5. Ang dula ay isang kathang ang layunin ay
ilarawan sa isang tanghalan, sa
pamamagitan ng kilos at galaw, ang
isang kawili ng mga pangyayaring
naghahayag ng isang kapana-panabik na
bahagi ng buhay ng tao.
6. Bagamat sinsabing ang dula ay “imitasyon” ng
“buhay” hindi pa rin maikakailang mahirap
talagang mailarawan ang imitasyong ito sa
isang dulang nasusulat o isang dulang
itinatanghal. May kasangkapang ginagamit ang
isang manunulat ng dula bilang pamalit sa
realidad at upang tanggap.
7. 1 Ang Kombensyon sa Panahon - naniniwala ang
manonood sa loob ng ilang oras ay nabubuhay siya sa
loob ng isang araw, lingo o buwan o taon, na
kasa-kasama ng mga tauhang kanyang pinanonood sa
tanghalan.
8. 2 Ang Kombensyon sa Ikaapat na Dingding - tinatanggap
ng manonood na tulad sa isang tanghalan, sa totoong
buhay ay may tatlong dingding lamang ang isang
bahay. Ang ikaapat na dingding ay bukas kung kaya’t
namamalas at naririnig niya ang lahat ng mga sinasabi
at ikinikilos ng mga nasa loob ng bahay na nasa
kanyang harapan.
9. 3 Ang Kombensyon ng Pananalita o Wika - tinatanggap
ng manonood na kung ano ang pananalitang binibigkas
ng mga tauhan sa dula ay gayon ding pananalita ang
kanilang binibigkas at ginagamit sa tunay na buhay.
10. 4 Ang Kombensyon ng Pagsasalita sa Sarili - ang
pagsasalita na parang sa sarili lamang ng tauhan, ay
tinatanggap ng manonood na kailangan o mahalaga
upang malaman niya ang iniisip ng isang gumaganap
sa tanghalan at upang maunawaan niya ang ilang
pangyayaring hindi maaaring ipakita o itanghal.
11. 4 Itinuturing ng manonood na normal lamang sa totoong
buhay ang kausapin ng isang tao ang kanyang sarili o
kaya nama’y nagsasalita siya sa harap ng ibang tao
nanag wala naming tuwirang kinakausap o
pinagtutungkulan sa kanyang sinasabi.
13. Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba't ibang
paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng
kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong
kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at
gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam
lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang
napupusuan.
14. Markismo/Maxismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o
sumasagisag sa tao ay may sarilingkakayahan na
umangat buhat sa pagdurusang dulot ng
pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan
at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa
kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa
mga mambabasa.
15. Sosyolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at
suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng
may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga
tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan
na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa pagtukoy
sa mga katulad na suliranin.
16. Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba't ibang
pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao -
ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito
ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi,
ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa
kaantasan nito.
17. Biograpikal
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o
kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa
mga akdang biograpikal ang mga bahagi sa buhay ng
may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga
"pinaka"na inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
18. Queer
Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa
paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang
mga babae ay may feminismo ang mga homosexual
naman ay queer.
19. Historikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng
isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan
ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong
ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at
ng mundo.
20. Dekonstraksyon
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba't ibang
aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan
kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang
iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na
sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang
nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
22. Dula bilang isang Sining
Isang larawan ng buhay na sinasangkap ng wika,
damdamin at sining. Ito’y sinusulat hindi upang sulatin
at basahin lamang. Hinahabi ito upang itanghal at
makaaliw.
- Consolacion Sauco
23. Dula bilang isang Sining
MGA PAMAMARAAN NG PAGSUSURI NG DULA (TANGLAW NG
WIKA AT PANITIKAN III)
1. Bilang materyal – sinusuri ang aspekto ng istorya, mahalaga ang
iskrip. Sinusulat ang iskrip ng dula upang malaman ang mga
sumusnod: banghay ng kwento, mga tauhan, kakaibang ideya o
kaisipang napapaloob ditto, at tagpuan o kapaligiran
2. Bilang teatro – mga bagay labas sa dula ang sinusuri nito tulad
ng mga sumusunod: direksyon, pagganap ng mga tauhan,
pag-iilaw sa tanghalan, paglalapat ng mga tunog at aspektong
teknikal
24. Aspekto ng Dula
1. Diyalogo at Kilos. Ang dramatikong diyalogo ay
masining, pili at pinatindi batay sa sitwayon. Hindi
dapat kaligtaan ang pagiging natural sa pagsasalita.
Ang pagsasalita ay may sariling katangian—tiig,
bigkas, diin, bilis, lawak.
