paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
Noli Me Tangere (kabanata 41-45)
1.
2. Talasalitaan.
• Nasawata – napigilan
Hal.: Nasawata niya ang kanyang galit noong sila ay sobrang nag-
ingay.
•Nahihirinan – nabubulunan
Hal.: Sa sobrang katakawan, siya ay nahihirinan.
•Natubigan – natigilan
Hal.: Natubigan ang rambulan nang dumating ang mga pulid.
•Viatico – komunyon na ibinibigay sa may mga karamdaman
Hal.: Bibigyan ko si Lucy ng viatico dahil labis niya pa rin
matanggap ang katawan ng Diyos.
•Mababalasik – mababangis
Hal.: Madaming mababalasik na hayop sa gubat.
3.
4. ∞ “Dahil lang sa may sakit kinalilimutan na ninyo ang patay? Dahil ba
sa mahirap lang kami?” (Lucas)
- Paggamit sa patay upang makakuha ng pera o salapi (sa
paraan ng abuloy)
5. ∞ “Ang mga namuno ay ang dalawang magkapatid na anak ng isang lalaking napatay
sa palo ng guwardiya sibil. Sila ay kapwa ko nailigtas sa kamay ng pumatay sa
kanilang ama.” (Elias)
- Pang-aabuso ng guwardiya sibil sa kanyang kapangyarihan
- Maaaring mangyari rin sa kanila ang sinapit ng kanilang ama.
∞ “Wala kayong panahon ? Wala kayong panahon sa patay?” ang tanong pa ni Lucas.
“Nagmamadali ako. Kailangan kong dalawin ang isang may sakit. Bumalik kayo
mamayang hapon.” wika ni Ibarra.
- Mas inuuna ni Ibarra ang kanyang mahal sa buhay ngunit di naman
nangangahulugang kinalilimutan na niya ang kanyang kapwa.
- Higit na importante ang kanyang mahal sa buhay.
6. ∞ “Apo ka nga ng taong nagpabilad sa araw sa aking ama! Ngunit kung mabuti kang
magbayad, magkaibigan tayo!” (Lucas)
- Si Lucas, na kapatid ng taong madilaw, ay anak ng isang dating
trabahador nina Ibarra (ninuno)
- Maari silang maging magkaibigan ni Ibarra ngunit ito ay dahil si Ibarra
ay nakakapagbigay ng pera at hindi dahil siya ay tinulungan nito
7. ∞ Kemikal na ginagawa ni Ibarra sa kanyang laboratoryo
- Alagad siya ng agham
-Maaari ito ay sumisimbolo na gumagawa siya ng gamot para
sa bayan na kailangan parin na maging sistematiko sa
paghahanda nito tulad ng ginagawa sa mga expiremtents
8.
9. • “Nagpagawa siya ng mga kasuotang Europea. Ang kanyang pusod-tagalog ay
pinalitan niya ng pusod-Espanola.
- Kolonyalismong pag-iisip ng Pilipino
• Ang apelyido ng kanyang asawa ay dinagdagan niya ng “de” dahil ito ay nagbibigay
karangalan sa pangalan: “Victorina de los Reyes de de Espadana.
•Talata 27
- Mas binibigyang halaga ang pangalan ng taga-ibang bansa kaysa sa
mga pangalan na purong Pilipino
- Kolonyalismong pag-iisip ng mga Pilipino
10. • Pagsunod ni Don Tiburcio sa mga kaibigan na maging doktor siya upang makakuha
ng pera.
- Paglinlang sa mga tao dahil sinasabi niyang siya ay doktor ngunit sa
totoo naman ay hindi talaga
• Pag-aasawa ni Dona Victorina kay Don Tiburcio
- Pilit na pag-aasawa – si Dona Victorina ay tumatanda na at wala na
siyang makitang taong maaari niyang mapangasawa kaya pinili niya na
lamang si Don Tiburcio
11. ∞ “Higit na himala ang lumaki kaysa magpawis dahil lahat tayo ay nagpapawis ngunit
hindi lahat tayo ay lumalaki.” (Tiya Isabel)
- Kahit tayo ay lahat ay nagsisikap ngunit hindi lahat ay nagma-mature.
- “Maturity”
∞ “Maglalakbay kaming dalawa ng aking asawa dahil hindi ko nais na dito isilang ang
aking anak.” (Dona Victorina)
- Ayaw niyang sa Pilipinas isilang ang kanyang magiging anak dahil kapag
dito ipinanganak ang bata ay mababa ang magiging tingin ngunit kapag
sa ibang bansa marahil ay pupurihin pa ang kanyang anak.
- Mababang tingin sa mga Pilipino
12. ∞ “Huwag ka mag-alala, Clarita. Kami ay nandito upang gamutin ka. Ipinakikilala ko
sa iyo ang aming pinsan.” (Dona Victorina)
- Iba ang pakay ng mga de Espadana (imbis na si Maria Clara ay gamutin
lamang, nadagdagan pa ito ng ibang usapan)
*Pahayag:
∞“Saan higit na magandang maglimos, Isabel? Sa krus sa Tunasan na lumalaki o sa
krus sa Matanong na nagpapawis?” (Kapitan Tiago)
- Naghahanap ng santong maaring dasalan upang mabilis na gumaling si
Maria Clara
13. ∞ Dona Victorina
- Pinapakita na may munting kagandahan ang mga Pilipino na nasira o
naabuso lamang dahil sa pagdating ng mga dayuhan (isa pang halimbawa
ay si Dona Consolacion)
14.
