SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 133
Mga Batayang kaalaman
sa Metodolohiya sa
Pananaliksik-Panlipunan
A. Mga Pangunahing metodo sa
Pananaliksik-Panlipunan.
• Etnograpiya- sa pamamaraan ng
pananaliksik na ito, ang
mananaliksik o etnographer ay
nakikipamuhay sa mismong
komunidad na kanyang
sinasaliksik.
• Schwandt (2015; sa Ravitch at
Carl, 2016) - pinag-uugnay ng
etnograpiya ang mga proseso at
produkto kasama ng mga
fieldwork at sulat na teksto.
- ito ay isang proseso ng pagkilala
ng etnographer sa isang kultura at
ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng pakikipamuhay
at obserbasyon sa mga kasangkot
sa pag-aaral.
Fieldwork
• Etnograpiko- pagsasabuhay sa
kultura.
• Naglalayong punahin ang mga
di binibigyang pansin o
pinagwawalang bahalang
konsepto at asumpsyong
sosyal,ekonomiko, politikal,
kultural at iba pa.
Naval et al. (2010) ang
etnograpiya ay nakabatay sa
isang ekstensibo at detalyadong
paglalarawan ng mga pangyayari.
• Ang ganitong uri ng pananaliksik
ay maaring gawin, halimbawa sa
pag-aaral ng mga tunog ng wika,
pag-aaral sa katutubong
tradisyong medikal ng dumagat at
pag-aaral ng pamumuhay ng mga
maralitang taga-lungsod.
- kilalarin sa tawag na narrative
inquiry at maaring tumukoy sa
espesipikong metodo ma
ginagamit sa imbestigasyon ng
isang penomenon.
2. Kuwentong-Buhay
Schwandt (2015) - ang narrative
inquiry ay kinasasangkutan ng
interdisiplinaryong pag-aaral ng
mga gawaing tulad ng pagbuo at
pag-analisa ng karanasan sa
buhay ng tao, at kalaunay pag-
uulat sa mga ito.
• Naniniwala sina Connelly at
Clandinin (1990) na ang tao ay
likas na mananalaysay at ang
bawat isa ay may personal o
panlipunang karanasan sa buhay.
• Sa pagsusuri ng kuwentong-
buhay, maaring hanguin ang mga
impormasyon mula sa
kasaysayan ng buhay, naratibong
panayam, journal, diaries,
momoirs, awtobiograpiya, o
biograpiya ng indibidwal.
3. Eksperimentasyon
- proseso ng pag-aaral ng
dalawang baryabol.
- Ang bisa ay kontrolado o
pinanatiling konstant at ang isa
naman ay nilalapatan ng
interbensyon.
• Ang manipuladong baryabol ay
tinatawag ding eksperimental na
grupo na nilalapatan ng
kaukulang tritment para tingnan
ang pagkakaiba nito sa
kontroladong grupo.
Naglahad sina Naval,et al.(2010)
ng yugto sa pagsasagawa nito
• Pagtukoy sa isyu o suliranin
• pormulasyon ng haypotesis,
pagpapakahulugan sa termino at
baryabol.
• pagpili sa grupong eksperimental
• pagbuo sa isang planong
eksperimento.
• pagsasakatuparan sa
eksperimento.
4. Aral-kaso
- ang case study ay isang metodo
sa pananaliksik na mailalarawan
sa pamamagitan ng pag-aaral ng
isang napaanahong kaso o mga
kaso ng tunay na buhay.
Limitado ang kaso sa mga salik
tulad ng lugar at oras ( Yin, 2009).
• Ayon kay Stake (1995) - ang
isang mag-aaral ay maituturing na
kaso. Ang guro ay isa ring kaso
subalit ang pagtuturo ng guro ay
di nagtataglay ng tinatawag
niyang specificity para maituring
na isang kaso.
• Sa pagsasagawa ng isang case
study, maaring humango ng
mga datos mula sa tuwirang
obserbasyon, interbyu,
dokumento, artifacts at iba pa
(Yin (2009).
- binigyang kahulugan ito ni Stinger
(2014) sa kanyang aklat na Action
Research bilang isang
sistematikong pag-iimbestiga
upang makahanap ng solusyon sa
mga suliraning kinakaharap sa
pang-araw-araw na buhay ng mga
tao.
5. Action Research
• Kadalasan lokalisado ang setting
at espesiko ang sitwasyon na
ginagawan ng action research.
• Itinala nina Kemmis at
McYoggart (1992) ang mga
yugto sa pagsasagawa ng actio
research. Kinabibilangan ito ng
pagpaplano, implementasyon,
obserbasyon at pagkumuni.
Planning
Observation
Implementa
tion
Reflection
- sa yugtong ito tinatanong ng mga
mananaliksik sa kanilang sarili
kung ano ang realidad ng
kalagayan ng tiyak na lunan na
pinag-aaralan at mula sa
pagtatanong sa tiyak na estado ng
isang isyu o suliranin.
A. Pagpaplano
B. Implementasyon
-sa yugtong ito susubukan ang
nabuong plano. Sinisikap na
sagutin ang planong
isasakatuparan ang mga tinutukoy
na suliranin sa yugto ng
pagpaplano.
C. Obserbasyon
-Habang isinasakatuparan ang
plano ay tinitipon ang mga
mahahalagang datos
pamamagitan ng observasyon
upang makita kung saan mahinan
o kung saan malakas o epektibo
ang haing solusyon.
D. Pagmumuni
- nasasangkot ng yugtong ito sa
pag-analisa at pagmumuni sa
mga pangyayari sa
implementasyon batay sa mga
nakalap na datos sa
obserbasyon.
6. Pagmamapa
-ang mapping ay isang rebyu, hindi
ng mga resulta tulad ng rebyu sa
mga kaugnay na literatura, kung
hindi ng mga pagkkaugnay-ugnay
o linkages.
• Tinitingnan sa proseso ng
pagmamapa ang pagtukoy sa
kung saan ang lokasyon ng pag-
aaral, kailan ito isinagawa, o kung
ano ang pokus ng pag-aaral (
Cooper, 2016).
• Ang pagmamapa ay maaring
isagawa sa halos lahat ng
paksang nais pag-aralan tulad ng
kultura, ekomomiya, politika,
edulasyon at iba pa.
B. Pamamaraan
sa Pagtitipon ng
Datos
1. Video Documentation
- ito ay isang paraan para
makaptyur at maiimbak ang mga
mahahalgang pangyayari sa
proseso ng pananaliksik. Maaring
gawing tuluyan o segmental ang
video documentation.
• Tuluyang video documentation-
tuloy-tuloy na pagkuha ng bidyo
ng isang pangyayari.
• Segmental naman ang tawag sa
dokumentasyon ng mga maikling
bahagi at kalauna'y makakabuo
ng isang mahusay na istorya.
• Ang video documentation, katulad
ng audio recording ay isang
mainam na teknolohiya upang
maitala ang mga mahahalagang
pangyayaring mahirap makaptyur
gamit ang ibang pamamaraan.
• Hindi lamang sa mga interbyu at
focus group discussion maaring
gamitin ito. Ginagamit din ang
video sa etnograpiya, action
research, eksperimental na
pananaliksik at iba pa.
2. Literature Review
- ang pagsusuri sa mga kaugnay
na literatura at pag-aaralay
tumutukoy sa pamamaraan ng
paghahanap ng mga nasusulat o
nakatalang impormasyon na may
kinalaman sa nais gawing pag-
aaral at pagsusuri.
• Sa pagpili mg mga literaturang
susuriin, mahalagamg isaalang-
alang ang kalidad kaysa sa
kantitad.
• Sa pagsusuri sa mga ito, maaring
gawin ang pagsusuri batay sa
tatlong pamamaraan: Historikal,
Lokalidad at Tematik.
1. Historikal
- sa paraang ito, inaaral at inilalaad
ng mg nabasang literatura batay sa
timeline o panahon ng
pagkakagawa ng mga ito.
Ginagamit ito upang ipakita ang
debelopment ng paksa.
2. Lokalidad
- sa pamamaraang ito sinusuri ang
mga sanggunian at ipinaghihiwalay
ito batay sa lokasyon ng pag-aaral.
-hinahati ito sa literaturang lokal at
literaturang banyaga.
3. Tematik
- bumubuo ng mga kategorya at sa
ilalim ng mga kategoryang ito
tatalakayin ang mga
impormasyong nakuha sa mga
sanggunian.
• 3. Interbyu
- ang pakikipanayam sa isahang
pakikipag-usap ng mananaliksik sa
kaniyang impormante upang
