SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 53
ARALIN 5: KASAYSAYAN NG
WIKANG PAMBANSA
(UNANG BAHAGI)
ANG PINAGMULAN NG WIKA
Ang mga lingguwistang nag-aral at
nagsuri ng wika ay nakakalap ng iba’t
ibang teorryang maaring magbigay
linaw sa painagmulan ng wika. Ang ila
sa mga ito ay makikita sa ibaba.
PINAGMULAN SA BANAL NA PAGKILOS
NG PANGINOON
• Pinagmulan sa Banal na Pagkilos ng Panginoon
• Ang mga teolohgo ay naniniwalang ang pinagmulan ng
wika ay matatagpuan sa banal na aklat. Sa Genesis 2:20
naisulat na ““At ipinangalanan ng lalaki ang lahat ng
mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang
bawat ganid sa parang.” Ayon sa bersong ito,
magagamit kasabay ng pagkalalang sa tao ay ang
pagsilang din ng wika na ginagamit sa
pakikipagtalastasan.
• (Basahin ang Genesis 11-1-9 Ang Bagong
Magandang Balita Bibliya)
Tore ng Babel
Tore ng Babel
• Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang
panahon kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang
tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng
Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang
langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at
mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na
higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng
kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang
magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan
at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita.
EBOLUSYON
• Ayon sa antropologo, masasabi raw na sa pagdaan ng
panahonang mga tao ay nagkakaroon ng mas
sopistikadong pag-iisip. Umuunlad ang kakayahanng
taong tumuklas ng mga bagay na kakailanganin nila
upang mabuhay kaya sila au nakadiskubre ng mga
wikang kanilang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Sa
huling bahagi ng ika-12 siglo, ang mga iskolra ay
nagsimulang mag-usisa kung paanong ang tao
nagkakaroon ng mga wika. Nagsulputan ang sumusunod
na mga teoryang nagtatangkang ipaliwanag ang
pinamulan ng wika.
Mga Teorya ng Wika
• Teoryang Ding Dong
• Ang wika ay nagmula raw sa panggagaya ng mga dahilan ng mga
sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan. Sinasabing ang mga
paggaya sa mga tunog ng kalikasan ay bunga ng kawalan ng
kaalaman sa mga salita ng mga saunang tao. Ipinapakita sa
teoryang ito na ang lahat na bagay ay may sariling tunog na
maaring gamitin upang pangalanan ang isang bagay na iyon.
• Halimbawa:
• Boom- tunog ng pagsabog
• Splash- paghampas ng tubig sa isang bagay
• Whoosh- sa pag- ihip ng hangin
TEORYANG BOW-WOW
• Ang wika raw ay nagmula sa paggaya ng sinaunang tao
sa mga tunog na nililikha ng mga hayop. Pinaniniwalaang
nabuo ng mga primitibong tao ang knilang mg unang
salita sa panggagaya sa mga ito. Sinasabi pang kaggaya
ng mga sanggol na nag- uumpisang magsalita, ginagaya
ng mga ito ang mga tunog ng kanilang naririnig.
• Halimbawa:
• bow- wow para sa aso
• ngiyaw para sa pusa
• kwak- kwak para sa pato
• moo para sa baka
TEORYANG POOH-POOH
•Ang wika ay nagmula raw sa mga salitang
namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang
nakarandaman sila ng masidhing damdamin tulad
ng tuwa, galit, sarap, kalungkutan, at pagkabigla.
•Halimbawa:
• Ang patalim ay tinatawag na ai- ai sa Basque
sa kadahilanang ai- ai ang winika kapag nasaktan.
(Ai- ai- “aray”
TEORYANG TA-TA
• Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o
galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila. Ito raw ay
naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumilikha ng tunog
at matutong magsalita.
• Halimbawa:
• Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay
nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag
ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay
ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at
pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang
ta-ta.
TEORYANG YO-HE-HO
• Batay sa teoryang ito, ang wika ay nabuo mula sa pagsama-
sama, lalo na kapag nagtatrabaho nang magkakasama. Ang mga
tunog o himig na namumutawi sa bibig ng tao kapag sila ay
nagtatrabaho nang sama- sama ay sinasabing pinagmulan ng
wika.
• Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003)
na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang
pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog
kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog
ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na
bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang
mga ina ay nanganganak?
TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY
• Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may
mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa
pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda,
pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot,
maging sa paliligo at pagluluto.
• Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw,
pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa teoryang
ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na
kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y
nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang
kahulugan.
TEORYANG YUM-YUM
•Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao
ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa
alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon.
Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila.
Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng
mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng
wika
•Kasaysayan ng Wikang Katutubo
• Sa unang bahagi ng araling ito ay natutuhan
mo ng iba’t ibang teoryang nagtatangkang
ipaliwanag ang pinagmulan ng wika. Ngayon
naman ay malalaman natin ang pinamulan ng
ating wikang pambansa. Maraming tanong ang
sasagutinng paglalahad ng kasaysayang ito. Bago
pa man ito italaga bilang wikang pambansa ay
marami na rin itong pinagdaanan. Ating alamin
alamin aang kasaysayan ng wikang pambasa.
Panahon ng katutubo
•1. Teoryang Pandarayuhan
Kilala ang teoryang ito sa taguriang
wave migration theory na pinasikat ni
Dr. Henry Otley Bayer. Siya ay niniwala
na may tatlong pangkat na dumating
sa Pilipinas na nagpagsimula ng
lahing Pilipino. Ito ay ang ay ang mga
grupo ng:
NEGRITO MALAY INDONES
• Nasira ang teorya ni Bayer nang
matagpuan ng pangkat ng arkeologo ng
pambansang Museo ng Pilipina sa
pangungununa ni Dr. Robert B. Fox ang
harap ng bungo at isang buro ng panga
sa yungib ng Tabon ng Palawan noong
1962. Ang natagpuang bungong ito ng
tao ang nagpatunay na mas unang
dumating sa Pilipinas ang tao kasya sa
Malaysia na sinasabing siyang
pinaggalilingan ng mga tao
•Ito ang tawag sa labi na natagpuan sa loob ng
yungib ng Tabon na tinatayang may 50, 000 taon
na ang nakaraan. Kasama sa nahukay ang ilang
kagamitang bato tulad ng chertz, buto ng ibon at
paniking nagpapatunay na nabuhay ang mga
taong ito sa pagkuha ng pagkain, at mga bakas ng
uling na katibayan ng kaalaman sa pagluluto ng
pagkain.
• Sa makabagong impormasyong nakalap noong
1962, lumabas ang unang nagkaroon ng tao sa
Pilipinas kaysa sa Malaysia at sa
Indonesia.Pinatunayan ito nina Landa Jocano
at ng mga mananaliksik ng National Museum
na ang bungong natagpuan ay kumakatawan
sa unang lahi sa Pilipinas. Ayon sa kanilang
pagsusuri, ang Taong Tabon ay nagmula sa
specie ng Taong peking, (Homo Sapiens) at
Taong Java (Homo Erectus)
•Ngunit makalipas ang ilang
taon ay natagpuan ni Dr.
Armand Mijares ng isang buto
ng paa na sinasabing mas
matanda pa sa isang taong
Tabon sa kweba ng Callo,
Cagayan na sinasabing
nabuhay nang 67, 000 taon na
ang nakalipas.
TEORYA NG PANDARAYUHAN MULA SA
REHIYONG AUSTRONESYANO
•Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang
Pilipino ay nagmula sa lahing
Austronesyano na hinango sa salitang
Latin na “auster” na nangangahugang
southwind at “nesos” na ang ibig
sabihin ay isla.
AYON KAY WILHEIM
SOLHEIM, NAGMULA ANG
AUSTRONESYANO SA MGA
ISLA NG SULU AT CELEBES
NA TINATAWAG NA
NUSANTAO NA
NAGKALAKALAN,
MIGRASYON, AT NAG-
ASAWA AT KUMALAT SA
IBA’T- IBANG PANIG NG
REHIYON.
• Kinikilala ang Pilipino bilang unang
nakatuklas ng bangkang may katig
bilang pinakaunang Austronesian. Sa
paglipas ng panahon ay naging
makabago ang pamamaraan ng
paglalayag ng mga Pilipino na siyang
naging dahilan ng pagkalat ng lahing
Austronesian sa iba’t- ibang panig ng
daigdig tulad ng Timog- Silangang
Asya, Australia, New Zealand, Timog
Africa, at Timog AmerikaAyon naman
kay Peter Bellwood ng Australia
National University, ang
Austronesyano ay nagmula sa Timog
Tsina at Taiwan na nagtungo sa
Pilipinas noong 5 000 BC.
Bangkay May Katig
• Kinikilala ang Austronesian na
nagpaunlad ng pagtatanim ng
palay at ng rice terracing na tulad