15. ∞Linares: Humingi ng tulong kay Padre Damaso upang hanapan siya ng trabaho at ng
mapapangasawa imbis na siya na lamang ang magsikap na maghanap.
∞Lucas: Lumapit kay Padre Salvi upang hingan din niya ito ng pera (na abuloy daw)
imbis na magsikap siyang magtrabaho at sa paraan na ito ay kumita siya ng pera.
- Pag-asa sa iba upang gawin ang dapat naman na tayo ang gumawa
∞ Lucas: Ginamit si Padre Salvi upang makakuha ng pera sa paraan ng
“pagmamakaawa”.
- Paglinlang sa iba
16. ∞ “Maria, anak ko, hindi ka mamamatay!” (Padre Damaso)
- Kalambutan ng puso ni Padre Damaso
- Bakit anak ang itinawag ni Padre Damaso kay Maria Clara?
∞ “…. Marunong ka namang bumasa at sumulat, ano?” (Padre Damaso)
- Ang kwalipikasyon lamang na kailangan noon ay dapat marunong ka
magbasa at magsulat, hindi mahalaga kung ano ang tinapos mo
17. ∞ “Ano ang gusto mo?” tanong ni Padre Salvi nang makita niya si Lucas
- Di niya inaasahang makita ang kapatid ng taong madilaw
∞ Talata 21 (Lucas)
- Nais niya kumulekta ng kabayaran sa lihim na serbisyo na ginawa ng
kanyang kapatid. Kay Ibarra naman ay upang singilin siya sa nangyari/
kasawiang nangyari sa kanyang kapatid. Umaasa siyang makakakuha
siya ng pera sa 2 panauhin – mula sa nagpapatay at sa tangkang patayin
18. ∞ “Umuwi ka na at magpasalamat kay Ginoong Ibarra at hindi ka niya ipinabilanggo.
Lumayas ka!”
- Masamang pag-ugali ng pari
- nakukutuban ni Padre Salvi na alam ni Lucas na isa sa nagbalak sa
nangyari ay siya kaya pinapaalis na niya ito (Kumampi siya kay Ibarra
upang hindi mahalata na siya ay isa sa nagbalak)
∞ Maaari po bang makausap si Padre Damaso?” (Lucas)
- Gusto malaman ni Lucas kung sino sa dalawang pari ang totoong
nagbalak sa tangakang pagpatay kay Ibarra
∞ “Kagaya rin siya ng… kapag hindi nagbayad nang mabuti… Ang magbayad nang
lalong mabuti ay…” (Lucas; gumugulo sa kanyang isip)
-Nalaman ni Lucas kung sino ang talagang may kagagawan ng binalak na
pagpatay dahil sa kilos ni Padre Salvi sa kanya
19. ∞ Teoryang Bayograpikal: Unibersidad Central
- Sa Unibersidad Central din nag-aral si Rizal sa kanyang panahon ng
dalawang kurso – medisina at philosophy and letters. Si Linares ay dito
rin nag-aral bagamat ang kurso ay abugasya.
∞ Teoryang Romantisismo: Talata 1 at 2
- Tenet: Taglay ng mundo ang kabutihan at kailangan ito ipadama
- Si Padre Damaso ay may mabuting pagkatao rin at ito ay kanyang
napakita nang makita niya si Maria Clara na may sakit
20.
21. ∞ Pagkabinat ni Maria Clara pagkatapos mangumpisal
- Tinitira ni Rizal ang pangungumpisal at kumpisalan
∞ Ina ni Maria Clara
- Pagkatapos mangumpisal ni Maria Clara kay Padre Salvi ay patuloy
niyang nababanggit ang kanyang ina na hindi naman niya lubusang
nakilala. Maaring si Padre Salvi ay may sinabi tungkol sa kanyang ina.
∞ Pagkamangha ni Don Tiburcio sa binigay na gamot
- Patunay na hindi siya totoong doktor dahil kung doktor siya bakit siya
mamamangha dahil dapat alam niya na talaga ang gamot na
inirekomenda ay nakakapagaling
22. ∞ Tingin ni Padre Salvi
- Sinusukat ni Padre Salvi ang kakayahan ni Kapitan Tiago na
makaramdaman ng katotohanan. (Mahahalata ba niya na si Padre
Damaso ay totoong ama ni Maria Clara at ang lihim niyang pag-ibig kay
Maria Clara
∞ Sampung utos ng Diyos
- Habang binabasa ni Tiya Isabel, tinitignan niya ang mukha ng dalaga
at ng basahin niya ng utos na Ibigin ang Diyos sa lahat ng bagay, naging
malungkot ang mukha ni Maria Clara dahil sa totoo lang ay naisip niya si
Ibarra.