kumalap ng mga mahahalagang
impormasyon na ipinapalagay ng
mananaliksik na pinakamahusay
na maibibigay ng napiling
impormante.
Sabi nga nina Holstein at Gobrium
(1995) -ito ay isang interaksyong
panlilunan sa pagitan ng
tagapanayam ( interviewer) at
kinakapanayam ( interviewee) na
kapwa nagbibigay- kontribusyon sa
proseso ng paglikha ng mga
kuwento at kahulugan.
• Kapag magsasagawa ng isang
interbyu mahalagang isaalang-
alang ang ilang mahahalagang
konsiderasyon: relasyonal,
kontekstwal, di ebalwatibo, tuon
sa tao, at 'di nyutral (Ravitch &
Carl, 2016).
• A. Experience and behavior
questions - nakataya rin sa mga
nagawa na ginawa o gagawin pa
lamang ng kinakapanayam.
b. Opinion and values question-
mga katanungang nakapokus sa
pananaw at paniniwala ng
kinakapanayam ukol sa isang
paksa, karanasan, penomenon,
kaganapan, at kung paano niya
pinapahalagahan ito.
• c. Feelings question - tinutuong
sa kasalukuyang pakiramdam sa
isang karanasan ng
kinakapanayam.
• d. Knowledge question - mga
katanungang humahango ng mga
impormasyon at kaalamang
taglay ng kinakapanayam ukol sa
paksang pinag-aaralan.
e. Background/Demographic
questions - mga katanungang
sinasagot ng lokasyong, identidad
at iba pa.
4. Focus Group discussion
(FGD) - ito ay isang pamamaraan
ng elisitasyon ng mahahalagang
impormasyon, partikular ang
pananaw at imbak na
karunungan, ng mga piling
indibidwal na may kaugnayan sa
pag-aaral.
• Ginagamit ang FGD upang
masuri kung paano nabubuo,
nadedebelob, at umiiral ang isang
ideya o kaalaman sa loob ng
isang kontekstong kultural o
panlipunan.
• Sa pamamagitan ng FGD, nakalilikha
ng tinatawag na group think
(nagaganap kung ang isang
indibidwal na kalahok ay nagbubukas
ng isang paksa at mula rito
pinagtutuunan ng grupo ang paksang
ito upang makabuo ng kolektibong
pang-unawa sa nasabing paksa).
Upang maging epektibo ang focus
group discussion, maaaring
isaalang-alang ang ilang panukala
nina Ravitch at Carl (2016) sa
pagsasagawa nito.
• Limitahan ang bilang sa apat
hanggang anim upang mabigyang
pagkakaton ang lahat sa
pakikibahagi.
• Piliing mabuti ang mga kasapi ng
FGD sa pamamagitan ng
pagtiyak na makapag-aambag
sila sa pagtitipon ng mga datos
upang masagot ang mga
katanungan sa pag-aaral.
• Magtalaga ng notetaker upang
makapagkonsentreyt sa pag
facilitate ng focus group
discussion. Mahalaga rin na may
digital recording sa pahintulot ng
mga kasangkot na indibidwal.
• Linawin ng ground rules sa simula
pa lamang at ilahad ang
panuntunan sa pagbibigay-
panahon sa bawat isa upang
malayang lahat ang kasali sa
FGD.
• I-engaged ang lahat at lumikha ng
pagkakataong makibahagi ang
bawat isa.
• Sa pagtatanong simulan sa mga
di-gaanong kontrobersyal
patungo sa mga higit na
kontrobersyal na isyu. Sikaping
papataas ang intensidad ng mga
katanungan.
• Dapat malinaw ang mga
aspektong nais palitawin at
malaman nang sa gayon ay
mapagtutuunan ito ng pansin sa
proseso ng FGD.
• Tiyaking laging isaalang-alang
ang etika at ang panuntunan sa
confidentiality ng mga
impormasyon at identidad ng mga
kalahok.
5. Obserbasyon at Participant
Observation
Ang obserbasyon ay isang proseso
ng pagmamasid at pagtatala ng
mananaliksik sa kanyang mga
nasaksihan sa loob ng isang
partikular na lugar, pangyayari,
kaganapan, o sitwasyon.
Sa obserbasyon, may nakahanda
nang observation sheet na siyang
gabay ng mananaliksik sa mga
tiyak na aspektong bibigyang tuon
sa kanang pagmamasid.
Ang prosesong ito ay tinatawag na
passive, sapagkat limitado lamang
ang interaksyon ng obserber sa
kontekstong ping-aaralan.
Participant observation
- Ito ay tumutukoy sa isang uri ng
pagmamasid na nakikisalamuha o
kasali sa mismong pag-aaral ang
tagamasid o obserber.
Nagbigay sina Hammersiey at
Atkinson (2007) ng mga dapat
tandaan ng mananaliksik sa
paggawa ng participant observation
Ayon sa kanila marapat tandaan ng
mananaliksik na:
a. Hanapin ang mga
mahahalagang datos na may
kaugnayan sa sentral na diwa ng
paksang pinag-aaralan ngunit
dapat nakabase sa mga umiiral na
prinsipyo at teorya;
b. Maingat na itala ang mga kilos at
ugnayang angkop sa konteksto
kasama na ang mga hindi gaanong
pansin na datos kung walang
pokus at intensyonal na
obserbasyon; at
c. Patuloy na bantayan ang sarili
sa pagmamasid upang maiwasan
ang ano mang uri ng personal
biases at prejudices.
6. Archival Reseach
- Ito ay ang pinakaunang paraan ng
pagkalap ng impormasyon para sa
mga isinasagawang pananaliksik.
• Kasama sa mga arkibyang
sanggunian ang mga
manuskrito, dokumento, rekord
na elektroniko, materyales na
awdyo-biswal at iba pa.
Sa Pagsasagawa ng archival
reseach, dapat tandaan ng
mananaliksik ang mga
sumusunod:
• a. Piliin ang pinakaangkop na
sanggunian para makapag-
ambag sa pag-aaral,
• b. Tiyakin ang awtensidad at
kredibilidad ng sanggunian, at
c. Gamitan ng akmang pagsusuri
ang nakuhang sanggunian.
- Maaaring gamitin ang mga teknik sa
review of literature, review of
document, content analysis, o
discourse analysis sa pagsipat sa
mga sangguniang gagamitin.
7. Pagsasagawa ng Sarbey
Ang sarbey ay isang proseso ng
pagkalap ng impormasyon mula
sa inaasahang tagatugon sa
pananaliksik sa pamamagitan ng
survey questionaires, checklist, o
iba pang anyo ng survey forms.
Sa tradisyonal na anyo,
isinasagawa ito sa pamamagitan
ng mga printed forms, ngunit sa
kasalukuyana gumagamit na ng e-
survey forms kung online ang
paraan ng sarbey.
Ang isang talatanungan ay maaring
maglaman ng:
• datos ng pagkakakilanlan
• pahayag ng paghingi ng
kooperasyon
• mga panuto o direksyong sa
dapat na gawin ng tagatugon
• ang mga impormasyong
kailangang ibigay ng tagatugon
na may direktang kinalaman sa
pag-aaral.
Sa paglikha ng isang
questionaire mahalagang
isaalang-alang ang mga
sumusunod:
• Gawing simple at malinaw ang
mga tanong,
• Gawin ding maikli ang mismong
kabuuan ng survey form,
• Dapat hindi opensibo ang mga
katanungan,
• Gawing lokikal ang pagkakaayos
ng mga hinihinging datos, at
• Iwasan ang paghing ng
masyadong mahahabang
kasagutan mula sa tagatugon.
8. Transkripsyon
Isinasagawa ang prosesong ito sa
paglikha ng tekstuwal na anyo ng
isang audio o audio-visual na
sanggunian.
• Kadalasang ginagawa ang
pagtranskrayb sa mga usapan o
oral na mga pahayag mula sa
mga interbyu,focus group
discussion, obserbasyon, at
audio o audio-video documentary
o file.
Sa transkripsyon, may tinatawag
na raw transcription na tumutukoy
sa non-edited na bersyon ng isang
audio file.
Tinatawag namang polished
transcription ang isinasaayos na
bersyon ng raw transcription na
siyang ginagamit para sa pag-
aanalisa, paglalahad at
paglilimbag.
Sa proseso ng
pagtatranskrayb kailangang
gawin ang mga sumusunod:
a. Pakinggan ng tatlo hanggang
