandaan na ang iskema sa ating utak ay
hindi permanente. Patuloy iyong yumayaman
at umuunlad sa pagdating ng mga bagong
karanasan o kaalaman na nakukuha natin sa
pagdaan ng panahon. Kung gayon, hanggang
patuloy tayong tumutuklas ng mga bagong
karanasan at nagbabasa ng mga bagong
kaalaman ay patuloy ding umuunlad ang
ating iskema!

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Aralin 1-14 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik...
Aralin 1-14  Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik...Aralin 1-14  Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik...
Aralin 1-14 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik...
JARLUM1
 

Was ist angesagt? (20)

Pagbasa
PagbasaPagbasa
Pagbasa
 
pagbasa-pagbasa-at-pagsusuri-ng-teksto.pptx
pagbasa-pagbasa-at-pagsusuri-ng-teksto.pptxpagbasa-pagbasa-at-pagsusuri-ng-teksto.pptx
pagbasa-pagbasa-at-pagsusuri-ng-teksto.pptx
 
Pagbasa
PagbasaPagbasa
Pagbasa
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat ibang Teksto tungo WEEK 4.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat ibang Teksto tungo WEEK 4.pptxPagbasa at Pagsusuri ng Ibat ibang Teksto tungo WEEK 4.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat ibang Teksto tungo WEEK 4.pptx
 
Mga dapat tandaan sa epektibong pagsasalita at mahusay na pagtatalumpati
Mga dapat tandaan sa epektibong pagsasalita at mahusay na pagtatalumpatiMga dapat tandaan sa epektibong pagsasalita at mahusay na pagtatalumpati
Mga dapat tandaan sa epektibong pagsasalita at mahusay na pagtatalumpati
 
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiFilipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
 
Tekstong Persweysiv
Tekstong PersweysivTekstong Persweysiv
Tekstong Persweysiv
 
Tekstong impormatibo
Tekstong impormatiboTekstong impormatibo
Tekstong impormatibo
 
Mapanuring Mambabasa
Mapanuring MambabasaMapanuring Mambabasa
Mapanuring Mambabasa
 
Mga kasanayan sa mapanuring pagbasa
Mga kasanayan sa mapanuring pagbasaMga kasanayan sa mapanuring pagbasa
Mga kasanayan sa mapanuring pagbasa
 
Ang pagbasa
Ang  pagbasaAng  pagbasa
Ang pagbasa
 
Tekstong deskriptibo - Grade 11
Tekstong deskriptibo - Grade 11Tekstong deskriptibo - Grade 11
Tekstong deskriptibo - Grade 11
 
Pagpili ng paksa
Pagpili ng paksaPagpili ng paksa
Pagpili ng paksa
 
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptxKatangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.pptx
 
6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO.pptx
6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO.pptx6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO.pptx
6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO.pptx
 
Proseso at-yugto-ng-pagsulat
Proseso at-yugto-ng-pagsulatProseso at-yugto-ng-pagsulat
Proseso at-yugto-ng-pagsulat
 
Aralin 1-14 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik...
Aralin 1-14  Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik...Aralin 1-14  Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik...
Aralin 1-14 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik...
 
tekstong-impormatibo.pptx
tekstong-impormatibo.pptxtekstong-impormatibo.pptx
tekstong-impormatibo.pptx
 
Intensibo at ekstensibong pagbasa
Intensibo at ekstensibong pagbasaIntensibo at ekstensibong pagbasa
Intensibo at ekstensibong pagbasa
 
ARALIN 1.2 - MGA HAKBANG SA PAGSULAT, URI NG PAGSULAT AT MGA BAHAGI NG TEKSTO...
ARALIN 1.2 - MGA HAKBANG SA PAGSULAT, URI NG PAGSULAT AT MGA BAHAGI NG TEKSTO...ARALIN 1.2 - MGA HAKBANG SA PAGSULAT, URI NG PAGSULAT AT MGA BAHAGI NG TEKSTO...
ARALIN 1.2 - MGA HAKBANG SA PAGSULAT, URI NG PAGSULAT AT MGA BAHAGI NG TEKSTO...
 

