3. Isang malaking bahagi ng ating buhay ang
paggamit ng iba’t-ibang pinagkukunan ng
mga impormasyon: dyaryo, magasin, radio,
telebisyon, pelikula at internet/computer. Isa
ring malaking bahagi ang ginagampanan ng
mga ito, lalo’t higit ang computer para sa
pagtuturo sa mga mag-aaral ng ika-21 siglo.
4. Ito ang mga pangunahin nating
pinagkukunan ng iba’t-ibang kaalaman
at impormasyong kinakailangan sa
ating pang-araw-araw na pamumuhay.
5. • Paano kayo bilang mag-aaral
gumamit/gumagamit ng
nasabing pinagkukunang
impormasyon?
6. ALAMIN NATIN:
• Basahin ang tula.
MGA PINAGKUKUNANG IMPORMASYON: ATING SURIIN
Kasanayan sa pagbabasa ugaliin natin t’wina,
Nang pahayaga’t, magasin, gayundin ang lathalain.
Kung may nais malaman, mga bagong kaalaman
Ang radyo at telebisyon palagi nating pakinggan.
7. Siyempre pa sa pagtuklas ng katotohanan,
At marubdob na pananaliksik ang kinakailangan.
Sa tulong ng internet isang pindot mo lamang
Makikita mong lahat ng iyong kailangan.
Ngunit sa paggamit ng ganitong mga kagamitan
Mahalaga ang pagtuklas sa katotohanan.
Sa mga makukuha mong iba’t-ibang kaalaman,
Maging mapanuri, upang di-malihis ng daan.
8. Malalaswang panoorin patuloy na lumalaganap,
Mga blogsite sa internet na pornograpiya ang makakalap.
Mga larong mararahas, mahu-hook ka sa isang iglap
Di mo namamalayan, masamang epekto ang ‘yong nasagap.
Kaya kaibigan, kaisipa’y palawakin.
Maging mapagmatyag, mensahe’y timbangin.
Impormasyon at teknolohiya ay biyaya sa atin,
Kaya ating pagyamanin at ‘wag abusuhin.
9. • Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Tungkol saan ang tulang inyong binasa?
2. Anu-ano ang mga pinagkukunang impormasyong nabanggit sa tula?
3. Anu-ano ang mga buting dulot ng mga ito sa atin? Di-mabuting
dulot?
4. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang
naririnig mo sa radyo/ telebisyon o nababasa mo sa pahayagan?
Ipaliwanag.
5. Itala ang iyong mga napanood sa telebisyon, pelikula at internet.
Paano ito nakaaapekto sa iyong kaisipan at damdamin? Ipaliwanag.
11. GAWAIN 1
Isulat sa mga kahon ang mga balitang iyong napakinggan
sa radyo at telebisyon o nabasa sa isang pahayagan.
Ikategoryaito sa Magandang Balita ( positibong mga
pangyayari) o Mapanghamong Balita (pangyayaring may
karahasan, droga at sekswal)
ISAGAWA NATIN
14. Tanong:
1. Anu- ano ang mga balitang napanood,
napakinggan at nabasa ang masasabi mong
Magandang Balita? Mapnaghamon o
Negatibong Balita?
2. Paano mo nasabi na ang mga ito ay
maganda o negatibong balita?
15. Gawain 2:
1. Bumuo ng apat na pangkat.
2. Isulat ang mga programang madalas ninyong
panoorin sa telebisyon o mga di-malilimutang
pelikula.
3. Masusi itong pag-aralan at isulat kung anong
aral (positibong epekto) at Hamon (Masama o
Negatibong epekto).
19. ISAPUSO NATIN
Nadaragdagan na ang iyong karanasan
sa pagkakaroon ng bukas na isipan sa
mabuti at hindi mabuting epekto ng
media tulad ng radyo, pahayagan,
telebisyon, magasin at internet.
20. Sa paggamit ng media o pinagkukunang impormasyon,
sa anong lebel mo maikakategorya ang iyong sarili sa
paggamit ng mga ito?