limang beses ang usapan o audio
file. Gagawin ito upang maging
pamilyar sa kabuuan ang usapan o
diskurso.
b. Simulan ang pagsulat sa
napakinggan. Sikaping isulat ang
lahat nang maririnig. I-pause o
ulitin ang audio kung
kinakailangan.
c. Kapag naisulat na ang kabuuan
ng raw transcription, ayusin na ito
sa pamamagitan ng pagsasaayos
ng gramatikang mga pahayag.
Tanging linggwistikong aspekto
lamang ang maaring ayusin.
d. Kung kinakailangan, isalin ang
transkripsyon sa isang target na
wika.
Pamamaraan
sa Pagsusuri ng
Datos
1. SWOT Analysis
Ang Strengths, Weaknesses,
Opportunities and Threats analysis
ay isang pamamaraan sa pagtukoy
sa kalakasan, kahinaan,
oportunidad at mga bantang
maiuugnay sa isang proyekto ,
polisiya at iba pang gawain.
Upang maisagawa ang SWOT
Analysis, kailangang maging
malinaw ang pagpapakahulugan sa
apat na elemento ng pagsusuring
ito.
• Una, ang strengths o mga
kalakasan- ito ay tumutukoy sa
ano mang magandang
kontribusyon sa implementasyon
ng plano o programa.
• Ikalawa, ang weaknesses o mga
kahihinaan- ay tumutukoy naman
sa disadbentahe ng aktibidad
nito, mga hindi nito kayang
magagawa at ano pa mang
limitasyong kaugnay ng
pagsasakatuparan sa plano,
gawain o programa.
Maaaring ituring na kahinaan ang
kakulangan ng sapat na bilang sa
pre-testing ng isang programa.
Opportunity o oportunidad ay
tumutukoy naman sa ano mang
kaganapan o bagay na
makatutulong para sa
pagpapaunlad pa gng gawain,
plano o programa.
• Panghuli ay ang threats o mga
banta at panganib. Tumutukoy
naman ito sa ano mang magiging
sagabal sa tagumpay ng isang
inisyatiba.
Upang maisagawa ang ganitong uri
ng pagsusuri, kailangan lamang
maging kritikal sa mga detalye
upang matukoy ang lahat ng
kakailanganing impormasyon.
Maaring gamitin ang modelo sa
paggawa ng SWOT analysis.
Strengths
(Kalakasan)
Weaknesse
s
(Kahinaan)
Opportuniti
es
(Oportunida
d)
Threats
(Banta/Pang
anib)
Mas mataas
na koleksyon
ng buwis
para sa
gobyerno
Hindi napag-
aralan ang
mga
implikasyon
ito sa
marhinalisad
ong sektor
Higit na
pagbibigay-
tuon sa mga
implikasyon
ng
panukalang
Train Law 2
Pagpapatigil
sa
Implementas
yon ng batas
Hindi pag-
apruba sa
Train Law 2
2. Discourse analysis
Ang pagsusuri sa mga diskurso ay
nakatuon sa proseso ng pagsusuri
sa paggamit ng wika sa loob g
panlipunang konteksto.
Wika at konteksto ang dalawang
mahahalagang elemento sa
pagsusuri ng diskurso.
Upang masuri nang maayos
ang napilin diskurso, narito ang
ilang mahahalagang punto sa
paggawa ng analysis.
a. Tiyakin ang konteksto
- dito, kailangang tiyakin kung ano
ang sosyal at historikal na
konteksto ng diskurso. Mahalaga
ring tingnan kung para saan ang
pagsulat o pagpapahayag ng
diskurso.
b. Galugarin ang proseso ng
produksyon ng diskurso
Higit itong pagpapalalim sa
konteksto. Bilang karagdagan,
kailangang mas maging pamilyar
kung sino ang gumagawa at saan
ginawa ang diskurso.
c. Suriin ang estruktura ng
diskurso
Sa pagsusuri, kailangang tingnan
kung may mga seksyon ba sa
diskurso na mariing tumatalakay
lamang sa iisang punto ng
argumento.
d. Tipunin at analisahin ang mga
diskursibong pahayag.
Simula ito ng mikro-perspektibong
pag-analisa sa diskurso. Dito
tinitipon ang lahat ng pahayag na
may mga magkakaugnay na
konsepto at kalauna'y sinusuri ang
relasyon nito sa mga pangunahing
punto ng diskurso.
e. Tukuin kung mayroong
reperensyang kultural
Sa iyong pagsusuri sa teksto,
sikapin ding tingnan kung may
mga bahaging may direktang
kinalaman sa ibang nag-eexist na
diskurso.
f. Tukuyin ang mga ginamit na
mekanismong linggwistik at
retorikal.
- Sa bahaging ito, mahalagang
maging mapanuri at masinop ang
nagsasagawa ng analisis.
Ilan sa mga dapat bantayan
ang sumusunod dahil ang
mga ito ay naghuhudyat ng
kahulugan sa loob ng
diskurso.
1. Mga salita
-Ang pagpili ng mga salita upang
ipahayag ang diskurso ay may
kaugnayan mismo sa
pakahulugang nais ipabatid.
2. Katangiang gramatikal
• Paano ang konstruksyon ng
mga pahayag?
• Madalas bang gumamit ng mga
panghalip na panao?
• Nasa unang panauhan ba ang
ginamit na pananaw?
• Nasa karaniwang ayos ba o 'di
karaniwan ang mga pahayag?
3. Literari at retorikal na pigura
• Gumamit ba ng simili,
metapora, ironiya, alegorya?
• Mayroon bang mga kasabihan,
idyoma, kawikaan at iba pa?
4. Tuwiran at 'di tuwirang
pananalita
• Tuwiran ba o hindi ang mga
pahayag?
• Kung nagmula ang pahayag sa
ibang teksto, nagkaroon ba ng
direktang sipi o minodipika ito?
5. Ebidensya
• Sinusuportahan ba ng mga
pahayag ang sentral at
pangunahing ideya ng
diskurso?
• May mga basehan at
katanggap-tanggap ba ang
mga ito?
g. Isulat ang interpretasyon at
ilahad ang natuklasan
Kapag natukoy na ang lahat ng
maliliit na detalye ng diskurso,
kailangan nang isulat ang
interpretasyon at
pagpapakahulugan sa mga ito.
3. Document Analysis at
Content Analysis
• Ayon kay Bowen (2009), ang
document analysis o pagsusuri sa
dokumento ay isang prosesosa
pagsusuri sa anyo, estruktura at
nilalaman ng mga dokumento ay
isang proseso upang makapagbigay
ng tinig at kahulugan sa isang paksa.
May tatlong uri ng dokumento
ayon kay O'Leary (2014)
1. Pampublikong tala tulad ng
policy manuals, annual reports,
handbooks, syllani, strategic
plans,
2. Personal na dokumento tulad ng
emails, scraptbooks, blogs, duty
logs, incident report, reflections,
journals at ;
3. Pisikal na ebidensya tulad ng
Flyers, posters, agenda, training
materials.
Mungkahing hakbang sa
pagsusuri ng dokumento
ayon kay O'Leary (2014)
a. Tukuyin ang mga dokumentong
susuriin at tiyakin ang awtensidad
ng mga ito.
b. Tukuyin kung may mataas na
subjectivity ang nilalaman
dokumento. Mahalaga ito upang
mas maging balanse ang
pagsusuri sa nlalaman nito.
c. Suriin ang latent content ng
mga dokumento. Kasama sa
latent content ng pagkakasulat,
ang tono ng mga pahayag, ng
intensyon ng pagsulat at ang mga
opinyon at katotohanan.
4. Policy review at impact
assessment
- Ito ay pagsusuri ng isang nag-
eexist na patakaraan upang
matukoy kung ito ba ay mabisa
kapakipakinabang.
• Gayon pa man maari na nating
suriin ang bisa at kahusayan
gamit ang isang
estandardisasyong panukat na
karaniwan ay inilalabas ng
pamahalaan o mga
standardization organization.
Halos ganito rin ang konsepto ng
impact assessment. Ang
ipinagkaiba lamang nito ay hindi
lamang sa Polisya .
• Tumutukoy ang impact
assessment sa naging dulot na
ginawang implementation base
sa itinakdang mga layunin.
• Sa impact assessment,
tinitingnan kung naging
matagumpay o mabunga ang
proyekto o programa.
Comparative Analysis
- Ito ay isang paraan ng
pagsusuring detalyadong
nagtatala sa pagkakatulad at/o
pagkakaiba ng dalawa o higit pang
aytem(tao, bagay, kaganapan,
penomenon at iba pa).

