11. May nagsasabi na ang dapat pagtuunang
pansin ay ang paglinang sa mga kasanayang
komunikatibo. Samakatuwid, hindi kung ano
ang wika, kungdi ang makabuluhang paggamit
nito sa mabisang pagpapahayag, pasalita man
o pasulat.
12.
13. Sa puntong ito ang empasis ay nakatuon sa
pamamaraan o istratehya sa pagtuturo. May mga
lawak na dapat nating pag ukulan ng pansin gaya na
lang ng kaligirang sosyal (social environment) at
kaligirang pisikal (physical environment) na dapat
pag ukulan natin ng pansin para sa isang
matagumpay at epektibong pagtuturo ng wika.
14.
15. Sa kasalukuyan, ang binibigyang diin ay ang paglinang ng
kahusayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wika,
kasanayan sa pakikipagtalastasan o tinaguriang
kasanayang komunikatibo. Napapaloob dito ang mga
gawaing pangwika, tulad ng pagtatanong, pagkuha ng
impormasyon, pagsulat ng liham, pakikipanayam, pagkuha,
pagsulat ng ulat, pamanahong papel at iba pa
16. Ang makabagong teknolohiya at kalakaran ng kapaligiran
sa ngayon ay hindi maituturing na banta sa isang
epektibong pagtuturo bagkus ito ay magsisilbing hamon sa
isang guro.
Malikhaing Guro
Malikhaing Estudyante
Malikhaing Klasrum
17. Naniniwala naman si Dr. Fe Otanes (2002) na:
"Matutuhan ang wika upang sila ay makapaghanapbuhay,
makipamuhay sa kanilang kapwa at mapahalagahan nang
lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan. Sa
kabuuan, pangunahing mithiin sa pagtuturo ng wika na makabuo
ng isang pamayanang marunong, mapanuri, kritikal at kapaki-
pakinabang".
18.
19. Ang kasanayang komunikatibo o communicative competency ay
ang magkasamang kaalaman sa kayariang pangwika at kasanayan
sa paggamit ng wika ayon sa hinihingi ng sitwasyon at
pagkakataon. Hindi lamang ang mahalagang matutuhan ay ang
wastong kayariang pambalarila kungdi pati na ang kaankupan
nito sa sitwasyon at ang pagtanggap ng lipunan.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26. Problema sa lahat ng antas ng edukasyon ang
pagtuturo ng wika sapagkat para sa mga mag-aaral
isa itong kainip-inip na gawain. Ganito ang
mga umiiral na saloobin ng mag-aaral kahit anong
wika ang itinuturo.
27. • Papa, NP (2000). Wikang Filipino sa Iba't ibang Disiplina. Booklore Publishing Corporation
• Belvez P, Iliscupidez P, Roberto R, . Dining ng Komunikasyon Pangkolehiyo Filipino 1. 856
Nicanor Reyes, Sr. St. : Rex Interactive Book Publishing Incorporated
• https://www.scribd.com/document/407782498/Kahulugan-Ng-Komunikatibong-Pagtuturo-
Ng-Wika
• https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-ibig-sabihin-ng-kakayahang-komunikatibo
• https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/ang-mga-estratehiya-sa-pagtuturo-ng-wika-
at-ang-pamaraang-komunikatib-sa-pagtuturo-ng-wika/
• http://spandauside.blogspot.com/2009/09/filipino-101-maling-paggamit-ng_24.html?m=1
Sanggunian: