SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 16
Ano-ano ang katangian ng isang maunlad na bansa? Paano
maitataguyod ng mga mamamayan ang kaunlaran ng bansa?
Ang kaunlaran ng bansa ay nakabatay sa
kasaganaan ng mga mamamayang bumubuo nito.
Itinuturing na maunlad ang isang bansa kung:
pantay-pantay ang pagturing sa mamamayan at maayos ang
pagpapatakbo ng lipunan;
pantay ang turing sa lahat, walang aabuso sa karapatan at
kapangyarihan; at
Wala ring mapag-iiwanan ng mga yaman at benepisyo na
kadalasang sanhi ng krimen na malaking hadlang sa
pagbabago at pag-unlad
Kaalinsabay nito, ang kaunlaran ng bansa ay maibabatay sa
kakayahan nitong guminhawa ang pamumuhay mula sa kahirapan tungo
sa kasarinlan ng bawat isa.
Isa pang katangian ng maunlad na bansa ay ang pagkakaroon ng
angkop at sapat na serbisyong panlipunan. Liban sa edukasyon, pabahay,
kalusugan, seguridad, komunikasyon, at transportasyon, mahusay rin na
makapagtalaga ang pamahalaan ng mga ahensiyang tutugon sa
pangmabilisan at natatanging pangangailangan ng mga mamamayan sa
isang takdang panahon. Maunlad ang bansa kung ang mga serbisyong ito
ay naipatutupad at naipaaabot sa nakararaming bilang ng mamamayan.
Sa isang banda, itinataguyod ng mamamayan ang maunlad na
lipunan sa pamamagitan ng iba-ibang gawain.
Katulad ng nabanggit na, binubuo
ang lipunan ng mga indibiduwal.
Makabubuting linangin ng bawat
isa ang sariling galing at talento
hindi lamang para sa sarili kundi
para sa bayan.
Maging malikhain at maabilidad upang matustusan ang sariling
pangangailangan at makatulong sa iba. Hindi kailangang
umamot palagi ng awa, mamalimos, o umasa sa iba upang
makamit ang kasaganahan. Kung ang bawat isa ay marunong
humanap ng sariling pagkakakitaan, magiging madali ang pag-
unlad ng bayan.
Ang pagtutulungan ay susi sa
kaunlaran. Kung ang bawat
Pilipino ay susuporta sa isa’t isa
at hindi maglalamangan,
magiging masagana ang ating
bayan. Isa sa pinakakonkretong
halimbawa nito ang
pagtangkilik sa mga produktong
Pilipino. Liban sa malaki ang
maitutulong nito sa pagbawas
sa kahirapan, nakapagbibigay-
kita at trabaho pa ito para sa
ating mga kababayan.
Pinamamahalaan at
pinamumunuan ng mga
kabilang sa pamahalaan
ang kabang bayan,
polisiya, at iba pang
mga batayang serbisyo
para sa bayan. Marapat
lamang na tiyaking
tapat at mahusay ang
ating mga pinuno nang
sa gayon ay magiging
maayos ang takbo ng
ating lipunan.
Binuo ang mga batas upang
pangalagaan ang ating kapakanan,
buhay, at ari-arian. Kung hindi
igagalang ang batas, magugulo ang
kaayusan sa ating bayan. Maging
ang seguridad sa payapa at
matiwasay na buhay ay maitataya.
Marapat na sundin ito sa
ikatatahimik, sagana, at maayos na
paninirahan sa ating bayan.
Inihahandog ng kalikasan ang lahat
ng batayang pangangailangan upang
mabuhay ang tao. Marapat lamang
na pangalagaan ito sa pamamagitan
ng pagtitipid, pagpigil sa polusyon,
paghihiwalay ng basura, at pagre-
recycle. Ang ating pamanang lahi ay
ating pagkakakilanlan at tayo ay