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik
Paglalahad ng Resulta ng PananaliksikPaglalahad ng Resulta ng Pananaliksik
Paglalahad ng Resulta ng PananaliksikRitchelleDacles
 
Tanaga Diona Dalit Tanka Haiku
Tanaga Diona Dalit Tanka HaikuTanaga Diona Dalit Tanka Haiku
Tanaga Diona Dalit Tanka HaikuNeilfrenVillas1
 
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagaloghm alumia
 
Mga batayang kaalaman
Mga batayang kaalamanMga batayang kaalaman
Mga batayang kaalamanElain Cruz
 
Teorya at pananaw sa pagtuturo ng pagbasa final
Teorya at pananaw sa pagtuturo ng pagbasa finalTeorya at pananaw sa pagtuturo ng pagbasa final
Teorya at pananaw sa pagtuturo ng pagbasa finalalbert gallimba
 
Disenyo ng Pananaliksik
Disenyo ng PananaliksikDisenyo ng Pananaliksik
Disenyo ng PananaliksikJohn Lester
 
MGA-BAHAGI-NG-PANANALIKSIK (1).pptx
MGA-BAHAGI-NG-PANANALIKSIK (1).pptxMGA-BAHAGI-NG-PANANALIKSIK (1).pptx
MGA-BAHAGI-NG-PANANALIKSIK (1).pptxRampulamaryjane
 
Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)
Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)
Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)Merelle Matullano
 
Tekstong impormatibo
Tekstong impormatiboTekstong impormatibo
Tekstong impormatiboREGie3
 
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptx
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptxANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptx
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptxROBERTDCCATIMBANG
 
Pangkalahatang format sa pagtukoy ng sanggunian
Pangkalahatang format sa pagtukoy ng sanggunianPangkalahatang format sa pagtukoy ng sanggunian
Pangkalahatang format sa pagtukoy ng sanggunianEmma Sarah
 
Metakognitibong pagbasa tungo sa mapanuring pagbasa at mambabasa
Metakognitibong pagbasa tungo sa mapanuring pagbasa at mambabasaMetakognitibong pagbasa tungo sa mapanuring pagbasa at mambabasa
Metakognitibong pagbasa tungo sa mapanuring pagbasa at mambabasayencobrador
 
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Mga Bahagi at Proseso ng PananaliksikMga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Mga Bahagi at Proseso ng PananaliksikHanna Elise
 

Was ist angesagt? (20)

Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik
Paglalahad ng Resulta ng PananaliksikPaglalahad ng Resulta ng Pananaliksik
Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik
 
Tanaga Diona Dalit Tanka Haiku
Tanaga Diona Dalit Tanka HaikuTanaga Diona Dalit Tanka Haiku
Tanaga Diona Dalit Tanka Haiku
 
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
 
Mga batayang kaalaman
Mga batayang kaalamanMga batayang kaalaman
Mga batayang kaalaman
 
Teorya at pananaw sa pagtuturo ng pagbasa final
Teorya at pananaw sa pagtuturo ng pagbasa finalTeorya at pananaw sa pagtuturo ng pagbasa final
Teorya at pananaw sa pagtuturo ng pagbasa final
 
Ekspositori o Paglalahad
Ekspositori o PaglalahadEkspositori o Paglalahad
Ekspositori o Paglalahad
 
100 Concept Paper Ideas
100 Concept Paper Ideas100 Concept Paper Ideas
100 Concept Paper Ideas
 
Disenyo ng Pananaliksik
Disenyo ng PananaliksikDisenyo ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
 
MGA-BAHAGI-NG-PANANALIKSIK (1).pptx
MGA-BAHAGI-NG-PANANALIKSIK (1).pptxMGA-BAHAGI-NG-PANANALIKSIK (1).pptx
MGA-BAHAGI-NG-PANANALIKSIK (1).pptx
 
Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)
Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)
Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)
 
Bionote
BionoteBionote
Bionote
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Tekstong impormatibo
Tekstong impormatiboTekstong impormatibo
Tekstong impormatibo
 
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptx
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptxANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptx
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptx
 
Pangkalahatang format sa pagtukoy ng sanggunian
Pangkalahatang format sa pagtukoy ng sanggunianPangkalahatang format sa pagtukoy ng sanggunian
Pangkalahatang format sa pagtukoy ng sanggunian
 
Metakognitibong pagbasa tungo sa mapanuring pagbasa at mambabasa
Metakognitibong pagbasa tungo sa mapanuring pagbasa at mambabasaMetakognitibong pagbasa tungo sa mapanuring pagbasa at mambabasa
Metakognitibong pagbasa tungo sa mapanuring pagbasa at mambabasa
 
Ang mananaliksik
Ang mananaliksikAng mananaliksik
Ang mananaliksik
 
Ang pagbasa
Ang  pagbasaAng  pagbasa
Ang pagbasa
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Mga Bahagi at Proseso ng PananaliksikMga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
 

Ähnlich wie Metodolohiya ng Pananaliksik

PPT ng Group 5 komunikasyon-WPS Office.pptx
PPT ng Group 5 komunikasyon-WPS Office.pptxPPT ng Group 5 komunikasyon-WPS Office.pptx
PPT ng Group 5 komunikasyon-WPS Office.pptxLoida59
 
disenyoatpamamaraanngpananaliksik-180314021152.pdf
disenyoatpamamaraanngpananaliksik-180314021152.pdfdisenyoatpamamaraanngpananaliksik-180314021152.pdf
disenyoatpamamaraanngpananaliksik-180314021152.pdfGRACE534894
 
Q2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptx
Q2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptxQ2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptx
Q2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptxCRISTYMAEDETALO
 
