SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 21
Downloaden Sie, um offline zu lesen
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Tula mula sa Uganda
(Panitikang African at Persian)
AIRs - LM
10
Filipino 10 (Panitikang African at Persian)
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Tula mula sa Uganda
Unang Edisyon, 2021
Karapatang sipi © 2021
La Union Schools Division
Region I
Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o
pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Jocelyn B. Cardinez
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II
Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas, Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph. D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II
Sapulin
Masayang araw mahal kong mag-aaral. Kumusta ka? Binabati kita dahil
naging matagumpay at buong husay mong naisagawa ang mga aralin sa nakaraang
modyul. Nakapaglakbay ang iyong diwa sa mga akdang pampanitikan mula sa Iran
(Persia). Ngayon nama’y maglalakbay tayong muli sa Africa. Nakahanda ka na bang
mag-aral at matuto sa masining na kultura ng Africa? Kung gayon ika’y maghanda
na at ipagpatuloy natin ang pagtuklas sa mga bagong kaalaman sa mga araling iyong
matututuhan sa learning material na ito.
Ang Modyul 3 ay naglalaman ng mga kaalaman tungkol sa Tula mula sa
Uganda. Ang Uganda ay isang bansa sa Gitnang-Silangang Africa. Ang pangalang
Uganda ay nagmula sa Kaharian ng Buganda, na sumasakop sa kabisera nitong
Kampala.
Bagama’t sa matagal na panahong naging kolonya ng bansang Britanya ang
bansang ito. Natamasa din ng Uganda ang kasarinlan. Sa kabila ng mga
pangyayaring ito, napanatili pa rin ng bansang Uganda ang kanilang katutubong
kultura at pagpapahalaga sa panitikan.
Patunay dito, ang paglikha ng mga kababaihang African ng tula na kanilang
inaawit. Hitik ito sa matatamis at magigiliw na pananalita at oyaying inuuit-ulit
upang ipahayag ang pagmamahal ng ina na nagsisilbi ring pang-aliw at pampaamo
sa anak. Ito’y isa sa mga nakaugalian ng tribong Lango o Didinga ng Uganda na
naniniwalang ang kanilang mga supling ay tila imortalidad ng kanilang magulang.
Sa araling ito iyong pag-aaralan ang isa sa ipinagmamalaking tula ng Uganda,
“Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” na salin mula sa Ingles ni Jack H. Driberg na
“A Song of a Mother to Her Firstborn”. Tampok pa sa modyul na ito ang paggamit ng
matatalinghagang pahayag at simbolismo sa pagsulat ng isang tula.
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod:
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)
1. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan o nabasa.
(F10PN-IIIc--78)
2. Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa.
(F10PT-IIIc-78)
3. Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang
pahayag sa tula. (F10PB-IIIc-82)
O ano kaibigan, handa ka na bang mag-aral? Kung gayon, maaari ka nang
magsimula sa mga gawain at aralin.
Aralin
3.1
Tula mula sa Uganda
Panitikan: Hele ng Ina sa
Kaniyang Panganay
Simulan
Bago natin simulan ang malalimang talakayan, alamin muna natin ang iyong
kaalaman tungkol sa matatalinghagang pahayag at simbolismo sa isang tula.
Gawain 1: Talinghaga at Simbolo Ko, Tarukin Mo!
Panuto: Paramihan ng maibigay na matatalinghagang pananalita at simbolismo sa
salitang nasa puso. Isulat ito sa sagutang papel at sumulat ng isang saknong na tula
na may apat na linya gamit ang simbolismo at matatalinghagang salitang ibinigay.
Natutuwa ako’t matagumpay mong nasagutan ang mga gawain! Magpatuloy
ka pa upang mas mapayabong pa ang iyong kaalaman sa paksa.
Ina
___________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Katuturan ng Tula
Alam mo bang ang…
Tula ay isang sangay ng panitikang naglalarawan ng buhay at kalikasan na
likha ng mayamang guniguni o imahinasyon ng makata?
➢ Ito ay binubuo ng mga taludtod, may tugma, sukat, kariktan at
matalinghagang mga pahayag.
➢ Ang mga salitang ginagamit sa tula ay may angking aliw-iw na lalong
nagpapatingkad at nagpapasidhi sa damdamin at kaisipang nakapaloob sa
tula.
➢ Ayon kay Coleridge, ang tula ay binubuo ng “pinakamabuting mga salita sa
kanilang pinakamabuting pagkakaayos o pagkakahanay”.
➢ Ayon naman kay Gray, ang “tula ay kaisipang humihinga at pangungusap na
nagniningning.
Kayarian ng Tula
1. Tradisyonal na Tula – May sukat, tugma at mga salitang may malalaim na
kahulugan.
2. Malayang Taludturan – Ang makabagong kayarian ng mga tulang walang
sukat at tugma.
3. Di-tugmaang taludturan (Blank Verse) – tulang may sukat bagaman walang
tugma.
Musikalidad ng Tula
1. Sukat – Ito’y bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong. Ang isang
taludtod ay karaniwang may walo, labindalawa, labing-anim at labingwalong
pantig. Tunghayan ang halimbawa sa ibaba
Halimbawa: Mula sa tulang Bayani ng Bukid ni Al Perez
A/ko’y/ mag/sa/sa/kang/ ba/ ya/ni /ng/bu/kid
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
San/ da/ta’y/ a/ ra/ro/ ma/ta/ pang/sa/i/nit,
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Hin/di/ na/ ta/ ta/kot./ ka/hit /na/sa /la/mig
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Sa/ bu/ ong /mag /ha/ pon/ gu/ma/ga/wang/ pi/lit
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
2. Tugma – Ito ay ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng
bawat taludtod. Ang panghuling pantig sa dulo ng taludtod ay maaaring
nagtatapos sa patinig o katinig at binibigkas nang mabilis, malumay o may
impit sa lalamunan. Ito ay may dalawang uri, ang tugmaang ganap at di-
ganap.
a. Ganap ang tugma kapag magkakapareho ang tunog o titik ng huling salita
sa bawat taludtod.
Halimbawa: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal
Tunay ngayong umid yaring dila’t puso
Sinta’y umilag, tuwa’y lumalayo
Bayan palibhasa’y lupig sumuko
Sa kapabayaan ng nagturong puno
b. Di-ganap ang tugma kapag magkapareho lamang ng tunog ang huling
salita sa bawat taludtod ngunit magkakaiba ang titik
Halimbawa: Mula sa tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong, katisa’t pagod
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot
Kaisipan o Bagong Pagtingin sa/ng Tula
1. Talinghaga – (Paggamit ng Tayutay o Idyoma) – Ito ay ang matayog na diwang
ipinahihiwatig ng makata. Dito kinakailangan ang paggamit ng tayutay o
matatalinghagang pahayag upang maging kaakit-akit at mabisa ang tula.
2. Simbolismo (symbol) – Ito ay ang mga salita sa tula na may kahulugan sa
mapanuring isipan ng mambabasa.
Halimbawa: ilaw – pag-asa
itim – kamatayan
3. Kariktan – Pagsasama-sama ng mga katangiang nagpapatingkad sa
katangian ng tula at pumupukaw sa mayamang imahinasyon ng bumabasa.
Ito ang malinaw at di-malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan ng
mambabasa.
Gawain 2: Suriin at Paghambingin
Panuto: Basahin ang bawat saknong sa mga tula sa ibaba. Suriin at paghambingin
ang dalawang tula sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
Ako ang Daigdig
ni Alejandro Abadilla
I
ako
ang daigdig
ako
ang tula
ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig
ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig
II
ako
ang daigdig ng tula
ako
ang tula ng daigdig
Kabayanihan
ni Lope K. Santos
Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod
Na walang paupa sa hirap at pagod
Minsang sa anyaya, minsan sa kusang-loob,
Pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos
Natatalas mo ang iyong pananim,
Iba ang aani’t iba ang kakain,
Datapwat sa iyo’y ligaya na’t aliw
Ang magpakasakit nang iba dahil.
Pawis, yaman, dunong, landas, dugo’t buhay
Pinupuhunan mo at iniaalay
Kapagka ibig mong sa kaalipinan
Ay makatubos ka ng aliping bayan.
Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha.
Sa turo mo’y naging mulat ang tulala
Tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t
Ang kamatayan mo ay buhay ng madla.
ako ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula
ako
ang tula
ng daigdig
ako
ang daigdig
ng tula
ako
III
ako
ang damdaming
malaya
ako
ang larawang
buhay
ako
ang buhay
na walang hanggan
ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay
damdamin
larawan
buhay
yula
ako
IV
ako
ang daigdig
sa tula
ako
ang daigdig
ako
ang tula
daigdig
tula
ako…
Tikis na nga lamang na ang mga tao’y
Mapagwalang-turing sa mga tulong mo;
Ang kadalasan pang iganti sa iyo
Ay ang limutin ka kung di paglililo.
Tanong:
1. Anong uri ang mga tulang binasa?
2. Ano ang sukat at tugma ng mga tula?
3. Ano ang talinghaga ng mga tulang binasa? Ipaliwanag.
4. Paano naging marikit ang mga tulang binasa?
5. Nasalamin ba sa dalawang tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito?
Patunayan.
Binabati kita sa mahusay mong pagsagot. Matagumpay mong naisagawa ang
gawain. Batid kong nais mo pang mapalawak ang iyong kaalaman. Tara na’t
ipagpatuloy mo ang pagtuklas.
Lakbayin
Ngayon ay iyong tuklasin ang kasiningan ng tula mula sa Uganda. Alam kong
sabik ka na, kaya halina’t basahin at unawain mo ang akda upang iyong matuklasan
ang katangian ng tulang malaya at makita ang kaibahan nito sa tulang tradisyonal.