25. Aspekto ng Dula
Ang galaw ng kalamnan ng mukha, ng mga bisig,
balikat, kamay at katawan hanggang paa mula
pagpasok hanggang paglabas ng tanghalan ay
mahalaga. May mga pagkakataong imiinumungkahi
ng manunulat ang mga galaw sa bawat
mahahalagang dayalog na higit na
makapagpapalutang ng mensaheng nais ihatid.
26. Aspekto ng Dula
2. Banghay. Ito ang basehan ng kayarian ng isang
dula. Pinapanood ang mga kilos o aksyon na
sadyang pinag-ugnay-ugnay upang mabuo ito.
Masining na pagkakasunud-sunod ng
magkakaugnay na pangyayari. Hinahati-hati ang
buong banghay sa mga yugto o bahagi at ang
bawat yugto ay sa mga tagpo o eksena.
27. Aspekto ng Dula
Gaano man kahaba o kaikli ang isang dula, dapat
itong magtaglay ng paglalahad, suliranin, gusot at
ang kawakasan. Ang suliranin o ang gusot ay ang
pagtaas na ng aksyon na kinakailangan malutas sa
pagtutunggalian ng mga tauhan. Ang huling bahagi
ng dula ay ang resolusyon at wakas na bunga ng
tunggalian ng mga tauhan o pwersa sa kapaligiran.
28. Banghay
Ang o mga
mahahalagang pangyayari ay
maaaring buuin ng mga
sumusunod na bahagi.
(Ihambing sa mga bahagi ng
Maikling Kwento)
29. Banghay
1. Eksposisyon – Sa bahaging ito ipinakikilala ang mga
karakter, nagsisimula ang paglalarawang tauhan o
karakterisasyon at nagpapasimuno ng aksyon. Kung
minsan, isang pormal na prologo ang makikita sa unahan ng
drama upang mailarawan ang tagpuan.
30. Banghay
2. Komplikasyon – Ipinakikilala at pinauunlad ng
komplikasyon ang tunggalian. Nagaganap ito kapag ang isa
o higit pang pangunahing tauhan ay nakaranas ng mga
gusot o problema o kapag ang kanilang relasyon ay
nagsisimulang magbagosaglit na paglayo o pagtakas ng
mga tauhan sa suliraning nararanasan.
31. Banghay
3. Krisis – Nagaganap ang krisis sa panahon ng pinakarurok
ng intensidad ng damdamin at kadalasan ay kakikitaan ang
desisyon ng maliwanag na tunggalian ng protagonista at ng
antagonista.
32. Banghay
4. Pababang Aksyon at Kakalasan – Nag-uugat ito sa
pagkawala ng kontrol ng protagonista at ang pinal na
catastrophe ay hindi na maiiwasan sa pagdating tulad ng
nagaganap sa isang trahedya. Samantala, sa isang komedya,
mga mga dumarating na di-inaasahang pangyayari (twists)
na nagbibigay-daan sa drama upang magwakas nang
masaya.
33. Banghay
5. Resolusyon – Sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at
natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula. Maaari
rin itong magpakilala ng panibagong mga suliranin at
tunggalian sa panig ng mga manonood.
34. •Aside (bulong) – mga salitang binibigkas ng tauhan
subalit hindi naririnig ng iba pang tauhang gumaganap sa
tanghalan.
•Monologo (monolog/ue) – isang mahabang at
tuluy-tuloy na pahayag na nagsasaad ng iniisip at
damdamin ng tauhan para sa ibang tauhan.
•Soliloquy (soliloke) – isang mahaba at tuluy-tuloy na
pahayag habang ang tauhan ay nag-iisa sa tanghalan.
Iba pang kumbensyon ng Dula
36. ✔ Antagonista – ang tauhang sumasalungat at
humahadlang sa protagonista upang matupad niya
ang kanyang tungkulin o layunin
✔ Bayani (hero/heroine) - ang protagonistang
nakakuha ng ating pagmammahal o paghanga.
✔ Bilog na tauhan – tauhang may iba’t ibang uri ng
personalidad at tila ba may buhay sa labas pa ng
salaysay.
✔ Casting – ang pagpili ng mga gaganap sa dula.
Mahahalagang Konsepto ng Dula
37. ✔ Catastrophe (sakuna) – ang pagtatapos ng isang trahedya. Galing
ito sa wikang Griyego na nangangahulugang “pababang kilos.”
✔ Deus ex machina – sa matatandang dula, ito ay ang pagbaba ng
isang diyos sa tanghalan upang iligtas ang protagonista sa
kapahamakan. Kaya nga ito rin ang tawag sa anumang pangyayari
na di-sinasadya o di-inaasahan na nagpapabago ng wakas ng isang
dula.