Pananaliksik unang hakbang
Pananaliksik unang hakbangPananaliksik unang hakbang
Pananaliksik unang hakbangAllan Ortiz
 
Disenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik.pptx
Disenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik.pptxDisenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik.pptx
Disenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik.pptxIanCeasareTanagon
 
Mga-Disenyo-sa-Maka-Pilipinong-Pananaliksik.pptx
Mga-Disenyo-sa-Maka-Pilipinong-Pananaliksik.pptxMga-Disenyo-sa-Maka-Pilipinong-Pananaliksik.pptx
Mga-Disenyo-sa-Maka-Pilipinong-Pananaliksik.pptxDorueloMarkKennethB
 
Pananaliksik unang hakbang Updated File
Pananaliksik unang hakbang Updated FilePananaliksik unang hakbang Updated File
Pananaliksik unang hakbang Updated FileAllan Ortiz
 
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docxHASDINABKARIANEBRAHI
 
Kahalagahan ng Pnanaliksik
Kahalagahan ng PnanaliksikKahalagahan ng Pnanaliksik
Kahalagahan ng PnanaliksikJohn Lester
 
pananaliksikKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK (1).pdf
pananaliksikKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK (1).pdfpananaliksikKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK (1).pdf
pananaliksikKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK (1).pdfMortejoMaryMaeE
 
Mga Bahagi ng Pagsusuri ng Pananaliksik (Modyul - Copy.pptx
Mga Bahagi ng Pagsusuri ng Pananaliksik (Modyul - Copy.pptxMga Bahagi ng Pagsusuri ng Pananaliksik (Modyul - Copy.pptx
Mga Bahagi ng Pagsusuri ng Pananaliksik (Modyul - Copy.pptxOnlyJEMee
 
Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Allan Ortiz
 
Ang pamamaraan ng sama samang pananaliksik
Ang pamamaraan ng sama samang pananaliksikAng pamamaraan ng sama samang pananaliksik
Ang pamamaraan ng sama samang pananaliksikAloha Gay Quimba
 
Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Allan Ortiz
 
Sulating pananaliksik
Sulating pananaliksikSulating pananaliksik
Sulating pananaliksikAllan Ortiz
 
HAKBANG SA PAGSULAT NG PANANALIKSIK.pptx
HAKBANG SA PAGSULAT NG PANANALIKSIK.pptxHAKBANG SA PAGSULAT NG PANANALIKSIK.pptx
HAKBANG SA PAGSULAT NG PANANALIKSIK.pptxDarylJoyTiama1
 

Ähnlich wie Metodolohiya ng Pananaliksik (20)

PPT ng Group 5 komunikasyon-WPS Office.pptx
PPT ng Group 5 komunikasyon-WPS Office.pptxPPT ng Group 5 komunikasyon-WPS Office.pptx
PPT ng Group 5 komunikasyon-WPS Office.pptx
 
disenyoatpamamaraanngpananaliksik-180314021152.pdf
disenyoatpamamaraanngpananaliksik-180314021152.pdfdisenyoatpamamaraanngpananaliksik-180314021152.pdf
disenyoatpamamaraanngpananaliksik-180314021152.pdf
 
Q2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptx
Q2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptxQ2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptx
Q2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptx
 
Pananaliksik unang hakbang
Pananaliksik unang hakbangPananaliksik unang hakbang
Pananaliksik unang hakbang
 
Disenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik.pptx
Disenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik.pptxDisenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik.pptx
Disenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik.pptx
 
Mga-Disenyo-sa-Maka-Pilipinong-Pananaliksik.pptx
Mga-Disenyo-sa-Maka-Pilipinong-Pananaliksik.pptxMga-Disenyo-sa-Maka-Pilipinong-Pananaliksik.pptx
Mga-Disenyo-sa-Maka-Pilipinong-Pananaliksik.pptx
 
Pananaliksik unang hakbang Updated File
Pananaliksik unang hakbang Updated FilePananaliksik unang hakbang Updated File
Pananaliksik unang hakbang Updated File
 
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx
 
Kahalagahan ng Pnanaliksik
Kahalagahan ng PnanaliksikKahalagahan ng Pnanaliksik
Kahalagahan ng Pnanaliksik
 
Pananaliksik2
Pananaliksik2Pananaliksik2
Pananaliksik2
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
pananaliksikKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK (1).pdf
pananaliksikKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK (1).pdfpananaliksikKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK (1).pdf
pananaliksikKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK (1).pdf
 
Mga Bahagi ng Pagsusuri ng Pananaliksik (Modyul - Copy.pptx
Mga Bahagi ng Pagsusuri ng Pananaliksik (Modyul - Copy.pptxMga Bahagi ng Pagsusuri ng Pananaliksik (Modyul - Copy.pptx
Mga Bahagi ng Pagsusuri ng Pananaliksik (Modyul - Copy.pptx
 
inaantok-na-po-ako-huhuhuhu.pptx
inaantok-na-po-ako-huhuhuhu.pptxinaantok-na-po-ako-huhuhuhu.pptx
inaantok-na-po-ako-huhuhuhu.pptx
 
Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1
 
Thesis sa Filipino
Thesis sa FilipinoThesis sa Filipino
Thesis sa Filipino
 
Ang pamamaraan ng sama samang pananaliksik
Ang pamamaraan ng sama samang pananaliksikAng pamamaraan ng sama samang pananaliksik
Ang pamamaraan ng sama samang pananaliksik
 
Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1
 
Sulating pananaliksik
Sulating pananaliksikSulating pananaliksik
Sulating pananaliksik
 
HAKBANG SA PAGSULAT NG PANANALIKSIK.pptx
HAKBANG SA PAGSULAT NG PANANALIKSIK.pptxHAKBANG SA PAGSULAT NG PANANALIKSIK.pptx
HAKBANG SA PAGSULAT NG PANANALIKSIK.pptx
 