tagataguyod ng pambansang dangal
at kasaysayan. Marapat na kilalanin
at ingatan ito hanggang sa susunod
na mga salinlahi.
Pangalagaan ang mga gusali at
impraestruktura tulad ng mga
kalsada at tulay, paliparan, at
ospital na galing sa pagsisikap
sa trabaho at pagpupunyagi sa
kabuhayan ng mga Pilipino.
Bilang mga paraan sa pag-unlad
ng ekonomiya at kabuhayan,
pag-ingatan ang mga ito at
iwasan ang maling paggamit at
kapabayaan.
1. Ano ang mga katangian ng isang maunlad na bansa?
2. Ano-ano ang ginagampanan ng mamamayan bilang bahagi ng
isang bansa?
3. Bakit mahalaga ang bahaging ginagampanan ng mama-
mayan sa pag-unlad ng bansa?
4. Paano maitataguyod ng mamamayan ang kaunlaran ng
bansa?
5. Magbigay pa ng mga paraan ng pagtataguyod ng kaunlaran
ng bansa.
Sagutin ang mga tanong.
1. May mga nakatapos sa pag-aaral na umaalis ng bansa upang
manilbihan sa ibang bansa.
2. Marami ang bilang ng hindi nakababasa at nakasusulat.
3. Ang mga 15 taong gulang na kabataan pababa ay
pinagtatrabaho.
4. Masaya ang nakararaming mamamayan na nanunung- kulan
sa pamahalaan.
5. Sapat at makatuwiran ang kinikita ng mga tao.
Bilugan ang mga pangungusap na nagsasaad ng
pagiging maunlad ng isang bansa. Isulat ang sagot sa notbuk.
6. Laganap ang rebelyon at krimen sa mga lalawigan.
7. Maraming dayuhan ang dumadalaw at namumuhunan sa
ating bansa.
8. Naaabuso ang mga likas na yaman.
9. Hindi nakikinig sa Pangulo ng bansa at hindi sinusunod ang
mga batas.
10. Walang krimen na naitala sa loob ng isang buwan.
Umisip ng isang pahayag na nagpapakita ng
pagtataguyod ng mamamayan sa kaunlaran ng bansa.
Bumuo ng fish organizer kung saan nakasulat sa itaas
na tinik kung paano ito maisasagawa. Sa ilalim naman,
isulat kung ano ang mga dapat iwasan upang hindi
maging hadlang sa kaunlaran ng bansa.
 Ang maunlad na bansa ay nangangahulugan ng pagka- mit ng
kasaganaan ng mga mamamayang bumubuo ng bansa.
 Ang kaunlaran ay nakabatay rin sa panlipunang kagalingan
tulad ng kalayaan ng mamamayang pumili at magpasiya para sa
sarili, maabot ng mga batayang serbisyo, matamasa ang
pagkakapantay-pantay, at maranasan ang katarungang
panlipunan.
 Ang mga ginagampanan ng mga mamamayan bilang bahagi ng
lipunan ay mahalagang kontribusyon sa pag- unlad ng isang
bansa.
 Kinakailangang mapaunlad ng mamamayan ang kaniyang
sarili upang maging kapaki-pakinabang na bahagi ng lipunan.
Kailangang linangin ang sariling katalinuhan at kakayanan,
maging produktibo, sumunod sa batas, bantayan ang katiwalian
sa pamahalaan, pangalagaan ang kalikasan, at ingatan ang mga
pampublikong gamit at lugar.
1. Bumuo ng mga pangkat na may limang kasapi.
Ipatalakay kung paanong naitataguyod ng mga
mamamayan ang kaunlaran ng isang bayan.
Palikhain sila ng larawan hinggil dito at palagyan
ng islogan. Ilagay sa likod ang paliwanag ng
islogan ng parehong poster at islogan.
2. Magsagawa ng classroom walk kung saan
nakatanghal ang mga poster. Mag-anyaya ng
mga panauhing pipili ng tatlong pinakamahusay
na poster at islogan.