ng Hagdan- hagdang Palayan sa
Banawe. Naniniwala ang
Austronesian sa mga anito na
naglalakbay sa kabilang
buhaygayundin ang paglibing sa
mga patay sa isang banga tulad
ng nagtagpuan sa Manunggul
Cave sa Palawan.
Banaue Rice Terraces
Manunggul Cave
• Kung susuriin, batay sa mga nabanggit na mga
teorya, ang uang taong nananinirahan sa Pilipinas ay
nagtataglay ng ng mga patakarang pangkabuhayan ,
kultura, at paniniwalang pangrehiyon. Gayundinn,
mahihinuha na sila may ay may sarili nang wikang
ginagamit bagama’t pinaniniwalaang walang isang
wikang nananiig sa Pilipinas noon. Gayunpaman,
napatunayang marunong sumulat at magbasa amg
mga katutubo. May sinusunod silang pamamaraan
ng paggamit ng baybayin nila.
• Ito ay nakasulat sa biyas ng kawayang
matatagpuan sa Museo ng Aklatang
Pambansa at ng Unibersidad ng Santo
Tomas. Sinasabing malaking bahagi
ng kanilang ginagawa noon ay hindi
na matagpuan sapagkat sinunog na
ng mga dayuhang Espanyol ang mga
ito sa dahilang kagagawan daw ito ng
diyablo. Maliban sa dahilang iyon,
nabuo sa kanilang sarili na magiging
sagabal iyon sa pagpapalaganap nila
ng pananampalatayang Katoliko,
Larawan ng
Baybayin na
nasa Biyas ng
Kawayan
• Ang baybayin ay binubuo ng labimpitong titik- tatlong
patinig at labing apat na katinig. Ang baybayin ay
binubuo ng labimpitong titik- tatlong patinig at labing
apat na katinig. Binibigkas ang katinig na may kasamang
tunog na patinig /a/. Kung ag patinig ay biibikasin ng
may kasamang patinig na /e/ o /i/ nilalagyan ng tuldok sa
itaas, samantalang tuldok sa ibaba naman kung nais
isama ay /o/ o /u/.
• Gumagamit ang baybayin ng dalawang guhit na
pahilis (//) sa hulihan ng pangungusap.
PANAHON NG ESPANYOL
• Layunin nilang ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang
Kristiyanismo.
• Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang “BARBARIKO, DI
SIBILISADO AT PAGANO” ang mga katutubo noon kaya’t
dapat lamang nilang gawing sibilisado ang mga ito sa
pamamagitan ng pananampalataya.
• Naniniwala ang mga Espanyol noong mga panahong iyon na
mabisa ang paggamit ng katututbong wika sa
pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong
Espanyol.
• Ang mga PRAYLENG ESPANYOL ang siyang naging institusyon ng
Pilipino.
• Agustino, Pransiskano, Dominikano, Heswita, At Rekoleto
• -mga orden ng misyonaryong Espanyol na nangasiwa
nagpalaganap ng relihiyon, patahimikin, at gawing masunurin
ang mga Pilipino
• Gobernador Tello
• -nagmungkahi na turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol
• Carlos I at Felipe II
• -naniniwalang kailangang maging bilingguwal ng mga Pilipino.
at inimungkahi ni Carlos I ang paggamit ng Doctrina
Christiana gamit ang wikang Espanyol.
• Sa huli napalapit ang mga katutubo sa mga prayle dahil sa wikang katutubo
ang ginamit nila samantalang napalayo naman sa pamahalaan dahil sa
wikang Espanyol na gamit nila.
• Muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang
Espanyol sa lahat ng katutubo noong ika – 2 ng Marso 1634.
• Nabigo ang nabanggit na kautusan kaya si Carlos I ay lumagda ng isang
dekrito na inuulit ang probisyon ng nabanggit na kautusan. Nagtakda din
siya ng parusa sa mga hindi susunod dito.
• Noong Disyembre 29, 1972, si Carlos IV ay lumagda sa isang dekrito na nag-
uutos na gamitin ang wikang Espanyol sa lahat ng paaralang itatag sa
pamayanan ng mga Indio.
• Sa panahong ito, lalong nagkawatak- watak ang mga Pilipino. Matagumapay
na nahati at nasakop ng mga Espanyol ang mga katutubo. Hindi nila itinanim
sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis sa
kanilang mga damdamin.
PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO
• Sa panahong ito nagkaroon ng Kilusan ng Propagandista noong
1872 na siyang nagmula ng kamalayan upang maghimagsik. Itinatag
din ni Andres Bonifacio ang katipunan.
• Ang wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang kautusan at pahayagan.
Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa pagtataguyod ng
wikang tagalog.
• Nang panahong iyon sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino
ang kaisipang “isang bansa, isang diwa” laban sa mga Espanyol.
• Pinili nila na gamitin ang Tagalog sa pagsulat ng mga sanaysay, tula,
kuwento, liham, at mga talumpati sa pamumuno ng damdaming
makabayan.
• Masisidhing damdamin laban sa mga Espanyol ang
pangunahing paksa ng kanilang isinusulat. Kahit si Dr. Jose
Rizal at iba pang propagandista na sumulat na gamit ang
wikang Espanyol ay nakababatid na ang wika ay malaking
bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila.
• Konstitusyong Biak- na- Bato noong 1899 ang nagpatibay sa
na gamitin ang Tagalog bilang wika bagama’t walang
nakasaad na ito ang ang magiging wikang pambansa ng
Republika.
• Nang itinatag ang unang republika sa pamumuno ni
Aguinaldo, isinaad sa konstitusyon na ang paggamit ng
wikang Tagalog ay opisyal. Doon lamang sa mga gawaing
nangangailangan ng paggamit ng wikang Tagalog ito
gagamitin
ARALIN 6: KASAYSAYAN NG
WIKANG PAMBANSA
(IKALAWANG BAHAGI)
PANAHON NG MGA AMERIKANO
•Pagkatapos ng mga konyalistang Espanyol,
dumating naman ang mga Amerikano sa
pamumuno ni Almirante Dewey. Nagsimula na
naman ang pakikibaka ng mga Pilipino.
Lalong nabago ang sitwasyong pangwika ng
Pilipinas dahil nadagdag ang wikang Ingles na
nagkaroon ng malaking kaugnayan sa buhay
ng Pilipino.
• Ginamit ang wikang Ingles sa panahon ito na ginamit sa
paaralan bilang wikang panturo sa primayra hanggang
kolehiyo at wikang pantalastasan. Dahil sa pagnanais na
maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting
pakikipag- ugnayan, nagkaroon ng pambansang sistemang
edukasyon sa kapuluan. Inaasahan na sa sistemang ito,
magiging tama ang edukasyon ng mamamayan, masaklaw
at magtuturo sa mga Pilipino ng pamamahala sa bayan, at
higit sa lahat mabibigyan din sila ng wikang mauunawaan
ng lahat para sa mabisang pakikipagtalastasan sa buong
kapuluan.
• Ang komisyong pinangungunahan ni Jacob Schurman ay
naniniwalang kailangan ng Ingles sa edukasyong primary. Nagtakda
ang komisyon ng Batas Blg. 74 noong ika- 21 ng Marso, 1901 na
nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang
gagawing wikang panturo.
• Hindi naging madali para sa nagsipagturo ang paggamit agad ng
Ingles sa mga mag- aaral sa ikiuunawa nila ng tinatawag na “R”
(reading, writing, arithmetic).Hindi maiwasan ng mga guro ang
paggamit ng bernakular sa kanilang pagpapaliwanang sa mga mag-
aaral.Naging dahilan ito upang ang Superintende Heneral ng
paaralan ay magbigay ng rekomendasyon sa Gobernador Militar na
ipagamit ang bernakular bilang wikang panturo. Pinagtibay naman
Lupon ng Superyor na Tagapayo ang resolusyon sa paglilimbag ng
mga librong pamprinarya na Ingles- Ilokano, Ingles- Tagalog, Ingles-
Bisaya, at Ingles- Bikol.
• Noong 1906, pinagtibay ang isang kurso sa wikang
Tagalog para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa
panahon ng bakasyon ng mga mag- aaral. Nang
sumunod na ang ilang taon, may ipinakilalang bill sa
Asemblea na nagmumungkahi sa paggamit ng mga
dayalekto sa pambayang paaralan ngunit ito ay hindi
ipinagtibay. Nang mapitang ang direktor ng Kawanihan
ng Edukasyon, napalitan din ang pamamalakad at
patakaran. Ipinahayag ng bagong direktor na wikang
Ingles lamang ang gagamiting wikang panturo at
ipnagbawal ang paggamit ng bernakular.
• Naniniwala ang mga kawal na Amerikano na
mahalagang maipalaganap agad sa kapuluan
ang wikang Ingles upang madaling
magkaunawaan ang mga Pilipino at
Amerikano. Mga sundalo ang unang
nagsipagturo ng Ingles at sumumusnod ang
grupong kinikilala sa tawag na Thomasites.
Noong taong 1931, ang Bise Heneral George
Butte ay nagpahayag ng kanyang panayam
ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo
sa unang apat na taong pag- aaral at sinabi
niya na hindi magiging wikang pambansa ng
mga Pilipino ang Ingles sapagkat hindi ito ang
wikang tahanan. Sumang-ayon sa kaya si
Jeorge Bacobo at Maximo Kalaw. Ngunit
matibay ang pananalig ng Pambayang
Paaralann na nararapat lamang na Ingles ang
ituro sa pambayang paaralan.
MGA DAHILAN SA PAGTAGUYOD NG
WIKANG INGLES
• a. Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay mag- resulta sa suliraning
administratibo. Ang mga mag- aaral ay mahirapang limipat sa isang pook ng
kapuluan sa kadahilanang iba- iba ang itinuturong wika sa ibang rehiyon.
• b. Ang paggamit ng iba’t- ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang
ng rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo.
• c. Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular
• d. Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay mag- resulta sa suliraning
administratibo. Ang mga mag- aaral ay mahirapang limipat sa isang pook ng