Metodolohiya ng Pananaliksik

  • 1. Mga Batayang kaalaman sa Metodolohiya sa Pananaliksik-Panlipunan
  • 2. A. Mga Pangunahing metodo sa Pananaliksik-Panlipunan. • Etnograpiya- sa pamamaraan ng pananaliksik na ito, ang mananaliksik o etnographer ay nakikipamuhay sa mismong komunidad na kanyang sinasaliksik.
  • 3. • Schwandt (2015; sa Ravitch at Carl, 2016) - pinag-uugnay ng etnograpiya ang mga proseso at produkto kasama ng mga fieldwork at sulat na teksto.
  • 4. - ito ay isang proseso ng pagkilala ng etnographer sa isang kultura at ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pakikipamuhay at obserbasyon sa mga kasangkot sa pag-aaral. Fieldwork
  • 6. • Naglalayong punahin ang mga di binibigyang pansin o pinagwawalang bahalang konsepto at asumpsyong sosyal,ekonomiko, politikal, kultural at iba pa.
  • 7. Naval et al. (2010) ang etnograpiya ay nakabatay sa isang ekstensibo at detalyadong paglalarawan ng mga pangyayari.
  • 8. • Ang ganitong uri ng pananaliksik ay maaring gawin, halimbawa sa pag-aaral ng mga tunog ng wika, pag-aaral sa katutubong tradisyong medikal ng dumagat at pag-aaral ng pamumuhay ng mga maralitang taga-lungsod.
  • 9. - kilalarin sa tawag na narrative inquiry at maaring tumukoy sa espesipikong metodo ma ginagamit sa imbestigasyon ng isang penomenon. 2. Kuwentong-Buhay
  • 10. Schwandt (2015) - ang narrative inquiry ay kinasasangkutan ng interdisiplinaryong pag-aaral ng mga gawaing tulad ng pagbuo at pag-analisa ng karanasan sa buhay ng tao, at kalaunay pag- uulat sa mga ito.
  • 11. • Naniniwala sina Connelly at Clandinin (1990) na ang tao ay likas na mananalaysay at ang bawat isa ay may personal o panlipunang karanasan sa buhay.
  • 12. • Sa pagsusuri ng kuwentong- buhay, maaring hanguin ang mga impormasyon mula sa kasaysayan ng buhay, naratibong panayam, journal, diaries, momoirs, awtobiograpiya, o biograpiya ng indibidwal.
  • 13. 3. Eksperimentasyon - proseso ng pag-aaral ng dalawang baryabol. - Ang bisa ay kontrolado o pinanatiling konstant at ang isa naman ay nilalapatan ng interbensyon.
  • 14. • Ang manipuladong baryabol ay tinatawag ding eksperimental na grupo na nilalapatan ng kaukulang tritment para tingnan ang pagkakaiba nito sa kontroladong grupo.
  • 15. Naglahad sina Naval,et al.(2010) ng yugto sa pagsasagawa nito • Pagtukoy sa isyu o suliranin • pormulasyon ng haypotesis, pagpapakahulugan sa termino at baryabol.
  • 16. • pagpili sa grupong eksperimental • pagbuo sa isang planong eksperimento. • pagsasakatuparan sa eksperimento.
  • 17. 4. Aral-kaso - ang case study ay isang metodo sa pananaliksik na mailalarawan sa pamamagitan ng pag-aaral ng isang napaanahong kaso o mga kaso ng tunay na buhay.
  • 18. Limitado ang kaso sa mga salik tulad ng lugar at oras ( Yin, 2009).
  • 19. • Ayon kay Stake (1995) - ang isang mag-aaral ay maituturing na kaso. Ang guro ay isa ring kaso subalit ang pagtuturo ng guro ay di nagtataglay ng tinatawag niyang specificity para maituring na isang kaso.
  • 20. • Sa pagsasagawa ng isang case study, maaring humango ng mga datos mula sa tuwirang obserbasyon, interbyu, dokumento, artifacts at iba pa (Yin (2009).
  • 21. - binigyang kahulugan ito ni Stinger (2014) sa kanyang aklat na Action Research bilang isang sistematikong pag-iimbestiga upang makahanap ng solusyon sa mga suliraning kinakaharap sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao. 5. Action Research
  • 22. • Kadalasan lokalisado ang setting at espesiko ang sitwasyon na ginagawan ng action research.
  • 23. • Itinala nina Kemmis at McYoggart (1992) ang mga yugto sa pagsasagawa ng actio research. Kinabibilangan ito ng pagpaplano, implementasyon, obserbasyon at pagkumuni.
  • 25. - sa yugtong ito tinatanong ng mga mananaliksik sa kanilang sarili kung ano ang realidad ng kalagayan ng tiyak na lunan na pinag-aaralan at mula sa pagtatanong sa tiyak na estado ng isang isyu o suliranin. A. Pagpaplano
  • 26. B. Implementasyon -sa yugtong ito susubukan ang nabuong plano. Sinisikap na sagutin ang planong isasakatuparan ang mga tinutukoy na suliranin sa yugto ng pagpaplano.
  • 27. C. Obserbasyon -Habang isinasakatuparan ang plano ay tinitipon ang mga mahahalagang datos pamamagitan ng observasyon upang makita kung saan mahinan o kung saan malakas o epektibo ang haing solusyon.
  • 28. D. Pagmumuni - nasasangkot ng yugtong ito sa pag-analisa at pagmumuni sa mga pangyayari sa implementasyon batay sa mga nakalap na datos sa obserbasyon.
  • 29. 6. Pagmamapa -ang mapping ay isang rebyu, hindi ng mga resulta tulad ng rebyu sa mga kaugnay na literatura, kung hindi ng mga pagkkaugnay-ugnay o linkages.
  • 30. • Tinitingnan sa proseso ng pagmamapa ang pagtukoy sa kung saan ang lokasyon ng pag- aaral, kailan ito isinagawa, o kung ano ang pokus ng pag-aaral ( Cooper, 2016).
  • 31. • Ang pagmamapa ay maaring isagawa sa halos lahat ng paksang nais pag-aralan tulad ng kultura, ekomomiya, politika, edulasyon at iba pa.
  • 33. 1. Video Documentation - ito ay isang paraan para makaptyur at maiimbak ang mga mahahalgang pangyayari sa proseso ng pananaliksik. Maaring gawing tuluyan o segmental ang video documentation.
  • 34. • Tuluyang video documentation- tuloy-tuloy na pagkuha ng bidyo ng isang pangyayari. • Segmental naman ang tawag sa dokumentasyon ng mga maikling bahagi at kalauna'y makakabuo ng isang mahusay na istorya.
  • 35. • Ang video documentation, katulad ng audio recording ay isang mainam na teknolohiya upang maitala ang mga mahahalagang pangyayaring mahirap makaptyur gamit ang ibang pamamaraan.
  • 36. • Hindi lamang sa mga interbyu at focus group discussion maaring gamitin ito. Ginagamit din ang video sa etnograpiya, action research, eksperimental na pananaliksik at iba pa.
  • 37. 2. Literature Review - ang pagsusuri sa mga kaugnay na literatura at pag-aaralay tumutukoy sa pamamaraan ng paghahanap ng mga nasusulat o nakatalang impormasyon na may kinalaman sa nais gawing pag- aaral at pagsusuri.
  • 38. • Sa pagpili mg mga literaturang susuriin, mahalagamg isaalang- alang ang kalidad kaysa sa kantitad.
  • 39. • Sa pagsusuri sa mga ito, maaring gawin ang pagsusuri batay sa tatlong pamamaraan: Historikal, Lokalidad at Tematik.
  • 40. 1. Historikal - sa paraang ito, inaaral at inilalaad ng mg nabasang literatura batay sa timeline o panahon ng pagkakagawa ng mga ito. Ginagamit ito upang ipakita ang debelopment ng paksa.
  • 41. 2. Lokalidad - sa pamamaraang ito sinusuri ang mga sanggunian at ipinaghihiwalay ito batay sa lokasyon ng pag-aaral. -hinahati ito sa literaturang lokal at literaturang banyaga.
  • 42. 3. Tematik - bumubuo ng mga kategorya at sa ilalim ng mga kategoryang ito tatalakayin ang mga impormasyong nakuha sa mga sanggunian.
  • 43. • 3. Interbyu - ang pakikipanayam sa isahang pakikipag-usap ng mananaliksik sa kaniyang impormante upang kumalap ng mga mahahalagang impormasyon na ipinapalagay ng mananaliksik na pinakamahusay na maibibigay ng napiling impormante.
