14. SUBUKAN NATIN!
• Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim
Ang lumalakad ng mabagal, kung matinik ay
mababaw.
• Kapag may isinuksok may madudukot.
• Kung walang tiyaga, walang nilaga.
• Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
• Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan
din ang tuloy.
• Kung ano ang puno ay siya ang bunga.
17. SAWIKAIN O IDYOMA
• Ito ay ang mga salita o pahayag na
nagtataglay ng talinghaga. Karaniwang
hindi tiyak ang kahulugang ibinibigay
nito sapagkat may tagong kahulugan ito
patungkol sa iba’t-ibang bagay
18. SAWIKAIN O IDYOMA
Butas ang Bulsa – walang pera
Ilaw ng Tahanan – Nanay o Ina
Nagbibilang ng Poste – walang
trabaho
Ibaon sa hukay – kalimutan
Taingang-kawali – Nagbibingi-bingihan
19. TANDAAN
ANG SAWIKAIN AY….
1. Hindi tuwiran at matalinghaga
2. Pagpapaganda ito ng paraan ng
pagpapahayag
3. Binubuo lamang ng salita o parirala
21. KASABIHAN/KAWIKAAN
• Kahalintulad ng salawikain ay nagbibigay ng
pangaral tungkol sa kilos, gawi at pag-uugali
ng mga tao.
• Kadalasang gumagamit din ito ng sukat at
tugma.
• Hindi nagamit ng matatalinghagang pahayag,
ito ay tahasan, tuwiran at payak ang
pagpapakahulugan.
22. KASABIHAN/KAWIKAAN
• Ang kapalaran hindi man hanapin, dudulog,
lalapit kung talagang akin
• Ang mabuting-ugali, masaganang buhay ang
sukli.
• Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan,
ika’y sasamahan
• Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan ay
hindi maasahan.
25. BUGTONG
• Ito ay mga palaisipan o tanong na may doble
o nakatagong kahulugan
• Ginagamit ito upang mahasa ang mga isip ng
tao
• Sinasalamin dito ang pag-uugali, pang-araw-
araw na pamumuhay at katutubong
kapaligiran ng mga Pilipino
31. Sa iyong palagay, bakit
mahalagang pag-aralan ang iba’t-
ibang panitikan ng ating lahi?
Paano mo mapapanatili at
mapaunlad ang mga panitikang
minana pa sa ating ninuno sa
kasalukuyang panahon?