2. Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao,
hayop, bagay, pook, at pangyayari.
Mga halimbawa:
Pilipinas Luneta Tamaraw
bahay-kubo hanapbuhay Pasko
3. Ang kailanan ng pangngalan ay
pagtukoy kung ilan ang tinutukoy na
pangngalan, kung ito ay isahan, dalawahan,
o maramihan.
4. 1. Kailanang Isahan- tumutukoy sa pangngalang
likas na nag- iisa lamang ang bilang.
Mga halimbawa:
kapatid, kaibigan, ate, Mark
5. 2. Kailanang Dalawahan- tumutukoy sa
pangngalang may dalawang bilang.
Mga halimbawa:
magkapatid, magkaibigan, dalawang bag
6. 3. Kailanang Maramihan- tumutukoy sa
pangngalang may bilang na maramihan.
Mga halimbawa:
magkakapatid, magkakaibigan