SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 32
Downloaden Sie, um offline zu lesen
KABANATA 5:
Pag-aaral ng Medisina sa
Unibersidad ng Santo
Tomas (1877-1882)
Ang Unibersidad ng Santo Tomas (dinadaglat bilang UST), na mas kilala sa
pangalang University of Santo Tomas (Universidad de Santo Tomás) at minsan ring
Pamantasan ng Santo Tomas, ay isang pamantasan sa Maynila na itinaguyod noong
taong 1611 ng Dominikano na si Miguel de Benavides, Arsobispo ng Maynila
kasama sila Domingo de Nieva at Bernardo de Santa Catalina. Unang tinawag
ito sa pangalang Colegio Nuestra Señora del Santísimo Rosario hanggang sa
pinangalanan ulit ito bilang Colegio de Santo Tomás bilang pag-gunita sa
Dominikano na si Santo Tomas de Aquino. Noong taong 1645, itinaas ni Inocencio X
ang kolehiyo sa antas ng isang pamantasan.
Ang buong pangalan ng pamantasan ay "Ang Pontipikal at Maharlikang
Unibersidad ng Santo Tomas, ang Pamantasang Katoliko ng Pilipinas".
Ipinagkaloob ni Carlos III ng Espanya sa pamantasan ang titulong "Maharlikang
Pamantasan" dahil sa ipinamalas na katapangan at katapatan ng pangasiwaan at
mga estudyante laban sa paglusob ng mga kawal ng Inglatera sa Maynila. Iginawad ni
León XIII sa pamantasan ang titulong "Pontipikal na Pamantasan" sa taong 1902 at
ipinagkaloob naman ni Pío XII dito ang titulong "Ang Pamantasang Katoliko ng
Pilipinas" sa taong 1974.
Ang Unibersidad ng Santo Tomas ay ang pinakamalaking pamantasang Katoliko
sa buong mundo sa bilang ng mga mag-aaral sa isang kampus.
Dating Unibersidad ng Santo Tomas
(1611)
Unibersidad ng Santo Tomas. Pagkaraan ng unang taon sa kursong
Pilosopiya at Sulat (1877-78), lumipat siya sa kursong Medisina. Kahit nag-
aaral ng medisina sa unibersidad na pinamamahalaan ng mga Dominiko,
kalaban ng mga Heswita sa edukasyon, nananatiling tapat si Rizal sa
Ateneo, kung saan marami siayang sinalihang gawain at nagpatuloy ng
pag-aaral sa kurso sa pagsasarbey. Bilang isang Tomasino, nanalo siya ng
maraming gantimpala sa literatura, nagkaroon ng ibang pag-ibig, at
nakipaglaban sa mga estudyanteng Espanyol na mapang-insulto sa
kakayahan ng mga estudyanteng Pilipino.
ibig ni Rizal, hindi naman ito nakaapekto sa kanyang pag-aaral sa
Sa kabutihang palad, kahit nabigo at naging mapait ang unang pag-
zal
Ri
Jose
Ang Oposisyon ng Ina sa Mataas na
Pinag-aralan.
Pagkaraang magtapos sa Ateneo nang may pinakamataas na karangalan,
nagtungo si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas para magpatuloy ng pag-aaral.
Noong panahon ng espanyol, ang Batsilyer sa Sining ay katumbas lamang ngayon
ng mataas na paaralan at mga unang taon sa kolehiyo. Noon ito’y maari lamang
kuwalipikasyon ng isang nagtapos para makapasok sa isang unibersidad. Kapwa
nais nina Don Francisco at Paciano na makapakarera si Jose sa isang unibersidad.
Ngunit si Dona Teodora, laging naaalala ang nangyari sa Gom-Bur-Za, ay tutol na
tutol sa ganitong ideya, at sinabi niya sa kanyang asawa: “ Huwag mo na siyang
ipadala pa sa Maynila; marami na siyang alam, tiyak na mapupugutan na siya ng
ulo.”
Pumasok si Rizal sa Unibersidad.
Noong Abril 1877, si Rizal na noo’y maglalabing-anim na taong gulang, ay
nagmatrikula sa Unibersidad ng Santo Tomas para sa kursong Pilosopiya at Sulat.
Sa kursong ito siya nag-enrol dahil ito ang gusto ng kanyang ama , at “hindi pa ako
sigurado sa magiging karera ko.” Sumulat siya at humingi ng payo sa Padre Rektor.
Nang panahong iyon, nasa Mindanao ang Padre Rektor kaya hindi siya napayuhan
kaagad. Kaya noong unang taon sa Unibersidad ng Santo Tomas (1877-78), nag-
aral si Rizal ng Kosmolohiya, Metapisika, Teodisiya at Kasaysayan ng Pilosopiya.
Padre Pablo Ramon - Rektor ng Ateneo na naging
mabuti sa kanya noong estudyante siya ng kolehiyong iyon.
Tinapos ang Kurso sa Pagsasarbey sa
Ateneo (1878)
Noong unang taon sa Unibersidad ng Santo Tomas (1877-78), nag-aaral di
si Rizal sa Ateneo. Kumuha siya ng kursong bokasyonal na nagbigay sa kanya ng
titulong perito agrimensor (dalubhasang agrimensor).
Sa edad na 17, naipasa niya ang eksamen sa kursong pagsasarbey, ngunit
hindi kaagad naigawad sa kanya ang titulong agremensor dahil wala pa siya sa
edad. Naibigay lamang ang titulong ito noong Nobyembre 25,1881.
Bagaman Tomasino, madalas pa rin dinadalaw ni Rizal ang Ateneo. Patuloy
siyang naging aktibo sa mga gawain sa Ateneo. Naging pangulo siya ng
Akademya ng Literaturang Espanyol at kalihim ng Akademnya ng mga
Likas na Agham. Ipinagpatuloy parin nya ang pagiging miyembro ng
Kongregasyon ni Maria, at kung saan siya nag kalihim.
Mga Pag-ibig ni Rizal.
Isa siyang pangaraping romantiko na gusto ring “makatikim ng pag-ibig.” Ang
malungkot niyang karanasan sa unang pag-ibig ay nakatulong para matutunan
niyang maging mas matalino sa larangan ng pag-ibig.
Pagkaraang mawala sa kanya si Segunda Katigbak, niligawan niya ang isang