✔ Direksyon sa tanghalan (stage direction) – ang paglalarawan ng
pag-uugali at pagkilos ng tauhan na hindi taglay ng mga dayalogo.
Madalas ito nakasulat ng pahilig o nakapaloob sa panaklong.
Mahahalagang Konsepto ng Dula
38. ✔ Dramatic irony – ito ay kadalasang bunga ng pagkakaiba sa
pagitan ng sinasabi at ginagawa.
✔ High comedy – komedya nakatuon sa matalinong pag-iisip batay
na rin sa pagiging malikhain ng banghal at kahusayan sa
pananalita.
✔ In medias res – sa mga klasikong dula, ang pagsisimula sa
kalagitnaan ng salaysay.
✔ Karakter na istak (stock) – mga tauhang ang katangian ay
eksaherado at karaniwan na kumakatawan sa isang tipo o uri ng
kalikasan ng tao.
Mahahalagang Konsepto ng Dula
39. ✔ Katarsis (catharsis) – (mula sa Griyego – paglilinis) ang
kaginhawahang naramdaman matapos masaksihan ang isang
masaklap na pangyayari sa dulang trahedya.
Sinadya ni Aristotle na gamitin ang salitang ito upang tutulan ang
pananaw ni Plato, isa ring pilosopong Griyego, na ang dula ay
nagpapapakita ng kahiya-hiyang emosyon at masasamang
pag-uugali.
✔ Katulong na mga tauhan (minor/supporting) – tumutulong sila
sa pagsusulong ng aksyon subalit hindi sila ang sanhi o biktima
nito.
Mahahalagang Konsepto ng Dula
40. ✔ Koro (chorus) – sa dulang Griyego, ito ay isang pangkat ng mga
tauhan na kumakanta o sumasayaw nang sabay-sabay. Sila rin ay
nagbibigay ng komento sa aksyon ng mga pangunahing tauhan.
✔ Low comedy – komedya na nakatuon sa pinakamababang sense
of humor tulad ng pagtatawa sa mayroong pisikal na karamdaman
o indignidad.
✔ Madulang aksyon (dramatic action) – anumang pagkilos ng
tauhan sa tanghalan na makapupukaw at makakukuha ng
atensyon ng mga manonood.
Mahahalagang Konsepto ng Dula
41. ✔ Pangunahing tauhan (central character) – ang
protagonist sa dula. Kung walang tahasang
protagagonista at ito ay ikinalat sa iba’t ibang tauhan ito
ay tinatawag na dula ng kapaligiran (plays of
atmosphere)
✔ Proscenium – ang bahagi ng tanghalan na nasa
harapan ng tabing. Ito ang arkong naghihiwalay sa
gumaganap at sa manonood. Ito ang karaniwang ayos
ng mga awditoryum sa mga paaralan.
Mahahalagang Konsepto ng Dula
42. ✔ Romantikong komedya – naglalarawan ng karaniwang pantahan
o pampamilyang sitwasyon o pangkasalukuyang pag-uugali. Ito ay
nagsisimula sa isang magulong romantikong relasyon na
nagtatapos sa isang masayang pagwawakas.
✔ Satira (Satire) – pinagiging katawa-tawa ang anumang bisyo ng
tao o kanyang kahangalan.
✔ Skit – isang impormal na pagsasanay sa dula na hindi kasing lalim
o kasinlawak ng ordinaryong dula
Mahahalagang Konsepto ng Dula
43. ✔ Static characters – mga tauhang walang pagbabago sa buong
yugto ng naratibo.
✔ Tagpo/Eksena (Scene) – isang yunit ng aksyon na nagaganap sa
isang tiyak na oras at lugar.
✔ Tanghal – ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung
kailangang magbago ng ayos ang tanghalan.
✔ Yugto (Act)– isang yunit ng aksyon sa dula at maaaring may ilang
tagpo. Ipinanghahati ito sa dula sa pamamagitan ng pagbababa ng
tabing upang magkaroon ng panahong makapagpahinga ang mga
nagsisiganap gayundin ang mga manonood.
Mahahalagang Konsepto ng Dula
44. Gawaing Classroom
Panuto:
1. Pumili ng ka-partner sa klase.
2. Magkaroon ng bahaginan tungkol sa lalamanin ng inyong
maikling dula.
3. Matapos ang bahaginan, pumili ng isa o dalawang
teoryang lalamanin ng dula.
4. Gumawa ng nasa isang minutong usapan/ palitan ng
diyalogo na magpapakita ng suliranin at teoryang lalamanin.
45. Gawaing Classroom
Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman --------------------------5 puntos
Sining at Kaayusan ------------------3 puntos
Kaangkupan ng mga Salitang Ginamit ----2 puntos
Kabuuan ----------------------10 puntos