∞ Pagkatapos ng kumpisal – Pinagpawisan ang noo
- Mga prayleng nakakagawa ng kasalanan sa kumpisalan
- Si Padre Salvi ay may kasalanan nagawa na malalaman sa susunod na
mga kabanata
23. ∞ Viatico
- Gagawin ni Padre Salvi kay Maria Clara, ito ang kanyang dahilan upang
muling makita lamang ang dalaga
24. ∞ “Palibhasa’y pilay ka!” (Dona Victorina)
- Kung hindi lamang pilay Don Tiburcio ay baka sinipa na niya ito
(natapakan lamang ang kanya corset)
∞ “Sapagkat minamahal niya si Padre Damaso tulad ng isang ama” (Padre Salvi)
- isa sa mga pagpaparinig ni Padre Salvi upang tignan kung
mararamdaman ni Kapitan Tiago kung mapapansin niya na ama ni Maria
Clara ang kura
∞ “Iyon din po ang aking palagay. Mabuti na nga lang po at hindi ninyo binigyanng-
pahintulot si Ibarra na siya ay makausap. Pagkat kung nangyari iyon sa baka lalo
siyang naglubha.” (Padre Salvi)
- Si Ibarra ang ginamit nilang dahilan kung bakit nagkasakit si Maria Clara
pero sa totoo lamang may ibang dahilan
25. ∞ Talata 20
- Ipinapakita ni Rizal na may iba’t ibang paraan ng paggagamot
(relihiyoso, quack at palsipikadong panggamot) na lahat naranasan ni
Maria Clara
26. ∞ “Ginang, ang isang sugat ay hindi sugat ng budhi.” (Padre Salvi)
- Sagot ni Padre Salvi kay Dona Victorina ukol kay Dona Consolacion
- Hindi porket medyo ganoon si Dona Consolacion, di pa rin daw
masasabi na iyon ay sakit ng kanyang konsensiya
∞ “…. Walanghiyang babaeng yan!” (Dona Victorina)
-pangungutya ni Dona Victorina ka Dona Consolacion
27.
28. ∞ Naliliwanagan ng buwan - kagubatan
-Kahit na madaming pagsubok sa kagubatan meron pa rin makikitang
pag-asa
∞ Rebolber
-Kapangyarihan
- Pinapakita na hindi lahat ng tao ay pinagkakatiwalan
∞ Pagsensyas
- kapangyarihan
- nakuha kaagad ng kanyang mga kasama ang ibig sabihin ni Kapitan
Pablo
29. ∞ Telang pulang may bahid ng dugo
-Pinapahulugan na may masamang nangyari kay Kapitan Pablo kaya may
dugo
- Paghihiganti
∞ Elias
- Pag-asa dahil siya ay naniniwalang hindi pa malala ang lahat. Maaari pa
itong solusyunan.
30. ∞ “… Maaari po ba iwan na ninyo ang pamumuhay na ito at sumama na kayo sa akin?
Ako’y ituring na ninyong anak at ngayo’y itututring ko naman kayong ama sapagkat
wala na rin akong kaanak.” (Elias)
- Nais tumulong ni Elias kay Kapitan Tiago dahil ayaw ni Elias na gumawa
pa si Kapitan Pablo ng masama dahil lamang sa pag-hihimagsik sa
kanyang pamilya.
∞ “… Ngayon ako ay tulad sa isang punong kahoy na walang lilim…” (Kapitan Pablo)
-Nawalan na siya ng pag-asa dahil nawala na ang lahat sa kanya
∞ “… Ang naging parusa lang ng paring iyon ay ilipat ang destino sa ibang bayan…”
-Kahit na masama ang nagawa ng kura, hindi pantay ang pagbibigay
parusa lalo na kapag ikaw ay makapangyarihan.
- Rason kung bakit ililipat si Padre Damaso sa ibang bayan (ito ang naging
parusa sa kanya)
31. ∞ Talata 19
- Ang mga kura ay hindi katulad ng dapat talaga nilang gawin bilang mga
alagad ng Diyos dahil inaabuso nila nag kanilang kapangyarihan upang
makapag-higante or gumawa ng masama
∞ Talata 21
-Hindi niya hinayaang gumawa ng masama ang kanyang mga anak kahit
na dapat nila itong gawin
∞ “… ngunit sa pamamagitan ng apoy at dugo at ng kanyang sariling kamay ay
ipaghihiganti ko kayo, aking mga anak.” (Kapitan Pablo)
-Hanggang sa dulo ay nais pa rin na ipaghiganti ang kanyang anak sa
madugong paraan
32. ∞ Teoryang Bayograpikal: Kaisipan ni Elias
-Tulad din ni Rizal, si Elias ay may kaisipan na ang mga bagay na
nangyayari ngayon ay maaaring maayos sa isang maayos na paraan at
hindi sa marahas na paraan
∞ Teoryang Romanticismo: Talata 24
-Tenet: Taglay ng mundo ang kabutihan at kailangan itong ipadama
(naniniwala si Elias na may maaaring maganap na pagbabago)