3. TALUMPATI
Ang pagtatalumpati ay isang paraan ng pagpapahayag ng
saloobin, kaisipan, at damdamin sa isang masining na
pamamaraan.
4. Ang pagtatalumpati ay isang proseso ng pagpapahayag
ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay
sa isang partikular na paksa. Ito ay karaniwang
isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
Ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap
na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap
ng madla.
5. TALUMPATI
Layunin nitong mapapanig ang mga tagapakinig sa ideyang
ideyang inilalahad o pinaniniwalaan ng mananalumpati.
Sapagkat ang pagtatalumpati ay mabisang instrumento ng
ng pagpapahayag, mangangailangan ito ng kahandaan
hindi lamang ng bibigkasing tala kundi gayundin ng iba
pang salik na lalong magbibigay ng kariktan at lalo pang
hihikayat sa mga manonood upang pagtuunan ng higit na
pansin ang mananalumpati.
6. TALUMPATI
Nais nitong:
- Magbigay kabatiran
- Magpaliwanag tungkol sa katotohanan o kasinungalingan
kasinungalingan ng isang kaisipan,
- Manghikayat at makapagpaganap. At
- Makalibang o makapagdulot ng kasiyahan
7. URI NG TALUMPATI
1.Biglaang Talumpati (Impromptu)- Ang
talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o
walang paghahanda. Kaagad na ibinibigay ang
paksa sa oras ng pagsasalita.
8. 2. Maluwag (Extemporaneous)- Sa talumpating ito,
nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng
ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinibigay
bago ito ipahayag.
9. 3. Manuskrito- Ang talumpating ito ay
ginagamit sa mga kumbensyon, seminar, o
programa sa pagsasaliksik kaya pag-aaralan ito
nang mabuti ang kanyang sasabihin.
10. 4. Isinaulong Talumpati – Ito ay kagaya rin
ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-
aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa
harap ng mga tagapakinig. May oportunidad na
magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tagapakinig
sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskrito
kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita.
11. 1. TINIG
Napakahalaga ng tinig sa isang matagumpay na
pagtatalumpati. Nararapat na batid ng mananalumpati
kung kailan dapat lakasan o hinaan ang kaniyang boses
ayon sa pangangailangan.
12. 1. TINIG
Ang tinatawag na voice narration o pag-iiba-iba ng boses
ayon sa pangangailangan ang lalong nagbibigay-buhay sa
talumpati at nakaaakit sa tagapakinig upang lalo pang
pagtuunan ng pansin ang kaisipang inihahatid nito.
Napakahalagang ang tinig ay buong-buo at naipararating
nang buong linaw sa tagapakinig.
13. 2. TINDIG
Mahalaga sa isang mananalumpati ang magkaroon ng
tinatawag na “tindig panalo”. Ito ang pagtindig sa entablado
entablado na kakikitaan ng tikas at tiwala sa sarili. Ang
posisyon ng mga paa ay mahalaga ring pagtuunan ng
pansin.
14. 3. PAGBIGKAS
Kung nais ng mananalumpati na makuha ang atensyon ng
ng kanyang tagapakinig, nararapat lamang na sikapin
niyang magbigkas nang malinaw at matatas ang kaniyang
kaniyang talumpati. Ang bitaw ng bawat salita ay dapat
may wastong diin at may wastong pagkakapantig-pantig.
15. 3. PAGBIGKAS
Ang pagbuka ng bibig ay lubhang kailangan sa pagbigkas
ng bawat pantig. Kung ang bibig ay nakabuka nang ayon sa
sa salita, magiging maliwanag ang mensahe ng bawat linya
linya at maihahatid nang buong linaw ang kaisipan ng
talumpati sa madla.
16. 4. PAGTUTUUNAN NG PANSIN
Bago pa man magsimula ng talumpati, ang mananalumpati
mananalumpati ay dapat magkaroon ng ugnayan sa
kanyang tagapakinig sa pamamagitan ng pagtutuon ng
paningin sa mga ito. Karaniwang nakatuon ito sa gawing
likuran, gitna subalit maaari ring baguhin papuntang kanan
kanan o kaliwa na daraan din sa gitna. Mahalagang
mapanatili ang pagtuon ng paningin (eye contact) sa mga
tagapakinig upang madama ng mga ito ang sinseridad ng
mananalumpati.
17. 4. PAGTUTUUNAN NG PANSIN
Bago pa man magsimula ng talumpati, ang mananalumpati
mananalumpati ay dapat magkaroon ng ugnayan sa
kanyang tagapakinig sa pamamagitan ng pagtutuon ng
paningin sa mga ito. Karaniwang nakatuon ito sa gawing
likuran, gitna subalit maaari ring baguhin papuntang kanan
kanan o kaliwa na daraan din sa gitna. Mahalagang
mapanatili ang pagtuon ng paningin (eye contact) sa mga
tagapakinig upang madama ng mga ito ang sinseridad ng
mananalumpati.
18. 5. PAGKUMPAS
Ang pagkumpas ay mahalaga rin upang mabigyang-diin ng
ng mananalumpati ang mga bahaging dapat pagtuunan ng
ng pansin. Dito, higit na nagiging epektibo ang paglalahad
paglalahad sapagkat ang galaw ng mga kamay ay
nakatutulong upang lalo pang maihatid ang damdamin sa
mga tagapakinig.
19. 5. PAGKUMPAS
Mahalaga kung gayon na angkop ang kumpas, hindi
biglaang itinataas o ibinababa ang mga kamay at hindi rin
rin parang nanlalambot sapagkat hindi ito makatutulong sa
sa paghahatid ng diwang nais bigyang-diin.
20. 5. PAGKUMPAS
ILANG HALIMBAWA NG PAGKUMPAS:
- Kumpas na paturo – ginagamit sa paghamak, pagkagalit,
pagkagalit, pagkapoot, at pagtawag ng pansin sa bagay
bagay na itinuturo.
- Kumpas na pasubaybay-ginagamit kung nais bigyang-diin
diin ang pagkakaugnay ng diwa
- Dalawang bukas na bisig na pantay balikat –
nagpapahiwatig ng kalawakan
- Mga kamay na ibinababa – panghihina o panlulupaypay.
21. 5. PAGKUMPAS
MGA AYOS NG PALAD AT ANG KAHULUGAN NG MGA ITO:
- Palad na nakalahad – nagpapakilala ng pagbibigay o kaya
kaya ay pagtanggap
- Palad na nakataob – galit, lalo’t kung ito’y biglang
ibababa.
- Bukas na palad na marahang ibinababa – nagsasaad ng
mababang uri ng damdamin o kaisipan
- Kuyom na palad – nagsasaad ng pagkapoot o
nagpupuyos na damdamin.