SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 122
Ang Kalikasan at Kahalagahan ng
Panitikan
Mary Jean L. Bongcato
Katuturan ng Panitikan
• Ang panitikan ay nagmula sa salitang Latin na
“litera”, na ang ibig sabihin ay letra o titik.
• Ito rin ay katumbas ng “literatura” sa wikang
Kastila at sa wikang Ingles naman ay
“literature”.
• Ang panitikan ay isang talaan ng buhay kung saan
nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na
kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at
buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan.
Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng
malikhaing pamamaraan. (Arrogante, 1983)
Katuturan ng Panitikan
• Ang panitikan ay isang lakas na nagpapagalaw sa
lipunan. Isa itong makapangyarihang kasangkapan
na maaaring magpalaya sa isang ideyang
nagpupumiglas upang makawala. Ito rin ay
kakaibang karanasang pantaong natatangi sa
sangkatauhan. (Arrogante, 1983)
Katuturan ng Panitikan
• Itoý kalipunan ng mga akdang makikilala sa
pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag,
aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan na
maaaring inilahad sa anyong tuluyan o patula.
Katuturan ng Panitikan
• Itinuturing itong salamin ng lahi, nagsisilbi
itong repleksyon ng mga pangyayari sa
kasaysayan.
Katuturan ng Panitikan
• Ang Panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga
mamamayan.
Katuturan ng Panitikan
Katuturan ng Panitikan
Sa mas pinakapayak na pagpapakahulugan:
 Ang Panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga
mamamayan. Sumasaklaw ito sa pasalita at pasulat na
pagpapahayag ng damdamin, karanasan, panaginip,
kaisipan, kaugalian, paniniwala at paraan ng pamumuhay
ng isang lahi mula sa bukang-liwayway ng kanilang
kabihasnan hanggang sa kasalukuyan, sa makulay,
masining at makahulugang pamamaraan.
Pangunahing Termino Pagpapakahulugan
Pasalita Mga sinasabi na nagpasalin-salin sa
bibig ng mga tao
Pasulat Mga itinatala o isinasatitik
Pagpapahayag Paglalahad, pagbabahagi
Damdamin Mga nararamdaman o dinidibdib
(pag-ibig, kalungkutan,
kaligayahan, kasawian, poot)
Karanasan Mga bagay o pangyayari na
naganap sa buhay
Panaginip Adhikain, pangarap, mithiin
Kaisipan Kaalaman, ideya, opinyon
Pangunahing Termino Pagpapakahulugan
Kaugalian Tradisyon, mga pamahiin
Paniniwala Pampulitika, panrelihiyon,
panlipunan
Paraan ng Pamumuhay Kultura, wika, pananamit
Isang Lahi Mga taong nakatira sa isang lugar,
magkakapareho ang mitihiin,
damdamin, kultura, atbp.
Makulay at Masining Maganda, kaaya-aya, tayutay,
idyoma, simbolismo, istilo, wasto at
maayos na pangungusap o taludtod
Makahulugan May mahalagang mensahe
Dr. Jose Villa Panganiban
• Binubuo ito ng unlaping Pang + salitang-ugat na titik +
hulaping an = PANGTITIKAN
• Pangtitikan – pantitikan (asimilasyong parsyal – dlrst)
• pantitikan – panitikan (asimilasyong ganap)
• ang salitang-ugat na titik ay “litera” sa Latin at “Letra”
sa Kastila.
Kayarian ng Panitikan
Mga Saligang Kaalamang
Pampanitikan
1. Ang panitikan ay Kapatid ng Kasaysayan
 Pareho ang nilalaman ng panitikan at
kasaysayan. Ang panitikan tulad ng kasaysayan
ay nagtataglay ng mga ulat ukol sa mga naganap
at nagaganap sa isang lahi; magkakaagapay ang
panitikan at kasaysayan.
2. Ang Panitikan ay matibay at panghabambuhay.
Di naluluma ng panahon at pandaigdigan ang
panitikan.
3. Ang Panitikan ay buhay.
Tulad ng tao, ang Panitikan ay dapa alagaan
nang ito’y lumago, umunlad at magpatuloy.
Mga Saligang Kaalamang
Pampanitikan
4. Ang Panitikan ay hindi maaaring mabuhay o
manatili sa isang bakyum.
 Malaki ang kaugnayan ng Panitikan sa iba’t ibang
mga disiplina na siyang nagbibigay-ningning at
buhay dito. Kung ihihiwalay sa iba’t ibang disiplina
ang Panitikan, ito’y mawawalan ng kabuluhan; ito’y
mamamatay.
Mga Saligang Kaalamang
Pampanitikan
Sining
Pilosopiya Kasaysayan
Sikolohiya PANITIKAN Relihiyon
Agham Sosyolohiya
At Iba Pa
5. Mga Mahahalagang Tungkulin ng Panitikan
a.Nagbibigay ng utile (aral) – Plato
b.Nagbibigay ng dulce (tamis at kasiyahan) – Aristotle
c. Nagbibigay ng aral at aliw – Horace
d.Salamin ng lahi – dito nasasalamin ang mga layunin,
damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing ng mga
mamamayan
e. Binibigyan tayo ng pagkakataong makasalamuha
ang mga marurunong na kaisipan at diwa ng mga
manunulat sa lahat ng panahon at sa lahat ng lugar.
f. Nagpapabatid ng kalinangang Pilipino, ng mga
henyo ng ating lahi at ng mga minanang yaman
ng kaisipan.
Mahalagang Tungkulin ng Panitikan
g. Nagpapakilala ng kapintasan, kahinaan o kakulangan;
at ang kagandahan, kalakasan o kahusayan ng
ating panitikan nang ang naturang kapintasan ay
maituwid at ang kagandahan ay lalong mapaningning
at mapagyaman.
h. Itinaas nito ang ating pagpapasiya at panlasa upang
makaabot sa kinikilalang matapat at tumpak na buhay.
Mahalagang Tungkulin ng Panitikan
6. Ang Panitikan ay may bisa.
a. Bisang Pangkaisipan – ang anumang akdang
pampanitikan ay nagbubunsod upang yumabong
at yumaman ang ating isipan; humahamon ito sa
kaisipan ng mambabasa upang lalo itong matuto,
umunlad at yumaman.
(natutunan, mga ideya, opinyon, konsepto)
Mga Saligang Kaalamang
Pampanitikan
b. Bisang Pandamdamin – naaantig ang damdamin ng
mambabasa sa kalagayan ng mga tauhan at mga
kaganapan sa akda. Bilang mambabasa,
nararamdaman niya ang sitwasyon at suliranin ng
mga tauhan. Nakikiluha, nakikisaya, kasama siya’t
nakikihalubilo sa mga tauhan, parang naroon din siya
at kasamang nakikigalaw sa kanila.
Mga Saligang Kaalamang
Pampanitikan
c. Bisang Pangkaasalan – ang panitikan ay nakatutulong sa
paghubog ng pag-uugali ng mambabasa. Sa pagkatinag
ng damdamin, susuriin ng mambabasa ang kanyang sarili,
ihahambing ang kanyang ugali sa asal ng mga tauhan sa
akdang binasa. Ang aral na mapupulot niya sa akda ay
magiging dahilan ng pagbabago ng kanyang mga
pagpapahalaga, asal, at gawi, at magiging responsible’t
kapaki-pakinabang siyang mamamayan.
Mga Saligang Kaalamang
Pampanitikan
7. Ang pag-aaral ng Panitikan ay hindi natatapos sa
loob ng silid-aralan.
 Ang mga bagay na natutunan ng mga mag-aaral ay
di-dapat iwan sa loob ng apat na sulok ng silid-
aralan. Dapat itong gamitin, isabuhay saan man
naroroon upang higit na maging kapaki-pakinabang.
Mga Saligang Kaalamang
Pampanitikan
Mga Akdang Pampanitikan na
Nakaimpluwensya sa Daigdig
1. Aklat ng mga Araw ni Confucious sa Tsina – isang
batayan ng kalinangan at pananampalataya ng mga
Intsik.
2. Aklat ng mga Patay ng Ehipto – naglalaman ito ng
mitolohiya at teolohiya ng mga taga-Ehipto.
3. Bibliya – naging batayan ng pananampalataya ng
mga Kristiyano.
4. Canterburry Tales ni Chaucer sa Inglatera –
inilarawan naman dito ang mga pag-uugali ng Ingles
kasama ang kanilang pananampalataya.
5. Divina Comedia ni Dante sa Italya – ang moralidad
at pananampalataya gayundin ang pag-uugali ng mga
Italyano ang ipinahahayag dito.
Mga Akdang Pampanitikan na
Nakaimpluwensya sa Daigdig
6. El Cid Campeador sa Espanya – nagpapahayag naman
ng kanilang mga alamat, kasaysayan at pag-uugali.
7. Iliad at Odessey ni Homer sa Gresya – ang
napagkatutuhan ng mga alamat at mitolohiya.
8. Koran ng mga Arabia – banal na kasulatan ng mga
Muslim.
Mga Akdang Pampanitikan na
Nakaimpluwensya sa Daigdig
9. Mahabharatas ng India – hinggil sa kasaysayan ng kanilang
pananampalataya.
10. Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados
Unidos – naglalaman sa pagpapamulat sa mga Amerikano sa
kaapihang ginawa ng mga lahing itim at paglaganap din ng
demokrasyang pandaigdig.
Mga Akdang Pampanitikan na
Nakaimpluwensya sa Daigdig
Mga Salik na Nakaaapekto sa
Panitikan
1. Edukasyon – may pinag-aralan at puno ng
kaalaman.
2. Hanap-buhay – ang pangingisda at pagsasaka ng
pinakapangunahin.
3. Klima o panahon – ang taglamig, tag-init,
pagkakaroon ng bagyo, pagkabuhos ng malakas na
ulan at pagbaha.
4. Lipunan at Pulitika – pandigmaan, pagwiwelga, pag-aapi,
at diskriminasyon.
5. Pang-araw-araw na gawain – pag-iibigan, paglalaro,
pagpasok sa trabaho.
6. Pananampalataya – kinikilala ang kapangyarihan ng
Lumikha at Bathala.
7. Pook – masukal na kapaligiran, kalat ng basura, at
magandang tanawin.
Mga Akdang Pampanitikan na
Nakaimpluwensya sa Daigdig
Mga Uri ng Panitikan
I. AYON SA PAGHAHALIN
1. Pasalindila – Ito’y pagbigkas o pasalitang
pagbabahagi, pagtuturo, paglalahad,
pagpapalaganap, paglilipat ng karunungan sa
pamamagitan ng dila. (bugtong, palaisipan, awit,
pamahiin)
I. AYON SA PAGHAHALIN
2. Pasalinsulat – nasusulat ito at isinatitik sa
pamamagitan ng alpabeto; nakatala o
nakalimbag sa mga dahon ng aklat,
magasin, pahayagan at iba pang uri ng
babasahin. (mga nakasulat sa bato,
kawayan, dahon, atbp.)
Mga Uri ng Panitikan
I. AYON SA PAGHAHALIN
3. Pasalintroniko – Ito’y mga akdang naisalin sa
mga tao sa pamamagitan ng mga kagamitang
elektroniko gaya ng tape recorder, plaka,
Betamax, telebisyon, pelikula, kompyuter,
internet kaya higit na mabilis itong kumalat.
Mga Uri ng Panitikan
Balik-tanaw
sa Panitikan ng
Pilipinas
Kaakibat ng pagtanaw sa naging kasaysayan ng
Panitikang Pilipino, kilalanin muna natin ang
mga pangunahing katangian ng mga Pilipino na
ikinaiba nila sa iba pang lahi. Ang mga
katangiang ito ay may malaking papel sa
patuloy na pag-unlad ng ating panitikan dahil
nakakabit ito sa kultura ng lahing Pilipino.
Pinoy ka
kung …
• Lumilingon ka kapag may sumisitsit o sumusutsot
• Kaya mong magturo ng direksyon sa
pamamagitan ng iyong nguso
• Gumagamit ka ng tabo sa paliligo
• Mahilig kang bumili ng “Sale”na item sa mall kahit
hindi mo naman kailangan
• Nagkakamay ka kapag kumakain at hindi
kailangan ang kutsara at tinidor maliban lang
kung may ibang taong nakatingin dahil
nahihiya ka KUNO.
• “Prijider”ang tawag mo sa refrigerator
• May picture ng “The Last Supper”sa kusina
ninyo
• Nakalaminate o kaya ay nakalagay sa
magandang frame ang diploma ng lahat ng mga
nakagraduate sa inyo mula elementarya
hanggang kolehiyo.
• May dalawang uri kayo ng walis sa bahay –
walis tingting at walis tambo
• Mahilig kang magkape kahit mataas ang sikat
ng araw
• Mahilig ka sa tingi – tinging asukal, asin,
mantika, paminta, bawang, atbp.
• Mahilig kang sumingit sa pila pero galit na galit
ka kapag ikaw ang sinisingitan
• Mahilig kang magvideoke kahit di kagandahan
ang iyong tinig
• Mahilig kang dumura sa kalsada at umihi sa
kung saan-saan kahit nasa bahay ka at mayroon
naman kayong CR.
• Di mo nakakalimutang bumili ng souvenir item
kapag nakakapunta ka sa ibang lugar
• Umuusyuso ka kapag may aksidente
• Isinasawsaw mo sa kape o juice ang tinapay
• Pumapalakpak ka o kumakaway kapag
nakakakita ka ng eroplano
• Naliligo ka sa ulan o sa baha
• Kinukulob ang utot at ipinapaamoy sa bata o
sa mga kapatid
• Matipid ka kaya mga pirated na CD’s o
DVD’s ang binibili mo, mahilig ka rin sa
ukay-ukay
• Kinakalong mo ang mga bata sa jeep o
bus para makatipid sa pamasahe
• Nag-uuwi ka ng mga gamit mula sa hotel
• Mahilig kang tumawad kahit nasa
department store ka
• Nagkakamot ka ng ulo at ngumingiti kapag
hindi mo alam ang sagot
• “Cutex” ang tawag mo sa nail polish at
“colgate”naman ang tawag mo sa
toothpaste
• Hangga’t maaari, ayaw mong tanggalin
ang plastic cover ng mga gamit na kabibili
mo
• Pinapakain sa aso at pusa ang mga
natirang pagkain.
• May electric fan kayong walang takip ang
elisi
• Laging may nakatagong pinggan, kutsara,
tinidor, at baso para sa mga bisita
• Mahilig kang magpapicture sa kahit na
sinong artista o mga taong nakikita mo sa TV
• Ginagamit mong panghugas ng pinggan ang
sabong panlaba
• Madalas hindi mo pinapaniwalaan ang
itinakdang oras sa kahit anong
programang dadaluhan mo
• Kaya mong makipagtext o makipagchat
kahit hanggang madaling araw
• Sa pamilya ninyo laging may inuulit-ulit ang
pangalan (Bong-Bong, Pot-Pot, Din-Din, Pat-
Pat, Tin-tin)
• Ginagamit mo ang mga daliri sa pagsukat ng
tubig sa isasaing mong bigas