dalagang taga-Calamba. Sa kanyang talaarawan, tinawag niya itong “Binibining L”,
at nilalarawan niyang “maganda at may kahali-halinang mga mata”. Walang
nakakaalam kung sino ang dalagang ito. Gayunman, sinabi ni Rizal ang dalawang
dahilan bakit nagbago ang isip niya: Iniibig parin niya si Segunda, at hindi gusto ng
kanyang ama ang pamilya ni “Binibining L
”
Dona Concha Leyba - nangupahan si Rizal sa
bahay niya.
Kapitan Juan at Kapitana Sanday Valenzuela
– Kapitbahay ng Dona sa Intramuros. Tubong Pagsanjan,
Laguna.
Segunda Solis Katigbak
(1863 - 1943)
• Ipinanganak noong 1863.
• Ikinasal kay Manuel Mitra Luz noong January
12, 1879.
• Namatay noong January 16, 1943.
Niligawan ni Rizal si Leonor Valenzuela, na isang
matangkad na babaing maganda ang tindig. Pinapadalhan
niya ito ng liham ng pag-ibig na nakasulat sa tintang di-
nakikita. Ang tinta ay gawa sa ordinaryong asin at tubig.
Hindi ito nakikita sa papel. Si Rizal, na mahusay sa kimika,
ang nagturo kay Orang (palayaw ni Leonor Valenzuela) ng
lihim sa pagbasa ng anumang talang nakasulat sa tintang
di nakikita. Pinapainit ito sa ibabaw ng kandila o lampara
upang lumitaw ang mga salita. Ngunit, tulad ng kay
Segunda, tumigil siya sa panliligaw kay Orang.
Valenzuela
Leonor
Kolehiyo ng La
at kaibigan.
• Ipinanganak noong Abril 11, 1867.
• Namatay noong Augosto 28, 1893.
• Ikinasal kay Hennry Charles Kipping noong Hunyo 17,
1890.
Ang sumunod na pag-ibig ni Rizal ay sa isa pang Leonor----
Concordia, kung saan nagaaral din si Soledad (bunsong kapatid
ni Rizal), Si Leonor ay tubong- Camiling, Tarlac. Maganda siya,
“mayumi gaya ng namumukadkad na bulaklak, na may
mabubuting mata.” Nagkasundo sina Leonor at Jose. Sa kanyang
mga liham kay Rizal “Tamis” ang inilalagdang ngalan ni Leonor ng
sa gayon ay maitago nila ang kanilang relasyon sa mga magulang
Leonor Rivera na pinsan niyang taga-Camiling.
1893)
Leonor Rivera
Kipping (1867-
• Casa Tomasina - dito nanirahan si Rizal ng
siya ay nasa ikatlong taon sa Unibersidad noong
1879. Ito ay nasa Blg. 6 Kalye Santo Tomas,
Intramuros.
• Antonio Rivera - may ari ng bahay at
tiyuhin niya. Ama ni Leonor Rivera.
Biktima ng Kalupitan ng Opisyal
na Espanyol.
Isang madilim na gabi sa Calamba, noong 1878, naglalakad
siya sa kalsada. Hindi niya napansin ang isang lalaki ng nadaanan
niya. Dahil hindi niya kilala ang anino, hindi niya nasaluduhan ni
nabati ito ng “Magandang Gabi.” Dahil sa nangyari, nagalit ang
tenyente ng Guardias Civiles at hinampas ng kanyang espada at
sinaktan ang likuran.
• Heneral Primo de Rivera - Espanyol
na gobernador-heneral ng Pilipinas ng
panahong iyon
• Marso 12, 1887 -isinulat ang isang
liham kay Blumentrit.
“Para sa Kabataang Pilipino”
(1879)
• Liceo Artistico-Literario - isang samahan ng mga mahilig sa sining
at panitikan.
• “A La Juventud Filipina” ( Para sa Kabataaang Pilipino) – tulang
isinumite ni Rizal noong siya ay 18 taong gulang.
Hinangaan ang tula si Rizal ng mga Inampalan, na binubuo ng mga
Espanyol. Iginawad dito ang unang gantimpala na isang pilak na panulat, hugis-
pakpak at may dekorasyon na gintong laso. Ang nagwaging tula ay tulang
nagbibigay ng inspirasyon. Sa pamamagitan ng magagandang berso, hinihiling ni
Rizal sa kabataang Pilipino na imulat na ang mga mata sa mga nangyayari sa
kanilang paligid, na hayaang pumailanlang ang kanilang talino sa sining at agham,
at lagutin ang tanikalang pumipigil sa diwa nila bilang tao.
“Ang Konseho ng mga
Diyos” (1880)
• Cervantes - dakilang Espanyol na manunulat at awtor ng Don
Quixote.
• El Consejo de los Dioses (Ang Konseho ng mga Diyos) - ang
isang dulang alegorikal na isinumite ni Rizal.
Iginawad ng mga Inampalan ang unang gantimpala sa trabaho ni Rizal dahil
pinakamahusay ang pagkakasulat nito sa lahat ng mga kalahok. Isang Espanyol na
manunulat, si D.N. del Puzo, ang nanalo ng pangalawang gantimpala. Sa kauna-
unahang pagkakataon, isang indio– isang labinsiyam na taong gulang na estudyante
ng medisina– ang nanguna sa isang pambansang paligsahan sa panitikan, at tinalo
ang maraming manunulat na Espanyol nang panahong iyon.
Ang nagawaing alegorya ni Rizal ay isang obra
maestrang batay sa mga klasikong Griyego. Sa pagsulat nito,
si Rizal , bagaman estudyante ng UST, ay tinutulungan ng
mabait na Padre Rektor ng Ateneo sa pangangalap ng
kinakailangang materyales. Nagtatag ang alegorya ng
pagkakatulad nina Homer, Virgil, at Cervantes. Tinalakay ng
mga diyos ang mga merito ng mga dakilang manunulat na
ito, at nagpasyang igawad ang trumpeta kay Homer, ang lira
kay Virgil, at lawrel kay Cervantes. Ang alegorya ay masayang
nagtapos sa pagsasaya ng mga ada, diwata, ata iba pang
tauhang mitolohikal.
Iba pang Pampanitikang
Gawain.
• Junto al Pasig (Sa Tabi ng Pasig) - isang sarsuwelang nilikha ni
Rizal.
