Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Angkop na kilos o galaw ng tao
1. Angkop na Kilos o Galaw ng Tao
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit
2. ALAMIN:
1. Ano-ano ang mga suliranin sa pamayanang iyong
kinabibilangan?
2. Ano ang ugat ng mga suliraning ito?
3. Ano-ano ang mga sinubukang solusyon upang
malutas ang suliranin?
4. Ano ang resulta ng mga solusyong inihain? Bakit
nangyari ang mga ito?
3. Tandaan:
Ang Galaw o Kilos ng Tao (Acts of Man) ay nangyayari sa
tao na walang pinipili at hindi napipigilan. Ang mabuting
kahihinatnan ng galaw o kilos ng tao ay nakadepende sa
mahusay na pagpaplano at taos-pusong pagganap sa
pananagutan sa pasiya at kilos na gagawin.
4. Narito ang ilang paraan kung paano bumubuo ng mtalinong
pagpapasiya.
1. Alamin ang kalikasan/kabuuan (nature) ng suliranin.
2. Magtala ng mga gagawing kilos o galaw at solusyon sa problema.
3. Suriin ang mga magiging anhi at bunga ng mga nakatala sa bilang 2.
4. Alisin sa talaan ang hindi gaanong mainam na gagawing kilos o galaw.
5. Tukuyin kung sino-sino ang mga taong mapagkakatiwalaan ang mga
makakasama sa pagsasagawa.
6. Gawin ng buong ingat, hindi padalos-dalos ang kilos.
7. Tasahan ang ginawa. Kung matagumpay, mabuti. Kung hindi, susubukin
ang iba pang solusyon.
5. Ang pagkukusa o volunteerism ay isang mabuting
paraan upang matulungan ang tao lalo na ang kabataan na
planuhin nila kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay. Ang
pagkukusa ay paglilingkod din ang mga ito ay makatutulong
upang sumubok ng mga iba’t-ibang karanasan habang
gumagawa ng magandang bagay para sa pamayanan at
lipunan.
6. Maraming nagagawa ang pagkakaroon ng pagkukusa
sa kapwa.
1. Kasiyahan
May kasiyahabg madarama sa puso ang magpakita ng
pagkukusa dahil may nagawa kang makabuluhan.
2. Personal na Paglago
Ang paglinang at pagtuklas ng mga bagong kaalaman,
kakayahan, at pananaw na naranasan ay nakaiigting at
nakapagpapalawak ng tiwala sa sarili.
7. 3. Suporta at pakikisama
Nagkakaroon ka ng pagkakataong makisalamuha at
makisama sa iba-ibang tao.
4. Ambag o kontribusyon sa lipunan
Ang pagbabahagi ng sarili sa Gawain ay isang ambag o
kontribusyon sa pagpapabuti ng lipunan.