• Ginagawa mong sabaw ang kape sa kanin
• Nilalagay mo ang sukling bente singko sentimo o piso sa iyong
tenga
• Binibilot mo ang tiket ng bus at isinisiksik sa kung saan-saan
• Mahilig kang makisalo sa isang balot ng chichiria
• Nakikisiksik sa pag-upo sa kakapirasong bangko
• Malakas na pagtawa kahit korni ang patawa, minsan pa saka ka
lang tumatawa kung tapos na ang lahat sa pagtawa
• Paulit-ulit na pinagkukuwentuhan ang
napanood sa pelikula
• Laging binabalik-balikan ang mga pangyayaring
nangyari sa teleserye at walang nagpapatalo sa
usapan
• Kahit nasa baha o lugar ng barilan, pag may
kamera, kumakaway
• Pag nagkaroon ng pagkakataong
makapagsalita sa TV, lahat ng kamag-anak,
binabati
• Kadalasan, mahilig ka sa pabalot, balato,
bonus, at pasalubong
• Kahit kailan, hindi ka makapagtago ng
sekreto
• Alam mo ang konsepto ng salimpusa
• Nagtitira ka ng konti sa plato sa mga handaan
• Nahihiya kang punuin ang plato sa handaan
• Nahihiya kang mauna sa pila sa mga handaan
at nahihiya ka ring bumalik sa handaan
• Ayaw mong maupo sa harap ng klase
lalo na sa harap ng guro
• Ginagamit mo ang dingding bilat
sabitan
• Pinoy ka kung sang-ayon ka sa lahat ng
nabasa mo.
Panahon ng mga Katutubo
• Ang mga kauna-unahang mga nanirahan sa
Pilipinas ay ang mga Negrito o Ita. Sinasabi
ng ating kasaysayan na ang Pilipinas ay
binubuo ng mga bayan-bayan na kilala sa
tawag na balangay o barangay ay may
makapangyarihang pinuno para mamuno.
(Datu)
Panahon ng mga Katutubo
• Ayon sa mga mananaliksik, masagana ang
mga barangay noong unang panahon sa
ilalim ng pamumuno ng kanilang mga datu
o sultan. Mula sa kasaganaang ito ay
sumibol ang masaganang kaisipan ng mga
mamamayan.
Panahon ng mga Katutubo
• Karamihan sa mga panitikan ay mga
pasalin-dila lamang gaya ng mga bulong,
bugtong, epiko, salawikain, at awiting bayan
na anyong patula; mga kuwentong bayan,
alamat at mito na anyong tuluyan at ang
mga katutubong sayaw at ritwal ng mga
babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula
ng bansa.
Panahon ng mga Katutubo
• Ang ating mga ninuno ay may
sariling baybayin o alpabeto na
binubuo ng 17 titik – 3 patinig at
14 na katinig.
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
A. Kuwentong Bayan
 Bago pa lumaganap ang panitikang
pasulat ay laganap na sa
Pilipinas ang kuwentong bayan.
 Sinasabing ang mga pag-aari ng
bayan ay sumasalamin sa mayamang
kultura, kamalayan, paniniwala at
mga kaugalian ng ating mga ninuno
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
A. Kuwentong Bayan
 Ang kuwentong bayan ay mga
salaysay hinggil sa mga kakatwang
bagay na likha lamang ng isip ng
tao na karaniwang sumasaklaw sa
isamg tiyak na pook o rehiyon ng
isang bansa o lupain.
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
A. Kuwentong Bayan
 Ayon kay Dr. H. Otley Bayer, isang
kilalang iskolar at antropologo na
Amerikano, ang kuwentong bayan ng
Pilipinas ay higit na mayaman kaysa sa
mga kuwentong bayan ng India, persya,
Rusya at Hapon.
 Karamihan sa mga kuwentong bayan ng
Pilipinas ay tungkol sa mga diyos at
diyosa.
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
A. Kuwentong Bayan
 Ayon naman sa artikulong isinulat
ni Dr. Damiana Eugenio na kilala sa
larangan ng Folklore sa Pilipinas
na pinamagatan niyang “Legends and
Folklore” tatlo ang mahahalagang
pangkat ng kuwentong bayan: ang
mito (myths), alamat (leagends), at
salaysayin (folklores).
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
1.Mito – ito ay kuwento o
salaysayin hinggil sa
pinagmulan ng tao, kalipunan
at iba’t ibang paniniwala sa
mga diyos at diyosa; ang mga
taong may kapangyarihan at mga
katutubong dayuhan.
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
2. Alamat – isang uri ng kathang
nagsasalaysay ng pinagmulan ng
isang bagay, pook o lunan, mga
halaman, bagay o pangalan na ang
mga pangyayari ay likhang-isip
lamang at tungkol sa naging simula
ng mga bagay-bagay.
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
3. Salaysayin – kuwentong kumakatawan
bilang tauhan ng salaysay ay mga
hayop at sa kabuuan ay nagbibigay-
aral o moral sa mga mambabasa.
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
Halimbawa ng mga Kuwentong Bayan
1. Si Malakas at si Maganda
2. Naging Sultan si Pilandok
3. Ang Bobong Prinsipe (Kapampangan)
4. Ang Alamat ng Bigas
5. Ang Alamat ng Samar at Leyte
6. Ang Pagong at Ang Matsing
7. Ang Babaing Maggagatas
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
B. Epiko – mga akdang patula na
nagsasaad ng kabayanihan ng isa
sa kanilang kinikilalang bayani
ng lahi ng isang pook o bayan
noong unang panahon na naglalaman
ng mga kababalaghan o mga
pangyayaring di kapani-paniwala.
1. Microepic – sumasaklaw mula sa
pagsilang hanggang sa kamatayan ng
bayani gaya ng Lam-ang at Bidasari.
2. Macroepic – nagsasalaysay ng isang
pinakamahalagang bahagi ng buhay ng
isang bayani gaya ng Tuwaang ng mga
Bagobo.
3. Mesoepic – tumatalakay sa mga
masasalimuot na bahagi ng buhay ng
bayani.
Tatlong Uri ng Epiko
(Dr. Arsenio Manuel)
1. Ang pag-alis ng pangunahing tauhan
sa sariling tahanan.
2. Pagtataglay ng agimat at anting-
anting ng pangunahing tauhan.
3. Ang paghahanap ng pangunahing
tauhan sa isang minamahal
4. Pakikipagsapalaran ng pangunahing
tauhan.
Mga Katangian ng Epiko
5. Patuloy na pakikidigma ng bayani.
6. Pamamagitan ng isang Bathala upang
matigil ang labanan.
7. Ang pagbubunyag ng Bathala na ang
naglalaban ay magkadugo.
8. Pagkamatay ng bayani.
9. Pagkabuhay na muli ng bayani.
10.Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan.
Mga Katangian ng Epiko
1. “Biag ni Lam-ang” – Ilokano
2. “Hudhod” at “Alim” – Ipugaw
3. “Kumintang” – Tagalog
4. “Ibalon” at “Aslon” – Bikol
5. “Maragtas” at “Haraya” – Bisaya
6. “Indarapatra at Sulayman” –
Maguindanao
7. “Bidasari” - Maranaw
Mga Dakilang Epiko ng
Lahing Pilipino
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
C. Awiting Bayan
 Ito ay isang tulang inaawit na
nagpapahayag ng damdamin, kaugalian,
karanasan, pananampalataya, gawain,
o hanapbuhay ng mga taong
naninirahan sa isang pook. Dito
natin maaaninag ang mga gawi ng
ating mga ninuno.
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
C. Awiting Bayan
 Oyayi – awit ng paghele o pagpapatulog ng
bata
 Diona – awit sa kasalan
 Soliranin – awit sa paggaod ng bangka
 Talindaw – awit sa pamamangka
 Tagumpay o kumintang – awit sa digmaan
 Kundiman – awit ng pag-ibig
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
D. Karunungang Bayan
 Ang karunungang bayan ay binubuo ng
salawikaan, sawikain, bugtong,
palaisipan at kasabihan.
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
D. Karunungang Bayan
1.Salawikain – may sukat at tugma,
patalinghagang pahayag na ginagamit
ng mga matatanda noong unang panahon
na kinapapalooban ng mabuting payo
ang tungkol sa kagandahang-asal.
“Anumang tibay ng piniling abaka, ay
wala rin lakas kapag nag-iisa”
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
D. Karunungang Bayan
2. Sawikain – bagaman patula pa rin at
may sukat at tugma ay iba kaysa sa
salawikain sapagkat ito’y
nagpapahayag ng katotohanan at
nagpapakilala ng gawi o ugali ng
isang tao.
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
D. Karunungang Bayan
2.Sawikain
“Ang taong masipag, daig ang
masikap.”
“Utos na sa pusa, utos pa sa daga.”
“Kasama sa gayak, di-kasama sa
lakad.”
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
D. Karunungang Bayan
3. Bugtong – isang larong patula na
kawili-wili. Ito ay isang paraan ng
pagpapalawak ng talasalitaan at
pagsasanay sa mabili na pag-iisip na
nagpapasalin-salin sa bibig ng mga
ninuno. Ang mga Tagalog ang
pinakamayaman sa bugtong.
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
D. Karunungang Bayan
3. Bugtong
“Bumili ako ng alipin mataas pa sa
akin” (sombrero)
“Isang bayabas pito ang butas” (mukha)
“Pilak ko sa kalangitan, di matitig-
titigan” (araw)
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
D.Karunungang Bayan
4.Kasabihan – ay karaniwang
ginagamit sa panunukso o
pagpuna sa isang gawi o kilos
ng ibang tao. Tinuturing din
bilang salamin ng mentalidad ng
sambayanan ang mga kasabihan.
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
Tiritit ng maya
Tiritit ng ibon
Ibig mag-asawa
Walang ipalamon
Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t nasa
pugad
Bata, batuta
Nagsuot sa lungga
Hinabol ng palaka
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
D. Karunungang Bayan
5. Palaisipan – mga suliraning binibigkas
nang tuluyan at naghahanap ng
kasagutan. Ito’y gumigising sa isipan
ng tao upang bumuo ng isang kalutasan
sa isang suliranin. Mga tanong na batay
sa mga unang bahagi na ipinapahayag ng
nagtatanong o sadyang ilalayo sa mga
posibleng tandaan ng huhula.
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
5. Palaisipan
May isang balong ang lalim ay dalawang dipa.
Sa balong ito ay may isang palaka. Ang palaka
ay nakaahon ng tatlong dipa sa isang araw,
ngunit nadudulas ng dalawang dipa.
Tanong: ilang araw aakyatin ng palaka ang
balon?
Sagot: Labingpitong araw sa huling tatlong
dipa ay hindi na nahuhulog ang palaka.
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
D. Karunungang Bayan
6. Ditso o talumbata – ginagamit sa
paglalaro ng mga bata. Ito’y may
sukat at tugma.
“Bata, batuta samperang muta.”
“Tutubi-tubi, huwag kang magpapahuli sa
batang mapanghi.”
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
D. Karunungang Bayan
7. Bulong – karunungng-bayan na ayon sa
matatandang paniniwala, ito ay
ginagamit bilang pang-engkanto,
pangungulam, paggalang sa mga lamang
lupa at paggagamot sa mga may sakit.
Panitikang Pilipino Bago Dumating
ang mga Kastila
7. Bulong
“Huwag magagalit
kaibigan
Aming pinuputol lamang
Ang sa amin ay napag-
utusan.”
- Kailokanuhan -
“Tabi-tabi po,
makikiraan nga po.”
“Daga, daga, heto ang
ngipin kong luma
palitan mo ng bago’t
maganda.”
- Katagalugan -
• Ang panitikang Pilipino ay naniniwalang ang unang
pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan ay ang
pananatili rito ni Miguel Lopez de Legaspi noong 1565
bilang kauna-unahang kastilang gobernadora-heneral.
• Humigit-kumulang 44 taon naman ang lumipas bago
narating ni Magellan ang Pilipinas noong 1521.
• Nasakop at at naging kolonya ng Espanya ang Pilipinas
sa loob ng 333 taon (1565-1898). Noong panahong iyon,
kolonya ng Espanya ang Mexico.
Panitikan sa Panahon ng mga Kastila
• Sa panahong ito, napalitan ang dating Alibata o
Baybayin ng Alpabetong Romano.
• Relihiyon ang karaniwang paksa ng panitikan.
• Tinangkilik ng mga Pilipino ang relihiyong Katoliko.
Nagpalit din sila ng mga pangalan at nagpabinyag
sa bagong apelyido.
Ang mga katangian ng panitikan sa panahong ito ay:
• Panrelihiyon ang karaniwang paksain.
• Iba’t iba ang pamaraan at kaanyuan ng pagsulat.
• Ginaya at hubad ang mga sulatin – walang
orihinalidad.
Ang naging layunin naman ng Espanya sa
kanyang Pananakop ay:
• Ang pagpapalaganap ng
pananampalatayang Kristiyanismo o
katolisismo.
• Pagpapayaman ng mga Kastila.
• Pagpapalakas ng kapangyarihan.
Mga Unang Aklat
Doctrina Cristiana – kauna-unahang aklat na
panrelihiyong nalimbag sa pamamagitan ng
silograpiko noong 1593 dito sa Pilipinas. Isinulat
nina Padre Juan de Placencia, O.P. at Padre
Domingo de Nieva sa wikang Tagalog at sa Kastila.
Pater Noster, Ave Maria, Kredo, Regina Coeli,
Sampung Utos, Mga Utos ng Iglesia, Pitong
Kasalanang Mortal, Labing-apat na
Pagkakawanggawa, Katesismo)
Nuestra Seńora del Rosario – ang ikalawang
aklat na nalimbag sa Pilipinas na nilikha ni Padre
Blancas de San Jose sa wikang Tagalog.
Katuwang ni P. Blancas de San Jose sa
paglilimbag ay si Juan De Vera, isang mestisong
Intsik. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga
nobena, santos, ehersisyo, at buhay ng mga
santo.
Ang Barlaan at Josaphat – kauna-
unahang nobelang Pilipino na isinalin
P. Antonio de Borja noong 1703 at 1712