• Immaculada Concepcion - ang Patron ng Ateneo.
• Disyembre 8, 1880 - pista ng Immaculada Concepcion.
• Akademya ng Literaturang Espanyol sa Ateneno - naging
pangulo si Rizal.
La Purísima
Inmaculada
Concepción
Directed by: Prof. Dennis D. Gupa
• A Filipinas (1880) - isang sonatang isinulat ni Rizal para sa album
ng Samahan ng mga Iskultor na nanghihikayat na magbihay–dangal
sa Pilipinas ang mga artistang Pilipino.
• Abd-el-Azis y Mahoma (1879) – tulang nilikha ni Rizal
• Manuel Fernandez - isang Atenista, bumigkas ng tula noong
Disyembre 8, 1879 bilang parangal sa Patron ng Ateneo.
• Al M.R.P. Pablo Ramon (1881) - isang tulang isinulat ni Rizal
nagpapakita ng pagmamahal kay Padre Pablo Ramon, ang rektor ng
Ateneo, na naging mabuti at matulungin sa kanya.
Pagbisita ni Rizal sa Pakil at
Pagsanjan.
Noong Mayo 1881, nang siya ay estudyante ng medisina sa UST,
sumama si Rizal sa peregrinasyon sa bayan ng Pakil, kilalang damba ng
Birhen Maria delos Dolores. Kasama niya ang mga kapatid na sina
Saturnina, Maria, Trinidad, at kanilang mga kaibigang babae. Sumakay siya
sa kasko mula Calamba papuntang Pakil, Laguna, at tumuloy sila sa bahay
nina G. at Gng. Manuel Regalado, ng ang anak na si Nicolas ay kaibigan
ni Rizal sa Maynila.
• Vicenta Ybardolaz - isang magandang kolehiyalang
mahusay tumugtog ng alpa sa tahanan ng mga Regalado.
Pagkaraan ng ilang taon, binanggit ni Rizal ang turumba
sa Kabanata VI ng Noli Me Tangere at Talon ng Pagsanjan sa
kanyang talaarawan niya (Estados Unidos– Sabado, Mayo 12
1888) , kung saan sinabi niya napakaganda nga ng Talon ng
Niagara ngunit “hindi kasingganda ng Talon ng Los Banos,
Pagsanjan”
Pagsanjan Falls,
Laguna
Kampeon ng mga Estudyanteng
Pilipino.
Si Rizal ang kampeon ng mga estudyanteng Pilipino na madalas na
napapaaway sa mayayabang na estudyanteng Espanyol. Hindi matanggap ng
mga ito na nahihigitan sila ng Pilipino, kapag iniinsulto nila ay tinatawag na
“Indio, chongo!” bilang ganti, tinatawag naman sila ng mga pilipino na “Kastila,
bangus!”, na madalas nauuwi sa pag-aaway sa lansangan.
• Companerismo (1880) - lihim na samahan ng mga estudyanteng
Pilipino sa UST na itinatag ni Rizal.
• “Kasama ni Jehu” - tawag sa mga kasapi ng samahan.
• Galicano Apacible - pinsan ni Rizal taga-Batangas na siyang
naging kalihim.
Sa isang labanan ng mga estudyanteng Pilipino at Espanyol
sa may Escolta sa Maynila, nasugatan sa ulo si Rizal. Duguan at
nababalutan ng alikabok, dinala siya ng mga kaibigan sa kanyang
inuupahang bahay, sa Casa Tomasina. Masuyong nilinis at ginamot
ni Leonor Rivera ang kanyang sugat.
Mula sa “Jose Rizal The Movie”
Malulungkot na araw sa UST.
Si Rizal, na mahusay na mag-aaral ng Ateneo, ay hindi nagustuhan
ang atmospera ng edukasyon sa UST. Hindi siya masaya sa institusyong
Dominikano dahil hindi maganda ang pagtingin sa kanya ng mga
Dominikanong propesor, mababa ang pagtingin sa mga estudyanteng
Pilipino at sinauna at mapang-api ang sistema ng pagtuturo.
Dahil sa ganitong ugali ng kanyang mga propesor, si Rizal, ang
pinakamahusay na estudyante ng Ateneo, ay hindi nagkamit ng mataas na
karangalan. Bagaman ang grado niya noong unang taon niya sa kursong
pilosopiya ay “pinakamahusay,” hindi kahanga-hanga ang mga nakuha niya
sa apat na taon niya sa kursong medisina.
1878-79 ( Medisina) – Unang Taon
Pisika ---------- Mainam
Kimika----------Pinakamahusay
Likas na kasaysayan---------- Mahusay
Anatomiya 1 ---------- Mahusay
Disekyon 1 ----------Mahusay
1879-80 (Medisina)- Ikalawang Taon
Anatomiya 2---------- Mahusay
Disekyon 2----------Mahusay
Pisiolohiya----------Mahusay
Pribadong Kalusugan----------Mahusay
Pampublikong Kalusugan----------Mahusay
1880-81 (Medisina) – Ikatlong taon
Panlahatang Patolohiya---------Mainam
Terapyutiks----------Pinakamahusay
Siruhiya----------Mahusay
1881-82 (Medisina)- Ikaapat na Taon
Medikal na Patolohiya---------Mahusay na mahusay
Pansiruhiyang Patolohiya----------Mahusay na mahusay
Obsterika----------Mahusay na mahusay
Desisyong Makapag-aral sa
Ibang Bansa.
Nagpasya si Rizal na mag-aral sa Espanya pagkaraang matapos ang ikaapat
na taon sa kursong medisina. Hindi na niya makayanan ang malawakang panlalait,
deskriminasyon, at pagkapoot sa UST. Kaagad namang sinang-ayunan ng kanyang
nakatatandang kapatid na lalaki ang kanyang desisyong magpunta sa Espanya.
Hindi humingi si Rizal ng permiso at pagbasbas mula sa mga magulang sa
kauna-unahang pagkakataon dahil alam niyang salungat sila. Hindi rin niya
sinabihan ang kanyang mahal na si Leonor. Alam niyang si Leonor, dahil babae,
bata at romantika, ay hindi makapagtatago ng isang lihim. Pinili ni Jose na
mangibang-bayan para magpatuloy ng kanyang pag-aaral ng medisina sa Espanya,
kung saan ang mga propesor doon ay mas liberal kaysa sa Unibersidad ng Santo
Tomas.
at
Carlo Bergonio
Rizal
Ipinasa ni:
Selina Jane Reyes
Jose