Maging ang kultura ng bansang pinagmulan nito. Mapatutunayan mo ring ang mga
simbolismo at matatalinghagang pananalita ay nakatutulong sa pagiging masining ng
pagbuo ng taludturan ng isang tula. Maaari mo itong ipabasa sa iyong kamag-anak.
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
(Mula sa A Song of a Mother to Her Firstborn)
(Isinalin sa Ingles ni Jack H. Driberg)
(Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora)
Mangusap ka aking sanggol na sinisinta.
Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.
Mangusap ka, aking musmos na supling.
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin
na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin;
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
At mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.
Munting mandirigma, paano ka naming pangangalanan?
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay.
Hindi ka rin ipapangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan,
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y bibiyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi pa ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman nina Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi ng iyong lahi o naiibang nilalang?
Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?
Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Sa aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.
Samakatuwid, ako’y minahal.
Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.
Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.
Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ag kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay,
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay,
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,
Ako’y wala nang mahihiling.
Magaling! Batid kong napakinggan mong maigi ang pagbigkas ng Tula. Nawa’y
magamit mo ito sa pagsusuri o pagsagot sa mga kasunod na gawain.
Gawain 3: Pag-unawa sa Akda
Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong batay sa binasang tula. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang ginamit sa
paglalarawan ng katangiang taglay niya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa tula?
Ibigay ang iyong pananaw ukol dito.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Ipaliwanag ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdaming iyong
natutuhan sa binasang tula.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain 4: Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming
ipinahahayag ng bawat isa, ang 5 ang pinakamataas na antas. Gamitin ang tsart at
gawin ito sa sagutang papel.
A.
Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin
kagalakan
katuwaan
kasiyahan
Kaligayahan
kaluwalhatian
5.
4.
3.
2.
1.
Paliwanag sa Pag-aantas
B.
Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin
lungkot
lumbay
pighati
dalamhati
pagdurusa
5.
4.
3.
2.
1.
Paliwanag sa Pag-aantas
Humahanga ako sa’yo dahil nagawa mong iantas ang kahulugan ng mga salita
ayon sa kasidhian nito. Ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral.
Galugarin
Gawain 5: Ipaliwanag Mo!
Panuto: Bumuo ng pasaklaw na pagpapaliwanag sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang
Panganay” sa tulong ng grapikong presentasyon. Punan ang bawat bahagi ng
nararapat na kasagutan.
MUSIKALIDAD AT KAISIPAN SA TULA PAGSUSURI
1. Sukat
2. Tugma
3. Talinghaga
4. Simbolismo
5. Kariktan
Paglalahat Batay sa Pagsusuri
Ito ba ay tradisyonal o malaya? Patunayan.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Nasalamin ba sa tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Sa paanong
paraan? Patunayan.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Magaling! Nagtagumpay kang muli sa pag-aaral sa nakaraang paksa at
pagsagot sa mga gawain nang buong husay. Ngayon, mas linangin mo pa ang iyong
kasanayang pampagkatuto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inaasahang awtput
sa araling ito.
HELE NG INA SA KANIYANG PANGANAY
Palalimin
Sa bahaging ito, masusubok ang iyong kaalaman sa pagkakaiba ng tulang
tradisyonal at tulang malaya maging ang karunungan mo sa simbolismo at
matatalinghagang pananalita.
Gawain 6: Paghambing Mo!
Panuto: Pag-aralan mo ang isa pang tula na isinulat ni Rafael Palma. “Ang Matanda
at Ang Batang Paruparo”. Basahin mo itong mabuti saka ihambing ito sa tulang
“Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay”.
Ang Matanda at Ang Batang Paruparo
ni Rafael Palma
Isang paruparo, na may katandaan,
Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay
Palibhasa’y ‘di nasisilaw sa ilaw
Binigyan ang anak ng ganitong aral:
Ang ilaw na iyang maganda sa mata
Na may liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyo’y palamara
Pinapatay bawat malapit sa kan’ya,
“Ako na rin itong sa pagiging sabik!
Pinangahasan ko’y sa kan’ya’y lumapit,
ang aking napala’y palad ko pang tikis
nasunog ang aking pakpak na lumiit.”
“At kung ako’y itong nahambing sa iba
na di nagkaisip na layuan siya,
Disin ako ngayo’y katulad na nila,
Nawalan ng buhay at isang patay na.”
Ang pinangaralang anak ay natakot
At pinangako ang kaniyang pagsunod;
ngunit sandali lang, sa salitang loob
Ibinulong-bulong ang ganitong kutob;
“Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin
ng ina ko upang lumayo sa ningning?
Diwa’y ibig niyang ikait sa akin
Ang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.”
“Anong pagkaganda ng kaliwanagan!
isang bagay na hindi dapat layuan
itong matanda ay totoo nga namang
sukdulan ng lahat nitong karuwagan!
“Akala’y isa nang elepanteng ganid
ang alinmang langaw na lubhang maliit,
at kung ang paningin nila ang manaig
magiging higante ang unanong paslit.”
“Kung ako’y lumapit na nananagano
ay ano ang sama ng mapapala ko?
Kahit na nga niya murahin pa ako
ay sa hindi naman hangal na totoo.”
“Iyang mga iba’y bibigyan ng mat’wid
sa kanilang gawa ang aking paglapit,
sa pananakali’y di magsisigasig
sa nagniningningang ilaw na marikit.”
Nang unang sandali’y walang naramdaman
Kundi munting init na wari’y pambuhay,
ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.
Natutuwa pa nga’t habang naglalaro
ay lapit nang lapit na ‘di nahihinto
Sa isang pag-iwas ay biglang nasulo
Tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo.
Nang unang sandali’y walang naramdaman
Kundi munting init na wari’y pambuhay,
Ito’y siya pa ngang nagpabuyong tunay
Upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.
At siya’y hindi na muling makalipad
hanggang sa mamatay ang kahabag-habag,
ang ganyang parusa’y siyang nararapat
sa hindi marunong sumunod sa anak.
Mula sa Diwang Kayumanggi, 1970
Tanong:
1. Ano ang persona ng tulang binasa?
2. Ano ang nais ipahiwatig ng tula?
3. Gaano kabisa ang tula sa iyo bilang isang mag-aaral? Ano mensaheng
naikintal sa iyong isipan?
4. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tulang ito sa tulang “Hele ng Ina sa
Kaniyang Panganay” gamit ang Venn Diagram. Maaaring tukuyin ang
Ang Matanda at Ang
Batang Paruparo
Hele ng Ina sa
Kaniyang Panganay
Pagkakatulad
Pagkakaiba Pagkakaiba
Aralin
3.2
Wika at Gramatika: Wastong
Gamit ng Simbolismo at
Matatalinghagang Pananalita
Simulan
Mahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga gawain sa
nakaraan bahagi ng learning material na ito. Ngayon, ikaw ay magpapatuloy sa iyong
aralin. Handa ka na ba? Sige magsimula ka na sa paunang gawain.
Gawain 1: Ano Kaya ang Kahulugan?
A. Panuto: Piliin sa kabilang hanay B ang kahulugan ng mga simbolismo sa hanay
A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
HANAY A
1. puso
2. luha
3. gabi
4. tinik
5. yaman
6. kalasag
7. kalapati
8. bahaghari
9. tanikalang-bakal
10.dapithapon
HANAY B
A. sandata
B. kasaganaan
C. kapayapaan
D. pag-ibig
E. pagsubok
F. katapusan
G. paghihirap
H. bagong pag-asa
I. kawalan ng pag-asa
J. kawalan ng kalayaan
B. Panuto: Piliin ang angkop na kahulugan ng matatalinghagang pananalita sa loob
ng panaklong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. kabungguang balikat – (kaaway, kaibigan, kapatid, kapamilya)
2. di-maliparang uwak – (mahaba, makipot, malawak, matangkad)
3. di-mahulugang karayom – (masikip, matao, malawak, malayo)
4. bahag ang buntot – (duwag, masipag, matapang, tamad)
5. may kutsarang ginto sa bibig – (isinumpa, madaldal, mayaman, pipi)
Mahusay! Humahanga ako sa matagumpay mong pagsagot sa gawain.
Ipagpatuloy mo lang ang iyong pag-aaral upang mas malinang mo pa ang iyong
kakayahan.
Lakbayin
Alam mo bang…
Nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang
paggamit ng mga salita? Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na
nakatutulong upang maging mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay,
nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga simbolismo at
matatalinghagang pananalita.
Matatalingahagang Pahayag o Pananalita
➢ Ito ay mga ekspresyong may malalalim na salita o may hindi tiyak na
kahulugan. Sinasalamin nito ang kagandahan at pagkamalikhan ng anomang
wika.
Halimbawa:
butas ang bulsa – walang pera