  • 44. Sabi nga nina Holstein at Gobrium (1995) -ito ay isang interaksyong panlilunan sa pagitan ng tagapanayam ( interviewer) at kinakapanayam ( interviewee) na kapwa nagbibigay- kontribusyon sa proseso ng paglikha ng mga kuwento at kahulugan.
  • 45. • Kapag magsasagawa ng isang interbyu mahalagang isaalang- alang ang ilang mahahalagang konsiderasyon: relasyonal, kontekstwal, di ebalwatibo, tuon sa tao, at 'di nyutral (Ravitch & Carl, 2016).
  • 46. • A. Experience and behavior questions - nakataya rin sa mga nagawa na ginawa o gagawin pa lamang ng kinakapanayam.
  • 47. b. Opinion and values question- mga katanungang nakapokus sa pananaw at paniniwala ng kinakapanayam ukol sa isang paksa, karanasan, penomenon, kaganapan, at kung paano niya pinapahalagahan ito.
  • 48. • c. Feelings question - tinutuong sa kasalukuyang pakiramdam sa isang karanasan ng kinakapanayam.
  • 49. • d. Knowledge question - mga katanungang humahango ng mga impormasyon at kaalamang taglay ng kinakapanayam ukol sa paksang pinag-aaralan.
  • 50. e. Background/Demographic questions - mga katanungang sinasagot ng lokasyong, identidad at iba pa.
  • 51. 4. Focus Group discussion (FGD) - ito ay isang pamamaraan ng elisitasyon ng mahahalagang impormasyon, partikular ang pananaw at imbak na karunungan, ng mga piling indibidwal na may kaugnayan sa pag-aaral.
  • 52. • Ginagamit ang FGD upang masuri kung paano nabubuo, nadedebelob, at umiiral ang isang ideya o kaalaman sa loob ng isang kontekstong kultural o panlipunan.
  • 53. • Sa pamamagitan ng FGD, nakalilikha ng tinatawag na group think (nagaganap kung ang isang indibidwal na kalahok ay nagbubukas ng isang paksa at mula rito pinagtutuunan ng grupo ang paksang ito upang makabuo ng kolektibong pang-unawa sa nasabing paksa).
  • 54. Upang maging epektibo ang focus group discussion, maaaring isaalang-alang ang ilang panukala nina Ravitch at Carl (2016) sa pagsasagawa nito.
  • 55. • Limitahan ang bilang sa apat hanggang anim upang mabigyang pagkakaton ang lahat sa pakikibahagi.
  • 56. • Piliing mabuti ang mga kasapi ng FGD sa pamamagitan ng pagtiyak na makapag-aambag sila sa pagtitipon ng mga datos upang masagot ang mga katanungan sa pag-aaral.
  • 57. • Magtalaga ng notetaker upang makapagkonsentreyt sa pag facilitate ng focus group discussion. Mahalaga rin na may digital recording sa pahintulot ng mga kasangkot na indibidwal.
  • 58. • Linawin ng ground rules sa simula pa lamang at ilahad ang panuntunan sa pagbibigay- panahon sa bawat isa upang malayang lahat ang kasali sa FGD.
  • 59. • I-engaged ang lahat at lumikha ng pagkakataong makibahagi ang bawat isa.
  • 60. • Sa pagtatanong simulan sa mga di-gaanong kontrobersyal patungo sa mga higit na kontrobersyal na isyu. Sikaping papataas ang intensidad ng mga katanungan.
  • 61. • Dapat malinaw ang mga aspektong nais palitawin at malaman nang sa gayon ay mapagtutuunan ito ng pansin sa proseso ng FGD.
  • 62. • Tiyaking laging isaalang-alang ang etika at ang panuntunan sa confidentiality ng mga impormasyon at identidad ng mga kalahok.
  • 63. 5. Obserbasyon at Participant Observation Ang obserbasyon ay isang proseso ng pagmamasid at pagtatala ng mananaliksik sa kanyang mga nasaksihan sa loob ng isang partikular na lugar, pangyayari, kaganapan, o sitwasyon.
  • 64. Sa obserbasyon, may nakahanda nang observation sheet na siyang gabay ng mananaliksik sa mga tiyak na aspektong bibigyang tuon sa kanang pagmamasid.
  • 65. Ang prosesong ito ay tinatawag na passive, sapagkat limitado lamang ang interaksyon ng obserber sa kontekstong ping-aaralan.
  • 66. Participant observation - Ito ay tumutukoy sa isang uri ng pagmamasid na nakikisalamuha o kasali sa mismong pag-aaral ang tagamasid o obserber.
  • 67. Nagbigay sina Hammersiey at Atkinson (2007) ng mga dapat tandaan ng mananaliksik sa paggawa ng participant observation
  • 68. Ayon sa kanila marapat tandaan ng mananaliksik na: a. Hanapin ang mga mahahalagang datos na may kaugnayan sa sentral na diwa ng paksang pinag-aaralan ngunit dapat nakabase sa mga umiiral na prinsipyo at teorya;
  • 69. b. Maingat na itala ang mga kilos at ugnayang angkop sa konteksto kasama na ang mga hindi gaanong pansin na datos kung walang pokus at intensyonal na obserbasyon; at
  • 70. c. Patuloy na bantayan ang sarili sa pagmamasid upang maiwasan ang ano mang uri ng personal biases at prejudices.
  • 71. 6. Archival Reseach - Ito ay ang pinakaunang paraan ng pagkalap ng impormasyon para sa mga isinasagawang pananaliksik.
  • 72. • Kasama sa mga arkibyang sanggunian ang mga manuskrito, dokumento, rekord na elektroniko, materyales na awdyo-biswal at iba pa.
  • 73. Sa Pagsasagawa ng archival reseach, dapat tandaan ng mananaliksik ang mga sumusunod:
  • 74. • a. Piliin ang pinakaangkop na sanggunian para makapag- ambag sa pag-aaral, • b. Tiyakin ang awtensidad at kredibilidad ng sanggunian, at
  • 75. c. Gamitan ng akmang pagsusuri ang nakuhang sanggunian. - Maaaring gamitin ang mga teknik sa review of literature, review of document, content analysis, o discourse analysis sa pagsipat sa mga sangguniang gagamitin.
  • 76. 7. Pagsasagawa ng Sarbey Ang sarbey ay isang proseso ng pagkalap ng impormasyon mula sa inaasahang tagatugon sa pananaliksik sa pamamagitan ng survey questionaires, checklist, o iba pang anyo ng survey forms.
  • 77. Sa tradisyonal na anyo, isinasagawa ito sa pamamagitan ng mga printed forms, ngunit sa kasalukuyana gumagamit na ng e- survey forms kung online ang paraan ng sarbey.
  • 78. Ang isang talatanungan ay maaring maglaman ng: • datos ng pagkakakilanlan • pahayag ng paghingi ng kooperasyon
  • 79. • mga panuto o direksyong sa dapat na gawin ng tagatugon • ang mga impormasyong kailangang ibigay ng tagatugon na may direktang kinalaman sa pag-aaral.
  • 80. Sa paglikha ng isang questionaire mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:
  • 81. • Gawing simple at malinaw ang mga tanong, • Gawin ding maikli ang mismong kabuuan ng survey form,
  • 82. • Dapat hindi opensibo ang mga katanungan, • Gawing lokikal ang pagkakaayos ng mga hinihinging datos, at • Iwasan ang paghing ng masyadong mahahabang kasagutan mula sa tagatugon.
  • 83. 8. Transkripsyon Isinasagawa ang prosesong ito sa paglikha ng tekstuwal na anyo ng isang audio o audio-visual na sanggunian.
  • 84. • Kadalasang ginagawa ang pagtranskrayb sa mga usapan o oral na mga pahayag mula sa mga interbyu,focus group discussion, obserbasyon, at audio o audio-video documentary o file.
  • 85. Sa transkripsyon, may tinatawag na raw transcription na tumutukoy sa non-edited na bersyon ng isang audio file.
  • 86. Tinatawag namang polished transcription ang isinasaayos na bersyon ng raw transcription na siyang ginagamit para sa pag- aanalisa, paglalahad at paglilimbag.
  • 87. Sa proseso ng pagtatranskrayb kailangang gawin ang mga sumusunod:
  • 88. a. Pakinggan ng tatlo hanggang limang beses ang usapan o audio file. Gagawin ito upang maging pamilyar sa kabuuan ang usapan o diskurso.