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Kabanata XIII Si Rizal sa Estados Unidos
Kabanata XIII Si Rizal sa Estados Unidos Kabanata XIII Si Rizal sa Estados Unidos
Kabanata XIII Si Rizal sa Estados Unidos krissylovess
 
Rizal :In Sunny Spain 1882-1885
Rizal :In Sunny Spain 1882-1885Rizal :In Sunny Spain 1882-1885
Rizal :In Sunny Spain 1882-1885Edmundo Dantes
 
Kabanata 14: Si Rizal Sa London, By: Frances Obias-Turiano
Kabanata 14: Si Rizal Sa London, By: Frances Obias-TurianoKabanata 14: Si Rizal Sa London, By: Frances Obias-Turiano
Kabanata 14: Si Rizal Sa London, By: Frances Obias-TurianoEF Tea
 
MGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEO
MGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEOMGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEO
MGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEOErwin Ted
 
Rizal's sholastic triumphs at ateneo de manila 1872 1877
Rizal's sholastic triumphs at ateneo de manila 1872  1877Rizal's sholastic triumphs at ateneo de manila 1872  1877
Rizal's sholastic triumphs at ateneo de manila 1872 1877Jayvee Hijada II
 
Socio5 5 Rizal At University of Santo Tomas
Socio5   5 Rizal At University of Santo TomasSocio5   5 Rizal At University of Santo Tomas
Socio5 5 Rizal At University of Santo TomasYvan Gumbao
 
Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola
Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si violaKabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola
Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si violanhiecu
 
Ang mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa Pilipinas
Ang mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa PilipinasAng mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa Pilipinas
Ang mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa Pilipinasbright_shadow
 
Chapter 5 medical studies at the ust
Chapter 5 medical studies at the ustChapter 5 medical studies at the ust
Chapter 5 medical studies at the ustGeraldine D. Reyes
 
Chapter 12: Romantic Interlude in Japan
Chapter 12: Romantic Interlude in JapanChapter 12: Romantic Interlude in Japan
Chapter 12: Romantic Interlude in JapanCarmi_Manalo
 
Kabanata 17 mga kasawian sa madrid (hand out) by sheena bernal
Kabanata 17 mga kasawian sa madrid (hand out) by sheena bernalKabanata 17 mga kasawian sa madrid (hand out) by sheena bernal
Kabanata 17 mga kasawian sa madrid (hand out) by sheena bernalEdi sa puso mo :">
 
Rizal as a Student
Rizal as a StudentRizal as a Student
Rizal as a Studentvernaabueno
 
Lakbay Rizal sa intramuros: Rizal in Ateneo and UST
Lakbay Rizal sa intramuros: Rizal in Ateneo and USTLakbay Rizal sa intramuros: Rizal in Ateneo and UST
Lakbay Rizal sa intramuros: Rizal in Ateneo and USTPatrick Celso
 

Was ist angesagt? (20)

Kabanata XIII Si Rizal sa Estados Unidos
Kabanata XIII Si Rizal sa Estados Unidos Kabanata XIII Si Rizal sa Estados Unidos
Kabanata XIII Si Rizal sa Estados Unidos
 
Rizal :In Sunny Spain 1882-1885
Rizal :In Sunny Spain 1882-1885Rizal :In Sunny Spain 1882-1885
Rizal :In Sunny Spain 1882-1885
 
Kabanata 14: Si Rizal Sa London, By: Frances Obias-Turiano
Kabanata 14: Si Rizal Sa London, By: Frances Obias-TurianoKabanata 14: Si Rizal Sa London, By: Frances Obias-Turiano
Kabanata 14: Si Rizal Sa London, By: Frances Obias-Turiano
 
MGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEO
MGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEOMGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEO
MGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEO
 
Rizal's sholastic triumphs at ateneo de manila 1872 1877
Rizal's sholastic triumphs at ateneo de manila 1872  1877Rizal's sholastic triumphs at ateneo de manila 1872  1877
Rizal's sholastic triumphs at ateneo de manila 1872 1877
 
Socio5 5 Rizal At University of Santo Tomas
Socio5   5 Rizal At University of Santo TomasSocio5   5 Rizal At University of Santo Tomas
Socio5 5 Rizal At University of Santo Tomas
 
Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola
Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si violaKabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola
Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola
 
rizal Kabanata 1
rizal Kabanata 1rizal Kabanata 1
rizal Kabanata 1
 
ikalawang paglalakbay ni rizal
ikalawang paglalakbay ni rizalikalawang paglalakbay ni rizal
ikalawang paglalakbay ni rizal
 
Rizal sa europa (1882 1892)
Rizal sa europa (1882 1892)Rizal sa europa (1882 1892)
Rizal sa europa (1882 1892)
 
Ang mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa Pilipinas
Ang mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa PilipinasAng mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa Pilipinas
Ang mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa Pilipinas
 
Rizal
RizalRizal
Rizal
 
Chapter 5 medical studies at the ust
Chapter 5 medical studies at the ustChapter 5 medical studies at the ust
Chapter 5 medical studies at the ust
 