kalog na ang baba – gutom
ilaw ng tahanan – ina
alimuom – tsismis
Bakit kaya rito sa mundong ibabaw
Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.
(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit)
Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita
sapagkat ang una’y nangangahulugang pagiging mukhang pera ng tao
samantalang ang ikalawa’y tumutukoy sa mahirap.
Simbolismo
➢ Ito ay naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa pamamagitan nng sagisag at
at mga bagay na mhiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay,
pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.
Halimbawa:
silid- aklatan – karunungan o kaalaman
pusang itim – malas
gabi – kawalan ng pag-asa
pusang-itim – malas
tanikalang-bakal – kawalan ng kalayaan
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko,
Nguni’y muling tumayo:
Nagkabunga ng ginto!
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)
Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa
pagsubok na kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang
pagtatagumpay.
Gawain 2: Tukuyin Mo!
A. Panuto: Suriin ang magkaparehang salita sa ibaba. Isulat ang S kung ang mga
salita simbolo at MP kung ito’y matalinghagang salita o pahayag.
_____ 1. bulaklak – pag-ibig
_____ 2. puti – kalinisan
_____ 3. hawak sa ilong – sunod-sunuran
_____ 4. di-makabasag pinggan – mahinhin
_____ 5. buwaya – katiwalian
_____ 6. ibaon sa hukay – kalimutan
_____ 7. Maria Clara – dalagang Pilipina
_____ 8. korona – kapangyarihan
_____ 9. bukas ang palad – matulungin
_____ 10. buto’t balat – sobrang payat
B. Panuto: Punan ng angkop na matatalinghagang pahayag ang bawat patlang
upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang tamang
sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
balat-sibuyas naglulubid ng buhangin mag-asal-hayop
balat-kalabaw malikot ang kamay
1. May ___________________ ang babaeng iyan kaya ayaw ng mga tao sa kaniya.
2. ___________________ ang aking pinsan kaya madalas siyang ‘di
pinaniniwalaan.
3. ___________________ ang babaeng ito, kahit sinisingil na ayaw pa ring
magbayad.
4. Galit na galit ako sa kapitbahay naming magaling ___________________ kaya
sa tuwing nakikita ko siya at tumataas ang aking dugo.
5. ___________________ ang katulong ni Marge kaya niya pinakulong.
Galugarin
Gawain 3: Bigyang-kahulugan Mo!
A. Panuto: Bigyang-kahulugan mo ang sumusunod na matatalinghagang salita sa
tulong ng internet. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. nagdilang anghel __________________________________________________________
2. hulog ng langit ____________________________________________________________
3. hangin sa ulo _____________________________________________________________
4. lumagay sa tahimik _______________________________________________________
5. panakip-butas ____________________________________________________________
B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang sinisimbulo ng sumusunod na salita.
Maaari mong gamitin ang internet sa pagbibigay kahulugan.
1. Sisa ______________________________________________________________________
2. ahas ______________________________________________________________________
3. salakot ___________________________________________________________________
4. bagyo _____________________________________________________________________
5. puti _______________________________________________________________________
Palalimin
Sa bahaging ito, ipapakita mo ang iyong angking talino sa pagkatha ng isang
tula at talento sa pag-awit. Nababatid kong kayang-kaya mo iyong gawin.
Gawain 4: Katha Ko, Alay Ko!
Panuto: Sumulat ng tulang pumapaksa sa kadakilaan ng iyong ina. Isaalang-alang
ang paggamit ng matatalinghagang pananalita at simbolismo sa pagsulat gamit ang
rubrik sa pagtataya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
*Ang tulang iyong nilikha ay maaari mong saliwan ng himig saka awitin sa iyong ina.
Rubrik sa Pagtataya ng Awtput
Krayterya Napakahusay
(10)
Papaunlad
(5)
Nangangailangan ng gabay
(2)
Nilalaman Natumbok nang buong husay ang
paksa maging ang
pangkalahatang tema ng tula.
Nakasulat ng ilang pahayag na
tumumbok sa paksa maging ang
pangkalahatang tema ng tula.
Hindi natumbok ang paksa
maging ang pangkalahatang
tema ng tula.
Talinghaga Nakagamit nang buong husay ng
mga salitang nagtataglay ng
talinghaga at simbolismo.
Nakagamit ng ilang mga salitang
nagtataglay ng talinghaga at
simbolismo.
Hindi nakagamit ng mga
salitang nagtataglay ng
talinghaga at simbolismo.
Gramatika Mahusay na nailapat ang wastong
gramatika sa kabuoan ng tula.
Nailapat ang wastong gramatika
sa kabuoan ng Haiku nang may
kakaunting kamalian.
Hindi nailapat ang wastong
gramatika sa tula.
Sukatin
Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang
natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa modyul na ito. Ngayon, tatayahin mo ang iyong
kaalaman sa nakalipas na mga aralin.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tinutukoy na pahayag o
tanong. Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Isang sangay ng panitikan na naglalarawan ng buhay at kalikasan na
likha ng mayamang guniguni o imahinasyon ng makata.
A. Epiko C. Talinghaga
B. Simbolismo D. Tula
_____ 2. Ito ay ang mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan
ng mambabasa.
A. Kariktan C. Simbolismo
B. Larawang-diwa D. Talinghaga
Magaling mahal kong mag-aaral! Binabati kita sa
matiyaga mong pagsama sa paglalakbay at
pagtalakay natin sa Tula mula sa Uganda.
Nakapapagod maglakbay ngunit sulit naman dahil
matagumpay mong natutuhan ang mga dapat
mong malaman. Ihanda mo ngayon ang iyong sarili
sa kasunod na modyul – Modyul 4: Maikling
Kuwento mula sa Uganda
_____ 3. Dahil sa pamdemya, marami sa mga Pilipino ang nagbibilang ng poste.
Ang nakaitalisado ay isang ___________.
A. kariktan C. matalinghagang salita
B. larawang-diwa D. simbolismo
_____ 4. “Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.”
Ang bahaging ito ng tulang “Hele ng Ina sa Kanyang Panganay” ay may
tugmang ganap ngunit malaya ang pantigan / taludturan, anong
musikalidad at kaisipan ng tula ang makikita sa bahaging ito?
A. sukat C. kariktan
B. tugma D. talinghaga
_____ 5. “Paano ka pangangalanan, aking inakay?” Ano ang pagpapakahulugan
ng salitang nakasalungguhit?
A. alipin B. alaga C. supling D. sisiw
B. Panuto: Tukuyin ang sumusunod na mga salita o parirala kung matalinghagang
salita ba ito o simbolismo saka piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga
matatalinghagang salita at simbolismo sa bawat bilang. Gayahin ang pormat sa
sagutang papel.
Matalinghagang salita o
simbolismo?
Kahulugan
1. yari’y munsik
2. gererong marangal
3. malulunod sa luha ng
paggunita
4. waring dumi ng baka
5. suwi sa kalupaan
kalungkutan
kamalasan, karukhaan,
pagiging mababa sa
lipunan
bagong pag-asa
katapangan at
kadakilaan musmos o bata
ARALIN
3.1
(Panitikan:
Hele
ng
Ina
sa
Kaniyang
Panganay)
SIMULAN
Gawain
1:
Talinghaga
at
Simbolo
Ko,
Tarukin
Mo!
Gawain
2:
Suriin
at
Paghambingin
LAKBAYIN
Gawain
3:
Pag-unawa
sa
Akda
Gawain
4:
Paglinang
ng
Talasalitaan
A.
1.
katuwaan
2.
kagalakan
3.
kasiyahan
4.
kaligayahan
5.
kaluwalhatian
B.
1.
lungkot
2.
lumbay
3.
pighati
4.
dalamhati
5.
pagdurusa
GALUGARIN
Gawain
5:
Ipaliwanag
Mo!
PALALIMIN
Gawain
6:
Paghambingin
Mo!
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Susi sa Pagwawasto
ARALIN
3.2
(Wika
at
Gramatika:
Wastong
Gamit
ng
Simbolismo
at
Matatalinghagang
Pananalita)
SIMULAN
Gawain
1:
Ano
Kaya
ang
Kahulugan?
A.
1.
D
2.
G
3.
I
4.
E
5.
B
6.
A
7.
C
8.
H
9.
J
10.F
B.
1.
kaibigan
2.
malawak
3.
matao
4.
duwag
5.
mayaman
LAKBAYIN
Gawain
2:
Tukuyin
Mo!
A.
1.
S
2.
S
3.
MP
4.
MP
5.
S
6.
MP
7.
S
8.
S
9.
MP
10.MP
B.
1.
balat-sibuyas
2.
naglulubid
ng
buhangin
3.
balat-kalabaw
4.
mag-asal-hayop
5.
malikot
ang
kamay
GALUGARIN
Gawain
3:
Bigyang-kahulugan
Mo!
A.
1.
nagkatotoo
2.
biyaya
3.
kayabangan
4.
ikinasal
5.
pamalit
o
kahalili
B.
1.
wala
sa
tamang
katinuan
2.
taksil
3.
Pilipino,
kahirapan
4.
pagsubok
5.
kalinisan,
dalisay
PALALIMIN
Gawain
4:
Katha
Ko,
Alay
Ko!
SUKATIN
PANGWAKAS
NA
PAGTATAYA
A.
B.
Matalinghagang
salita
o
simbolismo?
Kahulugan
1.
D
2.
C
1.
Yari’y
munsik
Matalinghagang
Pahayag
musmos
o
bata
3.
C
4.
B
2.
Gererong
marangal
Simbolismo
katapangan
at
kadakilaan
5.
C
3.
Malulunod
sa
luha
ng
paggunita
Matalinghagang
Pahayag
kalungkutan
4.
Waring
dumi
ng
baka
Matalinghagang
Pahayag
Kamalasan,
karukhaan,
pagiging
mababa
sa
lipunan
4.
Suwi
sa
kalupaan
Simbolismo
bagong
pag-asa
Sanggunian
Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most
Essential Learning Competencies. pp. 252
Ambat, V. C. et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal
Group, Inc. pp. 274-288
Aguilar, E.C. at Cruz, E.E (2001). Filipino sa Bagong Henerasyon IV , Makati City:
The Bookmark,Inc. pp.245
Dayag, A.M. et.al (2013). Pinagyamang Pluma 8, Quezon City : Phoenix Publishing
House Inc.pp. 163-167
Locano, D.G., Ipong M.L. at Royo, J.L (2015). Parola 10. Valenzuela City: JO-ES
Publishing House, Inc. p. 228. Enero 2021