Kategorya:
4 – Palagian (6-8 oras na paggamit) 4
3 – Medyo Madalas (4-5 oras na paggamit) 3
2 – Katamtaman (1-3 oras na paggamit) 2
1 – Hindi (wala ng nasabing media) 1
Tanong:
Sa iyong sagot, masasabi mo bang hindi ka umaabuso sa paggamit ng iba’t-ibang uri
at bahagi ng media? Suriin ang sarili batay sa lebel o antas na kinalalagayn. Ipaliwanag.
21. TANDAAN NATIN
Tunay na napakahalaga ng paggamit ng iba’t-ibang media
(pahayagan, magasin, radyo, telebisyon at internet o
kompyuter) sapagkat napapagaan nito ang ating buhay,
lalo’t higit sa mga mag-aaral na naghahanap ng
kalutasan na may kinalaman sa kanilang pag-aaral. Sa
pamamagitan ng mga ito napapadali ang ating mga
gawain at natutututo rin ang mga mag-aaral na
mapalawak ang kaalaman sa larangan anumang disiplina.
22. TANDAAN NATIN
Malaki ang epekto ng media sa atin. Subalit hindi lahat ng
ating nababasa at napapanood dito ay tama at totoo.
Kailangang maging mapanuri sa mga binabasa,
pinakikinggan, pinapanood at pinupuntahang sites sa
internet, dahil marami rin sa mga ito ay nagdudulot ng
karahasan at kalaswaan na maaring makapinsala sa ating
sarili at pamilya. Masasabi nating malaki ang
naitutulong ng media at teknolohiya sa pag-unlad ng
iba’t-ibang aspekto ng kaalaman at edukasyon.
23. TANDAAN NATIN
Ngunit dapat din nating pakaisipin na nararapat lamang
na gamitin natin ito nang tama. Huwag nating hayaan na
abusuhin ang ating sarili ng teknolohiya na maaring
makapagdulot sa atin ng negatibong epekto kapag hindi
ginamit sa tamang paraan.
Maging mapanuri at mapagsiyasat sa mga bagay na
nakagugulo dala ng mga ito para na rin
Sa ating kapakanan at n gating pamilya.
25. 1. Muling basahin ang Tandaan Natin nang may
pang-unawa. Ipaliwanag ang ilang mahahalagang
mensahe/detlye ditto na pumukaw sa iyong damdamin at
kaisipan.
2. Tumayo ang bawat mag-aaral, itaas ang kanang kamay
at sabay-sabay na bigkasin ang pangako ukol sa tamang
paggamit ng media at teknolohiya
ISABUHAY NATIN
26. Ako si ___________________________ ay nangangako at
naniniwalang mahalagang pag-Iisipan at susuriin ang mga impormasyong
nababasa, naririnig, at napapanood mula sa iba’t-ibang media at ilang
makabagong teknolohiya upang hindi ito magdulot ng masamang epekto sa
aking sarili, lalo’t higit sa aking pamilya. Ilalayo ko ang aking mga mata sa
tukso ng malalaswang panoorin, gayundin sa mga larong maaring
makpinsala sa akin. Magiging modelo ako sa tamang paggamit ng mga
impormasyong ito upang maitaguyod ang katotohanan para sa
pagkakaroon ng maayos na pamayanan.
Gabayan nawa ako ng Panginoon.
_________________________
Lagda
28. SUBUKIN NATIN
Lagyan ng salitang NAKABUBUTI ang mga gawaing nagpapakita ng
magandang dulot ng paggamit ng media at internet. HINDI
NAKABUBUTI naman kung ito ay nakasasama. Isulat ang inyong sagot
sa kalahating papel.
_______ 1. Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa
takdang-aralin.
_______ 2. Nakapaglalaro sa internet ng barilan at patayan ng mga
zombies.
_______ 3. Nakukumpara ko ang tama at mali sa nabasa sa pahayagan.
_______ 4. Napipili ang mga pelikula at programang hatid ay kaalaman
at aral sa buhay.
_______ 5. Nakakapag-chat ng malalaswang salita sa skype.