Chapter 12: Romantic Interlude in Japan
Chapter 12: Romantic Interlude in JapanChapter 12: Romantic Interlude in Japan
Chapter 12: Romantic Interlude in Japan
 
Kabanata 17 mga kasawian sa madrid (hand out) by sheena bernal
Kabanata 17 mga kasawian sa madrid (hand out) by sheena bernalKabanata 17 mga kasawian sa madrid (hand out) by sheena bernal
Kabanata 17 mga kasawian sa madrid (hand out) by sheena bernal
 
Chapter v
Chapter vChapter v
Chapter v
 
Chapter 4
Chapter 4Chapter 4
Chapter 4
 
Chapter10
Chapter10Chapter10
Chapter10
 
Rizal as a Student
Rizal as a StudentRizal as a Student
Rizal as a Student
 
Lakbay Rizal sa intramuros: Rizal in Ateneo and UST
Lakbay Rizal sa intramuros: Rizal in Ateneo and USTLakbay Rizal sa intramuros: Rizal in Ateneo and UST
Lakbay Rizal sa intramuros: Rizal in Ateneo and UST
 

Ähnlich wie kabanata_5_jose_rizal.pptx.pdf

Kabanata-4-Rizal.pdf
Kabanata-4-Rizal.pdfKabanata-4-Rizal.pdf
Kabanata-4-Rizal.pdfgeegee45
 
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptx
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptxTALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptx
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptxssuser5bf3a1
 
kabanata4-mgagantimpalangnatamosaateneodemanilabyvaneindreetorres-17031909585...
kabanata4-mgagantimpalangnatamosaateneodemanilabyvaneindreetorres-17031909585...kabanata4-mgagantimpalangnatamosaateneodemanilabyvaneindreetorres-17031909585...
kabanata4-mgagantimpalangnatamosaateneodemanilabyvaneindreetorres-17031909585...nodadochristoper24
 
kabanata4-mgagantimpalangnatamosaateneodemanilabyvaneindreetorres-17031909585...
kabanata4-mgagantimpalangnatamosaateneodemanilabyvaneindreetorres-17031909585...kabanata4-mgagantimpalangnatamosaateneodemanilabyvaneindreetorres-17031909585...
kabanata4-mgagantimpalangnatamosaateneodemanilabyvaneindreetorres-17031909585...nodadochristoper24
 
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)Arianne Falsario
 
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGEREDR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGEREMarvie Aquino
 
Rizal and His Heavenly Father that Ousted Him During the Spanish Colonization
Rizal and His Heavenly Father that Ousted Him During the Spanish ColonizationRizal and His Heavenly Father that Ousted Him During the Spanish Colonization
Rizal and His Heavenly Father that Ousted Him During the Spanish Colonizationkresyanami
 
El filibusterismo.pptx
El filibusterismo.pptxEl filibusterismo.pptx
El filibusterismo.pptxRomelDudas
 
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02Anjie Panchito
 
Edukasyon ni Rizal
Edukasyon ni RizalEdukasyon ni Rizal
Edukasyon ni Rizalyel08
 
Noli Me Tangere (2).pptx
Noli Me Tangere (2).pptxNoli Me Tangere (2).pptx
Noli Me Tangere (2).pptxNielDestora
 

Ähnlich wie kabanata_5_jose_rizal.pptx.pdf (20)

Kabanata-4-Rizal.pdf
Kabanata-4-Rizal.pdfKabanata-4-Rizal.pdf
Kabanata-4-Rizal.pdf
 
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptx
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptxTALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptx
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptx
 
KABANATA-4.pptx
KABANATA-4.pptxKABANATA-4.pptx
KABANATA-4.pptx
 
kabanata4-mgagantimpalangnatamosaateneodemanilabyvaneindreetorres-17031909585...
kabanata4-mgagantimpalangnatamosaateneodemanilabyvaneindreetorres-17031909585...kabanata4-mgagantimpalangnatamosaateneodemanilabyvaneindreetorres-17031909585...
kabanata4-mgagantimpalangnatamosaateneodemanilabyvaneindreetorres-17031909585...
 
kabanata4-mgagantimpalangnatamosaateneodemanilabyvaneindreetorres-17031909585...
kabanata4-mgagantimpalangnatamosaateneodemanilabyvaneindreetorres-17031909585...kabanata4-mgagantimpalangnatamosaateneodemanilabyvaneindreetorres-17031909585...
kabanata4-mgagantimpalangnatamosaateneodemanilabyvaneindreetorres-17031909585...
 
Report g9
Report g9Report g9
Report g9
 
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
 
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGEREDR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
 
Rizal and His Heavenly Father that Ousted Him During the Spanish Colonization
Rizal and His Heavenly Father that Ousted Him During the Spanish ColonizationRizal and His Heavenly Father that Ousted Him During the Spanish Colonization
Rizal and His Heavenly Father that Ousted Him During the Spanish Colonization
 
Rizal
RizalRizal
Rizal
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 
El filibusterismo.pptx
El filibusterismo.pptxEl filibusterismo.pptx
El filibusterismo.pptx
 
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02
 
Talambuhay ni Rizal.pptx
Talambuhay ni Rizal.pptxTalambuhay ni Rizal.pptx
Talambuhay ni Rizal.pptx
 