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan
Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawanMga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan
Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan
Liezel Paras
 
AP Grade2: Ang kahalagahan ng Paglilingkod/Serbisyo ng Komunidad
AP Grade2: Ang kahalagahan ng Paglilingkod/Serbisyo ng KomunidadAP Grade2: Ang kahalagahan ng Paglilingkod/Serbisyo ng Komunidad
AP Grade2: Ang kahalagahan ng Paglilingkod/Serbisyo ng Komunidad
FlorenceSAguja
 
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
LalainGPellas
 
Powerpoint pangungusap
Powerpoint pangungusapPowerpoint pangungusap
Powerpoint pangungusap
mylaabigan
 
AP4_Q2_Mod1_ Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman ng Pilipinas.pdf
AP4_Q2_Mod1_ Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman ng Pilipinas.pdfAP4_Q2_Mod1_ Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman ng Pilipinas.pdf
AP4_Q2_Mod1_ Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman ng Pilipinas.pdf
yrrallarry
 
Was ist angesagt? (20)

Pagsusulat ng talatang nagbabalita
Pagsusulat ng talatang nagbabalitaPagsusulat ng talatang nagbabalita
Pagsusulat ng talatang nagbabalita
 
YUNIT III ARALIN 3: Ang mga Namumuno sa Bansa
YUNIT III ARALIN 3: Ang mga Namumuno sa BansaYUNIT III ARALIN 3: Ang mga Namumuno sa Bansa
YUNIT III ARALIN 3: Ang mga Namumuno sa Bansa
 
Aralin 1 sustansiyang sukat at sapat
Aralin 1  sustansiyang sukat at sapatAralin 1  sustansiyang sukat at sapat
Aralin 1 sustansiyang sukat at sapat
 
Ang Simpleng Pamilya.pptx
Ang Simpleng Pamilya.pptxAng Simpleng Pamilya.pptx
Ang Simpleng Pamilya.pptx
 
Bahagi ng pangungusap (Simuno at Panaguri)
Bahagi ng pangungusap (Simuno at Panaguri)Bahagi ng pangungusap (Simuno at Panaguri)
Bahagi ng pangungusap (Simuno at Panaguri)
 
Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan
Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawanMga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan
Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan
 
(AP 6 Week 7) - Pagpapahalaga sa mga Kontribusyon ng mga Natatanging Pilipino...
(AP 6 Week 7) - Pagpapahalaga sa mga Kontribusyon ng mga Natatanging Pilipino...(AP 6 Week 7) - Pagpapahalaga sa mga Kontribusyon ng mga Natatanging Pilipino...
(AP 6 Week 7) - Pagpapahalaga sa mga Kontribusyon ng mga Natatanging Pilipino...
 
AP Grade2: Ang kahalagahan ng Paglilingkod/Serbisyo ng Komunidad
AP Grade2: Ang kahalagahan ng Paglilingkod/Serbisyo ng KomunidadAP Grade2: Ang kahalagahan ng Paglilingkod/Serbisyo ng Komunidad
AP Grade2: Ang kahalagahan ng Paglilingkod/Serbisyo ng Komunidad
 
Aralin 6 kaugnayan ng matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman sa pag un...
Aralin 6 kaugnayan ng matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman sa pag un...Aralin 6 kaugnayan ng matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman sa pag un...
Aralin 6 kaugnayan ng matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman sa pag un...
 
Q1 WEEK 3 ESP-6.pptx
Q1 WEEK 3 ESP-6.pptxQ1 WEEK 3 ESP-6.pptx
Q1 WEEK 3 ESP-6.pptx
 
MUSIC: YUNIT III ARALIN 2: Ang antedecent phrases
MUSIC: YUNIT III ARALIN 2: Ang antedecent phrasesMUSIC: YUNIT III ARALIN 2: Ang antedecent phrases
MUSIC: YUNIT III ARALIN 2: Ang antedecent phrases
 
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
 
Powerpoint pangungusap
Powerpoint pangungusapPowerpoint pangungusap
Powerpoint pangungusap
 
Filipino 6 dlp 3 halina't gumawa ng babala
Filipino 6 dlp 3   halina't gumawa ng babalaFilipino 6 dlp 3   halina't gumawa ng babala
Filipino 6 dlp 3 halina't gumawa ng babala
 
Panghalip Panao
Panghalip PanaoPanghalip Panao
Panghalip Panao
 
AP4_Q2_Mod1_ Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman ng Pilipinas.pdf
AP4_Q2_Mod1_ Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman ng Pilipinas.pdfAP4_Q2_Mod1_ Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman ng Pilipinas.pdf
AP4_Q2_Mod1_ Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman ng Pilipinas.pdf
 
AP2_MGAKARAPATAN.pptx
AP2_MGAKARAPATAN.pptxAP2_MGAKARAPATAN.pptx
AP2_MGAKARAPATAN.pptx
 
Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 2 aralin 8 pagpili ng itatanim na halamang orn...
Grade 4  e.p.p. quarter 3 week 2 aralin 8 pagpili ng itatanim na halamang orn...Grade 4  e.p.p. quarter 3 week 2 aralin 8 pagpili ng itatanim na halamang orn...
Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 2 aralin 8 pagpili ng itatanim na halamang orn...
 