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaJenita Guinoo
 
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananawMga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananawMartinGeraldine
 
Hele ng ina sa kanyang panganay
Hele ng ina sa kanyang panganayHele ng ina sa kanyang panganay
Hele ng ina sa kanyang panganaySean Davis
 
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, NaglalahadARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahadsarahruiz28
 
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipinoanalyncutie
 
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikulaPagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikulaReina Antonette
 
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagJuan Miguel Palero
 
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralinJenita Guinoo
 
Mitolohiya ng-kenya (1)
Mitolohiya ng-kenya (1)Mitolohiya ng-kenya (1)
Mitolohiya ng-kenya (1)faithdenys
 
Simbolismo.pptx
Simbolismo.pptxSimbolismo.pptx
Simbolismo.pptxRioGDavid
 
ang matanda at ang dagat.pptx
ang matanda at ang dagat.pptxang matanda at ang dagat.pptx
ang matanda at ang dagat.pptxPrincejoyManzano1
 

Was ist angesagt? (20)

Mitolohiya ng Kenya
Mitolohiya ng KenyaMitolohiya ng Kenya
Mitolohiya ng Kenya
 
Filipino 10 - Analohiya
Filipino 10 - AnalohiyaFilipino 10 - Analohiya
Filipino 10 - Analohiya
 
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
 
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananawMga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
 
Hele ng ina sa kanyang panganay
Hele ng ina sa kanyang panganayHele ng ina sa kanyang panganay
Hele ng ina sa kanyang panganay
 
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, NaglalahadARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
 
MITOLOHIYANG LIONGO .pptx
MITOLOHIYANG  LIONGO .pptxMITOLOHIYANG  LIONGO .pptx
MITOLOHIYANG LIONGO .pptx
 
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
 
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikulaPagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
 
Sundiata
Sundiata Sundiata
Sundiata
 
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
 
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
 
Mitolohiya ng-kenya (1)
Mitolohiya ng-kenya (1)Mitolohiya ng-kenya (1)
Mitolohiya ng-kenya (1)
 
Parabula
ParabulaParabula
Parabula
 
Nobela
Nobela Nobela
Nobela
 
TUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptxTUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptx
 
Simbolismo.pptx
Simbolismo.pptxSimbolismo.pptx
Simbolismo.pptx
 
ang matanda at ang dagat.pptx
ang matanda at ang dagat.pptxang matanda at ang dagat.pptx
ang matanda at ang dagat.pptx
 

Ähnlich wie FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf

Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3SolomonGusto1
 
ARALIN 3.3 TULA musa sa bansang ..Uganda
ARALIN 3.3 TULA musa sa bansang ..UgandaARALIN 3.3 TULA musa sa bansang ..Uganda
ARALIN 3.3 TULA musa sa bansang ..UgandaCHRISTINEMAEBUARON
 
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay Filipino 9
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay Filipino 9Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay Filipino 9
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay Filipino 9pacnisjezreel
 
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppttula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay pptpacnisjezreel
 
Tula mula sa Uganda. PowerPoint Presentation
Tula mula sa Uganda. PowerPoint PresentationTula mula sa Uganda. PowerPoint Presentation
Tula mula sa Uganda. PowerPoint PresentationBongcalesChristopher
 
DLL_FIL4_Q1_W6-Tamang-Bilis-Diin-Ekspresyon-at-Intonasyon-sa-Pagbasa.docx
DLL_FIL4_Q1_W6-Tamang-Bilis-Diin-Ekspresyon-at-Intonasyon-sa-Pagbasa.docxDLL_FIL4_Q1_W6-Tamang-Bilis-Diin-Ekspresyon-at-Intonasyon-sa-Pagbasa.docx
DLL_FIL4_Q1_W6-Tamang-Bilis-Diin-Ekspresyon-at-Intonasyon-sa-Pagbasa.docxLoraineIsales
 
IKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptx
IKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptxIKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptx
IKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptxEDNACONEJOS
 
Ang Tula at ang mga Elemento Nito .ppt
Ang Tula at ang mga Elemento Nito   .pptAng Tula at ang mga Elemento Nito   .ppt
Ang Tula at ang mga Elemento Nito .pptramelragarcia
 
Week 4 unang markahan – modyul 4 pagsulat ng isang maikling tula, talatang na...
Week 4 unang markahan – modyul 4 pagsulat ng isang maikling tula, talatang na...Week 4 unang markahan – modyul 4 pagsulat ng isang maikling tula, talatang na...
Week 4 unang markahan – modyul 4 pagsulat ng isang maikling tula, talatang na...chatleen ramirez
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxMarydelTrilles
 
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino 8
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino       8hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino       8
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino 8andresnicole398
 
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Aubrey Arebuabo
 
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptxQ2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptxLeomarBornales1
 
Video Lesson FILIPINO 7.pptx
 Video Lesson FILIPINO 7.pptx Video Lesson FILIPINO 7.pptx
Video Lesson FILIPINO 7.pptxNormaFederio1
 
Tula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang MarkahanTula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang MarkahanKennethSalvador4
 
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01Gladz Ko
 

Ähnlich wie FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf (20)

Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3
 
ARALIN 3.3 TULA musa sa bansang ..Uganda
ARALIN 3.3 TULA musa sa bansang ..UgandaARALIN 3.3 TULA musa sa bansang ..Uganda
ARALIN 3.3 TULA musa sa bansang ..Uganda
 
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay Filipino 9
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay Filipino 9Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay Filipino 9
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay Filipino 9
 
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppttula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
 
Tula mula sa Uganda. PowerPoint Presentation
Tula mula sa Uganda. PowerPoint PresentationTula mula sa Uganda. PowerPoint Presentation
Tula mula sa Uganda. PowerPoint Presentation
 
DLL_FIL4_Q1_W6-Tamang-Bilis-Diin-Ekspresyon-at-Intonasyon-sa-Pagbasa.docx
DLL_FIL4_Q1_W6-Tamang-Bilis-Diin-Ekspresyon-at-Intonasyon-sa-Pagbasa.docxDLL_FIL4_Q1_W6-Tamang-Bilis-Diin-Ekspresyon-at-Intonasyon-sa-Pagbasa.docx
DLL_FIL4_Q1_W6-Tamang-Bilis-Diin-Ekspresyon-at-Intonasyon-sa-Pagbasa.docx
 
IKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptx
IKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptxIKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptx
IKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptx
 
Ang Tula at ang mga Elemento Nito .ppt
Ang Tula at ang mga Elemento Nito   .pptAng Tula at ang mga Elemento Nito   .ppt
Ang Tula at ang mga Elemento Nito .ppt
 
Week 4 unang markahan – modyul 4 pagsulat ng isang maikling tula, talatang na...
Week 4 unang markahan – modyul 4 pagsulat ng isang maikling tula, talatang na...Week 4 unang markahan – modyul 4 pagsulat ng isang maikling tula, talatang na...
Week 4 unang markahan – modyul 4 pagsulat ng isang maikling tula, talatang na...
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
 
Panitikang pilipino
Panitikang pilipino Panitikang pilipino
Panitikang pilipino
 
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino 8
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino       8hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino       8
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino 8
 
January-22-2021.pptx
January-22-2021.pptxJanuary-22-2021.pptx
January-22-2021.pptx
 
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
 
Tula
TulaTula
Tula
 
ang kuba ng notre damme
ang kuba ng notre dammeang kuba ng notre damme
ang kuba ng notre damme
 
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptxQ2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
 
Video Lesson FILIPINO 7.pptx
 Video Lesson FILIPINO 7.pptx Video Lesson FILIPINO 7.pptx
Video Lesson FILIPINO 7.pptx
 
Tula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang MarkahanTula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang Markahan
 
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
 

Mehr von LUELJAYVALMORES4

Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 

Mehr von LUELJAYVALMORES4 (6)

Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL5.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL5.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL5.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL5.pdf
 
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
 
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
 

Kürzlich hochgeladen

IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxmaryjoyrobis2
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxglainAE
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxShierAngelUrriza2
 
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptxJoelleG1
 
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-AralinDULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralinbryandomingo8
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxmaryjoydoles2415
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxSundieGraceBataan
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoRheaRoseCapuz
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 

Kürzlich hochgeladen (20)

IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
 
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
 
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-AralinDULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 

FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf

  • 1. Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 3: Tula mula sa Uganda (Panitikang African at Persian) AIRs - LM 10
  • 2. Filipino 10 (Panitikang African at Persian) Ikatlong Markahan – Modyul 3: Tula mula sa Uganda Unang Edisyon, 2021 Karapatang sipi © 2021 La Union Schools Division Region I Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan. Bumuo sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Jocelyn B. Cardinez Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II Tagapamahala: Atty. Donato D. Balderas, Jr. Schools Division Superintendent Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D Assistant Schools Division Superintendent German E. Flora, Ph. D, CID Chief Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino Michael Jason D. Morales, PDO II Claire P. Toluyen, Librarian II
  • 3. Sapulin Masayang araw mahal kong mag-aaral. Kumusta ka? Binabati kita dahil naging matagumpay at buong husay mong naisagawa ang mga aralin sa nakaraang modyul. Nakapaglakbay ang iyong diwa sa mga akdang pampanitikan mula sa Iran (Persia). Ngayon nama’y maglalakbay tayong muli sa Africa. Nakahanda ka na bang mag-aral at matuto sa masining na kultura ng Africa? Kung gayon ika’y maghanda na at ipagpatuloy natin ang pagtuklas sa mga bagong kaalaman sa mga araling iyong matututuhan sa learning material na ito. Ang Modyul 3 ay naglalaman ng mga kaalaman tungkol sa Tula mula sa Uganda. Ang Uganda ay isang bansa sa Gitnang-Silangang Africa. Ang pangalang Uganda ay nagmula sa Kaharian ng Buganda, na sumasakop sa kabisera nitong Kampala. Bagama’t sa matagal na panahong naging kolonya ng bansang Britanya ang bansang ito. Natamasa din ng Uganda ang kasarinlan. Sa kabila ng mga pangyayaring ito, napanatili pa rin ng bansang Uganda ang kanilang katutubong kultura at pagpapahalaga sa panitikan. Patunay dito, ang paglikha ng mga kababaihang African ng tula na kanilang inaawit. Hitik ito sa matatamis at magigiliw na pananalita at oyaying inuuit-ulit upang ipahayag ang pagmamahal ng ina na nagsisilbi ring pang-aliw at pampaamo sa anak. Ito’y isa sa mga nakaugalian ng tribong Lango o Didinga ng Uganda na naniniwalang ang kanilang mga supling ay tila imortalidad ng kanilang magulang. Sa araling ito iyong pag-aaralan ang isa sa ipinagmamalaking tula ng Uganda, “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” na salin mula sa Ingles ni Jack H. Driberg na “A Song of a Mother to Her Firstborn”. Tampok pa sa modyul na ito ang paggamit ng matatalinghagang pahayag at simbolismo sa pagsulat ng isang tula. Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod: Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC) 1. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan o nabasa. (F10PN-IIIc--78) 2. Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa. (F10PT-IIIc-78) 3. Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag sa tula. (F10PB-IIIc-82) O ano kaibigan, handa ka na bang mag-aral? Kung gayon, maaari ka nang magsimula sa mga gawain at aralin.
  • 4. Aralin 3.1 Tula mula sa Uganda Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay Simulan Bago natin simulan ang malalimang talakayan, alamin muna natin ang iyong kaalaman tungkol sa matatalinghagang pahayag at simbolismo sa isang tula. Gawain 1: Talinghaga at Simbolo Ko, Tarukin Mo! Panuto: Paramihan ng maibigay na matatalinghagang pananalita at simbolismo sa salitang nasa puso. Isulat ito sa sagutang papel at sumulat ng isang saknong na tula na may apat na linya gamit ang simbolismo at matatalinghagang salitang ibinigay. Natutuwa ako’t matagumpay mong nasagutan ang mga gawain! Magpatuloy ka pa upang mas mapayabong pa ang iyong kaalaman sa paksa. Ina ___________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________
  • 5. Katuturan ng Tula Alam mo bang ang… Tula ay isang sangay ng panitikang naglalarawan ng buhay at kalikasan na likha ng mayamang guniguni o imahinasyon ng makata? ➢ Ito ay binubuo ng mga taludtod, may tugma, sukat, kariktan at matalinghagang mga pahayag. ➢ Ang mga salitang ginagamit sa tula ay may angking aliw-iw na lalong nagpapatingkad at nagpapasidhi sa damdamin at kaisipang nakapaloob sa tula. ➢ Ayon kay Coleridge, ang tula ay binubuo ng “pinakamabuting mga salita sa kanilang pinakamabuting pagkakaayos o pagkakahanay”. ➢ Ayon naman kay Gray, ang “tula ay kaisipang humihinga at pangungusap na nagniningning. Kayarian ng Tula 1. Tradisyonal na Tula – May sukat, tugma at mga salitang may malalaim na kahulugan. 2. Malayang Taludturan – Ang makabagong kayarian ng mga tulang walang sukat at tugma. 3. Di-tugmaang taludturan (Blank Verse) – tulang may sukat bagaman walang tugma. Musikalidad ng Tula 1. Sukat – Ito’y bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong. Ang isang taludtod ay karaniwang may walo, labindalawa, labing-anim at labingwalong pantig. Tunghayan ang halimbawa sa ibaba Halimbawa: Mula sa tulang Bayani ng Bukid ni Al Perez A/ko’y/ mag/sa/sa/kang/ ba/ ya/ni /ng/bu/kid 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 San/ da/ta’y/ a/ ra/ro/ ma/ta/ pang/sa/i/nit, 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 Hin/di/ na/ ta/ ta/kot./ ka/hit /na/sa /la/mig 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 Sa/ bu/ ong /mag /ha/ pon/ gu/ma/ga/wang/ pi/lit 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 2. Tugma – Ito ay ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod. Ang panghuling pantig sa dulo ng taludtod ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig at binibigkas nang mabilis, malumay o may impit sa lalamunan. Ito ay may dalawang uri, ang tugmaang ganap at di- ganap. a. Ganap ang tugma kapag magkakapareho ang tunog o titik ng huling salita sa bawat taludtod. Halimbawa: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal Tunay ngayong umid yaring dila’t puso Sinta’y umilag, tuwa’y lumalayo Bayan palibhasa’y lupig sumuko Sa kapabayaan ng nagturong puno
  • 6. b. Di-ganap ang tugma kapag magkapareho lamang ng tunog ang huling salita sa bawat taludtod ngunit magkakaiba ang titik Halimbawa: Mula sa tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio Walang mahalagang hindi inihandog Ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop, Dugo, yaman, dunong, katisa’t pagod Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot Kaisipan o Bagong Pagtingin sa/ng Tula 1. Talinghaga – (Paggamit ng Tayutay o Idyoma) – Ito ay ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Dito kinakailangan ang paggamit ng tayutay o matatalinghagang pahayag upang maging kaakit-akit at mabisa ang tula. 2. Simbolismo (symbol) – Ito ay ang mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa. Halimbawa: ilaw – pag-asa itim – kamatayan 3. Kariktan – Pagsasama-sama ng mga katangiang nagpapatingkad sa katangian ng tula at pumupukaw sa mayamang imahinasyon ng bumabasa. Ito ang malinaw at di-malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan ng mambabasa. Gawain 2: Suriin at Paghambingin Panuto: Basahin ang bawat saknong sa mga tula sa ibaba. Suriin at paghambingin ang dalawang tula sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Ako ang Daigdig ni Alejandro Abadilla I ako ang daigdig ako ang tula ako ang daigdig ng tula ang tula ng daigdig ako ang walang maliw na ako ang walang kamatayang ako ang tula ng daigdig II ako ang daigdig ng tula ako ang tula ng daigdig Kabayanihan ni Lope K. Santos Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod Na walang paupa sa hirap at pagod Minsang sa anyaya, minsan sa kusang-loob, Pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos Natatalas mo ang iyong pananim, Iba ang aani’t iba ang kakain, Datapwat sa iyo’y ligaya na’t aliw Ang magpakasakit nang iba dahil. Pawis, yaman, dunong, landas, dugo’t buhay Pinupuhunan mo at iniaalay Kapagka ibig mong sa kaalipinan Ay makatubos ka ng aliping bayan. Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha. Sa turo mo’y naging mulat ang tulala Tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t Ang kamatayan mo ay buhay ng madla.
  • 7. ako ang malayang ako matapat sa sarili sa aking daigdig ng tula ako ang tula ng daigdig ako ang daigdig ng tula ako III ako ang damdaming malaya ako ang larawang buhay ako ang buhay na walang hanggan ako ang damdamin ang larawan ang buhay damdamin larawan buhay yula ako IV ako ang daigdig sa tula ako ang daigdig ako ang tula daigdig tula ako… Tikis na nga lamang na ang mga tao’y Mapagwalang-turing sa mga tulong mo; Ang kadalasan pang iganti sa iyo Ay ang limutin ka kung di paglililo.
  • 8. Tanong: 1. Anong uri ang mga tulang binasa? 2. Ano ang sukat at tugma ng mga tula? 3. Ano ang talinghaga ng mga tulang binasa? Ipaliwanag. 4. Paano naging marikit ang mga tulang binasa? 5. Nasalamin ba sa dalawang tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Patunayan. Binabati kita sa mahusay mong pagsagot. Matagumpay mong naisagawa ang gawain. Batid kong nais mo pang mapalawak ang iyong kaalaman. Tara na’t ipagpatuloy mo ang pagtuklas. Lakbayin Ngayon ay iyong tuklasin ang kasiningan ng tula mula sa Uganda. Alam kong sabik ka na, kaya halina’t basahin at unawain mo ang akda upang iyong matuklasan ang katangian ng tulang malaya at makita ang kaibahan nito sa tulang tradisyonal. Maging ang kultura ng bansang pinagmulan nito. Mapatutunayan mo ring ang mga simbolismo at matatalinghagang pananalita ay nakatutulong sa pagiging masining ng pagbuo ng taludturan ng isang tula. Maaari mo itong ipabasa sa iyong kamag-anak. Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay (Mula sa A Song of a Mother to Her Firstborn) (Isinalin sa Ingles ni Jack H. Driberg) (Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora) Mangusap ka aking sanggol na sinisinta. Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata, Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo. Mangusap ka, aking musmos na supling. Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik. Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak. Kamay na magpapasaya sa iyong ama. Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin; Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim. Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan, At mamumuno sa kalalakihan. At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan. Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin, Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib, At ang pagsulyap-sulyap sa akin. Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal, Ako’y malulunod sa luha ng paggunita. Munting mandirigma, paano ka naming pangangalanan? Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