Rizal
RizalRizal
Rizal
 
Edukasyon ni Rizal
Edukasyon ni RizalEdukasyon ni Rizal
Edukasyon ni Rizal
 
Buhay ni rizal
Buhay ni rizalBuhay ni rizal
Buhay ni rizal
 
Noli Me Tangere (2).pptx
Noli Me Tangere (2).pptxNoli Me Tangere (2).pptx
Noli Me Tangere (2).pptx
 

kabanata_5_jose_rizal.pptx.pdf

  • 1. KABANATA 5: Pag-aaral ng Medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas (1877-1882)
  • 2. Ang Unibersidad ng Santo Tomas (dinadaglat bilang UST), na mas kilala sa pangalang University of Santo Tomas (Universidad de Santo Tomás) at minsan ring Pamantasan ng Santo Tomas, ay isang pamantasan sa Maynila na itinaguyod noong taong 1611 ng Dominikano na si Miguel de Benavides, Arsobispo ng Maynila kasama sila Domingo de Nieva at Bernardo de Santa Catalina. Unang tinawag ito sa pangalang Colegio Nuestra Señora del Santísimo Rosario hanggang sa pinangalanan ulit ito bilang Colegio de Santo Tomás bilang pag-gunita sa Dominikano na si Santo Tomas de Aquino. Noong taong 1645, itinaas ni Inocencio X ang kolehiyo sa antas ng isang pamantasan.
  • 3. Ang buong pangalan ng pamantasan ay "Ang Pontipikal at Maharlikang Unibersidad ng Santo Tomas, ang Pamantasang Katoliko ng Pilipinas". Ipinagkaloob ni Carlos III ng Espanya sa pamantasan ang titulong "Maharlikang Pamantasan" dahil sa ipinamalas na katapangan at katapatan ng pangasiwaan at mga estudyante laban sa paglusob ng mga kawal ng Inglatera sa Maynila. Iginawad ni León XIII sa pamantasan ang titulong "Pontipikal na Pamantasan" sa taong 1902 at ipinagkaloob naman ni Pío XII dito ang titulong "Ang Pamantasang Katoliko ng Pilipinas" sa taong 1974. Ang Unibersidad ng Santo Tomas ay ang pinakamalaking pamantasang Katoliko sa buong mundo sa bilang ng mga mag-aaral sa isang kampus. Dating Unibersidad ng Santo Tomas (1611)
  • 4. Unibersidad ng Santo Tomas. Pagkaraan ng unang taon sa kursong Pilosopiya at Sulat (1877-78), lumipat siya sa kursong Medisina. Kahit nag- aaral ng medisina sa unibersidad na pinamamahalaan ng mga Dominiko, kalaban ng mga Heswita sa edukasyon, nananatiling tapat si Rizal sa Ateneo, kung saan marami siayang sinalihang gawain at nagpatuloy ng pag-aaral sa kurso sa pagsasarbey. Bilang isang Tomasino, nanalo siya ng maraming gantimpala sa literatura, nagkaroon ng ibang pag-ibig, at nakipaglaban sa mga estudyanteng Espanyol na mapang-insulto sa kakayahan ng mga estudyanteng Pilipino. ibig ni Rizal, hindi naman ito nakaapekto sa kanyang pag-aaral sa Sa kabutihang palad, kahit nabigo at naging mapait ang unang pag- zal Ri Jose
  • 5. Ang Oposisyon ng Ina sa Mataas na Pinag-aralan. Pagkaraang magtapos sa Ateneo nang may pinakamataas na karangalan, nagtungo si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas para magpatuloy ng pag-aaral. Noong panahon ng espanyol, ang Batsilyer sa Sining ay katumbas lamang ngayon ng mataas na paaralan at mga unang taon sa kolehiyo. Noon ito’y maari lamang kuwalipikasyon ng isang nagtapos para makapasok sa isang unibersidad. Kapwa nais nina Don Francisco at Paciano na makapakarera si Jose sa isang unibersidad. Ngunit si Dona Teodora, laging naaalala ang nangyari sa Gom-Bur-Za, ay tutol na tutol sa ganitong ideya, at sinabi niya sa kanyang asawa: “ Huwag mo na siyang ipadala pa sa Maynila; marami na siyang alam, tiyak na mapupugutan na siya ng ulo.”
  • 6. Pumasok si Rizal sa Unibersidad. Noong Abril 1877, si Rizal na noo’y maglalabing-anim na taong gulang, ay nagmatrikula sa Unibersidad ng Santo Tomas para sa kursong Pilosopiya at Sulat. Sa kursong ito siya nag-enrol dahil ito ang gusto ng kanyang ama , at “hindi pa ako sigurado sa magiging karera ko.” Sumulat siya at humingi ng payo sa Padre Rektor. Nang panahong iyon, nasa Mindanao ang Padre Rektor kaya hindi siya napayuhan kaagad. Kaya noong unang taon sa Unibersidad ng Santo Tomas (1877-78), nag- aral si Rizal ng Kosmolohiya, Metapisika, Teodisiya at Kasaysayan ng Pilosopiya. Padre Pablo Ramon - Rektor ng Ateneo na naging mabuti sa kanya noong estudyante siya ng kolehiyong iyon.
  • 7. Tinapos ang Kurso sa Pagsasarbey sa Ateneo (1878) Noong unang taon sa Unibersidad ng Santo Tomas (1877-78), nag-aaral di si Rizal sa Ateneo. Kumuha siya ng kursong bokasyonal na nagbigay sa kanya ng titulong perito agrimensor (dalubhasang agrimensor). Sa edad na 17, naipasa niya ang eksamen sa kursong pagsasarbey, ngunit hindi kaagad naigawad sa kanya ang titulong agremensor dahil wala pa siya sa edad. Naibigay lamang ang titulong ito noong Nobyembre 25,1881. Bagaman Tomasino, madalas pa rin dinadalaw ni Rizal ang Ateneo. Patuloy siyang naging aktibo sa mga gawain sa Ateneo. Naging pangulo siya ng Akademya ng Literaturang Espanyol at kalihim ng Akademnya ng mga Likas na Agham. Ipinagpatuloy parin nya ang pagiging miyembro ng Kongregasyon ni Maria, at kung saan siya nag kalihim.