Pandiwa
PandiwaPandiwa
Pandiwa
 
PANGHALIP PATULAD
PANGHALIP PATULADPANGHALIP PATULAD
PANGHALIP PATULAD
 
Ähnlich wie AP YUNIT 4, ARALIN 7 inkay_peralta.pptx

Araling Panlipunan grade four week four 4
Araling Panlipunan grade four week four 4Araling Panlipunan grade four week four 4
Araling Panlipunan grade four week four 4
JeffreyDummy
 
Tungkulin ng mamamayan
Tungkulin ng mamamayanTungkulin ng mamamayan
Tungkulin ng mamamayan
Sherwin Dulay
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
NecelynMontolo
 
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKOAP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
NecelynMontolo
 
PPT AP6 Q2 W3.pptx
PPT AP6 Q2 W3.pptxPPT AP6 Q2 W3.pptx
PPT AP6 Q2 W3.pptx
alvinbay2
 
Aralin-2_Lipunang-Politikal-Prinsipyo-ng-Subsidiarity-at-Prinsipyo-ng-Pagkaka...
Aralin-2_Lipunang-Politikal-Prinsipyo-ng-Subsidiarity-at-Prinsipyo-ng-Pagkaka...Aralin-2_Lipunang-Politikal-Prinsipyo-ng-Subsidiarity-at-Prinsipyo-ng-Pagkaka...
Aralin-2_Lipunang-Politikal-Prinsipyo-ng-Subsidiarity-at-Prinsipyo-ng-Pagkaka...
Jemuel Devillena
 
Kahalagahan ng pamahalaan
Kahalagahan ng pamahalaanKahalagahan ng pamahalaan
Kahalagahan ng pamahalaan
Sherwin Dulay
 
mabuting-pamamahala-220929093448-7d677e54 (1).pdf
mabuting-pamamahala-220929093448-7d677e54 (1).pdfmabuting-pamamahala-220929093448-7d677e54 (1).pdf
mabuting-pamamahala-220929093448-7d677e54 (1).pdf
HarleyLaus1
 
Ähnlich wie AP YUNIT 4, ARALIN 7 inkay_peralta.pptx (20)

Araling Panlipunan grade four week four 4
Araling Panlipunan grade four week four 4Araling Panlipunan grade four week four 4
Araling Panlipunan grade four week four 4
 
Tungkulin ng mamamayan
Tungkulin ng mamamayanTungkulin ng mamamayan
Tungkulin ng mamamayan
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
 
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKOAP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
 
Sino ang dapat iboto sa halalan?
Sino ang dapat iboto sa halalan?Sino ang dapat iboto sa halalan?
Sino ang dapat iboto sa halalan?
 
PPT AP6 Q2 W3.pptx
PPT AP6 Q2 W3.pptxPPT AP6 Q2 W3.pptx
PPT AP6 Q2 W3.pptx
 
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...
 
1Mga-Batas-at-Batas-Moral.pptx
1Mga-Batas-at-Batas-Moral.pptx1Mga-Batas-at-Batas-Moral.pptx
1Mga-Batas-at-Batas-Moral.pptx
 
Aralin-2_Lipunang-Politikal-Prinsipyo-ng-Subsidiarity-at-Prinsipyo-ng-Pagkaka...
Aralin-2_Lipunang-Politikal-Prinsipyo-ng-Subsidiarity-at-Prinsipyo-ng-Pagkaka...Aralin-2_Lipunang-Politikal-Prinsipyo-ng-Subsidiarity-at-Prinsipyo-ng-Pagkaka...
Aralin-2_Lipunang-Politikal-Prinsipyo-ng-Subsidiarity-at-Prinsipyo-ng-Pagkaka...
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
 
MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptxPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
 
AP 9 Q4 L1 araling panlipunannnnnnn.pptx
AP 9 Q4 L1 araling panlipunannnnnnn.pptxAP 9 Q4 L1 araling panlipunannnnnnn.pptx
AP 9 Q4 L1 araling panlipunannnnnnn.pptx
 
Kahalagahan ng pamahalaan
Kahalagahan ng pamahalaanKahalagahan ng pamahalaan
Kahalagahan ng pamahalaan
 
