Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
1.
2. Ang pagtanaw ng utang na loob at pagpapasalamat sa mga taong
gumagawa sa atin ng kabutihan ay isang katangian na dapat nating taglayin
bilang tao. Hindi lamang nito binibigyang-pagkakilala ang mga taong ating
pinasasalamatan, kundi binibigyang-pagkilala din nito ang tunay na
pinagmulan ng bawat biyayang ating natatangap---ang Diyos.
Sa pamamagitan ng ating pagpapahalaga sa mga taong nagpapakita sa
atin ng kabutihang-loob, naipapahayag natin ang ating pasasalamat sa kanila.
Ito ay isang bagay na hindi matutumbasan ng pera o ano mang yaman sa
mundo. Kung kaya’t sa murang edad pa lamang ay mabuting linangin na ang
birtud na ito na taglay ng bawat isa.
3. AngAkingBuhay
ni:EdenDiaoApostol
3
Ang buhay kong ito’y sa inyo nagmula
Pangalawa sa Diyos na sya’ng lumikha
Utang ko sa inyo ang aking hininga
Minahal, hinubog ng inyong kalinga.
Mga sakripisyo’y sadyang hindi biro
Mula ng ako’y iniluwal sa mundo
Pag-ibig na iniukol sa aki’y totoo
Pagmamahal ninyo’y nagsisilbing lakas ko.
4. 4
Ako’y tinuruan ng magandang asal
Sa gitna ng hirap ako’y pinag-aral
Upang ‘di mapariwara ang aking buhay
Diplomang natanggap sa inyo inialay.
Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad
Pangarap ko’y unti-unting natutupad
Ito’y bunga ng ‘nyong dakilang paglingap
Sa ‘king puso’y walang hanggang pasalamat.
5. 5
Ang pasasalamat o pagsasalamat,
ayon sa UP Diksiyonaryong Pilipino, ay
tumutukoy sa pagkilala o pagtanaw ng utang
na loob sa tinanggap na tulong, paglilingkod,
pamimitagan, at iba pa. Kapag isinalin sa
wikang Ingles ang salitang pasasalamat ay
magiging gratitude.
Ang gratitude ay hango sa salitang
Latin na gratus, na ang ibig sabihin ay
“nakalulugod,” gratia, na ang ibig sabihin ay
pagtatangi o kabutihan,” at gratis, na ang ibig
sabihin ay “libre o walang bayad.”
6. Katangian ngTaong Mapagpasalamat:
6
1. Mayroong lubos na pagpapahalaga sa bawat biyayang kaniyang natatanggap
mula sa Diyos at sa kapwa
2. May positibong pananaw sa kabila ng pagsubok at suliraning hinakaharap
3. Marunong tumanaw ng utang na loob ( mataas na pagkilala sa natanggap na
kabutihan at handing maibalik ito sa anumang paraan)
4. Paggawa ng kabutihan sa iba
7. Ilansamgapagdiriwangbilang paraanngpagpasalamat:
7
Shariff Kabunsuan - isang pagdiriwang ng mga Muslim na isinasagawa bilang
pasasalamat na tinatawag na kanduli.
Ati-atihan at Dinagyang – pagdiriwang na ginaganap sa Visayas bilang pagkilala
sa kabutihan ng Sto. Niño lalo na sa panahon ng tagtuyot at kagutuman.
Pahiyas – pagdiriwang bilang pagpapasalamat sa magandang ani