kapuluan sa kadahilanang iba- iba ang itinuturong wika sa ibang rehiyon.
• e. Ang paggamit ng iba’t- ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang
ng rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo.
• f. Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular
MGA DAHILAN SA PAGTAGUYOD NG
WIKANG BERNAKULAR
• a. Walumpung porsiyento ng mag-aaral ang nakaabot ng hanggang ikalimang grado
lang kaya pagsasayang lamang ng panhon at pera ang pagtuturo sa kanila na walang
kinalaman sa kanilang sosyal at praktikal na pamumuhay.
• b. Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo ng
primary.
• c. Kung kailangan talagang linagin ang wikang komon sa Pilipinas, nararapat lamang na
Tagalog ito sapagkat isang porsiyento lamang ng tahanang Pilipino ang gumagamit ng
Ingles.
• d. Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin dahil
hindi naman natuto ang mga mag- aaral kung paano nila malulutas ang mga problemang
kakaharapin nila sa kanilang pang- araw- araw na pamumuhay.
• e. Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng
nasyonalismo. Bagama’t hindi pa na kakamtam ng Pilipinas ang kasarinlan, naniniwala sila
ang kalayaan ay kailangan sa paglinang ng isang nasyonal na personalidad.
• f. Nararapat lamang na magsasagawa ng mga bagay para sa
ikakabuti ng lahat katulad ng paggamit ng bernakular. Ang
pagkakaroon ng malaking gastos upang malinang ang pagtuturo
ng Ingles ay hindi dapat idahilan sapagkat alam naman nilang
hindi ito magbubunga nang mabuti.
• g. Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles
ang mga Pilipino. Nakakalungkot isipinng ang magiging
kontribusyon ng Pilipino sa pandaigdigang panitikan ay nakasulat
sa wikang Ingles.
• h. Hindi na nangailangan ng mga kagamitang panturo upang
magamit ang bernakular, kailangan lamang itong pasiglahin.
Mga Alintuntunin sa Pagtaguyod ng Wikang
Ingles
• a. Paghahanap ng guro na Amerikano lamang
• b. Pagsasanay sa mga Pilipinong maaring magturo ng Ingles at iba pang aralin
• c. Pagbibigay diin o tuon sa asignturang Ingles sa kurikulum sa lahat na antas ng
edukasyon
• d. Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng paaralan
• e. Pagsasalin ng teksbuk sa wikang Ingles
• f. Paglahatala ng mga pahayagang local para magamit sa paaralan
• g. Pag- alis at pagbabawal ng wikang Espanyol sa paaralan.
• Nagsagawa ang mga Amerikano ng mga pag-aaral ,
eksperimento, at sarbey na ginawa nina Najeeb Mitri
Saleeby at ng Educational Survey Commission na
pinamumunuan ni Dr. Paul Moroe, natuklasan nila ang
kakayahang makaintindi ng mga kabataang Pilipino ay
napakahirap tayahin kung ito ba ay hindi nila malilimutan
paglabas nila ng paaralan. Sa madaling salita, kahit na
napakahusay ng maaring pagtuturo sa wikang Ingles ay
hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahlia ang mga
Pilipino ay may kaniya-kaniyang bernakular na
nananatiling ginagamit sa kanilang tahanan at sa iba
pang pang-araw-araw na gawain.
• Makikita ang mga duda ni Saleeby hinggil sa gamit ng Ingles sa
pagtuturo sa ulat ng 1925 Monroe Survey Commission. Sa
kadahilanang maraming bata ang huminto sap ag-aaral sa loob
ng limang taon, nasasayang lamang ang malaking gastos upang
makapagdala ng mga Amerikanong guro upang magturio ng
wikang Ingles dahil hindi mapapantayan ng isang Pilipinong
sinanay na magturo ng wika ang kakayahang magturo ng Ingles
ng isang Amerikano. Suportado ni Joseph Ralston Hayden, Bise
Gobernador ng Pilipinas noong 1933 hanggang 1935, ang
Sistemang Amerikano ng edukasyon, ngunit tinanggap din niyang
wikang katutubo ang ginagamit ng karaniwang Pilipino kapag
kailangang mag-Ingles. Iginiit din ni Saleeby na makabubuti an
gmgakaroon ng wikang hango sa katutubong wika nang sa gayun
ay maging malaya at mas epektibo ang paraan ng edukasyon
• Noong nagkaroon ng Kumbensiyong Konstitusiyonal, naging paksa ang
pagpili sa wikang pambansa. Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga
wikang ginagamit na nararapt na maging wikang pambansa. Ang panukala
ay sinisugan naman ni Pangulong Manuel L. Quezon na siyang pangulo ng
Pamahalaang Komenwelt ng Pilipinas. Nakasaad ang probisyong pangwika s
Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas 1935. Nilikha ng Batasang
Pambansa ang Bats Komonwelt Blg. 184 na nagsasaad na opisyal na
pagklikha sa Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre,1936.
Ang tungkukin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay, at alintuntunin na
magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas. Napili nila a
ng Tagalog bilag batayan ng wikang tatawaging Wikang
Pambansa.Ipinalabas noong 1937 ni Pangulong Quezon ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng
wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa.
SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA
TANONG.
• Paano nabago ng pananakop na mga Amerikano ang sitwasyong pangwika ng
Pilipinas?
• Ano ang nagging kalagayan ng wikang Tagalog noong panahon ng mga
Amerikano?
• Ano-amo ang mga dahilan ng mga tagapagtaguyod sa paggmit ng wikang Ingles?
Sang-ayon ka ba sa kanilang dahilan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
• Masasabi mo bang mapanganib ang wikang Tagalog noong panahon ng mga
Amerikano? Bakit?
• Makatwiran lang bang hindi wikang Ingles ang nagging wikang pambansa?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
PANAHON NG MGA HAPONES
• Noong panahon ng mga Hapones
nagkaroon ng pagsulong ang wikang
pambansa. Sa pagnanais na burahin ang
anumang impluwensiya ng mga
Amerikano, ipnagbawal ang paggamit ng
Ingles sa anumang aspekto ng
pamumuhay ng mga Pilipino. Maging ang
paggamit ng lahat ng mga aklat at
peryodiko tungkol sa wikang tagalog, sa
pagsulat ng mga akdang pampanitikan.
Masasbing ito ang panahon na mayagpag
ang panitikang Tagalog
•Sa panahong ito, ipnatupad ang sumusunod:
•Ordinansa Militar Blg. 13. Ipinatupad ito na nag-
uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at
ang wikang Hapones (Nihonggo).
•Philippine Executive Commission. Ipinatupad ito
upang maitagayod din ang patakarang militar ng
mga Hapones pati na rin ang propagandang
kultura sa pamumuno ni Jose Vargas at
nagpatupad ang komisyong ito ng mga
pangkalahatang kautusan na tinatawag na
Japanese Imperial Forces.
• Pagkaraan lamang ng ilang buwang pananakop ng mga
Hapones ay binuksan muli ang paaralang bayan sa lahat ng
antas. Itinuro ang wikang Nihonggo sa lahat, ngunit
binigyang- diin ang paggamit ng Tagalog upang maalis na
ang paggamitng wikang Ingles. Ang Gobyerno Militar ay
nagturo ng Nihonggo sa mga guro ng paaralang bayan.
Sinusuri ang kakayahan ng guro sa wikang Nihonggo upang
kapag sila ay naging bihasa na ay sila naman ang magtuturo.
Ang mga nasipagtapos ay binigyan ng katibayan upang
maipakita ang kanilang kakayahansa wikang Niponggo. Ang
katibayan ay may tatlong uri: Junior, Intermediate, at Senior.
• Sa panahong ito isinilang ang KALIBAPI (Kapisanan ng
Paglilingkod sa Bagong Pilipinas). Ang pagbubuti ng
edukasyon at moral na henerasyon at pagpapalakas at
pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng
Imperyong Hapones ang mga layunin ng kapisang ito. Si
Benigno Aquino ang nahirang na direktor nito.
Pangunahing proyekto ng kapisanan ang
pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa buong kapuluan.
Katulong nila sa proyektong ito ang SWP. Ang mga
nasipagtapos ay binigyan ng katibayan upang maipakita
ang kanilang kakayahansa wikang Niponggo. Ang
katibayan ay may tatlong uri: Junior, Intermediate, at
Senior.
• Noong panahong iyon, maraming debate tungkol sa wika ang
nagsulputan. Nagkaroon ng usapin sa pagitan ng mga tagataguyod ng
wikang pambansa at liberal na aral sa tradisyon ng Amerikano. Hindi
naman ito lantarang ipinakita dahil ang bayan ay nasa ilalim ng Batas
Militar. Noong panahon ng Hapones naging masigla ang talakayan
tungkol sa wika. May tatlong pangkat ang namayagpag sa usaping
pangwika mula kina Lope K. Santos, Carlos Ronquillo, at N. Sevilla at G.
E. Tolentino.
• Sa pagnanais ng mga Hapones na itaguyod
ang Wikang Pambansa ay binuhay ang
Surian ng Wikang Pambansa noong
panahong iyon. Si Jose Villa Panganiban ay
nagturo ng Tagalog sa mga Hapones at di
Tagalog. Para sa madaling ikatuto ng
kanyang mga mag- aaral ay gumawa siya ng
kanyang tinatawag na “A Shortcut to the
National Language.”
• Hindi maikakailang sa panahon ng mga
Hapones nagkaroon ng masiglang talakayan
tungkol sa wika. Marahil na rin sa
pagbabawal ng mga Hapones na tangkilikin
ang wkang Ingles. Noong mga panahong ito
napilitan ang mga bihasa sa wikang Ingles na
matuto ng Tagalog at sumulat gamit ang
wikang ito.
•Dios Mabalos”
( Salita sa Bicol na ang ibig sabihin )
“salamat”