Ähnlich wie Ang Pagbasa ng mga Tekstong Akademiko at Iskema bilang Pagbasa

Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxOnline Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
MangalinoReyshe
 
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKXPPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
MyBrightestStarParkJ
 
paraan sa pagkuha ng datos g11 lesson 6.pptx
paraan sa pagkuha ng datos g11 lesson 6.pptxparaan sa pagkuha ng datos g11 lesson 6.pptx
paraan sa pagkuha ng datos g11 lesson 6.pptx
ferdinandsanbuenaven
 

Ähnlich wie Ang Pagbasa ng mga Tekstong Akademiko at Iskema bilang Pagbasa (20)

Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptx
Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptxAralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptx
Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptx
 
Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik.pptx
Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik.pptxPagbasa at Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik.pptx
Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik.pptx
 
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxOnline Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
 
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASAMAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
 
Iba’t ibang Uri ng Teksto.pptx
Iba’t ibang Uri ng Teksto.pptxIba’t ibang Uri ng Teksto.pptx
Iba’t ibang Uri ng Teksto.pptx
 
Module 1 part 2.pptx
Module 1 part 2.pptxModule 1 part 2.pptx
Module 1 part 2.pptx
 
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang tesktobatayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
 
Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docx
Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docxFil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docx
Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docx
 
SANAYSAY.pptx
SANAYSAY.pptxSANAYSAY.pptx
SANAYSAY.pptx
 
Pagsulat aKADEMIK SHS ppt
Pagsulat aKADEMIK SHS pptPagsulat aKADEMIK SHS ppt
Pagsulat aKADEMIK SHS ppt
 
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng kemePagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
 
3 ang pagsulat bilang kanlungan ng kaalaman
3 ang pagsulat bilang kanlungan ng kaalaman3 ang pagsulat bilang kanlungan ng kaalaman
3 ang pagsulat bilang kanlungan ng kaalaman
 
tekstong-impormatibo.pptx
tekstong-impormatibo.pptxtekstong-impormatibo.pptx
tekstong-impormatibo.pptx
 
Pagbasa
PagbasaPagbasa
Pagbasa
 
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKXPPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
 
Metakognitiv na
Metakognitiv naMetakognitiv na
Metakognitiv na
 
Tektong impormatibo.pptx
Tektong impormatibo.pptxTektong impormatibo.pptx
Tektong impormatibo.pptx
 
pagbasa.pptx
pagbasa.pptxpagbasa.pptx
pagbasa.pptx
 
Kahulugan ng pagbasa
Kahulugan ng pagbasaKahulugan ng pagbasa
Kahulugan ng pagbasa
 
paraan sa pagkuha ng datos g11 lesson 6.pptx
paraan sa pagkuha ng datos g11 lesson 6.pptxparaan sa pagkuha ng datos g11 lesson 6.pptx
paraan sa pagkuha ng datos g11 lesson 6.pptx
 

Kürzlich hochgeladen

ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
VillasoClarisse
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
Joren15
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
VALERIEYDIZON
 

Kürzlich hochgeladen (20)

Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 

Ang Pagbasa ng mga Tekstong Akademiko at Iskema bilang Pagbasa

  • 1. Ang Pagbasa ng mga Tekstong Akademiko
  • 2.
  • 3.
  • 4. Kung ikaw ay magbabasa ng isang teksto, ano ang prosesong susundin mo upang maunawaan ang iyong babasahin? Lagyan ng bilang ang patlang ayon sa nais na pagkasunod-sunod.  Pagbuo ng hinuha  Pagtatalakayan  Pagtukoy ng mga salitang hindi pamilyar  Pag-uugnay ng binasa sa karanasan  Pagbasa sa teksto  Pagtatala ng mga posibleng katanungan tungkol sa babasahing teksto  Pag-uusap sa pamagat ng teksto
  • 5. PAGBASANG MAY PAG-UNAWA Proseso ng pag-aayos, pagkuha at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang maunawaan. Ang mga sagisag na ito ang nagsilsilbing instrumento upang mabigyang kahulugan ang mga kaisipang gusting ipahayag. Maituturing na 90% ng ating kaalaman ay mula sa ating binasa. Maaari nating libutin ang buong daigdig sa pamamagitan lamang ng pagbabasa.
  • 6. PAGBASANG MAY PAG-UNAWA Matatarok natin ang lalim ng kaalaman at nahahawan ang landas ng karunungan sa iba’t ibang larangan – sining, agham, teknolohiya, kasaysayan, pulitika, lipunan, atbp. Namumulat tayo sa katotohanan at nagkakaroon ng pagkakataong makisalamuha para sa ating ibayong kapakinabangan.
  • 7. Mga Kasanayan sa Pagbasa:  Pag-uuri ng mga ideya/detalye ng akda  Pagtukoy sa layunin ng teksto  Pagsusuri ng mga teknik o paraan at pananaw ng awtor  Pagkilatis sa katotohanan o opinion  Pagsusuri kung balido o hindiang ideya o pananaw  Paghinuha  Paghula‘  Paggawa ng paglalahat o kongklusyon  Pagbibigay-interpretasyon sa mapa, grap, at talahanayan  Pagmamarka o highligthing
  • 8. Pag-uuri ng mga Ideya o detalye ng Akda  Kailangan tiyakin ng mambabasa ang kanyang layunin.  Maaari na niyang mauri ang pangunahing ideya at mga pantulong na ideya na sumusuporta sa pangunahing ideya.  Sa pagkuha ng pangunahin at tiyak na detalye, malaki ang maitutulong ng kaalaman sa kayarian ng mga talata at sa pagtatalata mismo.  Ano nga ba ang talata?  Ito ay binubuo ng paksang pangungusap na siyang pangunahing detalye sa talata. Ang mga pangungusap naman sa talata ay nagpapaliwanag sa detalye ng paksang pangungusap.
  • 9. Uri ng mga talata:  Panimulang Talata:  Ito ang talatang nasa unahan ng isang komposiyon.  Talatang Ganap:  Nakikita ito sa gitnang bahagi ng akda o komposisyon. Ang tungkulin nito sa talakayin ang pangunahing paksa. Sinasabi rito kung ano ang paliwanag, ang isasalaysay,ang inilalarawan o bibigyang katwiran.  Talata ng paglilipat-diwa:  Ang tungkulin naman nito ay pag-ugnayin ang mga diwa ng talatang ganap. Maaaring sumasalungat ang talatang ito sa sinundang talata ganap o maaari namang karagdagang paliwanag ito ng sinundang talata. Layunin din nitong pag- ugnayin ang mga talatang ganap sa pagtatalakay sa pangunahing paksa ng isang komposisyon.  Talatang Pabuod:  Ito ang talatang pangwakas ng komposisyon. Karaniwang inuulit na lamang ang mahahalagang kaisipang tinalakay sa katawan o talatang ganap.
  • 10. Pagtukoy sa Layunin ng Teksto  Ang isang matalinong mambabasa ay madaling makatuklas o makakakuha ng mga layunin ng awtor sa pagsulat ng teksto o komposisyon o seleksyon.  Maaaring ang layunin ng manunulat ay manghikayat, manlibang, magpaliwanag, magsiwalat ng katotohanan, magbigay ng opinion, manuligsa, atbp. May mga layunin din na mangaral o magbigay ng mga halimbawa ng kagandahang- asal at mayroon namang maglalarawan ng tunay na mga nangyayari sa lipunan.  Ang layunin ay nakadepende sa interes ng awtor.