1712 na naglalayong ipalaganap ang
Katolisismo sa mga Pilipino.
Pasyon – isa sa mga pinakapopular na akdang patula
noong panahon ng mga Kastila na nagsasaad tungkol
sa buhay at pagpapakasakit ng Panginoong
Hesukristo. Ito ay nasusulat ng patula ngunit binabasa
at inaawit sa panahon ng Cuaresma. Isa itong
wawaluhing pantig na tula na binubuo ng limang
taludtod sa bawat isang saknong. Binubuo rin ito ng
240 pahina na nakasulat nang patula.
Urbana at Felisa – aklat na naglalaman ng
mga Gintong Aral na sinulat ni Presbiterio
Modesto de Castro. Nakaimpluwensya ito
nang malaki sa lipunang Pilipino kung saan
ipinakita ang pagmamahal ni Urbana sa
nakakabata niyang kapatid na si Felisa.
Ang mga Awit o Korido – ang korido at
ang awit ay magkatulad na paksa. Ang
ipinagkaiba lamang ng mga ito – ang awit
ay binubuo ng 12 pantig bawat taludtod
samantalanag ang korido naman ay 8
pantig bawat taludtod.
• Florante at Laura – naglalaman ng mga bersong
kinasisinagan ng mahusay na istilo ng sumulat
ang mga aral na napapaloob sa mga berso nito.
• Senakulo – isang dulang nagsasalaysay ng buhay at
kamatayaan ni Hesukristo.
• Tibag – ito ay isang pagsasadula kung buwan ng Mayo
ng paghahanap nina Reyna Elenan o Santa Elenan at
Prinsipe Constantin sa Krus na pinagpakuan kay Kristo.
• Karagatan at Duplo – ang mga ito ay
pagtatalong patula na itinatanghal lalo na sa
huling gabi ng paglalamay sa patay. Mga
sanay na bilyako o bilyaka ang kalahok sa
mga duplo samantalang ang mga baguhan
pagtula ay sa mga karagatan sumasali.
• Karilyo – isang dulang ang mga nagsisigananp ay mga tau-
tauhang karton. Pinagagalaw ang mga ito sa pamamagitan
ng mga nakataling pising hawak ng mga tao sa itaas ng
tanghalan. Ang mga taong nagsasalita ay nasa likod ng
Madilim kung palabasin nag karilyo sapagkat ang nakikita
lamang ng mg tao ay ang kanilang mga anino.
• Moro-moro – isang uri ng dulang punong-puno ng
pakikipagsapalaran ng mga Muslim at Kristiyano. Ang
pagtatanghal na ito ay laging nagwawakas sa tagumpay ng
bidang Kristiyano.
Panitikan sa Panahon ng Pagbabagong-Isip
• Bunsod ng mapaniil na pamumuno ng mga
Kastila sa mga Pilipino, pagsasamantal ng mga
maykapangyarihang dayuhan, paghamak sa mga
Indio, suliranin sa sekularisasyon at maling
pamamalakad ng pamahalaan ay sumibol ang
unti-unting pagkabuo at paglaganap ng
damdaming makabayan.
• Lalong umigting ang panahon ng pagbabagong
isip dahil sa pagkakabukas ng Pilipinas sa
pandaigdigang kalakalan, pagkabuo ng gitnang-
uri, pagsapit ng dalawang liberalismo,
pagpapadala sa Kapuluan ng liberal na
gobernador, Carlos Ma. Dela Torre, pag-aalsa sa
arsenal ng Cavite at pagkagarote ng tatlong paring
Gomez, Burgos at Zamora.
• Nahati sa dalawang bahagi ang panahong ito: Panahon
ng Propaganda at Panahon ng Himagsikan.
• Ang mga nanguna sa Propaganda ay ang mga
intelektwal na mula sa gitnang-uri na pawang naging
repormista – Dr. Jose P. Rizal, Marcelo H. del Pilar at
Graciano Lopez Jaena. Kabilang din sina Luna, Paterno,
Ponce at Poblete na tinaguriang mga manunulat na
kilabot sa mga prayle.
Mga Kahilingan ng Kilusang Propaganda:
• Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes
Espanya.
• Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.
• Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
• Sekularisasyon ng mga parokya sa Kapuluan.
• Kalayaan ng mamamayang Pilipino sa pamamahayag, pananalita,
pagpupulong at pagpapahayag ng kanilang mga hinaing.
• Sa panahon ng Himagsikan ay nanguna si Andres
Bonifacio. Nakiisa rin sina Mabini, Jacinto at Palma na
mga natatanging manunulat noon. Ang naging lamanng
panitikan ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at
simbahan at pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang
magising, magkaisa at maghanda upang matamo ang
minimithing kalayaan. Sa panahon ding ito sumiklab ang
pag-aalsa gamit ang tabak.
Mga Kilalang Manunulat sa Panahon ng
Pagbabagong Isip
1. Dr. Jose Rizal – (Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda) siya ang
ating Pambansang Bayani. Siya ang sumulat sa mga akdang sumusunod:
• Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin)
• El Filibusterismo (Ang Pagsusuwail)
• Sa mga Kababaihang taga-Malolos
• Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino
• Me Piden Versos (Hinilingan nila ako ng Tula)
• El Consejo de lod Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala)
• Kundiman
• Sa aking mga Kababata
• Ala Juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino)
• Mi Ultimo Adios (Ang Huli Kong Paalam)
2. Marcelo H. del Pilar – kinilalang pangunahing mamamahayag ng
kanyang panahon dahil sa pagkakatatag niya noong 1882 ng
Diaryong Tagalog at pagkakapamatnugot niya noong 1889 ng La
Solidaridad. Siya ang may-akda ng mga sumusunod:
• Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
• Kaiingat Kayo
• Dasalan at Tocsohan
• Ang Cadaquilaan ng Dios
• Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
• Aba Ginoong Baria
3. Graciano Lopez-Jaena – siya ang
ipinagmamalaking anak ng Jaro, Iloilo na nakilala sa
pagiging dakilang orador at walang takot sa
pamamahayag. Siya ang may-akda ng
akdang “Fray Botod” na isang maikling nobelang
tumutuligsa sa kamangmangan, imoralidad at
pagmamalabis ng mga prayle. Ang “Botod”sa
Hiligaynon ay nangangahulugang malaking tiyan.
4. Mariano Ponce – tagapamahalang patnugot,
mananalambuhay, at mananaliksik ng kilusang
propaganda. Siya ay nagkubli sa sagisag na
Tikbalang, Kalipulako, at Naning.
5. Hen. Antonio Luna (1868-1899)– isinilang siya
sa Urbiztondo, Maynila noong Oktubre 29, 1868.
Naging heneral siya ng hukbo sa pamamahala ni
Emilio Aguinaldo.
6.Dr. Pedro Paterno (1865-1895) – isang iskolar,
mananaliksik, drama turgo, at nobelista ng
pangkat. Siya ang unang manunulat ng Pilipinong
nakalaya sa sensura sa panitikan noong huling
panahon ng Kastila. Siya ang sumulat ng kauna-
unahang nobelang orihinal na Pilipino sa wikang
Kastila na may pamagat na Ninay.
7. Pascual Poblete – isang nobelista,
makata, mananalaysay at “Ama ng
Pahayagan”. Nagtatag at namatnugot sa
pahayagang “El Resumen”. Tinuligsa niya
ang mga pang-aapi at katiwaliang
ginagawa ng mga maykapangyarihang
Kastila kaya’t siya’y ipinatapon sa Aprika.
8. Andres Bonifacio – siya ang nagtatag ng Katipunan, isa siyang
karaniwan ngunit magiting at dakilang mamamayan ng bansang
Pilipinas na nagkubli sa mga sagisag na Agapito Bagumbayan at
Pag-asa. Ang kanyang mga sinulat ay malinaw na nagpapahayag ng
kanyang mga adhikain para sa bayan.
• Katapusang Hibik ng Pilipinas
• Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
• Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
• Katipunan ng Mararahas na mga Anak ng Bayan
• Tapunan ng Lingap
9. Emilio Jacinto – ang utak ng Katipunan na naging patnugot ng
Kalayaan –pahayagan ng Katipunan na naglalaman ng mga
pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, panawagan sa mga Pilipino
upang magkaisa at magmithi ng kasarinlan, ng pahayag o
upang ipaglaban ang Kalayaan. Ginamit niya ang sagisag na
Ilaw. Isinulat niya ang:
• Sa May Nasang Makasanib sa Katipunang ito
• Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B.
• Liwanag at Dilim
• Sa Anak ng Bayan
• Pahayag
10. Apolinario Mabini – siya ang tinaguriang “Utak ng
Katipunan” na dating kasapi ng La Liga na palihim na
gumagawa upang magkaroon ng pagbabago sa
pamahalaan. Siya ang naging kanang-kamay ni Emilio
Aguinaldo sa ikalawang bugso ng himagsikan. Ang
marami sa kanyang mga sinulat ay pawang tungkol sa
pulitika, sa pamahalaan, at sa pagpapalaganap ng
damdaming makabayan.
• Ang naging pangunahing pamana ng mga Amerikano sa
mga Pilipino ay Edukasyon.
• Sa panahong ito sinikap isaalang-alang ang pagdami ng
mamamayang marunong sumulat at bumasa.
• Dumating sa ating bansa ang mga kaisipang banyaga,
mga resulta ng mga pangyayari noong mga nakaraang
siglo na sa kabuuan ay isang sistema ng pag-iisip at
pananaw sa mundo na hango sa karanasan ng kanluran.
Panitikan sa Panahon ng mga Amerikano
• Bumilis ang pagdami ng mga babasahin, pagkakaroon ng
kalayaan sa pagsasalita sa pahayagan, sa paniniwala at sa
mga samahan na ipinag-utos sa panahon ng mga
Amerikano.ang moro-moro at senakulo noong panahon ng
mga Kastila ay pinalitan ng mga makabagong dula at
sarsuela.
• Ang lahat ng larangan ng panitikan ay pinasok ng lahat ng
mga manunulat na Pilipino tulad ng mga tula, sanaysay,
talumpati, lathalain, kuwento, dula, atbp. Ang mga ito ay
nasulat sa iba’t ibang wikain ng Pilipinas.
• Noong 1910 lamang umusbong ang mga Panitikan sa Ingles at
dito sumibol ang mga bagong silang na mga manunulat. Kabilang
sa mga ito sina:
• Cecilio Apostol na sumulat ng oda para kay Rizal
• Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang mga talumpati;
• Lope K. Santos na sumulat ng obra-maestra niyang Banaag at
Sikat at nagpauso ng panitikang sosyalista;
• Jose Corazon de Jesus na sumulat ng maraming tula ng pag-ibig
• Jose dela Cruz na may sagisag na Huseng Sisiw dahil sa
sisiw ang ibinabayad kapag nagpapagawa ka sa kanya
ng tula ng pag-ibig;
• Severino Reyes na sumulat ng walang kamatayang
dulang Walang Sugat; siya ang tinaguriang Ama ng
Dulang Tagalog;
• Zoilo Galang na pinakaunang nobelista (A Child of
Sorrow) Pilipino, Ingles at marami pang iba.
Mga Nobelang Nalimbag
• Banaag at Sikat – obra maestra ni Lope K. Santos na
naging isa sa pinakatanyag ng panahong iyon.
• Sampaguitang Walang Bango – isinulat ni Ińigo Ed.
Regalado
• Anino ng Kahapon – isinulat ni Francisco D. Laksamana
• Isang Punongkahoy – obra maestra ni Jose Corazon de
Jesus
• Sinakop tayo ng mga Hapon mula 1941 hanggang 1945.
• Nangulimlim ang umuunlad na panitikang Pilipino nang
sumapit ang panahong ito.
• Ag lingguhang Liwayway ay inilagay sa mahigpit na
pagmamatyag ng mga Hapones.
• Ang mga manunulat ay sandaling nahinto sa kanilang
pagsulat at nagkaroon muli ng pagkakataong
makapaglathala ng mga kuwento at tula sa Liwayway.
Panitikan sa Panahon ng mga Hapon
• Sumunod ang Taliba sa Liwayway na nabigyan ng
pagkakataong makapaglathala ng mga tula at kuwento. Dito
nabuhayan ng loob ang mga manunulat.
• Namayagpag ang panitikang Tagalog at ipinagbawal ang
wikang Ingles.
• Lumayo ang panulat sa nayon, naging katutubo ang kulay.
• Nagkaroon ng pagkakataon ang bukid at magsasaka sa papel
kahit mahirap ang kalagayan ay nanaig ang pag-ibig sa isip.
• Hindi nawala ang tema ng pagkamakabayan.
• Sumibol ang haiku na mula sa panitikang Hapon-
maiikling tulang lalabimpituhing pantig lamang at
binubuo ng tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay
lima, ang gitna ay pito, at ang huli ay lima rin.
• Tinumbasan sa panitikang Tagalog ang haiku ng mga
Hapon at tinawag itong tanaga na nagtataglay ng
tigpipitong pantig sa apat na taludtod. Mayroon ding
talinghaga ang tanaga gaya ng haiku.
• Sa panahong ito ay naging abala ang ating mga ninuno
sa pag-aayos ng mga nasira at nawasak sa katatapos na
digmaan at pag-alala sa mga nasawing mahal sa buhay.
• Sa pagsapit ng dekado 50’ ay nagkaroon ng patimpalak
sa pagsulat ng tula at iba pang akdang pampanitikan.
Tumaas ang kalidad ng panlasa ng pagsulat ng mga
obra. Umusbong din ang panunuring pampanitikan dahil
sa pagatataguyod ng wikang Pambansa.
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
• Sa pagsapit naman ng dekada 60’sumibol ang
panahon ng pagkabagabag at aktibismo. Anging
marumi ang lipunan at naging magulo ang
kapaligiran
• Sumulpot ang tinatawag na “Hippie”, isang uri ng
pagrerebelde ng mga tao sa kinalakhan niyang
kombensyon. Nagpatuloy pa rin ang paghahari-
harian sa kongreso at nagkaroon na rin ng gatla ang
simbahan at relihiyon.
• Ang dekada 70’naman ay punong-puno ng
karahasan. Maraming nagkabuhol-buhol na
braso, maraming kamay ang humawak ng
pulang placard. Di mahulugang karayom ang
mga kalsada at ang lahat ng ito ay bunga ng
bulok ng sistema ng pulitika.
MARAMING
SALAMAT!