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Pagpapangkat ng mga wika sa Pilipinas
Pagpapangkat ng mga wika sa PilipinasPagpapangkat ng mga wika sa Pilipinas
Pagpapangkat ng mga wika sa PilipinasJesseca Aban
 
Mga teorya at tungkulin ng wikang filipino
Mga teorya at tungkulin ng wikang filipinoMga teorya at tungkulin ng wikang filipino
Mga teorya at tungkulin ng wikang filipinocessai alagos
 
Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoAirez Mier
 
Mga Heograpikong Barayti sa Pilipinas
Mga Heograpikong Barayti sa PilipinasMga Heograpikong Barayti sa Pilipinas
Mga Heograpikong Barayti sa PilipinasEdlyn Nacional
 
Antas ng wika (MOST UNDERSTANDABLE)
Antas ng wika (MOST UNDERSTANDABLE)Antas ng wika (MOST UNDERSTANDABLE)
Antas ng wika (MOST UNDERSTANDABLE)Paul Ö
 
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang Pagsasalita
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang PagsasalitaPANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang Pagsasalita
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang PagsasalitaJohn Lester
 
Pagsasaling wika report
Pagsasaling wika reportPagsasaling wika report
Pagsasaling wika reportshekinaconiato
 
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02Lerma Sarmiento Roman
 
Posisyong papel tungkol sa mga isyu ng wikang filipino
Posisyong papel tungkol sa mga isyu ng wikang filipinoPosisyong papel tungkol sa mga isyu ng wikang filipino
Posisyong papel tungkol sa mga isyu ng wikang filipinoTEACHER JHAJHA
 
Mga yugto sa pag-unawa ng wika.pdf
Mga yugto sa pag-unawa ng wika.pdfMga yugto sa pag-unawa ng wika.pdf
Mga yugto sa pag-unawa ng wika.pdfRomielyn Beran
 
Kasaysayan ng wikang pambansa sa panahon ng mga katutubo
Kasaysayan ng wikang pambansa sa panahon ng mga katutuboKasaysayan ng wikang pambansa sa panahon ng mga katutubo
Kasaysayan ng wikang pambansa sa panahon ng mga katutuboJeff Austria
 
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilo
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istiloPagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilo
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilojanus rubiales
 
PONEMIKA-KABANATA-IV-FLT-102.pptx
PONEMIKA-KABANATA-IV-FLT-102.pptxPONEMIKA-KABANATA-IV-FLT-102.pptx
PONEMIKA-KABANATA-IV-FLT-102.pptxCarolBenedicto1
 
Kasaysayan ng wika
Kasaysayan ng wikaKasaysayan ng wika
Kasaysayan ng wikajhon_kurt22
 
Kabanata i (ang pagtatamo at pagkatuto sa wika)
Kabanata i (ang pagtatamo at pagkatuto sa wika)Kabanata i (ang pagtatamo at pagkatuto sa wika)
Kabanata i (ang pagtatamo at pagkatuto sa wika)alona_
 

Was ist angesagt? (20)

Pagpapangkat ng mga wika sa Pilipinas
Pagpapangkat ng mga wika sa PilipinasPagpapangkat ng mga wika sa Pilipinas
Pagpapangkat ng mga wika sa Pilipinas
 
Sintaks
SintaksSintaks
Sintaks
 
Mga teorya at tungkulin ng wikang filipino
Mga teorya at tungkulin ng wikang filipinoMga teorya at tungkulin ng wikang filipino
Mga teorya at tungkulin ng wikang filipino
 
Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipino
 
Mga Heograpikong Barayti sa Pilipinas
Mga Heograpikong Barayti sa PilipinasMga Heograpikong Barayti sa Pilipinas
Mga Heograpikong Barayti sa Pilipinas
 
Antas ng wika (MOST UNDERSTANDABLE)
Antas ng wika (MOST UNDERSTANDABLE)Antas ng wika (MOST UNDERSTANDABLE)
Antas ng wika (MOST UNDERSTANDABLE)
 
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang Pagsasalita
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang PagsasalitaPANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang Pagsasalita
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang Pagsasalita
 
Pagsasaling wika report
Pagsasaling wika reportPagsasaling wika report
Pagsasaling wika report
 
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
 
Posisyong papel tungkol sa mga isyu ng wikang filipino
Posisyong papel tungkol sa mga isyu ng wikang filipinoPosisyong papel tungkol sa mga isyu ng wikang filipino
Posisyong papel tungkol sa mga isyu ng wikang filipino
 
Konseptong papel
Konseptong papelKonseptong papel
Konseptong papel
 
Mga yugto sa pag-unawa ng wika.pdf
Mga yugto sa pag-unawa ng wika.pdfMga yugto sa pag-unawa ng wika.pdf
Mga yugto sa pag-unawa ng wika.pdf
 
Kasaysayan ng wikang pambansa sa panahon ng mga katutubo
Kasaysayan ng wikang pambansa sa panahon ng mga katutuboKasaysayan ng wikang pambansa sa panahon ng mga katutubo
Kasaysayan ng wikang pambansa sa panahon ng mga katutubo
 
Ponolohiya.pptx
Ponolohiya.pptxPonolohiya.pptx
Ponolohiya.pptx
 
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilo
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istiloPagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilo
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilo
 
PONEMIKA-KABANATA-IV-FLT-102.pptx
PONEMIKA-KABANATA-IV-FLT-102.pptxPONEMIKA-KABANATA-IV-FLT-102.pptx
PONEMIKA-KABANATA-IV-FLT-102.pptx
 
Kasaysayan ng wika
Kasaysayan ng wikaKasaysayan ng wika
Kasaysayan ng wika
 
F ilipino
F ilipinoF ilipino
F ilipino
 
Kabanata i (ang pagtatamo at pagkatuto sa wika)
Kabanata i (ang pagtatamo at pagkatuto sa wika)Kabanata i (ang pagtatamo at pagkatuto sa wika)
Kabanata i (ang pagtatamo at pagkatuto sa wika)
 
morpolohiya
morpolohiyamorpolohiya
morpolohiya
 

Ähnlich wie kasaysayan ng wika 1.pptx

Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaMga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaReymeloLeonor
 
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaMga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaPatriciaRocolan
 
Teoryang wika
Teoryang wikaTeoryang wika
Teoryang wikaabanil143
 
Ang Pinagmulan ng Wika
Ang Pinagmulan ng WikaAng Pinagmulan ng Wika
Ang Pinagmulan ng WikaREGie3
 
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdfKomunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdfRyanPaulCaalem1
 
Teoriya ng pinagmulan ng mundo
Teoriya ng pinagmulan ng mundoTeoriya ng pinagmulan ng mundo
Teoriya ng pinagmulan ng mundojascalimlim
 
komunikasyon-Powerpoint.pptx
komunikasyon-Powerpoint.pptxkomunikasyon-Powerpoint.pptx
komunikasyon-Powerpoint.pptxDParallag
 
Mga-teorya-sa-pinagmulan-ng-Wika (2).pptx
Mga-teorya-sa-pinagmulan-ng-Wika (2).pptxMga-teorya-sa-pinagmulan-ng-Wika (2).pptx
Mga-teorya-sa-pinagmulan-ng-Wika (2).pptxNormanMisoles
 
AP-5-MGA-TEORYA-SA-PANDARAYUHAN-NG-MGA-AUSTRONESYANO.pptx
AP-5-MGA-TEORYA-SA-PANDARAYUHAN-NG-MGA-AUSTRONESYANO.pptxAP-5-MGA-TEORYA-SA-PANDARAYUHAN-NG-MGA-AUSTRONESYANO.pptx
AP-5-MGA-TEORYA-SA-PANDARAYUHAN-NG-MGA-AUSTRONESYANO.pptxAAMM28
 
Aralin 2 mga teorya sa pinagmulan ng tao sa pilipinas
Aralin 2 mga teorya sa pinagmulan ng tao sa pilipinasAralin 2 mga teorya sa pinagmulan ng tao sa pilipinas
Aralin 2 mga teorya sa pinagmulan ng tao sa pilipinasJustine Therese Zamora
 
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng taoMga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng taoFrancine Beatrix
 
wikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdfwikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdfhyperpj80
 

Ähnlich wie kasaysayan ng wika 1.pptx (20)

Pinagmulan ng wika
Pinagmulan ng wikaPinagmulan ng wika
Pinagmulan ng wika
 
PPT KOM ARALIN 6.pptx
PPT KOM ARALIN 6.pptxPPT KOM ARALIN 6.pptx
PPT KOM ARALIN 6.pptx
 
fylet philo komu.pptx
fylet philo komu.pptxfylet philo komu.pptx
fylet philo komu.pptx
 
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaMga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
 
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaMga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
 