  • 89. b. Simulan ang pagsulat sa napakinggan. Sikaping isulat ang lahat nang maririnig. I-pause o ulitin ang audio kung kinakailangan.
  • 90. c. Kapag naisulat na ang kabuuan ng raw transcription, ayusin na ito sa pamamagitan ng pagsasaayos ng gramatikang mga pahayag. Tanging linggwistikong aspekto lamang ang maaring ayusin.
  • 91. d. Kung kinakailangan, isalin ang transkripsyon sa isang target na wika.
  • 93. 1. SWOT Analysis Ang Strengths, Weaknesses, Opportunities and Threats analysis ay isang pamamaraan sa pagtukoy sa kalakasan, kahinaan, oportunidad at mga bantang maiuugnay sa isang proyekto , polisiya at iba pang gawain.
  • 94. Upang maisagawa ang SWOT Analysis, kailangang maging malinaw ang pagpapakahulugan sa apat na elemento ng pagsusuring ito.
  • 95. • Una, ang strengths o mga kalakasan- ito ay tumutukoy sa ano mang magandang kontribusyon sa implementasyon ng plano o programa.
  • 96. • Ikalawa, ang weaknesses o mga kahihinaan- ay tumutukoy naman sa disadbentahe ng aktibidad nito, mga hindi nito kayang magagawa at ano pa mang limitasyong kaugnay ng pagsasakatuparan sa plano, gawain o programa.
  • 97. Maaaring ituring na kahinaan ang kakulangan ng sapat na bilang sa pre-testing ng isang programa.
  • 98. Opportunity o oportunidad ay tumutukoy naman sa ano mang kaganapan o bagay na makatutulong para sa pagpapaunlad pa gng gawain, plano o programa.
  • 99. • Panghuli ay ang threats o mga banta at panganib. Tumutukoy naman ito sa ano mang magiging sagabal sa tagumpay ng isang inisyatiba.
  • 100. Upang maisagawa ang ganitong uri ng pagsusuri, kailangan lamang maging kritikal sa mga detalye upang matukoy ang lahat ng kakailanganing impormasyon.
  • 101. Maaring gamitin ang modelo sa paggawa ng SWOT analysis. Strengths (Kalakasan) Weaknesse s (Kahinaan) Opportuniti es (Oportunida d) Threats (Banta/Pang anib) Mas mataas na koleksyon ng buwis para sa gobyerno Hindi napag- aralan ang mga implikasyon ito sa marhinalisad ong sektor Higit na pagbibigay- tuon sa mga implikasyon ng panukalang Train Law 2 Pagpapatigil sa Implementas yon ng batas Hindi pag- apruba sa Train Law 2
  • 102. 2. Discourse analysis Ang pagsusuri sa mga diskurso ay nakatuon sa proseso ng pagsusuri sa paggamit ng wika sa loob g panlipunang konteksto.
  • 103. Wika at konteksto ang dalawang mahahalagang elemento sa pagsusuri ng diskurso.
  • 104. Upang masuri nang maayos ang napilin diskurso, narito ang ilang mahahalagang punto sa paggawa ng analysis.
  • 105. a. Tiyakin ang konteksto - dito, kailangang tiyakin kung ano ang sosyal at historikal na konteksto ng diskurso. Mahalaga ring tingnan kung para saan ang pagsulat o pagpapahayag ng diskurso.
  • 106. b. Galugarin ang proseso ng produksyon ng diskurso Higit itong pagpapalalim sa konteksto. Bilang karagdagan, kailangang mas maging pamilyar kung sino ang gumagawa at saan ginawa ang diskurso.
  • 107. c. Suriin ang estruktura ng diskurso Sa pagsusuri, kailangang tingnan kung may mga seksyon ba sa diskurso na mariing tumatalakay lamang sa iisang punto ng argumento.
  • 108. d. Tipunin at analisahin ang mga diskursibong pahayag. Simula ito ng mikro-perspektibong pag-analisa sa diskurso. Dito tinitipon ang lahat ng pahayag na may mga magkakaugnay na konsepto at kalauna'y sinusuri ang relasyon nito sa mga pangunahing punto ng diskurso.
  • 109. e. Tukuin kung mayroong reperensyang kultural Sa iyong pagsusuri sa teksto, sikapin ding tingnan kung may mga bahaging may direktang kinalaman sa ibang nag-eexist na diskurso.
  • 110. f. Tukuyin ang mga ginamit na mekanismong linggwistik at retorikal. - Sa bahaging ito, mahalagang maging mapanuri at masinop ang nagsasagawa ng analisis.
  • 111. Ilan sa mga dapat bantayan ang sumusunod dahil ang mga ito ay naghuhudyat ng kahulugan sa loob ng diskurso.
  • 112. 1. Mga salita -Ang pagpili ng mga salita upang ipahayag ang diskurso ay may kaugnayan mismo sa pakahulugang nais ipabatid.
  • 113. 2. Katangiang gramatikal • Paano ang konstruksyon ng mga pahayag? • Madalas bang gumamit ng mga panghalip na panao?
  • 114. • Nasa unang panauhan ba ang ginamit na pananaw? • Nasa karaniwang ayos ba o 'di karaniwan ang mga pahayag?
  • 115. 3. Literari at retorikal na pigura • Gumamit ba ng simili, metapora, ironiya, alegorya? • Mayroon bang mga kasabihan, idyoma, kawikaan at iba pa?
  • 116. 4. Tuwiran at 'di tuwirang pananalita • Tuwiran ba o hindi ang mga pahayag? • Kung nagmula ang pahayag sa ibang teksto, nagkaroon ba ng direktang sipi o minodipika ito?
  • 117. 5. Ebidensya • Sinusuportahan ba ng mga pahayag ang sentral at pangunahing ideya ng diskurso? • May mga basehan at katanggap-tanggap ba ang mga ito?
  • 118. g. Isulat ang interpretasyon at ilahad ang natuklasan Kapag natukoy na ang lahat ng maliliit na detalye ng diskurso, kailangan nang isulat ang interpretasyon at pagpapakahulugan sa mga ito.
  • 119. 3. Document Analysis at Content Analysis
  • 120. • Ayon kay Bowen (2009), ang document analysis o pagsusuri sa dokumento ay isang prosesosa pagsusuri sa anyo, estruktura at nilalaman ng mga dokumento ay isang proseso upang makapagbigay ng tinig at kahulugan sa isang paksa.
  • 121. May tatlong uri ng dokumento ayon kay O'Leary (2014) 1. Pampublikong tala tulad ng policy manuals, annual reports, handbooks, syllani, strategic plans,
  • 122. 2. Personal na dokumento tulad ng emails, scraptbooks, blogs, duty logs, incident report, reflections, journals at ;
  • 123. 3. Pisikal na ebidensya tulad ng Flyers, posters, agenda, training materials.
  • 124. Mungkahing hakbang sa pagsusuri ng dokumento ayon kay O'Leary (2014)
  • 125. a. Tukuyin ang mga dokumentong susuriin at tiyakin ang awtensidad ng mga ito.
  • 126. b. Tukuyin kung may mataas na subjectivity ang nilalaman dokumento. Mahalaga ito upang mas maging balanse ang pagsusuri sa nlalaman nito.
  • 127. c. Suriin ang latent content ng mga dokumento. Kasama sa latent content ng pagkakasulat, ang tono ng mga pahayag, ng intensyon ng pagsulat at ang mga opinyon at katotohanan.
  • 128. 4. Policy review at impact assessment - Ito ay pagsusuri ng isang nag- eexist na patakaraan upang matukoy kung ito ba ay mabisa kapakipakinabang.
  • 129. • Gayon pa man maari na nating suriin ang bisa at kahusayan gamit ang isang estandardisasyong panukat na karaniwan ay inilalabas ng pamahalaan o mga standardization organization.
  • 130. Halos ganito rin ang konsepto ng impact assessment. Ang ipinagkaiba lamang nito ay hindi lamang sa Polisya .
  • 131. • Tumutukoy ang impact assessment sa naging dulot na ginawang implementation base sa itinakdang mga layunin.
  • 132. • Sa impact assessment, tinitingnan kung naging matagumpay o mabunga ang proyekto o programa.
  • 133. Comparative Analysis - Ito ay isang paraan ng pagsusuring detalyadong nagtatala sa pagkakatulad at/o pagkakaiba ng dalawa o higit pang aytem(tao, bagay, kaganapan, penomenon at iba pa).