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...Mila Saclauso
 
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikanPagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikankim desabelle
 
Mga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanMga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanJenita Guinoo
 
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...Karen Fajardo
 
Mga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksik
Mga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksikMga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksik
Mga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksikReggie Cruz
 
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMETRO MANILA COLLEGE
 
Ang Puno't Dulo ng Kulturang Popular
Ang Puno't Dulo ng Kulturang PopularAng Puno't Dulo ng Kulturang Popular
Ang Puno't Dulo ng Kulturang Popularmreiafrica
 
Uri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogUri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogEumar Jane Yapac
 
Teoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikanTeoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikanJM Ramiscal
 
panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wika
panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wikapanghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wika
panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wikaGinalyn Red
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonMarlene Forteza
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinosolivioronalyn
 
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikanoisabel guape
 
uri ng pagsulat
uri ng pagsulaturi ng pagsulat
uri ng pagsulatdrintotsky
 

Was ist angesagt? (20)

Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
 
Dula ppt
Dula pptDula ppt
Dula ppt
 
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikanPagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
 
Panitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikanoPanitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikano
 
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang PangtanghalanUri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
 
Mga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanMga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalan
 
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
 
Mga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksik
Mga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksikMga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksik
Mga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksik
 
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
 
Ang Puno't Dulo ng Kulturang Popular
Ang Puno't Dulo ng Kulturang PopularAng Puno't Dulo ng Kulturang Popular
Ang Puno't Dulo ng Kulturang Popular
 
Uri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogUri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalog
 
Teoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikanTeoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikan
 
Komunikasyon
KomunikasyonKomunikasyon
Komunikasyon
 
panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wika
panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wikapanghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wika
panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wika
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
 