  • 8. Mga Pag-ibig ni Rizal. Isa siyang pangaraping romantiko na gusto ring “makatikim ng pag-ibig.” Ang malungkot niyang karanasan sa unang pag-ibig ay nakatulong para matutunan niyang maging mas matalino sa larangan ng pag-ibig. Pagkaraang mawala sa kanya si Segunda Katigbak, niligawan niya ang isang dalagang taga-Calamba. Sa kanyang talaarawan, tinawag niya itong “Binibining L”, at nilalarawan niyang “maganda at may kahali-halinang mga mata”. Walang nakakaalam kung sino ang dalagang ito. Gayunman, sinabi ni Rizal ang dalawang dahilan bakit nagbago ang isip niya: Iniibig parin niya si Segunda, at hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ni “Binibining L ”
  • 9. Dona Concha Leyba - nangupahan si Rizal sa bahay niya. Kapitan Juan at Kapitana Sanday Valenzuela – Kapitbahay ng Dona sa Intramuros. Tubong Pagsanjan, Laguna.
  • 10. Segunda Solis Katigbak (1863 - 1943) • Ipinanganak noong 1863. • Ikinasal kay Manuel Mitra Luz noong January 12, 1879. • Namatay noong January 16, 1943.
  • 11. Niligawan ni Rizal si Leonor Valenzuela, na isang matangkad na babaing maganda ang tindig. Pinapadalhan niya ito ng liham ng pag-ibig na nakasulat sa tintang di- nakikita. Ang tinta ay gawa sa ordinaryong asin at tubig. Hindi ito nakikita sa papel. Si Rizal, na mahusay sa kimika, ang nagturo kay Orang (palayaw ni Leonor Valenzuela) ng lihim sa pagbasa ng anumang talang nakasulat sa tintang di nakikita. Pinapainit ito sa ibabaw ng kandila o lampara upang lumitaw ang mga salita. Ngunit, tulad ng kay Segunda, tumigil siya sa panliligaw kay Orang. Valenzuela Leonor
  • 12. Kolehiyo ng La at kaibigan. • Ipinanganak noong Abril 11, 1867. • Namatay noong Augosto 28, 1893. • Ikinasal kay Hennry Charles Kipping noong Hunyo 17, 1890. Ang sumunod na pag-ibig ni Rizal ay sa isa pang Leonor---- Concordia, kung saan nagaaral din si Soledad (bunsong kapatid ni Rizal), Si Leonor ay tubong- Camiling, Tarlac. Maganda siya, “mayumi gaya ng namumukadkad na bulaklak, na may mabubuting mata.” Nagkasundo sina Leonor at Jose. Sa kanyang mga liham kay Rizal “Tamis” ang inilalagdang ngalan ni Leonor ng sa gayon ay maitago nila ang kanilang relasyon sa mga magulang Leonor Rivera na pinsan niyang taga-Camiling. 1893) Leonor Rivera Kipping (1867-
  • 13. • Casa Tomasina - dito nanirahan si Rizal ng siya ay nasa ikatlong taon sa Unibersidad noong 1879. Ito ay nasa Blg. 6 Kalye Santo Tomas, Intramuros. • Antonio Rivera - may ari ng bahay at tiyuhin niya. Ama ni Leonor Rivera.
  • 14. Biktima ng Kalupitan ng Opisyal na Espanyol. Isang madilim na gabi sa Calamba, noong 1878, naglalakad siya sa kalsada. Hindi niya napansin ang isang lalaki ng nadaanan niya. Dahil hindi niya kilala ang anino, hindi niya nasaluduhan ni nabati ito ng “Magandang Gabi.” Dahil sa nangyari, nagalit ang tenyente ng Guardias Civiles at hinampas ng kanyang espada at sinaktan ang likuran.
  • 15. • Heneral Primo de Rivera - Espanyol na gobernador-heneral ng Pilipinas ng panahong iyon • Marso 12, 1887 -isinulat ang isang liham kay Blumentrit.
  • 16. “Para sa Kabataang Pilipino” (1879) • Liceo Artistico-Literario - isang samahan ng mga mahilig sa sining at panitikan. • “A La Juventud Filipina” ( Para sa Kabataaang Pilipino) – tulang isinumite ni Rizal noong siya ay 18 taong gulang. Hinangaan ang tula si Rizal ng mga Inampalan, na binubuo ng mga Espanyol. Iginawad dito ang unang gantimpala na isang pilak na panulat, hugis- pakpak at may dekorasyon na gintong laso. Ang nagwaging tula ay tulang nagbibigay ng inspirasyon. Sa pamamagitan ng magagandang berso, hinihiling ni Rizal sa kabataang Pilipino na imulat na ang mga mata sa mga nangyayari sa kanilang paligid, na hayaang pumailanlang ang kanilang talino sa sining at agham, at lagutin ang tanikalang pumipigil sa diwa nila bilang tao.
  • 17. “Ang Konseho ng mga Diyos” (1880) • Cervantes - dakilang Espanyol na manunulat at awtor ng Don Quixote. • El Consejo de los Dioses (Ang Konseho ng mga Diyos) - ang isang dulang alegorikal na isinumite ni Rizal. Iginawad ng mga Inampalan ang unang gantimpala sa trabaho ni Rizal dahil pinakamahusay ang pagkakasulat nito sa lahat ng mga kalahok. Isang Espanyol na manunulat, si D.N. del Puzo, ang nanalo ng pangalawang gantimpala. Sa kauna- unahang pagkakataon, isang indio– isang labinsiyam na taong gulang na estudyante ng medisina– ang nanguna sa isang pambansang paligsahan sa panitikan, at tinalo ang maraming manunulat na Espanyol nang panahong iyon.
  • 18. Ang nagawaing alegorya ni Rizal ay isang obra maestrang batay sa mga klasikong Griyego. Sa pagsulat nito, si Rizal , bagaman estudyante ng UST, ay tinutulungan ng mabait na Padre Rektor ng Ateneo sa pangangalap ng kinakailangang materyales. Nagtatag ang alegorya ng pagkakatulad nina Homer, Virgil, at Cervantes. Tinalakay ng mga diyos ang mga merito ng mga dakilang manunulat na ito, at nagpasyang igawad ang trumpeta kay Homer, ang lira kay Virgil, at lawrel kay Cervantes. Ang alegorya ay masayang nagtapos sa pagsasaya ng mga ada, diwata, ata iba pang tauhang mitolohikal.