  • 11. Pagsusuri ng mga Teknik o Paraan at Pananaw ng Awtor  Bawat awtor o manunulat ay may kanyang sariling estilo o tatak sa pagsusulat. Ang ikinaiiba ng isang awtor sa kapwa niya awtor ay kung paano niya isinusulat o ipinapahayag ang isinusulat.  May mga awtor na mahilig sa mga paksang nakatatawa, mayroon namang ang hilig niya ay paksang may kaugnayan sa kahirapan, o kaya’y sa kababaihan, atbp. May ibang awtor na matipid sa pananalita, kaya madali mong maunawaan kung ano ang ibig niyang ipahiwatig. Mayroon namang magastos sa salita, kaya matagal mo halos makuha ang kanyang ibig ipaalam na mensahe sa bumabasa.  Mga kilalang manunulat gaya nina: Ponciano B. P. Pineda, Amado V. Hernandez, Efren Abueg, Lualhati Bautista, Edgardo M. Reyes, Jun Cruz Reyes, German V. Gervacio, Eros S. Atalia, Bob Ong, at marami pang iba.
  • 12. Pagkilatis sa Katotohanan o Opinyon  Batay sa tala ng DepEd, unti-unting nababawasan ang mga out- of-school youth.  Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa.  Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa pagkakaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa.  Ayon sa siyensya, ang lahat ng buhay ay humihinga.  Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa pamayanan.
  • 13. Pagsusuri kung Balido o Hindi ang Ideya o Pananaw  Sa pagsusuri ng teksto kaugnay sa baliditi ng mga ideya nito, kailangang matukoy muna kung sino ang nagsabi ng ideya at ang kanyang naging batayan sa pagbanggit ng ideya.  Ang konsepto ng pagtutol at pagsang-ayon ay maaaring mapagsama sa isang pangungusap sa pamamagitan ng mga pang-ugnay tulad ng sumusunod: totoo, tinatanggap ko, tama ka, talaga, tunay (nga) pero, ngunit, subalit, datapwat, totoo ang sinabi mo, sadyang, atbp.
  • 14. Paghihinuha  Ito ang ginagawa ng bumabasa pagkatapos na mabasa ang isang akda. May nabuong pag-aakala o palagay ang isang bumabasa pagkatapos na mabasa niya ang akda.  Paano masasabi na isang mambabasa ay nauunawaan ang kanyang binabasa?  Kung nagkakaroon na siya ng sariling palagay batay sa akdang kanyang nabasa.  Halimbawa: Maaaring maghinuha ang bumabasa hinggil sa kanyang palagay kung bakit hindi sang-ayon ang sumusulat sa isang isyung kanyang tinatalakay.
  • 15. Paghuhula  May mga kwentong ‘nakabitin’ ang wakas o hinahayaang ang bumabasa na lamang ang magtapos o magbigay ng wakas nito. Kung mauunawaan ng bumabasa ang kwento, tiyak na makapagbibigay siya ng kanyang hula kung paano ito magwawakas ito.  May mga talumpati na nagtatapos sa pagtatanong. Dito, hinahayaang manghula ang bumabasa sa sagot na gustong iparating sa kanya ng talumpati.
  • 16. Paggawa ng Paglalahat o Kongklusyon  Ito ay ang paglalahat o pagbibigay ng kongklusyon sa kabuuang nilalaman ng akdang binasa. Ito ay maaari ring paglalagom ng mga kaalaman at impormasyong natutunan o nakuha sa teksto o akdang binasa.  Tulad ng nabanggit na sa paghula, may mga tekstong sadyang iniiwan na lamang sa bumabasa ang pagtatapos nito dahil “nakabitin” ang wakas nito. Maaaring gumawa na lamang ng sariling pagwawakas ang mambabasa na kasang-ayon o kasalungat sa tunay na katapusan ng kwento.  Sa isang paglalahad, maaaring magwakas ito sa pamamagitan ng pagbubuod ng paksang ipinapaliwanag; sa tekstong pasalaysay tulad ng kuwento, ito ay kalutasan ng problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan; at kung pangangatwiran, ito ay pag-uulit ng pinakamalakas na katwiran o dahilan.
  • 17. Pagbibigay-interpretasyon sa mapa, tsart, grap at talahanayan  Nakatutulong din sa pag-unawa sa pagbabasa ang kasanayang bumasa o magbigay-kahulugan sa mga grap, mapa, at talahanayan kinalalagyan ng kinalabasan ng pag-aaral at pananaliksik.
  • 18. Pagmamarka (HIGHLIGHTING)  Nakatutulong sa pag-alam sa mahahalagang ideya sa teksto ang pagmamarka habang bumabasa, na karaniwa’y ginagawa sa pamamagitan ng pagsalungguhit sa bagay na o impormasyong nais pahalagahan.  Ngayon, higit na ginagawa ang pagguhit ng may iba’t ibang kulay na highlights sa linya o talata sa teksto na inuukulan ng pahalaga sa binabasa.