  • 9. Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay. Hindi ka rin ipapangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay. Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan. Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?” Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?” Ang poo’y di marapat na pagnakawan, Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan, Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan. Ika’y bibiyayaan ng mga matang naglalagablab. At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay Ay hindi pa ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday? Yaman nina Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay. At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata, Maging sa iyong halakhak. Paano ka pangangalanan, aking inakay? Ikaw ba’y lahi ng iyong lahi o naiibang nilalang? Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan? Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay? Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay? Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan? Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw. Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang. Sa aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian. Ngayon ako’y ganap na asawa. Hindi na isang nobya, kundi isang ina. Maging maringal, aking supling na ninanasa. Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki. Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi. Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama. Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak. Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak. Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat, Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma. Samakatuwid, ako’y minahal. Samakatuwid, ako’y lumigaya. Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay. Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal. Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay. Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw. Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan, Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan. Ikaw ag kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay, Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan. At ako ang ina ng kaniyang panganay, Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba. Ika’y mahimbing, Ako’y wala nang mahihiling. Magaling! Batid kong napakinggan mong maigi ang pagbigkas ng Tula. Nawa’y magamit mo ito sa pagsusuri o pagsagot sa mga kasunod na gawain.
  • 10. Gawain 3: Pag-unawa sa Akda Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong batay sa binasang tula. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan ang sagot. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang ginamit sa paglalarawan ng katangiang taglay niya? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 4. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa tula? Ibigay ang iyong pananaw ukol dito. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 5. Ipaliwanag ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdaming iyong natutuhan sa binasang tula. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Gawain 4: Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming ipinahahayag ng bawat isa, ang 5 ang pinakamataas na antas. Gamitin ang tsart at gawin ito sa sagutang papel. A. Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin kagalakan katuwaan kasiyahan Kaligayahan kaluwalhatian 5. 4. 3. 2. 1. Paliwanag sa Pag-aantas B. Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin lungkot lumbay pighati dalamhati pagdurusa 5. 4. 3. 2. 1. Paliwanag sa Pag-aantas Humahanga ako sa’yo dahil nagawa mong iantas ang kahulugan ng mga salita ayon sa kasidhian nito. Ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral.
  • 11. Galugarin Gawain 5: Ipaliwanag Mo! Panuto: Bumuo ng pasaklaw na pagpapaliwanag sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” sa tulong ng grapikong presentasyon. Punan ang bawat bahagi ng nararapat na kasagutan. MUSIKALIDAD AT KAISIPAN SA TULA PAGSUSURI 1. Sukat 2. Tugma 3. Talinghaga 4. Simbolismo 5. Kariktan Paglalahat Batay sa Pagsusuri Ito ba ay tradisyonal o malaya? Patunayan. _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ Nasalamin ba sa tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Sa paanong paraan? Patunayan. _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ Magaling! Nagtagumpay kang muli sa pag-aaral sa nakaraang paksa at pagsagot sa mga gawain nang buong husay. Ngayon, mas linangin mo pa ang iyong kasanayang pampagkatuto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inaasahang awtput sa araling ito. HELE NG INA SA KANIYANG PANGANAY
  • 12. Palalimin Sa bahaging ito, masusubok ang iyong kaalaman sa pagkakaiba ng tulang tradisyonal at tulang malaya maging ang karunungan mo sa simbolismo at matatalinghagang pananalita. Gawain 6: Paghambing Mo! Panuto: Pag-aralan mo ang isa pang tula na isinulat ni Rafael Palma. “Ang Matanda at Ang Batang Paruparo”. Basahin mo itong mabuti saka ihambing ito sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay”. Ang Matanda at Ang Batang Paruparo ni Rafael Palma Isang paruparo, na may katandaan, Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay Palibhasa’y ‘di nasisilaw sa ilaw Binigyan ang anak ng ganitong aral: Ang ilaw na iyang maganda sa mata Na may liwanag nang kahali-halina Dapat mong layuan, iyo’y palamara Pinapatay bawat malapit sa kan’ya, “Ako na rin itong sa pagiging sabik! Pinangahasan ko’y sa kan’ya’y lumapit, ang aking napala’y palad ko pang tikis nasunog ang aking pakpak na lumiit.” “At kung ako’y itong nahambing sa iba na di nagkaisip na layuan siya, Disin ako ngayo’y katulad na nila, Nawalan ng buhay at isang patay na.” Ang pinangaralang anak ay natakot At pinangako ang kaniyang pagsunod; ngunit sandali lang, sa salitang loob Ibinulong-bulong ang ganitong kutob; “Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin ng ina ko upang lumayo sa ningning? Diwa’y ibig niyang ikait sa akin Ang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.” “Anong pagkaganda ng kaliwanagan! isang bagay na hindi dapat layuan itong matanda ay totoo nga namang sukdulan ng lahat nitong karuwagan! “Akala’y isa nang elepanteng ganid ang alinmang langaw na lubhang maliit, at kung ang paningin nila ang manaig magiging higante ang unanong paslit.”
  • 13. “Kung ako’y lumapit na nananagano ay ano ang sama ng mapapala ko? Kahit na nga niya murahin pa ako ay sa hindi naman hangal na totoo.” “Iyang mga iba’y bibigyan ng mat’wid sa kanilang gawa ang aking paglapit, sa pananakali’y di magsisigasig sa nagniningningang ilaw na marikit.” Nang unang sandali’y walang naramdaman Kundi munting init na wari’y pambuhay, ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay upang magtiwala’t lumapit sa ilaw. Natutuwa pa nga’t habang naglalaro ay lapit nang lapit na ‘di nahihinto Sa isang pag-iwas ay biglang nasulo Tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo. Nang unang sandali’y walang naramdaman Kundi munting init na wari’y pambuhay, Ito’y siya pa ngang nagpabuyong tunay Upang magtiwala’t lumapit sa ilaw. At siya’y hindi na muling makalipad hanggang sa mamatay ang kahabag-habag, ang ganyang parusa’y siyang nararapat sa hindi marunong sumunod sa anak. Mula sa Diwang Kayumanggi, 1970 Tanong: 1. Ano ang persona ng tulang binasa? 2. Ano ang nais ipahiwatig ng tula? 3. Gaano kabisa ang tula sa iyo bilang isang mag-aaral? Ano mensaheng naikintal sa iyong isipan? 4. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tulang ito sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” gamit ang Venn Diagram. Maaaring tukuyin ang Ang Matanda at Ang Batang Paruparo Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay Pagkakatulad Pagkakaiba Pagkakaiba
  • 14. Aralin 3.2 Wika at Gramatika: Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita Simulan Mahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga gawain sa nakaraan bahagi ng learning material na ito. Ngayon, ikaw ay magpapatuloy sa iyong aralin. Handa ka na ba? Sige magsimula ka na sa paunang gawain. Gawain 1: Ano Kaya ang Kahulugan? A. Panuto: Piliin sa kabilang hanay B ang kahulugan ng mga simbolismo sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. HANAY A 1. puso 2. luha 3. gabi 4. tinik 5. yaman 6. kalasag 7. kalapati 8. bahaghari 9. tanikalang-bakal 10.dapithapon HANAY B A. sandata B. kasaganaan C. kapayapaan D. pag-ibig E. pagsubok F. katapusan G. paghihirap H. bagong pag-asa I. kawalan ng pag-asa J. kawalan ng kalayaan B. Panuto: Piliin ang angkop na kahulugan ng matatalinghagang pananalita sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. kabungguang balikat – (kaaway, kaibigan, kapatid, kapamilya) 2. di-maliparang uwak – (mahaba, makipot, malawak, matangkad) 3. di-mahulugang karayom – (masikip, matao, malawak, malayo) 4. bahag ang buntot – (duwag, masipag, matapang, tamad) 5. may kutsarang ginto sa bibig – (isinumpa, madaldal, mayaman, pipi) Mahusay! Humahanga ako sa matagumpay mong pagsagot sa gawain. Ipagpatuloy mo lang ang iyong pag-aaral upang mas malinang mo pa ang iyong kakayahan.
