2. Panalangin
Mahal na Panginoon, kung wala ka sa aming tabi, mahihirapan
ang araw para sa amin. Mangyaring tulungan kaming lahat na
mag-aaral sa paglago ng pananampalataya at ugali upang
maunawaan namin ang anumang aral na inalok sa amin.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu, amen. Amen.
3.
4. S Y S U N A T A S A
M
MASUSTANSYA
M S Y S U N A
M
G
P A K
O
G F D S O
O
PAGKAIN
GO FOODS
A I N
5. O
GROW FOODS
R W S F D
D O S
L G O W F O
T T E N
U N E P A R
M
GLOW FOODS
MENU PATTERN
O
G O
7. Pag-usapan Natin:
1. Ano-ano ang mga salita na nabuo niyo mula sa laro?
2. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito?
3. “Mens sana in corpore sano.” Alam niyo ba kung
ano ang ibig sabihin nito?
8. Pag-usapan Natin:
“Mens sana in corpore sano.”
Ito ay isang Latin na parirala na ang ibig sabihin ay
nagmumula ang matalas na isipan sa malusog na
katawan.
Ano ang isa sa mga paraan na makakapagbigay sa atin
ng isang malusog na katawan?
9.
10. PAGKAIN
- ang pinakamahalagang kailangan ng mga tao upang
maisagawa ang mga pang-araw-araw na gawain;
- dito nanggaling ang enerhiya at lakas natin upang
magampanan nang maayos at epektibo ang ating mga
tungkulin;
- nagbibigay ng sapat na sustansya upang magiging malakas at
malusog ang katawan at malayo sa pagkakasakit.
- isa sa mga dahilan kaya nagkakasama-sama ang
magkakamag-anak at magkakaibigan.
11. TATLONG PANGKAT NG PAGKAIN
Mahalagang malaman ang tatlong
pangkat ng pagkain para mapagplanuhan
ng maigi ang lulutuing pagkain para sa
pamilya.
12. Pangkat I: GO FOODS
• nagbibigay ng enerhiya,
lakas, at sigla
• may sustansiyang
carbohydrates, taba, at
langis
13. Mga Halimbawa:
Mayaman sa
Carbohydrates:
-kanin
-mga kakaning
gawa sa bigas:
puto, suman,
kalamay, kutsinta,
lugaw,
tsamporado, at
ginataang mais
Mga Pagkaing
Gawa sa Harina:
-keyk
-tinapay
-biskwit
Mga Matatamis
na Pagkain:
-asukal
-tubo
-pulot o honey
Mga bungang-
ugat:
-kamote
-gabi
-taro
-yakon
-sugar beats
-ube.
14. Pangkat II: GROW FOODS
• tumutulong sa paglaki ng
katawan
• mayaman sa protina na
responsible sa pagpapalaki
ng mga kalamnan at ng
buong katawan.
• nagpapalakas din ng mga
buto at nakatutulong sa
pagpapalakas ng katawan,
kung ang isang tao ay
galling sa pagkakasakit.
15. Mga Halimbawa:
Mga pagkaing
mayaman sa
protina:
karne ng baboy,
baka at manok,
isda, itlog, gatas,
hamon, bacon,
tocino, at
longganisa.
Mga pagkaing
galing sa butil:
tulad ng monggo,
mani, kadyos,
sitaw, at sitsaro
Mga lamang
dagat:
gaya ng alimango,
alimasag, hipon,
dilis, halaan, tulya,
tahong, talaba, at
talangka
16. Pangkat III: GLOW FOODS
• pananggalang sa sakit at
impeksiyon
• pinagkukunan ng bitamina
at mineral
• bitamina A, B-1, 6, 12, C at
mga mineral tulad ng iron,
calcium, yodo (iodine),
phosphorus, at potassium
• nagsasaayos ng mga bahagi
ng katawan
17. Mga Halimbawa:
• Madahong gulay, madilaw, at maberde - petsay, malunggay,
talbos ng kamote, talbos ng sayote at kalabasa.
• saluyot, ispinats, alugbati, celery, kintsay, carrots, at kangkong
• Bitamina A, calcium, at iron - nakatutulong sa pangangalaga at
pagpapalusog ng mga mata, ngipin, at buto.
• Sapat na taglay ng iron
- malakas at magandang katawan;
- nakatutulong sa pamumuo ng dugo kapag nasugatan
- madaling nakapagpapagaling ng sugat.
18. Mga Halimbawa:
• Mga maaasim at makakatas na gulay at
prutas (Bitamina C):
- dalanghita, suha, bayabas, kamyas, manga, pipino,
at kamatis.
- nagpapalakas ng katawan laban sa impeksiyon at
sipon.
