Summative Test (Aralin 1-7)
Name& Section:________________________________________________Date:________________Score:_______________
I.Piliin sa ibaba ang tamang sagot sa bawat bilang
BFAD EMB DTI POEA R.A 7394 City Treasurer R.A 7349
Production Possibilities Frontier Abraham Harold Maslow Mankiw
Kaganapang Pagkatao Seguridad at Kaligtasan SEC ERC Pagkonsumo
_____________________ 1. maling etikita ng gamut, pagkain, pabango, at make-up.
_____________________ 2. madayang(tampered) timbangan at mapanlinlang na pagsukat.
_____________________ 3. pangangalaga sa kapaligiran, hal.polusyon sa tubig at hangin.
_____________________ 4. Paglabag sa batas ng kalakalan, industriya, at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal.
_____________________ 5. illegal recruitment activities ng mga OFW.
_____________________ 6. Ang kurbang nagpapahiwatig ng iba’t ibang posibilidad sa paggawa ng produksyon na maaaring
pagpilian upang maiwasan ang suliranin sa kakapusan.
_____________________ 7. Isang sikologo na nagpapaliwanag tungkol sa Baitang ng Pangangailangan ng tao.
____________________ 8. Saklaw ng pangangailangang ito ang mithiin, ambisyon o pangarap ng isang tao na inaasahan niyang
matupad.
____________________ 9. Ang kalipunan ng mga patakaran na nagbibigay ng proteksyon at nangangalaga sa interes ng mga
mamimili. Ang batas na tinatawag na Consumer Act of the Philippines.
_____________________10. Tumutukoy sa pagbili at paggamit ng produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
II. Ibigay ang tamang sagot.
__________ 1. Tumutukoy sa mga bagay na dapat mayroon ang tao tulad ng pagkain, damit, at tirahan upang mabuhay ng
maayos.
__________ 2. Ang pangunahing pangangailangan na kinabibilangan ng mga pangkabuhayang pangangailangan tulad ng pagkain,
tirahan, at damit
__________ 3. Tumutukoy sa mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo.
__________ 4. Ang sistemang pang-ekonomiya ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala.
__________ 5.Tawag sa punto na nasa labas ng kurba sa isang grapikong PPF.
__________ 6. Ang mga bagay na nakatutulong sa tao upang mapagaan ang kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.
__________ 7. Ang pag-aaral na may kinalaman sa paggawa ng produksyon, tamang pamamahagi, at paggamit sa salat na
pinagkukunang-yaman.
__________ 8. Ito ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng
tao.
__________ 9.Tumutukoy sa pansamantalang pagkukulang sa suplay ng isang produkto.
__________ 10. Tawag sa pangkat ng mga taong may pagmamalasakit sa kapaligiran.
__________11.Binubuo ng (15) kasapi o higit pa na may layuning makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa
pinakamababang halaga.
__________12. Pag-aari at pinamahalaan ng iisang tao.
__________13. Binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na sumasang-ayon na paghahatian ang mga kita at pagkalugi ng
negosyo.
__________14. Katangian nito ang limitadong pananagutan ng mga may-ari at ang pagbibigay ng mga bahagi o shares sa anyo ng
mga stocks at ang pananatili nito ay isang mahalagang bagay.
III. Pagpipilian. Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
__ 1. Isaayos ang herarkiya ng pangangailangan mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas ayon sa antas nito.
1.Pangangailangan sa seguridad 2. Responsibilidad sa lipunan 3. Pisyolohikal 4. Pangangailangan sa-
kaganapang pagkatao 5. Pangangailangan sa Tagumpay
A. 3,1,2 4, 5 B. 3, 2,1, 5, 4 C. 3,1,2,5,4
__2. Sa ilalim ng command economy, ang mga pagpapasya kung anong produkto at serbisyo ang dapat na likhain ay
nakasalalay sa kamay ng: A. konsyumer B. prodyuser C.pamilihan D. pamahalaan
__3. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at
yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
A.dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
B. dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman.
C. dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan.
__4. Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin dito ang hindi nagpapakita ng
suliraning ito? A. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo B. Maaari itong magdulot ng
kaguluhan sa mga taong nakakaranas nito. C. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.
__5. Papaano mo ipaliliwanag ang kasabihang “There isn’t enough to go around na nagmula kay John Watson Howe?
A.May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig B. Limitado ang mga pinagkukunang-
yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao. C.Walang hanggan ang pangangailangan ng tao
IV. Enumerasyon. Ibigay ang mga tamang kasagutan.
1-2. Anu-ano ang (2) dalawang mahahalagang isaisip sa pagtugon sa suliraning Kakapusan?
2-4. Isa-isahin ang (2) dalawang uri ng Paggawa/Lakas-Paggawa.
5-6. Magbigay ng (2) dalawang salik na nakakaapekto sa Pagkonsumo.