  • 15. Lakbayin Alam mo bang… Nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang paggamit ng mga salita? Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakatutulong upang maging mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay, nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga simbolismo at matatalinghagang pananalita. Matatalingahagang Pahayag o Pananalita ➢ Ito ay mga ekspresyong may malalalim na salita o may hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin nito ang kagandahan at pagkamalikhan ng anomang wika. Halimbawa: butas ang bulsa – walang pera kalog na ang baba – gutom ilaw ng tahanan – ina alimuom – tsismis Bakit kaya rito sa mundong ibabaw Marami sa tao’y sa salapi silaw? Kaya kung isa kang kapus-kapalaran Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan. (Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit) Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita sapagkat ang una’y nangangahulugang pagiging mukhang pera ng tao samantalang ang ikalawa’y tumutukoy sa mahirap. Simbolismo ➢ Ito ay naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa pamamagitan nng sagisag at at mga bagay na mhiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan. Halimbawa: silid- aklatan – karunungan o kaalaman pusang itim – malas gabi – kawalan ng pag-asa pusang-itim – malas tanikalang-bakal – kawalan ng kalayaan Palay siyang matino, Nang humangi’y yumuko, Nguni’y muling tumayo: Nagkabunga ng ginto! (Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos) Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa pagsubok na kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang pagtatagumpay.
  • 16. Gawain 2: Tukuyin Mo! A. Panuto: Suriin ang magkaparehang salita sa ibaba. Isulat ang S kung ang mga salita simbolo at MP kung ito’y matalinghagang salita o pahayag. _____ 1. bulaklak – pag-ibig _____ 2. puti – kalinisan _____ 3. hawak sa ilong – sunod-sunuran _____ 4. di-makabasag pinggan – mahinhin _____ 5. buwaya – katiwalian _____ 6. ibaon sa hukay – kalimutan _____ 7. Maria Clara – dalagang Pilipina _____ 8. korona – kapangyarihan _____ 9. bukas ang palad – matulungin _____ 10. buto’t balat – sobrang payat B. Panuto: Punan ng angkop na matatalinghagang pahayag ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel. balat-sibuyas naglulubid ng buhangin mag-asal-hayop balat-kalabaw malikot ang kamay 1. May ___________________ ang babaeng iyan kaya ayaw ng mga tao sa kaniya. 2. ___________________ ang aking pinsan kaya madalas siyang ‘di pinaniniwalaan. 3. ___________________ ang babaeng ito, kahit sinisingil na ayaw pa ring magbayad. 4. Galit na galit ako sa kapitbahay naming magaling ___________________ kaya sa tuwing nakikita ko siya at tumataas ang aking dugo. 5. ___________________ ang katulong ni Marge kaya niya pinakulong. Galugarin Gawain 3: Bigyang-kahulugan Mo! A. Panuto: Bigyang-kahulugan mo ang sumusunod na matatalinghagang salita sa tulong ng internet. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. nagdilang anghel __________________________________________________________ 2. hulog ng langit ____________________________________________________________ 3. hangin sa ulo _____________________________________________________________ 4. lumagay sa tahimik _______________________________________________________ 5. panakip-butas ____________________________________________________________ B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang sinisimbulo ng sumusunod na salita. Maaari mong gamitin ang internet sa pagbibigay kahulugan. 1. Sisa ______________________________________________________________________ 2. ahas ______________________________________________________________________ 3. salakot ___________________________________________________________________ 4. bagyo _____________________________________________________________________ 5. puti _______________________________________________________________________
  • 17. Palalimin Sa bahaging ito, ipapakita mo ang iyong angking talino sa pagkatha ng isang tula at talento sa pag-awit. Nababatid kong kayang-kaya mo iyong gawin. Gawain 4: Katha Ko, Alay Ko! Panuto: Sumulat ng tulang pumapaksa sa kadakilaan ng iyong ina. Isaalang-alang ang paggamit ng matatalinghagang pananalita at simbolismo sa pagsulat gamit ang rubrik sa pagtataya. Isulat ang sagot sa sagutang papel. *Ang tulang iyong nilikha ay maaari mong saliwan ng himig saka awitin sa iyong ina. Rubrik sa Pagtataya ng Awtput Krayterya Napakahusay (10) Papaunlad (5) Nangangailangan ng gabay (2) Nilalaman Natumbok nang buong husay ang paksa maging ang pangkalahatang tema ng tula. Nakasulat ng ilang pahayag na tumumbok sa paksa maging ang pangkalahatang tema ng tula. Hindi natumbok ang paksa maging ang pangkalahatang tema ng tula. Talinghaga Nakagamit nang buong husay ng mga salitang nagtataglay ng talinghaga at simbolismo. Nakagamit ng ilang mga salitang nagtataglay ng talinghaga at simbolismo. Hindi nakagamit ng mga salitang nagtataglay ng talinghaga at simbolismo. Gramatika Mahusay na nailapat ang wastong gramatika sa kabuoan ng tula. Nailapat ang wastong gramatika sa kabuoan ng Haiku nang may kakaunting kamalian. Hindi nailapat ang wastong gramatika sa tula. Sukatin Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa modyul na ito. Ngayon, tatayahin mo ang iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin. PANGWAKAS NA PAGTATAYA A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tinutukoy na pahayag o tanong. Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot. _____ 1. Isang sangay ng panitikan na naglalarawan ng buhay at kalikasan na likha ng mayamang guniguni o imahinasyon ng makata. A. Epiko C. Talinghaga B. Simbolismo D. Tula _____ 2. Ito ay ang mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa. A. Kariktan C. Simbolismo B. Larawang-diwa D. Talinghaga
  • 18. Magaling mahal kong mag-aaral! Binabati kita sa matiyaga mong pagsama sa paglalakbay at pagtalakay natin sa Tula mula sa Uganda. Nakapapagod maglakbay ngunit sulit naman dahil matagumpay mong natutuhan ang mga dapat mong malaman. Ihanda mo ngayon ang iyong sarili sa kasunod na modyul – Modyul 4: Maikling Kuwento mula sa Uganda _____ 3. Dahil sa pamdemya, marami sa mga Pilipino ang nagbibilang ng poste. Ang nakaitalisado ay isang ___________. A. kariktan C. matalinghagang salita B. larawang-diwa D. simbolismo _____ 4. “Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan, at mamumuno sa kalalakihan.” Ang bahaging ito ng tulang “Hele ng Ina sa Kanyang Panganay” ay may tugmang ganap ngunit malaya ang pantigan / taludturan, anong musikalidad at kaisipan ng tula ang makikita sa bahaging ito? A. sukat C. kariktan B. tugma D. talinghaga _____ 5. “Paano ka pangangalanan, aking inakay?” Ano ang pagpapakahulugan ng salitang nakasalungguhit? A. alipin B. alaga C. supling D. sisiw B. Panuto: Tukuyin ang sumusunod na mga salita o parirala kung matalinghagang salita ba ito o simbolismo saka piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga matatalinghagang salita at simbolismo sa bawat bilang. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. Matalinghagang salita o simbolismo? Kahulugan 1. yari’y munsik 2. gererong marangal 3. malulunod sa luha ng paggunita 4. waring dumi ng baka 5. suwi sa kalupaan kalungkutan kamalasan, karukhaan, pagiging mababa sa lipunan bagong pag-asa katapangan at kadakilaan musmos o bata
  • 20. ARALIN 3.2 (Wika at Gramatika: Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita) SIMULAN Gawain 1: Ano Kaya ang Kahulugan? A. 1. D 2. G 3. I 4. E 5. B 6. A 7. C 8. H 9. J 10.F B. 1. kaibigan 2. malawak 3. matao 4. duwag 5. mayaman LAKBAYIN Gawain 2: Tukuyin Mo! A. 1. S 2. S 3. MP 4. MP 5. S 6. MP 7. S 8. S 9. MP 10.MP B. 1. balat-sibuyas 2. naglulubid ng buhangin 3. balat-kalabaw 4. mag-asal-hayop 5. malikot ang kamay GALUGARIN Gawain 3: Bigyang-kahulugan Mo! A. 1. nagkatotoo 2. biyaya 3. kayabangan 4. ikinasal 5. pamalit o kahalili B. 1. wala sa tamang katinuan 2. taksil 3. Pilipino, kahirapan 4. pagsubok 5. kalinisan, dalisay PALALIMIN Gawain 4: Katha Ko, Alay Ko! SUKATIN PANGWAKAS NA PAGTATAYA A. B. Matalinghagang salita o simbolismo? Kahulugan 1. D 2. C 1. Yari’y munsik Matalinghagang Pahayag musmos o bata 3. C 4. B 2. Gererong marangal Simbolismo katapangan at kadakilaan 5. C 3. Malulunod sa luha ng paggunita Matalinghagang Pahayag kalungkutan 4. Waring dumi ng baka Matalinghagang Pahayag Kamalasan, karukhaan, pagiging mababa sa lipunan 4. Suwi sa kalupaan Simbolismo bagong pag-asa
  • 21. Sanggunian Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most Essential Learning Competencies. pp. 252 Ambat, V. C. et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group, Inc. pp. 274-288 Aguilar, E.C. at Cruz, E.E (2001). Filipino sa Bagong Henerasyon IV , Makati City: The Bookmark,Inc. pp.245 Dayag, A.M. et.al (2013). Pinagyamang Pluma 8, Quezon City : Phoenix Publishing House Inc.pp. 163-167 Locano, D.G., Ipong M.L. at Royo, J.L (2015). Parola 10. Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc. p. 228. Enero 2021