- nakabubuti rin ito sa ngipin at galagid.
19. Mga Halimbawa:
• Mga prutas at gulay na tumutulong sa
pagtunaw ng kinakain at sa pagbawas ng dumi:
- tsiko, santol, duhat, pakwan, kaimito, langka,
saging
- okra, sitaw, talong, at sigarilyas
20.
21. 1. Talaan ng mga Putahe (Menu
Pattern)
• Ginagamit sa pagpaplano ng menu upang makabuo ng resipi
para sa tiyak na age group;
• Agahan, tanghalian, at hapunan - tradisyonal na food
based menu pattern;
• Mahalaga sa paghahanda ng pagkain para sa pamilya;
• Napag-iisipang mabuti ang mga ihahaing pagkain;
• Natitiyak na masustansiya at naayon sa kalusugan at
pangangailangan ng bawat kasapi ng pamilya;
• Natatantiya ang inaasahang badyet para sa ihahanda.
22. Araw Agahan Tanghalian Hapunan
Lunes
Saging
Daing na bangus
At kamatis
Sinangag
Tsokolate
Cream of corn soup
Adobong manok
Ginisang ampalaya
Kanin
Pakwan
Sinigang na baboy
Kanin
pinya
Martes
Mansanas
Hotdog
Hotcake
Gatas
Halaan soup
Inihaw na bangus
Ginisang sayote
Kanin
Manggang hinog
Nilagang baka
Kanin
Fruit salad
Miyerkules
Abokado
Scrambles
egg/tuyo
Kanin
tsokolate
Vegetable soup
Mechado
Kanin
Minatamis na
saging
Asparagus soup
Pritong tilapia
Kangkong with
oyster Sauce
Kanin
Atis
HALIMBAWA:
24. Araw Agahan Tanghalian Hapunan
Linggo
Chico
Pritong
itlog/longganisa
kanin
juice
Sinigang na hipon
Pritong tawilis
Kanin
Abokado
Pesang lapu-lapu
Ginisang kamatis
Kanin
Tropical salad
25. 2. Resipi
• Talaan ng mga sangkap at pamamaraan para sa
paghahanda ng isang lulutuing putahe o
ihahandang pagkain.
• Tiyaking kumpleto ang mga gagamiting sangkap
sa pagluluto upang tuloy-tuloy ang paghahanda.
29. Iba pang mga Salik:
1. Badyet para sa Pagkain - Ibinatay ang pagkaing
ihahanda sa perang gugugulin na nakalaan para sa
lulutuing pagkain.
2. Laki ng mag-anak - Laging isaalang-alang ang bilang,
edad,at kasarian ng bawat kasapi ng mag-anaksa
paghahanda ng pagkain.
3. Kagustuhan ng mag-anak - mas mainam kung ang
pagkain ihahanda ay gusto ng lahat.
33. Magaling!
Ngayon na alam niyo na ang tamang paggawa
ng isang masustansyang meal plan, ipaliwanang
ang kahalagahan nito.
Pumili ng isang gawain upang maipaliwanag ito.
Maaaring gawin ito nang mag-isa o may
kasama.
34. Pumili ng isa:
Gawain 1: Iparinig Mo!
• Ipaliwanag ang kahalagahan
ng paggawa ng isang
masustansyang meal plan sa
pamamagitan ng sariling tula,
kanta, chant, o rap.
Gawain 2: Ipakita Mo!
• Ipaliwanag ang kahalagahan
ng paggawa ng isang
masustansyang meal plan sa
pamamagitan ng slogan,
poster, roleplay, o
pantomime.
35. Kayo na! Iba talaga ang talento ng
batang Pilipino!
Ngayon na naiintindihan niyo na nang lubos
ang kahalagahan ng paggawa ng isang
masustansyang meal plan, gumawa kayo muli
nito.
36. Collaborative Activity:
5 GROUPS:
Sa isang manila paper,
gumawa ng isang meal plan
para sa agahan, tanghalian
at hapunan. Pagkatapos ng
sampung minuto, ipresenta
ito sa harap. Ipaliwanag rin
kung bakit napili niyo ang
mga pagkain na nakalista.
37. Balikan Natin
1. Bakit pinakamahalaga ang pagkain sa atin?
2. Ano ang mangyayari sa atin kapag hindi tayo
nakakakain sa loob ng isang araw?
3. Bakit mahalaga nating pagplanuhan ang pagluto
ng pagkain para sa ating pamilya?
41. Takdang Aralin:
• Panuto: Gumawa ng isang plano sa paghahanda ng pagkain ng
agahan, tanghalian at hapunan para sa iyong pamilya.
Isaalang-alang ang tatlong pangkat ng pagkain. Isulat ang
iyong sagot sa malinis na papel