Teoryang wika
Teoryang wikaTeoryang wika
Teoryang wika
 
Ang Pinagmulan ng Wika
Ang Pinagmulan ng WikaAng Pinagmulan ng Wika
Ang Pinagmulan ng Wika
 
cupdf.com_teoryang-pangwika.pptx
cupdf.com_teoryang-pangwika.pptxcupdf.com_teoryang-pangwika.pptx
cupdf.com_teoryang-pangwika.pptx
 
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdfKomunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
 
Teoriya ng pinagmulan ng mundo
Teoriya ng pinagmulan ng mundoTeoriya ng pinagmulan ng mundo
Teoriya ng pinagmulan ng mundo
 
komunikasyon-Powerpoint.pptx
komunikasyon-Powerpoint.pptxkomunikasyon-Powerpoint.pptx
komunikasyon-Powerpoint.pptx
 
pwrpt_wika_v1.pptx
pwrpt_wika_v1.pptxpwrpt_wika_v1.pptx
pwrpt_wika_v1.pptx
 
WIKA.pptx
WIKA.pptxWIKA.pptx
WIKA.pptx
 
Untitled-Presentation.pdf
Untitled-Presentation.pdfUntitled-Presentation.pdf
Untitled-Presentation.pdf
 
Mga-teorya-sa-pinagmulan-ng-Wika (2).pptx
Mga-teorya-sa-pinagmulan-ng-Wika (2).pptxMga-teorya-sa-pinagmulan-ng-Wika (2).pptx
Mga-teorya-sa-pinagmulan-ng-Wika (2).pptx
 
AP-5-MGA-TEORYA-SA-PANDARAYUHAN-NG-MGA-AUSTRONESYANO.pptx
AP-5-MGA-TEORYA-SA-PANDARAYUHAN-NG-MGA-AUSTRONESYANO.pptxAP-5-MGA-TEORYA-SA-PANDARAYUHAN-NG-MGA-AUSTRONESYANO.pptx
AP-5-MGA-TEORYA-SA-PANDARAYUHAN-NG-MGA-AUSTRONESYANO.pptx
 
Aralin 2 mga teorya sa pinagmulan ng tao sa pilipinas
Aralin 2 mga teorya sa pinagmulan ng tao sa pilipinasAralin 2 mga teorya sa pinagmulan ng tao sa pilipinas
Aralin 2 mga teorya sa pinagmulan ng tao sa pilipinas
 
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng taoMga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
 
W ikapptx
W ikapptxW ikapptx
W ikapptx
 
wikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdfwikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdf
 

Mehr von KrizelEllabBiantan

AGENDA-FILIPINO-REPORT-GROUPbbbbbbbbbbbbbb-6.pptx
AGENDA-FILIPINO-REPORT-GROUPbbbbbbbbbbbbbb-6.pptxAGENDA-FILIPINO-REPORT-GROUPbbbbbbbbbbbbbb-6.pptx
AGENDA-FILIPINO-REPORT-GROUPbbbbbbbbbbbbbb-6.pptxKrizelEllabBiantan
 
TALUMPATI.pptx,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,hhhhhhhhhhhhhhhhhhh
TALUMPATI.pptx,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,hhhhhhhhhhhhhhhhhhhTALUMPATI.pptx,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,hhhhhhhhhhhhhhhhhhh
TALUMPATI.pptx,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,hhhhhhhhhhhhhhhhhhhKrizelEllabBiantan
 
Bionote-reporting-in-filar.pptxggggggggggggggggggggg
Bionote-reporting-in-filar.pptxgggggggggggggggggggggBionote-reporting-in-filar.pptxggggggggggggggggggggg
Bionote-reporting-in-filar.pptxgggggggggggggggggggggKrizelEllabBiantan
 
PANUKALANG PROYEKTO_1ssssssssss15811.pptx
PANUKALANG PROYEKTO_1ssssssssss15811.pptxPANUKALANG PROYEKTO_1ssssssssss15811.pptx
PANUKALANG PROYEKTO_1ssssssssss15811.pptxKrizelEllabBiantan
 
TALUMPATI final.pptxkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk
TALUMPATI final.pptxkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkTALUMPATI final.pptxkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk
TALUMPATI final.pptxkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkKrizelEllabBiantan
 
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.ppcccccccddctx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.ppcccccccddctxKATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.ppcccccccddctx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.ppcccccccddctxKrizelEllabBiantan
 
000000000000000000000000000AGENDA-FILIPINO-REPORT-GROUP-6.pptx
000000000000000000000000000AGENDA-FILIPINO-REPORT-GROUP-6.pptx000000000000000000000000000AGENDA-FILIPINO-REPORT-GROUP-6.pptx
000000000000000000000000000AGENDA-FILIPINO-REPORT-GROUP-6.pptxKrizelEllabBiantan
 
Module akademics.pdfkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk
Module akademics.pdfkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkModule akademics.pdfkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk
Module akademics.pdfkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkKrizelEllabBiantan
 
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pkkkkkkkkkptx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pkkkkkkkkkptxKATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pkkkkkkkkkptx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pkkkkkkkkkptxKrizelEllabBiantan
 
FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK SUMMATIVE TEST- #.pptx
FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK      SUMMATIVE TEST- #.pptxFILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK      SUMMATIVE TEST- #.pptx
FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK SUMMATIVE TEST- #.pptxKrizelEllabBiantan
 
Bionote-FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIK
Bionote-FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIKBionote-FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIK
Bionote-FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIKKrizelEllabBiantan
 
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pptx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pptxKATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pptx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pptxKrizelEllabBiantan
 
Filipino-sa-Piling-Larangan.pdf
Filipino-sa-Piling-Larangan.pdfFilipino-sa-Piling-Larangan.pdf
Filipino-sa-Piling-Larangan.pdfKrizelEllabBiantan
 
Fil-211-Report-Code-of-ethics-Chavez.pptx
Fil-211-Report-Code-of-ethics-Chavez.pptxFil-211-Report-Code-of-ethics-Chavez.pptx
Fil-211-Report-Code-of-ethics-Chavez.pptxKrizelEllabBiantan
 
Mga-Konsiderasyon-sa-Mabisang-Komunikasyon.pptx
Mga-Konsiderasyon-sa-Mabisang-Komunikasyon.pptxMga-Konsiderasyon-sa-Mabisang-Komunikasyon.pptx
Mga-Konsiderasyon-sa-Mabisang-Komunikasyon.pptxKrizelEllabBiantan
 
Mga-Makrong-Kasanayan-slide.pptx
Mga-Makrong-Kasanayan-slide.pptxMga-Makrong-Kasanayan-slide.pptx
Mga-Makrong-Kasanayan-slide.pptxKrizelEllabBiantan
 

Mehr von KrizelEllabBiantan (20)

AGENDA-FILIPINO-REPORT-GROUPbbbbbbbbbbbbbb-6.pptx
AGENDA-FILIPINO-REPORT-GROUPbbbbbbbbbbbbbb-6.pptxAGENDA-FILIPINO-REPORT-GROUPbbbbbbbbbbbbbb-6.pptx
AGENDA-FILIPINO-REPORT-GROUPbbbbbbbbbbbbbb-6.pptx
 
TALUMPATI.pptx,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,hhhhhhhhhhhhhhhhhhh
TALUMPATI.pptx,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,hhhhhhhhhhhhhhhhhhhTALUMPATI.pptx,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,hhhhhhhhhhhhhhhhhhh
TALUMPATI.pptx,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,hhhhhhhhhhhhhhhhhhh
 
Bionote-reporting-in-filar.pptxggggggggggggggggggggg
Bionote-reporting-in-filar.pptxgggggggggggggggggggggBionote-reporting-in-filar.pptxggggggggggggggggggggg
Bionote-reporting-in-filar.pptxggggggggggggggggggggg
 
PANUKALANG PROYEKTO_1ssssssssss15811.pptx
PANUKALANG PROYEKTO_1ssssssssss15811.pptxPANUKALANG PROYEKTO_1ssssssssss15811.pptx
PANUKALANG PROYEKTO_1ssssssssss15811.pptx
 
TALUMPATI final.pptxkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk
TALUMPATI final.pptxkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkTALUMPATI final.pptxkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk
TALUMPATI final.pptxkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk
 
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.ppcccccccddctx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.ppcccccccddctxKATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.ppcccccccddctx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.ppcccccccddctx
 
000000000000000000000000000AGENDA-FILIPINO-REPORT-GROUP-6.pptx
000000000000000000000000000AGENDA-FILIPINO-REPORT-GROUP-6.pptx000000000000000000000000000AGENDA-FILIPINO-REPORT-GROUP-6.pptx
000000000000000000000000000AGENDA-FILIPINO-REPORT-GROUP-6.pptx
 
Module akademics.pdfkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk
Module akademics.pdfkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkModule akademics.pdfkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk
Module akademics.pdfkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk
 
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pkkkkkkkkkptx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pkkkkkkkkkptxKATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pkkkkkkkkkptx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pkkkkkkkkkptx
 
FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK SUMMATIVE TEST- #.pptx
FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK      SUMMATIVE TEST- #.pptxFILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK      SUMMATIVE TEST- #.pptx
FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK SUMMATIVE TEST- #.pptx
 
Bionote-FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIK
Bionote-FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIKBionote-FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIK
Bionote-FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIK
 
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pptx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pptxKATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pptx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pptx
 
Filipino-sa-Piling-Larangan.pdf
Filipino-sa-Piling-Larangan.pdfFilipino-sa-Piling-Larangan.pdf
Filipino-sa-Piling-Larangan.pdf
 