  • 19.  Isulat ang iyong sagot sa ½ c.w: ● Ano ang kayamanang hatid sa tao ang pagbabasa? ● Bakit ang pagbabasa ay isa sa pinakaimportanteng kasanayan na dapat taglayin ninuman? ● Paano napauunlad ng pagbabasa ang imahinasyon ng tao?
  • 20. Magsaliksik, basahin at unawain: Isulat sa kuwaderno  Iskiming  Iskaning  Ekstensibo o masaklaw na pagbasa  Intensibo o masinsinang pagbasa  Ibaba-pataas o Bottom-up  Itaas-pababa o Top-down  Interaktibong Modelo  Sikolohikal na proseso ng pagbasa
  • 21. ISKIMMING  Madaliang pagkalap ang pinakamahalagang impormasyon o ang pinkabuod/pinakaideya ng binabasa.  Pinapasadahan lamang ng mata ang teksto upang makuha ang mahalagang impormasyong kailangan.  Tinatawag ding gist reading.
  • 22. ISKANNING  Paghahanap sa isang partikular na impormasyong kinakailangan.  Ginagamit ang iskaning sa speed reading.  Malaking tulong ang iskaning sa paghahanap ng mga tiyak na pangalan, petsa, istatistiks, o patunay/katotohanan nang hindi na babasahin ang kabuuang aritkulo.
  • 23. EKSTENSIBO O MASAKLAW NA PAGBASA  Ginagamit ang pagbasang ito upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa isang paksa. Kabilang sa pagbasang ito ang mahahabang teskto para maaliw at makakuha ng mga impormasyon katulad ng mga libro sa negosyo –  Pinapaunlad sa pagbasa ito ang pangkalahatang kaalaman sa iba’t ibang paksa sa iba’t ibang disiplina.  Mga babasahin tungkol sa mga bagong kaalamang naisatitik, mga nobela, talumpati/sanaysay, mga artikulo sa magsasin at iba pang akademikong sulatin.
  • 24. INTENSIBO O MASINSINANG PAGBASA  Higit na mas mahaba ang panahon na inuukol dito kaysa sa mga 3 nabanggit.  Pagbasang masusi at dapat intindihing mabuti ang nilalaman at implikasyon ng bawat bahagi.  Malaki ang tulong nito sa retensyon ng mga impormasyong nakalap sa mas mahabang panahon dahil nagtatagal ang mga impormasyong ito sa memorya.
  • 25.
  • 26. Ang pagbabasa ay hindi lamang naisasagawa sa pamamagitan ng pag-unawa ng mga salita at kahulugan ng mga ito. Ito ay dumaraan sa iba't ibang proseso ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita at nilalaman ng isang teksto. Isa sa mga prosesong ito ang paggamit ng iskema.
  • 27.  Ang pagbasa gamit ang iskema ay ang paggamit ng kaalaman sa pag-unawa at pagbibigay kahulugan sa mga bagay na nababasa natin sa paligid.  Ano nga ba ang iskema? Ang iskema, o iskemata sa anyong maramihan, ay ang kolektibong kaalaman o karanasang nakaimbak sa ating isipan. May bahagi ng mga karanasan na tumatatak sa ating isipan at naiimbak sa ating memorya o long-term memory.
  • 28.  Ang mga impormasyong natututuhan o karanasan ng isang tao ay dumadaan muna sa proseso bago mapunta sa iskema. Ayon sa mga dalubhasa sa sikolohiya at wika, bawat karanasan at impormasyon ay naiipon sa ating utak bilang mga yunit ng kaalaman. Ang magkakaugnay na yunit ng kaalaman ay pinagsasama-sama at bumubuo ng isang balangkas, bago maging iskema o iskemata.
  • 30. Mga Elemento ng Iskema bilang Pagbasa  Dating kaalaman o mga bagay na naranasan o natutuhan ng mambabasa;  Pag-unawa sa pahayag o ang kakayahan ng mambabasa na unawain ang kahulugan ng pahayag; at  Kaalaman sa gramatika at bokabularyo o ang kaalaman sa kahulugan ng mga salita, estruktura ng wika, at paraan ng pagsasaayos ng mga ito.
  • 31. Tandaan na ang iskema sa ating utak ay hindi permanente. Patuloy iyong yumayaman at umuunlad sa pagdating ng mga bagong karanasan o kaalaman na nakukuha natin sa pagdaan ng panahon. Kung gayon, hanggang patuloy tayong tumutuklas ng mga bagong karanasan at nagbabasa ng mga bagong kaalaman ay patuloy ding umuunlad ang ating iskema!