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
 
uri ng pagsulat
uri ng pagsulaturi ng pagsulat
uri ng pagsulat
 

Ähnlich wie ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN

Panitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling PagtalakayPanitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling PagtalakayBonJovi13
 
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINOYUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINOSamar State university
 
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptxMaikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptxMariecrisBarayugaDul
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoMark Arce
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxMaryJaneCabides
 
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...RanjellAllainBayonaT
 
Batayang-kaalaman-sa-pag-aaral-ng-panitikan.pptx
Batayang-kaalaman-sa-pag-aaral-ng-panitikan.pptxBatayang-kaalaman-sa-pag-aaral-ng-panitikan.pptx
Batayang-kaalaman-sa-pag-aaral-ng-panitikan.pptxcjoypingaron
 
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at PanitikanMga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at PanitikanAraAuthor
 
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptxAralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptxMarkAnthonyAurellano
 
Panitikan-sa-Panahon-ng-mga-Katutubo-o-Matandang (1).pptx
Panitikan-sa-Panahon-ng-mga-Katutubo-o-Matandang (1).pptxPanitikan-sa-Panahon-ng-mga-Katutubo-o-Matandang (1).pptx
Panitikan-sa-Panahon-ng-mga-Katutubo-o-Matandang (1).pptxFranz110857
 
PANITIKAN-AT-LIPUNAN-2019.pptx
PANITIKAN-AT-LIPUNAN-2019.pptxPANITIKAN-AT-LIPUNAN-2019.pptx
PANITIKAN-AT-LIPUNAN-2019.pptxBrentLanuza
 

Ähnlich wie ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN (20)

Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
BEED6 Lesson 1.pptx
BEED6 Lesson 1.pptxBEED6 Lesson 1.pptx
BEED6 Lesson 1.pptx
 
Panitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling PagtalakayPanitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling Pagtalakay
 
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINOYUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
 
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptxMaikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang Filipino
 
Ang Panitikang Filipino
Ang Panitikang FilipinoAng Panitikang Filipino
Ang Panitikang Filipino
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Pahapyaw ng Panitikan
Pahapyaw ng PanitikanPahapyaw ng Panitikan
Pahapyaw ng Panitikan
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
 
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
 
Batayang-kaalaman-sa-pag-aaral-ng-panitikan.pptx
Batayang-kaalaman-sa-pag-aaral-ng-panitikan.pptxBatayang-kaalaman-sa-pag-aaral-ng-panitikan.pptx
Batayang-kaalaman-sa-pag-aaral-ng-panitikan.pptx
 
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at PanitikanMga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
 
Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)
 
PANITIKAN.pptx
PANITIKAN.pptxPANITIKAN.pptx
PANITIKAN.pptx
 
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptxAralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
 
Panitikan-sa-Panahon-ng-mga-Katutubo-o-Matandang (1).pptx
Panitikan-sa-Panahon-ng-mga-Katutubo-o-Matandang (1).pptxPanitikan-sa-Panahon-ng-mga-Katutubo-o-Matandang (1).pptx
Panitikan-sa-Panahon-ng-mga-Katutubo-o-Matandang (1).pptx
 
Panitikang Filipino
Panitikang FilipinoPanitikang Filipino
Panitikang Filipino
 
PANITIKAN-AT-LIPUNAN-2019.pptx
PANITIKAN-AT-LIPUNAN-2019.pptxPANITIKAN-AT-LIPUNAN-2019.pptx
PANITIKAN-AT-LIPUNAN-2019.pptx
 
Panitikang asyano.pptx
Panitikang asyano.pptxPanitikang asyano.pptx
Panitikang asyano.pptx
 

Kürzlich hochgeladen

QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptxJoelleG1
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxKimberlyValdez19
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoRheaRoseCapuz
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxmaryjoydoles2415
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................LovelyPerladoRodrinR
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvcharlyn050618
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxdigmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxSundieGraceBataan
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxNicaGobalizaEsquilon
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 

Kürzlich hochgeladen (20)

QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxdigmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 

ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN

  • 1. Ang Kalikasan at Kahalagahan ng Panitikan Mary Jean L. Bongcato
  • 2. Katuturan ng Panitikan • Ang panitikan ay nagmula sa salitang Latin na “litera”, na ang ibig sabihin ay letra o titik. • Ito rin ay katumbas ng “literatura” sa wikang Kastila at sa wikang Ingles naman ay “literature”.
  • 3. • Ang panitikan ay isang talaan ng buhay kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan. (Arrogante, 1983) Katuturan ng Panitikan
  • 4. • Ang panitikan ay isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Isa itong makapangyarihang kasangkapan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Ito rin ay kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan. (Arrogante, 1983) Katuturan ng Panitikan
  • 5. • Itoý kalipunan ng mga akdang makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan na maaaring inilahad sa anyong tuluyan o patula. Katuturan ng Panitikan
  • 6. • Itinuturing itong salamin ng lahi, nagsisilbi itong repleksyon ng mga pangyayari sa kasaysayan. Katuturan ng Panitikan
  • 7. • Ang Panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Katuturan ng Panitikan
  • 8. Katuturan ng Panitikan Sa mas pinakapayak na pagpapakahulugan:  Ang Panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Sumasaklaw ito sa pasalita at pasulat na pagpapahayag ng damdamin, karanasan, panaginip, kaisipan, kaugalian, paniniwala at paraan ng pamumuhay ng isang lahi mula sa bukang-liwayway ng kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyan, sa makulay, masining at makahulugang pamamaraan.
  • 9. Pangunahing Termino Pagpapakahulugan Pasalita Mga sinasabi na nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao Pasulat Mga itinatala o isinasatitik Pagpapahayag Paglalahad, pagbabahagi Damdamin Mga nararamdaman o dinidibdib (pag-ibig, kalungkutan, kaligayahan, kasawian, poot) Karanasan Mga bagay o pangyayari na naganap sa buhay Panaginip Adhikain, pangarap, mithiin Kaisipan Kaalaman, ideya, opinyon
  • 10. Pangunahing Termino Pagpapakahulugan Kaugalian Tradisyon, mga pamahiin Paniniwala Pampulitika, panrelihiyon, panlipunan Paraan ng Pamumuhay Kultura, wika, pananamit Isang Lahi Mga taong nakatira sa isang lugar, magkakapareho ang mitihiin, damdamin, kultura, atbp. Makulay at Masining Maganda, kaaya-aya, tayutay, idyoma, simbolismo, istilo, wasto at maayos na pangungusap o taludtod Makahulugan May mahalagang mensahe
  • 11. Dr. Jose Villa Panganiban • Binubuo ito ng unlaping Pang + salitang-ugat na titik + hulaping an = PANGTITIKAN • Pangtitikan – pantitikan (asimilasyong parsyal – dlrst) • pantitikan – panitikan (asimilasyong ganap) • ang salitang-ugat na titik ay “litera” sa Latin at “Letra” sa Kastila. Kayarian ng Panitikan
  • 12. Mga Saligang Kaalamang Pampanitikan 1. Ang panitikan ay Kapatid ng Kasaysayan  Pareho ang nilalaman ng panitikan at kasaysayan. Ang panitikan tulad ng kasaysayan ay nagtataglay ng mga ulat ukol sa mga naganap at nagaganap sa isang lahi; magkakaagapay ang panitikan at kasaysayan.
  • 13. 2. Ang Panitikan ay matibay at panghabambuhay. Di naluluma ng panahon at pandaigdigan ang panitikan. 3. Ang Panitikan ay buhay. Tulad ng tao, ang Panitikan ay dapa alagaan nang ito’y lumago, umunlad at magpatuloy. Mga Saligang Kaalamang Pampanitikan
  • 14. 4. Ang Panitikan ay hindi maaaring mabuhay o manatili sa isang bakyum.  Malaki ang kaugnayan ng Panitikan sa iba’t ibang mga disiplina na siyang nagbibigay-ningning at buhay dito. Kung ihihiwalay sa iba’t ibang disiplina ang Panitikan, ito’y mawawalan ng kabuluhan; ito’y mamamatay. Mga Saligang Kaalamang Pampanitikan
  • 15. Sining Pilosopiya Kasaysayan Sikolohiya PANITIKAN Relihiyon Agham Sosyolohiya At Iba Pa
  • 16. 5. Mga Mahahalagang Tungkulin ng Panitikan a.Nagbibigay ng utile (aral) – Plato b.Nagbibigay ng dulce (tamis at kasiyahan) – Aristotle c. Nagbibigay ng aral at aliw – Horace d.Salamin ng lahi – dito nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing ng mga mamamayan
  • 17. e. Binibigyan tayo ng pagkakataong makasalamuha ang mga marurunong na kaisipan at diwa ng mga manunulat sa lahat ng panahon at sa lahat ng lugar. f. Nagpapabatid ng kalinangang Pilipino, ng mga henyo ng ating lahi at ng mga minanang yaman ng kaisipan. Mahalagang Tungkulin ng Panitikan
  • 18. g. Nagpapakilala ng kapintasan, kahinaan o kakulangan; at ang kagandahan, kalakasan o kahusayan ng ating panitikan nang ang naturang kapintasan ay maituwid at ang kagandahan ay lalong mapaningning at mapagyaman. h. Itinaas nito ang ating pagpapasiya at panlasa upang makaabot sa kinikilalang matapat at tumpak na buhay. Mahalagang Tungkulin ng Panitikan
  • 19. 6. Ang Panitikan ay may bisa. a. Bisang Pangkaisipan – ang anumang akdang pampanitikan ay nagbubunsod upang yumabong at yumaman ang ating isipan; humahamon ito sa kaisipan ng mambabasa upang lalo itong matuto, umunlad at yumaman. (natutunan, mga ideya, opinyon, konsepto) Mga Saligang Kaalamang Pampanitikan
  • 20. b. Bisang Pandamdamin – naaantig ang damdamin ng mambabasa sa kalagayan ng mga tauhan at mga kaganapan sa akda. Bilang mambabasa, nararamdaman niya ang sitwasyon at suliranin ng mga tauhan. Nakikiluha, nakikisaya, kasama siya’t nakikihalubilo sa mga tauhan, parang naroon din siya at kasamang nakikigalaw sa kanila. Mga Saligang Kaalamang Pampanitikan
  • 21. c. Bisang Pangkaasalan – ang panitikan ay nakatutulong sa paghubog ng pag-uugali ng mambabasa. Sa pagkatinag ng damdamin, susuriin ng mambabasa ang kanyang sarili, ihahambing ang kanyang ugali sa asal ng mga tauhan sa akdang binasa. Ang aral na mapupulot niya sa akda ay magiging dahilan ng pagbabago ng kanyang mga pagpapahalaga, asal, at gawi, at magiging responsible’t kapaki-pakinabang siyang mamamayan. Mga Saligang Kaalamang Pampanitikan
  • 22. 7. Ang pag-aaral ng Panitikan ay hindi natatapos sa loob ng silid-aralan.  Ang mga bagay na natutunan ng mga mag-aaral ay di-dapat iwan sa loob ng apat na sulok ng silid- aralan. Dapat itong gamitin, isabuhay saan man naroroon upang higit na maging kapaki-pakinabang. Mga Saligang Kaalamang Pampanitikan
  • 23. Mga Akdang Pampanitikan na Nakaimpluwensya sa Daigdig 1. Aklat ng mga Araw ni Confucious sa Tsina – isang batayan ng kalinangan at pananampalataya ng mga Intsik. 2. Aklat ng mga Patay ng Ehipto – naglalaman ito ng mitolohiya at teolohiya ng mga taga-Ehipto. 3. Bibliya – naging batayan ng pananampalataya ng mga Kristiyano.
  • 24. 4. Canterburry Tales ni Chaucer sa Inglatera – inilarawan naman dito ang mga pag-uugali ng Ingles kasama ang kanilang pananampalataya. 5. Divina Comedia ni Dante sa Italya – ang moralidad at pananampalataya gayundin ang pag-uugali ng mga Italyano ang ipinahahayag dito. Mga Akdang Pampanitikan na Nakaimpluwensya sa Daigdig
  • 25. 6. El Cid Campeador sa Espanya – nagpapahayag naman ng kanilang mga alamat, kasaysayan at pag-uugali. 7. Iliad at Odessey ni Homer sa Gresya – ang napagkatutuhan ng mga alamat at mitolohiya. 8. Koran ng mga Arabia – banal na kasulatan ng mga Muslim. Mga Akdang Pampanitikan na Nakaimpluwensya sa Daigdig
  • 26. 9. Mahabharatas ng India – hinggil sa kasaysayan ng kanilang pananampalataya. 10. Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos – naglalaman sa pagpapamulat sa mga Amerikano sa kaapihang ginawa ng mga lahing itim at paglaganap din ng demokrasyang pandaigdig. Mga Akdang Pampanitikan na Nakaimpluwensya sa Daigdig
  • 27. Mga Salik na Nakaaapekto sa Panitikan 1. Edukasyon – may pinag-aralan at puno ng kaalaman. 2. Hanap-buhay – ang pangingisda at pagsasaka ng pinakapangunahin. 3. Klima o panahon – ang taglamig, tag-init, pagkakaroon ng bagyo, pagkabuhos ng malakas na ulan at pagbaha.
  • 28. 4. Lipunan at Pulitika – pandigmaan, pagwiwelga, pag-aapi, at diskriminasyon. 5. Pang-araw-araw na gawain – pag-iibigan, paglalaro, pagpasok sa trabaho. 6. Pananampalataya – kinikilala ang kapangyarihan ng Lumikha at Bathala. 7. Pook – masukal na kapaligiran, kalat ng basura, at magandang tanawin. Mga Akdang Pampanitikan na Nakaimpluwensya sa Daigdig
  • 29. Mga Uri ng Panitikan I. AYON SA PAGHAHALIN 1. Pasalindila – Ito’y pagbigkas o pasalitang pagbabahagi, pagtuturo, paglalahad, pagpapalaganap, paglilipat ng karunungan sa pamamagitan ng dila. (bugtong, palaisipan, awit, pamahiin)
  • 30. I. AYON SA PAGHAHALIN 2. Pasalinsulat – nasusulat ito at isinatitik sa pamamagitan ng alpabeto; nakatala o nakalimbag sa mga dahon ng aklat, magasin, pahayagan at iba pang uri ng babasahin. (mga nakasulat sa bato, kawayan, dahon, atbp.) Mga Uri ng Panitikan
  • 31. I. AYON SA PAGHAHALIN 3. Pasalintroniko – Ito’y mga akdang naisalin sa mga tao sa pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko gaya ng tape recorder, plaka, Betamax, telebisyon, pelikula, kompyuter, internet kaya higit na mabilis itong kumalat. Mga Uri ng Panitikan
  • 33. Kaakibat ng pagtanaw sa naging kasaysayan ng Panitikang Pilipino, kilalanin muna natin ang mga pangunahing katangian ng mga Pilipino na ikinaiba nila sa iba pang lahi. Ang mga katangiang ito ay may malaking papel sa patuloy na pag-unlad ng ating panitikan dahil nakakabit ito sa kultura ng lahing Pilipino.
  • 35. • Lumilingon ka kapag may sumisitsit o sumusutsot • Kaya mong magturo ng direksyon sa pamamagitan ng iyong nguso • Gumagamit ka ng tabo sa paliligo • Mahilig kang bumili ng “Sale”na item sa mall kahit hindi mo naman kailangan
  • 36. • Nagkakamay ka kapag kumakain at hindi kailangan ang kutsara at tinidor maliban lang kung may ibang taong nakatingin dahil nahihiya ka KUNO. • “Prijider”ang tawag mo sa refrigerator • May picture ng “The Last Supper”sa kusina ninyo
  • 37. • Nakalaminate o kaya ay nakalagay sa magandang frame ang diploma ng lahat ng mga nakagraduate sa inyo mula elementarya hanggang kolehiyo. • May dalawang uri kayo ng walis sa bahay – walis tingting at walis tambo • Mahilig kang magkape kahit mataas ang sikat ng araw
  • 38. • Mahilig ka sa tingi – tinging asukal, asin, mantika, paminta, bawang, atbp. • Mahilig kang sumingit sa pila pero galit na galit ka kapag ikaw ang sinisingitan • Mahilig kang magvideoke kahit di kagandahan ang iyong tinig
  • 39. • Mahilig kang dumura sa kalsada at umihi sa kung saan-saan kahit nasa bahay ka at mayroon naman kayong CR. • Di mo nakakalimutang bumili ng souvenir item kapag nakakapunta ka sa ibang lugar • Umuusyuso ka kapag may aksidente
  • 40. • Isinasawsaw mo sa kape o juice ang tinapay • Pumapalakpak ka o kumakaway kapag nakakakita ka ng eroplano • Naliligo ka sa ulan o sa baha • Kinukulob ang utot at ipinapaamoy sa bata o sa mga kapatid
  • 41. • Matipid ka kaya mga pirated na CD’s o DVD’s ang binibili mo, mahilig ka rin sa ukay-ukay • Kinakalong mo ang mga bata sa jeep o bus para makatipid sa pamasahe • Nag-uuwi ka ng mga gamit mula sa hotel
  • 42. • Mahilig kang tumawad kahit nasa department store ka • Nagkakamot ka ng ulo at ngumingiti kapag hindi mo alam ang sagot • “Cutex” ang tawag mo sa nail polish at “colgate”naman ang tawag mo sa toothpaste
  • 43. • Hangga’t maaari, ayaw mong tanggalin ang plastic cover ng mga gamit na kabibili mo • Pinapakain sa aso at pusa ang mga natirang pagkain. • May electric fan kayong walang takip ang elisi
  • 44. • Laging may nakatagong pinggan, kutsara, tinidor, at baso para sa mga bisita • Mahilig kang magpapicture sa kahit na sinong artista o mga taong nakikita mo sa TV • Ginagamit mong panghugas ng pinggan ang sabong panlaba
  • 45. • Madalas hindi mo pinapaniwalaan ang itinakdang oras sa kahit anong programang dadaluhan mo • Kaya mong makipagtext o makipagchat kahit hanggang madaling araw
  • 46. • Sa pamilya ninyo laging may inuulit-ulit ang pangalan (Bong-Bong, Pot-Pot, Din-Din, Pat- Pat, Tin-tin) • Ginagamit mo ang mga daliri sa pagsukat ng tubig sa isasaing mong bigas • Ginagawa mong sabaw ang kape sa kanin
  • 47. • Nilalagay mo ang sukling bente singko sentimo o piso sa iyong tenga • Binibilot mo ang tiket ng bus at isinisiksik sa kung saan-saan • Mahilig kang makisalo sa isang balot ng chichiria • Nakikisiksik sa pag-upo sa kakapirasong bangko • Malakas na pagtawa kahit korni ang patawa, minsan pa saka ka lang tumatawa kung tapos na ang lahat sa pagtawa