1Q_ESP9 EXAM.docx
1Q_ESP9 EXAM.docx1Q_ESP9 EXAM.docx
1Q_ESP9 EXAM.docx
 
MABUTING-PAMAMAHALA.pptx
MABUTING-PAMAMAHALA.pptxMABUTING-PAMAMAHALA.pptx
MABUTING-PAMAMAHALA.pptx
 
mabuting-pamamahala-220929093448-7d677e54 (1).pdf
mabuting-pamamahala-220929093448-7d677e54 (1).pdfmabuting-pamamahala-220929093448-7d677e54 (1).pdf
mabuting-pamamahala-220929093448-7d677e54 (1).pdf
 
mabuting-pamamahala-220929093448-7d677e54 (1).pdf
mabuting-pamamahala-220929093448-7d677e54 (1).pdfmabuting-pamamahala-220929093448-7d677e54 (1).pdf
mabuting-pamamahala-220929093448-7d677e54 (1).pdf
 
Quarter 4 Week 1-2 AP 10.pptx
Quarter 4 Week 1-2 AP 10.pptxQuarter 4 Week 1-2 AP 10.pptx
Quarter 4 Week 1-2 AP 10.pptx
 
AP10-Q4-W5_POLITIKAL-NA-PAKIKILAHOK-1.pptx
AP10-Q4-W5_POLITIKAL-NA-PAKIKILAHOK-1.pptxAP10-Q4-W5_POLITIKAL-NA-PAKIKILAHOK-1.pptx
AP10-Q4-W5_POLITIKAL-NA-PAKIKILAHOK-1.pptx
 