  • 19. Iba pang Pampanitikang Gawain. • Junto al Pasig (Sa Tabi ng Pasig) - isang sarsuwelang nilikha ni Rizal. • Immaculada Concepcion - ang Patron ng Ateneo. • Disyembre 8, 1880 - pista ng Immaculada Concepcion. • Akademya ng Literaturang Espanyol sa Ateneno - naging pangulo si Rizal.
  • 21. Directed by: Prof. Dennis D. Gupa
  • 22. • A Filipinas (1880) - isang sonatang isinulat ni Rizal para sa album ng Samahan ng mga Iskultor na nanghihikayat na magbihay–dangal sa Pilipinas ang mga artistang Pilipino. • Abd-el-Azis y Mahoma (1879) – tulang nilikha ni Rizal • Manuel Fernandez - isang Atenista, bumigkas ng tula noong Disyembre 8, 1879 bilang parangal sa Patron ng Ateneo. • Al M.R.P. Pablo Ramon (1881) - isang tulang isinulat ni Rizal nagpapakita ng pagmamahal kay Padre Pablo Ramon, ang rektor ng Ateneo, na naging mabuti at matulungin sa kanya.
  • 23. Pagbisita ni Rizal sa Pakil at Pagsanjan. Noong Mayo 1881, nang siya ay estudyante ng medisina sa UST, sumama si Rizal sa peregrinasyon sa bayan ng Pakil, kilalang damba ng Birhen Maria delos Dolores. Kasama niya ang mga kapatid na sina Saturnina, Maria, Trinidad, at kanilang mga kaibigang babae. Sumakay siya sa kasko mula Calamba papuntang Pakil, Laguna, at tumuloy sila sa bahay nina G. at Gng. Manuel Regalado, ng ang anak na si Nicolas ay kaibigan ni Rizal sa Maynila.
  • 24.
  • 25. • Vicenta Ybardolaz - isang magandang kolehiyalang mahusay tumugtog ng alpa sa tahanan ng mga Regalado. Pagkaraan ng ilang taon, binanggit ni Rizal ang turumba sa Kabanata VI ng Noli Me Tangere at Talon ng Pagsanjan sa kanyang talaarawan niya (Estados Unidos– Sabado, Mayo 12 1888) , kung saan sinabi niya napakaganda nga ng Talon ng Niagara ngunit “hindi kasingganda ng Talon ng Los Banos, Pagsanjan”
  • 27. Kampeon ng mga Estudyanteng Pilipino. Si Rizal ang kampeon ng mga estudyanteng Pilipino na madalas na napapaaway sa mayayabang na estudyanteng Espanyol. Hindi matanggap ng mga ito na nahihigitan sila ng Pilipino, kapag iniinsulto nila ay tinatawag na “Indio, chongo!” bilang ganti, tinatawag naman sila ng mga pilipino na “Kastila, bangus!”, na madalas nauuwi sa pag-aaway sa lansangan. • Companerismo (1880) - lihim na samahan ng mga estudyanteng Pilipino sa UST na itinatag ni Rizal. • “Kasama ni Jehu” - tawag sa mga kasapi ng samahan. • Galicano Apacible - pinsan ni Rizal taga-Batangas na siyang naging kalihim.
  • 28. Sa isang labanan ng mga estudyanteng Pilipino at Espanyol sa may Escolta sa Maynila, nasugatan sa ulo si Rizal. Duguan at nababalutan ng alikabok, dinala siya ng mga kaibigan sa kanyang inuupahang bahay, sa Casa Tomasina. Masuyong nilinis at ginamot ni Leonor Rivera ang kanyang sugat. Mula sa “Jose Rizal The Movie”
  • 29. Malulungkot na araw sa UST. Si Rizal, na mahusay na mag-aaral ng Ateneo, ay hindi nagustuhan ang atmospera ng edukasyon sa UST. Hindi siya masaya sa institusyong Dominikano dahil hindi maganda ang pagtingin sa kanya ng mga Dominikanong propesor, mababa ang pagtingin sa mga estudyanteng Pilipino at sinauna at mapang-api ang sistema ng pagtuturo. Dahil sa ganitong ugali ng kanyang mga propesor, si Rizal, ang pinakamahusay na estudyante ng Ateneo, ay hindi nagkamit ng mataas na karangalan. Bagaman ang grado niya noong unang taon niya sa kursong pilosopiya ay “pinakamahusay,” hindi kahanga-hanga ang mga nakuha niya sa apat na taon niya sa kursong medisina.
  • 30. 1878-79 ( Medisina) – Unang Taon Pisika ---------- Mainam Kimika----------Pinakamahusay Likas na kasaysayan---------- Mahusay Anatomiya 1 ---------- Mahusay Disekyon 1 ----------Mahusay 1879-80 (Medisina)- Ikalawang Taon Anatomiya 2---------- Mahusay Disekyon 2----------Mahusay Pisiolohiya----------Mahusay Pribadong Kalusugan----------Mahusay Pampublikong Kalusugan----------Mahusay 1880-81 (Medisina) – Ikatlong taon Panlahatang Patolohiya---------Mainam Terapyutiks----------Pinakamahusay Siruhiya----------Mahusay 1881-82 (Medisina)- Ikaapat na Taon Medikal na Patolohiya---------Mahusay na mahusay Pansiruhiyang Patolohiya----------Mahusay na mahusay Obsterika----------Mahusay na mahusay
  • 31. Desisyong Makapag-aral sa Ibang Bansa. Nagpasya si Rizal na mag-aral sa Espanya pagkaraang matapos ang ikaapat na taon sa kursong medisina. Hindi na niya makayanan ang malawakang panlalait, deskriminasyon, at pagkapoot sa UST. Kaagad namang sinang-ayunan ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaki ang kanyang desisyong magpunta sa Espanya. Hindi humingi si Rizal ng permiso at pagbasbas mula sa mga magulang sa kauna-unahang pagkakataon dahil alam niyang salungat sila. Hindi rin niya sinabihan ang kanyang mahal na si Leonor. Alam niyang si Leonor, dahil babae, bata at romantika, ay hindi makapagtatago ng isang lihim. Pinili ni Jose na mangibang-bayan para magpatuloy ng kanyang pag-aaral ng medisina sa Espanya, kung saan ang mga propesor doon ay mas liberal kaysa sa Unibersidad ng Santo Tomas.