  • 48. • Paulit-ulit na pinagkukuwentuhan ang napanood sa pelikula • Laging binabalik-balikan ang mga pangyayaring nangyari sa teleserye at walang nagpapatalo sa usapan • Kahit nasa baha o lugar ng barilan, pag may kamera, kumakaway
  • 49. • Pag nagkaroon ng pagkakataong makapagsalita sa TV, lahat ng kamag-anak, binabati • Kadalasan, mahilig ka sa pabalot, balato, bonus, at pasalubong • Kahit kailan, hindi ka makapagtago ng sekreto
  • 50. • Alam mo ang konsepto ng salimpusa • Nagtitira ka ng konti sa plato sa mga handaan • Nahihiya kang punuin ang plato sa handaan • Nahihiya kang mauna sa pila sa mga handaan at nahihiya ka ring bumalik sa handaan
  • 51. • Ayaw mong maupo sa harap ng klase lalo na sa harap ng guro • Ginagamit mo ang dingding bilat sabitan • Pinoy ka kung sang-ayon ka sa lahat ng nabasa mo.
  • 52. Panahon ng mga Katutubo • Ang mga kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas ay ang mga Negrito o Ita. Sinasabi ng ating kasaysayan na ang Pilipinas ay binubuo ng mga bayan-bayan na kilala sa tawag na balangay o barangay ay may makapangyarihang pinuno para mamuno. (Datu)
  • 53. Panahon ng mga Katutubo • Ayon sa mga mananaliksik, masagana ang mga barangay noong unang panahon sa ilalim ng pamumuno ng kanilang mga datu o sultan. Mula sa kasaganaang ito ay sumibol ang masaganang kaisipan ng mga mamamayan.
  • 54. Panahon ng mga Katutubo • Karamihan sa mga panitikan ay mga pasalin-dila lamang gaya ng mga bulong, bugtong, epiko, salawikain, at awiting bayan na anyong patula; mga kuwentong bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng mga babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula ng bansa.
  • 55. Panahon ng mga Katutubo • Ang ating mga ninuno ay may sariling baybayin o alpabeto na binubuo ng 17 titik – 3 patinig at 14 na katinig.
  • 56. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila A. Kuwentong Bayan  Bago pa lumaganap ang panitikang pasulat ay laganap na sa Pilipinas ang kuwentong bayan.  Sinasabing ang mga pag-aari ng bayan ay sumasalamin sa mayamang kultura, kamalayan, paniniwala at mga kaugalian ng ating mga ninuno
  • 57. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila A. Kuwentong Bayan  Ang kuwentong bayan ay mga salaysay hinggil sa mga kakatwang bagay na likha lamang ng isip ng tao na karaniwang sumasaklaw sa isamg tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
  • 58. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila A. Kuwentong Bayan  Ayon kay Dr. H. Otley Bayer, isang kilalang iskolar at antropologo na Amerikano, ang kuwentong bayan ng Pilipinas ay higit na mayaman kaysa sa mga kuwentong bayan ng India, persya, Rusya at Hapon.  Karamihan sa mga kuwentong bayan ng Pilipinas ay tungkol sa mga diyos at diyosa.
  • 59. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila A. Kuwentong Bayan  Ayon naman sa artikulong isinulat ni Dr. Damiana Eugenio na kilala sa larangan ng Folklore sa Pilipinas na pinamagatan niyang “Legends and Folklore” tatlo ang mahahalagang pangkat ng kuwentong bayan: ang mito (myths), alamat (leagends), at salaysayin (folklores).
  • 60. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila 1.Mito – ito ay kuwento o salaysayin hinggil sa pinagmulan ng tao, kalipunan at iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa; ang mga taong may kapangyarihan at mga katutubong dayuhan.
  • 61. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila 2. Alamat – isang uri ng kathang nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook o lunan, mga halaman, bagay o pangalan na ang mga pangyayari ay likhang-isip lamang at tungkol sa naging simula ng mga bagay-bagay.
  • 62. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila 3. Salaysayin – kuwentong kumakatawan bilang tauhan ng salaysay ay mga hayop at sa kabuuan ay nagbibigay- aral o moral sa mga mambabasa.
  • 63. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila Halimbawa ng mga Kuwentong Bayan 1. Si Malakas at si Maganda 2. Naging Sultan si Pilandok 3. Ang Bobong Prinsipe (Kapampangan) 4. Ang Alamat ng Bigas 5. Ang Alamat ng Samar at Leyte 6. Ang Pagong at Ang Matsing 7. Ang Babaing Maggagatas
  • 64. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila B. Epiko – mga akdang patula na nagsasaad ng kabayanihan ng isa sa kanilang kinikilalang bayani ng lahi ng isang pook o bayan noong unang panahon na naglalaman ng mga kababalaghan o mga pangyayaring di kapani-paniwala.
  • 65. 1. Microepic – sumasaklaw mula sa pagsilang hanggang sa kamatayan ng bayani gaya ng Lam-ang at Bidasari. 2. Macroepic – nagsasalaysay ng isang pinakamahalagang bahagi ng buhay ng isang bayani gaya ng Tuwaang ng mga Bagobo. 3. Mesoepic – tumatalakay sa mga masasalimuot na bahagi ng buhay ng bayani. Tatlong Uri ng Epiko (Dr. Arsenio Manuel)
  • 66. 1. Ang pag-alis ng pangunahing tauhan sa sariling tahanan. 2. Pagtataglay ng agimat at anting- anting ng pangunahing tauhan. 3. Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal 4. Pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan. Mga Katangian ng Epiko
  • 67. 5. Patuloy na pakikidigma ng bayani. 6. Pamamagitan ng isang Bathala upang matigil ang labanan. 7. Ang pagbubunyag ng Bathala na ang naglalaban ay magkadugo. 8. Pagkamatay ng bayani. 9. Pagkabuhay na muli ng bayani. 10.Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan. Mga Katangian ng Epiko
  • 68. 1. “Biag ni Lam-ang” – Ilokano 2. “Hudhod” at “Alim” – Ipugaw 3. “Kumintang” – Tagalog 4. “Ibalon” at “Aslon” – Bikol 5. “Maragtas” at “Haraya” – Bisaya 6. “Indarapatra at Sulayman” – Maguindanao 7. “Bidasari” - Maranaw Mga Dakilang Epiko ng Lahing Pilipino
  • 69. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila C. Awiting Bayan  Ito ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain, o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook. Dito natin maaaninag ang mga gawi ng ating mga ninuno.
  • 70. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila C. Awiting Bayan  Oyayi – awit ng paghele o pagpapatulog ng bata  Diona – awit sa kasalan  Soliranin – awit sa paggaod ng bangka  Talindaw – awit sa pamamangka  Tagumpay o kumintang – awit sa digmaan  Kundiman – awit ng pag-ibig
  • 71. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila D. Karunungang Bayan  Ang karunungang bayan ay binubuo ng salawikaan, sawikain, bugtong, palaisipan at kasabihan.
  • 72. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila D. Karunungang Bayan 1.Salawikain – may sukat at tugma, patalinghagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong unang panahon na kinapapalooban ng mabuting payo ang tungkol sa kagandahang-asal. “Anumang tibay ng piniling abaka, ay wala rin lakas kapag nag-iisa”
  • 73. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila D. Karunungang Bayan 2. Sawikain – bagaman patula pa rin at may sukat at tugma ay iba kaysa sa salawikain sapagkat ito’y nagpapahayag ng katotohanan at nagpapakilala ng gawi o ugali ng isang tao.
  • 74. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila D. Karunungang Bayan 2.Sawikain “Ang taong masipag, daig ang masikap.” “Utos na sa pusa, utos pa sa daga.” “Kasama sa gayak, di-kasama sa lakad.”
  • 75. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila D. Karunungang Bayan 3. Bugtong – isang larong patula na kawili-wili. Ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng talasalitaan at pagsasanay sa mabili na pag-iisip na nagpapasalin-salin sa bibig ng mga ninuno. Ang mga Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong.
  • 76. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila D. Karunungang Bayan 3. Bugtong “Bumili ako ng alipin mataas pa sa akin” (sombrero) “Isang bayabas pito ang butas” (mukha) “Pilak ko sa kalangitan, di matitig- titigan” (araw)
  • 77. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila D.Karunungang Bayan 4.Kasabihan – ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa isang gawi o kilos ng ibang tao. Tinuturing din bilang salamin ng mentalidad ng sambayanan ang mga kasabihan.
  • 78. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila Tiritit ng maya Tiritit ng ibon Ibig mag-asawa Walang ipalamon Putak, putak Batang duwag Matapang ka’t nasa pugad Bata, batuta Nagsuot sa lungga Hinabol ng palaka
  • 79. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila D. Karunungang Bayan 5. Palaisipan – mga suliraning binibigkas nang tuluyan at naghahanap ng kasagutan. Ito’y gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin. Mga tanong na batay sa mga unang bahagi na ipinapahayag ng nagtatanong o sadyang ilalayo sa mga posibleng tandaan ng huhula.
  • 80. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila 5. Palaisipan May isang balong ang lalim ay dalawang dipa. Sa balong ito ay may isang palaka. Ang palaka ay nakaahon ng tatlong dipa sa isang araw, ngunit nadudulas ng dalawang dipa. Tanong: ilang araw aakyatin ng palaka ang balon? Sagot: Labingpitong araw sa huling tatlong dipa ay hindi na nahuhulog ang palaka.
  • 81. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila D. Karunungang Bayan 6. Ditso o talumbata – ginagamit sa paglalaro ng mga bata. Ito’y may sukat at tugma. “Bata, batuta samperang muta.” “Tutubi-tubi, huwag kang magpapahuli sa batang mapanghi.”
  • 82. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila D. Karunungang Bayan 7. Bulong – karunungng-bayan na ayon sa matatandang paniniwala, ito ay ginagamit bilang pang-engkanto, pangungulam, paggalang sa mga lamang lupa at paggagamot sa mga may sakit.
  • 83. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila 7. Bulong “Huwag magagalit kaibigan Aming pinuputol lamang Ang sa amin ay napag- utusan.” - Kailokanuhan - “Tabi-tabi po, makikiraan nga po.” “Daga, daga, heto ang ngipin kong luma palitan mo ng bago’t maganda.” - Katagalugan -
  • 84. • Ang panitikang Pilipino ay naniniwalang ang unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legaspi noong 1565 bilang kauna-unahang kastilang gobernadora-heneral. • Humigit-kumulang 44 taon naman ang lumipas bago narating ni Magellan ang Pilipinas noong 1521. • Nasakop at at naging kolonya ng Espanya ang Pilipinas sa loob ng 333 taon (1565-1898). Noong panahong iyon, kolonya ng Espanya ang Mexico. Panitikan sa Panahon ng mga Kastila
  • 85. • Sa panahong ito, napalitan ang dating Alibata o Baybayin ng Alpabetong Romano. • Relihiyon ang karaniwang paksa ng panitikan. • Tinangkilik ng mga Pilipino ang relihiyong Katoliko. Nagpalit din sila ng mga pangalan at nagpabinyag sa bagong apelyido.
  • 86. Ang mga katangian ng panitikan sa panahong ito ay: • Panrelihiyon ang karaniwang paksain. • Iba’t iba ang pamaraan at kaanyuan ng pagsulat. • Ginaya at hubad ang mga sulatin – walang orihinalidad.
  • 87. Ang naging layunin naman ng Espanya sa kanyang Pananakop ay: • Ang pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyanismo o katolisismo. • Pagpapayaman ng mga Kastila. • Pagpapalakas ng kapangyarihan.
  • 88. Mga Unang Aklat Doctrina Cristiana – kauna-unahang aklat na panrelihiyong nalimbag sa pamamagitan ng silograpiko noong 1593 dito sa Pilipinas. Isinulat nina Padre Juan de Placencia, O.P. at Padre Domingo de Nieva sa wikang Tagalog at sa Kastila. Pater Noster, Ave Maria, Kredo, Regina Coeli, Sampung Utos, Mga Utos ng Iglesia, Pitong Kasalanang Mortal, Labing-apat na Pagkakawanggawa, Katesismo)
  • 89. Nuestra Seńora del Rosario – ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas na nilikha ni Padre Blancas de San Jose sa wikang Tagalog. Katuwang ni P. Blancas de San Jose sa paglilimbag ay si Juan De Vera, isang mestisong Intsik. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga nobena, santos, ehersisyo, at buhay ng mga santo.
  • 90. Ang Barlaan at Josaphat – kauna- unahang nobelang Pilipino na isinalin P. Antonio de Borja noong 1703 at 1712 1712 na naglalayong ipalaganap ang Katolisismo sa mga Pilipino.