Hinweis der Redaktion

  1. 1. Anong mensahe ang nakuha ninyo? 2. Bakit posibleng magkaroon ng iba’t ibang interpretasyon sa binasa?  3. Ano ang nais ipahatid na mensahe ng nasa larawan?
  2. 1. Ipakita ang larawan.​ 2. Sabihin: Pamilyar ba kayo sa larawan ng aklat na iyan? Tama, iyan ay isa sa mga  aklat ni Bob Ong, ito rin ay ginawan ng pelikula sa pangunguna nina Jericho  Rosales at Andi Eigenmann.  3. Itanong:  ● Muli, ipagpalagay na una pa lamang pagkakataon na inyong nabasa ang pamagat ng aklat na ito, ano ang inyong magiging reaksyon?   ● Bakit posibleng hindi agad matukoy ang mensahe ng pahayag?  ● Bakit posibleng matukoy rin agad ang mensahe nito?  4. Hikayating sumagot ang mga mag-aaral.     5. Sabihin: May mga pagkakataong may nababasa tayo ng gaya ng sa pamagat ng aklat ni Bob Ong, sa mga pagkakataong ito ay posibleng hindi natin agad mawari  kung ano ang mensahe ng nakasulat, mayroon din namang pagkakaton na agad  namang natutukoy ang kahulugan ayon sa nagamit na kasanayang kaugnay ng  pagbasa.  
  3. Ipakita ang halimbawa
  4. Ipakita ang halimbawang tula
  5. Kapag nagbabasa tayo ng teksto, ang mga bagong impormasyon na nakukuha sa pagbabasa ay pinoproseso sa ating utak. Sa pamamagitan ng mga dati nating kaalaman, nabibigyan natin ng kahulugan at kabuluhan ang mga impormasyong ito. Pagkatapos iproseso ng utak at gawin itong mga yunit ng kaalaman, ang mga bagong impormasyon at dati nang kaalaman ay naiimbak sa ating utak bilang iskema o iskemata.