Maligayang pagbati!.pptx
Maligayang pagbati!.pptxMaligayang pagbati!.pptx
Maligayang pagbati!.pptx
 
Fil-211-Report-Code-of-ethics-Chavez.pptx
Fil-211-Report-Code-of-ethics-Chavez.pptxFil-211-Report-Code-of-ethics-Chavez.pptx
Fil-211-Report-Code-of-ethics-Chavez.pptx
 
ALBITOFLORES.pptx
ALBITOFLORES.pptxALBITOFLORES.pptx
ALBITOFLORES.pptx
 
FOUNDATION OF EDUCATION.pptx
FOUNDATION OF EDUCATION.pptxFOUNDATION OF EDUCATION.pptx
FOUNDATION OF EDUCATION.pptx
 
Mga-Konsiderasyon-sa-Mabisang-Komunikasyon.pptx
Mga-Konsiderasyon-sa-Mabisang-Komunikasyon.pptxMga-Konsiderasyon-sa-Mabisang-Komunikasyon.pptx
Mga-Konsiderasyon-sa-Mabisang-Komunikasyon.pptx
 
Kaalamang-Sintaktik.pptx
Kaalamang-Sintaktik.pptxKaalamang-Sintaktik.pptx
Kaalamang-Sintaktik.pptx
 
Mga-Makrong-Kasanayan-slide.pptx
Mga-Makrong-Kasanayan-slide.pptxMga-Makrong-Kasanayan-slide.pptx
Mga-Makrong-Kasanayan-slide.pptx
 

Kürzlich hochgeladen

Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxRoselynGabatHernande
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxSummary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxShynaNorraineDestura
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointbinuaangelica
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxdhanjurrannsibayan2
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Taxdavidsonfadera
 

Kürzlich hochgeladen (20)

Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxSummary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
 