  • 91. Pasyon – isa sa mga pinakapopular na akdang patula noong panahon ng mga Kastila na nagsasaad tungkol sa buhay at pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo. Ito ay nasusulat ng patula ngunit binabasa at inaawit sa panahon ng Cuaresma. Isa itong wawaluhing pantig na tula na binubuo ng limang taludtod sa bawat isang saknong. Binubuo rin ito ng 240 pahina na nakasulat nang patula.
  • 92. Urbana at Felisa – aklat na naglalaman ng mga Gintong Aral na sinulat ni Presbiterio Modesto de Castro. Nakaimpluwensya ito nang malaki sa lipunang Pilipino kung saan ipinakita ang pagmamahal ni Urbana sa nakakabata niyang kapatid na si Felisa.
  • 93. Ang mga Awit o Korido – ang korido at ang awit ay magkatulad na paksa. Ang ipinagkaiba lamang ng mga ito – ang awit ay binubuo ng 12 pantig bawat taludtod samantalanag ang korido naman ay 8 pantig bawat taludtod.
  • 94. • Florante at Laura – naglalaman ng mga bersong kinasisinagan ng mahusay na istilo ng sumulat ang mga aral na napapaloob sa mga berso nito. • Senakulo – isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayaan ni Hesukristo. • Tibag – ito ay isang pagsasadula kung buwan ng Mayo ng paghahanap nina Reyna Elenan o Santa Elenan at Prinsipe Constantin sa Krus na pinagpakuan kay Kristo.
  • 95. • Karagatan at Duplo – ang mga ito ay pagtatalong patula na itinatanghal lalo na sa huling gabi ng paglalamay sa patay. Mga sanay na bilyako o bilyaka ang kalahok sa mga duplo samantalang ang mga baguhan pagtula ay sa mga karagatan sumasali.
  • 96. • Karilyo – isang dulang ang mga nagsisigananp ay mga tau- tauhang karton. Pinagagalaw ang mga ito sa pamamagitan ng mga nakataling pising hawak ng mga tao sa itaas ng tanghalan. Ang mga taong nagsasalita ay nasa likod ng Madilim kung palabasin nag karilyo sapagkat ang nakikita lamang ng mg tao ay ang kanilang mga anino. • Moro-moro – isang uri ng dulang punong-puno ng pakikipagsapalaran ng mga Muslim at Kristiyano. Ang pagtatanghal na ito ay laging nagwawakas sa tagumpay ng bidang Kristiyano.
  • 97. Panitikan sa Panahon ng Pagbabagong-Isip • Bunsod ng mapaniil na pamumuno ng mga Kastila sa mga Pilipino, pagsasamantal ng mga maykapangyarihang dayuhan, paghamak sa mga Indio, suliranin sa sekularisasyon at maling pamamalakad ng pamahalaan ay sumibol ang unti-unting pagkabuo at paglaganap ng damdaming makabayan.
  • 98. • Lalong umigting ang panahon ng pagbabagong isip dahil sa pagkakabukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, pagkabuo ng gitnang- uri, pagsapit ng dalawang liberalismo, pagpapadala sa Kapuluan ng liberal na gobernador, Carlos Ma. Dela Torre, pag-aalsa sa arsenal ng Cavite at pagkagarote ng tatlong paring Gomez, Burgos at Zamora.
  • 99. • Nahati sa dalawang bahagi ang panahong ito: Panahon ng Propaganda at Panahon ng Himagsikan. • Ang mga nanguna sa Propaganda ay ang mga intelektwal na mula sa gitnang-uri na pawang naging repormista – Dr. Jose P. Rizal, Marcelo H. del Pilar at Graciano Lopez Jaena. Kabilang din sina Luna, Paterno, Ponce at Poblete na tinaguriang mga manunulat na kilabot sa mga prayle.
  • 100. Mga Kahilingan ng Kilusang Propaganda: • Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes Espanya. • Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas. • Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. • Sekularisasyon ng mga parokya sa Kapuluan. • Kalayaan ng mamamayang Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagpupulong at pagpapahayag ng kanilang mga hinaing.
  • 101. • Sa panahon ng Himagsikan ay nanguna si Andres Bonifacio. Nakiisa rin sina Mabini, Jacinto at Palma na mga natatanging manunulat noon. Ang naging lamanng panitikan ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan at pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magising, magkaisa at maghanda upang matamo ang minimithing kalayaan. Sa panahon ding ito sumiklab ang pag-aalsa gamit ang tabak.
  • 102. Mga Kilalang Manunulat sa Panahon ng Pagbabagong Isip 1. Dr. Jose Rizal – (Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda) siya ang ating Pambansang Bayani. Siya ang sumulat sa mga akdang sumusunod: • Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin) • El Filibusterismo (Ang Pagsusuwail) • Sa mga Kababaihang taga-Malolos • Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino • Me Piden Versos (Hinilingan nila ako ng Tula) • El Consejo de lod Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala) • Kundiman • Sa aking mga Kababata • Ala Juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino) • Mi Ultimo Adios (Ang Huli Kong Paalam)
  • 103. 2. Marcelo H. del Pilar – kinilalang pangunahing mamamahayag ng kanyang panahon dahil sa pagkakatatag niya noong 1882 ng Diaryong Tagalog at pagkakapamatnugot niya noong 1889 ng La Solidaridad. Siya ang may-akda ng mga sumusunod: • Pag-ibig sa Tinubuang Lupa • Kaiingat Kayo • Dasalan at Tocsohan • Ang Cadaquilaan ng Dios • Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas • Aba Ginoong Baria
  • 104. 3. Graciano Lopez-Jaena – siya ang ipinagmamalaking anak ng Jaro, Iloilo na nakilala sa pagiging dakilang orador at walang takot sa pamamahayag. Siya ang may-akda ng akdang “Fray Botod” na isang maikling nobelang tumutuligsa sa kamangmangan, imoralidad at pagmamalabis ng mga prayle. Ang “Botod”sa Hiligaynon ay nangangahulugang malaking tiyan.
  • 105. 4. Mariano Ponce – tagapamahalang patnugot, mananalambuhay, at mananaliksik ng kilusang propaganda. Siya ay nagkubli sa sagisag na Tikbalang, Kalipulako, at Naning. 5. Hen. Antonio Luna (1868-1899)– isinilang siya sa Urbiztondo, Maynila noong Oktubre 29, 1868. Naging heneral siya ng hukbo sa pamamahala ni Emilio Aguinaldo.
  • 106. 6.Dr. Pedro Paterno (1865-1895) – isang iskolar, mananaliksik, drama turgo, at nobelista ng pangkat. Siya ang unang manunulat ng Pilipinong nakalaya sa sensura sa panitikan noong huling panahon ng Kastila. Siya ang sumulat ng kauna- unahang nobelang orihinal na Pilipino sa wikang Kastila na may pamagat na Ninay.
  • 107. 7. Pascual Poblete – isang nobelista, makata, mananalaysay at “Ama ng Pahayagan”. Nagtatag at namatnugot sa pahayagang “El Resumen”. Tinuligsa niya ang mga pang-aapi at katiwaliang ginagawa ng mga maykapangyarihang Kastila kaya’t siya’y ipinatapon sa Aprika.
  • 108. 8. Andres Bonifacio – siya ang nagtatag ng Katipunan, isa siyang karaniwan ngunit magiting at dakilang mamamayan ng bansang Pilipinas na nagkubli sa mga sagisag na Agapito Bagumbayan at Pag-asa. Ang kanyang mga sinulat ay malinaw na nagpapahayag ng kanyang mga adhikain para sa bayan. • Katapusang Hibik ng Pilipinas • Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog • Pag-ibig sa Tinubuang Lupa • Katipunan ng Mararahas na mga Anak ng Bayan • Tapunan ng Lingap
  • 109. 9. Emilio Jacinto – ang utak ng Katipunan na naging patnugot ng Kalayaan –pahayagan ng Katipunan na naglalaman ng mga pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, panawagan sa mga Pilipino upang magkaisa at magmithi ng kasarinlan, ng pahayag o upang ipaglaban ang Kalayaan. Ginamit niya ang sagisag na Ilaw. Isinulat niya ang: • Sa May Nasang Makasanib sa Katipunang ito • Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B. • Liwanag at Dilim • Sa Anak ng Bayan • Pahayag
  • 110. 10. Apolinario Mabini – siya ang tinaguriang “Utak ng Katipunan” na dating kasapi ng La Liga na palihim na gumagawa upang magkaroon ng pagbabago sa pamahalaan. Siya ang naging kanang-kamay ni Emilio Aguinaldo sa ikalawang bugso ng himagsikan. Ang marami sa kanyang mga sinulat ay pawang tungkol sa pulitika, sa pamahalaan, at sa pagpapalaganap ng damdaming makabayan.
  • 111. • Ang naging pangunahing pamana ng mga Amerikano sa mga Pilipino ay Edukasyon. • Sa panahong ito sinikap isaalang-alang ang pagdami ng mamamayang marunong sumulat at bumasa. • Dumating sa ating bansa ang mga kaisipang banyaga, mga resulta ng mga pangyayari noong mga nakaraang siglo na sa kabuuan ay isang sistema ng pag-iisip at pananaw sa mundo na hango sa karanasan ng kanluran. Panitikan sa Panahon ng mga Amerikano
  • 112. • Bumilis ang pagdami ng mga babasahin, pagkakaroon ng kalayaan sa pagsasalita sa pahayagan, sa paniniwala at sa mga samahan na ipinag-utos sa panahon ng mga Amerikano.ang moro-moro at senakulo noong panahon ng mga Kastila ay pinalitan ng mga makabagong dula at sarsuela. • Ang lahat ng larangan ng panitikan ay pinasok ng lahat ng mga manunulat na Pilipino tulad ng mga tula, sanaysay, talumpati, lathalain, kuwento, dula, atbp. Ang mga ito ay nasulat sa iba’t ibang wikain ng Pilipinas.
  • 113. • Noong 1910 lamang umusbong ang mga Panitikan sa Ingles at dito sumibol ang mga bagong silang na mga manunulat. Kabilang sa mga ito sina: • Cecilio Apostol na sumulat ng oda para kay Rizal • Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang mga talumpati; • Lope K. Santos na sumulat ng obra-maestra niyang Banaag at Sikat at nagpauso ng panitikang sosyalista; • Jose Corazon de Jesus na sumulat ng maraming tula ng pag-ibig
  • 114. • Jose dela Cruz na may sagisag na Huseng Sisiw dahil sa sisiw ang ibinabayad kapag nagpapagawa ka sa kanya ng tula ng pag-ibig; • Severino Reyes na sumulat ng walang kamatayang dulang Walang Sugat; siya ang tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog; • Zoilo Galang na pinakaunang nobelista (A Child of Sorrow) Pilipino, Ingles at marami pang iba.
  • 115. Mga Nobelang Nalimbag • Banaag at Sikat – obra maestra ni Lope K. Santos na naging isa sa pinakatanyag ng panahong iyon. • Sampaguitang Walang Bango – isinulat ni Ińigo Ed. Regalado • Anino ng Kahapon – isinulat ni Francisco D. Laksamana • Isang Punongkahoy – obra maestra ni Jose Corazon de Jesus
  • 116. • Sinakop tayo ng mga Hapon mula 1941 hanggang 1945. • Nangulimlim ang umuunlad na panitikang Pilipino nang sumapit ang panahong ito. • Ag lingguhang Liwayway ay inilagay sa mahigpit na pagmamatyag ng mga Hapones. • Ang mga manunulat ay sandaling nahinto sa kanilang pagsulat at nagkaroon muli ng pagkakataong makapaglathala ng mga kuwento at tula sa Liwayway. Panitikan sa Panahon ng mga Hapon
  • 117. • Sumunod ang Taliba sa Liwayway na nabigyan ng pagkakataong makapaglathala ng mga tula at kuwento. Dito nabuhayan ng loob ang mga manunulat. • Namayagpag ang panitikang Tagalog at ipinagbawal ang wikang Ingles. • Lumayo ang panulat sa nayon, naging katutubo ang kulay. • Nagkaroon ng pagkakataon ang bukid at magsasaka sa papel kahit mahirap ang kalagayan ay nanaig ang pag-ibig sa isip.
  • 118. • Hindi nawala ang tema ng pagkamakabayan. • Sumibol ang haiku na mula sa panitikang Hapon- maiikling tulang lalabimpituhing pantig lamang at binubuo ng tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay lima, ang gitna ay pito, at ang huli ay lima rin. • Tinumbasan sa panitikang Tagalog ang haiku ng mga Hapon at tinawag itong tanaga na nagtataglay ng tigpipitong pantig sa apat na taludtod. Mayroon ding talinghaga ang tanaga gaya ng haiku.
  • 119. • Sa panahong ito ay naging abala ang ating mga ninuno sa pag-aayos ng mga nasira at nawasak sa katatapos na digmaan at pag-alala sa mga nasawing mahal sa buhay. • Sa pagsapit ng dekado 50’ ay nagkaroon ng patimpalak sa pagsulat ng tula at iba pang akdang pampanitikan. Tumaas ang kalidad ng panlasa ng pagsulat ng mga obra. Umusbong din ang panunuring pampanitikan dahil sa pagatataguyod ng wikang Pambansa. Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
  • 120. • Sa pagsapit naman ng dekada 60’sumibol ang panahon ng pagkabagabag at aktibismo. Anging marumi ang lipunan at naging magulo ang kapaligiran • Sumulpot ang tinatawag na “Hippie”, isang uri ng pagrerebelde ng mga tao sa kinalakhan niyang kombensyon. Nagpatuloy pa rin ang paghahari- harian sa kongreso at nagkaroon na rin ng gatla ang simbahan at relihiyon.
  • 121. • Ang dekada 70’naman ay punong-puno ng karahasan. Maraming nagkabuhol-buhol na braso, maraming kamay ang humawak ng pulang placard. Di mahulugang karayom ang mga kalsada at ang lahat ng ito ay bunga ng bulok ng sistema ng pulitika.