AP YUNIT 4, ARALIN 7 inkay_peralta.pptx

  • 1.
  • 2. Ano-ano ang katangian ng isang maunlad na bansa? Paano maitataguyod ng mga mamamayan ang kaunlaran ng bansa? Ang kaunlaran ng bansa ay nakabatay sa kasaganaan ng mga mamamayang bumubuo nito. Itinuturing na maunlad ang isang bansa kung: pantay-pantay ang pagturing sa mamamayan at maayos ang pagpapatakbo ng lipunan; pantay ang turing sa lahat, walang aabuso sa karapatan at kapangyarihan; at Wala ring mapag-iiwanan ng mga yaman at benepisyo na kadalasang sanhi ng krimen na malaking hadlang sa pagbabago at pag-unlad
  • 3. Kaalinsabay nito, ang kaunlaran ng bansa ay maibabatay sa kakayahan nitong guminhawa ang pamumuhay mula sa kahirapan tungo sa kasarinlan ng bawat isa. Isa pang katangian ng maunlad na bansa ay ang pagkakaroon ng angkop at sapat na serbisyong panlipunan. Liban sa edukasyon, pabahay, kalusugan, seguridad, komunikasyon, at transportasyon, mahusay rin na makapagtalaga ang pamahalaan ng mga ahensiyang tutugon sa pangmabilisan at natatanging pangangailangan ng mga mamamayan sa isang takdang panahon. Maunlad ang bansa kung ang mga serbisyong ito ay naipatutupad at naipaaabot sa nakararaming bilang ng mamamayan. Sa isang banda, itinataguyod ng mamamayan ang maunlad na lipunan sa pamamagitan ng iba-ibang gawain.
  • 4. Katulad ng nabanggit na, binubuo ang lipunan ng mga indibiduwal. Makabubuting linangin ng bawat isa ang sariling galing at talento hindi lamang para sa sarili kundi para sa bayan.
  • 5. Maging malikhain at maabilidad upang matustusan ang sariling pangangailangan at makatulong sa iba. Hindi kailangang umamot palagi ng awa, mamalimos, o umasa sa iba upang makamit ang kasaganahan. Kung ang bawat isa ay marunong humanap ng sariling pagkakakitaan, magiging madali ang pag- unlad ng bayan.
  • 6. Ang pagtutulungan ay susi sa kaunlaran. Kung ang bawat Pilipino ay susuporta sa isa’t isa at hindi maglalamangan, magiging masagana ang ating bayan. Isa sa pinakakonkretong halimbawa nito ang pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Liban sa malaki ang maitutulong nito sa pagbawas sa kahirapan, nakapagbibigay- kita at trabaho pa ito para sa ating mga kababayan.
  • 7. Pinamamahalaan at pinamumunuan ng mga kabilang sa pamahalaan ang kabang bayan, polisiya, at iba pang mga batayang serbisyo para sa bayan. Marapat lamang na tiyaking tapat at mahusay ang ating mga pinuno nang sa gayon ay magiging maayos ang takbo ng ating lipunan.
  • 8. Binuo ang mga batas upang pangalagaan ang ating kapakanan, buhay, at ari-arian. Kung hindi igagalang ang batas, magugulo ang kaayusan sa ating bayan. Maging ang seguridad sa payapa at matiwasay na buhay ay maitataya. Marapat na sundin ito sa ikatatahimik, sagana, at maayos na paninirahan sa ating bayan.
  • 9. Inihahandog ng kalikasan ang lahat ng batayang pangangailangan upang mabuhay ang tao. Marapat lamang na pangalagaan ito sa pamamagitan ng pagtitipid, pagpigil sa polusyon, paghihiwalay ng basura, at pagre- recycle. Ang ating pamanang lahi ay ating pagkakakilanlan at tayo ay tagataguyod ng pambansang dangal at kasaysayan. Marapat na kilalanin at ingatan ito hanggang sa susunod na mga salinlahi.
  • 10. Pangalagaan ang mga gusali at impraestruktura tulad ng mga kalsada at tulay, paliparan, at ospital na galing sa pagsisikap sa trabaho at pagpupunyagi sa kabuhayan ng mga Pilipino. Bilang mga paraan sa pag-unlad ng ekonomiya at kabuhayan, pag-ingatan ang mga ito at iwasan ang maling paggamit at kapabayaan.
  • 11. 1. Ano ang mga katangian ng isang maunlad na bansa? 2. Ano-ano ang ginagampanan ng mamamayan bilang bahagi ng isang bansa? 3. Bakit mahalaga ang bahaging ginagampanan ng mama- mayan sa pag-unlad ng bansa? 4. Paano maitataguyod ng mamamayan ang kaunlaran ng bansa? 5. Magbigay pa ng mga paraan ng pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa. Sagutin ang mga tanong.
  • 12. 1. May mga nakatapos sa pag-aaral na umaalis ng bansa upang manilbihan sa ibang bansa. 2. Marami ang bilang ng hindi nakababasa at nakasusulat. 3. Ang mga 15 taong gulang na kabataan pababa ay pinagtatrabaho. 4. Masaya ang nakararaming mamamayan na nanunung- kulan sa pamahalaan. 5. Sapat at makatuwiran ang kinikita ng mga tao. Bilugan ang mga pangungusap na nagsasaad ng pagiging maunlad ng isang bansa. Isulat ang sagot sa notbuk.
  • 13. 6. Laganap ang rebelyon at krimen sa mga lalawigan. 7. Maraming dayuhan ang dumadalaw at namumuhunan sa ating bansa. 8. Naaabuso ang mga likas na yaman. 9. Hindi nakikinig sa Pangulo ng bansa at hindi sinusunod ang mga batas. 10. Walang krimen na naitala sa loob ng isang buwan.
  • 14. Umisip ng isang pahayag na nagpapakita ng pagtataguyod ng mamamayan sa kaunlaran ng bansa. Bumuo ng fish organizer kung saan nakasulat sa itaas na tinik kung paano ito maisasagawa. Sa ilalim naman, isulat kung ano ang mga dapat iwasan upang hindi maging hadlang sa kaunlaran ng bansa.
  • 15.  Ang maunlad na bansa ay nangangahulugan ng pagka- mit ng kasaganaan ng mga mamamayang bumubuo ng bansa.  Ang kaunlaran ay nakabatay rin sa panlipunang kagalingan tulad ng kalayaan ng mamamayang pumili at magpasiya para sa sarili, maabot ng mga batayang serbisyo, matamasa ang pagkakapantay-pantay, at maranasan ang katarungang panlipunan.  Ang mga ginagampanan ng mga mamamayan bilang bahagi ng lipunan ay mahalagang kontribusyon sa pag- unlad ng isang bansa.  Kinakailangang mapaunlad ng mamamayan ang kaniyang sarili upang maging kapaki-pakinabang na bahagi ng lipunan. Kailangang linangin ang sariling katalinuhan at kakayanan, maging produktibo, sumunod sa batas, bantayan ang katiwalian sa pamahalaan, pangalagaan ang kalikasan, at ingatan ang mga pampublikong gamit at lugar.
  • 16. 1. Bumuo ng mga pangkat na may limang kasapi. Ipatalakay kung paanong naitataguyod ng mga mamamayan ang kaunlaran ng isang bayan. Palikhain sila ng larawan hinggil dito at palagyan ng islogan. Ilagay sa likod ang paliwanag ng islogan ng parehong poster at islogan. 2. Magsagawa ng classroom walk kung saan nakatanghal ang mga poster. Mag-anyaya ng mga panauhing pipili ng tatlong pinakamahusay na poster at islogan.