kasaysayan ng wika 1.pptx

  • 1. ARALIN 5: KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA (UNANG BAHAGI)
  • 2. ANG PINAGMULAN NG WIKA Ang mga lingguwistang nag-aral at nagsuri ng wika ay nakakalap ng iba’t ibang teorryang maaring magbigay linaw sa painagmulan ng wika. Ang ila sa mga ito ay makikita sa ibaba.
  • 3. PINAGMULAN SA BANAL NA PAGKILOS NG PANGINOON • Pinagmulan sa Banal na Pagkilos ng Panginoon • Ang mga teolohgo ay naniniwalang ang pinagmulan ng wika ay matatagpuan sa banal na aklat. Sa Genesis 2:20 naisulat na ““At ipinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat ganid sa parang.” Ayon sa bersong ito, magagamit kasabay ng pagkalalang sa tao ay ang pagsilang din ng wika na ginagamit sa pakikipagtalastasan. • (Basahin ang Genesis 11-1-9 Ang Bagong Magandang Balita Bibliya)
  • 4. Tore ng Babel Tore ng Babel • Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita.
  • 5. EBOLUSYON • Ayon sa antropologo, masasabi raw na sa pagdaan ng panahonang mga tao ay nagkakaroon ng mas sopistikadong pag-iisip. Umuunlad ang kakayahanng taong tumuklas ng mga bagay na kakailanganin nila upang mabuhay kaya sila au nakadiskubre ng mga wikang kanilang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Sa huling bahagi ng ika-12 siglo, ang mga iskolra ay nagsimulang mag-usisa kung paanong ang tao nagkakaroon ng mga wika. Nagsulputan ang sumusunod na mga teoryang nagtatangkang ipaliwanag ang pinamulan ng wika.
  • 6. Mga Teorya ng Wika • Teoryang Ding Dong • Ang wika ay nagmula raw sa panggagaya ng mga dahilan ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan. Sinasabing ang mga paggaya sa mga tunog ng kalikasan ay bunga ng kawalan ng kaalaman sa mga salita ng mga saunang tao. Ipinapakita sa teoryang ito na ang lahat na bagay ay may sariling tunog na maaring gamitin upang pangalanan ang isang bagay na iyon. • Halimbawa: • Boom- tunog ng pagsabog • Splash- paghampas ng tubig sa isang bagay • Whoosh- sa pag- ihip ng hangin
  • 7. TEORYANG BOW-WOW • Ang wika raw ay nagmula sa paggaya ng sinaunang tao sa mga tunog na nililikha ng mga hayop. Pinaniniwalaang nabuo ng mga primitibong tao ang knilang mg unang salita sa panggagaya sa mga ito. Sinasabi pang kaggaya ng mga sanggol na nag- uumpisang magsalita, ginagaya ng mga ito ang mga tunog ng kanilang naririnig. • Halimbawa: • bow- wow para sa aso • ngiyaw para sa pusa • kwak- kwak para sa pato • moo para sa baka
  • 8. TEORYANG POOH-POOH •Ang wika ay nagmula raw sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang nakarandaman sila ng masidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sarap, kalungkutan, at pagkabigla. •Halimbawa: • Ang patalim ay tinatawag na ai- ai sa Basque sa kadahilanang ai- ai ang winika kapag nasaktan. (Ai- ai- “aray”
  • 9. TEORYANG TA-TA • Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila. Ito raw ay naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumilikha ng tunog at matutong magsalita. • Halimbawa: • Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
  • 10. TEORYANG YO-HE-HO • Batay sa teoryang ito, ang wika ay nabuo mula sa pagsama- sama, lalo na kapag nagtatrabaho nang magkakasama. Ang mga tunog o himig na namumutawi sa bibig ng tao kapag sila ay nagtatrabaho nang sama- sama ay sinasabing pinagmulan ng wika. • Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?
  • 11. TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY • Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. • Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
  • 12. TEORYANG YUM-YUM •Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika
  • 13. •Kasaysayan ng Wikang Katutubo • Sa unang bahagi ng araling ito ay natutuhan mo ng iba’t ibang teoryang nagtatangkang ipaliwanag ang pinagmulan ng wika. Ngayon naman ay malalaman natin ang pinamulan ng ating wikang pambansa. Maraming tanong ang sasagutinng paglalahad ng kasaysayang ito. Bago pa man ito italaga bilang wikang pambansa ay marami na rin itong pinagdaanan. Ating alamin alamin aang kasaysayan ng wikang pambasa.
  • 14. Panahon ng katutubo •1. Teoryang Pandarayuhan Kilala ang teoryang ito sa taguriang wave migration theory na pinasikat ni Dr. Henry Otley Bayer. Siya ay niniwala na may tatlong pangkat na dumating sa Pilipinas na nagpagsimula ng lahing Pilipino. Ito ay ang ay ang mga grupo ng:
  • 16. • Nasira ang teorya ni Bayer nang matagpuan ng pangkat ng arkeologo ng pambansang Museo ng Pilipina sa pangungununa ni Dr. Robert B. Fox ang harap ng bungo at isang buro ng panga sa yungib ng Tabon ng Palawan noong 1962. Ang natagpuang bungong ito ng tao ang nagpatunay na mas unang dumating sa Pilipinas ang tao kasya sa Malaysia na sinasabing siyang pinaggalilingan ng mga tao
  • 17. •Ito ang tawag sa labi na natagpuan sa loob ng yungib ng Tabon na tinatayang may 50, 000 taon na ang nakaraan. Kasama sa nahukay ang ilang kagamitang bato tulad ng chertz, buto ng ibon at paniking nagpapatunay na nabuhay ang mga taong ito sa pagkuha ng pagkain, at mga bakas ng uling na katibayan ng kaalaman sa pagluluto ng pagkain.
  • 18. • Sa makabagong impormasyong nakalap noong 1962, lumabas ang unang nagkaroon ng tao sa Pilipinas kaysa sa Malaysia at sa Indonesia.Pinatunayan ito nina Landa Jocano at ng mga mananaliksik ng National Museum na ang bungong natagpuan ay kumakatawan sa unang lahi sa Pilipinas. Ayon sa kanilang pagsusuri, ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong peking, (Homo Sapiens) at Taong Java (Homo Erectus)
  • 19. •Ngunit makalipas ang ilang taon ay natagpuan ni Dr. Armand Mijares ng isang buto ng paa na sinasabing mas matanda pa sa isang taong Tabon sa kweba ng Callo, Cagayan na sinasabing nabuhay nang 67, 000 taon na ang nakalipas.
  • 20. TEORYA NG PANDARAYUHAN MULA SA REHIYONG AUSTRONESYANO •Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang Pilipino ay nagmula sa lahing Austronesyano na hinango sa salitang Latin na “auster” na nangangahugang southwind at “nesos” na ang ibig sabihin ay isla.
  • 21. AYON KAY WILHEIM SOLHEIM, NAGMULA ANG AUSTRONESYANO SA MGA ISLA NG SULU AT CELEBES NA TINATAWAG NA NUSANTAO NA NAGKALAKALAN, MIGRASYON, AT NAG- ASAWA AT KUMALAT SA IBA’T- IBANG PANIG NG REHIYON.
  • 22. • Kinikilala ang Pilipino bilang unang nakatuklas ng bangkang may katig bilang pinakaunang Austronesian. Sa paglipas ng panahon ay naging makabago ang pamamaraan ng paglalayag ng mga Pilipino na siyang naging dahilan ng pagkalat ng lahing Austronesian sa iba’t- ibang panig ng daigdig tulad ng Timog- Silangang Asya, Australia, New Zealand, Timog Africa, at Timog AmerikaAyon naman kay Peter Bellwood ng Australia National University, ang Austronesyano ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan na nagtungo sa Pilipinas noong 5 000 BC. Bangkay May Katig
  • 23. • Kinikilala ang Austronesian na nagpaunlad ng pagtatanim ng palay at ng rice terracing na tulad ng Hagdan- hagdang Palayan sa Banawe. Naniniwala ang Austronesian sa mga anito na naglalakbay sa kabilang buhaygayundin ang paglibing sa mga patay sa isang banga tulad ng nagtagpuan sa Manunggul Cave sa Palawan. Banaue Rice Terraces Manunggul Cave
  • 24. • Kung susuriin, batay sa mga nabanggit na mga teorya, ang uang taong nananinirahan sa Pilipinas ay nagtataglay ng ng mga patakarang pangkabuhayan , kultura, at paniniwalang pangrehiyon. Gayundinn, mahihinuha na sila may ay may sarili nang wikang ginagamit bagama’t pinaniniwalaang walang isang wikang nananiig sa Pilipinas noon. Gayunpaman, napatunayang marunong sumulat at magbasa amg mga katutubo. May sinusunod silang pamamaraan ng paggamit ng baybayin nila.
  • 25. • Ito ay nakasulat sa biyas ng kawayang matatagpuan sa Museo ng Aklatang Pambansa at ng Unibersidad ng Santo Tomas. Sinasabing malaking bahagi ng kanilang ginagawa noon ay hindi na matagpuan sapagkat sinunog na ng mga dayuhang Espanyol ang mga ito sa dahilang kagagawan daw ito ng diyablo. Maliban sa dahilang iyon, nabuo sa kanilang sarili na magiging sagabal iyon sa pagpapalaganap nila ng pananampalatayang Katoliko, Larawan ng Baybayin na nasa Biyas ng Kawayan
  • 26. • Ang baybayin ay binubuo ng labimpitong titik- tatlong patinig at labing apat na katinig. Ang baybayin ay binubuo ng labimpitong titik- tatlong patinig at labing apat na katinig. Binibigkas ang katinig na may kasamang tunog na patinig /a/. Kung ag patinig ay biibikasin ng may kasamang patinig na /e/ o /i/ nilalagyan ng tuldok sa itaas, samantalang tuldok sa ibaba naman kung nais isama ay /o/ o /u/. • Gumagamit ang baybayin ng dalawang guhit na pahilis (//) sa hulihan ng pangungusap.
  • 27. PANAHON NG ESPANYOL • Layunin nilang ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang Kristiyanismo. • Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang “BARBARIKO, DI SIBILISADO AT PAGANO” ang mga katutubo noon kaya’t dapat lamang nilang gawing sibilisado ang mga ito sa pamamagitan ng pananampalataya. • Naniniwala ang mga Espanyol noong mga panahong iyon na mabisa ang paggamit ng katututbong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol.
  • 28. • Ang mga PRAYLENG ESPANYOL ang siyang naging institusyon ng Pilipino. • Agustino, Pransiskano, Dominikano, Heswita, At Rekoleto • -mga orden ng misyonaryong Espanyol na nangasiwa nagpalaganap ng relihiyon, patahimikin, at gawing masunurin ang mga Pilipino • Gobernador Tello • -nagmungkahi na turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol • Carlos I at Felipe II • -naniniwalang kailangang maging bilingguwal ng mga Pilipino. at inimungkahi ni Carlos I ang paggamit ng Doctrina Christiana gamit ang wikang Espanyol.
  • 29. • Sa huli napalapit ang mga katutubo sa mga prayle dahil sa wikang katutubo ang ginamit nila samantalang napalayo naman sa pamahalaan dahil sa wikang Espanyol na gamit nila. • Muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng katutubo noong ika – 2 ng Marso 1634. • Nabigo ang nabanggit na kautusan kaya si Carlos I ay lumagda ng isang dekrito na inuulit ang probisyon ng nabanggit na kautusan. Nagtakda din siya ng parusa sa mga hindi susunod dito. • Noong Disyembre 29, 1972, si Carlos IV ay lumagda sa isang dekrito na nag- uutos na gamitin ang wikang Espanyol sa lahat ng paaralang itatag sa pamayanan ng mga Indio. • Sa panahong ito, lalong nagkawatak- watak ang mga Pilipino. Matagumapay na nahati at nasakop ng mga Espanyol ang mga katutubo. Hindi nila itinanim sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis sa kanilang mga damdamin.
  • 30. PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO • Sa panahong ito nagkaroon ng Kilusan ng Propagandista noong 1872 na siyang nagmula ng kamalayan upang maghimagsik. Itinatag din ni Andres Bonifacio ang katipunan. • Ang wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang kautusan at pahayagan. Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa pagtataguyod ng wikang tagalog. • Nang panahong iyon sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino ang kaisipang “isang bansa, isang diwa” laban sa mga Espanyol. • Pinili nila na gamitin ang Tagalog sa pagsulat ng mga sanaysay, tula, kuwento, liham, at mga talumpati sa pamumuno ng damdaming makabayan.
  • 31. • Masisidhing damdamin laban sa mga Espanyol ang pangunahing paksa ng kanilang isinusulat. Kahit si Dr. Jose Rizal at iba pang propagandista na sumulat na gamit ang wikang Espanyol ay nakababatid na ang wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila. • Konstitusyong Biak- na- Bato noong 1899 ang nagpatibay sa na gamitin ang Tagalog bilang wika bagama’t walang nakasaad na ito ang ang magiging wikang pambansa ng Republika. • Nang itinatag ang unang republika sa pamumuno ni Aguinaldo, isinaad sa konstitusyon na ang paggamit ng wikang Tagalog ay opisyal. Doon lamang sa mga gawaing nangangailangan ng paggamit ng wikang Tagalog ito gagamitin
  • 32. ARALIN 6: KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA (IKALAWANG BAHAGI)
  • 33.
  • 34. PANAHON NG MGA AMERIKANO •Pagkatapos ng mga konyalistang Espanyol, dumating naman ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey. Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino. Lalong nabago ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas dahil nadagdag ang wikang Ingles na nagkaroon ng malaking kaugnayan sa buhay ng Pilipino.
  • 35. • Ginamit ang wikang Ingles sa panahon ito na ginamit sa paaralan bilang wikang panturo sa primayra hanggang kolehiyo at wikang pantalastasan. Dahil sa pagnanais na maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting pakikipag- ugnayan, nagkaroon ng pambansang sistemang edukasyon sa kapuluan. Inaasahan na sa sistemang ito, magiging tama ang edukasyon ng mamamayan, masaklaw at magtuturo sa mga Pilipino ng pamamahala sa bayan, at higit sa lahat mabibigyan din sila ng wikang mauunawaan ng lahat para sa mabisang pakikipagtalastasan sa buong kapuluan.
  • 36. • Ang komisyong pinangungunahan ni Jacob Schurman ay naniniwalang kailangan ng Ingles sa edukasyong primary. Nagtakda ang komisyon ng Batas Blg. 74 noong ika- 21 ng Marso, 1901 na nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo. • Hindi naging madali para sa nagsipagturo ang paggamit agad ng Ingles sa mga mag- aaral sa ikiuunawa nila ng tinatawag na “R” (reading, writing, arithmetic).Hindi maiwasan ng mga guro ang paggamit ng bernakular sa kanilang pagpapaliwanang sa mga mag- aaral.Naging dahilan ito upang ang Superintende Heneral ng paaralan ay magbigay ng rekomendasyon sa Gobernador Militar na ipagamit ang bernakular bilang wikang panturo. Pinagtibay naman Lupon ng Superyor na Tagapayo ang resolusyon sa paglilimbag ng mga librong pamprinarya na Ingles- Ilokano, Ingles- Tagalog, Ingles- Bisaya, at Ingles- Bikol.
  • 37. • Noong 1906, pinagtibay ang isang kurso sa wikang Tagalog para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa panahon ng bakasyon ng mga mag- aaral. Nang sumunod na ang ilang taon, may ipinakilalang bill sa Asemblea na nagmumungkahi sa paggamit ng mga dayalekto sa pambayang paaralan ngunit ito ay hindi ipinagtibay. Nang mapitang ang direktor ng Kawanihan ng Edukasyon, napalitan din ang pamamalakad at patakaran. Ipinahayag ng bagong direktor na wikang Ingles lamang ang gagamiting wikang panturo at ipnagbawal ang paggamit ng bernakular.
  • 38. • Naniniwala ang mga kawal na Amerikano na mahalagang maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang Ingles upang madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano. Mga sundalo ang unang nagsipagturo ng Ingles at sumumusnod ang grupong kinikilala sa tawag na Thomasites. Noong taong 1931, ang Bise Heneral George Butte ay nagpahayag ng kanyang panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag- aaral at sinabi niya na hindi magiging wikang pambansa ng mga Pilipino ang Ingles sapagkat hindi ito ang wikang tahanan. Sumang-ayon sa kaya si Jeorge Bacobo at Maximo Kalaw. Ngunit matibay ang pananalig ng Pambayang Paaralann na nararapat lamang na Ingles ang ituro sa pambayang paaralan.
  • 39. MGA DAHILAN SA PAGTAGUYOD NG WIKANG INGLES • a. Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay mag- resulta sa suliraning administratibo. Ang mga mag- aaral ay mahirapang limipat sa isang pook ng kapuluan sa kadahilanang iba- iba ang itinuturong wika sa ibang rehiyon. • b. Ang paggamit ng iba’t- ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo. • c. Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular • d. Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay mag- resulta sa suliraning administratibo. Ang mga mag- aaral ay mahirapang limipat sa isang pook ng kapuluan sa kadahilanang iba- iba ang itinuturong wika sa ibang rehiyon. • e. Ang paggamit ng iba’t- ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo. • f. Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular
  • 40. MGA DAHILAN SA PAGTAGUYOD NG WIKANG BERNAKULAR • a. Walumpung porsiyento ng mag-aaral ang nakaabot ng hanggang ikalimang grado lang kaya pagsasayang lamang ng panhon at pera ang pagtuturo sa kanila na walang kinalaman sa kanilang sosyal at praktikal na pamumuhay. • b. Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo ng primary. • c. Kung kailangan talagang linagin ang wikang komon sa Pilipinas, nararapat lamang na Tagalog ito sapagkat isang porsiyento lamang ng tahanang Pilipino ang gumagamit ng Ingles. • d. Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin dahil hindi naman natuto ang mga mag- aaral kung paano nila malulutas ang mga problemang kakaharapin nila sa kanilang pang- araw- araw na pamumuhay. • e. Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo. Bagama’t hindi pa na kakamtam ng Pilipinas ang kasarinlan, naniniwala sila ang kalayaan ay kailangan sa paglinang ng isang nasyonal na personalidad.
  • 41. • f. Nararapat lamang na magsasagawa ng mga bagay para sa ikakabuti ng lahat katulad ng paggamit ng bernakular. Ang pagkakaroon ng malaking gastos upang malinang ang pagtuturo ng Ingles ay hindi dapat idahilan sapagkat alam naman nilang hindi ito magbubunga nang mabuti. • g. Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino. Nakakalungkot isipinng ang magiging kontribusyon ng Pilipino sa pandaigdigang panitikan ay nakasulat sa wikang Ingles. • h. Hindi na nangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular, kailangan lamang itong pasiglahin.
  • 42. Mga Alintuntunin sa Pagtaguyod ng Wikang Ingles • a. Paghahanap ng guro na Amerikano lamang • b. Pagsasanay sa mga Pilipinong maaring magturo ng Ingles at iba pang aralin • c. Pagbibigay diin o tuon sa asignturang Ingles sa kurikulum sa lahat na antas ng edukasyon • d. Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng paaralan • e. Pagsasalin ng teksbuk sa wikang Ingles • f. Paglahatala ng mga pahayagang local para magamit sa paaralan • g. Pag- alis at pagbabawal ng wikang Espanyol sa paaralan.
  • 43. • Nagsagawa ang mga Amerikano ng mga pag-aaral , eksperimento, at sarbey na ginawa nina Najeeb Mitri Saleeby at ng Educational Survey Commission na pinamumunuan ni Dr. Paul Moroe, natuklasan nila ang kakayahang makaintindi ng mga kabataang Pilipino ay napakahirap tayahin kung ito ba ay hindi nila malilimutan paglabas nila ng paaralan. Sa madaling salita, kahit na napakahusay ng maaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahlia ang mga Pilipino ay may kaniya-kaniyang bernakular na nananatiling ginagamit sa kanilang tahanan at sa iba pang pang-araw-araw na gawain.
  • 44. • Makikita ang mga duda ni Saleeby hinggil sa gamit ng Ingles sa pagtuturo sa ulat ng 1925 Monroe Survey Commission. Sa kadahilanang maraming bata ang huminto sap ag-aaral sa loob ng limang taon, nasasayang lamang ang malaking gastos upang makapagdala ng mga Amerikanong guro upang magturio ng wikang Ingles dahil hindi mapapantayan ng isang Pilipinong sinanay na magturo ng wika ang kakayahang magturo ng Ingles ng isang Amerikano. Suportado ni Joseph Ralston Hayden, Bise Gobernador ng Pilipinas noong 1933 hanggang 1935, ang Sistemang Amerikano ng edukasyon, ngunit tinanggap din niyang wikang katutubo ang ginagamit ng karaniwang Pilipino kapag kailangang mag-Ingles. Iginiit din ni Saleeby na makabubuti an gmgakaroon ng wikang hango sa katutubong wika nang sa gayun ay maging malaya at mas epektibo ang paraan ng edukasyon
  • 45. • Noong nagkaroon ng Kumbensiyong Konstitusiyonal, naging paksa ang pagpili sa wikang pambansa. Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit na nararapt na maging wikang pambansa. Ang panukala ay sinisugan naman ni Pangulong Manuel L. Quezon na siyang pangulo ng Pamahalaang Komenwelt ng Pilipinas. Nakasaad ang probisyong pangwika s Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas 1935. Nilikha ng Batasang Pambansa ang Bats Komonwelt Blg. 184 na nagsasaad na opisyal na pagklikha sa Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre,1936. Ang tungkukin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay, at alintuntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas. Napili nila a ng Tagalog bilag batayan ng wikang tatawaging Wikang Pambansa.Ipinalabas noong 1937 ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa.
  • 46. SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA TANONG. • Paano nabago ng pananakop na mga Amerikano ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas? • Ano ang nagging kalagayan ng wikang Tagalog noong panahon ng mga Amerikano? • Ano-amo ang mga dahilan ng mga tagapagtaguyod sa paggmit ng wikang Ingles? Sang-ayon ka ba sa kanilang dahilan? Ipaliwanag ang iyong sagot. • Masasabi mo bang mapanganib ang wikang Tagalog noong panahon ng mga Amerikano? Bakit? • Makatwiran lang bang hindi wikang Ingles ang nagging wikang pambansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
  • 47. PANAHON NG MGA HAPONES • Noong panahon ng mga Hapones nagkaroon ng pagsulong ang wikang pambansa. Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipnagbawal ang paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Maging ang paggamit ng lahat ng mga aklat at peryodiko tungkol sa wikang tagalog, sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan. Masasbing ito ang panahon na mayagpag ang panitikang Tagalog
  • 48. •Sa panahong ito, ipnatupad ang sumusunod: •Ordinansa Militar Blg. 13. Ipinatupad ito na nag- uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at ang wikang Hapones (Nihonggo). •Philippine Executive Commission. Ipinatupad ito upang maitagayod din ang patakarang militar ng mga Hapones pati na rin ang propagandang kultura sa pamumuno ni Jose Vargas at nagpatupad ang komisyong ito ng mga pangkalahatang kautusan na tinatawag na Japanese Imperial Forces.
  • 49. • Pagkaraan lamang ng ilang buwang pananakop ng mga Hapones ay binuksan muli ang paaralang bayan sa lahat ng antas. Itinuro ang wikang Nihonggo sa lahat, ngunit binigyang- diin ang paggamit ng Tagalog upang maalis na ang paggamitng wikang Ingles. Ang Gobyerno Militar ay nagturo ng Nihonggo sa mga guro ng paaralang bayan. Sinusuri ang kakayahan ng guro sa wikang Nihonggo upang kapag sila ay naging bihasa na ay sila naman ang magtuturo. Ang mga nasipagtapos ay binigyan ng katibayan upang maipakita ang kanilang kakayahansa wikang Niponggo. Ang katibayan ay may tatlong uri: Junior, Intermediate, at Senior.
  • 50. • Sa panahong ito isinilang ang KALIBAPI (Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Pilipinas). Ang pagbubuti ng edukasyon at moral na henerasyon at pagpapalakas at pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng Imperyong Hapones ang mga layunin ng kapisang ito. Si Benigno Aquino ang nahirang na direktor nito. Pangunahing proyekto ng kapisanan ang pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa buong kapuluan. Katulong nila sa proyektong ito ang SWP. Ang mga nasipagtapos ay binigyan ng katibayan upang maipakita ang kanilang kakayahansa wikang Niponggo. Ang katibayan ay may tatlong uri: Junior, Intermediate, at Senior.
  • 51. • Noong panahong iyon, maraming debate tungkol sa wika ang nagsulputan. Nagkaroon ng usapin sa pagitan ng mga tagataguyod ng wikang pambansa at liberal na aral sa tradisyon ng Amerikano. Hindi naman ito lantarang ipinakita dahil ang bayan ay nasa ilalim ng Batas Militar. Noong panahon ng Hapones naging masigla ang talakayan tungkol sa wika. May tatlong pangkat ang namayagpag sa usaping pangwika mula kina Lope K. Santos, Carlos Ronquillo, at N. Sevilla at G. E. Tolentino.
  • 52. • Sa pagnanais ng mga Hapones na itaguyod ang Wikang Pambansa ay binuhay ang Surian ng Wikang Pambansa noong panahong iyon. Si Jose Villa Panganiban ay nagturo ng Tagalog sa mga Hapones at di Tagalog. Para sa madaling ikatuto ng kanyang mga mag- aaral ay gumawa siya ng kanyang tinatawag na “A Shortcut to the National Language.” • Hindi maikakailang sa panahon ng mga Hapones nagkaroon ng masiglang talakayan tungkol sa wika. Marahil na rin sa pagbabawal ng mga Hapones na tangkilikin ang wkang Ingles. Noong mga panahong ito napilitan ang mga bihasa sa wikang Ingles na matuto ng Tagalog at sumulat gamit ang wikang ito.
  • 53. •Dios Mabalos” ( Salita sa Bicol na ang ibig sabihin ) “salamat”